Chapter 26: First Live

"MGA friends kong strong players, thank you sa pagtulong ninyo sa akin," pumapalakpak na sabi ni Hermosa habang naglalakad kami pabalik sa Silanya Town. Kakatapos lang namin na tulungan siya sa pagpatay ng mga orcs at pag-collect ng broken helmet nito.

Until now, medyo hindi pa rin ako sanay sa username ko ngayon. From Shinobi ay [Battle Cry] Shinobi na ang nakalagay dito. And I must took pride in it dahil isa na ako sa mga professional players dito sa Hunter Online.

"Anong oras daw practice, Rufus?" Tanong ko sa kasama ko.

"Mag-o-online naman sila kapag mag-i-start na 'yong practice. Sabi ko kay Kendrix, message niya ako kapag game na." Paliwanag sa akin ni Rufus.

Rufus is now Level 23 (5 levels ahead from me) at Prime Knight ang class na kinuha niya noong nag-level 20 siya.

Ang Prime Knight ay isang Fighter/Tank na class dito sa Hunter Online. Dalawang makapal na espada ang main weapon ni Dion at matatalim ang mga edges nito. At kapag pinagdikit ni Dion ang dalawang espada na ito ay nagiging isang malaking shield siya para ma-protektahan niya ang kanyang mga team. Sabi sa akin ni Dion ay mas gamay niya ang ganitong klaseng class dahil napoprotektahan niya ang bawat members ng Battle Cry and at the same time ay madali rin para sa kanya na maka-kill ng kalaban.

"Kumusta namang kasama sa Shinobi sa Boothcamp, Rufus?" Tanong ni Hermosa.

Tumingin sa akin si Rufus. "Bakit ka tumingin sa akin?" Tanong ko sa kanya na may halong pagbabanta.

"Kumusta ka raw kasama sa boothcamp?" Tanong ni Rufus na may ngisi sa kanyang labi.

"Cute." Sagot ko sa kanya. "Cute ako kasama sa Boothcamp."

"Ang showbiz ng sagot ninyo, nakakaasar." Reklamo ni Hermosa at parehas kaming natawa ni Rufus.

"Sila Synix, hindi ka sinasamahan sa quest?" Tanong ko sa kanya.

"Bakla, alam mo naman ang mga 'yon. Hapon mga nag-o-online. Sinabihan ninyo lang ako mag-online ng maaga kaya nandito ako ngayon. Pero mamaya sila naman ang sasama sa akin." Paliwanag niya sa akin.

Nakarating na kami sa gate papasok sa Silanya Town at nagpaalam na si Hermosa sa amin. "Sige na, magpa-level na kayo. Masyado ko na kayong naabala. Kapag nag-message ulit itong maganda ninyong friend, wala kayong choice kung hindi samahan ako, ha!"

"B'bye!" I waved my hand.

"Manonood ako sa Summer cup, galingan ninyo. Kayo na ang bahala sa friend ko!" That the last thing that Hermosa said at tumakbo na siya papasok sa Silanya Town.

Naiwan kaming dalawa ni Rufus. "May teleport stone ka ba?" Tanong niya.

"Mayroon. Bakit? Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sasamahan kita magpa-level. Nakuha mo na ba 'yong quest sa Rokuto Town. 'Yong papatay ng mga Orcs? Malaki bigay na exp sa quest na iyon." Paliwanag ni Rufus.

"Uhm... Wala pa akong natatapos na quest sa Rokuto Town," I explained.

"Seryoso ka?" Tanong niya ulit. "Tara mag-teleport na tayo."

Kinuha ni Rufus ang teleport stone sa item niya at hinagis ito. May liwanag na lumabas sa harap namin na parang isang pinto. "Sumunod ka sa Rokuto Town." Sabi sa akin ni Dion.

Kumuha din ako ng isang Teleport stone sa inventory ko para makasunod kay Dion.

Ang teleport stone ay isang item na kung saan puwedeng magamit ng players para makapag-transfer sila from town to town. Madalang ko nga lang din gamitin dahil mahal ang isang teleport stone.

