Chapter 27: Battle Lineups

KINABUKASAN ay maaga akong nagising para mag-jogging. Mahimbing na natutulog sa kuwarto ko sina Gavin at Oli na nasa sahig. Nag-marathon kasi kami ng Queens Gambit kagabi (although hanggang episode 3 lang ang natapos namin) at nagpaalam sila na makitulog na lang dito.

Sa lapag natulog sina Oli at Gavin, kinuha lang nila ang kumot at unan sa room nila tapos bumalik dito. Kumuha lang ako ng damit at leggings na susuotin ko for jogging at pumunta na ako sa CR sa ground floor para magbihis.

Pagkababa ko ay nadatnan ko si Dion na nakaupo sa couch at nakasuklob sa kanya ang kumot. "Bakit ganyan hitsura mo?" Natatawa kong tanong.

"Ba't 'dito mo ako pinatulog?" Tanong niya. "Dapat pagka-end live mo, ginising mo ako para makapanhik din ako sa taas. Nangangalay tuloy braso ko."

"E 'di ayan, sobrang useful na ng Salonpas sa 'yo." Natatawa kong sabi. "At isa pa, hindi na kita ginising kasi ang lala nang reklamo mo sa muscle pain mo kaya hinayaan na kita matulog diyan. Masakit pa ba 'yong binti mo?"

"Oo, mas masakit ngayon." Paliwanag ni Dion at muling humiga sa couch.

"Sige na, matulog ka pa diyan. Magja-jogging lang ako."

"Kapag naligaw ka, tumawag ka sa akin."

"Okay." Naglakad na ako at nadatnan ko si Kendrix na mag-isa sa kitchen at ang daming libro at notebooks na nakakalat sa lamesa niya.

"Good morning, Kendrix," bati ko since madadaan naman ako sa kitchen papunta sa CR.

"Morning." He greeted me at uminom siya ng kape na nakapatong sa table. "Aalis ka?"

"Jogging lang." Sagot ko at saglit na lumapit sa kanya. "Anong ginagawa mo?"

"Kinakabisado ko ang skill cooldown ng mga class." Napatingin ako sa notebook na nakakalat sa lamesa niya at nanonood din siya ng live ng iba't ibang team.

"Ang dami niyan, ah."

"Wala, eh, utos ni Coach." Sagot ni Kendrix at nagbitaw nang buntong-hininga. "Tangina, sakit sa ulo!"

Oo nga pala, si Kendrix ang papalit kay Axel kung sakaling matuloy ito sa pag-alis sa team. Ngayon pa lang ay nararamdaman ko nang napw-pressure na siya sa biglaang pag-angat ng posisyon niya.

Ang cool kapag Captain ka ng isang team pero kaakibat noon ang napakalaking responsibility. You need to make sure na intact ang grupo, kailangan nababantayan mo 'yong progress ng bawat isa sa team, at kailangan ay makaisip ka ng mga battle strategies na magagamit sa next tournament. And that is really a hard job, ang hirap kaya i-lead ng team na kino-consist na 20 people, take note, iba-iba pa ang ugali namin."

"Kaya mo 'yan. Kung kailangan mo ng tulong, you can ask for my help. Although, hindi ko alam kung paano kita matutulungan diyan." Natatawa kong paliwanag sa kanya.

Napangiti si Kendrix at isinuot na ulit niya ang headset. "Maramdaman ko lang na sinusuportahan ninyo ako. Solve na ako." He answered at naglakad na ako papunta sa banyo.

Mag-isa lang akong nag-jogging this time at hindi naman ako lumayo sa Boothcamp para hindi ako maligaw. Dinaanan ko lang 'yong mga dinaanan namin ni Dion last time and two laps ang ginawa ko this time.

Pawisan akong bumalik sa Boothcamp kasabay nila Renshi na mukhang nag-basketball sa malapit na court.

Pagpasok namin sa Boothcamp ay dumiretso kami sa Kitchen. Tumabi ako kanila Gavin at Oli na magkaharap sa lamesa.

Natawa naman ako aa ginagawa nila dahil nakakalat ang lahat ng kutsara't tinidor sa table nila tapos inuusog nila ito na para bang chess then pupukpukin nila 'yong Ketchup na nasa tabi nila.

"Queen's Gambit pa." Naiiling kong sabi pagkatabi ko sa kanila. "Sanay ba kayo mag-chess?"

