Chapter 201: The Victim's Offer

X: #HunterOnline or mention me Reynald_20

Votes, comments, and sharing the story are highly appreciated. Thank you!

MALAKAS na nagsisigawan ang buong grupo habang nasa designated room namin kami sa backstage. Natutuwa ang lahat dahil nagawa naming umabanse nang hindi pa nalalaglag sa lower bracket. Feeling ko naman din ay hindi naman nakakahiya ang naging performance namin sa laban kanina. Somehow, I felt like we made our country proud.

"Reset tayo! Reset tayo!" Nakangiting sabi ni Coach sa aming lahat. 'Reset' ang term na ginagamit namin para sabihin lang huwag masyadong sumosobra ang nararamdaman namin after ang isang match, huwag masyadong ma-overwhelm or ma-underwhelm. Reset lang ng emosyon.

"Nanalo tayo, Coach. Hirap mo naman pasayahin." Natatawang sabi ni Leon na nakapagpangiti sa akin.

"Congrats sa pagkapanalo natin, team. You all did well sa unang laban ninyo. Huwag lang tayo muna maging sobrang saya o sobrang kampante dahil baka mamaya ay may iba sa inyo na nanalo lang ay tumaas na agad ang lipad at maging overconfident." Paliwanag ni Coach Russel sa amin.

Napatingin ang karamihan kay Callie. "Mga tanga, inborn na ang pagiging mayabang ko. At saka, ako naman talaga ang bumubuhat sa laro. Sino ang unang nakapatay sa kalaban? Si Callie the great 'di ba?"

"Hindi na yata reset ang kailangan ni Kuya Callie, Coach. Rehab na." Natatawang sabi ni Noah na ikinatawa naming lahat.

"Hoy batang may yabang, gusto mo bang itapon kita pabalik sa Ilocos at isuksok sa empanada?" Ganti ni Callie sa kaniya.

Napapailing na lang si Coach Russel sa amin. "Mga siraulo talaga. Pero tandaan ninyo na LGD China ang makatatapat natin bukas. Hindi biro ang skills nila pagdating sa paglalaro, napanood ninyo naman ang laban nila kanina. I believed na hindi pa nila ipinapakita ang buong potensiyal nila kung kaya't dapat natin itong paghandaan." Paliwanag ni Coach Russel at napatango-tango kaming lahat.

"For now, ibibigay ko muna sa inyo ang natitira ninyong araw para gumala-gala dahil bukas pa naman ang laban natin against LGD China. Thaddeus and Choji, maiwan kayo para panoorin ang mga natitirang matches ngayong araw. We also need to observe their play style dahil potentially makakalaban natin sila sa mga future matches." Bilin ni Coach Russel, natuwa ang iba kong ka-team habang si Thad at Choji ay napailing na lang.

"Available naman po ako, Cosch." Prisinta ko dahil ako ang Captain ng grupo and kaya ko naman din mag-extend ng extra tulong today.

"Saw your family here in Arena—"

"Iba talaga kapag anak mayaman, buong pamilya nakasuporta." Biro ni Larkin. Buwisit talaga, lagi na lang naipapasok na may kaya kami sa buhay kahit hindi ko naman iniyayabang o pinagmamalaki. For me, wala naman din kasing rason para i-highlight na fortunate ang pamilya namin dahil hangga't kaya naman ay normal ang pagpapalaki sa amin ng parents namin at walang kahit anong special treatment.

"Puwede bang mag-apply bilang aso ninyo, Captain?" Tanong ni Noah.

"Sige basta daw ikakadena ka sa tapat ng gate." Pagbibiro naman ni Oli.

"Akala mo talaga kapamilya siya." Sagot ni Noah.

"Kapamilya naman talaga ako! Tanungin mo pa tatay ni Milan kung sino ang paboritong anak niya, tingnan mo, pangalan ko babanggitin niyan." Napailing na lang ako dahil self proclaimed na talaga ni Oli na paborito siya ni Dad (which is true naman din).

