Chapter 36: Announcement
Thank you twitter pips for this awesome Illustration of Dion!
"SIGURADO ka bang kaya mong gawin 'yong interview?" Tanong ni Dion at iniabot sa akin ang Ibuprofen at isang baso ng tubig. Alas-otso na pero hindi pa rin ako bumabangon sa kama. Mamayang 10 ay aalis na kami para pumunta sa Stargame at wala pa rin akong nagagawa hanggang ngayon.
"Nakakahiya kay Coach kung bigla akong magba-backout dahil lang masakit ang puson ko." sagot ko kay Dion at ininom ang gamot na ibinigay niya.
Hindi ko siya inistorbo this time dahil kaninang bandang alas-siete ay siya na mismo ang kusang nag-chat sa akin if okay lang daw ba ako at siya rin ang bumili ng gamot sa malapit na Botika.
"Maiintindihan naman ni Coach 'yon,"
"Kaya ko." I seriously said.
"Chill ka lang. Hindi kita inaaway." he seriously said.
Inilagay ko ulit ang hot compressed sa bandang puson ko. "Sorry. Mamaya kapag umepekto na 'yong gamot ay magiging okay din ako. If ever matarayan kita mamaya o kahit bukas, sorry agad. Ang lakas lang makainit ng ulo nitong period."
"Thank you po for the advance reminder. Bababa na ako. Kung may kailangan ka, chat ka sa akin o kaya kay Oli." Sagot ni Dion sa akin at lumabas ng room.
Hinintay kong maging okay ang pakiramdam ko bago ako gumayak for the interview. Hindi talaga ako nagre-rely sa mga pain reliever medicines pero iba ngayon dahil may kailangan kaming gawin at puntahan. 'De bale, kapag balik na pagbalik namin sa Boothcamp ay matutulog agad ako.
Sinuot ko ang jersey pants ko at inilagay sa duffle bag ang jacket at jersey shirt ko. Magpapalit na lang ako mamaya sa Stargame dahil ang init suotin ng Jersey namin.
Paglabas ko ay bumaba ako sa sala para hintayin sina Coach. Nadatnan ko pa sina Gavin na nanonood ng mga match ng Spark Again.
"Napansin ko madalas silang gumawa ng mga surprise attack habang nagtatago-tago sa mga bahay-bahay." Sabi ni Gavin at nagsulat sa notebook niya.
"Taray, pinag-aaralan niya talaga."
"Bubuhatin ko ang team sa Summer Cup, eh, kailangan kong aralin talaga." Sabi niya sa akin pero maya-maya ay napayuko na siya. "Joke lang. Utos ni Axel kaya ko ginagawa ang lahat nang putanginang pag-aaral na 'to."
Niyakap ko ang isang throw pillow. "Bakit ganyan hitsura mo? Mukha kang natatae." Sabi ni Gavin.
"Baliw. Masakit puson ko."
"Masakit ba talaga kapag may period?" Humarap sa akin si Gavin at pinause 'yong match. "Nakaka-curious lang kasi ang toyoin din ng mga ex ko kapag may period sila, eh."
"Alam mo 'yong sinusuntok 'yong tiyan mo nang paulit-ulit? Ganoon. Tapos ang sakit pa ng likod ko. Tapos iritable ka sa laha tng makikita mo and kahit ayaw mong maging moody, magiging moody ka na lang in a snap." Paliwanag ko kay Gavin.
Hindi siya nagsalita ng ilang segundo. "Hindi ko pa rin na-gets. Ang gulo ninyo talagang mga babae."
Humarap na ulit siya sa TV at nanood ng laban. Napairap na lang ako sa ere noong hindi naniwala si Gavin sa paliwanag ko.
Saktong dumating naman si Dion mula sa second floor. "Kitang-kita ko 'yong pag-irap mo. Attitude ka ngayon, ah." Natatawa niyang sabi.
"Don't tell that I didn't tell you." sagot ko sa kanya. "Nga pala, nasaan 'yong damit at jersey mo? Akala ko ba ipapalagay mo sa bag ko?"
"Ay shit. Muntik ko pang makalimutan. Wait, kuhanin ko lang sa taas." Nagmamadaling umakyat si Dion para kuhanin ito.
Napatingin ako kay Gavin na may ngisi sa kanyang labi. "Bakit ganyan ang tingin mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala," he smiled. "Bagay kayo."
