Chapter 44: Battle Cry VS. Optimal Ace

"WALA ka nang naiwan?" tanong sa akin ni Dion at isinukbit niya na ang Duffle bag sa balikat niya. Paalis na kami para pumunta sa Dome.

This will be a big day for us since last day na ng Summer Cup. Para sa akin na ang grateful ko na dahil sa unang professional tournament na nilabanan ko ay nakapasok kami sa top 6 teams among the top 16 teams na naglaban-laban. It just prove that may ibubuga ang Battle Cry pagdating sa mga tournament.

"Tanong mo 'yan sa sarili mo. Wala ka na bang naiwan?" tanong ko kay Dion dahil sa aming dalawa ay siya ang madalas makalimot ng gamit.

At tsaka, siya ang nagdadala ng duffle bag. Kapag may naiwan, kasalanan niya talaga.

Naglakad na kami pababa at habang naglalakad kami ay kausap ni Gavin ang Tatay niya sa kabilang linya.

"Papa, makapupunta ba kayo mamaya sa Sky Dome? Nagpa-reserve ako ng seats sa management namin. Last day na ng tournament." he said in a happy tone.

"Kain tayo pagkatapos ng laban, Papa—" naputol ang kuwento ni Gavin at napatingin sa phone niya. Mukhang binabaan siya ng tawag.

Hindi pa rin talaga tanggap ng Tatay niya na mahilig sa games si Gavin at isa ito sa mga priority niya sa buhay. Nalungkot si Gavin pero mabilis naman siyang nilapitan nina Oli at Liu.

"Okay lang 'yan, nandiyan naman ang parents ni Kumare. Full support lagi 'yon sa atin. Parang anak tingin sa atin noon." masayang sabi ni Oli at tumingin sa akin. "'Di ba, kumare? Kami ang totoong anak tapos ikaw ang ampon."

"Epal." sagot ko at natawa sila. Pero sa totoo ay sina Oli talaga ang unang hinahanap nila Mom sa tuwing pumupunta sila sa laban.

Hindi naman ako nagagalit o nagtatampo dahil doon. I know that they all support me. At isa pa, ine-extend nila ang pagsuporta kanila Oli. Mas kailangan nila Oli nang suporta ng magulang and masaya ako na nae-experience nila iyon kanila Mom.

Sumakay na kami sa Bus at pumuwesto ako sa tapat ng bintana at tumabi sa akin si Dion.

"Ako diyan." sabi niya.

"Wala na, nauna na ako." biro ko at inis akong tiningnan ni Dion.

"Alam mo na-realize ko na ang dami nating laban ngayon kung gusto nating manalo sa Summer Cup." sabi niya habang tinitingnan ang standing at ang bracket para sa match schedule.

"Bakit? Ilang laban ba if ever?"

"We need to win four consecutive times this day para manalo. Mas marami pa sa matches natin sa mga nakaraang araw." Wow, nakakapagod ang bagay na iyon. Isang match nga lang sa isang araw ay mentally draining na, paano pa kaya ang apat na match.

"Tapos bawal na tayo matalo?" tanong ko.

"Yup. If we lose, we are out." sobrang crucial pala ng situation namin lalo na't nasa lower bracket na kami.

"Optimal Aces ang unang kalaban natin?" I asked and he nodded. Napairap ako sa ere noong makumpirma na sila ang unang kalaban namin.

"Bakit may pag-irap? Kilala mo ba sila?" natatawang tanong ni Dion.

"Wala."

"Wala raw, bakit nga?" tanong niya ulit.

"They bullied me once sa game, kasama si Shannah." kuwento ko sa kanya dahil malinaw na malinaw pa sa isip ko 'yong ginawa noong mga mokong na iyon.

Dion brows crunched. "Bakit hindi ko alam 'yan? Wala ba ako niyan?"

"Wala ka niyan. Pilit nilang kinukuha 'yong Cape ko that time. Buti na lang dumating ang ilang members ng Black Dragon at pinagtanggol ako— especially si Callie." kuwento ko kay Dion at nakinig naman siya sa akin. "Malaki ang ambag ni Callie kung kaya't professional player ako ngayon."

"E 'di crush mo si Callie?"

"Baliw, hindi. Mas gugustuhin ko pang mabawi 'yong perang ninakaw sa PhilHealth kaysa magkagusto kay Callie. Saksakan ng yabang noon, eh." I explained to him at napailing si Dion.

"Gusto mo bang makabawi sa Optimal Ace?" Dion asked.