Pumalakpak si Coach Russel at nakuha niya muli ang atensyon naming lahat. "So what I was saying, you guys can have a rest. Milan, spend time with your family," Coach Russel reminded me at tumango ako. "Pero siguraduhin ninyong lahat na nasa Hotel kayo ng 8:00PM for our discussion regarding sa performance ninyo kanina at sa magiging laban ninyo sa LGD China, maliwanag ba?"

"Yes, Coach." Sabay-sabay naming sabi.

"Alright, meeting adjourned and enjoy the rest of your day. Congrats sa pagkapanalo natin this first day, you never failed the Philippines." He assured to us.

Inayos ko na ang gamit ko at agad kong chinat si Dion kung nasaan sila. Ang sabi niya lang ay nasa pinto daw sila sa backstagr at naghihintay sa akin. I am really excited to spend time with my family.

Imagine! Ilang weeks ko din sila hindi nakasama, akmang lalabas na ako ng backstage noong biglang humabol sa akin si Oli. "Sandali lang, kumare!" Tawag niya.

Napatingin ko sa kaniya. "May problema ba? May naiwan ba ako sa room?" Tanong ko.

"Sasama ako," Nakangiting sabi ni Oli at bigla niyang hinatak si Noah na nakikipag-usap sa iba naming teammates. "Saka 'tong aso ko, sasama din."

"Ha? Bakit saan pupunta?" Walang ideya na sabi ni Noah.

"Basta sumama ka na lang kung gusto mo makakain ng masasarap. Manglilibre ang pamilya ni Milan." Pagkumbinsi ni Oli sa kaniya.

"Sige." Mabilis na sagot ni Noah at napailing na lang ako. Super welcome naman din sila sa pamilya namin, baka nga matuwa si Mom and Dad na may mga bagets kaming kasama, eh. Natutuwa lang sila sa fun aura na binibigay ni Oli at Noah.

"Sure kayo, ha? Baka mamaya may lakad kayong dalawa. Baka kumain lang kami sa restaurant na malapit." Sabi ko sa kanila.

Hindi na rin naman pangmatagalang si Mom at Dad dahil mabilis na sila mapagod. And also, madaming beses na sila nakapunta rito sa Singapore kung kaya't hindi na tourist spot turing nila sa mga tourist spot dito.

"Okay lang 'yon Captain. Sure naman kaming hindi chipipay ang restaurant na kakainan ninyo." Noah said.

Pagkalabas namin ay agad kong hinanap sila Dion. Sinabi ni Dion na nakasilong sila sa isang puno sa parking lot dahil sobrang init daw. I scanned the place at nakita ko si Kuya London na parang gangster na nakaupo sa sahig at nagpapaypay.

"Mom, Dad!" Malakas kong sigaw para makuha ang atensyon nila. I ran towards their direction and immediately gave them a hug.

"Congrats sa pagkapanalo ng prinsesa namin." Dad hugged me tightly. OA man pero naiiyak akong nakasama ko ulit sila. Para bang nawala kahit papaano 'yong constant pressure sa balikat ko dahil may mga tao akong nadependehan.

"Dad ba't ka ganiyan!" Reklamo ko habang pinapaypayan ko ang mata ko para maiwasang maiyak.

"What? Wala naman akong sinasabing nakaka-touch." Natatawa niyang sabi.

"Parang pumapayat ka yata, Milan. Kumakain ka ba ng maayos sa bootcamp ninyo?" Mom asked.

"Pressure lang po." Sagot ko dahil hindi naman talaga kami nila Coach.

"Matapos lang talaga ang tournament na iyan ay pakakainin kita ng marami sa bahay." Mom said to me at napangiti ako.

"Bakit may dalawang kuto ng kalapati na sasama?" Tanong ni Kuya London habang nakatingin kay Noah at Oli na nakasunod sa akin.