"Nino? Ni Dion?" Tumango si Gavin. "Kilabutan ka nga, kapag naging kami niyan para kong nagjowa ng lalaking may period din."
"Okay." sabi ni Gavin na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
Bumaba si Dion at iniabot ko 'yong duffle bag ko sa kanya.
"Ilagay mo sa left side 'yong sa 'yo para hindi tayo malito later." Paalala ko sa kanya at napayakap ako nang mahigpit sa throw pillow noong sumakit na naman ang puson ko. Oh God, hindi na ako kukupit ng tsitsirya sa fridge tuwing hatinggabi, mawala lang ang sakit ng puson ko.
Nabigla ako noong may dalang gamot si Dion tsaka tumbler. At tsaka extra pads na nakalimutan ko.
"'Yong hot compressed, gusto mo dalahin ko?" tanong niya.
"Hindi na. Umeepekto naman na 'yong gamot. Thanks." Sagot ko sa kanya.
"Ang sweet." Nagsalita si Gavin at napatingin kaming dalawa ni Dion sa kanya. Mabilis na bumaling ang mata niya sa TV. "Ang sweet nang laban, ayaw magpatayan amputa." Palusot niya.
"Hey," dumating si Renshi na nakasuot na ng jersey. "Meeting room daw sabi ni Sir Greg. He will talk to us before we leave daw."
Si Dion ang nagdala noong duffle bag at mukhang ayaw niyang ipadala sa akin ngayong araw dahil daw masakit ang puson ko. Hinayaan ko na lang kasi hindi naman iyon ganoon kabigat.
Sa meeting room ay in-orient lang kami ni Sir Greg ng mga Do's and Don'ts. Kabilin-bilinan niya rin na huwag kaming magmumura ng live dahil libo ang nanonood sa Live ng Stargame.
We are not allowed to tell our tactics or game plan sa interview which is mabilis kong naintindihan dahil confidential information iyon ng company.
"Nag-send ako ng questions nang itatanong sa inyo sa discord group chat natin. Make sure na basahin ninyo iyon at mag-isip na kayo nang isasagot ninyo. Okay?" Sir Greg reminded us.
"Yes, sir." We answered at binasa ko ang mga tanong sa Discord.
"Let's go." Aya niya sa amin at naglakad na kami papalabas ng meeting room.
Sa Van lang kami sumakay since i-ilan lang naman kaming pupunta sa Star Game ngayon. Ako, si Oli, si Axel, si Renshi, at si Dion lang naman tapos si Sir Greg and si Aisha. Kasama si Aisha dahil kailangan niyang video-han 'yong Behind-the-Scenes noong interview para mai-post niya sa Youtube Channel and Facebook Page ng Battle Cry.
Habang nasa biyahe kami ay binasa ko ang set of questions na itatanong sa amin para sa interview mamaya at nag-isip na rin ako ng mga possible answers.
Typical interview pagdating sa mga rookie sa pro-play. Kailan ako nag-start maglaro, ano ang role ko sa team, nahirapan ba akong mag-adjust, saan ako na-discover, anong maiaambag ko sa Battle Cry. It is an hour interview lang naman and lima naman kaming sasagot kung kaya't hindi rin ako mahihirapan.
Mabuti na nga lang at um-okay-okay na 'yong pakiramdam ko, eh. Thank you, Lord, naimbento ang mga pain reliever na gamot.
"Bakla," bigla akong tinawag ni Aisha at napatingin ako sa kanya. Nakatapat sa akin ang camera. "Say hi to our vlog naman."
Ibinaba ko ang phone ko. "Hello," kinalabit ko si Dion na at tinanggal niya ang airpods niya. "Hello ka naman sa camera, ang isnabero mo."
"Anong isnabero? Hindi ko nga lang kayo naririnig." He waved his hand sa camera.
"First activity mo ba 'to sa Battle Cry, Milan?" Tanong ni Aisha sa akin.
"Outside the game ba?" Tanong ko.
"Sa game, guys, nakakasama na namin si Milan sa mga quest, sa mga raid, then practice pero ito 'yong first activity niya outside the game." Si Dion ang sumagot sa harap ng camera.
"Baliw 'yong sa Pampanga." Depensa ko.
"Eh, hindi ka naman lumaro no'n." Dahilan niya. "Pumunta ka lang doon para manood."
