Chapter 35: Getting Comfortable
MAG-ISA ako ngayon sa balcony sa 5th floor ng Boothcamp at pinagmamasdan ang mga ilaw dito sa village. Honestly speaking, kahit ilang beses na sabihin nila Dion na wala akong kasalanan kung bakit nagalit si Liu... May part sa akin ang nagi-guilty.
Especially na bago lang ako sa grupo at si Liu at magda-dalawang taon. Para kay Liu ay malaking bagay ang bawat kumpetisyon at feeling ko, in a snapped ay inagawan ko si Liu ng bagay na sobrang importante sa kanya unintentionally.
Matagal din silang nag-usap ni Coach sa Meeting Room, paano ko nalaman? Bumababa kasi si Oli para kunwaring kukuha ng tubig sa kitchen pero ang totoo ay nakikitsismis kung ano ang nangyayari sa Meeting room. Baliw talaga, eh.
Naputol ang aking malalim na pag-iisip noong marinig kong bumukas ang sliding door papasok dito sa balcony. Nakita ko si Liu na may hawak na Stic-O. "Yoh." Sabi niya at itinukod ang kanyang braso sa bakod.
"Liu..." Mahinang tawag ko sa kanya ay bumaling ang tingin ko sa mga sasakyan na dumadaan sa ibaba.
"Sorry." Sabay naming sabi ni Liu. Nagkatinginan kaming dalawa at parehas mahinang natawa.
"No, it's not your fault." Sabi niya at kumagat sa Stic-O na kanyang hawak. "Bawal ka sa amoy ng yosi kaya pagtitiyagaan ko muna 'tong Stick-O na bigay ni Renshi."
"Sorry." Pag-ulit ko.
"Kulit, amputa." Naiiling niyang sabi.
"No, feeling ko kasi inagawan kita bigla. Ako 'yong ipa-priority na i-sub kahit bago lang ako sa grupo. Feeling ko bigla kong tinapakan 'yong ilang buwan o taon ninyong training." Pag-amin ko.
"Hindi naman ako nagalit sa 'yo. Nagalit ako sa desisyon ng management. Siguro ang pangit lang din nang pagkakasabi ko kanina dala ng galit. Pero sorry." Kumakamot sa ulo na sabi ni Liu.
Tumingala siya at pinagmasdan ang iilang bituin sa kalangitan. "Dumating na ako sa point kanina na kinukuwestiyon ko na 'yong galing ko as a player. Hindi ba ako effective na fighter sa team at hindi ako ipinapasok sa lineup? O kaya naman, baka pangparami lang ako sa Players ng Battle Cry para masabing 20 players ang team, o baka... Sinali lang ako para may maipanlaban sila sa maliliit na kumpetisyon para hindi mapahiya ang mga inaalagaan nilang players."
"Liu... Hindi totoo 'yan,"
"I know." He chuckled. "In-explain na sa akin ni Coach kanina. Tama naman siya, kaya mong mag-shotcall at isa pa, Assassin si Axel kung kaya't mas okay kung Assassin din ang papalit para hindi makalito sa play style." Paliwanag niya.
Tumingin sa akin si Liu. "You know... My thoughts were clouded earlier. Nawalan ako nang pakialam kung may masaktan akong ibang tao dahil nasaktan din ako. Sorry." Sabi niya sa akin.
"Ipapasok ka rin ni Coach sa lineup. Nakasama na kita sa ilang quest at nakita ko ang galing mo as a player, Liu. Makikita rin ng management ang mga bagay na hinahangaan ko sa 'yo." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Okay na ako. Mananalo tayo sa Summer Cup, papasok tayo sa Season Four Tournament." Nakangiti niyang sabi sa akin. "Ang panalo ng isa, panalo ng lahat. Ayoko nang maging toxic ang mindset ko, tangina."
"Solid na tayo?" Tanong ko at ni-ready ang kamao ko para makipag-fist bump sa kanya.