"Hay naku, London, mas gusto ko pa sila kasama kaysa sa 'yo." Biro ni Dad.

Kuya London sighed in disbelief. "Ay wow, anak mo ako, oh. Remind lang kita. Middle child lang ako." He jokingly said at nagpatawa sa amin.

Dad rented a van na gagamitin namin sa pag-iikot. Napatingin ako kay Dion na nakatayo lang sa gilid ng puno, he is just smiling while watching us. "Ba't nandiyan ka lang?" Tanong ko kay Dion at mahinang tinapik ang kaniyang braso. Bumaba ang kamay ko sa kamay ni Dion at hinawakan ito.

"Deserved ninyo naman din nila Tito ng little reunion moment kaya binigay ko sa inyo 'yon." Sabi niya sa akin at naglakad na kami papunta sa van.

"Nagulat pa ako na nasa arena ka kanina, akala ko ba ay hindi ka makakarating ngayon? Kaninang umaga ay nasa bahay mo pa ikaw sa Nueva Ecija tapos susulpot ka na lang bigla dito." Natatawa kong sabi sa kaniya.

He just smiled. "Eh siyempre may paraan."

"Sus." Hindi ko rin maiwasan mapangiti.

"Dapat kasabay ako nila Tito papunta rito. Itong si London ay ang sinabi lang sa akin ay kung anong araw ang flight nila, hindi sinabi kung anong oras." Sumbong sa akin ni Dion.

"Bobo ka, ang tinanong mo lang kasi ay araw, hindi mo tinanong kung anong oras. Malamang 'yong madaling araw na flight kukuhanin namin kasi iyon ang mura." Depensa naman ng kapatid kong kinulang sa aruga.

Sumakay na kami sa van at hinayaan kong si Dad ang mamili ng restaurant na kakainan namin. Mas kabisado niya 'tong Singapore kaysa sa amin.

"Galing mong Captain kanina, ah." Sabi ni Dion. "Hindi ninyo lang nakita kung paano magwala ang mga tao sa social media pagkatapos ng laban ninyo. Ang lala ng trashtalk-an ng iba't ibang bansa."

"Pilipinas pa talaga hinamon nila sa Trashtalk-an. Isang mama mo ko lang sa mga 'yan, tahimik na 'yan." Sabat ni Kuya London sa usapan namin. Pero true naman din, tayong mga Pinoy ay kapag natatalo sa arguments ay madami tayong bala na rebat katulad ng mama mo, e 'di ikaw na matalino, e 'di wow, sana pina-billboard mo. Hindi puwedeng hindi sa atin ang huling salita.

"That was a great plan, unahin ang mga tactician at nagbibigay ng vision sa kalaban bago isunod 'yong mga damage-dealer." Paliwanag ni Dion sa akin.

"Actually muntik pa akong magka-error kanina, mabuti na lang at nasalo ako ni Noah." I admitted my mistake. Ilang segundo lang akong nawala sa focus kanina ay maaari nang mapaikot ng KL Cerberus ang laban. Tama nga si Coach, kung nahirapan kami sa National tournament ay mas mahihirapan kami dito.

Mas batak ang mga kalaban namin sa tournament na ito. They are the best of the best players on their own country.

"Atleast nakabawi ka." Dion ruffled my hair. "Ang mahalaga ay nakabawi kayo. Na-execute pa rin ninyo 'yong plano ninyo. You still did great, amaze pa rin naman ako sa 'yo.

"Chika mo." Naiiling kong sabi sa kaniya.

"Chika mo." He imitated my voice at natawa kaming parehas. "Paano kayo bukas niyan? LGC China ang makatatapat ninyo? Sigurado akong inaral din nila ang laro ninyo kanina. Alam nila ang naging plano ninyo."

