Chapter 34: Summer Cup Players
Group A:
Anonymouse
BlackJack
DarkMethod
Gauntlet
GrayWolfe
LutherKing
Maximus
Nemesis
SledgeHammer
WarHawk
Group B:
Azuran
Knuckles
Leviathan
NightShade
Maliupet
Rufus
Scythe
Shinobi
Ted_Bundy
Veerus
NGAYONG araw ang 10v10 match na gagawin namin para ipakita ang pag-grow namin as a player kanila Coach. Malaking factor din ito para masama sa lineup sa mangyayaring Summer Cup kung kaya't sineseryoso ng lahat ito kahit practice lang.
Everyone wants to be in the lineup.
Ako? Tanggap ko nang bangko lang ako sa unang competition na ito lalo na't bago lang naman ako sa team. Pero hindi iyon rason para hindi lo ito seryosohin.
Nangyayari ang match namin sa isang malaking mansyon at nasa magkabilang side ang magkalabang team. Nasa kabilang team si Oliveros na isa sa pinakamagaling na core sa labanan kung kaya't isa siya sa mga una naming dapat ma-eliminate.
[Battle Cry] Maliupet: Left wing area, clear.
[Battle Cry] Ted_Bundy: Rufus manguna ka sa paglalakad. Azuran and Scythe, follow Rufus.
Mabilis akong tumatakbo sa paligid at hangga't sa maaari ay iniiwasan kong makagawa ng kahit anong ingay para hindi ko makuha ang atensiyon ng kalaban.
Nakatago ako sa likod ng isang malaking pillar sa second floor ng library. Mula sa puwesto ko ay natatanaw ko sina Anonymouse, WarHawk, at LutherKing na maingat na naglalakad habang palingat-lingat sa paligid.
[Battle Cry] Shinobi: Papasok sina Anonymouse sa malaking room ng library.
"Kung aatakihin ko mula rito si Oli," Iniisip ko na tumalon pababa pero kapag ginawa ko iyon ay mapapatay ako nila LutherKing at WarHawk. I am thinking kung worth it bang ma-eliminate agad ako sa game kung magagawa ko naman mapatay din si Anonymouse. "This is risky—"
Hindi ko na naituloy ang aking sinasabi noong may bala ng baril na dumaplis sa aking pisngi.
Nagtama ang mata namin ni Anonymouse. "I saw you, Kumare." He said at dali-dali akong tumakbo papaalis sa puwesto ko. If this will be 3v1 ay matatalo talaga ako.
[Battle Cry] Shinobi: back up. Sa malaking room ng library, second floor.
[Battle Cry] Leviathan: malapit ako.
[Battle Cry] Ted_Bundy: Rufus, pa-protect sila Shinobi.
[Battle Cry] Rufus: Copy.
Dali-dali akong bumaba at may bumubulusok na bolang apoy ang lumilipad tungo sa aking direksyon.
Mataas akong tumalong at gumulong patungo sa likod ng isang malaki at makapal na bookshelf.
Malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa paligid at nagkalaw ang mga sunog-sunog at pilas-pilas na papel ng libro. As a book lover, ang sakit makita noon kahit sa game lang.
Damn, ang sakit ng bawas ni LutherKing kahit na nadaplisan lang ako ng apoy niya.
Inventory.
Kumuha ako ng isang potion at dali-daling ininom ito. Mabilis akong tumayo at muling tumakbo papaalis.
I used dash skills para mabilis akong makatakas ngunit kayang sabayan ni Anonymouse ang takbo ko dahil Assassin din siya. Anytime ngayon ay mahahabol niya na rin ako.
Tama nga ang sinasabi ni Dion na palabiro si Oli pero ibang klase siyang magseryoso ng laro. Alam ni Oli na magaling siya sa Hunter Online kung kaya't gagawin niya ang lahat para patunayan iyon sa lahat ng mga Players.
Gamit ang kanyang baril ay nagpakawala siya ng ilang bala na tumama sa aking kaliwang binti. Napagulong ako sa sahig at umagos ang pulang likido rito.
Nahirapan na ako sa pagtakbo at naglakad si Oli sa aking direksyon habang nakangiti sa akin. "Pasensiya na, Kumare, naging magkalaban tayo, eh." Nilaro niya ang kanyang espada.
[Battle Cry] Rufus: Ready your healing potion.
