Chapter 24: Terms and Policies

BINUKSAN ni Kuya Brooklyn ang laptop niya at cinonnect iyon sa Sala TV ng boothcamp. Oh God, bakit nararamdaman kong may power point presentation pa si Kuya Brooklyn para rito. "Kuya, ang OA nito." Nahihiya kong sabi at umupo ako sa pagitan ni Gavin at Oli sa may mahabang couch.

"Hindi ko naman 'to ginawa para sa 'yo. Ginawa ko 'to para sa kanila." Seryosong sabi ni Kuya Brooklyn.

"Tangina, bakit feeling ko a-attend ako ng business meeting?" Mahinang bulong ni Gavin.

"Pakinggan ninyo na lang then kalimutan ninyo pagkatapos." Bulong ko pabalik.

Si Kuya London ang nag-i-slide ng Powerpoint sa laptop (para may masabing may participation siya) habang si Kuya Brooklyn ang nagdi-discuss sa harap.

"Number one," nilipat ni Kuya London ang slide at lumabas ang text na sobrang formal nang pagkakagawa. "You guys can drink pero huwag ninyong papainumin si Milan ng alak. She can only drink unless you ask my permission."

Napatakip na ako ng pillow sa hiya at nagkatinginan kaming dalawa ni Dion sa likod ni Oli. "Mas baby ka pa kay Oli." Nakangisi niyang sabi.

"Epal." Ganti ko pabalik at bumaling muli ang tingin niya sa Powerpoint presentation.

"Number two, kung maninigarilyo kayo, make sure na ilang metro ang layo ninyo kay Milan. If ever lang na may naninigarilyo sa team ninyo." Paalala ulit ni Kuya.

"Wala po!" Sabay-sabay na sagot nf mga Members ng Battle Cry.

"Then good. London, next slide,"

I thought maraming members ang matatawa o gagawing biro itong ginagawang presentation ni Kuya pero mas nagulat pa ako na seryoso silang nakikinig lahat.

Oh my God, guys, walang quiz mamaya. Huwag na kayong makinig. Nahihiya ako.

"The next rule, bawal ninyo pormahan ang kapatid ko ng hindi ko alam." Sabi ni Kuya. As if naman may poporma sa akin dito, ang cool kaya nila kabarkada lahat!

"Songs, number 7." Natatawang sabi ni Oli.

"Hoy, na-gets ko 'yon." Sabat ni Kuya London at tinikom ni Oli ang bibig niya.

Ha? Ano 'yon? Nevermind, minsan talaga may mga language na sinasabi ang mga lalaki na sila-sila lang nagkakaintindihan.

Ang dami pang rules na sinabi ni Kuya tungkol sa pagkain, sa mga events at kailangan daw ay pilitin akong mag-morning jog sa umaga. He also demanded na magkaroon ako ng sariling room dito sa Boothcamp.

"About the room, huwag kang mag-alala. Pinaayos ko na 'yong lumang storage room namin. It will be Milan's room." Maayos na sabi ni Sir Greg.

"The last rule," Pinindot ni Kuya London ang last slide habang nagsasalita si Kuya Brooklyn. "Alam kong puro kabataan kayong nandito kung kaya't madalas kayong magkulitan. Pero kapag sinabi ni Milan na huwag o nagiging uncomfortable na siya sa mga biro ninyo. Please, stop."

Na-touch naman ako sa sinabi ni Kuya dahil ramdam na ramdam ko 'yong pag-alala niya sa akin because I will be living in a new kind of norm.

"Remember kids, an act without someone's permission is a sexual assault. At kapag nalabag ninyo ito sa mga rules na nakalista dito. I will terminate Milan's contract immediately no matter how much the compensation is." He seriously sai at mata sa mata na tinitingnan ang mga members ng Battle Cry.

"Yes po!" Sabay-sabay na sagot nila Oli.

After noon ay kinausap nila Kuya sila Coach at iba pang kasama sa bahay para siguro ibilin ako. For the first time lang yata ako kinilig sa pagohing overprotective ng dalawang Kuya ko. Ang annoying nila minsan pero ramdam ko 'yong pag-aalala at care nila sa akin.