"We need to think for another plan. Aware naman akong hindi na gagana ang ginawa namin sa KL Cerberus sa kanila. They are the top team internationally kung kaya't kailangan namin silang paghandaan." Paliwanag ko kay Dion

Ilang minuto lang ang naging biyahe at narating namin ang Hey Kee HK Seafood na paboritong kainan ni Dad dito. At isa pa, malapit lang din ito sa OCBC arena at makakabalik kami agad sa hotel kung sakali.

"Grabe, Tito, gusto ninyo po bang ihanda ko na 'yong papeles for adoption? Sasama na po ako sa inyo." Sabi ni Oli na kasabay ni Dad maglakad. Tuwang-tuwa sa kaniya si Dad.

"Tingnan mo 'tong timawang buraot na 'to. Nangunguna pa." Epal ni Kuya London.

"Aliw na aliw si Mom and Dad sa mga bagets, mukhang gusto na nila ng apo." Tumingin kami ni Kuya London kay Kuya Brooklyn. "Bigyan mo na, Kuya."

"Hayaan ninyo na lang na nandiyan si Oli. Wala pa sa plano namin ni Princess ang magkaanak, ang hirap magbuhay ng anak sa ekonomiya ng Pilipinas." He stated to us.

"Oh ayaw pa pala ni Kuya. Kayo na lang ni Dion—"

"No." Mabilis na pinutol ni Kuya Brooklyn ang sinasabi ni Kuya London.

"Joke lang. Gagalit ka agad, joker kaya ako." Depensa naman ni Kuya London. Tumingin si Kuya London sa amin ni Dion. "Narinig ninyo 'yon? No kasal, no gawa!"

Naghanap na kami nang mapupuwestuhan and luckily ay hindi ganoon karaming tao sa restaurant ngayong araw. Dad ordered his favorite dishes habang ako ay okay na ako sa buttered shrimp.

"Kumusta naman ang pinagagawa mo?" Tanong ko kay Dion habang pinupunasan ko ng tissue ang mga kutsara't tinidor. "Akala ko ba out of budget na itong Singapore?"

"Ayon, stress." Sagot niya lamang sa akin. "At saka, balak ko maman din talaga pumunta para manood. Hindi naman siya out of budget. Tuwing nagla-live stream ako ay nagtatabi ako sa kinikita ko na pambili ng plane ticket at pati na rin sa mga gagastusin dito. Sadyang nagkaproblema lang ako sa Passport kasi ang tagal dumating."

"Kumusta naman ang first international flight mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Ito, para lang akong nasa BGC." Natatawa niyang sabi at napatawa na rin ako.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin nila Dion noong dumating na ang pagkain. Simpleng kumustahan lang din naman ang naganap at siyempre ginood luck din nila kami sa mga susunod na matches ngayong araw.

Matapos ang pagkain ay nag-aya na sila Dad na babalik na sila sa Hotel na ini-i-stay-an nila. Naiwan kami nila Oli, Noah, at Dion na nakatayo lang sa labas ng restaurant. Hapon na rin naman at kulay kahel na ang kalangitan, pinagmamasdan lang namin ang mga taong dumadaan.

"Kumare, puwede mo ba kaming i-book ng Grab? Mauuna na kami ni Noah na bumalik sa hotel, ayusin pa namin 'yong item namin para sa match bukas. Saka pagod na rin kami." Sabi ni Oli sa akin.

"Ha?" Noah curiously asked. "Anong aayusin pa 'yong item? Maayos na item ko. Saka hindi pa ako pagod, puwede pa akong gumala. Saan tayo next pupunta, Captain?" Tanong ni Noah sa akin.

Tinunggo ni Oliveros ang balikat ni Noah. "Tangina mo, pagod ka na." Pilit siyang ngumiti. Obviously, binibigyan kami ni Oli ng oras para makapag-usap ni Dion na kaming dalawa lang. however, hindi yata ma-pickup ni Noah ito.