"Nice game, Oli." Nagulat siya noong may mataas na bato ang biglang humarang sa akin at dali-dali akong uminom ng Healing potion
"Anonymouse, back!" Rinig kong sigaw WarHawk na pumoprotekta kay Anonymouse.
Unti-unting naghilom ang sugat ko at napatingala ako kay Rufus noong nakatayo na siya sa aking harap. "Nice timing." Sagot ko.
He smirked. "Ako pa."
Nawala ang malaking bato na ginawa ni Rufus at mabilis akong tumakbo papalibot sa Library.
[Battle Cry] Rufus: Leviathan, create fogs.
[Battle Cry] Leviathan: Copy.
Nagkaroon na makapal na hamog sa buong Library which is a good thing dahil nawala ang atensiyon sa akin ni Anonymouse at mabilis akong nakakapagtago.
Rage Cutter
Gumamit ako ng skill at para makapag-dash at nakita ko si Anonymouse na pinapakiramdaman ang buong paligid. This is my chance.
Mabilis akong tumatakbo and unluckily, naramdaman ni Anonymouse ang presensiya ko. "Hindi ka makakalapit sa akin, Shinobi!" He shouted at ni-ready ang baril niya.
"Rufus!" Sigaw ko. Humarang si Dion gamit ang malapad niyang shield upang masangga ang mga bala na pinakawalan ni Anonymouse.
Mabilis akong tumakbo tungo sa direksyon ni Anonymouse.
"Rage Cutter."
He prepared himself na siya ang aatakihin ko ngunit nagulat na lamang siya noong nilagpasan ko siya.
Hindi ko puwedeng target-in si Oli, mas mataas ang level niya sa akin at mas gamay niya ang close combat. At isa pa, paniguradong siya ang poprotektahan ni WarHawk.
Mula sa makapal na hamog ay nakita ko si LutherKing na nakatayo at pinalilibutan ng apoy ang kanyang paligid upang maprotektahan ang sarili niya sa mga surprise attack.
Too bad, dahil sa apoy niya ay mas madali ko siyang nakita.
Gamit ang lamesa aa library ay mataas akong tumalon.
Air dash.
Mula sa ere ay madali kong nalampasan ang harang ni LutherKing.
"Nasa akin!" Malakas niyang sigaw. "Shit. Shit." Ramdam ko ang pagpa-panic niya lalo na't mahina ang mage na gaya niya sa Close combat.
"Quick Slash." Mabilis ko siyang naatake sa tagiliran at mabilis akong huminto. Lumingon ulit ako sa kanyang direksyon.
"Nice Game, Gavin." Sabi ko. He just smirked. "Phantom Slash!" I slashed him fastly at hindi niya naiwasan ang combo na iyon.
"Talo na kayo. Nice G." That the last thing he said bago nawala si LutherKing sa laro.
Nabigla na lamang ako noong nakarinug kami nang magkakasunod na pagkabasag ng salamin at mula sa iba't ibang direksyon ay napalibutan na kami ng kalabang team.
Shit, maling desisyon na kinalaban namin sina Oli sa malaking room na itom
"Nice bait, LutherKing!" Malakas na sigaw ni Nemesis ng may ngisi sa kanyang labi.
Nandito ang lahat ng kabilang team. They managed to ambushed us gamit ang sarili naming plano.
"Mabilis na nalaman ni Nemesis ang plano ninyo." Biglang sumulpot si Anonymouse sa harap ko at ginamitan niya ako ng kanyang skill.
PAWISAN kong tinanggal ang nerve gear at napatingin ako kay Gavin na nakangiti sa akin. "Ginulat mo ako doon, Milan." Sabi niya sa akin.
"Ang daya!" Reklamo ko at natawa siya. "Mabilis ninyo namang na-counter 'yong binalak ko. Sinakripisyo mo 'yong sarili mo para mag-buy time sa mga ka-team mo."
"Worth it naman, tatlo kayong na-eliminate namin." Sabi niya at ilang segundo lamang ay tinanggal na ni Dion ang nerve gear niya.
"Fuck!" Malakas niyang mura. "Hindi ko natunugan 'yong pinlano ni Nemesis."
In terms of strategy and plan, masasabi kong isa si Axel sa magagaling dito. Maybe, isa sa mga humasa sa kanya ay ang experienced niya sa mga tournament since Season One ng Hunter Online. Kung sakaling aalis man si Axel ng Battle Cry after Summer Cup, malaking kawalan iyon lalo na't si Axel ang utak at captain ng grupo namin.