"Oo naman! Tandang-tanda ko pa 'yong ginawa nila kay Shannah that day. Kahit game lang 'yon." sabi ko kay Dion.

Habang nasa biyahe kami ay biglang bumuhos ang malakas na ulan at napatanaw ako sa labas. "May news ba na uulan?" tanong ko kay Dion. Final day pa naman ng Competition sa Dome.

"Hindi naman ako nanonood ng balita." he answered at naglagay ng U-shape pillow sa leeg niya. "Tulog muna ako saglit." Humalukipkip si Dion at ipinikit ang kanyang mata.

"Guys!" Tumayo si Axel sa gitna ng bus para makuha ang atensiyon namin. Ang reassuring lang dahil nandito na ulit si Axel, kayang-kaya niyang i-motivate ang mga players sa grupo. "Malapit na tayo sa Dome. Make sure na wala kayong maiiwan sa bus."

"Captain!" sigaw ko at napatingin sa akin si Axel. Maging si Dion ay nagulat at nagising. "Puwede ba akong ipasok sa laban against the Optimal Ace?" request ko.

"Bakit?"

"May atraso lang sila sa akin."

Kendrix smiled. "Sub muna sa akin si Milan. Mukhang kailangan niyang gumanti, eh." he chuckled.

"Kabisado mo naman ang plano sa match na ito, hindi ba?" Axel asked.

"Yes, Captain." sagot ko.

Tiningnan kami ni Axel. "Liu..."

"Yes, Captain?"

"Ipapasok din kita sa laban against Optimal Aces." seryosong sabi ni Axel. Siguro ay ramdam niya ang lungkot ni Liu kahapon dahil sa pagkatalo.

"H-Huwag na, Captain, baka matalo lang tayo. Kapag natalo tayo ay—"

"Lalaro ka, Liu. Professional player ka, as a fighter ay malaki ang maitutulong mo sa team sa labang ito." dugtong ni Axel. Napangiti ako, kahit ang crucial na ng sitwasyon namin sa araw na ito ay naniniwala pa rin si Axel sa kakayahan ng bawat isa.

"Pekeng Chinese, kaya mo 'yan!" Kendrix shouted at sumigaw din kami para i-cheer si Liu.

"Liu, lalaro ka," tumango si Axel sa kanya. "Walang patalo na player sa Battle Cry. Naniniwala ako na lahat ng nandito ay may magagawa para manalo tayo. Huwag natin sayangin ang mga araw na ginugol natin sa pagsasanay,"

"Ngayon ay napapansin na ulit tayo ng ibang team. Hindi nila inaasahan na muling lalakas ang Battle Cry. Gulatin ulit natin sila ngayong araw. Maliwanag ba?" tanong ni Axel at ngumiti kaming lahat sa kanya. "Battle Cry..."

"Oy! Oy! OY!" we shouted at malakas na nagpalakpakan.

"We are here." sabi ni Sir Greg. "Madaming tao ngayon sa labas, dire-diretso lang kayong maglakad. Huwag kayong magpapa-picture sa kahit isang fan o pipirma. Iwasan natin ang stampede. After the match natin sila ie-entartain, maliwanag ba?" sigaw ni Sir Greg.

"Yes, Sir!" we answered at binuksan niya na ang pinto ng bus para makababa na kami.

Dahil malakas ang ulan, isinuot namin ang jacket namin na may logo ng Battle Cry sa likod. Sa parking lot pa lang ay marami ng fans ng gaming ang naghihintay sa mga players na darating. Kanya-kanya silang team na sinusuportahan.

Maulan man pero hindi mapigil ang Hunter Online fans. Last day ng Summer Cup at nakakalula ang tao ngayon sa SM North.

Nakapila kaming naglalakad papunta sa Dome. May mga guards na ng mall ang humaharang upang hindi magkaroon ng stampede.

May mga batang nag-abang sa amin sa parking lot tapos may hawak silang notebook para magpa-sign pero hindi puwede. Kapag lumapit ako sa kanila ay magkakagulo nga kung kaya't pakaway-kaway na lang ako sa mga taong nandito.

Pagkarating namin sa standby area ay tinanggal na namin ang mga basang jacket namin. "Grabe! Napakaraming tao ngayon." sigaw ni Oli.

Mula rito sa backstage ay dinig na dinig na ang malakas na sigawan ng mga taong manonood. Sabi ni Sir Greg ay sold out daw ang ticket dahil maraming Hunter Online players ang excited malaman kung sino ang mananalo sa Summer Cup at magkakaroon ng golden ticket papasok sa Season 4 Tournament.