"Hindi nga, eh, Dama lang." Sagot ni Oli. "Sarap matulog sa room mo, Milan, lamig ng aircon."

"E 'di doon kayo matulog ulit. Kaso sa lapag lang ulit kayo." Paliwanag ko sa kanila.

"Ayoko na. Sakit sa likod." Sagot naman ni Gavin.

Sinigang ang almusal namin ngayon which is sobrang sarap. Ang gagaling magluto ng mga cook dito sa Boothcamp.

"Team meeting after you guys, eat." Sigaw ni Coach Robert habang nakasunod sa kanya si Captain.

"Lineup yata 'yon for the competition sa Pampanga." Bulong ni Oli.

"Tanga, para sa boss raid 'yan mamaya."

***

NAKAUPO kami sa sala habang hinihintay sina Coach dahil kinausap lang sila ni Sir Greg sa office nito. Napansin ko si Dion na kanina pa nakatingin sa paper na hawak niya ay tinitingnan ang mga Teams na makakalaban namin sa Summer Cup.

"Ang lalim ng iniisip mo, ah." Bulong ko sa kanya.

"Iniisip ko lang na ang daming malalakas na team ang makakalaban natin sa Summer Cup." Ipinakita niya sa akin ang papel na hawak niya.

"Bakit nga pala wala ang Daredevils at Black Dragon sa mga kalaban?" They are the strongest team in Hunter Online kung kaya't nakapagtataka na wala sila sa competition.

"They already have a guaranteed spot sa Hunter Online Tournament." Paliwanag ni Dion sa akin. "They received a master's invitation."

"Ano 'yon?"

"Ibig sabihin, kapag nakapasok ka sa Top 4 teams o semifinals last season... Bibigyan ka nila ng Master's invitation. Meaning, hindi mo na kailangan lumaban sa ibang competition since sure na ang spot ninyo sa Tournament. Pero choice pa rin ng bawat team iyon, may ibang sumasali sa mga competition para mahasa pa ang skills nila at may ibang team na nagpo-focus na lang sa pagpa-practice." Mahabang paliwanag ni Dion and kahit papaano ay na-gets ko naman iyon.

"Sa Summer Cup, sino ang team na ayaw mong makatapat?" Tanong ko.

"Laxus Familia." Pagturo niya sa isang team. "Sila ang tumalo sa amin last season kaya nalaglag kami agad sa qualifiers. Although, nakalaban nila ang Daredevils after our battle kung kaya't nalaglag din sila. Pero malakas silang team." Paliwanag ni Dion.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang ipinapaliwanag niya sa akin ang mga teams na ayaw niyang makabangga.

"The next one, ALTERNATE," he pointed the other team. "Napanood mo naman kung paano lumaro ang ALTERNATE last time kahit ang baduy ng logo nila, 'di ba?"

Napangiti ako sa sinabi ni Dion. "They are quite good."

"Indeed. Nakapasok sila sa Top 10 teams last season and they are 7th place. Hindi biro ang skills na mayroon sila ngayon. Nasa kanila rin si Kiel. Isa sa mga rookie players na inaabangan na lumaro this upcoming season." Paliwanag ni Dion sa akin. "We need to train hard para sa Summer Cup, hindi biro ang mga makakalaban natin."

Naputol ang usapan namin ni Dion noong lumabas na sina Axel at Coach mula sa room ni Sir Greg. Napatigil sa pag-uusap ang lahat at umayos ng upo.

"So we have two announcement for today," sabi ni Axel at nakinig ang lahat. "Una ay ang lineup para sa Moon Lake at ang pangalawa ay ang isasabak natin sa competition sa Pampanga."

"Para sa lineup sa papasok sa dungeon na Moon Lake," isa-isa kaming tiningnan ni Sir Robert. "Kendrix, Milan, Renshi, Jasper, Arvynn, Liu, at Dion."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Dion at nag-apir. "Kendrix will be the leader sa team."

"Sir, priority ba naming i-beat 'yong record ng Daredevils o libutin na lang namin 'yong buong dungeon?" Tanong ni Kendrix.

"Mabilis na natapos ng Daredevils ang Moon Lake dungeon, it's not easy for us to break that record." Napatango-tango kami sa paliwanag ni Coach. "Libutin ninyo na lang ang buong dungeon at kuhanin ang lahat ng nga items na nandoon. Priority nating mapataas ang level ng mga members natin dahil nalalapit na ang Summer Cup." Dugtong pa ni Coach.

