Chapter 28: Sacrifices

Hey guys! Kindly share this story to your friends and facebook pages. Claim na natin 'yong 100k reads! Haha!

Stop commenting 'pa-update na' hindi po siya nakatutulong para mapabilis ang update, honestly. Hehe.

PAGKAPASOK namin sa dungeon ay naghiwa-hiwalay kami para gawin ang kanya-kanya naming role. We are in a Swampland area o nasa isang gubat kami na may mababang tubig kung kaya't medyo nahihirapan kaming gumalaw dahil madulas. Kakaiba ang hitsura ng mga puno rito dahil sa pagiging kakaiba ng lugar.

May nakita akong Treasure Chest na binabantayan ng dalawang Venomous Gnat. Ang Venoumous Gnat ay may makulat na pakpak na katulad sa mga paruparo at may matalim at mahabang bibig na nagbubuga ng makamandag na asido.

Venomous Gnat
Level: 24
Aggressive

Sabi sa akin ni Dion ay ayaw niyang nakakatapat ang mga Venomous Gnat dahil nahihirapan ang mga close combat type na Hunters na patamaan ito.

Pasimple akong lumakad patungo sa kanilang likod. As long as they don't notice my presence, hindi nila ako aatakihin. Napansin ko na mas malaki ang bawas na naibibigay ko sa monster kapag sa likod ko sila inaatake.

[Battle Cry] Milan: Azuran (Renshi), pa-backup.

Nakita ko si Azuran sa likod ng puno at nakaabang sa susunod kong gagawin.

Sprint.

As soon as I used my skill, mabilis na akong tumakbo tungo sa direksyon ng kalaban. Sa ilang segundo lamang ay nasa likod na nila ako at doon lang nila napansin ang presensya ko. But it's too late...

Mega slash.

Parehas ko silang inatake at tumalon ako ng ilang hakbang papaatras. "Azuran!" Malakas kong sigaw.

Napangiti na lamang ako ng may bumubulusok na bolang apoy ang tumama sa dalawang Venomous Grant na tumupok sa kanila. Fire is their weakness kung kaya't malaki ang advantage ni Azuran dito since he is Fire-type Warlock.

[Battle Cry] Milan: Thanks, Azuran.

[Battle Cry] Azuran: No probs.

Mabilis kong kinuha ang mga item sa Treasure Chest at tumakbo na muli para maghanap pa ng ibang items.

[Battle Cry] Maliupet (Liu): I found the key already.

[Battle Cry] Ted_Bundy (Kendrix): Everyone, pumunta na kayo sa may gate. 'Yong may malalaking bawas sa buhay ay uminom nankayo ng potion. Shinobi, make sure na walang treasure chest na maiiwan.

Mabilis akong tumatakbo habang lumilingat-lingat sa paligid.

"Shinobi," napatigil ako sa pagtakbo noong tinawag ako ni Rufus habang may itinuturo sa likod ng isang damuhan. "May treasure chest pa rito."

Tumakbo ako tungo sa kanyang direksyon and tama nga siya. Mabilis ko itong binuksan at kinuha ang lahat ng laman nito. "Sorry." Sabi ko.

He chuckled. "Bakit ka nagso-sorry? Malayo ka sa location kaya hindi mo agad nakita."

Pagkakuha ko ng mga items ay tumakbo na kami ni Rufus patungo sa susunod na room.

"Maging aware kayo sa surroundings ninyo. Masyadong mapuno at matubig 'tong susunod na room. You need to be extra careful." Bilin sa amin ni Ted_Bundy.

"Yes, sir." We answered in Unison at naghiwa-hiwalay na kami para gawin ang kanya-kanya naming task.

I can say, ginagawa ni Kendrix ang best niya para maging isang magaling na susunod na Captain. He is commanding us in a safe way at sinisigurado niya na nasa maayos na kundisyon ang mga Hunters na nandito.

Siguro, panatag ang loob ni Axel na aalis sa team dahil hindi rin pababayaan ni Kendrix ang team. Ngayon pa lang ay nakikita ko nang magiging isang magaling na Captain si Kendrix.

Masyadong maraming puno sa lugar na ito kung kaya't hindi ko alam kung saan susulpot ang kalaban.

Nabigla na lamang ako noong may bumubulusok na pana ang tumutungo sa aking direksyon. Rufus suddenly showed and used his shield to blocked the arrow.

[Battle Cry] MadDude (Jasper): May mga namamana. Hindi ko alam kung saan nanggagaling pero ang sakit ng bawas nila.