"Hindi ba schedule 'yon?" Tanong ko.
"Hindi. Active na active ka na naman tapos mamaya sasabihin mo na naman masakit puson ko..." Ginaya pa ni Dion ang way nang pagsasalita ko.
"Chika ka."
Inalis na ni Aisha ang camera sa aming dalawa at iniharap sa kanya. "Alam ninyo, vinideo ko silang dalawa para ma-inspire kayo sa gaming pero sa nakita ninyo naman mukhang na-inspire kayong magjowa. Mapapa-sana all ka na lang talaga." She explained in front of camera.
"Ikaw kasi." Bulong ko kay Dion at tinunggo ang braso niya.
Mahina lang siyang tumawa at ibinalik na sa tainga niya ang earpods niya. Sa buong biyahe ay si Aisha lang maingay na madidinig mo dahil sa ginagawa niyang vlog.
Ang ginawa ko naman ay bumuo na ako ng sentence sa utak ko kung paano ko sasagutin ang mga tanong na wala akong nai-i-spill na information sa mga plano namin aa Battle Cry.
Huminto ang Van sa harap ng isang mataas na building na talaga namang nakapagpamangha sa akin.
Stargame.co.ltd
Pagbasa ko sa pangalan noong kumpanya. "Masarap pagkain nila sa pantry nila, Kumare." Bulong sa akin ni Oli. "Try mo 'yong Hopia, the best."
May kinausap si Sir Greg sa cellphone at ilang minuto kaming nakatayo sa labas bago may pumick-up sa aming lalaki na naka blue polo shirt at naka-tuckin sa itim niyang pants.
"Nice meeting you again, Greg," bati nito at nakipagbeso kay Coach at sa amin. "Nice meeting you again Axel, Dion, and Oli. Sa mga hindi pa ako kilala, ako lang naman ang na-iisang Diyosa at Birheng Maria sa Stargame, ako si Cherry." He introduced himself and obviously, he is a member of LGBTQIA+ community.
Inabutan niya kami ng mga ID (which is our pass sa Stargame). "Sakto lang ang dating ninyo dahil patapos na rin ang interview namin sa Black Dragon." Pumasok kami aa elevator at pinindot niya ang 18th floor.
Bumaling ang tingin sa akin ni Cherry. "Taray, may representative na talaga ang mga babae sa Hunter Online. Girl power, naalala ko sa 'yo bigla ang fiancee ng Boss namin."
"Nandito po siya?" Tanong ni Oli.
"Oo, may pinag-uusapan lang sila ni Sir Raydin sa office ni Boss tapos ay baka bumaba rin siya para dumalaw sa studio." Paliwanag ni Cherry at napangiti ako.
Danica Espino is really famous pagdating sa paglalaro. Noong adik pa sila Kuya sa paglalaro ng School War Online ay talagang sa Blue Waves University daw ang piniling school nila sa game para lang makita si Ma'am Danica.
Dinala kami ni Cherry sa waiting area ng company.
"Chill lang kayo, you can watch netflix or play arcades muna dito sa waiting area. Balikan ko kayo after a couple of minutes. Iche-check ko lang kung matatapos na 'yong interview sa Black Dragon doon sa studio. Pasensiya na at hindi ko kayo maasikaso ng bongga, busy ang lola ninyo." Sabi ni Cherry at lumabas na sa waiting area.
"Napakaganda talaga rito sa Stargame!" Puri ni Oli at umupo sa isang bean bag. "Hoy, Renshi, kuhanan mo naman ako ng picture."
"Where is your phone?" Tanong ni Renshi.
"Gago, cellphone mo na. Mas maganda camera ng cellphone mo. Naka Apple 11 ka, eh." Sabi ni Oli at pumost na habang nakaupo sa bwan bag.
"Ang laki nitong Stargame, 'no?" Sabi ko kay Dion habang pinagmamasdan ang paligid. Nagpe-play sa TV ang interview sa ilang members ng Black Dragon and nandoon si Callie. Si Callie lang naman ang kilala ko sa Black Dragon, eh.
"They are one of the biggest gaming company dito sa Pilipinas, eh," sabi ni Dion habang kinukuhanan niya ng video ang buong waiting area, tumapat sa akin ang camera niya. "Kunwari wala siyang toyo." I bet zinoom niya pa sa mukha ko 'yong camera.
