Chapter 22: My Decision

Thank you guys! Nakikita ko lahat ng fanarts na ginagawa ninyo sa Twitter. I highly appreciated it! Ang lulupet ninyo!

Ayon, you can use the #HunterOnline sa Twitter para mabasa ko ang mga tweets ninyo and you can mention me (@Reynald_20). Thank you ulit sa pagsuporta sa story, Hunters!

NOONG nagsimulang magpapasok ang guard ng mga tao sa labas ay sinauli ko na kay Dion 'yong jacket niya. Hello, ang daming malisyoso sa mundo ngayon at baka magulat na lang ako na naka-post na ako sa Facebook.

Mamayang 12 pa ang start ng Competition kung kaya't may time pa ang mga players na mag-strategize o maglibot sa mall.

"Dion, they are my friends. You already met Shannah then ito si Trace, Tomy, at Clyde." Pagpapagkilala ko sa kanila sa isa't isa. "Guys this is Dmitri."

Napatingin ako kay Dion na masamang nakatingin sa akin. "Kulet."

"Bakit ayaw mong tinatawag na Dmitri? Ang cool kaya! Ang lakas maka-pageant ng pangalan mo." Sabi ko pa.

"Hindi ako sanay." Naiiling niyang sabi at nabaling ang tingin niya kanila Trace. "Nice meeting you, guys. Especially you, Clyde, boyfriend ka ni Milan 'di ba?"

"Issue!" Hinampas ko ang braso niya.

"Aray! Hindi ba kayo?"

"No. We are just friends." Si Clyde na ang nagklaro noon kay Dion. "Puwede ba kaming magpa-picture kay Axel? Lupet na captain no'n, eh."

Napatingin si Dion kay Axel na kinakausap ang representatives ng Battle Cry for the Competition. "Medyo busy pa si Axel, eh, sinesermunan pa 'yong mga players namin. After game, pa-picture kayo. Kakausapin ko." Sabi ni Dion sa kanila at tuwang-tuwa naman ang Kulokoy boys.

Lumapit si Gavin at Oli sa amin matapos nilang kausapin ang mga kaibigan nila sa ALTERNATE.

"Milan saan masarap na kainan dito?" Tanong ni Oli. "Kanina pa ako nagugutom, eh."

"Ayan kasi. Pinapakain kasi sa Boothcamp, ayaw kumain." Sermon ni Gavin sa kanya.

"Hindi nga ako kumakain ng Pinakbet." Depensa ni Oli. "Tangina, puro gulay 'yon. Nakakasuka."

"Milan, nakita namin sina Dexter," bulong sa akin ni Shannah. Sila Dexter ay blockmates namin sa BulSu. "Alam mo namang bet ko 'yon, lapitan lang namin." Umalis si Shannah kasama sina Trace dahil nga kaibigan din nila iyon.

So I am left with the Battle Cry boys which is okay lang naman dahil ang chill lang nila kasama. Ang weird nga lang na part, ang daming napapatingin sa akin na parang kinukuwestiyon kung sino ako at bakit ako kinakausap ng mga players.

"Marami namang kainan dito, Oli," nilibot ko ang paningin ko sa paligid. "May Jollibee, Greenwich, may Mang Inasal. Gusto mo bang mag-heavy lunch?" Tanong ko.

"Sa Greenwich na lang. Gusto ko rin mag-Pizza." Sabi ni Oli. "Hindi sasama 'yong mga kaibigan mo kumain, kumare? Libre ni Dion."

"Tangina neto, nandamay ka pa. Ikaw lang kakain."

"Ako na lang. My treat." Presenta ko.

Nagkatinginan silang tatlo at parang kuminang ang mata ni Oli. "Seryoso ba 'yan, Kumar-"

"KKB na lang para walang away." Dion suggested. "Oli, mahiya ka nga, ikaw na nga 'tong nag-imbita kay Milan na manood ng match ikaw pa magpapalibre. Siya ba nagluwal sa 'yo?" Sermon niya.

