Chapter 23: Official Member

Sorry na agad, hindi pa ako magaling sa mga jersey designs! Haha!

I HAD so much fun yesterday kasama ang Battle Cry at sina Shannah. 'Yong napag-usapan namin ni Sir Greg ay sikreto na lang daw muna dahil gusto niyang i-surprise ang buong Battle Cry sa biglang pagpunta at pag-stay ko sa Booth camp.

Noong nasa kotse ay puro confidential informations ang diniscuss sa akin ni Sir Greg. It is related with salary, boothcamp policies, and kung ano ang gagawin kapag nandoon na ako. Sinigurado rin sa akin ni Sir Greg na marami akong matutunan habang hawak ako ng Battle Cry.

Nasa kama lang ako ngayon habang nagbabasa ng It Only Happens in the Movies ni Holly Bourne. So far, ang ganda pa naman ng flow ng story.

My reading is interrupted when I heard my phone notification.

Shannah Esguerra mentioned you in a post.

Hindi na bago sa akin na i-tag ako ni Shannah sa kung saan-saang post related sa pagiging mag-bestfriend at minsan kapag may nakikita siyang pogi, tina-tag niya rin ako kasi baka raw bet ko din.

I clicked the notification and bumungad sa akin ang isang post na may more than 1k likes at ilang daang shares na rin.

"Oh my God." Bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang picture.

It is a photo na kung saan nag-uusap kami ni Dion sa second floor nang Robinson Malolos. Seryoso siyang nagpapaliwanag sa akin sa picture at mata sa mata kaming nakatingin sa isa't isa.

Alam ninyo kung saan ako mas naloka? Sa caption.

Rufus ninyo, taken na.

"Hala paano kumalat ang ganitong tsismis?" Tanong ko sa aking sarili at patuloy pang dumadami ang react and share noong post.

Napadaan na rin ako sa comment section at puro fans ni Dion ang nag-comment.

Jessa Figuerroa: Hindi naman kagandahan 'yong girl, tingnan ninyo ang laki ng mata. Mas bagay pa si Dion doon sa babaeng streamer na nakalaro niya during playoffs.

Marceline San Pedro: Mukhang napipilitan lang si Dion na samahan si Girl, look oh, mukhang bagot na bagot sa picture.

Aril Mae: Congrats idol! Support ko pa rin kayo and I will continue to watch your streams. ☺️

Janine Mercado: Ang daming immature fans ni Dion! Kung makalait kay girl akala mo naman papatulan sila ni Dion if ever mag-break sila. Stop hallucinating mga sis! Maging masaya tayo kay Rufus.

Chathe Santos: Ang liit ni Girl, parang nag-aalaga ng kinder si Dion sa girlfriend niya. Mas bagay pa sila ni Ayame na streamer na nakasama niya sa playoffs!

"Kapag pinuntahan ko ang mga profile ng mga 'to, siguraduhin lang nila na mga artistahin sila." Inis kong sabi habang iniisa-isa ang profile picture noong mga nanlait sa akin sa picture. "Mas maganda pa ang Lola ko sa kanila."

Natuwa naman ako sa mga fans na pinagtanggol ako pero ang misleading kasi ng caption noong post. Oo, magkausap kami ni Dion that time pero hindi ba puwedeng usap magkaibigan lang iyon. Mabuti na lang talaga at hinubad ko ang jacket ni Dion kung hindi... Baka may nagdo-doorbell na sa bahay para sabunutan ako. Ang OA ng mga baby bra warriors na fans niya.

Shannah Esguerra calling...

I immediately answered her call at agad na nagreklamo sa kaibigan ko. "Kilala mo ba kung sino ang nag-post noong picture na iyon?" Tanong ko.

"Bakla, kung alam ko e 'di sana minessage na kita sa Facebook," paliwanag niya sa akin. "Huwag ka nang magbasa ng mga comments. Ang daming toxic! Mukha namang mga nagmamagandang kuhol."

"Too late, nabasa ko na,"

"Lahat?"

"Lahat." Sabi ko sa kanya at bumuntong hininga ako para simulan ang mahaba kong reklamo. "My God, ang lakas ng loob nila na sabihan ako na hindi kagandahan pero kapag bini-visit ko naman 'yong mga wall nila... Para akong tumitingin ng hayop sa zoo. Tapos sinabihan pa akong hindi matangkad? Sakto lang ang height ko! Matangkad lang talaga si Dion. Kung makagawa sila ng tsismis sa social media, hindi naman din nila kino-confirm."

"Alam mo naman Pinoy, basta tsismis ang layo ng nararating ng utak. Minsan nga may dagdag pa ang kuwento." She explained to me. "Pero hindi ka galit kay Dion dahil sa kumakalat na picture sa social media?"

