Chapter 195: Offer for Dion

X: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!

Good day, Hunters!

This is the management of Yugto Pilipinas. We are here to make an announcement that Choji will be replaced by Milan with the Captain position due to health concern. After a thorough discussion with the upper management and the players we all agreed that Milan will be in charge for this tournament as she performed well during the regular season here in the Philippines.

We really hope for your continuous support as the tournament is around the corner already. Even we had changes in the position, rest assured that our players are training and mentally ready for the tournament.

Thank you!

Sulong, Pilipinas!

ISANG anunsyo mula sa aming gaming page ang gumulat sa Hunter Online community. For us, this is a change na kinakailangan lang namin gawin dahil sa mga hindi inaasahang bagay (pagka-ospital ni Choji). Pero hindi ganoon ang pagtanggap ng maraming tao sa gaming commnity. Choji have a huge fanbase at marami sa mga fans niya ang nagalit sa biglaang pagpapalit lalo na't ilang araw na lang ay lilipad na kami sa Singapore para sa tournament.

@luvedoge:
Health reason? The last time we saw Choji sa mga interview ay super okay pa siya! Ang sabihin ninyo ay may favoritism talaga sa Yugto Pilipinas. Russel is the coach which is also the Coach of Orient Crown back then. Talaga ipu-push niya si Milan! #WeWantChojiCaptain

@zoadolls:
Ang lala na ng pagka-main character syndrome ni Milan. Feeling niya siguro ay sa kaniya na umiikot ang esports ngayon. Bali-baliktarin mo man ang mundo, Choji is the most suited captain for an international tournament. He always brings his team sa grand finals since season 2! Do not discredit Choji's commanding skill!

@Pupsker_05:
Ang baba naman ng reading comprehension ng iba. Nakalagay na nga sa announcement na health reason ang dahilan ba't sila nagpalit ng Captain. Just be happy for Milan, sigurado naman ako na nag-usap sila ni Choji internally. Congrats, Milan! Good luck, Yugto Pilipinas.

Halo-halo man ang reaksyon ng mga netizen ay inasahan ko na rin naman ang ganitong senaryo. I mean, each of us in Yugto Pilipinas have a strong fanbase. Siyempre ipagtatanggol nila 'yong players na pinakasinu-suportahan nila.

"Grabe naman talaga ang mga tao sa Social Media." Naiiling na sabi ni Sandro habang nagbabasa rin siya ng comments sa kaniyang phone. "Sila ang rason kung bakit nagkakaroon ng awkward wall sa pagitan ng mga players, eh."

"Hindi ka pa nasanay, marami ngang entitled sa Pilipinas." Naiiling na sabi ni Larkin and I agreed with that.

"Pero hindi pa rin nila inaanunsyo na hindi makakalaro si Choji sa tournament." Sabi ko dahil iyon nga ang dapat sinasabi ng management sa fans. Base na rin sa mga sinabi ni Choji kahapon ay mukhang buo na ang desisyon niya na hindi siya makakalaro sa Singapore.

"It's still under discussion. Malay mo magbago pa ang isip ni Choji." Larkin said. "International tournament 'yan! Mas maraming clout kasi maraming makapapanood sa 'yo. Baka kuhanin pa ako ng Hollywood, change career na ako."

"Hindi kailangan ng pangit sa Hollywood, tanga." Natatawang sabi ni Sandro. "Wala ka pa sa kuko ni Tom Holland, gago,"

"Ayain ko pa siya uminom, eh."

"Milan," Napatigil ang pagkukuwentuhan namin noong bigla akong tawagin ni Coach Harris. "Can I have a minute with you?"

Tumayo ako para sumunod kay Coach. Iniwan ko muna sila Larkin dahil baka mamaya ay importante ang pag-uusapan namin ni Coach. Parehas kaming pumasok sa meeting room at naupo.

"Ano po balita kay Choji, Coach?" Tanong ko.

"Still... hindi pa rin kami sigurado kung makakalaro si Choji. Hahayaan muna namin siyang makausap ang lolo niya at kung ano man ang maging desisyon niya ay nirerespeto ng management iyon." Mahabang litana sa akin ni Coach. "Kumusta ang training ng mga players? Nasusunod ba nila 'yong training plan na ginawa ko habang nasa ospital kami?"

