Chapter 31: Match Result

RUFUS

[BATTLE Cry] Nemesis: Everyone, position. Rufus, mag-focus ka sa pagprotekta kay Anonymouse. LutherKing (Gavin) always remember that use your skills sa core members.

Mabilis na tumatakbo si Anonymouse papasok sa isang sira-sirang gusali at sumunod naman ako sa kanya. Anonymouse class is Soul Stalker na kung saan sa kanang kamay ay may hawak siyang maliit na espada at sa kaliwang kamay ay baril. Maganda ang class ni Anonymouse dahil kahit Marksman siya ay kapag nalapitan siya ay kaya niya pa ring protektahan ang sarili niya.

Nagtago siya sa likod ng Bar Counter habang sumisilip sa bintana. The map for this match ay sira-sirang urban olace na kung saan giba-giba ang bawat gusali. Maliit lang ang lugar dahil na rin iilang players lamang ang nandito.

Nag-ikot ako sa buong ground floor ng sirang building para masiguradong walang kalaban na nandito ngayon.

[Battle Cry] Ted_Bundy: I saw their mage with fighter sa bandang north side. Malayo sa lokasyon nila Rufus.

[Battle Cry] Rufus: How about their core?

[Battle Cry] Ted_Bundy: Hindi ko pa alam. Mag-iikot pa ako sa buong map para sa vision.

[Battle Cry] LutherKing: I am on my position malapit kanila Anonymouse. Naka-ready rin ang skill ko kung sakaling may kalaban na biglang sumulpot.

"Anonymouse, may nakita ka nang dumaan?" Tanong ko sa kanya.

"Wala pa," sagot niya sa akin. "Hindi ka sumama sa amin kaninang lunch... ang daming in-order ni Tito—"

"Shhh." Pinatigil ko siya sa pagsasalita noong may marinig akong ingay mula sa itaas.

Palakas na palakas ang footstep na narinig ko mula sa itaas.

"Hello." Nakit ko si Rastreador sa bintana na bumabagsak pababa sa sira-sirang kalsada sa labas. Nakatutok ang baril niya kay Anonymouse.

[Daredevil] Rastreador
Level: 27
Class: Bounty Hunter

Hawak niya ang dalawang baril niya at sunod-sunod na bala ang kanyang pinakawalan. Nabasag ang salamin at mabilis akong tumakbo tungo sa direksyon ni Anonymouse.

"Oli! Sa likod ko!" Malakas kong sigaw, pinagdikit ko ang dalawa kong espada upang maging isang malaking shield.

Absolute Shield

Kuminang ang shield na hawak ko at in-enhance noon ang depensa ko.

[Battle Cry] LutherKing is now eliminated!

Shit, napatay na agad nila si Gavin.

"Nabawasan ka?" Tanong ko kay Anonymouse.

"Iinom na lang ako ng potion," sagot niya. Okay lang na mabawasan si Anonymouse, huwag lang siyang mamamatay. He is the core member in this match, siya ang damage-dealer namin.

"Panalo na kami sa match na ito!" Malakas na sigaw ang narinig namin sa hallway at napalingon ako rito.

[Daredevil] Ashtaroth
Level: 29
Class: Bloodless

Nakalagay sa kaha ang armas nitong samurai at binunot niya ito. Mabilis itong tumatakbo sa direksyon ni Anonymouse.

Shit. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Hinaharangan ko ang mga balang pinapakawalan ni Rastreador at kapag pinigilan ko si Ashtaroth... Tatama ang mga bala sa katawan ni Anonymouse.

Kapag hindi naman ako kumilos... Mapapatay ni Ashtaroth si Anonymouse.

Damn. Hindi talaga dapat minamaliit ang skill na mayroon ang Daredevils. They execute this plan perfectly.

MILAN

"ANG nanalo sa labanang ito ay ang Daredevils!" Malakas na sigaw noong emcee at mabagal akong napapalakpak habang nakatingin sa screen.

Hindi ko naisip ang planong iyon ng Daredevils, hinintay nilang magtago sa isang gusali sila Dion (sinundan sila ng Assassin ng Daredevils) at pagkapasok nila Dion ay sa itaas sila ng building dumaan para hindi nila ito malaman.

Na-corner nila ang mga main members namin sa laban ng walang kawala.

Tinanggal nila Dion ang nerve gear at nakipagkamay sa Daredevils.