Pagkarating namin sa Rokuto Town ay iba ang vibes na ibinibigay nito kaysa sa Silanya Town. Parang lumang bayan ang Rokuto Town at madilim ang paligid. Kakaiba din ang mga creature na nagtitinda sa town na ito. At isa pa, puro high level players na ang nandito unlike sa Silanya Town.

"Rufus, sinabihan ako ni Coach na mag-live daw ako para daw makapag-interact ako sa mga fans ng Battle Cry." I informed him.

"Anong oras daw? Two hours live lang naman yata 'yon." Sabi niya sa akin.

"Lang?! Ang tagal kaya ng two hours. Ang awkward ko pa sa ibang tao." Sabi ko sa kanya.

"Awkward pa ba 'yong second meet natinay nag-makeup ka na sa loob ng kotse tapos ang dami mo nang naikuwento sa akin?" Bahagya siyang natawa.

"Seryoso kasi."

"Samahan kita sa first live mo." Sabi ni Rufus at lumiko kami sa isang street. "Pero sa likod mo lang ako. Guide lang kita. Mabilis lang ang two hours live, kahit ikaw magulat ka mamaya na tapos ka na."

"Samahan mo ako, ha!"

"Oo, laptop ko na lang gamitin mo sa live para puwede akong mahiga sa couch sa sala. Sakit talaga ng binti ko." Natawa ako sa sinabi ni Rufus and at the same time ay nakonsensiya sa bigla kong paghatak sa kanya kanina.

Bibilihan ko na lang siya ng Salonpas mamaya para pambawi man lang.

Kinuha ko ang quest na sinasabi ni Rufus sa isang Inn.

Ongoing Quest:
Kill Orc Warriors (0/30)
Kill Orc Archers (0/30)
Kill Orc Leaders (0/20)
Kill Goron (Boss) (0/1)

"Ang daming kailangan patayin sa quest na 'to, Rufus." I informed him. "Mabilis ba natin 'tong matatapos?"

"Kapag hindi natin natapos, tuloy na lang natin bukas. Tsaka maganda ang quest na 'yan dahil magle-level up ka talaga." Paliwanag niya sa akin at naglakad na kami papalabas sa Rokuto Town.

Habang naglalakad kami ay may mga players na napapatingin sa aming direksyon.. specifically sa akin. "Ang awkward naman ng mga tingin nila." Bulong ko kay Rufus.

"Ganoon talaga. Ikaw ang unang babae na nakapasok sa Professional League. They are all curious kung ano ang kaya mong gawin at nakuha ka ng Battle Cry." Paliwanag ni Rufus sa akin.

"Nakaka-pressure naman pala dahil may expectation sa akin ang ibang players."

Kumunot ang noo ni Rufus. "Wala ka namang dapat patunayan sa kanila. Ipakita mo na lang sa kanila na kahit babae ka ay kaya mong sumabay sa mga lalaking players sa mga tournament."

"Hindi pa naman ako sasabak sa contest. Substitute player pa lang ako." Ibig sabihin noon ay kapag may hindi makakalaro sa lineup ay isa ako sa mga players na pagpipilian para isama sa match.

"Hindi PA. Pero malakas ang panramdam ko na ipapasok ka ni Axel sa lineup soon lalo na't personal ka niyang ite-train kapag nag-assassin ka na." Paliwanag ni Rufus sa akin. "Huwag kang mag-alala, marami kang matututunan kay Captain. He also trained me noong bago lang din ako sa team. May mga play style kang kay Axel mo lang matututunan." Seryosong paliwanag sa akin ni Rufus.

Kapag tungkol talaga sa game ay seryoso silang lahat. Sa bagay, sa mga tournament... There is only one winner and that is the champion. In order to achieve that, kailangan talagamg mag-focus ka sa game.

Nakarating kami ni Dion sa Goron's lair kung saan nandoon ang mga Orcs.

Malalaki at malalaki ang katawan ng mga Orcs na nandito. Kulay berde ang buo nilang katawan at may matatalim ang kanilang mga pangil. Nanlilisik ang mga mata nito at nakatatayo sila na parang isang tao.