"Yes, Coach. Sinusunod naman nila 'yong training plan na inilatag ninyo for this week. They are also taking their vitamins and morning exercise." Paliwanag ko kay Coach Harris.

Madali lang naman sila mapasunod sa mga trainings puwera kay Oli at Noah na kailangan talagang bantayan dahil kung hindi ay tatakas ang dalawa.

One time ay nagpaalam sila sa akin ng morning exercise, aba! Nadatnan ko sa bulaluhan ang dalawa nang umagang-umaga. So, buhat no'n ay kailangan may adult silang kasama kapag nagja-jog. It's either ako o si Sandro. Wala akong tiwala kay Larkin dahil baka siya ang numero unong mag-aya sa mga kainan.

"Good to hear, kailangan ninyong alagaan ang mga sarili ninyo lalo na't napakalapit na ng tournament. Kung may masakit man sa inyo, please, magsabi kayo agad sa amin." Napatango-tango ako kay Coach. Naiinintindihan ko siya dahil hindi namin kaya na mawalan o may ma-ospital na membet da pagkakataong ito. "How about sa training, are they used in their new roles already?"

"Uhm. May mga minimal error pa rin sila minsan kapag nagpa-practice but we are working on it. As long as may proper communication kami inside the game ay magiging okay naman po ang lahat. Open communication lang din po talaga." Paliwanag ko.

"Okay. Just keep watching them for us. In case na may mga concerns ang mga bata, please do inform us. Mas open sila sa 'yo pagdating sa mga seryosong bagay." Coach Harris said at napangiti ako. He really care para sa aming lahat. Mahigpit lang siya pagdating sa training pero naiintindihan naman din namin iyon. We are representing the Philippines, kung pangit ang magiging laro ay sa kanila ang magiging balik nito.

"Yes, Coach."

"Balita ko ay magkikita kayo ni Dion bukas, tama ba?" Coach Harris asked.

"Opo, Coach, huling gala po sana namin bago po lumipad papuntang Singapore."

"Okay, I will have an offer to make for Dion. Puwede mo bang sabihin sa kaniya ang mga ito on my behalf?" Tanong ni Coach at kahit hindi niya pa sinasabi ay may ideya na ako sa kung ano ang maaaring ipatanong ni Coach.

***

THIS is the day na magkikita kaming dalawa ni Dion. I just wear loose pants and a knitted sweatshirt. Nagsuot lang ako ng komportableng damit dahil ang lamig lately sa Tagaytay. For one last time, I checked myself on the mirror bago ako lumabas ng kuwarto.

Dmitribels:
SLEX na ko, lapit na. :)

Excited to see you.

Bogus:
Baliw ka, wag ka na mag-chat. Nagda-drive ka!

Dmitribels:
I can multitask. Jk.

Be there in an hour. Daan lang ako drive thru para bumili ng kape. Ngawit na ako kaka-drive, eh.

Bogus:
Mcdo?

Dmitribels:
Puwede naman, bakit papabili ka? Aga-aga nambubudol ka. 😂

Bogus:
Bilis naaa! Shake-shake fries lang. 🥹

Dmitribels:
Barbecue?

Bogus:
Yes please

"Ngiting-ngiti, ah! Palibhasa ay makikita si bebe boi your love so sweet." Biro ni Callie sa akin habang nadatnan ko siyang nagkakape sa may kitchen area.

"Alam mo, ang epal mo. Kaya ka hindi dinadalaw ni Aisha dito sa boothcamp, eh." Ganti ko sa kaniya dahil kahit gaano niya kagustong lumuwas papuntang Ortigas ay hindi niya magawa dahil sa strict schedule ng practice namin.

"Ayon, sakit. Alam mo, kaya hindi ako kinikita ni Aisha kasi paniguradong kapag nakita niya ang mukha ko ay iiyak na siya at pipigilan na ako lumuwas papuntang Singapore." He said and he wiggled his brows. There is a smirked in his face na nakapagpairap sa akin. Grabe talaga.