"Sungit neto amputa. Daming sinabi." Malungkot na sabi ni Oli. "Sige, KKB na lang."

"Okay lang sa inyo na lumabas sa fence?" Tanong ko sa kanila. Nasa loob kasi ng malaking fence ang mga players kung saan gaganapin 'yong event para hindi sila malapitan ng mga fans at makapag-isip sila ng maayos.

"Oo, okay lang 'yan. Mamayang 12 pa naman 'yong game tsaka hindi naman din kami maglalaro, eh." Gavin explained at napatango-tango ako.

Magkakasama kaming apat na lumabas and as usual. May ilang lumapit na fans para magpa-picture sa kanila. Hindi ko alam na ganito pala ang craze sa Hunter Online ng mga tao.

"Dion, pa-picture! Pa-sign po!" Natutunggo-tunggo na ako ng mga tao dahil sa pagsunod at paghablot nila kay Dion. Okay, mukhang hindi magandang ideya na lumabas pa sa fence. Dapat pala ay nag-take out na lang ako at hindi na sila sinama lumabas.

Hinawakan ako ni Dion sa magkabilang balikat upang hindi ako matulak. Kahit sila Oli at Gavin ay ako ang pinriority dahil sila ang humawi at nakiusap sa mga fans na gumilid.

When we reached Greenwich ay malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng tatlo. "Ang lala no'n, ah." Since maaga pa ay wala pa masyadong tao na kumakain at sa sulok kami pumuwesto para wala masyadong makapansin.

"Lagi ninyong na-e-experience sa mga mall?" Tanong ko. I mean, parang nawawalan na sila ng privacy.

"Sa tuwing may tournament lang." Sabi ni Oli sa akin. "Kapag may tournament kasi, mostly nang mga pumupunta sa event ay fans o naglalaro ng Hunter Online na kilala kami. 'Yong iba, baby bra warriors ni Dion." Natatawa niyang sabi.

"Gago." Sagot ni Dion.

"Baby Bra Warriors?" Tanong ko.

"Sunod lang sa hype kasi pogi. Nag-trending kasi dati ang isang picture niyan ni Dion during season 3 qualifiers. May ibang nagpapa-picture sa kanya kahit hindi naman siya kilala." Sabi naman ni Gavin.

Naalala ko bigla 'yong nagpa-picture noong nasa NLEX kami. "Ah, may ganoong encounter na rin tayo." Sabi ko kay Dion habang tumatawa.

"Alin?" He asked.

"'Yong sa NLEX, nagpa-picture sa 'yo kasi napapanood ka daw nila sa TV. Remember?" Natatawa kong paliwanag.

"Ah. Awit doon." Naiiling niyang sabi.

"Hindi kakain si Axel?" Tanong ko.

Napatingin siya sa Glass wall at sinubukang tanawin si Axel kaso lalong dumadami ang fans habang papalapit na ang game. "Hindi kumakain 'yon during match. Todo focus 'yon sa mga bata niya. 7v7 ang laban ngayon, limitadong tao kung kaya't kailangan niyang i-strategize kung paano ima-maximize 'yong gagawin ng bawat isa sa team." Paliwanag ni Dion sa akin.

"Ang busy pala ni Axel."

"Captain, eh. Nasa kanya ang pressure since siya ang pinaka pinagkakatiwalaan ng management." He explained to me.

Naputol ang usapan naming dalawa ni Dion noong kinalampag ni Gavin ang lamesa.

"Ano kakong order ninyo?" He asked. "Sarap ng kuwentuhan ninyo diyan."

"Ilang pizza o-order-in ninyo?" Tanong ni Dion.

"Isa lang."

"Gawin mo ng dalawa."

"Ikaw, kumare? Anong order mo?" Tanong ni Oli sa akin.

"Wala. Busog pa ako, baka pumunta ako sa Starbucks para um-order na lang ng over-iced coffee."

"'Wag ka nang mahiya kay Oli, ubusin natin sahod niyan." Natatawang sabi ni Dion.

