Chapter 37: Interview
Happy 100k reads! (Advance 😂)
PUMASOK kami sa isang malaking room dito sa 18th floor ng Stargame at parehas kami ni Renshi na manghang-mangha sa mga nakikita namin. May isang space sa gilid na puro green screen at nakaupo doon ang Host (same host noong nag-interview sa Black Dragon) na mukhang nagbabasa ng script para sa interview.
"Renshi, picture-an mo ako doon." Bulong ni Oli kay Renshi at itinuro ang magandang spot sa lugar.
"Hindi ko sure If they will interview me pa ba or sinama lang ako para maging taga-picture mo?" reklamo ni Renshi sa kanya.
"Ang arte mo magsalita. Pa-picture na lang ako mamaya." Mahina akong natawa sa sinabi ni Oli.
In-orient kami ni Cherry sa mangyayaring live in 15 minutes.
"So, huwag kayong kabahan sa live mamaya. Chill-chill lang kayo with Hanz and everything. Parang normal kuwentuhan lang pero si Hanz ang barko ng chikahan tapos may camera lang." Paliwanag sa amin ni Cherry at tumango-tango kami. "Sunod kayo sa akin, ipakikilala ko kayo kay Hanz."
Nakakasilaw ang lightings dito sa studio.
"Nakakapogi 'yong ilaw nila dito." Sabi ni Axel at napailing na lang ako.
Napatigil sa pagbabasa ng script 'yong host at nakangiting tumayo noong makita kami. Sa tingin ko ay nasa early 20's lang siya at magkasingtangkad lang sila ni Dion, he is wearing a round eyeglasses at mayroon siyang braces.
Cherry introduced us to one another pero noong napatingin siya sa aming dalawa ni Dion ay mas lumapad ang ngiti niya. I know that smile, ngiti ng mga mai-issue na tao. Oh God, dati ay si Kuya London lang ang ma-issue sa buhay ko pero ngayon ay parang napapaligiran na ako ng maraming Kuya London dito sa Pro league.
Nalaman ko rin na isang kilalang Shout caster si Hanz ng mga tournament kung kaya't familiar siya sa lahat ng team na nage-e-exist sa game.
"Nice meeting you, guys, especially you, Milan. Iba na talaga ang takbo ng mundo... May mga babae na ngayon sa pro league which is a good change pagdating sa gaming world." Paliwanag ni Hanz at napangiti naman ako sa kanyang sinabi.
"Guys, relax lang kayo mamaya sa interview. Na-review ninyo naman 'yong set of questions. Huwag kayong mag-alala, as a host ay hindi ko kayo hahayaan na magmukhang tanga sa live. Ba-backup-an ko lagi ang mga ipinapaliwanag ninyo so chill lang tayo rito." Sabi ni Hanz at umupo na kami sa mahabang couch para sa interview.
Napapaligiran lang ng green screen ang studio pero kapag tiningnan mo ang screen ng TV ay para bang may maganda kaming background na related sa gaming (#Amazeako). May tatlong camera din sa paligid, ang isa ay nakatutok sa amin, ang isa ay kay Hamz, at ang isa ay nakukuhanan ang buong setting and may isang TV din dito sa set na kung saan may ipa-flash lang silang mga question na mababasa ng mga live viewers.
"Anong pinag-usapan ninyo ni Callie?" Tanong ni Dion bago mag-start ang pag-ere ng program.
"Nagkasalubong lang kami sa hallway noong hinihintay kita. Kumustahan lang." Paliwanag ko.
"Kailan kayo naging close? Ayain nating lumabas minsan, we can learn from him since he is a Black Dragon member."
"Hindi naman kami close. Hindi ko nga ina-accept friend request noon, eh. Ayoko ring kasama si Callie, lakad pa lang alam mo nang mayabang." Paliwanag ko kay Dion. Although, minsan may point ang lumalabas sa bibig ni Callie pero alam ninyo 'yon? Lagi niyang pinupuri ang sarili niya sa isang conversation.
"Privileged pala ang maging friend ka sa Facebook," he chuckled.