"Sa ganyan ka magaling, sa kayabangan. Saka kung makasabi kang pipigilan kang umalis akala mo talaga ay mag-o-ofw ka na sa Singapore ng ilang taon." Kumuha ako ng saging sa fridge upang maging light meal ko ngayong umaga. Tumabi ako kay Callie para hindi naman malungkot ang pag-breakfast ko.

"Hindi kasi showy si Aisha, gusto niya pa 'yong pinipilit na landiin ako." I can imagine ang busangot na mukha ni Aisha kung sakaling naririnig niya ang mga sinasabi nitong si Callie.

Naputol ang pagkukuwentuhan naming dalawa noong pumasok sina Sandro, Noah, Oli, at Kiel dito sa kitchen area. Mga pawis na pawis ang mga mokong dahil na rin nag-morning jog sila na parte ng training namin.

"Naks, bihis na bihis si Only girl, ah!" Natatawang sabi ni Sandro at uminom ng malamig na tubig. "Iba talaga kapag bibisitahin ng jowa, biglang may glow up na nagaganap."

"Sira ka. Sandro, ikaw muna ang bahala sa kanila ah!" Nag-okay sign language si Sandro.

Kahit pa nadeklara na ako as the official Captain of Yugto Pilipinas ay hindi naman din ako pinababayaan nila Sandro at Thaddeus. As the previous Captains of their own teams ay tutok din sila sa mga training namin kung kaya't hindi ganoon kabigat ang duty ko.

"Magkikita kayo ni Dion, Captain?" Noah asked at tumabi sa akin "Sama ako! May bagong bukas na restaurant diyan—"

"Hoy, batang may yabang. Ang hilig mo talaga umepal kahit saan, 'no?" Callie said to him. "Wala ka ba Mama?" Nawawala talaga ang pagka-mature nitong si Callie kapag si Noah ang kaharap niya.

"Ha? Do'n ka sa far away. Saka wala talaga ako Mama, nasa Ilocos." Ganti ni Noah sa kaniya. Akmang pipitikin ni Callie ang tainga nito ngunit mabilis na iniwas ni Noah ang tainga niya.

They really gave me a strong sibling energy kahit pa panay bangayan ang dalawang ito (parehas naman mayabang). Callie is the one who trained Noah, malaking impluwensya si Callie sa play style ni Noah. Naniniwala kasi si Callie na malayo ang mararating ni Noah sa paglalaro.

"Wait lang Captain. Magbibihis lang ako, sama ako sa inyo ni Dion." Akmang tatakbo na papunta sa kuwarto nila si Noah ngunit mabilis na hinawakan ni Sandro ang damit nito. "Bakit?"

"Anong sasama ka? May training ka 'di ba?" Tanong niya.

"Mayroon. P-Pero bakit si Captain hindi magte-training ngayon? Ako din dapat!" Depensa ni Noah.

"Nagpaalam 'yan, bobo." Si Oli ang sumagot sa kaniya. "Nagpaalam ka ba kay Coach Harris? Gusto mo bang ibaon ka ng buhay no'n?" Napailing-iling si Noah.

Napatigil ako sa pakikipag-usap sa kanila noong maka-receive ako ng chat mula kay Dion.

Dmitribels:
Lapit na me. See you :)

"Malapit na daw si Dion." Tumayo na ako at isinukbit ang maliit na shoulder bag sa balikat ko.

"Ingat. Enjoy your date." Sabi ni Sandro sa akin. Kita ko naman sa mukha ni Callie na halatang inggit na inggit siya.

Well, kausap ko naman si Aisha kagabi. He is planning to visit Callie today kaso ay hindi niya nga lang sinabi kay Callie para surprise at para hindi rin daw kung ano-anong kayabangan ang sinasabi ng mokong.

"Naks bihis na bihis." Nakangising sabi ni Larkin na kasalukuyang naglilinis ng kotse sa garahe.

"Nagiging crush mo na naman ako, Oppa." Biro ko.

He made a disgusted face. "Kadiri ka. Ngayon kapag naalala kong naging crush kita ay napapa-facepalm na lang ako. Pati guardian angel ko ay tinatawanan na lang ako."

"Tse!" Natawa si Larkin.