"Huwag kang mag-alala, non-aggressive naman ang mga orcs dito. Iyon nga lang. Masakit ang damage nila." Sabi ni Rufus. "Buti na lang at wala masyadong players na nandito ngayon sa Goron's lair. Wala tayo masyadong kaagaw sa pagpatay sa mga monsters."

"Sabay-sabay akong aatake ng limang orc warrior." Sabi ni Rufus.

Nagbuntong hininga ako at humigpit ang hawak ko sa sharp blade ko. "Poprotektahan mo naman ako, 'di ba?" Tanong ko. He's a tank hunter afterall.

Naging dual sword ang malaking shield ni Rufus at inatake ang limang orc warrior. Sumunod ako sa kanya at nag-cast ng spell para tumaas ang attack damage ko.

Orc Warrior
Level: 19
Non-aggressive

Una kong inatake ang Orc Warrior na may mababang level at inatake ito sa binti. Mahirap ito para sa akin lalo na't limang orcs ang umaatake sa amin at dalawa lang kami. Focus, Shinobi, one enemy at a time.

Kailangan lang ay magtiwala ako kay Rufus na poprotektahan niya ako para makapag-focus ako sa goal ko.

Mega slash.

Inatake ko ang braso ng Orc at akmang pupukpukin niya ako ng hawak niyang itak ay mabilis itong hinarangan ni Rufus para hindi ako matamaan. Itinulak niya papalayo ang Orc Warrior at naging dual sword na ang kanyang armas.

We both killed the five orc warriors na kumalaban sa amin (although maraming potion akong nasayang) at nahirapan akong sabayan si Rufus.

Ongoing Quest:
Kill Orc Warriors (5/30)
Kill Orc Archers (0/30)
Kill Orc Leaders (0/20)
Kill Goron (Boss) (0/1)

Rufus is indeed a good player dahil kaunti lang ang naging bawas sa kanya ng mga Orc Warriors. "Dati tinalo lang kita sa PvP match pero ngayon parang hindi na kita matatalo."

"Wow, ang tagal na no'n, Shinobi. Level 2 pa lang ako noon kaya mo ako natalo." Pagmamayabang naman niya sa akin. "Once na nakapag-change job ka na ay tataas din ang attack damage mo. Kaunti lang kasi ang skill ng Young Traveller kung kaya't nahihirapan ka din. But hey, you managed to kill all the Orc warriors, nice job." Nakipag-apir sa akin si Rufus.

"Ang hirap mo sabayan. Sila Klayden, madali kong nasasabayan, eh."

"Siyempre kaibigan mo sila. Tsaka okay lang naman na hindi mo pa ako masabayan, hindi mo pa naman kabisado ang play style ko. Tsaka mas malupit ako sa mga kaibigan mo," he wiggled his brows at natawa siya.

"Feeling ka." Naiiling kong sabi.

Ilang minuto pa kaming pumatay ng mga orcs ni Rufus at nag-level 19 naman ako dahil doon.

Ongoing Quest:
Kill Orc Warriors (12/30)
Kill Orc Archers (8/30)
Kill Orc Leaders (0/20)
Kill Goron (Boss) (0/1)

"Nag-chat na sa akin si Nemesis, nasa Rokuto Town daw sila, sa may tavern." Sabi sa akin ni Rufus. "Bukas na natin ituloy 'tong quest mo. Practice muna."

PARA sa unang sabak ko sa training ay nagkaroon kami ng 10v10 match na buong Battle Cry. Although, natalo ang team namin pero nag-enjoy ka dahil first time ko makasama sa ganoong klaseng environment and marami akong natutunan kahit papaano. Totoong sobrang importante ng team work at map awareness sa mga laban.

"May malapit bang convenience store dito?" Tanong ko kay Dion habang nakatambay kami sa sala ng Battle Cry. Nakahiga siya sa mahabang couch habang nakaupo naman akonaa carpet.

"May mini mart sa labas ng village. Malapit sa Simbahan." Sabi ni Dion at bumaling ang tingin niya sa akin. "Bakit? Lalabas ka? Madilim na, ah."