"Milan, make yourself comfortable sa boothcamp, mamaya na natin pag-usapan nang masinsinan ang tungkol sa mission and vision ng Battle Cry. Gavin, samahan ninyo siya sa room niya." Binuhat ni Gavin ang maleta na nakagilid habang excited na sumunod sa akin si Oli.

"Kumare, mayaman ka ba? Nanlilibre ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Oliver habang papaakyat kami ng hagdan. "'Yong Kuya mo kanina parang nagre-report sa CEO niya, eh."

"Bunso ako, only girl pa. Kaya ganoon na lang 'yong reactions nila." Paliwanag ko at napatango-tango silang dalawa. Nakasunod naman sa amin si Kendrix at Dion.

"Prinsesa sa kanila 'yan. May pool 'yong bahay nila tapos hile-hilera katulong nila." Sabat ni Dion sa likod at tumingin ako sa kanya.

"Hoy chika ka Dion! Umayos ka nga, baka maniwala sila Oli diyan sa sinasabi mo." Suway ko sa kanya ay natawa siya.

"Totoo naman-"

"Ewan ko sa 'yo." Saglit akong huminto sa paglalakad para masabayan siya.

"Scammer ka talaga." Naiiling niyang sabi.

"Surprise nga, eh." Sabi ko. "Na-surprise ka?"

Hindi sumagot si Dion pero ngumiti lang. Tinunggo ko siya sa balikat. "Huy, na-surprise ka ba kako?" Ulit ko.

"Hindi. Ang predictable noong surprise mo." Sagot niya sa akin. Ano ba 'yan, kinausap ko pa naman si Sir Greg about dito tapos hindi rin naman pala siya na-surprise.

Nakarating kami sa Fourth floor ay naglakad kami tungo sa pinakadulong room.

"Medyo maliit 'tong room na 'to kasi dating tambakan ng sirang keyboards tsaka mga monitors." Paliwanag ni Oli sa akin. "Pero nilinis namin 'to, walang kahit anong bahis ng dumi 'to."

"Kapag pumasok ka, magkakaroon na ng dumi." Sabat ni Gavin sa kanya na nakapagpatawa sa akin.

"Oh, pinalinis pala sa inyo 'to. E'di dapat may kutob na kayo na may bagong madadagdag sa Battle Cry."

"Akala namin maarteng feeling elite lang na player ang sasali kasi sabi sa amin ni Sir Greg tumanggi ka na daw, eh." Paliwanag ni Kendrix sa likod.

Binuksan ni Oli ang pinto at sa totoo lang, maayos na 'tong room na 'to. Although, mas malaki talaga ang room ko sa bahay pero for the house na may nakatirang more than 20 people... Ang spacious na nito. May isang kama sa right side at katabi ng kama ay study table. Mayroon ding kabinet para lalagyan ng gamit at may sariling aircon at electricfan. Basically lahat ng important things sa isang kuwarto ay nandito.

Pumasok ako sa room at umupo sa bed.

Tumatakbong papasok si Oli at Gavin pero mabilis na hinawakan ni Dion ang kuwelyo ng damit nilang dalawa. "Ask permission first. Kuwarto ng babae 'yan."

"Wow, Dion, galing talaga sa lalaking nagbukas ng fitting room sa Forever 21." Sabat ni Oli at inis siyang tiningnan ni Dion.

"Pumasok na kayo, huy, okay lang." Sabi ko at doon lang sila pumasok na apat.

"Milan kung kailangan mo nang tulong. Magtanong ka lang sa amin. Except kay Oli," sabi ni Kendrix.

"Ako na naman amputa."

"Magulo magpaliwanag 'yan. Mas lalong hindi mo mage-gets." Sabat naman ni Gavin.

"Pero ganoon talaga ka-strict mga Kuya mo sa 'yo?" Tanong ni Gavin.

"Si Kuya Brooklyn lang. Si Kuya London feeling strict lang 'yon." Sabi ko sa kanila. "The thing is ngayon lang ako malalayo sa bahay for a month I guess... Tapos si Kuya Brooklyn ay lilipad sa New Zealand next week kung kaya mas naging OA siya sa paghihigpit since mawawala siya sa Pinas." Paliwanag ko at seryosong nakikinig ang apat.