[Battle Cry] Ted_Bundy: Rufus, protektahan mo si MadDude habang naghi-heal. Everyone be alert. Liu, pahanap na agad ng susi.

[Battle Cry] Maliupet: shì, Géxià.

[Battle Cry] Ted_Bundy: Tanga, sa Pilipinas ka lumaki. 'Wag mo 'kong ma-chinese-chinese diyan.

[Battle Cry] Maliupet: Practice lang.

Mas naging alerto ako sa paligid at nagtago sa liko ng malaking katawan ng puno noong may palasong bumubulusok muli tungo sa aking direksyon. Kailangan ko lang mahanap ang lokasyon ng mga creatures ng mga gumagawa noon.

Buti na lang talaga at hindi namin objective na mabilis na matapos itong dungeon. I can take my time sa pag-iisip at pag-a-analyze ng sitwasyon.

Another arrow pierced on the trunk of the tree. Saglit akong dumungaw upang alamin kung saan nanggaling ang palaso. Kung wala lang nagtataasang puno rito ay mas madali kong makikita ang lokasyon ng mga kalaban.

Wait.

Napatingala ako sa kalapit na mataas na puno. At mula doon, nakita ko ang isang Orc Archer. Pinagmasdan ko maigi kung ilang segundo ang inaabot nila para pumana. Sa ganoong paraan ay malalaman ko kung kailan kami lalabas sa mga pinagtataguan namin at kailan kami ulit magtatago.

[Battle Cry] Shinobi: Sa taas ng mga puno, nandoon ang mga Orc Archers. May limang segundong pagitan bago sila pumana ulit.

[Battle Cry] Ted_Bundy: Nice one, Shinobi.

[Battle Cry] Azuran: leave it to me.

Sunod-sunod na fireball ang pinakawalan ni Azuran at bumagsak na matubig na lapag ang mga Orc Archers.

This is our chance to attack them.

Mabilis akong tumatakbo sa isang Orc Archer at bago pa ito makabangon ay sinaksak ko na ito sa kanyang dibdib. Naglaho ang katawan nito at lumabas ang mga item dropped.

After I killed the Orc, nag-focus na akong hanapin ang mba treasure chest sa room na ito dahil iyon naman talaga ang naka-assign na gawain sa akin. After joining Battle Cry, isang bagay ang natutunan ko. Always trust your comrades.

[Battle Cry] Maliupet: Nahanap ko na 'yong susi.

Tumakbo na kami patungo sa susunod na room at nakasabay ko si Ted_Bundy.

"Nice one, Shinobi." Puri niya.

I smiled and continue to run. We need to finish this dungeon para matapos ko na rin ang pending quest ko outside this raid.

WE managed to clear the dungeon sa loob ng 26 minutes. I know, it's pretty long pero kagaya nga nang sinabi ni Coach... Hindi naman namin objective na ma-beat ang record ng Daredevils dahil focus kami sa pagpapa-level.

Which is a good thing dahil matapos ang Boss raid namin at ang quest ko sa Goron's Lair ay nag-level 21 na rin ako. Meaning, I can change my class from a normal young traveller sa class kung saan ako nababagay.

"Sure ka, wala ka nang nakalimutan?" Tanong ni Dion sa akin pagkalabas ko ng room ko. Maliit lang na bag ang dala ko since three days lang naman ako sa bahay and may mga gamit naman ako doon. "Cellphone, Charger, wallet mo?"

Kakatapos lang nang practice namin ngayong araw at nagmamadali akong naligo para maihanda talaga ang mga gamit na dadalahin ko pauwi.

"Nasa bag ko po lahat." Nakangiti kong sagot. "Makakalimutin ba ang tingin mo sa akin?" Tanong ko.

Napailing si Dion. "Hindi po. Sinisigurado ko lang na wala kang maiiwan para hindi na tayo bumalik." Sagot niya sa akin. "Halika na, magpaalam ka na kanila Coach na uuwi ka muna."

Naglakad kami pababa ni Dion at sa bandang hagdanan ay nakita ko sina Oli at Gavin. Hawak-hawak nilang dalawa si Renshi na para bang ayaw patakasin.

"Anong ginagawa ninyo kay Renshi?" Tanong ko.

"Sasama 'to. Mukhang mapapasabak kami sa sosyalan sa pamilya mo. Kailangan may pambato kami." Sagot ni Gavin at inis siyang tiningnan ni Renshi.