"May bibilihin lang akong snacks." Sabi ko sa kanya. Pero ang purpose talaga nang paglabas ko ay mabilihan siya ng Salonpas (#nakonsensiya) at bibili na rin ako ng ilang makakain. "Nai-post na 'yong mga magiging subjects ko for next semester. Magbabasa-basa lang ako ng introductions about doon."

"Samahan kita?"

"Masakit binti mo. Ipahinga mo na 'yan, baka masisisi mo na naman ako kapag sumakit 'yan." I explained.

"Awit. 'Di ka puwedeng lumabas mag-isa," saktong dumating si Axel habang may hawak ng kape't tinapay. "Ayon, Captain, samahan mo nga 'tont si Milan. Pupunta sa mini mart sa labas."

"Wala bang service?" Tanong ni Axel.

"Wala. Nag-mall sila Oli, nagpa-drive. Bibili yatang bagong headset." Paliwanag ni Dion.

"Dion, 'wag na, nakakahiya kay Axel." Mahina kong bulong kay Dion.

"Anong 'wag na?" Kunot-noo niyang tanong. "Kaysa naman lumabas ka ng village mag-isa. Ang daming gago sa labas."

"Okay lang, Milan," nakangiting sabi ni Axel. "Wala na rin naman akong gagawin after practice. Pero 'di ba may live ka ngayon?"

"Sa laptop ko 'yan magla-live. Ako na magse-setup no'n." Si Dion ang sumagot.

So ang ending, si Axel ang sasama sa akin na bumili ng mga pagkain sa Mini Mart. Nagsuot na rin ako ng jacket dahil malamig na ang hangin kapag hapon dito.

"Wala kang ipabibili?" Tanong ko kay Dion bago kami lumabas.

"Wala pa akong maisip na gustong kainin," sagot ni Dion at isinubsob sa pillow ang mukha niya. "Chat na lang kita kapag may naisip akong pagkain."

"Eh, baka mag-chat ka nakaalis na kami sa Mini Mart?"

"E 'di 'wag mo nang bilihin kapag nakaalis na kayo." Sagot niya.

Naglakad na kami ni Axel papalabas mg village at mabuti na lang talaga at buo ang lahat ng street lights dito. Sa amin kasi, may mga pundidong ilaw na hindi magawa-gawa at ewan ko kung bakit.

Mga tahol lang ng aso ang maririnig sa paligid at mga nagsisigawang mga lalaki since malapit ang Boothcamp sa may court.

"Malapit ka na bang mag-level 20, Milan?" Tanong ni Axel. "Hindi kita pine-pressure pero parang ganoon na nga." Natatawang sabi ni Axel.

"Ah, sinasamahan ako ni Rufus. Kaka-level 19 ko lang kanina. Baka bukas or sa susunod na araw ay level 20 na ako." Paliwanag ko kay Axel.

Ilang segundong nagkaroon ng katahimikan bago ulit nagsalita si Axel.

"Plano ko nang mag-retire as a player after Summer Cup." Napatigil ako saglit sa paglalakad sa sinabi ni Axel. He smiled. "Nagulat ka, 'no?"

"Bakit? Kailangan ka pa ng team." I informed him. He is the captain, isa siya sa malaking pillar ng team at kapag nawala siya... Malaking kawalan sa team.

"Maglo-Law school na ako sa susunod na pasukan." Sabi ni Axel. "Alam mo naman kung gaano kahirap pumasok sa isang law school 'di ba? Wala, eh, kailangan ko talagang magsakripisyo." Inilagay ni Axel ang kanyang kamay sa kanyang bulsa.

"Since first season... Nasa Battle Cry na ako. Simula noong napasa sa akin ang pagiging captain, feeling ko hindi ako effective na Captain. Noong naging captain ako, hindi na nakapasok sa Top 10 teams ang Battle Cry." Dugtong pa ni Axel.

But he is a great leader. Sa match kanina, ang dami kong natutunan.