At the end of the battle, ang team nila Axel ang nanalo (as expected). Matapos ang laban ay bumaba kami sa sala.
"Milan!" Parang hangang-hanga na tumingin sa akin si Oli. "Grabe! Akala ko ay ako talaga ang aatakihin mo kanina, kinabahan ako. Pero ang talino mo noong napili mong atakihin si Gavin kaysa sa akin dahil poprotektahan ako ni Marco." Si Marco ay si WarHawk sa game. He is also ome of the tank players of Battle Cry.
"Siyempre ikaw ang core that time so ikaw ang poprotektahan ni Marco. Ang kaso nga lang, mabilis na na-counter ni Axel ang plano ko. Kung hindi sila dumating ay ubos kayong tatlo doon, eh." Paliwanag ko sa kanya.
Umupo kami sa sofa. "Sorry, akin." Sabi ni Dion. "Hindi na kita na protektahab kay Oli noong inatake ka niya ulit kasi ang dami nang umatake sa akin."
"Baliw, okay lang. Nice game." Natatawa kong paliwanag kay Dion. "Napalibutan na tayo that time kung kaya't mauubos din tayo sa room na iyon, eh."
"Dapat pala pinasunod natin sila Kendrix doon noong dumating kami, eh." Sabi ni Dion.
"Hindi naman natin in-expect 'yong ambush." I raised my right hand para makipag-apir. "GGWP."
"Aba, alam mo ba ibig sabihin niyan?" Natatawa niyang sabi at nakipag-apir sa akin.
"Oo, nag-research ako. Good Game, Well Played." I answered proudly.
"GGWP." Naiiling na sabi ni Dion.
Tumayo na si Coach sa harap hawak ang isang clipboard kung saan niya kami in-evaluate. "Nice game, kids." Pumalakpak kaming lahat.
"Kagaya nga nang sinabi ko, ngayon ko sasabihin ang mga Players na pasok sa lineup natin sa Summer Cup para mapulido na natin ang ipapakita natin sa laro. But first of all, napahanga ninyo ako lahat dahil ang laki nang in-improve ninyo, you gave me a good fight." Coach Robert said.
"Sasabihin ko ang mga username na pasok sa lineup. Nemesis, Anonymouse, Ted_Bundy, Rufus, LutherKing, BlackJack, WarHawk, Leviathan, Azuran, NightShade, Gauntlet, Scythe."
Hindi rin naman ako umasa na papasok ako sa lineup dahil alam kong ang laki pa nang dapat kong i-improve para sa ganito kalaking kumpetisyon.
Nabigla ako noong makita na umiiyak si Renshi. Oh, this is his first time na ilaban sa ganito kalaking tournament.
"Gagski, Dre, Congrats." Puri ni Oliver sa kanya.
"Coach, are you serious po ba?" Tanong ni Renshi. "Pasok ako sa lineup?" He asked again.
"Ayaw mo ba?" Tanong ni Coach Robert sa kanya.
"G-Gusto po!" Sigaw niya at pinahid ang kanyang luha. "I will not waste the opportunity po."
Nakangiti lang ako habang nakatingin kay Renshi. Alam ninyo 'yon, kahit hindi ako nakapasok sa lineup ay nakaka-proud na makita 'yong nagbunga 'yong paghihirap ng kaibigan mo. This will be Renshi's first big competition.
"Okay kalma na kayo," sabi ni Coach Robert at napaupo muli ang lahat. "Lahat ng pasok sa lineup, I want your full attention para sa practice sa mga susunod na araw. This will a tough week para sa inyo. Siguraduhin ninyong umiinom kayo lagi ng vitamins, iwasan ninyong magkasakit lalo na't nalalapit na ang competition."
"Yes, Coach." We answered.
"Bukas ay malalaman na ninyo ang makakatapat ninyo sa unang parte ng Tournament and I want you guys na aralin ninyo ang playstyle ng kalaban ninyo." Tiningnan kami isa-isa ni Coach. "Para sa mga sub players this Tournament... Gusto ko ring magsanay kayo maigi. Especially you, Milan," turo sa akin ni Coach.
"O-Okay po," I answered.
"Ikaw ang magsa-substitute kay Axel kung sakaling may laban tayo sa araw nang pagpunta niya sa school nila." Paliwanag ni Coach.
Nagkatinginan kami ni Axel at ngumiti ito. "Kaya mo 'yan." He assured me.
"Coach paano naman kami?!"
