Chapter 2: Unexpected Talent
TUMINGIN-TINGIN ako sa paligid upang pagmasdan ang buong lugar, so this is the Hunter Online world? Pinagmasdan ko ang aking kamay at tila ba mas malaki ito sa aking katawan. Pakiramdam ko rin ay parang tumangkad ako.
"Yow Berserker!" Tawag sa akin ng isang lalaki na nakasuot ng bandana at makapal na armor. Berserker? My brows crunched because of confusion. Tumawa itong lalaki na ito at tinapik ang aking braso. "Milan, ako 'to, si Trace. Tingnan mo 'yong pangalan ko sa itaas ng ulo ko."
Synix
Level: 56
Class: Swordmaster
So Swordmaster ang class ni Synix, mayroon siyang malaki at malapad na espada sa kanyang likuran at mukhang mabigat ito.
"Iyan ang username ko. Most of the players rarely use their real names pagdating sa laro. And your name in this game is Berserker. Think of the word 'profile'" sinunod ko ang utos sa akin ni Synix.
Profile.
Biglang may nag-pop sa vision ko na katawan ng isang lalaki na full armor at nakalagay doon ang information about the character.
Name: Berserker
Level: 42
Class: Spearman
"Ako 'to?" I asked Synix at tumango naman siya. "Bakit lalaki ako, Synix!"
"Wow naman, kung makareklamo ka, account mo? Account mo?" Oo nga pala, second account ni Clyde ang gamit ko ngayon.
Inikot ko ang paningin ko sa paligid at may countdown sa itaas ng vision ko. One minute before the battle start.
"Nasaan tayo, Synix?"
"Ah we are in the lobby. Kapag natapos 'yong countdown ay mata-transport tayo sa ibang map. It's a PVP match lang naman, we just need to kill all the players of the other team so we can win the game." Paliwanag niya sa akin.
"Alam ko. Nanood ako ng match kanina."
May dalawa pang lalaki na lumapit sa amin and I bet that's Clyde and Tomy
Klayden
Level: 58
Class: Gladiator
He have an all black armor and a black sword na pabaligtad niyang hinahawakan. Alam ninyo, ang cool ng kulokoy boys pagdating sa Hunter Online pero pagdating sa real world... jusko! Mga sakit sa ulo, ang hirap utusan sa paggawa ng project.
SilverKnight
Level: 54
Class: Shinsa
Si SilverKnight naman ay nakasuot ng pulang outfit na para bang pang-martial arts at may puting tali na nakatali sa kanyang ulo. Ang armas niya ay tonfa which is ngayon lang ako nakakita dahil hindi naman pangkaraniwang ang ganoong klaseng armas sa Pilipinas.
"Hey ang unfair!" Reklamo ko. "Ang tataas ng level ninyo!" Pare-parehas silang above 50 ang level tapos ako na isasali nila ay Level 42 lang? Sa number pa lang, sobrang obvious nang ako ang pinakamahina sa aming apat, eh!
"Siyempre second account ko lang 'yan, ginagamit ko lang 'yan sa mga quest." Paliwanag ni Klayden at natapos na ang bilang sa itaas. Dumilik ang paligid at sa muli kong pagdilat ay nasa ibang map na kami.
Para bang nasa isang community kami na puro gawa sa bricks ang mga bahay. It's giving me a mexico vibes dahil sa makukulay na banderitas nito. Tama nga ang ipinaliwanag sa akin ni Trace na nalipat kami sa ibang lugar. Nasa gilid kami ng mataas na pader at walang sign ng ibang tao sa lugar.
"Anong gagawin ko?" Bulong ko sa mga kasama ko.
"Dito ka lang, Berserker." Paliwanag sa akin ni SilverKnight. "Kaming bahala na tatlo ang umubos sa mga nursing na 'yan."
Umalis na silang tatlo at naiwan akong mag-isa. Wow, very gentleman. Isinali nila ako sa team nila para makumpleto sila tapos ay iiwan nila ako.