"S-Sinong nakakaalam ng binabalak mong pag-alis?"

"Management. Si Kendrix. Ikaw." Sabi niya sa akin. "Pagkatapos na ng Summer Cup ko sasabihin sa buong team. Baka mawala sila sa focus."

Paniguradong masasaktan ang buong Battle Cry sa desisyon ni Axel. But yeah, para aa future niya iyon. Hindi madaling pumasok sa law school, buong atensiyon ang kailangan mong ibigay kung gusto mong maging isang abogado.

"That is the reason why minamadali kitang mag-level 20 para ma-training kita hangga't nasa team pa ako. Si Kendrix ang papalit sa akin as Captain, ikaw ang magiging Shotcaller." Sabi sa akin ni Axel. "Alam kong kaya mo. Kanina sa match ay tinutulungan mo sina Renshi. May mga Battle tactics kang naiisip na hindi ko naiisip." Sabi niya sa akin. "Aasa ako sa 'yo, Milan."

Wow. Bago pa lang ako sa Battle Cry pero may aalis na agad.

Nakarating kaming Mini Mart ni Axel at ang una kong hinanap ay 'yong Salonpas para kay Dion.

"Para saan 'yan?" Tanong ni Axel.

"Kay Dion. Bugbog ang binti sa pagsama sa akin mag-jog kanina." Natatawa kong paliwanag at kumuha ako ng dalawang box.

"Hindi naman kasi nag-e-exercise 'yon." Paliwanag ni Axel.

Dmitribels calling... (Nickname I set kaninang umaga)

"Nasa Mini Mart ka na?" Tanong niya.

"Anong ipabibili mo?"

"Bili mo akong Gatorade."

"Baliw, gabi na mag-ge-Gatorade ka pa. Mahihirapan kang makatulog mamaya." Paliwanag ko sa kanya.

"Ganoon ba 'yon?"

"Yes po. Bawal po."

"Sige, Chuckie na lang. Badtrip." Natawa ako sa sinabi ni Dion. "Tsaka Nova, 'yong malaki. Bayaran na lang kita pagbalik mo."

"'Wag na, ako na 'to." Sagot ko. "Sinagot mo 'yong Starbucks ko last time, eh. Ako naman ang taya."

"Baka isumbat mo sa akin 'yan, Milan?" Tanong niya.

"Baliw. Bakit ko isusumbat? Iyon lang ba ipabibili mo? Pipila na ako sa counter."

"Iyon lang. Naibaba ko na sa sala 'yong laptop tsaka 'yong ring light. Ready na sa live mo." Paliwanag niya.

"Sige, salamat."

"Gegege."

In-end ko na ang call at pumila sa counter. Nahiya naman ako kay Axel kaya nilibre ko na rin siya ng isang chuckie dahil naabala ko pa siya.

"Mukhang close kayo ni Dion, ah." Sabi ni Axel.

"Well, siya ang nagpumilit sa akin na sumali sa Battle Cry then ilang beses din kaming nag-meet before kaya siguro siya ang pinaka-close ko." Paliwanag ko kay Axel.

"Alam mo bang wala sa amin ang friend si Dion sa private account niya? Ikaw lang."

"Ang anti-social naman, no'n!" Sagot ko.

"Galing talaga sa 'yo, Milan. Hindi mo pa kaya ina-accept friend request namin." Natatawang sabi ni Axel.

"Oh God. Mamaya, add ko kayong lahat." Paliwanag ko.

"Pero parang mas um-okay nga si Dion noong nandiyan ka. Mas gumaan ang awra niya." Sabi ni Axel habang nagbabayad ako. "Focus lang kasi sa game dati 'yan. Atleast ngayon may iba na siyang nabubuwisit."

"True." Although, ako talaga ang nambubuwisit kay Dmitri.

Pagbalik namin sa Boothcamp ay lumapit ako kay Dion para iabot 'yong Chuckie at Nova niya.

"Salamat dito," sabi niya.

"Heto pa." Iniabot ko 'yong isang box ng Salonpas sa kanya. "Lagyan mo 'yong binti mo para hindi mo maramdaman masyado 'yong kirot."