"Epal." Sagot ko at mukhang ipinost na niya 'yong video.
Our conversation was interrupted noong pumasok ang isang babae na may mahabang buhok kasunod ang lalaki na nakasuot ng tux.
Tumayo si Sir Greg at napatayo rin kami nila Oli. "Good afternoon, Sir."
"Oh, ikaw pala 'yong new player ng Battle Cry," lumapit sa akin ang babae na nakasuot pa ng uniform ng Northford University. "I am Dani." She introduced herself.
"I-I am Milan po." Sabi ko sa kanya at kinamayan siya. Wow, nakaka-starstruck siya kahit na siya ang unang nag-approach sa akin. I mean, she is still Danica Espino, maraming teens ang na-inspire sa kanya after they united the five different schools in SWO.
"You are scaring her." Sabi ni Sir Raydin at tumango sa akin.
"Hayaan mo na akong ma-amaze sa kanya, Raydin, stress na nga ako sa thesis ko, eh." Reklamo niya at bumaling ang tingin niya sa akin. "I am a fan."
"Eh paanong hindi ka mai-i-stress, ayaw mong ipa-debug sa akin 'yong app na ginagawa ninyo ni Jace." Sagot ni Sir Raydin. "Okay lang kayo rito sa pag-i-stay ninyo?" Tanong niya sa amin.
"Yes po, Sir." Sabay-sabay naming sabi
"In case na may kailangan kayo, just call Cherry. He will assist you." Kalmadong sabi ni Sir Raydin sa amin.
"Sino sa ating dalawa ngayon ang mukhang nananakot?" Tanong ni Ma'am Dani at napatawa kami. "I am rooting for your team to win the Summer Cup, go Milan. Kick their asses! Ipakita mo sa kanila na kaya nating mga babae na lumampaso ng mga lalaking players."
"Dani, hinihintay na nila tayo." Sabi ni Sir Raydin matapos tumingin sa wristwatch niya.
"Atat na atat naman si Jace, paniguradong late din 'yan." Ngumiti sa amin si Ma'am Dani. "See you! Manonood kami ng match." She waved her hand and they walked outside already.
Alam ninyo 'yong feeling na doon lang ako nakahinga ng maayos pagkalabas nila? Sobrang na-starstruck ako since Sir Raydin is the COO of this company. Baka may masabi akong masama ay makasira sa Battle Cry at hindi na kami payagan sa company nila, eh.
"Ang cute nila, 'no?" Sabi ko kay Dion noong umupo siya sa bean bag at ako naman ay sa wood chair dito sa Waiting area.
"Sir Raydin and Ma'am Dani?" I nodded. "Ang balance kasi ng relationship nila tapos ang mature pa nila mag-isip since parehas silang matalino. Graduate ng Cumlaude si Sir Raydin tapos running for honors din si Ma'am Dani." Paliwanag ni Raydin.
"Goals." Nasabi ko na lang.
Ang amazing lang kasi napagsabay nila ang gaming at ang pag-aaral nila. Sila Dion nga ay hirap na hirap gawin iyon, eh.
Nag-focus kami sa panonood ng interview.
"Gaano kayo ka-confident na mananalo kayo for the Season four of Hunter Online? Confident ba kayo na magba-back-to-back kayo?" The emcee asked to the players of Black Dragon.
"Wala naman kasi kaming nakikitang threat from other teams, eh." Sagot ni Ryle (lumabas ang name niya sa baba ng screen) at tumawa ang mga kasamahan niya sa team.
Napa-react kaming lahat dito sa waiting area. "Yabang amputa, substitute player lang naman." Sabi ni Kendrix. "Lumaro ka muna sa pro league, uy!"
"Marami pa silang dapat na i-improve bago nila kami matapatan pagdating sa mga professional match." Dugtong ni Miguel.
Ang yayabang talaga ng mga Black Dragon. No wonder kung bakit kahit madami silang fans ay marami rin silang bashers, ang hilig nilang maliitin ang ibang team. Pero bukod sa pagiging mayabang nila, ibang klase din talaga sila lumaro.
"Same as always, Black Dragon is confident na maiuuwi nila ang Championship. And ano naman ang masasabi ninyo sa mga fans na nanonood ng live ngayon, may mga gusto ba kayong pasalamatan?" Tanong noong host.
As usual, nagpasalamat lang sila sa mga nag-i-sponsor sa kanila and sa mga fans nila.