"Promise, busog pa ako." Heavy breakfast kasi ang ginawa ko kanina before ako umalis ng bahay. Since Saturday, si Mom kasi ang nagluto ng almusal.

Iniwan ko na ang bag ko sa table since nandoon naman sila Oli at dinala ko lang ang wallet ko. "Punta lang akong Starbucks. May ipapabili kayo?"

"Wala, baka tumae lang ako nang tumae sa dami ng kakainin ko." Sabi ni Oli.

Naglakad ako papalabas ng Greenwich at sumunod pala sa akin si Dion.

"Baliw ka, magpasabay ka na lang sa akin. Kukuyugin ka pa ng mga fans diyan." Turo ko sa maraming bilang ng tao na nakatipon malapit sa event.

Tumingin si Dion sa isang member ng ALTERNATE- si KnightRider. Noong nagtama ang tingin nila ay itinuro ni Dion ang phone niya na parang may sasabihin siya.

"Friends kayo?" Tanong ko.

"Nino? Ni Sandro?" Tanong niya habang nagta-type.

"Ni KnightRider."

"Ah, si Sandro nga. Matagal ko nang nakakalaro 'yan. Minsan kapag walang practice ay sila ang kasama kong mag-quest." He explained at tumingin ulit kay Sandro. "Tangina neto, hirap hingan nang pabor."

Tumayo ang buong ALTERNATE kasama ang Battle Cry at nakipag-interact sila sa mga fans ng Hunter Online. So doon nagkumpulan ang mga tao.

"Tara na." Sabi ni Dion at naglakad na kami papunta sa Starbucks which is hindi naman din kalayuan mula sa Greenwich.

"Anong sinabi mo?"

"Libangin lang kako saglit 'yong mga fans para makadaan tayo." He said.

"Friends pala kayo ng ALTERNATE? Akala ko kasi magkakaaway ang lahat ng squad sa Hunter Online." Hindi naman mawawala sa akin ang ganoong impression dahil magkakalaban sila sa Tournament.

"Magkakaaway kami during Tournament pero mayroon naman din na outside the game, ang ayos kasama." He explained habang naglalakad kami. "Pero may mga players talaga na mayayabang at maaangas na mga kaaway namin." Paliwanag niya sa akin.

"Ay nga pala, pupunta ba sila Sir Greg dito mamaya?" Tanong ko.

"Bakit? Nasa meeting sila ni Coach about sa Summer cup pero baka sumunod sila dito." Sabi niya. "Bakit?"

"Secret."

"May desisyon ka na, 'no? Sabi ko na pipiliin mo din kami."

"Asabels. Itu-turndown ko 'yong offer formally. Nakakahiya kaya kay Sir Greg kung sa text ako manre-reject. Sayang 'yong isang slot ninyo." Sabi ko. Of course I have my decision already pero wala muna akong sasabihan na kahit sino sa Battle Cry.

"Awit." Naiiling niyang sabi.

Nakarating kami sa Starbucks at pumila para um-order. May ilang nakakilala kay Dion at nagpa-sign sa damit nila. "Anong sa 'yo?" Tanong ko habang nakatingin sa menu.

"Dark mocha then pa-add ng mint." Sabi niya sa akin.

"Hala, anong lasa no'n?" Tanong ko.

"Masarap, try mo. Tikman mo mamaya." Sabi niya sa akin.

"Ang weird ng panlasa mo." Naiiling kong sabi. "Hindi ba lasang toothpaste kapag may mint?"

"Hindi. It blends well with the coffee. Try mo kasi." Pagpilit niya.

Noong next na kami sa counter ay ako na ang um-order. "Dalawang order nga ng Dark Mocha then pa-add ng mint. Parehas grande." Sabi ko sa barista at napatingin ako ulit kay Dion. "Kapag ito hindi masarap ipapaubos ko sa 'yo 'to."