"Gaga. Kung hindi mo ako kinulit ay hindi rin naman kita ia-add." Sabi ko sa kanya.
"Ready na!" Cherry shouted at umayos na kami ng upo ni Dion.
Sobrang smooth pang naman ng live, totoo 'yong sinabi ni Hanz na hindi niya kami pababayaan dahil ang galing niyang bumarko ng mga conversation. Hindi maipagkakaila na magaling siyang host and shout caster sa mga game.
"As the only female player in Battle Cry, Milan... Actually hindi nga lang sa Battle Cry kung hindi sa buong Pro League ng Hunter Online. Nahirapan ka bang mag-adjust especially you entered in a world that dominated by men?" Tanong ni Hanz.
"Siguro the only challenged that I faced so far is that I am representing all those female players sa Pro league, iyon siguro 'yong pressure. Pero hindi naman ako nahirapan mag-adjust especially, gina-guide naman ako ng mga kasamahan ko sa Battle Cry. Masasabi kong kung ano ang kayang gawin ng mga lalaki sa Pro League ay kaya rin palang gawin ng mga babae," I explained.
"So you are saying that magkaroon pa tayo ng mga babae sa Professional League?" Tanong ni Hanz.
"Why not?" I smiled to the camera. "If that woman will help a specific team to win a competition or tournament, why not, 'di ba?"
Narinig kong pumalakpak ang mga team mates ko at nahiya naman ako sa mga sinabi ko. Pero kasi... Magandang platform na rin itong live na ito para i-encourage pa ang obang players na i-step up ang game nila.
"Speaking of Battle Cry, ang dami ngayong viewers ang nagtatanong kung ano raw ba ang relationship ninyo ni Dion? Tinatadtad nila ang comment box ng live natin ngayon," mahinang natawa si Hanz. Kahit siya ay curious, hindi lang ang viewers.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Dion tapos natawa kaming dalawa dahil sa mga assumptions ng mga tao.
Napatingin ako kanila Oli at nakangisi din sila Axel. "Hoy, chika 'yang mga ngisi ninyo!" Sigaw ko at nagtawanan ang lahat sa Studio.
Bumaling ang tingin ko kay Hanz. "Me and Dion are friends."
"Naniniwala ka ba Oli na friends lang sila?" Tanong ni Hanz kay Oli. Oh God! Akala ko ba hindi niya kami ipahihiya?
"Maniniwala na lang ako kasi sabi nila." Natatawang sabi ni Oliveros.
"Magkaibigan lang kami ni Milan. Kapag nakita ninyo 'yong ugali niyan behind-the-camera..." Tumingin sa akin si Dion.
"Hoy chika ka, baka isipin ng mga nanonood maldita ako." Reklamo ko sa kanya.
"Joke lang." Nakangiting sabi ni Dion at bumaling ang tingin niya kay Hanz. "We're friends."
"Kagaya nang sinabi ni Oli, kunwari ay naniniwala na lang ako." Hanz laughed. "Ayan oh, naging active ang mga viewers natin sa comment section. They are #Million shippers daw."
"Million?" I asked.
"Milan and Dion. Pati ship name ninyo pangmalakasan." Sabi ni Hanz.
Okay, mukhang ire-ready ko na ang sarili ko sa tawag ni Kuya London mamaya. Sinabi ko pa naman ay manood siya ng live.
Natapos ang interview and bukod sa tuksuhan na naganap. Naging smooth lang naman ang interview, and honestly, hindi ko nga namalayan na isang oras na kaming nagkukuwentuhan dahil ang chill lang noong nangyaring interview.
After the interview ay dumiretso agad kami nila Dion sa practice and after the practice ay natulog agad ako dahil nga hindi nakikisama ang puson ko. Ayoko naman ng uminom ng Pain reliever dahil ayoko ring masanay ang katawan ko sa kakagamot.
By the way, bago ako matulog ay tumawag nga si Kuya London. As expected sa ma-issue kong kapatid, ang dami niyang sinabi.
***
KINABUKASAN, maaga akong nagising and luckily, hindi na ganoon kalakas ang period ko kung kaya't um-okay-okay na ang pakiramdam ko. Puwede na ulit akong kumupit ng midnight snack sa fridge.