"Lilipad sa ibang bansa ang kapatid. Mayaman ka nga. Confirm." Epal ni Oli. "Pero ang weird ng pangalan ninyo."

"Ah, name iyon ng mga favorite places na napuntahan nila Mom around the world kaya ang unique pakinggan." Sabi ko.

"Ah nakakapagbakasyon out of the country. Mayaman nga, confirm." Sabat naman ni Gavin.

"Mas unique ang pangalan ni Oli." Nakangising sabi ni Dion habang nakatingin kay Oli.

"Gago, 'wag na!" Suway ni Oli.

"Jose Oliveros Pagdanganan the Third." Sabay-sabay nilang sabi habang tumatawa.

"Baka bukas pa mag-start ang practice mo. Pahinga ka muna ngayon. Tsaka ipapaliwanag pa sa 'yo ni Sir Greg 'yong magiging kasunduan ninyo." Sabi ni Kendrix.

"Hindi. Mag-observe na siya mamayang gabi kung anong nangyayari sa practice para may idea na siya." Paliwanag ni Dion.

Naputol ang pag-uusap namin noong kumatok si Renshi (I know him since isa siya sa mga lumaro sa Robinson Malolos). "Dion, Milan's brother is calling you sa baba. May pag-uusapan yata kayo with Axel." He said.

"Pagpasensiyahan mo na 'yang si Renshi," bulong ni Oli. "Atenista kaya ganyan magsalita tapos laking ibang bansa pa."

Actually, I don't find his conyo na cringy. Parang natural lang na ganoon siya magsalita since doon siya mas sanay at komportable.

"Bakit daw ako kakausapin ng Kuya mo?" Tanong ni Dion habang nakatingin sa akin.

"Ewan ko. Makinig ka lang tapos kalimutan mo din after." I said to him.

"Tangina, kinakabahan ako bigla." Sabi ni Dion na nakapagpatawa sa akin. "Baka mamaya awayin ako ng kapatid mo doon sa kumalat na post, hindi ko naman kasalanan 'yon."

"Hindi 'yan. Alam naman nilang hindi totoo 'yon. Bumaba ka na."

"Gagski kinakabahan talaga ako." Ulit ni Dion. "May last words ka ba sa akin?" Tanong niya.

"Ang OA mo. Iyon ang last words ko." Sagot ko.

"Haba naman ng last words mo." Sabat ni Oli.

"Gago. Ipagdasal ninyo ako." Sabi ni Dion kanila Gavin bago lumabas.

Pagkaalis ni Dion ay saglit pa kaming nag-usap nila Kendrix sa room ko at matapos noon ay lumabas na rin sila para raw magka-time ako na mag-ayos ng mga gamit ko. Sabi nila ay si Axel na ang magtu-tour sa akin mamaya sa buong boothcamp dahil siya ang Captain.

Bandang alas-tres din noong umalis na sila Kuya. And nakikita kong naiiyak si Kuya London pero tinatago niya lang at sinasabing nahihikab siya kaya siya naluluha. Mami-miss ko 'yong bangayan namin nila Kuya.

Bumaba na ako sa Ground floor at pumunta sa office ni Sir Greg dahil may mga idi-discuss pa raw siya sa akin.

"How's your stay here sa Boothcamp, so far, Milan?" Tanong ni Sir sa akin.

"So far po... Ang warm ng welcome ng mga Players dito." I explained.

"They are really happy na ikaw ang kukumpleto sa lineup ng Battle Cry." Sir Greg explained. "So I will discuss to you 'yong tungkol sa payment. Every month ay may 12,000 pesos kayong Monthly Allowance as a Battle Cry member... Or in adult term, that is your sahod. Kapag may gusto kang ipaklaro, huwag kang mahiyang magtanong, ha?"

Tahimik lang akong nakikinig kay Sir Greg.

"About sa foods ninyo. May cook tayo sa Boothcamp at may meal plan sila para masiguradong hindi magkakasakit ang buong squad. We also have a driver sa boothcamp kung kaya't kapag may pupuntahan kayo. Magsabi lang kayo. Kumbaga, wala na kayong ibang gagastusin basta maglalaro kayo para sa team. 'Yong sahod ninyo ay buong-buo ninyo makukuha. Sabihin ninyo lang kung gusto ninyo itong makuha ng Cash o iba-bank transfer na lang namin para maayos agad ng accounting natin."

