Chapter 4: First Quest

ILANG segundo akong nakatingin kay Rufus para tingnan kung hindi siya nagbibiro. He is really serious about this duel. Akmang ide-decline ko na ang kanyang duel invitation noong may sinabi pa si Rufus. "As expected, madali lang takutin ang baguhan na gaya mo."
Nawala ang duel invitation niya at napakurap ako ng ilang beses. "Stop pestering me."
I paused for a second. Hindi ko alam na may mga ganito palang klaseng players na feeling nila may privilege sila dahil galing sila sa ibang server at lumipat lang dito sa Peninsula. They are belittling new players na parang sinasabi na wala itong alam sa gaming. "Tinatanggap ko ang duel invitation mo." Seryoso kong sabi sa kanya.
Napatigil siya muli sa paglalakad at bumaling ang tingin niya sa akin. "Pero huwag natin gawin dito sa loob ng bayan na ito, masyadong maingay. Mahihirapan akong mag-focus. Let's do it sa open-area, may alam ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ka lang pala makulit, mayabang ka rin." Sabi niya. Wow naman, sino kaya ang mayabang sa aming dalawa.
Hinawi ko ang buhok ko at ngumisi. "Well, gusto ko lang din patunayan sa 'yo na hindi lahat ng baguhan ay mahihina. At isa pa, kapag natalo kita ay tutulungan mo ako na libutin ang lugar na ito, wala naman mawawala sa akin kapag natalo ako."
He sighed. "Sumunod ka sa akin."
Naglakad kaming dalawa at palingat-lingat ang tingin ko sa paligid. This online world never failed to amaze me. Sa mga classic films ko lang nakikita ang ganitong hitsura ng pamayanan pero dito sa game ay nae-experience ko siya ngayon. Maybe, a summer vacation playing this game ain't bad at all.
Tumungo kami sa likod ng isang simbahan. Bakanteng lote lang ito at puro damo lang ang nasa paligid. Wala ring katao-tao na para bang tagong lugar lang ito.
"Okay, let us settle this." Sabi ni Rufus at nilabas ang kanyang wooden sword.
"T-Teka, wala akong weapon!" Pigil ko sa kanya.
He sighed at napahilot sa kanyang sentido. "Nasa inventory mo, may wooden sword ka rin. Ganito ang rules, bawal gumamit ng skill at puro basic attack lang, kung sino ang unang mag-zero ang health bar ay siya ang talo sa match na ito." Paliwanag niya sa akin.
Inventory.
Lumabas sa view ko ang inventory at pinindot ko sa hangin ang wooden sword at in-equip ito. May liwanag na nabuo sa aking kamay at lumabas ang wooden sword.
Rufus is asking for a match
Accept
Decline
Pinindot ko sa ere ang accept at humangin ng malakas sa buong paligid at hinangin ang ilang hibla ng aking buhok. Mahigpit kong hinawakan ang aking wooden sword. Napansin ko na pabaligtad na hinawakan ni Rufus ang kanyang wooden sword habang palukso-lukso sa kanyang puwesto. He have a unique fighting style.
Nabigla ako noong tumakbo siya sa aking direksyon and he tried to slash my waist but I immediately used my sword to blocked it. Pero hindi ko inasahan na mabilis siyang umupo at tinisod ang aking paa. Napahiga ako sa damo at tiningnan siya.
Ako ang unang nabawasan sa laban na ito. Itutusok niya ang kanyang wooden sword sa akin ngunit mabilis akong nakaikot at tumayo. He's an aggressive player, hindi niya hinahayaan na makagawa nang pag-atake ang kanyang kalaban.
Kumbaga sa chess, he intimidate his enemy by doing the first move.
Tumakbo siya sa aking direksyon at akmang aatakihin niya muli ako sa aking tagiliran. Mabilis akong humakbang paatras at sinipa ang kanyang tiyan. Nawala ang depensa niya sa pagkakataong iyon at ginamit ko iyong tiyansa para maatake siya. I aimed for his bod pero nakaiwas siya, natamaan pa rin naman siya sa braso at nagkaroob ng bawas sa kanyang health bar.
"Nakakahiya naman kung matalo ka ng newbie player na ito." Nakangisi kong sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo sa inis. "Beginners luck."
"A damaged is still a damaged." Sabi ko.
Bigla siyang tumakbo at pinaikutan ako. Hindi ako gumagalaw sa aking kinatatayuan at pinapakiramdaman ko ang kanyang galaw. There's a high chance that he will attack me behind.
Tumalon siya at inatake ang aking likod kagaya ng aking inaasahan. Hinawakan ko sa magkabilang dulo ang wooden sword upang masangga ang kanyang atake.
Matapos ko siyang mapigilan ay mabilis akong yumuko at ilang beses akong tumalon papaatras. Gumulong siya sa sahig at mabilis kong inapakan ang kamay niyang may hawak ng wooden sword at itinutok ang wooden sword sa kanyang lalamunan.