Naputol ang pag-uusap namin noong marinig namin ang makakas na sigaw ni Liu. Nakuha niya ang atensiyon ng lahat at nakayuko siya habang pinagmamasdan ang kanyang nakakuyom na kamao. "Ang unfair no'n para sa amin..."
Natahimik ang lahat. Maging ako ay nawala ang ngiti sa aking labi noong makita ang mga luhang unti-unting pumapatak sa kanyang kamao.
"Bago lang si Milan sa grupo pero siya, may tiyansa siyang lumaban sa malaking tournament. Paano naman kami, Coach?!" Sigaw niya. "Coach, dalawang season na akong bangko! Hindi mo man lang ba kami bibigyan nang pagkakataon na makaapak din at makapaglaro sa Summer Cup?!"
Wala sa aming mga players ang nagtangkang magsalita. Lalo ako, pakiramdam ko ay nasaktan ko ang damdamin ni Liu unintentionally.
Coach Robert sighed. "Liu, iyon na nga, malaking competition ito. Aside from Kendrix ay isa si Milan sa mga may experienced sa pag-shot call."
"Coach para saan pa at nagpa-practice ako?! Sa dalawang season na nagdaan na nandito ako sa Battle Cry. Hindi mo man lang ako ipinasok sa kahit anong malaking tournament! Nilalaban mo lang ako sa mga Mall Competition at mga palaro sa Baranggay. Coach, imbes na lumakas ako... Nanliliit ako. Nanliliit ako, Coach, dahil pakiramdam ko ay hindi ako magaling na player lalo na't tinatrato ninyo akong amateur dito!" Malakas niyang sigaw.
"Aminin ninyo na, Coach, may mga paborito kayong Players ng Management!" Dugtong niya pa.
Akmang magsasalita ako pero hinawakan ni Dion ang kamay ko at umiling siya.
"Mas la-laki lang kapag nagsalita ka." Bulong niya sa akin.
Kung tutuusin, kaya kong mag-give way sa Summer Cup para sa ibang players. Aminado akong hindi ko pa ganoon kahasa ang Striker Class para maging substitute player kay Captain. At isa pa... May mga players dito na ilang taon nang nagpa-practice ngunit hindi pa sila naipapasok sa malalaking tournament.
Coach sighed. "Liu, kung puwede lang na ipasok ko kayong lahat sa Tournament... Bakit ko ipagdadamot sa inyo ang bagay na iyon? Ilang taon ko na kayong inaalagaan sa Boothcamp. Kung gusto ninyong makapasok kayo sa mga big Tournament, ganoon din ako!" Kinalampag ni Coach ang clipboard sa center table.
"Makinig kayo. May mga sponsor tayong inaalagaan na gustong manalo tayo sa bawat kumpetisyon. Sa tingin ninyo, sino ang nagpo-provide ng mga ginagamit ninyo ngayon sa Boothcamp?! 'Yong jersey?! Yong jacket?! 'Yong mga cellphone ninyo?" Tanong ni Coach sa amin.
"A-Anong nangyayari?" Saktong dumating si Sir Greg.
Kumamot sa ulo si Coach Robert. "Lahat kayo, pumasok muna kayo sa kanya-kanya ninyong kuwarto. Except kay Liu. Liu, mag-uusap tayong dalawa sa meeting room. Sumunod ka." Naglakad na papaalis si Coach Robert.
Mabilis na tumayo sila Oli at pumanhik sa taas.
"Sorry." Mahina kong bulong kay Liu noong madaan ako sa tapat niya.
"Milan, halika na." Aya sa akin ni Dion.
Habang papaakyat kami ay napalingon muli ako kay Liu na nakayuko.
"Wala kang kasalanan." Ulit ni Dion at inakbayan ako para mapilitan akong umakyat.
"Pero nagi-guilty ako kay Liu."
"Hayaan mo na ang management na ang kumausap sa kanya. Nag-expect si Liu na makakapasok siya sa lineup this year kung kaya't ganyan na lang ang galit niya. Mari-realize niya rin soon kung bakit hindi siya kasama sa lineup." Paliwanag sa akin ni Dion.
I realized na masakit para sa ibang players na manatiling substitute players. Pakiramdam nila ay nai-invalidate ang pagsasanay nila lalo na't hindi sila nakakapasok sa mga lalaro sa susunod na tournament.
Malaking bagay para sa kanila ang isang slot na ibibigay sa kanila sa bawat kumpetisyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top