"As an exchange, kailangan ninyong lumaro for Battle Cry... Make sure na ibibigay ninyo ang best ninyo sa bawat Tournament. Apat na oras ang training sa isang araw. And kailangan mo rin mag-stream ng game para sa fans or magiging fans mo. In a week, kailangan mo mag stream ng apat na beses. Minimum of two hours stream pero kung gusto ninyong mas lumagpas sa oras ay mas okay." Tuloy-tuloy na paliwanag ni Sir Greg.

"Ano pong klaseng stream?"

"Gameplay. Minsan mag-i-stream ka to answer fans question about the game or 'yong Battle Tactics mo. Gagawa ka nang page sa facebook. Puwede kang magpatulong sa Team Editors natin para hindi ka na mahirapan. Mamaya, I will introduce you to them. Nagkukulong kasi sila sa room nila sa second floor since busy sila sa kaka-edit." Natawa ako sa ipinaliwanag ni Sir.

"Ayon mabalik tayo, about the stream, 70/30 ang hatian sa kikitain... Bukod pa iyon sa sahod ko. For example kumita ka ng 40,000 pesos sa pag-i-stream in a month, 12,000 pesos doon ay sa 'yo na ulit. Ibig sabihin 24,000 bale ang kinita mo in a month. Gets mo ba?"

Wow, hindi rin pala biro ang mga kinikita ng Professional Players. They can earn a lot. "Bakit 70/30 ang hatian natin? Bakit parang agrabyado ang players? Kasi ang monthly expenses natin sa Boothcamp ay more than 500,000." Namilog ang mata ko sa laki. "'Yong bayad natin sa rent dito sa Boothcamp, 'yong kuryente pa, sa internet, sa tubig, 'yong pagkain sa araw-araw, sahod pa ng players, mga editors, at mga kasama sa bahay. So in order na mag-function pa tayo we need a large amount of money monthly. Uhm.. feeling mo ba unfair 'yong 70/30?

"Not at all, Sir."

Ipinaliwanag sa akin ni Sir Greg ang lahat sa way na maiintindihan ko. He explained it na madetalyado at kapag may questions ako ay sinasagot niya naman ito.

"About the contract, puwede bang after Summer cup ko na mabigay at mapapirmahan sa 'yo, Milan? Kasabay ng pag-renew ng contract ng ibang players. Busy lang talaga ako this month dahil kabi-kabila ang meeting about the summer cup tapos sa mga sponsors." Naintindihan ko naman iyon dahil halata sa eyebags ni Sir na nai-stress na din siya. "Manager slash Head Hunter kasi ako dito sa Battle Cry. Madami talagang ginagawa, hindi ko lang maasikaso pa 'yong sa mga kontrata."

"I get it, Sir, take your time po, easy-han ninyo lang." Natawa si Sir Greg sa sinabi ko.

"Thank you for the concern, pero nabuhay lang yata ako para mapagod sa trabaho." Natatawa niyang paliwanag sa akin. "Halika, ipapakilala kita sa Team Editor."

Lumabas kami ng office niya at nakita ko sa Sala ang buong Team na nakikinig sa sinasabi ni Coach Robert. "Pukpukang practice na 'yong mga kasama sa lineup sa Summer Cup kaya ganyan sila kaseryoso sa practice." Bulong ni Sir Greg sa akin.

Umakyat kami sa second floor at pumasok sa pinto ng Team editor. Natawa ako sa nakasulat na note sa harap ng pinto nila.

"Oh ba't nandito ka? Magpapa-edit ka? Huwag na! Pagod na kami!

-Team Editor/Alipin sa Boothcamp

"Huwag mong pansinin 'yang note nila sa Pinto. Mga gago lang 'yan. Kapag nadalaw si Boss dito sa Boothcamp at nakita 'yang note na 'yan, yari sila." Natatawang sabi ni Sir Greg.

