Chapter 20: The Executioner
PAGKA-ONLINE ko pa lang ay nakita ko na sina Hermosa kasama sila Synix na naghihintay sa tapat ng Fountain. Mabilis akong tumakbo tungo sa kanilang direksyon. "Sorry, late ako." Sabi ko.
"Ano bang bago, Shinobi?" Natatawang tanong ni Synix at masama ko siyang tiningnan.
"Sa wakas, nakumpleto na ulit tayo mga Bakla!" Sigaw ni Hermosa habang naglalakad kami papalabas kami sa Silanya Town. "So ang quest ko ngayon ay pumatay ng Wild Boars and kumuha ng mga meat nila. Ganoon lang kadali!" She clapped her hand.
"Madali lang pala, bakit kasama pa kami?" Tanong ni Klayden.
"Duh! Hindi ko kaya mag-isa, at tsaka, wala ba kayong awa sa pinakamagandang kaibigan ninyo?" She flipped her hair habang umaawra.
"Suntukin pa kita." Pabirong sabi ni SilverKnight at natawa kaming lahat. Inis siya tiningnan ni Hermosa at hinampas sa braso.
"Alam ninyo, hindi ko alam kung bakit ko kayo kaibigan! Itong si Shinobi lang talaga ang kaagapay ko sa buhay." Umangkla siya sa aking braso at tuloy-tuloy kaming naglakad.
"Ay nga pala, mamaya-maya ay aalis kami nila Synix," paalam ni Klayden sa amin at napatingin ako sa kanya.
"Saan kayo pupunta?"
"May laban kami, 3v3, pustahan," he wiggled his brows habang nilalaro ang kanyang daliri na parang nagbibilang ng pera. "Gusto ninyong manood?"
"Hindi na." Sagot ni Hermosa. "Tutulungan ako ni Shinobi na mag-quest hanggang mag-level 20 ako." Hermosa proclaimed.
"Tangina, level 8 ka pa lang." Biro ni Synix.
"Oh, 12 levels to go na lang! Ang ne-nega ng utak ninyo."
"Milan, pupunta na tayo sa next town bukas, ha?" Paalala sa akin ni Klayden. "Kailangan na rin natin mag-change job lalo na't pare-parehas tayo nila Synix na malapit nang mag-level 20." He reminded me.
"Ano nga pa lang job ang kukuhanin mo?" Tanong ko.
"Hindi ko pa sure pero pinag-iisipan ko kung kukuha ako ng class na related sa pagiging melee or long range." Paliwanag sa akin ni Klayden. "Pero manonood naman ako ng gameplay mamaya sa youtube kung akong class ang mas maganda. Ikaw man, manood ka sa youtube para kung saan ka suitable na class." He explained at napatango naman ako. Kahit sila ay ganoon din ang advice, dapat ay siguraduhin ko raw ang Class na kukuhanin ko once na nag-level 20 sa laro since iyon daw ang magiging role ko.
We reached the quest area and as usual, madaming newbie na nandito sa lugar para magpalevel at tumapos ng quest.
"Kumusta ang pagdalaw mo sa Boothcamp ng Battle Cry?" SilverKnight asked. "Iba ka na, Shinobi, bigtime na ang mga kasama mo." Biro niya pa.
"Baliw. Pina-experience lang nila sa akin 'yong mga ginagawa nila sa Boothcamp." I explained after I kill one of the boar. Mabilis na namin itong napapatay nila Klayden dahil na rin sa laki ng level gap.
"So what is your answer about their offer?" Klayden asked.
"I declined the offer, siyempre." Sagot ko. "Feeling ko wala naman akong maiaambag sa kanila. Battle Cry is strong already, ang solid ng samahan nila." Paliwanag ko.
"But in Hunter Online Tournament, they are considered as one of the weakest team." Paliwanag ni Synix. "Wala ngang team na takot sa kanila, eh." Dugtong niya pa.
"Malay ninyo naman this year, manalo sila." Sabi ko.
"So ano na mga, 'te?" Napapadyak ng paa si Hermosa habang nakatingin sa amin. "Kuwentuhan galore tayo rito? Wala na kayong balak tulungan ako?" She asked.
Nagkatinginan kami nila Klayden at nagpatuloy sa pagpatay ng mga Wild Boars. We managed to kill enough Wild Boars for Hermosa's quest kaso kulang pa siya ng Wild Boar meat kung kaya't kailangan pa namin mag-stay ng ilang minuto.
"Guys, mauna na kami, may laban pa kami." Paalam sa amin ni Klayden matapos niyang i-check ang time. "Kitakits na lang!"