"Ha? Bakit naman ako magagalit kay Dion?" Tanong ko. "Wala naman ding kasalanan 'yong tao. Knowing his personality, hindi siya 'yong tipo ng tao na matutuwa na pinagpipiyestahan ng mga tao ang private life niya. At tsaka, wala naman kaming relasyon."

"Dami mong sinabi, gaga ka." Natatawa niyang sabi sa kabilang linya. "Huwag kang mag-alala diyan kung rumor lang 'yan, hindi papayag ang Battle Cry na kumalat 'yang post na 'yan. Later or tomorrow baka burado na 'yang post." She explained to me.

Habang magkausap kami ni Shannah ay biglang nag-notif sa akin ang chat ni Dion. "Nag-chat sa akin si Dion. Mamaya na lang."

"Ay wow, priority kang bakla ka!" Natawa ako sa sinabi ni Shannah. "Sige na, mamaya na lang tayo mag-usap. Hoy 'yong quest ko bukas, samahan mo ako, ah! Kinontrata ko na si Dion na samahan ako."

"Ang kapal ng mukha mo, sa Pro Player ka pa talaga nangungulit."

"Ganoong talaga kapag maganda. Sige na, kausapin mo na si Crush# 6 ko." Si Shannah na ang nag-end ng call at doon ko lang nabasa ang chat ni Dion.

Dmitri Onyx:
Have you see some post sa mga gaming pages sa facebook?

Huwag mo na lang pansinin, ah.

Milan:
Nakita ko na.

Dmitri Onyx:
Sorry about that.

Milan:
Ang QT ng Gif haha!

Baliw, hindi mo naman kasalanan. 'Yong mga malisyoso admins ng page na 'yon ang nagkalat.

It's okay lang. We are still cool.

Dmitri Onyx:
Okay ka lang? weh?

Milan:
Oo nga!

Dmitri Onyx:
Kahit sinabihan kang pandak sa comment? 😂

Milan:
Okay fine. Badtrip ako doon sa ibang nagcomment. Mukha namanh mga hito.

Dmitri Onyx:
Sabi na, eh. 😂

Milan:
Pero tayo, okay tayo. I swear.

Dmitri Onyx:
Solid?

Milan:
Solid.

Dmitri Onyx:
Nasabi sa amin ni Sir Greg na tinanggihan mo daw 'yong offer formally noong nasa kotse kayo.

Milan:
Huwag mong sabihin na hindi kita sinabihan? 😂

Ikaw unang nakaalam ng desisyon ko. Haha!

Dmitri Onyx:
Battle Cry na magiging ka-team mo. Ayaw mo pa? Choosy ka pa? 😂

Tapos mababalitaan ko na nasa ibang team ka na. Awit sa 'yo doon, vro.

Milan:
Baliw. Bakit ako sasali sa ibang team.

Tsaka magkikita pa naman tayo sa game! Tutulungan mo kaya ako magpalevel.

Dmitri Onyx:
Ayoko na kita tulungan.

Milan:
Ayan, FO tayo, Dmitri, sige ka!

Dmitri Onyx:
Joke lang.

Nood ka pa rin ng game namin, ha? Lalo sa Summer Cup.

Bawat nangyari sa match itatanong ko sa 'yo.

Milan:
Pala-utos ka ghorL? 😂

Dmitri Onyx:
Iyon lang kundisyon para tulungan kita magpalevel. 🥺

Milan:
Oo na, sige na. 😂

Biglang bumukas ang pinto at sumandal si Kuya London sa may pintuan. "Bakit?" Tanong ko.

"Kakausapin ka raw ni Dad. Tuwang-tuwa ka diyan sa harap ng cellphone mo." Sabi niya.

"May nakita lang akong nakakatawang memes." Depensa ko.

"Memes. Ulol mo. Panay type ka diyan tapos memes." Naglakad na pababa si Kuya London.

Si Kuya London talaga ang pangunahing kontrabida sa mga ginagawa ko sa buhay. Lahat na lang napapansin niya. Kailangan na talaga nito magkajowa para mabaling sa iba ang atensiyon niya, eh.

Milan:
I have some family engagement.

B'bye! Good luck sa upcoming Tourna ninyo!

Bumaba ako at nasa aala sina Kuya at maging sina Mom. "Kailan ang punta mo sa Boothcamp, 'nak?" Tanong ni Dad. "Tama ba 'yong sinabi ko, Brooklyn? Boothcamp ba tawag doon?"

"Opo, tama po." Sagot ni Brooklyn.

"Sabi ni Sir Greg any day of next week ay pumunta na raw ako sa Boothcamp para sumali sa practice, Dad." Pagpapaalam ko.