Pumasok ako sa loob ng bahay para magtago. Hinawakan ko 'yong spear na nasa likod ko. Golden spear equipped!
Since nandito na rin naman ako sa game at mukhang busy silang tatlo sa pakikipaglaban, mas maganda siguro kung aaralin ko mag-isa kung paano nagpa-function itong avatar ko.
I tried to sway the spear at nabigla ako dahil hindi ito ganoon kabigat at mabilis ko siyang naigagalaw. I tried jumping and running back-and-forth sa bahay at wala itong pinagkaiba sa real world.
Profile.
Hinanap ko ang list of skills nitong si Berserker upang pag-eksperimentuhan siya. Ano kayang reaksyon ng mga nanonood sa Activity Center na mukha akong tanga ritong mag-isa samantalang nakikipaglaban ang mga kasamahan ko. Oh God nakakahiya. Bakit ba kasi kailangan pang i-live iyon sa projector, eh! Sana lang ay makalimutan na nila ito after sembreak.
Ground Break.
Sa pag-isip ko doon sa nabasa kong skill ay biglang kumilos ang katawan ko at pinaikot ko sa ere ang hawak kong spear at malakas na inihampas sa sahig ng bahay. Lumikha ito ng malakas na ingay at nabitak ang sahig. "T-That was scary..."
Now I understood why my brothers and friends loved this game. Ang action-pack niya.
"Okay let's use different skill." Binasa ko pa ang skills ko at pinerform isa-isa. After I practice all the movements, I tried to combined two skills kung ano ang magagawa ko and wow, ang cool nito!
I easily swayed the spear in the mid-air. Ilang minuto pa akong nag-practice mag-isa at nabigla ako noong bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang pagod na si Klayden at Synix. "Nasaan si SilverKnight?" Tanong ko.
"Na-eliminate na siya. Kailangan natin magtago para mag-regen 'yong health namin." Utos ni Synix at hinatak niya ang kamay ko para makatakbo kami papaakyat sa ikalawang palapag. "Hindi ko in-expect na ganito kalakas ang mga gamer sa nursing. Akala ko turok-turok lang ng injection ang alam nilang gawin sa buhay, eh." Sabi ni Klayden. Judgmental.
Mabilis kaming tumatakbo papaitaas at nakita ko ang health bar nilang dalawa na halos kalahati na lamang ang natitira sa buhay nila.
So meaning, ako ang pinakamalakas ngayon dito since full health pa ako. Aasarin ko nga mamaya si Tomy dahil mas una pa siyang na-eliminate kaysa sa akin. Dapat talaga ay maglagari na lang siya para sa Plant Holder namin kaysa maga-gaming.
Nakasunod ako sa kanilang dalawa at malakas na sinipa ni Klayden ang salamin patungo sa mga bubong ng magkakadikit na bahay. "Dadaan tayo diyan?" Tanong ko.
"Kailangan nating tumakbo at maghanap ng mas ligtas na matataguan. Kaunting regen lang sa health ko ay malalabanan ko na ulit 'yong mga taga-Nursing na iyon." Nakangising sabi ni Synix at kumunot ang noo ko. "What?"
"Kung magre-regen ang health ninyo... hindi ninyo ba naisip na ganoon din ang sa kalaban?" I asked them. I mean, I am not a gamer pero basic knowledge ang bagay na iyon. Nagkatinginan silang dalawa at mukhang ngayon lang nila na-realize ang bagay na iyon.
Sinasabi ko na nga ba, dapat talaga ay magpukpok na lang sila ng martilyo para matapos na 'yong plant holder. Doon kahit papaano ay nagpa-function sila.
"Eh anong gagawin namin?" Tanong ni Klayden.
Sumilip ako sa labas mula sa bintanang binasag ni Klayden. Mukhang papunta pa lang ang mga kalaban dito. We still have time to prepare. "Magkakaroon tayo ng surprise attack sa kanila mula rito sa bubong." Paliwanag ko sa kanila.