"Bitiwan ninyo na ako, okay? I will not escape." Sagot ni Renshi pero noong binitawan siya nila Oli ay akmang tatakbo siya papaalis pero nahawakan siya muli noong dalawa. "Mother of hell! Ano bang nakain ninyong dalawa and I am the one that you guys keep bugging?"

Bumaling ang tingin ko kay Dion. He smiled. "Ano na naman?"

"Tingnan mo, kung ano-anong chini-chika mo sa ka-room mates mo kung kaya feeling tuloy nila sobrang yaman namin." Reklamo ko sa kanya. "Tawa-tawa ka pa diyan."

Naglakad na kami pababa ni Dion at sumunod silang tatlo. "Naisip mo na ba kung anong class ang pipiliin mo? You are level 21 already, mag-change class ka na." Sabi ni Dion.

"I am watching some game plays sa mga assassin type na hunter sa Youtube. Gusto ko sana 'yong class na madali ko sanang magagamay." Paliwanag ko sa kanya.

Pagkababa namin ay nagpaalam na agad kami sa mga kasama namin sa Boothcamp. "Coach, hatid ko lang si Milan sa kanila." Paalam ni Dion.

"Sige, mag-ingat ka sa pagda-drive, Dion." Iniabot ni Coach ang susi ng Hilux niya. "Huwag kang kaskasero. Parati mong i-check 'yong mga sasakayan sa kaliwa't kanan mo." Bilin ni Coach Robert na parang nagbibilin sa kanyang anak na mag-ingat.

Ang cute lang dahil parang Tatay talaga si Coach ng buong Battle Cry dahil focus din siyang alagaan ang bawat isa.

"Yes, Coach." Sagot ni Dion.

"Coach, kasama po kami." Nakangiting sabi ni Oli.

"Oli, 'wag kang manggugulo doon." Paalala ni Coach.

"Coach, mabait ako."

"Ulol." Epal ni Gavin.

Lumabas na kami nila Dion at nagpaalam sa akin ang buong team. Ewan ko sa mga lokong 'to, babalik naman ako dito sa Tuesday para mag-training ulit, eh.

Inilabas na ni Dion ang sasakyan at bumusina na siya as a sign na puwede na kaming sumakay.

Hinayaan ko sila Oli ang unang sumakay dahil baka mamaya siya talaga ang laging pumupuwesto sa shotgun seat dahil bestfriend siya ni Dion, eh. Sa likod umupo ang tatlo so no choice ako kung hindi ang umupo sa shotgun seat.

"Ang tagal mo." Sagot ni Dion at nagmaneho na papalabas ng village.

"Ako ang magpapatugtog," presenta ni Oli at cinonnect niya sa bluetooth ng kotse ang cellphone niya. He is vibing in filipino rap song and hinayaan na lang namin siya kaysa antukin kami dahil walang music.

Habang nasa biyahe kami ay nagbabasa lang ako ng informations about the History of Hunter Online in the Philippines sa cellphone ko. "Dion, sinong nanalo noong season 1?" Tanong ko sa kanya.

"All Stars PH." Sagot ni Dion sa akin pero focus lang siya sa pagda-drive.

I checked the list of teams na active pa sa pag-participate sa mga competition. "Huh? Bakit parang  wala na sila sa list ng mga squad?" Tanong ko.

"Matapos nilang maiuwi ang championship sa first season... Naglaho na lang na parang bula ang All Stars sa mundo ng E-sports. Nabalitaan na lang namin na hindi na sila magpaparticipate sa mga susunod na Tournament." Paliwanag ni Dion sa akin.

"Pero maraming players ang na-inspire ng All Star na maging Professional Players," sagot naman ni Oli at napatingin ako sa kanya. "Noong season 2, doon kami pumasok ni Dion sa Battle Cry."

"Battle Cry is really one of the strong team back in early seasons," Paliwanag ni Renshi. "They are Top 6 during season 1, Top 9 during season 2... Then noong season 3, nalaglag na kami agad sa qualifiers."

"May mga core members din kasi kaming umaalis." Sabi ni Dion. "Pero hindi kami susuko hangga't hindi namin nahahawakan ang trophy. Balang-araw, maitataas din ng Battle Cry ang trophy ng Tournament."

"Sana mangyari 'yan." Nakangiti kong sagot.

"Mangyayari 'yan. Ang dami na namin kayang sinakripisyo para rito." Sagot ni Oli. "13 years old ako noong lumuwas akong Maynila para maging isang Pro player, minsan ko na lang din makita ang magulang ko dahil sa practice."