"Hindi naman sa pigigilan kita, 'nak, pero seryoso ka ba diyan sa desisyon mong 'yan? Malalayo ka sa amin ng Mom mo." Siguro ay nag-aalala lang din sila dahil nag-iisang anak ako na babae, so I understand my parents sentiments.

Pumagitna ako kanila Mom and Dad at umakbay sa kanila. "Dad and Mom. Naisip ko rin kasi na tama ang sinabi ni Kuya London na sulitin ko na hangga't hawak ko pa ang oras ko. Pinapangako ko rin sa inyo na never kong pababayaan ang pag-aaral ko."

"Kapag napagod ka, 'nak, uwi ka lang." Mom said.

Pakiramdam ko ay napakasuwerte ko dahil may mga magulang ako na suportado ang nagiging desisyon ko. Since I was a kid, they let us explore sa mga bagay na gusto naming gawin. Hindi nila kami pinaghigpitan pero pinalaki nila kami ng punong-puno nang pangaral.

"Mom, uuwi talaga 'yan dito kapag weekends." Seryosong sabi ni Kuya Brooklyn. "'Di ba, Milan?"

"Oo naman! Feeling ko manghihina ako if ever na hindi ko makita sila Dad sa isang linggo."

"Nambola ka pa." Naiiling na sabi ni Dad at pare-parehas kaming natawa. "London, kayo ang maghatid kay Milan papunta sa Boothcamp nila at ikaw na ang bahala."

"Oo, Dad, hindi ako papayag na matutulog si Milan kasama 'yong mga lalaki sa Battle Cry." Sabi ni Kuya London habang pine-flex ang kanyang biceps.

"Eh ikaw, Brooklyn, tuloy ba 'yong pagpunta mo sa New Zealand?"

"Ah, oo Dad, napagdesisyunan ni Boss na ako ang i-deploy para mag-observe. Three months lang naman." So meaning, si Kuya London na lang ang maiiwan sa bahay for the meantime dahil aalis kami ni Kuya.

Instead na malungkot si Kuya London ay obvious na obvious sa mukha nito ngayon na masaya siya sa pag-alis. Paano ba naman, walang sesermon sa kanya dahil aalis si kuya. Wala siyang kaaway sa gawaing-bahay since aalis naman ako.

"Anong sabi ni Princess?" Tanong ni Dad. Since ang tagal na nila Kuya at Ate Princess ay parang anak na rin anh tingin niya kay Ate Princess and welcome na welcome siya sa bahay.

Nagbuntong-hininga si Kuya. "Wala, eh, trabaho. Hindi rin ako makatanggi kay Ma'am Libeth dahil nagpapataas pa din ako ng posisyon." Kuya said.

"E'di kuya puwede ko gamitin 'yong kotse mo pagkaalis mo? Puwede ko rin gamitin 'yong high-specs pc mo sa kuwarto mo?" Tanong ni Kuya London.

"Hindi." Mabilis na sagot ni Kuya Brooklyn.

"Songs naman. Bubulukin mo lang 'yon sa bahay."

Yumakap kami nila Kuya kanila Mom.

"Brooklyn, lagi kang tatawag, ha? At ikaw Milan, uuwi ka rito kapag weekends."

"Opo." Sabay naming sagot ni Kuya.

***

"MILAN, sigurado ka bang dito 'yong boothcamp ng Battle Cry?" Tanong ni Kuya Brooklyn habang papasok kami sa isang exclusive subdivision.

Si Kuya London ang pinaka-excited sa amin dahil ngayon lang daw siya makakapasok sa boothcamp ng isang team. Although, sinasabi niya na hindi naman daw malakas na team ang Battle Cry, magandang start na rin daw ito para sa akin.

Si Kuya Brooklyn naman ay buong biyahe yata kaming binilinan ni Kuya London dahil ilang months siyang mawawala. Especially si Kuya London dahil siya ang maiiwan sa bahay.

"Dito nga, Kuya, tanda ko pa 'yong mga dinaanan namin ni Dion noong pumunta kami rito." Sabi ko at tumitingin-tingin sa paligid. Parang ang sarap mag-jog dito sa umaga dahil ang payapa ng ambiance dito.

Kapag high-end talagang subdivision, walang tsismosang kapitbahay, eh.

"Kay Dion kita ibibilin na ipabantay. Kakausapin ko 'yon." Seryosong sabi ni Kuya Brooklyn.

"Kuya, baka kapag kay Dion mo 'yan pinabantay baka pagkauwi mo hindi na single si Milan." Reklamo ni Kuya London.

"Kuya!" Tumingin ako sa backseat kung saan malisyosong nakangisi si Kuya London. "Issue ka talaga kahit kailan. Siguro kapag may dalawang langgam na nagkabungguan sa pader, ipa-partner mo rin."