"Ayon. Heto talaga pinaka kailangan ko ngayon, eh. Okay na 'yong sa Laptop. Buksan mo na 'yong ring light tapos log-in mo 'yong facebook mo sa laptop ko." Paliwanag niya. "Pero mamaya ka na mag-live pagkakain. Maluluto na daw 'yong ulam sabi ni Manang Martha."

"Okay." Nagbaba ako ng pillow sa carpet para upuan ko. "Pagamit ako ng Laptop mo, Facebook lang ako saglit."

"Sige lang," sagot ni Dion habang nilalagyan ng Salonpas ang binti niya. Ewan ko nga kung bakit nilagyan niya pati 'yong braso niya, hindi naman iyon 'yong pinangtakbo niya.

Ayon, nag-scroll lang ako sa Facebook ko habang nakatingin sa screen si Dion. Kapag may nakikita akong funny videos or meme ay pinapanood ko sa kanya.

"Gawa ka ngang Tiktok, gayahin mo 'tong mga videos na 'to." Sabi ko kay Dion habang pinapanood sa kanya ang ilang videos.

"Ayoko nga. Pala-utos ka, ah. Twitter nga wala ako, eh." Sagot niya sa akin.

"Damot, ako unang magpa-follow sa 'yo kapag gumawa kang Tiktok." Natatawa kong sabi.

"Iyo na 'yong follow mo." Sagot niya. "Puro naman funny dogs and cats videos ang nasa wall mo."

"Eh, siyempre hanggang nood na lang ako. Bawal kami mag-alaga, eh. Nababahing kasi ako tsaka nangangati kapag nadidikitan kg balahibo nila or nasisinghot ganyan." Paliwanag ko sa kanya.

"Rich kid talaga. Kapag mayaman talaga usong-uso sa inyo 'yong mga allergy-allergy. Ako kahit pagulungin ninyo ako sa putikan walang bahing-bahing na magaganap." Mayabang niyang paliwanag at dumapa sa couch habang nakaunan sa kanyang mukha ang isang throw pillow.

"Epal." Sagot ko sa kanya.

Sabay-sabay kaming kumain sa Boothcamp at nagpaalam sa akin sina Oli at Gavin kung puwede tumambay sa room ko mamaya. Panoorin daw naming tatlo 'yong Queen's Gambit and pumayag naman ako. Niyabang din ni Oli ang bagong bili niyang headset for streaming daw.

Alam ninyo 'yong feeling na after practice ay parang nag-i-sleep over lang ako kasama ang barkada ko? Ang chill lang.

After kumain ay naiwan kami ni Dion sa sala dahil karamihan ng players ay nasa gaming room sa third floor o kaya naman ay nasa kani-kanilang room na.

Si Dion ang kumatikot sa Laptop niya dahil mas gamay niya iyon.

"Hoy! I-share ninyo 'yong live ni Milan!" Sigaw ni Dion sa may hagdan para marinig ng players.

"Kinakabahan ako dito. First time kong magla-live sa buong-buhay ko. Ever." Sabi ko kay Dion.

"Ganyan talaga, kahit ako ay awkward noong first live ko, eh. Sasagot ka lang sa mga tanong ng Fans tapos magse-send sila ng stars. 'Yong stars na iyon ay nako-convert sa pera talaga." Paliwanag niya.

He started the live at ako ang humarap sa camera. Humiga si Dion sa likod (sa may couch) at nakatingin lang sa ginagawa ko.

"H-Hello, guys..." I awkwardly said at natawa si Dion sa likod. "Alam mo, epal ka. End live na nga natin 'to."

"Joke lang. 'Di na ako tatawa. Naririnig ka na nila, oh." Turo niya sa screen.

At nagulat ako dahil sunod-sunod ang comments na lumabas.

Tama nga si Dion, may ibang nagtanong about kung paano ako nakuha ng Battle Cry, anong nararamdaman ko as the first female player sa professional league... And hindi ko nga napapansin ang oras dahil sa dami ko ring chika kapag nagpapaliwanag ako.