Mata sa mata ko siyang tiningnan at bakas ang pagkagulat sa kanyang hitsura. "Beginners luck?"
Akmang tatayo siya ngunit mas idiniin ko ang pagkakaapak sa kanyang paa at mas inilapit ko ang wooden sword sa kanyang lalamunan. "Talo ka." I said at ibinalik sa inventory ko ang wooden sword.
You won against [Battle Cry] Rufus!
Tumayo siya at inayos ang nagusot niyang damit. Lumapit ako at ngumiti. "So, ito-tour mo na ako sa buong lugar at ikaw ang magiging tutor ko for the game!"
"You're not a new player," sabi niya at itinago rin sa kanyang inventory ang wooden sword. "Galing ka sa ibang squad?"
"Squad?" Tanong ko. "New player lang ako! Naglaro lang ako dahil ang haba ng summer vacation, kailangan ko nang pagkakaabalahan. Ayoko rin namang mag-aral din buong summer dahil ito lang ang pahinga ko sa pag-aaral."
Hindi siya sumagot at muling pinamulsa ang kanyang kamay at naglakad papaalis ng simbahan. Bumaling ang tingin niya sa akin.
"Ano pang tinatayo mo riyan? Natalo ako." Sabi niya at sumunod ako sa kanya sa paglalakad.
"Unahin na natin ang Hunter Online, ang Hunter Online ay isang kilalang game ngayon sa Pilipinas na kung saan magha-hunt ka ng iba't ibang monsters hanggang sa maging Top hunter ka. May mga boss dungeon din dito na kung saan magpapabilisan ang mga players sa pag-clear nito." Paliwanag niya sa akin at napatango-tango ako. Mas maayos pa siyang magpaliwanag kaysa kanila Klayden.
"Nakikita mo ba ang class sa ibaba ng level mo?" Tanong niya at napatingala ako.
Shinobi
Level: 1
Class: Young Traveller
I nodded.
"Puwede 'yang mapalitan kapag level 20 ka na." Paliwanag niya.
Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad at itinuro niya sa akin kung saan ang mga shops kung saan ka makabibili ng mga item, sinabi niya rin na kapag namatay ang character ko sa game ay mare-revive lang ako sa church. Naglakad kaming dalawa tungo sa townsquare at napapansin kong may mga players na napatitingin sa aming direksyon.
"Bakt sila tumitingin sa atin?" Tanong ko kay Rufus.
"Kasi maingay ka." Sagot niya sa akin at napairap na lang ako. Sumabay ako sa kanyang paglalakad habang papunta kami sa Townsquare.
Ang una kong napansin ay ang matandang lalaki na medyo mataba dahil may exclamation point sa itaas ng kanyang ulo. "Nakikita mo 'yong exclamation point?" Tanong ni Rufus. "That means na 'yong NPC na iyon o Non-playable character ay may mga request na ipagawa sa 'yo where you can gain experience and some items. Try to talk to him." Tumayo sa isang gilid si Rufus.
Lumapit ako sa lalaki. "H-Hello po..."
"Maligayang pagdating sa Hunter Online, batang manlalakbay! Ako si Lucas na siyang pinuno ng bayang ito!" Pagbati niya sa akin. "Sa Hunter Online ay susubukan ang kapasidad ng bawat Player na maging isa sa pinakamagaling na Hunter sa mundong ito. Para sa iyong unang pagsasanay ay kailangan mong pumatay ng sampung Angry Rabbits sa labas ng Silanya Town."
Will you accept the quest?
Accept
Decline
Tumingin ako kay Rufus. "Hindi ba mahirap patayin 'yon?" Tanong ko.
"Mahihina lang ang mga monsters na nasa labas ng Silanya Town. You can kill them without using healing potions. After you killed 10 Angry Rabbits ay babalik ka kay Lucas para i-report ang ginawa mong quest." He explained at doon ko lang in-accept ang quest.
Naglakad na muli ako kasama si Rufus. "Old player ka, 'di ba? E 'di kabisado mo na ang pasikot-sikot sa map na ito?" Tanong ko.
"Peninsula is a new server, ibang-iba 'to sa mga lumang server sa Hunter Online. Bago lahat ng map na nandito. Wala pang player ang nakakabisado ang buong lugar na ito." He explained.
Habang naglalakad kami ay naalala ko 'yong nangyari kanina. "Uy, sorry nga pala kanina. Kasalanan ko naman talaga kung bakit tayo nagkabungguan, I am so amazed sa mga nakikita ko kasi bago sa akin ang lahat. At tsaka ithank your in kasi sinasamahan mo ako."
"E 'di inamin mo rin na kasalanan mo." Inilagay niya muli ang kanyang dalawang kamay sa loob ng kanyang bulsa.
Lumabas kami ni Rufus ng Silanya Town, ang daming players na nandito sa malawak na damuhan sa labas ng Bayan. They are players na mababa rin ang level (obviously because this is a new server). Makikita mula rito ang mga itim na Angry Rabbits na tumatalon sa damuhan. They are not an ordinary rabbits na nakikita sa real life dahil halos triple ang laki nito, kulay itim ang nga balahibo, at kulay pula ang dalawang mata niyo na pawang nanlilisik.