"Sir, may extra ticket ka pa po diyan?" tanong ko dahil nag-text sila Mom na malapit na raw sila. (Kasabay nila sa kotse sina Shannah)

"Oo, nag-reserve ako para sa parents mo. Sabihan mo na lang ako kung malapit na sila. Ako ang susundo sa kanila sa labas." nakangiting sabi ni Sir Greg.

Umupo ako sa tabi ni Dion at ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko. Anytime ay sasalang na kami para sa unang laban namin ngayong araw, kapag natalo pa kami ay ito na rin ang magiging huling laban namin.

"Tingnan mo 'yong twitter," Dion showed me his phone.

Philippines trend

1. #HunterOnlineSummerCup
5.  Rising Hunters
8.  Urban Muskeeters
9.  No Mercy Esports
10. ALTERNATE
12. Battle Cry
13. Optimal Aces
19. Larkin

"Oh my God, seryoso ba 'yan?" Hindi ko makapaniwalang tanong dahil dino-dominate talaga ng Hunter Online ang twitter trendlist ngayon. "Si Oppa Larkin, trending."

"Nagpalit ng hairstyle, eh." naiiling na sabi ni Dion.

"Inggit ka lang, eh." pang-aasar ko.

"Baliw." He scrolled in his twitter feed at may isang private message ang biglang nag-pop sa taas.

@AyameGaming
Good luck sa match nin...

"Huy may nag-chat sa 'yo," sabi ko kay Dion at ini-swipe up niya 'yong message para hindi ko mabasa lahat.

"Wala lang 'yan."

"Alam mo, ang masikreto mo," naiiling kong sabi habang nakangisi. "Hindi naman ako magiging malaking hadlang sa inyo, 'no! Who's the girl? Ipakilala mo sa akin para naman may kakampi na ako sa pang-aasar sa 'yo."

"Wala nga lang 'yon, kulit." he answered, wala daw pero ni-reply-an niya. Tinigil ko na ang pang-aasar kay Dion dahil baka ma-beast mode bigla ang lolo ninyo. Si Oli ang tatanungin ko mamaya kung sino si Ayame Gaming.

Naputol ang pagkukuwentuhan namin noong may isang staff ang kumatok sa standby area namin. "Ready na po tayo. First match will start in 15 minutes."

Inayos ko ang buhok ko at naglagay ng kaunting makeup. Haharap kami sa harap ng maraming tao kung kaya't gusto kong mukha man lang akong presentable.

"Kaya natin 'to, guys!" malakas na sigaw ni Gavin at ngumiti sa amin.

Naglakad na kami papalabas at nakasalubong pa namin sina Sandro (ALTERNATE). "Hoy galingan ninyo!" malakas na sigaw ni Sandro at inapiran kami isa-isa. "Tatalunin pa namin kayo sa finals." natatawa niyang sabi.

"Ulol," pinakyuhan siya ni Gavin at natawa kami. "Kayo ang iiyak sa amin sa finals."

Nagtuloy-tuloy ang announcement noong shoutcaster hanggang sa tinawag niya na kami papasok sa dome.

Nakakabingi ang sigawan ng mga tao. Nakakalula ang dami ng tao sa paligid. Ginoogle ko ang capacity ng Sky dome at kaya nitong mag-accomodate ng 1,500 persons. Imagine! 1,500 ang audience na nanonood sa amin ngayon, hindi pa kasama 'yong mga nanonood via live at mga naghihintay sa labas ng sky dome.

Mas magarbo rin ang lightings at disenyo ng stage dahil na rin sa awarding mamayang hapon. Sa gitna ng stage ay nakapatong sa isang lamesa ang trophy ng Summer Cup. Tanaw na tanaw na mula sa kinatatayuan namin ito at abot-kamay na. We just need to prove that we deserve to win this game.

Pumuwesto na kami sa kanya-kanya naming inclined chair for this match. Nasa kabilang side ang Optimal Aces at mukhang kampante sila na matatalo nila kami.

"Huwag kayong ma-intimidate sa kanila, focus lang tayo sa game. Okay?" Axel shouted. "Stick with our plan."

"Yes, Captain!"

A thunderous cheer from audience hyped the whole dome. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon. We are one step away from lose, and we don't want it to happen.

Isinuot ko ang nerve gear ko at humiga sa inclined chair.