Pinihit ni Sir ang pinto at nakita ko ang limang tao na busy sa pag-e-edit sa computer nila. Dalawa sa kanila ay babae na mas matanda lang sa akin ng ilang taon (Thank God, marami-rami naman pala ang babae sa Boothcamp.)

"Guys! Ipakikilala ko sa inyo ang new part of the family!" Sigaw ni Sir Greg ar napatigil sa ginagawa nila ang Team Editor. Napatingin sila sa akin at hinubad ang suot nilang headset.

"Sa wakas! Panibagong babae!" Sigaw noong babae na may bob cut na buhok. "I am Aisha." She introduced herself.

"Guys this is Milan... Si Shinobi sa game. New member of our players." Paliwanag ni Sir. "Milan this is Aisha, Jane, Jefferson, Louie, and

"H-Hello po." Nahihiya kong sabi.

"Babae ang new player?" Tanong ni Jefferson (Lalaking may bigote na around 30's na yata.)

"Bakit mo kinukuwestiyon?" Taas kilay na tanong ni Aisha. "It's about time na magkaroon kami ng representatives sa E-sport! Hello! Girl power! The world is changing, ang kaya ng lalaki ay kaya na rin ng mga babae." She explained. Point taken.

"Tangina neto, daming sinabi. Tinanong ko lang kung babae ang new player." Naiiling na sabi ni Kuya Jefferson. (He is much older kung kaya't dapat ko yata siyang i-kuya.)

"Obvious naman, may suso, may kepyas. Babae siya!"

"Ganyan talaga 'yang bunganga ni Aisha. Masanay ka na. Wala talagang preno 'yan." Bulong no Sir Greg. Buti na lang talaga at na-train ako sa ugali ni Shannah kung kaya't hindi naging uncomfy ang ganoong mga words oara sa akin.

"So Milan, if may ipapa-edit ka. Magsabi ka lang sa Team editor. If you are planning na mag-upload ng gameplay sa youtube or plano mong mag-vlogs. Inform mo sila. Sila ang bahalang mag-edit para sa 'yo." Sir Greg explained.

"Ako na." Aisha said. "Ako na ang assigned editor kay Milan. Proclaim ko na. Umay na ako sa mga mukha ng luma mong players Sir Greg." Natawa ako sa sinabi ni Aisha.

Nabigla ako noong hinatak niya ang aking kamay dala ang isang DSLR na camera. "Tara sa studio, picture-an kita. Ipo-post natin sa page ng Battle Cry. I will introduce you as the new part of Battle Cry."

Ayon. Pinicture-an ako ni Aisha sa may studio (katabi ng Editor's room). As in parang photo studio talaga siya dahil may lightings, may ringlights , may plain white background sa right side while plain green background naman sa left side.

"Ipo-post ko 'to sa page mamaya ng Battle Cry. Edit ko lang kaunti. May ipapa-edit ka ba? May bet ka bang picture?" Sabi niya habang ipinapakita sa akin ang gallery ng camera. Ang galing kumuha ng litrato ni Aisha.

"'Yong picture sana na naka-smile ako. Nasasabihan ako lagi na mukhang maldita sa mga picture, eh." Sabi ko sa kanya.

"Gaga, okay na 'yong fierce photo ang i-upload ko. Para pak! Intimidating agad! Hindi ka mamaliitin ng mga Male Hunters. Hay naku! Buti na lang talag may representative na tayo sa Esports! Thanks to you!" She said at bumalik na siya sa editor's room.

Kinagabihan, pagod akong umupo sa couch dahil sa dami ng nangyari ngayong araw. Umupo sa tabi ko si Dion na mukhang drain na drain din.

"Kapagod mag-practice." Reklamo niya.

"Hindi ko kayo napanood maglaro." Sabi ko sa kanya. "Ang daming pinagawa sa akin sa Editor's room. Ginawan din nila ako ng FB page."

"Ready ka na bang mawala ang privacy mo?" Natatawang sabi ni Dion. "Kapag nagsimula ka ng mag-stream madaming fans diyan ang hahalungkat ng mga post mo sa Facebook."

"Oh God, goodbye freedom." Natawa si Dion sa sinabi ko. Niyakap ko 'yong pillow at humarap kay Dion. "Anong sinabi sa inyo ni Kuya kanina?"