"Mahirap talagang matalo ang Daredevil." Sabi ni Liu. "De bale, may isa pa kayong laban!" He shouted.

"May isa pa?"

"Lose versus Lose. Maglalaban para sa third and fourth place ng competition." Paliwanag niya.

Unang lumapit sila Dion kanila Coach. Coach Robert tapped their shoulders na parang sinasabi na okay lang iyon.

Alam ko namang malakas ang Daredevils pero ibang klase ang strategy na ipinakita nila dito. Partida,  substitute members lang ang ipinadala nila sa competition na ito. Wala talaga sila sa line-up ng competition... But wow, they execute everything perfectly.

Nakangiting lumapit sa akin si Dion. Pero alam ninyo 'yong ngiting malungkot? Ganoon, pinipilit niya na lang ngumiti para hindi maipakita sa mga tao na apektado siya sa pagkatalo nila.

"Wala, eh, malakas talaga sila." Sabi niya sa akin. "FO na ba tayo nito?" Tanong niya.

"Baliw." Iniabot ko sa kanya 'yong burger niya. "Kumain ka na lang muna para mabawasan 'yang lungkot mo. Bawi na lang sa match mamaya.

Tumayo si Axel sa harap ng buong team. "Sorry, akin." Malungkot niyang sabi na mangiyak-ngiyak. "Hindi ko na-zone masyado 'yong location ng kalaban."

Ngayong parte na ako ng Battle Cry... Ramdam ko 'yong lungkot nila kapag natatalo sila. It's hard to see na makita ang isang member na nagso-sorry lalo na't alam niyang siya ang nagkamali sa match na iyon.

"Okay lang, Captain!" Sigaw naming lahat. "Bawi next game!"

"Sa tingin mo, Milan, may ibang way para makatakas kami ni Oli sa situation kanina?" Tanong ni Dion. He is really open for suggestions para malaman niya kung saan din siya nagkamali.

"You could sacrifice yourself that time, para makatakas si Oli." I explained. "Buy time lang naman ang kailangan mo para makapag-heal si Oli. Puwede kang mag-switch sa fighter mode at kinalaban si Ashtaroth para makatakas si Oli." Paliwanag ko.

Dion nodded. "Oo nga, hindi ko naisip 'yon." Sabi niya at kumagat sa burger. "Alam mo kanina, nablangko na ako noong makita na may kalaban sa magkabilang direksyon namin tapos na-eliminate pa si Gavin. Parang hindi ko na alam 'yong gagawin ko." Kuwento niya.

"Okay lang," I smiled to him. "Nakaka-panic talaga 'yong sitwasyon. Bawi next game, may isa pa kayong match. Iuwi ninyo ang third place. Redeem yourselves mula sa Laxus Familia."

Habang nanonood kami ng match ng Laxus Familia at Phantom Knights ay ramdam ko 'yong lungkot ng team. Hindi na ganoon ka-hype sina Oli at Gavin, parehas na lang silang tahimik na nanonood.

Si Dion man, minsan nahuhuli ko siyang nakatulala na lang.

Kapag lumaro ka pala para sa team at natalo kayo... Hindi mo rin talaga maiiwasan na sisihin ang sarili mo. The team trusted you and you failed, ganoon ang feeling.

I tapped Dion's back habang nasa kalagitnaan ng match. "Okay lang 'yan," pag-uulit ko. "We are here to observe, remember?"

"Bigyan mo muna ako ng time malungkot." Dion honestly said. "Tatahimik lang ako ng ilang minuto. Kailangan ko 'to." Sabi niya at itinakip ang hoodie ng jacket niya sa ulo niya.

Hanggang sa lumaban sila Dion sa Laxus Familia ay hindi ko siya kinausap. Apektado talaga ang mood nila sa pagkatalo nila against sa Daredevils.

***

"... AND the third place goes to— Laxus Familia!" The emcee shouted and this time, hindi ko na magawang pumalakpak. This is our second lose this day.

Nanalo ang Daredevils against sa Phantom Knights at sila ang champion sa match na ito. After the awarding ay lumapit sila Dad kay Oli.

"Okay lang 'yan, Oli, ang galing mo pa rin kanina." Puri ni Dad sa kanya at naiyak ko noong makitang nanggigilid ang luha ni Oli.