"Namin? Kasama ka?" Tanong ni Synix.
"Siyempre!" Nakangiti kong sabi sa kanila. "I am also part of this team." Hinawakan ko muli ang golden spear at umakyat sa bubong at yumuko sa isang gilid upang hindi makita ng kalaban.
"Anong alam mo sa Hunter Online?" Tanong naman ni Klayden.
"Inaral ko siya kanina, okay? May kaunting knowledge na ako sa mga skills ko— shhh." Pinatahimik ko sina Klayden at Synix noong may marinig akong ingay na papalapit sa aming direksyon. Mukhang alam na nilang nandito kami, sinenyasan ko ang dalawa na tatalon kami paibaba kapag nasa tapat na ng bahay ang kalaban.
Parehas bawas na ang buhay nina Synix at Klayden, kung magiging successful itong binabalak kong surprise attack ay may chance na manalo pa kami. Hindi agad makakagamit ng skill ang kalaban dahil ang una nilang maiisip na gawin ay depensahan ang aming atake.
Lumakas ang ingay na tunog na aking naririnig at tumango sa akin sina Synix at Klayden na para bang alam na nila ang gagawin nila sa oras na tumalon kami. I used my finger as a sign for countdown.
Three...
Two...
One...
"Ground Break!" Tumalon ako paibaba at nakita ko ang gulat sa mukha ng mga kalaban. They tried to counter my attack but it's too late, tumama na ang spear sa kanyang braso na naglikha ng malaking bawas sa kanyang buhay.
They are still in shocked, kailangan samantalahin namin ang pagkakataong ito. "Synix! Sinong aatakihin ko?!" Sigaw ko.
"Aim for the mage!" Sigaw niya habang kinakalaban ang isang warrior.
Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang mage, they are the one that are using spells pagdating sa labanan. Nakita ko sa pinakalikuran ang tinutukoy ni Synix na mukhang nagbabalak gumawa ng isang malaking yelo pabagsak sa aming direksyon.
CatchADream
Level: 52
Class: Magician
Mabilis akong tumakbo tungo sa kanyang direksyon at inatake siya upang mapigilan ang pag-cast ng kanyang spell. Isang swordmaster na kasamahan niya ang tumakbo tungo sa aking direksyon para pigilan ako.
Tornado Swing.
Nabalutan ng apoy ang golden spear na hawak ko at hinawakan ko ito sa gitna at ipinaikot-ikot sa iba't ibang direksyon upang hindi ako magawang malapitan ng mga kalaban. Ang laki ng bawas na nagawa ko sa mage nila and for the final move, I stabbed him in his stomach at ibinagsak sa sahig. Naglaho ang character ni CatchADream sa map.
CatchADream was eliminated.
"Babawi naman kami ngayon!" Malakas na sigaw ni Klayden at nilabanan nila ang natitirang mga kalaban. Tumulong na rin ako sa pagpatay and guess what? We managed to eliminate those players at kami ang nanalo sa match na ito.
ALAM ninyo 'yong feeling ito ang unang beses na maglaro ako ng Hunter Online pero nagawa naming mag-third place dito sa tournament sa loob ng campus namin. I don't know if this is beginners luck o talagang na-enjoy ko lang 'yong game kung kaya't nakasali din ako sa laban na ginagawa nila Clyde.
Tinuruan din ako ni Clyde kung paano mag-signout sa tuwing matatapos ang match.
Nandito kami ngayon sa loob ng isang cafe at pinabili namin ng pagkain 'yong cash prize namin which is 2,000 pesos. Apparently, wala silang pakialam sa cash prize dahil gusto lang naman daw nilang patunayan sa Bulacan State University na silang tatlo ang pinakamalakas na player pagdating sa Hunter Online. Too bad, natalo kami sa mga IT students which is understandable dahil gamer naman talaga mostly ang nasa department na iyon.