MABILIS akong humiwalay sa mga kasama ko upang magsimulang maglibot upang hanapin ang lokasyon noong kalaban.

[Battle Cry] Nemesis: Mages and Marksmen. Position kayo. Rufus, kay Shinobi ka muna. Stick with our plan. If we can perform this smoothly, it will increase our chance to win this match.

[Battle Cry] Rufus: Yes Captain!

Nakasunod sa akin si Rufus sa pagtakbo, nasa rooftop kami ng mga maliliit na establisyimento habang palingat-lingat sa paligid upang magmatiyag sa paligid.

"Sigurado ka bang ipahihiram mo kay Anonymouse (Oli) muna ang cape mo?" Rufus asked at tumalon kami sa kabilang building. "You have the dangerous part in this plan.

"Iyon na nga. Kapag namatay ako, we still have Anonymouse. Kung ma-ambush man si Anonymouse ay makakagawa siya nang paraan para makatakas.

[Battle Cry] Maliupet: I managed to lure 2 of them.

[Battle Cry] Nemesis: Nice one. Takbuhan mo lang sila. Keep your distance. Mag-potion ka kung sakaling matamaan ka nila.

[Battle Cry] Maliupet: Noted.

Sumusunod na sila sa Plano. Huminto ako sa pagtakbo at napatingin sa akin si Rufus. "May problema ba?"

"Mauna ka na sa area." sabi ko sa kanya.

"Hindi puwede, ang sabi sa akin ni Captain ay bantayan ka." dahilan ni Rufus.

"Hindi ako makakakilos kapag binabantayan mo ako. Kailangan kong magpahabol sa kanila at hindi nila ako ta-target-in kung may tank akong kasama." paliwanag ko kay Rufus sa paraang madali niyang maiintindihan. "Mauna ka na sa area, susunod ako."

"Understood." he said. "Siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak, Shinobi." seryosong dugtong niya pa.

"Yes, Boss." I answered at tumakbo na ako papalayo sa kanya.

Ilang minuto rin akong nagtatalon aa mga mabababang building bago ako makakita ng kalaban. Tatlo sila na maingat na naglalakad sa isang daan na may nakahambalang na mga sasakyan.

"Ngayon ko kayo babawian sa pambu-bully ninyo sa akin noong nakaraan." sabi ko at mabilis na bumaba sa isang establisyimento.

I start my acting when I opened the door at nakita nila ako. "Oh shit!" malakas kong sigaw at tumakbo papaalis.

I just maintained my distace to them para siguradong nakasunod pa rin sila sa akin at hindi rin naman sila ganoon kalapit sa akin upang maiwasan ang mga long attacks nila.

The crossbowman tried to attack me using his crossbow pero mabilis ko itong naiiwasan dahil na rin sa pagiging Assassin. Isa pa, naka-focus ako na pataasin ang agility ng character ko upang mas maging effective na assassin ako sa grupo.

Mabilis akong tumatakbo.

[Battle Cry] Shinobi: I lured three of them.

[Battle Cry] Nemesis: Nice one! Papuntahin mo na sila sa area.

[Battle Cry] Shinobi: Noted, Captain!

Pumasok ako sa loob ng isang mall at siguradong pumasok din sila sa loob. Kagaya ng inaasahan ko, maraming members ng Optimal Aces ang nandito.

Tumayo ako sa gitna kasama si Maliupet (dahil nagpahabol din siya kanina). Bale anim ang Optimal Aces na nandito ngayon sa loob ng sira-sirang mall.

"Wala na kayong kawala. Kami na ang panalo sa labang ito." nakangising sabi noong isang miyembro ng

"Hold lang natin ng kaunti pa." bulong ko kay Maliupet.

Nakatingin lang ako sa mga paa noong Optimal Aces. Kaunting lapit pa.

Noong sabay-sabay na silang sumugod sa amin ay malakas na akong sumigaw bilang signal sa mga kasama ko.

"Ngayon na!" I shouted.

"Heto ang map kung saan ginaganap ang Summer Cup ngayon," sabi ni Axel habang may idinikit na malaking kartolina sa white board kung saan naka-drawing ang blueprint noong map. Alas onse na nang gabi at pare-parehas na kaming inaantok, maaga pa ang match namin bukas.

"Hindi ba puwedeng buk—"

Hindi na natapos ni Oli ang reklamo niya noong kinalampag ni Captain ang whiteboard. "S-Sabi ko nga! Makikinig ako. Mamatay na inaantok." mabilis na sabi ni Oli para iligtas ang sarili niya.