"Solid." Liu answered at nakipag-fist bump sa akin. "Dumaan lang ako dito para mag-sorry. Maaga kang matulog dahil may photoshoot bukas, baka maging pangit ka sa mga picture."
Hinawi ko ang buhok ko. "Maganda na ako."
"Ulol." He answered at umalis na si Liu.
Mukhang okay na nga siya dahil balasubas na naman ang mga sagutan ni Liu, eh.
***
KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil sa sakit ng puson ko. The heck, paano ko nakalimutan ang tungkol dito?!
"Nalagyan ko pa 'yong bedsheet." Naiiling kong sabi.
Una kong tinawagan si Dion para magpatulong. OA man pero kapag may period talaga ako ay parang laging sinusuntok 'yong puson ko sa sakit.
Dion answered the call.
"Hindi ako sasamang mag-jogging." Inaantok na bungad niya sa akin.
"No, hindi 'to tungkol sa jogging." Paliwanag ko.
"Bakit ganyan boses mo? Bagong modus mo na naman ba 'to?" Tanong ni Dion.
"Mayroon ako ngayon."
"Anong mayroon? Photoshoot? Lahat naman tayo may Photoshoot ngayon." Paliwanag niya. "Puwede bang matulog mun—"
"May period ako ngayon. Hindi ako makalabas kasi..." Napatingin ako sa bedsheet at sa puwetan ko.
"Kasi?"
Kung sila Kuya 'to ay okay lang sabihin ko 'yong mga words pero nahihiya pa rin ako sa ibang tao.
"Huy, kasi?" Ulit niya.
"Natagusan ako." Sagot ko at napailing. God.
"Wait ka lang diyan." Sabi niya at in-end ang call.
Ilang minuto ang lumipas at may katok akong narinig mula sa pinto. Dahan-dahan akong tumayo at maliit na binuksan ang pinto.
"Ako 'to." Sabi ni Dion. "May dala akong napkin. Hindi ko alam kung ano pinagkaiba noong may wings sa regular na napkin... Kaya parehas kong binili." He said while avoiding my eyes.
Iniabot niya sa akin ang plastik ng Mini Mart na naglalaman ng dalawang balot ng Napkin.
"Makakalabas ka ba?" Tanong niya.
Nasa baba pa kasi ang CR na ginagamit ko since madalas gamitin ng mga boys ang CR sa ibang floor.
"May tao na ba sa labas?" Nahihiya kong tanong.
"Maaga nagising ang karamihan, excited sa pictorial." Paliwanag ni Dion. "Halika na. Hindi ka naman ija-judge ng mga 'yan. Normal sa mga babae 'yan."
Kumuha ako ng pamalit sa kabinet ko. Binuksan ko ang pinto at tinakpan ang bandang likod ko gamit ang aking kamay.
Dion sighed. Tinanggal niya ang suot niyang jacket at itinali sa baywang ko. "H-Huy, gagamitin mo 'to sa Photoshoot."
"Lumang Jacket ko 'yan." Sagot niya sa akin. "Sabihin ko na lang kay Manang Martha kailangan palitan 'yong bedsheet mo."
"Naabala na naman kita."
He smiled. "Baliw. Mukha ba akong naiinis kapag iniistorbo mo?" Ginulo niya ang buhok ko.
Naglakad na kami pababa.
"Oo." Sagot ko.
"Binilin ka sa akin ng kapatid mo. Tsaka nag-iisang player na babae ka rito sa Boothcamp." Sabi niya.
"Lumabas ka pa?" Tanong ko.
"Ah, hiniram ko 'yong bike ni Kendrix para mabilis akong makarating sa Mini Mart." Sagot niya. Pansin ko rin dahil basa ng pawis ang likod ni Dion.
"Thank you." I answered. Effort 'yon, to think na napkin pa ang binili niya.
Nagmamadali akong pumunta sa CR para maglinis at magpalit ng shorts.