"Hoy kayong tatlo, pinagbigyan ko na kayo sa trip ninyo ngayon, ha? Tapusin ninyo na 'yong project natin sa Environmental Science this week. Stress na stress na ako doon." Bilin ko sa tatlo na tuwang-tuwang nagkukuwentuhan.
"Huy, Milan, sigurado ka bang first time mo lang maglaro ng Hunter Online?" Tanong ni Trace.
Sumubo ako ng isang fries bago sumagot. "Oo, nakita mo naman panay tanong ako sa inyo kung paano ang gagawin ko."
"Iba rin ang galawan mo, eh," puri ni Clyde sa akin. "Alam mo bang ilang linggo akong nahirapan gamitin si Berserker noong nag-change job ako as spearman? Pero ikaw ay parang ang tagal mo ng naglalaro dahil gamay na gamay mo ang paggamit sa character."
"Naglalaro ka na, eh! Gusto mo lang mapuri ka namin kaya wala ka kunwaring alam." Sabi naman ni Tomy. "May mga nerve gear ang kapatid mo, paniguradong tina-try mo."
"Alam ninyo," humigop ako ng dark mocha. "Hindi ako nangingialam ng mga gamit sa mga kuya ko. Gusto ninyo bang mabugbog ako ng mga 'yon? The match we had earlier is my first time to play that game. Hindi ko naman in-expect na nakaka-enjoy pala siya."
"'Te, ang dami kong picture noong character mo," pinakita sa akin ni Shannah ang gallery niya. Ang weird lang na makita na lalaki ang character ko sa game tapos obvious na obvious na hindi ganoon ka-masculine ang movements ko. "Ang dami ngang nagka-crush sa 'yo after the match, eh. 'Yong mga katabi ko ay tinatanong kung anong course mo. So ako, bilang mapagbugaw mong kaibigan, sinabi ko na Computer Science student ka at first year ka, single pero willing lumandi kung seryoso, at grade-conscious na umiiyak kapag may tres sa subject. Ayon, ganoon lang, few details lang naman."
Nahiya pa siyang sabihin kung saang village ako nakatira at kung sino ang parents ko.
"Pero Milan, seryoso may talent ka sa gaming. Caming up with plans kanina kahit first time, that's awesome." Puri sa akin ni Clyde at pumalakpak silang apat. "Why don't you try to play the game? I mean, summer vacation naman. Hindi naman buong two months ay nasa beach ka."
"Oo nga. At isa pa, magbubukas ang server na Peninsula sa April 30. Sa new server, back to level one lahat so hindi ka mapag-iiwanan. Ano, game?" Tanong ni Trace.
"Nasa summer vacation na agad ang utak ninyo samantalang ako ay nasa Plant holder pa rin. Kailan ninyo kaya matatapos 'yong pagmamartilyo doon at paglalagari?" Nag-iwas sila ng tingin sa akin. "Huy! Nangako kayo sa akin na tatapusin ninyo by this week. Kapag late tayo nagpasa, minus points pa 'yon, baka maging 1.5 pa grade ko sa Envi Scie kung magkataon." Reklamo ko.
"Oo, gagawin namin."
"Pero kung back to level one lahat ng mga characters... ibig sabihin iiwanan ninyo 'yong level ng mga characters ninyo ngayon?" Curious na tanong ni Shannah sa tatlo. "Ang tataas na kaya ng level ninyo!"
"Iba kasi ang new server na ito sa mga past server, lahat ng maps sa new server ay bago at wala sa mga lumang server. Balita ko ay marami ring hidden quest kung saan makakakuha ka ng mga exclusive items." Kuwento ni Trace. "Tsaka back to start ang lahat, meaning, we have a chance na i-dominate ang new server. Summer vacation, madami kaming time para maglaro." Dugtong niya pa at nag-apir silang tatlo.
Siguro ay iko-consider ko ang sinabi sa akin ni Clyde na i-try ang Hunter Online. Wala rin namang mawawala sa akin kung maglaro din naman ako ng online games paminsan-minsan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top