"Dion, may mga nagtatanong kung bakit ka daw nasa live ko," napatigil sa pagse-cellphone si Dion at humarap sa camera.

"Support kay Shinobi, kawawa naman."

"Epal ka."

Natawa si Dion. "Joke lang, guys, sinamahan ko si Milan sa first live niya kasi medyo nahihiya pa siya. Nahihiya daw siya pero ang dami niyang kuwento." Sabi ni Dion.

Lahat ng Battle Cry players ay shinare ang live ko and guess what? Sa first live ko ay umabot ng 2,000 ang nanonood. Sabi ni Dion ay marami raw iyon.

Dmitri Onyx Villanueva sent 500 stars

"Huy nag-send ka ng stars?" Tanong ko sa kanya.

"Welcome gift ko sa 'yo." Sagot ni Dion.

"Ayan, shoutout kay Dmitribels, super obvious na fan siya guys." Natatawa kong sabi sa camera.

"Ayon lang, makapal." Parehas kaming natawa.

May isang comment akong nabasa at tinanong ko kay Dion kung puwede kong sagutin.

"Dion, puwede ko 'tong sagutin?"

"Alin?" Saglit siyang umupo sa couch at nilapit ang mukha sa camera. "Shinobi... May boyfriend ka na po ba?" Mahinang sabi ni Dion pero feeling ko dinig pa din sa live dahil ang lapit niya sa mic.

"Puwede ko sagutin 'yon?"

"Guys, we will only entertain those questions na related sa game." Sabi ni Dion sa camera at bumaling ang tingin niya sa akin. "Huwag mong pansinin 'yong mga personal questions." Bumalik si Dion sa pagkakahiga sa couch.

"Ayon, bawal daw sagutin 'yong mga ganoong questions, magagalit si Manager." Natatawa kong sabi.

Natutuwa ako dahil ang daming nagse-send ng stars at ang dami ring chika noong mga nanonood sa live.

Natawa nga sila noong ipinaliwanag ko kung paano ko nakuha 'yong rare item.

"Ate, saan mo po na-meet si Dion?" Pagbasa ko sa isang comment.

Kinalabit ko 'yong tao sa likod ko at napatigil siya sa pagse-cellphone. Ang baliw nito, magkatabi na kami pero nanonood pa rin ng live ko sa phone niya.

"Saan daw tayo unang nag-meet?" Tanong ko sa kanya. "Sagutin ko ba?"

"Baliw ka. Bigyan mo ako nang kahihiyan. More than 3,000 nanonood sa 'yo ngayon." Nahihiyang sabi ni Dion at malakas akong natawa.

"Bawal daw. Personal question daw 'yon sabi ni Dion."

Ayon mahigit isang oras na din akong nag-la-live and hindi pa rin ako tapos sagutin ang mga tanong ng mga fans. Sabi din sa akin ni Sir Greg ay atleast 2 hours daw ang bawat live namin so kaunting chika pa with fans.

"Dion ninyo, bagsak na." Pagbasa ko sa comment at napatingin ako sa likod.

Natutulog na nga si Dion sa couch habang hawak niya pa ang phone niya at nagpe-play doon ang live ko.

"Hindi na kinaya ng lolo ninyo, napagod sa jogging kaninang umaga." Natatawa kong sabi.

Sakto namang bumaba si Renshi para uminom yata ng tubig sa kitchen.

"Renshi!" Tawag ko sa kanya at napatingin ito sa akin?"

"What?" Malakas niyang sigaw pabalik pero itinuro ko si Dion na natutulog. "Oh, sorry. What?" He asked again sa mahinang tono.

"Pasuyo naman ng blanket. Baka lamigin si Dion dito." Sabi ko, hindi rin kasi ako makakatayo dahil nga naka-live ako.

"Okay." He answered at pumanhik sa taas.

Inabutan ako ni Renshi ng blanket pagkababa niya at ikinumot ko kay Dion. Nagpatuloy ako sa pagla-live at hinayaan ko na lang siya doon matulog since mukhang pagod si Dmitribels.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top