"Hindi pa nga ako pagod! Para kang si Kuya Liu? Katawan mo ba 'to?! Nagmamarunong ka, ah!" Reklamo ni Noah.

"Letse ka. Pagod ka na." Pinalakihan siya ng mata ni Oli. "Kumare, i-book mo na kami. Goods na kami, pakisabi kay Tito salamat sa libre niya."

"Sure kayo, ha? Magkita na lang tayo mamaya for our team meeting." I grabbed my phone at nag-book ng Grab para sa kanila.

"Hello mo na lang ako sa mga ka-team ninyo." Dion said.

Ilang minuto lang sila naghintay dahil hindi naman kalayuan ang grab na na-book ko for them. "Una na kami, enjoy kayo, Kumare." Oli said

"Ikaw na lang kaya? Hindi pa naman ako pag—" Hinatak na ni Oli si Noah papasok sa sasakyan at matulin itong isinara.

Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan ang grab na lumayo.

"Pretty sure, araw-araw sumasakit ang ulo mo sa kanilang dalawa." Natatawang sabi ni Dion. Nakapamulsa siya habang naglalakad kami sa lugar.

We are just enjoying the view at maging ang ambiance na ibinibigay ng Singapore. "Hindi lang sa kanila. Para akong may alagain na isang dosenang immature na professional players."

"Full time mommy naman pala." He chuckled.

"Epal mo." Mahina kong tinunggo ang kaniyang braso. Dion hold my hand while we are walking.

"I missed this." He sincerely looked into my eyes and gave me a smile. "Grabe kasi ang schedule mo."

"True, kung kaya't after this tournament ay magpapahinga talaga ako ng ilang tournaments. I will let Larkin lead Orient Crown for the meantime, para naman maranasan ni Oppa na ma-stress ng sobra." Paliwanag ko kay Dion. "Ikaw, what is latest chika in your life?"

"Well, patapos na 'yong commercial building at may mga nag-i-inquire na para pumuwesto. Sana lang talaga ay mabawi ang nagastos ko doon. And then, plano kong mag-entrance exam sa university sa Manila." Kuwento niya sa akin.

"Akala ko ba sa Tarlac mo balak mag-aral?"

"Well, gusto ko rin na malapit sa bootcamp. I don't see myself retiring soon sa paglalaro. Para kahit nag-aaral ako ay nakakapag-training din ako kagaya nang ginawa ni Renshi noong nasa Ateneo siya." Sabi ni Dion sa akin.

"Baka mag-UP ka niyan, hindi na kita ma-reach." Biro ko.

"Sus, hindi naman ako kasing talino mo." Mahina niyang tinunggo ang balikat ko.

Noong may nadaanan kaming convenience store ay bumili kaming dalawa ni Dion ng ice cream at umupo sa isang bakanteng bench na nasa silong ng pagitan ng dalawang building. Pinagmamasdan namin ang mga taong nagja-jogging, mga naggagala ng mga aso nila, at maging simpleng mga tao sa Singapore.

"Ikaw what is your plan? In a short span of time ang dami mo nang na-achieve. Do you see yourself leaving in this industry?" He asked.

"Hmm... well this summer, definitely ay papasok ako para hindi ako ma-delay sa graduation." Una ko iyong balak lalo na't nag-stop ako ng isang sem. "Kagaya mo, hindi ko pa nakikita ang sarili ko na aalis sa Pro scene, I enjoy being here. You know, ang sarap sa pakiramdam na makasama ang mga taong may mga passion sa isang bagay. I learned a lot sa bawat isa sa inyo."

"Season 5?" He asked.

"Season 5." I confirmed to him.

Habang nakaupo kami ay may grupo ng players ang dumaan at napatingin kaming dalawa ni Dion dito.

"Griffin KR 'yon, hindi ba?" Tanong ni Dion sa akin at napatango ako.

Nakita ko sila kung paano nila itulak-tulak ang isang member nila. "Are they bullying their member?" Tanong ko at napatigil sa pagkain ng ice cream.