"Ay siya nga pala before kayo umalis, gusto ninyo bang sumama manood sa Sabado?" Tanong ko sa kanila.
"You meant the Hunter Online competition sa Robinson Malolos?" Tanong ni Synix. "Akala ko ba wala kang interes na magpunta sa mga ganoong bagay?"
"Bawal magbago ng isip?" I rolled my eyes and he laughed. "Inaya kasi ako ni Oliver na manood ng laban kasi may ilang members daw ng Battle Cry ang nag-participate." Paliwanag ko sa kanila.
"Awit. Pangmalakasan na talaga ang barkada nitong si Shinobi... Members na ng Battle Cry ang kasama." Kunwaring nagtatampo na sabi ni Synix. "Kinalimutan na tayo."
"Para kang siraulo." Naiiling kong sabi. "So, ano nga?"
"Kitakits na lang sa Sabado. Plano na talaga naming pumunta doon nila Clyde. We will watch the match dahil baka may mga Pro players na manood din, sayang chance na makapagpa-picture." SilverKnight explained bago sila naglakad papaalis.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Hermosa at nagpatuloy na kami sa pagku-quest. "Si Oliver ba 'yong kasama ni Dion noong nakita natin sila sa Mall, last time?" tanong ni Hermosa sa akin matapos niyang mapatay ang isang Wild Boar, kinuha niya rin 'yong mga item drop na magagamit niya sa mga quest.
"Oo, bakit type mo rin?" tanong ko habang natatawa. Lahat yata ng lalaki sa Earth ay type nitong kaibigan ko, eh.
"Gaga ka, mahiya ka nga. Makukulong pa ako sa pinagsasabi mo." Depensa niya.
"Pero napopogian ka?"
"Mas napopogian ako kay Dion. Pogi naman din si Oliver pero kapag katabi niya si Dion, wala na, finish na. Mukha na siyang background character." She explained that makes me laughed.
Napatigil si Hermosa sa pagpatay sa isang Wild Boar noong may humarang dito. She looked at the male players na nakatayo habang seryosong nakatingin sa kanya.
[Optimal Aces] ThunderBeast
Level 21
Class: Asura
"May kailangan kayo?" Tanong ni Hermosa. "Kung wala, puwedeng tumabi kayo? Nagku-quest kami, eh."
Napako ang tingin nila sa akin at ngumisi. Pito silang nandito na mula sa Optimal Aces na guild. I am not familiar with their squad pero masama ang kutob ko rito. Mahihirapan din kaming matalo ang mga taong ito dahil karamihan sa kanila ay between Level 17-21 ang level. Mahihirapan kaming matalo sila lalo na't dalawa lang kami ni Hermosa.
Nabigla ako noong itulak nila si Hermosa dahilan para mapaupo ito sa damuhan at naglakad tungo sa direksyon ko. "Hoy! Ano bang ginawa namin sa inyo!?" Inis kong sigaw.
Sa puntong ito ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Vegas na may mga squad daw na balak akong i-ambush para lang sa rare item na mayroon ako. Pero hindi naman ito ambush? May mangilan-ngilan na players ang nandito na nagku-quest pero walang nagtatangka sa kanila na makisali sa gulo lalo na't matataas na level na players ang kaharap namin.
Inilabas ni ThunderBeast ang Chamma nito habang patuloy sa paglalakad patungo sa aking direksyon. Hindi ko puwedeng iwanan si Hermosa dito. Ang Chamma ay isang mahabang stick na weapon ng mga Asura Class na players. It is a close-range weapon that allows a specific players for speedy combos and thrust. Mabilis ang kilos nitong si ThunderBeast panigurado kung kaya't mahihirapan ako.
"Ang Holy Black Cape ang habol ninyo, hindi ba?" Tanong ko at iniwasan kong mautal kahit na kinakabahan ako.
Hermosa: Shinobi, tumakbo na tayo.
Saglit akong napatingin sa kanya at bakas ang pag-aalala sa mukha niya dahil nga naiipit ako sa sitwasyon.
Shinobi: Magtiwala ka sa akin.
"Alam mo naman pa lang iyon ang pakay namin. Ibigay mo na sa amin ang Cape kung ayaw mong mabuhay ulit sa church ng Silanya Town." Natawa silang pito kahit wala naman akong nakikitang dahilan para tumawa.