Hiniram ko ang laptop ni Dion para mag-live sa room ko (para sumagot ng mga tanong ng mga fans) pero itong si Dion ay tumambay pa dito. Nakadapa lang siya sa kama habang nag-i-scroll sa cellphone niya. Mamayang hapon pa kasi ang practice kung kaya't ang dami niyang free time.
"Milan ano po aasahan namin sa inyo sa Summer Cup?" Pagbasa ko sa isang comment.
"Uhm, actually wala naman kayong i-e-expect sa akin masyado kasi baka hindi nga ako lumaro sa Summer Cup dahil bago lang ako sa grupo. Pero nagpa-practice din kami bilang buo na grupo kung kaya't masasabi kong isu-surprise kayo ng Battle Cry sa Summer Cup." I smiled on the camera.
Caliber Valderama send 500 stars
Caliber Valderama: Nagsend na ako ng Stars, accept mo na friend request ko.
"Salamat sa stars, Caliber Valderama!" I shoutout his name.
"Si Callie 'yan." Sabat ni Dion at humarap sa camera at kumaway.
"Oh, si Callie. Naka-quarantine pa 'yong friend request ng ilaw weeks, Callie. Pinag-iisipan ko pa kung ia-accept ko." Natatawa kong paliwanag sa screen.
Ang lala noong naging comments sa livestream ko noong nag-comment si Callie.
Nagbasa-basa lang ako ulit ng mga comments at karamihan ay himihingi ng gaming tips. Siyempre, sinasabi ko lang sa kanila 'yong mga natutunan ko sa Battle Cry. 'Yong iba nagtatanong lang ng favorite colors and fruits ganyan, pero kapag feeling ko ay personal question 'yong tinatanong ay hindi ko na binabasa.
"Parang gusto kong Takoyaki." Sabi ni Dion sa likod ko.
Bumaling ang tingin ko sa kanya. "Gusto ko rin. Noong sinabi mo bigla akong nag-crave."
"Order tayo?" Tanong niya.
"May malapit ba? Ipa-grab foods na lang natin, nakakatamad lumabas." Sabi ko sa kanya. "Guys wait lang, ha? Hahanap lang kami ni Dion nang bilihan ng Takoyaki." Sabi ko sa harap ng Laptop at lumapit ako sa kanya para tingnan ang nasa screen ng phone ni Dion.
"Masarap sa Takoyaki Bar," Dion recommended.
"Ano sa akin... Isang order ng crabs tsaka octopus."
"'Yong small lang?" Tanong ni Dion at tumango ako. "Eh, 'wag ka na mag-solo. 'Yong maramihan na 'yong bilihin natin para makatipid. Hati na lang tayo sa babayaran."
May point. "Puwede bang iba-ibang flavor kapag naghati tayo?"
"May mix sila. Iyon na lang?"
"Sige." I answered. "Ipa-COD mo, ha? Hati tayo sa babayaran. Ikaw ang hilig mong bayaran ng buo, eh."
"Oo na po." He answered at tumingin sa laptop. "Huy may live ka, may isang oras pa bago ka mag-end live."
Lumapit ulit ako sa harap ng camera at natulog muna saglit si Dion habang hinihintay ang order.
Sa buong live ay sinagot ko lang 'yong mga tanong ng fans pero ang nasa isip ko ay 'yong Takoyaki. And guess what? Matatapos na akong mag-livestream ay wala pang Takoyaki na dumating.
Kahit 'yong mga viewers ay sinasabing ang tagal na noong order pero wala pa.
Ginising ko si Dion. "Huy, text mo nga 'yong driver, baka naligaw. Wala pa 'yong order natin. Gutom na ako."
Binuksan ni Dion ang cellphone niya. "Shit, hindi ko pala na-place order." Sabi niya at nandoon pa rin siya sa menu sa grab food.
Nawala ang ngiti ko dahil gutom na talaga ako. "Ano ba 'yan, kanina ko pa hinihintay. Hindi mo naman pala na-place order." reklamo ko.