"Malas naman." Reklamo ko noong mapansing maiksing shorts ang nakuha kong pamalit tapos naka-oversized shirt pa ako.
Paglabas ng CR ay nakasandal si Dion sa pader malapit sa CR. Nagpasuyo ako kanila Manang Martha na labahan agad ang gamit kong natagusan at naintindihan naman nila iyon.
"Okay na 'yong pakiramdam mo?" Tanong ni Dion.
"Gaga. Hindi nawawala ang sakit ng puson ko once na maglagay ako ng napkin." Naiiling kong sabi sa kanya. Kahit sila Kuya, misconception 'yan.
"Na-gaga pa nga." He chuckled.
Hindi muna ako nag-jogging ngayong araw at tumambay kami ni Dion sa sala habang nanonood ng Morning show sa TV.
"Ang sakit talaga." Mahina kong bulong. Partida, first day ko. Paano pa sa second and third day ko?
"May compressed bag ako sa kuwarto, kailangan mo ba?" Tanong ni Dion sa akin.
"Hindi na. Manageable pa naman 'yong sakit." Sagot ko sa kanya.
Humarap sa akin si Dion. "Wala ka bang napapansin sa mukha ko ngayon?" Tanong niya.
Kumunot ang noo ko at pinagmasdan maigi ang mukha niya. "Bukod sa muta sa kanang mata mo, ano bang naging kakaiba?" Tanong ko.
Nawala ang ngiti ni Dion at tinanggal ang muta niya. "Tingnan mo kasi maigi."
Mas inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at bahagya siyang napaatras. "Baliw ka, paano ko makikita kung lumalayo ka." I cupped his face at in-observe ko ang facial features niya.
"Hindi mo pa rin makita?" Tanong niya.
"Wala talaga. Hindi ka naman bagong gupit. Walang kakaiba." Sagot ko.
Tinanggal ni Dion ang kamay ko at napasibangot.
"Gumamit ako ng face mask kagabi para sa photoshoot. 'Di mo man lang napansin." Reklamo niya.
Saglit akong natahimik at malakas na napatawa. "Tawa pa." Inis niyang sabi.
"Baliw. Hindi naman eepekto ng isang araw 'yong paggamit mo ng face mask." Paliwanag ko sa kanya. "Pero infairness, wala kang tigyawat ngayon. Fresh ka pa rin sa Pictorial later."
"Tangina ni Oli, sabi niya effective 'yong binili niyang face mask, eh. Gumamit pa ako noong pinapahid sa mukha... Ano tawag doon?" He snapped his finger na iniisip 'yong tawag sa ginamit niya.
"Aloevera gel?" Tanong ko. Hula lang since gumagamit noon sila Kuya.
"Ayon nga! Wala naman palang epekto. Badtrip."
"I thought araw-araw kang gumagamit ng mga 'yon kasi ang kinis ng mukha mo." Paliwanag ko sa kanya.
"Alin? Skin care products?" I nodded. "Sila Oli ang madalas gumamit. Hilamos lang ako tsaka safeguard." Sagot niya.
"Sana all." Sagot ko sa kanya.
"Aminin mo na, napo-pogian ka sa akin." He smirked.
"Pogi ka naman talaga." I answered at parang nagulat si Dion sa sinabi ko. "Kaya nga ang dami mong Baby Bra Warriors, eh."
"Plano kong magpagupit mamaya bago mag-shoot." I informed Dion.
"Ang iksi na nang buhok mo tapos magpapagupit ka pa?" Tanong niya.
"Anong maiksi? Ang haba na kaya. Tingnan mo napupusod ko na." Paliwanag ko sa kanya.
"Ayaw mong magpahaba ng buhok?" Tanong niya ulit.
"Ha? Once kasi na nagpagupit ka ng maiksing buhok, hindi ka na sanay sa feeling na mahaba 'yong buhok mo. At isa pa, Summer, ang init-init ngayon kapag lumabas ka so mas okay ako sa ganitong buhok na shoulder length lang." Paliwanag ko kay Dion. "Samahan mo ako."