"Ang bully-hin talaga ako ang nakikita ninyong paraan para makuha sa akin ang cape? Seriously? Bakit hindi ninyo subukang maging mabait sa akin at baka magbago pa ang isi--"
Hindi ko na natapos ang aking sinasabi noong hinawakan ako ni ThunderBeast sa leeg at iniangat, nahirapan akong makahinga at unti-unting nababawasan ang buhay ko sa Health bar.
"Mukha ba kaming nakikipaglokohan sa 'yo?" He asked in a playful tone. "Wala ka namang magagawa, eh, mamimili ka lang sa dalawa kung ibibigay mo sa amin 'yan ng maayos at hindi namin kayo sasaktan o dadaanin natin lahat sa labanan at kukuhanin namin ang lahat ng item na mayroon kayo."
Imbes na sagutin ko siya ay malakas kong sinipa ang kanyang tiyan dahilan para mabitawan niya ako. Napaatras siya ng ilang hakbang at seryoso ko silang tiningnan. "What a douchebag move from a professional team. Nakakahiya kayo." seryoso kong sabi.
Wala akong balak na ibigay kahit kanino ang Holy Black Cape Ipinaliwanag din sa akin ni Axel last time kung bakit maraming players ang gustong makakuha noon. Bukod sa rare item ito, mas napapataas nito ang defense ng isang players at mayroon itong slots para i-increase ang attack at defense as long as makukuha ko 'yong mga items para i-upgrade ito.
"Anong magagawa ng babaeng player na kagaya mo!?" He laughed at sabay-sabay na sumugod ang mga kasama niya sa akin.
Sinangga ko ang atake na ginawa noong isa pero hindi ko naiwasan ang Hunter na humiwa sa aking tagiliran. Hindi ko sila kayang labanan ng sabay-sabay. Malaki ang naging bawas nila sa health bar ko at sinugatan nila ako sa magkabilang binti dahilan para mahirapan akong makatayo.
"Huwag ninyong saktan ang kaibigan ko!" Malakas na sigaw ni Hermosa pero sa isang skill lang ni ThunderBlade ay naubos na ang buhay sa kanyang healthbar at naglaho sa map. Panigurado namang mabubuhay ito ulit sa church ng Silanya Town makalipas ang ilang segundo.
"Ang tapang mo rin, eh, 'no?" Tanong sa akin ni ThunderBlade at kinuha ang boots na suot ko. They are really planning to get all my items and money. "Anong magagawa ng isang babae na gaya mo? Wala kang laban sa aming mga professional players." Malakas silang tumawa at masama ko silang tiningnan.
Nakakatawa, dahil lang female players kami ng Hunter Online ay ang baba na nang tingin sa amin ng ibang lalaking players. Nakikita nila kami bilang mga players na nagpapa-cute lang sa game.
Ako ang tumawa sa pagkakataong ito at tumingin sa kalangitan. "Mas nakakahiya kayo. Professional ang tawag ninyo sa sarili ninyo? No wonder kung bakit hindi kayo nananalo sa Tourname--"
Naputol ang aking sinasabi noong biglang inapakan ni ThunderBlade ang aking mukha. "Anong alam ng babaeng player na kagaya mo? Hindi man kami nanalo sa mga tournament... hindi naman kayo nakakapasok sa kahit anong professional team. Sinong mas nakakahiya sa atin?" Tanong niya.
"Boss, kuhanin mo na 'yong cape sa kanya. May quest pa tayong dapat gawin." Sabi noong isa.
Kinuha ni ThunderBlade ang gloves at necklace na suot ko. Kinukuha nila ang mga items ko at ibebenta nila kapalit ng gold.
"Bitawan ninyo ako! Pagsisisihan ninyo 'tong ginagawa ninyo sa akin," nakangisi kong sabi pero sa totoo lang ay natatakot ako. For the first time ay pakiramdam ko ay naabuso ako kahit na sa game lang.
Ilang segundo lamang ang lumipas ay isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid. Napadilat muli ako at nakita ko na umaagos ang dugo mula sa tiyan ni ThunderBlade.
"Hindi ninyo ba siya narinig, sinabi niyang bitawan ninyo siya mga tanga." May mga players na naglakad papalapit sa aking direksyon. Tinulungan nila akong makatayo at pinainom ng potion para mabalik ang buhay sa health bar ko at mawala ang sakit na nararamdaman ko.
I read their usernames one-by-one. Lahat sila ay galing sa Black Dragon na squad. Lima silang nandito habang seryosong nakatingin sa mga miyembro ng Optimal Aces.