"Yes, Coach." We answered.

"Para naman sa Tournament sa Vistamall sa Pampanga. Ang mga kasama sa lineup ay sina Axel, Dion, Oli, Gavin, at Kendrix. 5v5 ang competition sa Vistamall, para sa limang nabanggit, you need to increase your level and upgrade your weapons. Nag-send din ako sa gmail ninyo ng mga kasali sa Tourna na iyon... Panoorin ninyo ang ilang laban nila from past tournament at pag-aralan ang mga galaw nila. Maliwanag ba?" Tanong ni Coach.

"Yes coach." They amswered.

"Coach," Tawag ni Liu. "Bakit 'yong pinakamalalakas sa team ang isasali sa Tournament? It is just a small competition, right?"

"Kasali ang Daredevils at Phantom Knights." Si Axel ang sumagot. "Alam ninyo naman na 2nd place ang Daredevils last season at 4th place ang Phantom Knights. Ang dalawang team ay mayroon Master's invitation,"

"They have a guaranteed slot for season 4 Tournament, bakit pa sila magpa-participate?" Tanong ni Renshi. "I mean, it doesn't make sense."

"Conyo talaga, amputa." Narinig kong bulong ni Gavin. Napangiti ako dahil basher talaga si Gavin ng lahat ng players na nandito.

"Maybe, they are just there to observe o pag-aralan 'yong mga teams na puwede nilang makalaban sa Season 4," Coach explained at napatango-tango kami. "Sila Dion na ang ilalaban ko para ma-experience nila first hand ang makalaban ang Daredevils at Phantom Knights dahil kasama sila sa Lineup sa tournament."

Matapos magpaliwanag ni Coach ay sinabihan niya kaming mag-online ng bandang alas-dos para sa Boss Raid. Saglit kaming kinausap ni Kendrix about sa gagawing raid at kung ano ang magiging role namin sa raid mamaya.

Luckily, ako lang ang tagahanap ng mga treasure chest pero kung kinakailangan kong lumaban sa mga monsters ay dapat long gawin since ang main goal namin sa quest na ito ay lumevel-up at makakuha ng mga items na pang-upgrade.

***

NAKATAMBAY kami sa "Man's cave' nila Oli and sobrang amaze talaga ako sa lugar na ito. Kulay gray ang pader nito at ang daming puwedeng paglaruan sa room na ito. Mayroong billiards, table tennis, Playstation, at 'yong basketball na katulad sa mga arcade. May mga Bean bags din na puwedeng upuan kung sakaling mapagod.

"Man's cave" daw ang tawag nila rito since puro lalaki daw ang players noon pero since only girl daw ako sa Team ay exemption daw ako and puwedeng pumasok anytime.

"Anong magandang i-add to cart dito, Kumare?" Tanong ni Oli habang pinamimili niya ako sa uniqlo na dami na magkaiba lang ang kulay.

"Sabi mo plano mong ipagawa kusina ng bahay ninyo this year pero putangina, add to cart ka nang add to cart." Suway sa kanya ni Gavin. "Lahat ng sahod mo napupunta sa luho amputa."

"Bobo, plano ko 'yon this year. Ipapagawa ko na ba kusina namin bukas? Tsaka malaki extra ko dahil sa live." Bumaling muli ang tingin sa akin ni Oli. "Kumare, alin ang maganda?"

"'Yong blue, mukhang mas bagay sa 'yo since ang youthful ng vibes na ibinibigay mo." Paliwanag ko kay Oli.

"Okay, add to cart ko na." Sagot ni Oli at bumalik muli sa pag-o-online shopping.

Naglakad tungo sa amin si Dion at inabot ko sa kanya 'yong tumbler niya since pagod siya sa pagte-Table Tennis.

"Manonood kang game namin?" Tanong ni Dion at umupo sa bakanteng bean bag.

"Kailan? 'Yong sa Saturday?" Tanong ko.

"Oo."

"Hindi ko sure, 'di ba nga uuwi akong Bulacan bukas ng Hapon?" Ang schedule ko kasi ay Saturday-Monday ay sa bahay ako and Tuesday-Friday naman ay sa boothcamp. Eh since Friday bukas, uuwi na ako ng bandang Hapon after practice.

"Oh, ang lapit lang naman ng Bulacan sa Pampanga." Dahilan niya.