"Si Renshi, nagpaiwan sa Pilipinas kahit bumalik na sa Japan ang mga magulang niya para rito. Si Gavin naman, umalis sa kanilang bahay na may galit ang tatay niya sa kanya dahil hindi niya gusto na maging Pro player si Gavin." Dugtong pa ni Oli.

Normal lang na ipinapaliwanag iyon ni Gavin pero ang laki nga nang isinakripisyo nila para sa team. Para sa iba, this is only an online game... Libangan lang. Pero may mga taong handang magsakripisyo para mahawakan lang ang trophy ng Kampiyonato at maisigaw sa buong Pilipinas na magaling silang player.

Tumingin ako kay Dion. "Eh ikaw?"

"Si Dion? Huminto siya sa pag-aaral para rito." Sagot ni Oli

"Ang daldal mo, tangina ka. Kaya ayoko kitang kasama, eh." Naiiling na sabi ni Dion. Bumaling ang tingin niya sa akin ng ilang segundo. "Bakit ganyan ka makatingin? Sarili kong desisyon ang pagtigil sa pag-aaral."

"Ayaw mo bang grumaduate?" Tanong ko sa kanya. "I-I don't meant to offend you. 'Wag mo na lang—"

"Ito talaga ang gusto kong gawin." Sagot ni Dion. "May mga ibang tao, pangarap nilang maging Doktor, Lawyer, Pulis... O kahit ano na may kinalaman sa professional field. Pero ako? Bata pa lang ako... Ito na ang gusto kong gawin, maging isang professional player." Paliwanag ni Dion at hininaan ni Oli ang music at tahimik kaming nakikinig sa kuwento ni Dion.

"Ang nakakatawa lang, kapag may ibang tao na tinatanong ako kung ano ang pangarap ko... Kapag sinagot kong gusto kong maging professional player, tinatawanan lang nila kami. But I mean it." Pagtutuloy ni Dion ng kuwento niya. "Kaya noong nakuha ako ng Battle Cry, ang laking bagay no'n para sa akin. Iyon nga lang, napabayaan ko pag-aaral ko that time and I decided to stop dahil hindi ko talaga kayang pagsabayin ang practice at pag-aaral. I am first year college that time by the way."

"Anong sinabi ng parents mo?" Tanong ko.

"Siyempre tutol sila. Gusto talaga nilang makatapos ako ng pag-aaral since panganay ako. Pero wala, eh, ito talaga ang gusto kong gawin, I just need to prove to them na may magandang output 'tong karera na napili ko." Paliwanag ni Dion at binabaybay na namin ang NLEX.

Napatingin ako sa kanila at ngumiti sa akin si Oli. Behind those happy smiles, may kanya-kanya din silang pinagdadaanan. This competition is a big thing for them.

"Kapag nanalo tayo o kahit makapasok lang sa semifinals... Iiyak ako," sagot ni Gavin at natawa sina Oli. "Gago, seryoso, iiyak talaga ako. Gusto kong umangat muli ang Battle Cry."

"Makakapasok tayo sa Top 10 teams this season. Claim na natin." Sagot ni Dion at malakas na sumigaw sina Oli sa likod.

"Ay gago, lowbat na ako. Naiwan ko 'yong powerbank ko sa Boothcamp." reklamo ni Oli. "Dion, bakit hindi mo pinaalala?!"

"Gamit mo 'yan. Hindi ko responsibilidad 'yan." Sagot ni Dion sa kanya.

"Pero kay Milan, kulang na lang ipadala mo 'yong kama sa Boothcamp 'wag niya lang makalimutan. Awit sa 'yo." Reklamo ni Oli.

***

BANDANG Alas-sais kami nakauwi sa bahay. Oh God, I missed this place. Ang nakakatuwa lang ay hindi ko na kailangang i-guide si Dion dahil kabisado niya ang daan papunta sa bahay namin.

Unang bumaba sina Oli at ewan ko kung bakit manghang-mangha siya sa bahay namin. "Mayaman ka nga, Kumare." Sagot ni Oli. "Buo ba 'tong doorbell ninyo? Puwede ko pindutin? Centralized ba aircon ninyo sa bahay?

"Pasok muna kayo sa loob. Nag-text si Mom, nag-prepare daw siya ng hapunan para sa inyo." Sabi ko kanila Dion.