"Walang tiwala sa taste ko, ate, hindi daw masarap coffee ninyo rito." Pagkausap ni Dion sa Barista.

"Huy wala akong sinasabi na ganyan!" Hinampas ko ang braso niya at malakas siyang tumawa. "Ang dalas ko pa naman mag-SB dito, kapag ako na-ban ng wala sa oras isisisi ko talaga sa 'yo."

Nakangiting nakatingin sa amin ang Barista. "Anything else, Ma'am?"

"Uhm..." Tumingin ako sa mga desserts nila. "Pa-takeout na lang ako ng Tatlong chocolate dipped doughnut, para sa Kulokoy boys."

Noong kumukuha na ako ng pera sa wallet ay iniabot ni Dion ang card niya sa Barista. "Huy! Ako ang magbabayad noong akin."

"Wala na, na-swipe na. Bagal mo, eh." Sabi ni Dion.

"Babayaran na lang kita."

"Hindi ko tatanggapin 'yan." Kinuha na niya ang mga order na doughnut.

So ang ending, naging libre ni Dion 'yong mga in-order ko sa Starbucks. May mga fans na nagpapa-picture sa kanya noong naglalakad kami which he accommodated nicely. Hindi talaga siya sanay tumanggi tuwing may nagpapa-picture sa kanya. Isa 'yon sa mga napansin ko since nasa NLEX kami.

"Mauna ka na sa Greenwich, hanapin ko lang sila Shannah saglit." Paalam ko. "'Yong bag ko, pabantay, ha?"

Naglakad ako papasok sa fence at iniabot kanila Shannah 'yong mga in-order ko for them. Tuwang-tuwa naman sila Trace. Libre, eh.

"Gago bait ni Axel," sabi ni Tomy.

"Bakit?"

"Upo daw kami mamaya sa likod ng Battle Cry para maayos namin mapanood 'yong match since kaibigan ka naman daw namin." Sabi ni Clyde. "Anong gayuma ang ginawa mo sa Battle Cry, ha? Bakit ang bait nila sa 'yo?"

"Nililigawan nga nila ako, 'di ba?" Naiiling kong sabi. What I meant sa nililigawan is kinukuha nila ako to be a player in their team. "Sige na, iniabot ko lang sa inyo 'yan."

"Saan ka pupunta?"

"Sa Greenwich, sasamahan sila Oli saglit. Ay nga pala, nag-aaya si Oli ng kain after the match kasama ang buong team. Sama kayo." Mukhang na-excite sila sa idea especially si Shannah.

Bumalik na ako sa Greenwich para samahan kumain sina Oli. Iniabot sa akin ni Dion 'yong drinks ko at humingi siya ng extra plate sa waitress para makakain kaming dalawa.

"Tikman mo na," sabi ni Dion habang hinahalo ko 'yong Dark mocha.

"Wait lang. Excited." Natatawa kong sabi at tinikman ko 'yong dark mocha with mint na sinuggest niya.

"Anong lasa?"

"Masarap." Sagot ko at nakipag-apir kay Dion. "Nice suggestion, ha."

"Gago, anong nice doon?" Epal ni Gavin na nilalantakan ang lasagna. "Para kang nagtu-toothbrush kapag may mint." Reklamo niya.

"Hindi mo kasi na-a-appreciate 'yong mint bobo." Sagot ni Dion sa kanya.

After they eat, pumunta na rin kami ulit sa venue.

Nagsisimula nang mang-hype 'yong mga emcee since malapit na mag-start ang game. Hindi ko in-expect na ang daming manonood kahit mini tournament lang ito. "Aakyat akong second floor, doon ako manonood." Bulong ni Dion sa akin.

"Bakit?"

"Para mas makita ko 'yong match. Nahihilo ako kapag ang lapit ko sa LED TV." Bulong niya sa akin at naglakad na siya papaalis. Sumunod ako kay Dion at nakahanap naman siya ng magandang spot para manood ng match. Sa gilid ito ng pillar kung kaya't hindi ito pansinin.