"Tito... Hindi ko nagawa 'yong promise kong magcha-champion kami ngayon." Oli said at hinarang na ang kanyang braso para hindi makita nila Mom ang pag-iyak niya. Pero nanginginig ang labi ni Oli para pigilan ang kanyang paghikbi.

"Okay lang 'yan. Marami pang susunod." Niyakap na ni Mom si Oli at hinimas ni Dad ang ulo niya.

Doon na humagulgol ng iyak si Oli at mahigpit na ring yumakap kay Mom.

Sa ilang match na nilabanan ni Oli, ngayon lang may magulang na yumakap sa kanya at kinalinga siya. He is longing for that moment.

Pinahid ko ang luha ko noong makita ko ang pag-iyak ni Oli. Ganito pala ang feeling na matalo ang team ninyo, ang bigat sa loob kahit hindi ako lumaro.

Malungkot na lumapit sa akin si Dion. "Gusto kong umiyak." He said.

Isinuot ko sa ulo niya ang hoodie niya at hinigpitan ang tali nito para matakpan ang mata niya. Idinukdok ko ang ulo niya sa balikat ko. "Iyak ka na hindi ka na nila makikita." I said and naramdaman ko na ang pagkabasa ng jersey ko. "Kailangan mo 'yan."

Sa competition, may nanalo at may natatalo. Sa kabilang banda ay nakikita ko ang masasayang team dahil nanalo sila. Samantalang kami heto, malungkot at mabigat ang nararamdaman ng buong team.

Umiiyak man ang karamihan ay tinipon kaming lahat ni Coach sa isang gilid at katabi niya si Sir Greg.

Ngumiti si Coach. "You guys did a great job in this match. Fourth place tayo." Sabi ni Coach.

"Sorry, Coach." Sabi ni Gavin.

"Sorry po, Coach." Sabi naman ni Kendrix.

"Bakit kayo nagso-sorry? Unang-una ay sinabihan ko kayo na ipapasok ko kayong lima para ma-experience ninyo first hand ang makakalaban ninyo sa tournament. This is just part of the preparation. Babawi tayo sa susunod dahil ngayon ay nalaman na ninyo kung saan kayo nagkamali. Anong kulang pa." Isa-isang hinimas ni Coach ang mga ulo namin.

"Kapag talo, ano ang dapat gawin?" He asked.

"Practice po, Coach!" Malakas na sigaw naming lahat.

"Very good. Sa totoo lang ay maganda ang naging simula ng new season sa atin. We won third place last time tapos fourth place ngayon... We are doing great. Sa Summer Cup, tayo ang mag-uuwi ng first place! Kaya ba?!" Sigaw ni Coach.

"Kaya, Coach!" Malakas naming sigaw at niyakap namin ang isa't isa sa Battle Cry.

"Nice game." Paulit-ulit naming sabi.

Nagpaalam na rin kami sa ibang team dahil maganda ang naging laban ngayong araw.

"Sure kayo, hindi na kayo sasama sa amin?" Tanong ko kay Dion. "Gusto kayong isama ni Dad na magpunta sa Sky Ranch."

"Babalik na muna kami sa Boothcamp. Kahapon pa namin kayo iniistorbo. Family time na ninyo 'yan, pakisabi kay Tito na dadalaw na lang kami ulit next time." Paliwanag ni Dion sa akin. "At isa pa, masyadong malungkot ang team. Baka maapektuhan lang namin ang mood ng pamilya mo."

"Dion!" Malakas na sigaw ni Kuya London na nakakuha sa atensiyon namin. Mugto ang mata ni Kuya na parang kagagaling lang sa pag-iyak.

Tingnan mo 'to, Daredevil fan siya pero umiyak din noong natalo kami.

"Bawi kayo next game." Seryosong sabi ni Kuya London. "Ipanalo ninyo 'yong Summer Cup."

"Susubukan namin." Pilit na ngumiti si Dion.

"Anong mind set 'yan?" Kuya Brooklyn asked at lumapit siya kay Dion. "Hindi naman kayo totally natalo ngayong araw, as long as may nakuha kayong lessons and experience... Makakabawi pa kayo sa susunod. Kapag sumuko ka na, doon ka lang makokonsidera na talo. Sumusuko ka na ba?" Kuya asked.

"Hindi po. Hindi pa kami nagiging champion. Hindi ako susuko." Sagot ni Dion.