"Keh shipp sekkya. (Son of a bitch)." One of the Korean member said to their co-member at malakas na sinipa ito sa tiyan dahilan para mapaupo ito sa sahig. Mukhang import player ang binu-bully nila dahil sa features nito.

"Hawakan mo 'to." Iniabot ko kay Dion ang ice cream at naglakad tungo sa Griffin KR.

Akmang susugod pa sila ngunit pumagitna ako sa kanila. "Hey, stop that!" I warned them.

"Neonun nuguni? (Who are you?)"He asked to me, I read his name on his jersey, Kim Hyeonuk. One of the assassins of Griffin KR. He stepped forward and looked into my eyes fiercely. "Naneun Malhasseo, neonun nuguni? (I said who are you?)"

"Milan, Orient Crown-seonjang (captain)." His teammate answer at mukhang tinatanong ng mokong ang pangalan ko.

"Stop harrassing your member!" I shouted at tinulungan tumayo ang isang member nila na iniinda pa rin ang sakit hanggang ngayon.

"Seonjang? Nega mwonde? (Captain?  Who do you think you are?)." Natawa siya at napapailing na napatingin sa akin. "Sanggwanhaji ma. (This is none of your business)."

Hindi ko man naiintindihan ang kanilang sinasabi ngunit ramdam ko na iniinsulto nila ako. "Do not interfere, I am fine." The import player and read his jersey, his name is Turbo.

"Stop that." Dion said at napatingin kaming lahat sa kaniya. "I am recording. Hurt them once again and I will send this video to the committee. Pretty sure they will do a disciplinary action because Hunter Online is strongly against bullying."  Mahabang litana ni Dion.

Inis lang silang nakatingin kay Dion hanggang padabog na naglakad paalis. "Ssibal! (Fuck)".

Noong makalayo sila ay tinulungan kong makatayo si Turbo. "Thank you." He said.  "You do not need to interfere. They have reasons."

"Reason? They are not entitled to bully you whatever their reason is." Sagot ko sa kaniya.

He breathed in and breathed out para mawala siguro ang sakit sa kaniyang tiyan. "Can I talk to you?" Napatingin si Turbo kay Dion. "Alone."

Napatingin ako kay Dion. "Doon muna ako sa seven eleven. Titingnan ko pa rin kayo sa Glass window baka saktan ka rin niyan." He said at tumango ako. Naglakad si Dion paalis.

Napatingin ako kay Turbo. "As you can see, I am not in good terms with my teammates."

"What do you want me to do? You want me to report them?" I asked.

"No, it will just create bigger trouble." He sighed. "I have an offer for you, Milan..."

"What is it?" I asked.

"Relay this message to your Coach." Seryosong tumingin sa akin si Turbo. "You know, you will up against LGD China and there is a possibility that you guys will go down in Lower bracket."

I nodded with his explanation. "And when you go down in lower bracket, you will up against us."

Hindi ko ma-imaging kung paano niya pa rin nagagawang makipagtulungan sa mga co-members niya na ganitong binu-bully siya ng mga ito.

He seriously looked into my eyes.

"If that happened, I will throw the game for you to win."

"W-What?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"I will intentionally make our team lose. I will send you all the point values of our teammates so you will know who will you target." He said. "They can bully me physically but I will make sure that our team will lose this tournament."

Napailing ako. "This is absurd. Yeah, I help you but do not waste the hard-works of your teammates. They sacrificed a lot to make in this tournament."

"Like what? Paying the management a huge chunk of money to be part of the lineup?" Napapailing niyang sabi.

"Inform your management regarding my offer. I will throw the game and you guys pay me. I need money to terminate my contract with Griffin KR. I want to go back in Thailand." He seriously said  at iniabot niya sa akin ang isang contact card.

Hindi ko inaasahan na may mga players pala talagang handa ibenta ang laro para lang sa pera.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top