Tiningnan ko 'yong lalaki na naglalakad papalapit habang nilalaro niya ang shotgun na kanyang hawak. He smirked as soon as he saw me. "Hindi mo pa rin talaga ako ia-add friend?"
[Black Dragon] Vegas
Level: 23
Class: Executioner
"Anong ginagawa ninyo rito?" Tanong ko.
Napaatras ang mga miyembro ng Optimal Aces habang nakatingin sa mga miyembro ng Black Dragon. Sinong hindi matatakot? Top One squad ang kaharap nila ngayon at nanalo lang naman ng Tournament last season.
"Ibabalik ninyo 'yong mga kinuha ninyong item kay Shinobi o magla-logout kayo sa game ng ubos ang gold at walang item?" Ikinasa ni Vegas ang shotgun na kanyang hawak. "Choose wisely."
"H-Hindi ba kayo interesado sa Holy Black Cape ng mahinang player na iyan?!" Sigaw ni ThunderBlade.
Ipinutok ni Vegas ang baril at tumama ito sa binti ni ThunderBlade dahilan para mapaluhod ito. "Mag-sorry ka." Utos niya at tumingin siya sa mga kasama ni ThunderBlade. "Kayo man. Tangina ninyo, nagtataka pa kayo kung bakit laglag kayo agad sa qualifiers eh ang bobobo nang mga ginagawa ninyo."
Napatingin ako kay Vegas at kinindatan niya ako noong nagtama ang mata namin. Pangalawang beses na itong pagtulong na ginawa sa akin ni Vegas.
Ibinalik sa akin ng Optimal Aces ang mga item na kinuha nila sa akin.
"Umalis na kayo, huwag lang namin kayo makakatapat sa kahit anong kumpetisyon. Papaiyakin namin kayo." Maangas na sabi ni Vegas habang pinagmamasdan ang Optimal Aces na nagmamadaling umalis.
Oo, mayayabang ang Black Dragon kagaya nang sinasabi nila Kuya pero nagyayabang sila dahil alam nilang may ipagyayabang sila.
"Salamat sa tulong ninyo." Sabi ko at ngumiti naman sila sa akin.
"Ay hindi puwedeng salamat lang." Vegas said.
[Black Dragon] Vegas sent you a friend request
Accept
Decline
Ngumiti ako sa kanya.
Decline.
"Awit talaga." Naiiling niyang sabi. "Pasalamat ka napadaan kami rito. Binalaan na kita last time, eh."
"Hindi ko naman na-imagine na totoo 'yong sinabi mo. Ang yayabang pa nila, ang baba ng tingin nila sa mga female players." Inis kong reklamo.
"Then become a pro player," umupo si Vegas sa malaking piraso ng bato. "That's the reason why other Hunters bullied female players. Walang babae na nakakapasok sa kahit anong professional team. The E-sport is dominated by us." He explained.
"Kinukuha mo ba ako?"
"Luh, asa ka. Our Squad is strong enough para makuha namin ang back-to-back champion next season." Paliwanag niya sa akin. "Pero ang gusto ko lang sabihin, sumali ka sa kahit anong professional team, I mean you have a skill. Gulatin mo ang mga Head Hunters ng bawat squad na may magagaling din na players na babae." Paliwanag niya sa akin. "Surprise us, ano nga ba ang kaya ilatag ni Shinobi sa Professional league?"
Saglit akong napatahimik.
"Hindi mo ba gustong makaganti sa mga ungas na 'yon? Lampasuhin mo sa kahit anong tournament 'yong mga siraulo na 'yon. Alam kong kaya mo." Vegas explained at tumayo na.
"Bakit mo ako pinu-push?"
"I saw your potential last time. Scammer ka nga 'di ba?" Oh God! 'Di pa rin siya maka-getover doon. "Standup for female players. Para magkaroon sila ng guts na pumasok sa kahit anong Pro team. Show them na hindi porket babae, wala nang karapatan sa isang sport na kung saan dino-dominate ng mga lalaki."
Ibinalik sa akin ni Vegas ang mga gamit na kinuha sa akin ng Optimal Aces.
"If ever sumali ako sa kahit anong team, magiging magkalaban tayo."
"Ano naman ngayon?" Ngumisi siya sa akin. "Gusto kitang makalaban sa Tournament. Show me na worth it 'yong panggugulo ko sa 'yo." Naglakad na si Vegas papaalis.
"Pag-isipan mo, Shinobi, malay mo... This is the world that you will enjoy." The last thing he said bago sila nag-teleport papaalis.
Ako? Sasali sa Professional League?
Iyan ang tanong na buong araw na gumulo sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top