Pero hello, sobrang pansinin ni Dion dahil full outfit siya ng Battle Cry mula sa pants hanggang sa jacket.

"Sa tingin mo, may chance manalo ang Battle Cry today?" Tanong ko sa kanya habang nakapangalumbaba ako sa harang at nakatingin sa screen. Nagkatinginan kami ni Shannah at kumaway ako sa kanya.

"Anong klaseng tanong 'yan, Milan? Battle Cry member ako, malamang sasabihin ko oo." Naiiling niyang paliwanag habang natatawa.

"Epal. Ganito na lang, sino ang pinakamalaking threat para sa inyo sa mga team na nandito." Tinuro ko 'yong mga players na nasa ground floor.

"Siyempre unang-unang threat ang ALTERNATE. They made it to the top 10 squad last season. At isa pa, nasa kanila si Kiel, Crimson sa game." He explained at itinuro ang Thirteen years old na tumatawa kasama ang mga ka-team niya. "Child prodigy."

"Wow. He is young." Sabi ko.

"Ganyan lang din edad ni Oli noong magsimula siyang sumali sa mga Professional Tournament." He explained. "Taga-Pangasinan pa 'yan at walang kamag-anak sa Maynila. Sumugal talaga si Oli para maging pro player. Tingnan mo ngayon, isa siya sa mga core member ng Battle Cry."

"Core member?"

"Ah. Core ang tawag namin sa damage-dealer ng Battle Cry. Ang objective nila ay pumatay nang pumatay ng member sa kabilang team. Dahil nga core member, kailangan silang protektahan during match." Paliwanag ni Dion.

"Eh paano nga pala pag-aaral ni Oli kung nagto-tourna siya?"

"Home school. Online class lang." Paliwanag ni Dion. "Kaya ganyan ka-friendly sa 'yo si Oliveros. Bukod sa Battle Cry wala siyang ibang kilala rito masyado sa Maynila."

Noong nagsimula ang match ay hindi ko na makausap si Dion dahil seryoso siyang nanonood ng match. Nagre-record pa siya sa phone niya para raw papanoorin niya pag-uwi nila sa boothcamp

"Bakit bini-video mo pa?" Tanong ko sa kanya.

He smirked. "You know the saying that always have a rookie mindset when it comes to everything?" He asked.

"Kailangan hindi ka makuntento sa kung anong alam mo, always find a room to improve. Dapat uhaw ka lagi matuto para gumaling ka." He explained at napahanga niya naman ako that time.

He is a professional player pero humahanga pa rin siya sa tuwing nakakagawa ng mga cool moves ang mga newbie players na naglalaro sa baba.

Noong Battle Cry na ang sumalang ay mas naging seryoso si Dion at mas tutok sa match. Hindi ko nga siya nakausap the whole match kahit may mga gusto akong itanong, eh. Luckily, Battle Cry won that match at napapapalakpak si Dion sa nangyari.

"Nice game!" Sigaw niya.

"Ang cool noong move na biglang humarang si Juggernaut noong mamamatay na si GeekLord." Puri ko habang pumapalakpak.

"Sa game, dapat alam mo lagi ang posisyon mo sa team. Juggernaut is the Damage-taker while GeekLord is the Damage-dealer. Ibig sabihin, okay lang mamatay sa Game si Juggernaut as long as pinoprotektahan niya si GeekLord since siya ang core that match." Saglit na napatigil si Dion at napatingin sa akin. "Nage-gets mo ba 'yong ipinapaliwanag ko?"

"Kaunti." I answered honestly. Hindi ko pa rin talaga grasp 'yong mga technical terms na ginagamit nila sa game.

"Ipapaliwanag ko sa 'yo mamaya kapag kumakain na tayo. Focus muna tayo sa panonood ng game." He said at bumaling ang tingin niya muli sa LED TV.

***

NATAPOS ang match and champion ang ALTERNATE sa competition while third place naman ang Battle Cry. Proud si Axel sa mga players na lumaro pero iba ang ekspresyon ng mga players na iyon... Parang disappointed pa sila na third place lang ang nakuha nila.