"Si Boy pasama amputa." Reklamo ni Dion.
Bahagya akong natawa. "Bilis na. Magpagupit ka na rin, sabayan mo na ako. Ang haba na kaya ng buhok mo." Hinawakan ko ang buhok ni Dion at nilaro ko ito.
"Gusto mo lang samahan kita." Sagot niya.
"Huy baliw, mahaba na talaga." Tinawag ko si Oli na kumakain ng cereals sa center table at naka-indian sit siya sa carpet. "Oli, 'di ba mahaba na ang buhok ni Dmitri?"
"Ah nakikita ninyo pa pala ako. Akala ko nilamon na naman kayo ng mundo ninyo." Reklamo ni Oli sa amin.
"Baliw." Sagot ko.
Tinanggal ko ang goma sa braso ko at ipinusod ko ang buhok ni Dion and made it an Apple Hair.
"Wala ka bang magawa?" Reklamo niya.
Natawa ako noong makita ang hitsura niya. "Ang cutie mo pala kapag ganito 'yong hairstyle mo, eh. Ang Cutie player ng Nueva Ecija." Natatawa kong sabi.
"Ang pangit talaga ng mga trip mo." Naiiling niyang sabi at akmang tatanggalin ang goma.
Pinigilan ko siya. "Wait lang, picture-an kita." Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko.
"Ayoko. Parang gago." Sagot ni Dion.
"Isa lang." Sabi ko.
"I-a-IG story mo lang, eh."
"Oh ano naman, nakaka-proud kaya 'yong hairstyle mo ngayon." Sabi ko at inayos pa ang kanyang buhok. "Tsaka remembrance 'yan, magpapagupit tayo later, hindi na natin 'yan magagawa sa buhok mo."
"Desisyon ka, ah. Hindi pa nga ako pumapayag na sumama, eh."
"Sumama ka na. Nag-search ako ng mga salon dito malapit lang sa Boothcamp." Sabi ko sa kanya at kinuhanan siya ng litrato.
"Isang picture lang daw pero naka-burst amputa." Reklamo niya. "Scammer talaga."
Naputol ang pag-uusap namin noong marinig namin ang palakpak ni Oli. "Hoy! Punyeta mga hindi makausap." Inis na sabi ni Oli.
"Ano 'yon?" Tanong ni Dion.
"Kakain na daw. Daig ninyo pa naka-earphone." Sabi ni Oli at naglakad na kami ni Dion patungo sa kitchen.
Matapos naming kumain ay sinamahan ako ni Dion na magpagupit. Nagpa-trim lang ako ng buhok samantalang si Dion ay nagpagupit talaga. Ako pa ang pumili ng hairstyle na babagay sa kanya.
Pinili ko 'yong Pompadour Faded hairstyle and trust me, bumagay iyon kay Dion. Ang clean niya tingnan ngayon. Naiba rin ito sa image niya noon na basta mapagupit na lang.
"Bagong gupit ang Angel's Burger, ah." Naiiling na sabi ni Liu noong pagkarating namin sa Boothcamp.
"Dion makeup-an ka na raw doon sa Editor's room." Tawag ni Gavin. "Yabang amputa, ang yummy sa bagong hairstyle."
"Tangina mo." Sabi ni Dion.
"Ikaw, Milan, magpapa-make up ka?" Tanong ni Gavin.
"Ha? Ako na lang magme-make up sa sarili ko para mas mapabilis. Sanay naman ako." Sabi ko sa kanya.
"Kumare, sanay ka?" Tanong ni Oli. "Ikaw na lang mag-makeup sa akin."
"Sure ka ba diyan?" Tanong ko kay Oli.
"Oo, mas okay nang ikaw ang mag-makeup sa akin. Para puwede akong magreklamo." Natatawa niyang paliwanag.
Nauna kong ayusan si Oli dahil mabilis lang naman iyon. Natuwa naman siya sa kinalabasan at pumunta sa baba para magyabang.