"Kaya ka nga sumali sa Battle Cry dahil kay Dion, eh."

"Alam mo, chika ka. Sinabi ko na sa inyo 'yong reason ko kung bakit ako sumali sa Pro team. Magkaibigan lang kami ni Dion." Nag-make face si Kuya London kung kaya't mas lalong nakakabuwisit ang mukha niya.

"Tama na 'yan. Kapag naghiwalay naman kayo paniguradong mami-miss ninyo ang isa't isa." Sabi ni kuya Brooklyn habang naiiling.

"Luh?" -Kuya London

"Asabels." -Ako

"Hindi ninyo mami-miss ang isa't isa?" Tanong ulit ni Kuya Brooklyn sa mas nakakatakot at mas seryosong tono.

"Mami-miss!" Sabay naming sabi ni Kuya London dahil kung hindi... Baka isang oras na naman kaming sermunan ni Kuya Brooklyn.

Kuya Brooklyn smiled again. "Good." Tumingin-tingin siya sa paligid. "Milan, saan dito 'yong booth camp?"

"Diretso lang, Kuya, sa pangatlong kanto liko ka sa kaliwa then 'yong nag-iisang limang palapag na bahay doon. Iyon 'yong Boothcamp." Paliwanag ko at na-gets naman agad ito ni Kuya Brooklyn.

Nagkatinginan kami ni Kuya London sa rear mirror ng kotse. Dinilaan niya ako at inirapan ko naman siya.

Epal talaga.

Tinext ko si Sir Greg na nasa labas na kami ng Boothcamp at lumabas siya. Tumulong si Sir Greg na buhatin ang maleta ko.

"Good afternoon, I am Gregory Medrano. Head Hunter ng Battle Cry." He introduced himself kanila Kuya.

"Ikaw na ang bahala sa kapatid namin." May kinuha si Kuya Brooklyn na papel sa kanyang bulsa. "Nakalista diyan ang mga kundisyon ko sa pagpayag na pagsali ni Milan. I know I don't have the rights to demand too much pero nag-iisang player na babae si Milan sa Boothcamp ninyo."

"Kuya nakakahiya, itapon mo 'yong papel." Sabi ko.

"I understand, may dalawa din akong kapatid na babae. Naiintindihan ko ang paghihigpit mo." Sagot ni Sir Greg. "Pasok na tayo sa loob. Nasa sala lahat ng players ng Battle Cry ngayon. I bet masu-surprise sila kapag nalaman nilang ikaw ang kukumpleto sa team this upcoming tournaments."

Binuksan ni Sir Greg ang pinto at nauna siyang maglakad.

"Sir kailangan ba talaga naming salubungin pa 'yong bagong player?" Inis na sabi ni Kendrix.

"Oo nga, tinatapos ko 'yong Queens Gambit, eh." Reklamo din ni Oli.

"Ah, hindi ka nagpapractice?" Tanong ni Sir Greg.

"N-Nagpa-practice. Ang sabi ko papanoorin ko 'yong Queens Gambit after ng practice. Linis ka ng tainga, sir. May damage na." Dahilan ni Oli at napatawa akonsa gilid.

"So okay, I would like to introduce to you sa huling wolf na sasali sa grupo natin." Tumingin sa akin si Sir Greg and sign na iyon para pumasok ako.

"Welcome ba ako dito?" Nahihiya kong tanong habang naglalakad papasok. Nakangiti akong tumabi kay Sir Greg.

Malakas na nagsigawan ang mga members ng Battle Cry.

"Shinobi! Shinobi! Shinobi..." Paulit-ulit nilang sigaw at mahigpit nila akong niyakap lahat.

Siguro nakatulong din 'yong ginawa namin ni Dion na dumalaw dito last time dahil ang warm ng welcome nila sa akin dahil nga magkakakilala naman na kami.

"Si Jerrish Milan De Santos ang kukumpleto sa team natin o mas kilala ninyo sa game bilang si Shinobi.  She will be one of the Substitute player sa Summer Cup since ibe-blend pa natin 'yong skills niya sa fighting style na mayroon ang Battle Cry." Paliwanag ni Sir Greg.

"Scammer ka talaga." Naiiling na sabi ni Dion at niyakap ako. (The bro hug type na hug, ha!) "Welcome. Welcome sa team."

Naputol ang kasiyahan namin noong umubo si Kuya Brooklyn at napaupo muli ang lahat ng members ng Battle Cry sa couch.

"I am Milan's brother and gusto ko lang i-discuss sa inyo ang conditions ko sa pagpayag na sumali dito si Milan..."

Napatakip ako ng mukha at hiniling na sana ay lamunin na ako ng lupa. Nakakahiya!

Oh Lord. Hindi ko kilala si Kuya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top