Angry Rabbit
Level: 1
Non Aggressive
"These monsters are the weakest monsters here in Hunter Online. Oo may damage sila pero hindi ka naman nila mapapatay. Don't worry." Paliwanag ni Rufus sa akin at napatango-tango ako. Itinuro niya ang pangalan noong Angry Rabbit. "Nakikita mo 'yong nakalagay na Non-Agressive?" Tumango ako sa kanya. "Ibig sabihin no'n ay aatakihin ka lamang ng monster na 'yan kapag inatake mo sila."
Nakatayo lang si Rufus at itinuro niya 'yong Angry Rabbit na parang sinasabi na atakihin ko. This will be my first monster kill here in Hunter Online.
Inatake ko ang Angry Rabbit at doon lamang ito lumingon sa akin. Nanlilisik ang mata at lumabas ang matatalim na pangil nito. The Angry Rabbit bite me on my right arm at tama si Rufus, kahit may damage ito ay hindi naman ito ganoon kalaki. Pero ang sakit pa rin ng pagkakakagat nito sa braso ko.
Sa Nerve gear kasi ay mararamdaman mo rin kung ano ang nararamdaman ng character mo. Mararamdaman mo 'yong pain pero hindi naman ganoon kasakit sa real life kasi nga inayos naman iyon ng developer.
When the Angry Rabbit hopped and attacked me, mabilis akong umikot sa kanan at tinusok ang katawan nito. Umangil ang Rabbit sa sakit at inatake ko muli ito sa ulo gamit ang wooden sword hanggang sa mawalan na ito ng malay.
You received 30 Gold!
You received Healing Potion!
Ongoing Quest:
Kill Angry Rabbits (1/10)
"Nagawa ko!" Masaya kong sabi kay Rufus.
"Dapat lang, nakakahiya ka kapag napatay ka pa ng Angry Rabbit." Nawala ang ngiti sa labi ko. Ngayon lang kami nag-meet pero saksakan ng sungit nitong lalaki na ito. Napaka-blunt din! Hindi man lang niya ako pinuri sa first kill ko. "Okay na, naituro ko na ang dapat kong ituro sa 'yo."
"Aalis ka na?"
"Kailangan ko ring magpa-level. Hinihintay ako ng mga kasama ko."
I smiled awkwardly. "Pasensiya na sa abala." Nag-peace sign ako.
"Tsk," akmang maglalakad na siya papaalis pero lumingon siya muli sa akin. "One more thing, huwag ka basta-bastang magtitiwala sa kung sino-sinong Hunter sa Game. May mga Hunters na pumapatay ng kapwa players para makuha ang mga items nila." Huling bilin niya bago tuluyang umalis.
"Salamat, Rufus!" Sigaw ko pero hindi niya lang ako pinansin.
Shit! Nakalimutan kong mag-send ng friend request sa kanya. 'Di ba ganoon sa mga game? Kapag may naka-close ka ay magse-send ka ng Friend request? Oh well, paniguradong magkikita pa naman kani ni Rufus since nandito lang naman din siya malapit sa Silanya Town.
Ipinagpatuloy ko ang quest ko at noong nakapatay na ako ng anim na Angry Rabbits ay nag-level 2 na rin ako. Ramdam ko na medyo lumakas ako dahil medyo tumaas ang damage ko sa Angry Rabbit, eh.
Habang nagku-quest ako ay may naririnig akong nag-uusap.
"Ang tanga-tanga mo Synix, inaya mo si Milan na maglaro tapos hindi natin alam kung ano name niya sa laro," narinig kong reklamo ng isang lalaki— si Klayden. They are still using their username sa ibang server.
Hindi namab pala ako mahihirapan na hanapin ang tatlong Kulokoy dahil sa ingay nila.
"Synix! Klayden! SilverKnight!" Tawag ko sa kanilang tatlo at lumapit ako.
Nagkatinginan sila at bumaling muli ang tingin nila sa akin. "Sino ka?" Tanong ni SilverKnight.
"Ako 'to, si Milan!" Pagpapakilala ko.
"Shit akala namin hindi ka namin mahahanap sa game, eh!" Sabi ni Klayden. "Nagku-quest ka rin ng Angry Rabbit?" Tanong niya at tumango ako. "Sali kita sa party namin para mas mabilis ka lumevel. Kaming bahala sa 'yo."
Klayden is inviting you to join his party
Accept
Decline
In-accept ko ang invitation niya at sama-sama kaming nagpa-level sa unang araw namin na paglalaro nito. Playing games is more fun kapag may kasama ka talaga, eh. Sayang nga lang at hindi nila nakilala si Rufus, kahit masungit 'yong taong iyon ay mukhang makakasundo niya 'tong sila Synix dahil gusto rin nilang tatlo na mag-level-up agad, eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top