Una kong inayos ang buhok ko, kinulot ko lang ang dulong bahagi nito at sa listick, nude lipstick lang ang ginamit ko. Hindi ako nag-red lipstick dahil baka masabihan na naman ako sa comment section na mataray at bitchesa. Hindi ko na alam kung paano ko ipaliliwanag sa kanila na natural na ang bitchy ng hitsura ko.
Pumunta ako sa Studio suot ang jersey ko at kinukuhanan na nila ng litrato si Axel. Pinagmasdan ko ang mga resultang kuha ni Aisha sa maliit na monitor.
Hands down kay Aisha, ang gaganda ng kuha niya at ang ganda rin ng lighting setup dito. "Captain, tingala ka kaunti tapos mata sa camera."
Ginawa iyon ni Axel. "Gaga, kaunting tingala lang!" Sigaw ni Aisha. "Sige, 'yong lalamunan mo na lang kuhanan ko. Ang OA mo tumingala." Typical Aisha, balasubas pa rin ang words.
Sunod na sumalang si Oli.
Isa sa mga napansin ko, usong-uso sa mga Esport players 'yong pose na naka-crossed 'yong arms. Wala naman akong problema doon dahil lahat sila ay ginawa iyon.
Sunod ay solo shot ko na.
Noong pumunta ako sa gitna ay saglit akong nasilaw sa lightings.
"Ay taray, susong may laban." Natatawang sabi ni Aisha.
"Baliw."
"Hindi flat, hindi rin pakwan. Sakto lang, susong may laban depende sa anggulo." Natawa ang mga tao rito sa studio. "Girl, game na."
Ang kanang kamay ko ay nasa baywang at seryosong tumingin sa camera. "Pak laban na laban! Chin up kaunti." Sabi ni Aisha at ginawa ko iyon. "Nice one!"
Tumalikod ako upang ipakita ang jersey name and number ko at sumide view para makita pa rin sa camera ang mukha ko.
"Taray ang lakas makakontrabida!" Sigaw ni Aisha.
Natapos ang shoot at nabigla ako na nakatutok pala sa akin ang lahat ng nandito. "Bakit ganyan kayo makatingin?" Naiiling kong sabi.
Pumalakpak lang sila after my shoot at napailing na lang ako. Mga siraulo talaga.
Sunod kaming kinuhanan na grupo at nasa gitna ako dahil ako raw ang nag-iisang babaeng player ng grupo. Nakakaaliw lang dahil ang daming kalokohan nila Gavin.
After the shoot ay hinayaan na kami ni Aisha na maglaro sa studio at pinayagan niya kaming gamitin 'yong DSLR camera para magkuha-kuha ng mga litrato pang-profile picture namin.
"Milan, Picture-an kita with Dion." Sabi ni Renshi.
"Sanay ka ba?" Tanong ko kay Renshi.
"Oo!" He proudly said.
Hinatak ko si Dion sa gitna at nasilaw pa siya sa lightings. "Ano na naman 'to?" Reklamo niya.
"Picture-an daw tayo ni Renshi."
"Just be yourself, guys," itinapat ni Renshi ang camera sa amin.
Nakapakyu si Dion habang ako ay tumatawa.
May picture din na bigla akong pumasan sa kanya at nagulat si Dion. O kaya naman ginugulo ko ang buhok niya tapos siya naman ay kinukurot ang pisngi ko at ini-i-stretch.
"Tama na 'yan!" Sigaw ni Gavin. "Lalandi amputa, kami naman!"
"Madami kang nakuhanan, Renshi?" Tanong ko.
"Marami." Sagot niya at pinakita niya 'yong mga shots at tinawanan namin ito ni Dion habang tinitingnan lahat.
Naputol ang kasiyahan namin noonh sumigaw si Coach na naka-email na sa amin kung sino ang unang makakatapat namin sa Summer Cup
Battle Cry Versus Spark Again
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top