"Para lumaki ang tiyansa na manalo tayo bukas... Kailangan ay makabisado natin ang map kung saan nagaganap ang Summer Tournament. This is an exclusive map for this Tournament only. Napakahalaga ng map awareness sa bawat laban." Napatango-tango ako sa sinabi ni Axel.

Nakaupo kami lahat sa sala habang tutok sa sinasabi ni Axel. "Ngayon. If we can manage them na madala sa lugar na ito," binilugan ni Axel ang isang lugar na nasa sentro ng mapa— ang sira-sirang mall. "Makakapagsagawa tayo ng ambush sa kanila."

"Sino ang gagawa? Malu-lure ba natin silang lahat?" tanong ni Dion.

"Assassin and Fighter will do the job. Ang Marksmen at Mages ay mag-aabang na sa mall area. I want you guys to attack the pillars of the mall. Kapag ginawa ninyo iyon ay siguraduhin ninyong may mga tank na poprotekta sa inyo." pagtutuloy ni Axel.

"Bakit ang pillars pa? We can attack them directly if magawa nating mapapasok sila sa loob ng mall." Napatango-tango ako sa sinabi ni Gavin.

Pero in-analyze ko rin ang sinabi ni Captain. If we will attack the pillars o ang mga poste... Babagsak ang buong mall, siguradong hindi sila makakatakas kapag ganoon ang nangyari.

"Tama lang, pillars ang atakihin." I agreed to what Axel suggested. "We need to secure na mapapatay natin lahat noong pinapasok natin sa mall na kalaban. We will sacrifice some of our members para sa mas malaking damage sa kalaban." dugtong ko pa sa sinabi ni Axel. "Let's do it."

Malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong paligid at nakita kong unti-unting bumabagsak ang mga poste sa loob ng sira-sirang mall.

Mukhang hindi inasahan ng anim na miyembro ng Optimal Aces ang ginawa naming ambush.

Napatingala ako at nabagsakan ako ng malaking bato kasama si Liu.

NA-ELIMINATE na kami ni Liu sa laban at tinanggal ko ang nerve gear ko. Malakas na nagsisigawan ang mga tao sa arena. Napansin ko rin ang pagtanggal ng nerve gear ng anim sa mga kalaban namin.

Nagkatinginan kami ni Liu at napangiti sa isa't isa. It's now 10 against 6. Nagsakripisyo kami ni Liu para mapatay ang anim sa kanila which is a good thing dahil buhay pa ang lahat ng core members namin.

Ilang minuto na lamang ang itinagal ng laban hanggang sa magawa nila Oli na ma-eliminate ang mga natitirang miyembro ng kalaban.

"What a great plan mula sa Battle Cry!" Malakas na nagsigawan ang mga nanonood. Tinanggal na nila Dion ang mga nerve gear nila at nakangiting nakipag-apir sa amin. "Battle will Cry will advance to the next round! Battle Cry is now part of the top four teams of this Competition at lumalaban pa para sa championship!"

Napatingin ako kanila Mom at kumaway. They are happily clapping at ganoon din sila Kuya.

Malakas kaming sumigaw sa stage habang nagba-bow sa mga nanonood.

Hindi pa kami dapat makampante. May laban pa kami mamayang hapon. Hindi dapat kami makampante dahil habang tumatagal ay mas lalong malalakas na team ang makakalaban namin.

Matapos ang laban namin ay pinanood namin sa Standby area ang laban ng Urban Muskeeters at No Mercy Esports.

No Mercy Esports won at sila ang makakalaban namin sa susunod na match. Hindi sila madaling kalaban, matalino rin ang mga plano na ginagawa ng NME.

****

Summer Cup Standing:
(As of Friday morning)

Battle Cry (3W - 1L)

Sparks Again (1W - 2L) (12th)

Anonymous Warrior (0W - 2L) (16th)

Laxus Familia (2W - 2L) (7th)

Red Swan (0W - 2L) (15th)

No Mercy Esports (3W - 1L)

Commander Area (1W - 2L) (11th)

Rising Hunter (3W - 0L)

Optimal Aces (3W - 2L) (6th)

Devil Inside (0W - 2L) (14th)

ALTERNATE (3W - 0L)

Dream Crusher (1W - 2L) (10th)

Raging Bull (0W - 2L) (13th)

Urban Muskeeter (2W - 2L) (5th)

Rule Breaker (1W - 2L) (9th)

Thunder Bird (2W - 2L) (8th)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top