"Nakakahiya." Sagot ni Dion. "Sa booth cam—"

Binuksan na ni Oli ang gate ng bahay namin at nauna pa silang pumasok sa akin. Partida, wala pa silang kakilala sa loob ng bahay namin bukod kanila kuya.

"Sorry, makapal talaga mukha niyan." Naiiling na sabi ni Dion.

"Okay lang. Pumasok ka na rin."

We entered our house at unang sumalubong si Kuya Brooklyn. Hindi na siya nagulat na kasama ko sina Oli since sinabihan ko naman siya kaninang umaga.

Mas nagulat pa nga ako noong makita ko ang mga pinsan kong lalaki na nandito. Nagtutulakan pa sila noong makita sina Oli. "Oh, nasabi ko kanila Jarroh na pupunta dito ang ilang members ng Battle Cry kung kaya nandito sila." Paliwanag agad ni Kuya.

"Magpapa-picture yata sila sa inyo." Bulong ko kay Dion.

As soon as I saw Dad ay mahigpit akong yumakap sa kanya. Grabe, na-miss ko sila! Ilang araw pa lang akong nawawala sa bahay pero feeling ko ay ilang buwan na dahil sobrang miss ko sila kahit gabi-gabi kaming magka-facetime.

"Mano po, Tito." Sabi ni Dion at nag-bless kay Dad.

"God bless." Nakangiting sagot ni Dad at pinakilala ko na sina Oli sa kanya.

"Hindi pa nga nanliligaw pero pasado na agad kay Dad. Tsk. Tsk." Naiiling na sabi ni Kuya London habang nakasandal siya sa pintuan. Issue talaga kahit kailan.

As expected, sobrang naaaliw si Dad sa kadaldalan ni Oli at Gavin.

"Mamaya ay aalis din kami agad." Sabi ni Dion habang nakaupo kaming dalawa sa sala.

"Pagkakain na kayo umalis."

"May tourna pa kami bukas." Oo nga pala, bukas 'yong laban nila sa Pampanga kung kaya't kailangan din nilang bumalik sa Boothcamp.

Nakita yata ni Dion si Mom na mag-isang naghahain sa kitchen kung kaya tumulong siya rito. Sumunod ako sa kanila.

"Milan, bakit hindi mo na lang dito patulugin 'yang mga kasama mo sa bahay? Maggagabi na. Delikado nang magmaneho." Suhestiyon ni Mom. "Malinis naman 'yong guest room."

"Ay 'wag na po. May tournament po kami bukas." Sagot ni Dion at nilapag ang mga pinggan sa lamesa.

"Saan ba 'yong tourna ninyo?" Tanong ni Kuya Brooklyn na nakaupo na sa kanyang puwesto.

"Sa Pampanga." Sagot ni Dion.

"Oh, malapit lang pala, dito na kayo matulog." Sagot ni Kuya Brooklyn. "Hindi rin naman kayo paaalisin ni Mom."

Tumingin sa akin si Dion. "Medyo makulit din si Mom, hindi nga kayo paaalisin no'n." Sagot ko.

"Ako na lang ang magda-drive ng hilux ninyo bukas if you want. Ako maghahatid sa inyo sa Pampanga." Suhestiyon ni Kuya Brooklyn. "Doon din namin balak pumunta bukas para mag-sky ranch. Last bonding bago ako ako lumipad papuntang New Zealand."

"Ayon pala, makakanood ako ng match ninyo!" Natutuwa kong sabi kay Dion.

He sighed.

"Dion! Nagpaalam ako kay Coach dito ako matutulog." Sigaw ni Oli pagkapasok niya ng kitchen. "Daming kuwento ni Tito, eh. Pumayag nga pala si Coach. Bahala ka kung gusto mong bumalik sa Maynila. Ang sabi ko na lang kay Coach ay dalahin 'yong jersey tsaka jacket ko bukas sa Pampanga pati 'yong nerve gear." Paliwanag ni Oli.

Napaka kaladkaring kaibigan talaga ni Oli, isang aya mo lang yata diyan ay sasama na 'yan. O baka nga kahit hindi mo siya ayain, magpepresinta siyang sumama.

"Dito na daw matutulog sina Oli. Anong desisyon mo?" Tanong ko kay Dion.

"Sabihan ko na lang din si Coach. Pero bawal kaming ma-late bukas, ha?" Paalala niya sa akin.

I smiled. "Opo."

Bukas ay mapapanood ko kung paano lumaro ang mga professional players ng Battle Cry. They are the top 5 players of our team kung kaya't excited akong makita kung paano sila makikipagsabayan sa ibang team.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top