Kuya Brooklyn smiled. "Then hindi pa kayo talo. Bawi next game."

I loved how supportive my family is sa buong Battle Cry. Even my friends, ini-encourage din nila sila Gavin kanina.

Tinawag na sila ni Coach para sumakay sa bus. "Kita na lang tayo sa Boothcamp sa tuesday." Paalam ni Dion at nagpaalam din siya kanila Dad.

Pagkaalis ng Battle Cry ay saglit akong pumunta sa CR para umihi.

Noong pababa na ako sa ground floor ay nakita ko si Callie na nakatayo malapit sa escalator.

"Nice game kamo, pasabi sa team mo." Sabi niya.

"Babawi kami sa susunod." Sagot ko.

"Chill ka lang." He chuckled. "Hindi naman ako nandito para asarin kayo. Magaling naman ang mga players ninyo sa Battle Cry. Mali lang ang lineup ninyo sa 5v5 na 'to."

"Paanong mali? They are our best players!" Sagot ko.

"I know they are your best players. Hindi naman mahalaga sa 5v5 match kung sila ang pinakamalalakas ninyong players. Ang kailangan sa 5v5 ay matalino ang pagbuo ninyo sa lineup para malaki ang chance na manalo." He explained.

"Para sa 'yo, Shinobi, ano sa tingin mo ang magandang lineup for this match?" He asked at sumandal sa railings dito sa second floor.

"Assassin, Tank, Fighter, Marksman, Mage." I explained.

"Ano ba ang lineup ninyo?"

"Dalawang Assassin, tank/fighter, Marksman, Mage." Paliwanag ko.

"'Yong dalawang Assassin pa lang sa lineup ninyo... Mali na." Seryosong sabi niya. "Hindi ko intensiyon na ma-offend ka, ha. Payo mula sa Champion noong season 3 lang naman ito." Napairap ako sa ere. Mayabang pa rin.

"Mind to explain?"

"Hindi ninyo naman kailangan ng dalawang assassin na magzo-zone sa buong map, eh. Maliit lang ang map kapag 5v5, isang zoner o shotcaller lang ang kailangan ninyo. Tandaan mo, balewala ang zone kung mahina ang offense ng isang grupo." Paliwanag niya at napatango-tango ako sa sinabi ni Callie.

We are not that close pero binibigyan niya ako ng mga advice base sa napanood niya sa match kanina.

"Pangalawa, instead na Tank/Fighter ang ipinadala ninyo ay dapat ay isang Tank at isang Fighter. Base sa laban ninyo sa Daredevils kanina, nahirapan si Rufus kung poprotektahan niya ba si Oli o aatakihin ang kalaban. Dalawa kasi ang role na napunta sa kanya which is mahihirapan siyang gampanan especially sa mga ganoong klaseng ambush."

Mas naiintindihan ko na ang lahat dahil sa sinabi ni Callie.

"Ngayon ay naiintindihan mo na kung bakit hindi importante ang ipadala ang top five players ng isang team. You need to strategize and do background check sa mga kalaban ninyo. In that way, it will increase the probability na manalo kayo sa match. You don't need the best players type of line up. Ang kailangan ninyo ay ang perfect line up para sa isang laban." Dugtong niya pa.

Akmang aalis na si Callie. "Callie,"

Napalingon siya sa akin.

"Bakit mo sinabi ang lahat ng 'to?" I mean, this is information leakage na puwedeng advantage ng kanilang team.

"Sabi ko nga sa 'yo, gusto ko kayong makalaban. Hindi ko kayo makakalaban kung malalaglag agad kayo sa qualifiers sa Season 4. You guys should be smart in strategizing your plans. Masyadong makaluma na ang style na mayroon kayo, madaling mabasa. Playing hard is for those people who wants to improve, playing smart is for Champions." He said at nauna na siyang bumaba at umalis.

Hindi ko alam kung iniinsulto lang kami ni Callie o nagiging mabait siya sa amin. I still hate his presence though, dala niya pa rin ang mayabang na awra ng Black Dragon.

Nabalik ako sa aking huwisyo noong makatanggap ako nang tawag mula kay Mom. Oh God, mukhang kanina pa sila naghihintay sa akin.

We still have a week para magsanay para sa Summer Cup. Sisiguraduhin namin na mag-i-improve kami.

Isang malaking lesson ang mga naging laban namin ngayong araw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top