Maya-maya pa ay may busina akong narinig mula sa labas at dali-dali na akong lumabas ng boothcamp. May itim na montero na sasakyan ang nakaparada sa labas. Ibinaba ni Dion ang bintana ng shotgun seat. Ngumiti ito sa akin. He is just wearing a casual adidas blackshirt and a black pants na bumagay naman din sa awra na binibigay ni Dion.

"Naks, pormadong-pormado." Sabi ko at sumakay na ako sa shotgun seat. Unang nakita agad ng mata ko ay ang shake shake fries na binili niya sa mcdo. "Hindi mo talaga nakalimutan. Bayaran ko na lang later." Sabi ko sa kaniya.

"Wow, nauna mo pa talagang batiin 'yong shake shake fries kaysa sa akin." He laughed. Until-until na siyang nagmaneho. "May labasan dito?

""Oo, kaliwa ka lang tapos kaliwa ulit, palabas na iyon ng subdivision." I explained. "Anong nauna kong batiin, ang pogi mo nga ngayon, pormadong-pormado! Atleast hindi ka na naka-fly emirates na damit this time."

Nawala ang ngiti ni Dion at ako naman ang napatawa. "Basher ng fly emirates era ko. Uso kasi 'yon dati." He defended. "At saka, judger ka. Aminin ko bagay sa akin ang ganoong pormahan."

"Wala naman akong sinabi ma hindi bagay, ah!" Ganti ko sa kaniya. "Ay nga pala, nag-reserve na ako sa Napa Grill. Ilagay ko na lang sa waze ng phone mo." Dion gave me his phone. Same pa rin ang password niya... birthday ko.

"Kita ba 'yong view ng Taal diyan?" Tanong niya.

"Unfortunately, no. Pero after natin kumain dito ay puwede naman tayong maghanap ng cafe near sa vicinity ng Taal. Huwag lang sa Hiraya." I said. Grabeng Starbucks Hiraya 'yan. Gets ko 'yong hype niya pero hindi ko kaya maghintay ng ilang oras sa pila para sa kape.

I chose a private place na kainan para makapag-usap kami ng maayos ni Dion. Tourist spot na rin kasi itong Tagaytay kung kaya't baka kapag sa isang kilalang lugar kami tumambay dalawa ay hindi namin ma-enjoy dahil sa maya't mayang nagpapa-picture. I mean, I love our fans pero gusto ko kasi na sa amin ni Dion ang araw na ito bago man lang ako lumipad papuntang Singapore.

It's a few minutes away from the Boothcamp so I just played a random Talor Swift song habang ini-enjoy ko ang barbecue flavor kong Shake shake fries.

"Kumusta nga pala 'yong life mo sa Nueva Ecija?" Tanong ko sa kaniya habang napapatango-tango sa Cruel Summer ni Taylor.

"Okay naman, nagpalit na rin kami ng Architect. Kinausap ko si Tatay tungkol doon. Hindi naman din siya tumutol dahil nabalitaan niya rin ang nangyaring gulo na ginawa ni Trina sa atin." Sa totoo lang ay nagi-guilty ako knowing the fact na naglabas ulit ng malaking pera si Dion para sa Architect pero mas pinili niya 'yong peace of mind ko.

"Matatapos na ba?" Tanong ko.

"Hindi pa nga, eh. Ilang buwan pa ang aabutin no'n. Ikaw, kumusta naman ang training ni Captain Milan?" Ngumisi si Dion. "Naks, Captain ng Philippine team. Bigatin talaga, suwerte naman ng boyfriend mo, Miss."

"Chika mo." Naiiling kong sabi. "Saka alam mo naman na naging Captain lang ako dahil sa lundisyon ni Choji. Isa pa, unlike sa Orient Crown ay tinutulungan naman ako nila Sandro sa posisyon kung kaya't hindi siya ganoon kabigat for me."

"Sandro 'yan, eh. Mister Nice Guy ng Esports."

"Mister Congeniality rin sa dami ng kaibigan." Dugtong ko pa.

"How about Thad? Nagkakaausap pa rin kayong dalawa?" Tanong niya sa akin.

"Trap ba yan?" Natatawa kong tanong.

"Hindi baliw. Genuine na tanong 'yon lalo na't magka-team kayo. Naintindihan ko rin naman over time na magka-team kayo." Sabi niya habang focus na nagda-deive at sinusundan ang  nakalagay sa Waze.