"Kabado ako mga bente noong kausap namin ni Axel 'yong Kuya mo, napakaseryoso magsalita, laki pa ng boses." Natawa ako sa sinabi ni Dion habang siya ay naiiling. "Tumatawa ka diyan. Seryoso nga!"

"Anong sinabi?"

"Binilin ka lang. I-make sure daw na hindi mo pababayaan pag-aaral mo, protektahan ka daw sa tuwing may events since babae ka, huwag ka daw pakakainin ng Fast food madalas, allergic ka daw sa mabalahibong hayop kung kaya ilayo ka raw. And lastly, kikiligin ka sa sinabi ng kuya mo." Humarap sa akin si Dion. "I-make sure daw na nag-e-enjoy ka sa boothcamp."

"Alam mo, noong una, naiinis ako dahil strict si Kuya Brooklyn pero ngayon... Ramdam ko 'yong pagiging kuya niya sa akin." Seryoso kong sabi.

"Pinoprotektahan ka ng mga kuya mo, seryoso. Wala ka kanina pero umiiyak si London noong aalis na sila, eh." Natatawa niyang sabi. "May video si Gavin. Panoorin mo, baka matawa ka. Hagulgol talaga."

"Ipapa-airdrop ko nga kay Gavin, sa wakas may pang-blackmail na ako kay kuya."

"Salbaheng kapatid." Naiiling na sabi ni Dion.

"Huy sabi ni Shannah samahan daw natin siyang mag-quest bukas."

"Agahan kamo natin 'yong pag-online sa quest since may practice tayo ng tanghali." Sabi ni Dion sa akin.

Dion looked into his phone at ngumiti sa akin. "Na-post na sa page 'yong pagiging member mo ng Battle Cry."

"OMG, seryoso ba? Kinakabahan ako."

"Ang taray mo naman sa picture." Sabi ni Dion. "Maldita ka talaga, eh."

"Epal. Sabi kasi ni Aisha, fierce daw. Saan naka-post? Ang bilis niya naman na-edit." Tanong ko habang nag-i-scroll sa facebook ko.

"Sa page ng Battle Cry." Dumungaw si Dion sa phone ko. "Tingnan mo, hindi ka pala naka-like sa page ng Battle Cry. Sumbong kita kay Sir Greg."

"Heto na nga, oh, ila-like ko na." Inis kong sabi at napatawa si Dion. "May salary increase ba kapag sinumbong mo ako?"

Sa post na iyon nakalagay ang picture ko na may iba-ibang layers na blue ang background (since iyon ang color ng team).

Awooo!

Another loud howl for Battle Cry fans! Another lone wolf decided to join our pack! Milan De Santos A.K.A Shinobi is the newest part of our growing family. She will be the first female player who will play at professional league this upcoming season.

Let's give her a warm welcome and she will surprise you in her future activities as part of the Battle Cry Family!

Nagulat ako noong bumaba ang mga members ng Battle Cry as in lahat sila. "Welcome sa team, Milan!" Sigaw nila at nagkumpol sila sa sala at niyakap ako kahit nakaupo.

"Thank you! Thank you!" Sigaw ko para marinig nilang lahat.

Isa ito sa pinakamalalaking desisyon na ginawa ko sa buhay ko and I will make sure na hindi magsisi ang Battle Cry sa pagkuha sa akin.

*********

Since maraming nag-aabang, heto ang conditions ni Brooklyn.

Brooklyn's 10 commandments. (With a little help of London):

1. Milan is not allowed to drink unless I gave her permission.

2. If you do smoking. Smoke meters away from my sister.

3. No dating unless you ask for my permission (PS expect that I will reject your consent)

4. She will have her own room.

5. Don't make her quit her studies just because of gaming.

6. Wake her up early for morning jog (make sure na magagawa niya 'to)

7. She's moody when she's having her period. Long patience is A MUST.

8. Always remember that she is still a woman. Be careful on your jokes and pranks.

9. Treat her like a princess.

10. If she said no. It's a no. (Unless it's related to game practice) DON'T MAKE HER FEEL UNCOMFORTABLE.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top