"Heto na ipe-place order ko na. Galit agad, eh."
"Sana kasi bago ka umidlip diyan chineck mo."
"E 'di sana noong napansin mong ang tagal noong order, chineck mo sana 'yong phone ko. Alam mo naman password." Ganti ni Dion at umupo sa kama.
"Eh ba't ko papakialamanan 'yan? Cellphone mo 'yan!" Ganti ko sa kanya. Kukuha na lang talaga ako ng tsitsirya mamaya sa kitchen para maibsan 'yong gutom ko habang hinihintay 'yong Takoyaki. "Dapat kasi from time to time chinecheck mo, eh. Hindi sana tayo naghihintay ng ganito katagal ngayon. Ilang minutes pa 'yan before dumating."
"Paano ko nga iche-check from time to time? Nakatulog ako." Depensa niya.
"Next time ako na ang o-order para sure na mape-place 'yong order."
"Oh e 'di ikaw na. Ika-cancel ko na ba 'to?" Inis niya ring tanong.
"Ba't mo ika-cancel?"
"Ang dami mong reklamo, eh. Takoyaki lang ang dami mo nang sinabi. Dapat pala hindi na tayo um-order." Reklamo ulit ni Dion.
Naputol ang pagtatalo namin noong pumasok si Axel sa room. "May problema ba, Captain?" Tanong ko.
"Hindi ka pa naka-end live, Milan. 'Yong away ninyo sa Takoyaki, napapanood ng lahat." Sabi niya at napatingin ako sa laptop. Oh God, hindi ko pa nga na-e-end 'yong livestream ko!
Nagmamadali akong lumapit sa harap ng Laptop at in-end ang live. Hindi na ako nagpaalam since nakakahiya na rin 'yong napanood nilang away namin ni Dion dahil sa pagkain.
Luckily, noong dumating naman 'yong order ay nagkaayos na kami ni Dion since parehas lang kaming gutom noong nagtalo kami.
Iyon nga lang, puro tukso ang inabot namin kanila Oli dahil nanonood pala sila ng Livestream. At ang mas nakakabuwisit, pinlay pa nila sa TV 'yong replay ng stream ko at ipinauulit-ulit 'yong pag-aaway namin ni Dion.
"Ikaw kasi, eh." Mahina long bulong habang kumakain kami sa center table sa sala.
Sumubo siya ng Takoyaki. "Ayan ka na naman, naninisi ka na naman."
"Oo na, hindi na, sorry na. Pero ikaw kasi—"
"Nagso-sorry tapos manunumbat, awit." Naiiling niyang sabi habang tumatawa.
"Sorry, may period lang." Dahilan ko, although, hindi naman na masakit masyado ang puson ko. Kailangan ko lang ng palusot para ma-gets niya 'yong point ko. "Alam mo dapat mag-promise kang hindi ka na makakalimot na mag-place order sa grab."
Itinaas ni Dion ang kanang kamay niya. "Ako, si Dmitri Onyx Villanueva, nangangako na hindi ko na kakalimutan mag-place order sa grab." Sabi niya at natawa ako. "Happy na?"
"Happy na." Sagot ko. "Ay isa pa, hindi ko ma-video."
"Ayoko na. 'Di ko na uulitin."
Bandang ala-una ay kinausap na kami ni Coach na mag-practice and trust me, sobrang hirap ng practice ngayon lalo na't may mga tactics si Coach na pinapa-try sa amin at may mga plano si Axel na dapat ma-execute ng maayos para sa Summer Cup.
At ang mas nakakapagod, kailangan ko ring kabisaduhin ang cooldown ng bawat skill at mag-shotcall since may chance na mag-substitute ako kay Captain. Nakaka-pressure lang na minsan na nga lang ako magsa-sub, sa position pa ni Axel.
Gabi na noong sinundo ako ni Kuya London pauwi ng Bulacan since kailangan ko ngang magpa-enroll bukas. Mabuti na lang at naintindihan nila Coach iyon pero sinabi ko naman na hahabol ako sa practice if ever.
Ngayon pa lang, nararamdaman ko na ang pressure ng Summer Cup.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top