"Okay lang 'yan!" Sigaw ni Axel Pumaikot ang Battle Cry pero mula sa inuupuan namin (bumaba na kami ni Dion after match) ay naririnig namin ang usapan nila. "Bawi next game. Ganoon talaga, minsan natatalo."

My heartache when the players started to cry habang pinapakalma sila nila Dion. "Okay lang 'yan, hindi na masama ang third place. Ito ang unang match natin matapos ang Season 3. Magandang simula na 'to." Sigaw ni Oli habang pina-pat ang mga likod nila.

"Good job 'yong ginawa ninyo guys. I know that you are disappointed dahil alam ninyong mas kaya ninyo pang galingan. Pero wala, eh, nababasa ng kalaban ang ibang moves ninyo." Dion said habang pinatatahan ang mga kasama. "Atleast, alam na ninyo 'yong mga dapat ninyong i-improve pa. Bawi next game, sa susunod na sumalang kayo, kayo naman ang champion."

Matapos silang komprontahin nila Dion ay si Coach Robert naman ang kumausap sa kanila.

"Iba talaga kapag professional player ka, 'no?" Narinig kong bulong ni Trace kay Clyde. "Kapag tayo, natatalo, okay lang kasi for fun lang naman. Pero sila... Bawat pagkatalo ay dinidibdib talaga nila."

"Ganoon talaga. Nagte-training sila sa bawat isang trophy sa competition kung kaya kapag natalo sila... Masakit talaga." Sabi naman ni Clyde.

Nagawa na silang mapatahan ni Coach Robert at doon lang kami lumapit. Hello, nakakahiyang maki-join sa kanila kanina dahil team discussion iyon.

"Saan tayo kakain?" Tanong ni Coach.

"Si Milan, Coach, maraming alam na kainan dito since taga-Bulacan 'yan." Sabi ni Oli at napatingin sa akin si Coach Robert.

"May Romantic Baboy malapit sa By pass, coach. Mukhang kailangan ng mga alaga mo ng heavy meal para gumaan ang pakiramdam nila." Sabi ko at sumigaw ang buong team na parang tuwang-tuwa sa idea na magsa-Samgyup sila.

Naglakad na kami papalabas at may ilang nagpa-picture sa buong Battle Cry at cinongrats sila. Hello, hindi masama ang third place sa isang competition.

"Ay, Milan, may sasabihin ka sa akin? Nabasa ko 'yong text mo kanina." Pagkausap sa akin ni Sir Greg at sumabay siya sa paglalakad ko. "Sorry hindi ako naka-reply kanina. Kabi-kabila ang meeting lalo't malapit na ang summer tournament."

"Okay lang, Sir. Gusto ko lang i-discuss 'yong about sa membership na iniaalok ninyo." Sir Greg smiled as soon as he heard what I said.

"Matutuwa ba ako diyan sa ibabalita mo?" Natatawang sabi ni Sir Greg.

"Ewan ko po." Sagot ko.

Sumakay na ang Battle Cry sa loob ng bus nila at maging sila Shannah ay sumakay na. Noong una ay nahihiya pa sila dahil bus ito ng isamg professional Team.

"Guys, may dala akong kotse mauna na kayo sa Romantic Baboy." Paalam ni Sir Greg.

"Wag kang tatakbo, sir! Nasa sa 'yo pambayad sa RomBab!" Sigaw ni Gavin.

"Oo, sa akin sasabay si Milan. May pag-uusapan lang kami. Doon na tayo magkita." Sir Greg said.

"Hala ka. Mami-miss kita Kumare!" Sigaw ni Oli at kumakaway pa habang tumatakbo papaalis ang bus.

"Let's go?" Sir Greg asked at sumunod ako sa kanya.

This day, nakapagdesisyon na ako. I will be a professional player.

Ako ang unang babaeng player na makakapasok sa Professional league.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top