"Family bonding. Aalis na si Kuya Brooklyn sa Linggo. Last week na namin 'to together ng buo." Paliwanag ko.

"Understandable naman pala. So, hindi ka makanonood?"

Umiling ako. "Nope. Pero ichi-cheer ko kayo, siyempre. May live daw no'n sa page ng Hunter Online, doon ako manonood. Shoutout mo ako, ha?" Bilin ko sa kanya.

"Paano ka uuwi bukas?" Tanong niya.

"Nagtanong ako kay Gavin sabi niya mag-grab na lang daw ako papunta sa Trinoma then from Trinoma daw ay may FX na pa-Bulacan."

"Hatid na lang kita." Suggest ni Dion. "Nandiyan naman yata kotse ni Coach bukas. Hiramin ko na lang. Kaysa mag-commute ka, delikado."

"Baliw. Nakakahiya kay Coach." Naiiling kong sabi.

"Baliw ka rin, kahit si Coach papayag na ihatid kita since ikaw nag-iisang babae sa Team. Tsaka isa't kalahating oras lang naman biyahe papunta sa inyo." Paliwanag ni Dion at muling uminom sa Tumbler niya. "Hahatid kita, ha? Huy, hahatid kita." Pagpupumilit niya.

"Ano na namang pinagbubulungan ninyong dalawa diyan?" Epal ni Oli. "Kayong dalawa ang hilig ninyong mag-usap nang nagbubulungan. Ayaw ninyo ba kaming kausap?" Reklamo niya pa.

"Sabi ko hatid ko si Milan sa kanila bukas. Sama ka?" Tanong ni Dion.

"Huy, hindi pa ako pumapayag." Sabi ko sa kanya.

Ngumisi si Dion. "Wala na, icha-chat ko rin mga Kuya mo mamaya na ako maghahatid sa 'yo para hindi ka na makahindi." Napabuntong-hininga na lang ako bilang pagsuko. Makulit din 'to si Dion kapag nakapagdesisyon na siya, eh.

"Sige, ikaw maghatid sa akin bukas pero ako magbabayad ng pang-gas." I suggested para hindi ako masyadong mahiya kay Coach.

"Deal." Nakangising sabi ni Dion at nakipag-shake hands sa akin. "Wala din naman akong pera pampa-gas, eh."

"Huy, sama kami, ha!" Excited na sabi ni Oli. "Excited na ako makita 'yong 6ft ninyong swimming pool, Kumare."

"Wala kaming swimming pool." Nahihiya kong sabi at bumaling ang tingin ko kay Dion na tumatawa. "Itong si Dion kung ano-ano ang kabarbero-han ang kinukuwento mo kanila Oli. Akala tuloy nila super yaman ng pamilya namin."

"Wala silang swimming pool pero malaki bahay nila Milan. Mabait din Tatay niyan."

"Ay, Oli, magugustuhan ka ni Dad, mahilig sa madadaldal si Dad." Sabi ko.

"Tangina, ginawa mo pa akong entertainer sa Tatay mo." Natawa kaming lahat sa reklamo ni Oli.

Naputol ang pag-uusap namin noong dumungaw si Kendrix sa pinto. "Nandiyan lang pala kayo." He said.

"Bakit?"

"Dion, Milan, mag-online na kayo. Ayusin na ninyo 'yong mga item and equipments ninyo. Bumili na rin kayo ng maraming healing potion and mana potion. Level 23-30 ang kalaban natin mamaya so masakit ang damage nila." Paliwanag ni Kendrix sa amin.

Unang tumayo si Dion at inalalayan niya akong makatayo since namanhid ang binti ko sa tagal naming nakaupo.

"Good luck mga lods." Sabi ni Gavin at nakipag-apir sa amin. "Milan, skill lang ng skill. One enemy at a time, hindi mo kayang kalabanin nang sabay-sabay ang mga monsters doon." Tip pa sa akin ni Gavin.

"Ang tip ko naman sa inyo, kapag may nakuha kayong mahal na item... Bigay ninyo sa akin. Badly need gold sa game hehe." Napailing ako sa sinabi ni Oli.

Lumabas na kami ni Dion at pumunta na kami sa gaming area para mag-online. Ila-live din ni Dion itong Monster raid namin para hindi na kami mag-online mamayang gabi. Which is okay para matatapos na namin nila Oli 'yong Queen's Gambit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top