Noong turn na ni Callie ay ngumiti ito sa camera. Siya lang talaga ang nakikita kong mayabang na mabait sa Black Dragon, eh.
"Hinintay ko talaga 'tong end ng interview para sa announcement ko," Callie chuckled at maging kami sa waiting area ay nag-focus sa panonood. "I want to announce that I am planning to leave Black Dragon."
Kahit ang host ay nagulat sa sinabi ni Callie. Especially us! Bakit naman aalis si Callie sa Black Dragon? Black Dragon ang Number one squad dito sa Pilipinas.
Mukhang hindi rin alam ng mga kasama niya ang tungkol sa announcement niya dahil nagulat sila at may ibang napatayo pa.
"Bakit ka naman aalis, Callie?" Tanong noong Host.
"Confidential pa siya ngayon. But I am really grateful sa buong Black Dragon because they allowed me to grow as a player." Tipid na sabi ni Callie at nag-closing na sila for the live.
"Aalis si Callie?" Tanong ko sa sarili. Paano na 'yong sinasabi niyang maglalaban pa kaming dalawa?
Hindi ko alam kung binabalak din ni Captain Axel na mag-announce dito pero huwag naman muna sana. Ilang araw na lang bago ang kumpetisyon at baka mawala sa focus ang iba naming kasama.
"Ini-i-scout si Callie ng isang kilalang team sa Amerika." Sabi ni Dion. "Hindi na bago 'yong balita na iyon since kalat iyon sa Esports. Ngayon lang yata tinanggap ni Callie ang offer."
"Everyone, maghanda na kayo for the interview. Magpalit na kayo ng jersey ninyo." sigaw ni Sir Greg.
Sabay kami ni Dion na naglakad sa restroom since nasa duffle bag ko ang damit niya.
"Sure kang kaya mo 'yong interview? Baka mamaya sumakit bigla 'yong puson mo, live 'yon." pag-aalala niya.
"Uminom na ako ng gamot, okay lang ako. Magbihis ka na. Mas matagal ka sa akin" Iisa lang kasi ang restroom dito na puwede kang magpalit kaya pinauna ko na si Dion.
"Wow naman..." Reklamo ni Dion habang kinukuha ang damit niya.
"Oh magwa-wax ka pa, magpapabango ka pa. Alam ko na ang mga preparations mo, Dion, kaya go na. Magbihis ka na." Naiiling na pumasok sa CR si Dion at sumandal muna ako sa pader.
Habang naghihintay ako ay saktong dumaan sa hallway ang Black Dragon. They are talking to Callie, siguro ay sa biglaang desisyon na pag-alis nito.
Noong nakita ako ni Callie ay itinaas niya ang kanang kamay niya na para nagha-hi.
"Yow." he said at huminto sa tapat ko. "Mauna na kayo sa waiting area, susunod ako." sabi niya sa kagrupo niya at nauna na itong mga maglakad.
Humalukipkip ako at pinagmasdan ang mayabang na mukha ni Callie. "So you are planning to leave Black Dragon?" tanong ko.
"Why? Disappointed?" Sumandal din si Callie sa kabilang pader ng hallway at magkatapat kaming dalawa.
"Na-surprise lang ako."
"Mukhang hindi mo ako makakalaban ng nasa Black Dragon ako. Kung gusto mo akong makalaban, magpalakas ka pa. Mapaglakas kayo ng buong team ninyo. I am going to compete globally." Oh, mukhang tama nga ang sinabi ni Dion kanina na tinanggap ni Callie ang offer sa kanya ng isang international team.
I offered my hand to him. "Magkakalaban tayo... Soon."
He chuckled. "Gaano ka-soon 'yang soon mo? Friend request ko nga tinambak mo lang, eh."
"For the record, I rejected it again." Sagot ko.
"Awit, galit sa pogi." Natatawa niyang sabi at nakipagkamay sa akin. "Magkakalaban tayo soon. Give me a good battle if that's happen."
Naglakad na paalis si Callie at saktong lumabas na si Dion sa CR.
"Tagal mo." Sabi ko at inagaw ang duffle bag sa kanya.
"Kausap mo si Callie?" Curious niyang tanong.
"Nangumusta lang." sagot ko at pumasok sa CR.
Saglit lang akong nagbihis at nag-ayos ng mukha para sa interview mamaya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top