"Casual naman din kaming dalawa ni Thaddeus. Napag-usapan naman na din namin ang mga issue namin and he knew that there's a boundary that he shouldn't cross. He is a nice guy." Sabi ko kay Dion dahil kahit papaano ay naging mabuting kaibigan sa akin si Thaddeus, ilang beses niya akong niligtas noon. "Sana ay makahanap si Thad ng isang tao na mare-reciprocate ang pagmamahal na kaya niyang ibigay. He deserved all the happiness in this world."

"Sana nga." Sabi ni Dion.

Pagkarating namin sa Napa Grill ay iilab lang ang sasakyang nakaparke dahil sa pagiging liblib ng lugar. It was a restayrant suggested by Larkin dahil masarap daw ang foods dito. As a Culinary student talaga si Larkin, hobby niyang mag-discover ng mga restaurant sa Tagaytay.

Napa Grill is giving me an old vintage vibes na para kang ibabalik sa early 2000 vibes. Sumalubong sa amin ang isang staff. "Hello, reservation under Milan's name. Table for two." I said.

May chineck lang ang staff at pinapasok na rin kami sa loob. Manghang-mangha si Dion sa buong place. Can't blame him, ganiyan din ang reaksyon ko noong first time akong dalahin dito ni Oppa. Alam ko naman na deseved ng mga restaurant dito sa Tagaytay ng hype pero buti na lang talaga at mayroon pang mga hidden gems kagaya nito.

Namili na kami ni Dion ng o-order-in na pagkain. I ordered Shish Kabob while Dion ordered Espetada. Sa drinks naman ay parehas lang kaming nag-mango shake. We took few photos together bago hintayin ang pagkain namin.

"Nakausap ko pala si Liu, nag-reply kasi sa story ko last time." Kuwento ni Dion habang ine-edit ang picture namin together na i-po-post niya.

"Anong sabi ni Pekeng Chinese? Argh, ka-miss din na wala si Liu. Parang dati lang ay third wheel sa atin 'yong intsik na iyon." Kuwento ko.

"Bigatin na nga ngayon, eh. Nasa China na. Sabi niya lang ay excited na raw siya makita ka sa Singapore. Gala daw kayo agad." Sabi ni Dion.

"Magsama silang dalawa ni Larkin, nasa gala agad ang focus at wala sa mismong tournament." Naiiling kong sabi. "Busy ka kasi, eh. Dami mong inaasikaso sa Nueva kung kaya't hindi ks makakalipad sa Singapore."

"Wala akong pera, saka 'di ko pa alam kung aabot 'yong passport ko. Dapat nga ay ngayong linggo ang dating no'n. Hanggang ngayon ay wala pa." Paliwanag sa akin ni Dion. Naiintindihan ko naman siya at ayoko na man din maging isang pabebe na pipilitin siyang lumipad din papuntang Singapore.

Ang laki na ng gastos ni Dion this year. Mahal din ang flight kapag hindi mo binu-book ng mas maaga. Sila Kuya nga rin ay hindi pa sigurado kung makakapunta, eh. Pahirapan daw kasi mag-leave sa work nila this month.

Dumating na ang Mango Shake na in-order namin na mabilis naman akong uminom. It was really good and really refreshing.

Nag-usap lang kaming dalawa ni Dion tungkol sa mga pinagkaks-busy-han namin sa mga buhay namin. Lagi ko ngang binibida si Noah at Oli na talagang kinukulit si Kiel na maging kaibigan nila. Mukhang bukod kay Genesis ay masisira na rin ang buhay ni Kiel kapag nabarkada siya sa mga 'yon. Baka one time ay mapanood ko na lang sila sa Wowowin.

Dion is busy sa Nueva Ecija dahil sa ipinapatayo niyang commercial building. He is also inquiring na rin sa mga universities dahil sa binabalak niyang pag-aaral ulit. Naiisip niya nga rin mag-franchise ng Milk tea business at napapailing na lang ako. Ang dami niyang gustong gawin sa buhay.

Dumating na ang mga in-order naming pagkain and we just devoured it. Super sarap talaga ng mga pagkain dito, medyo pricey nga lang pero worth it naman.

Habang kumakain kami ay nagkaroon na ako ng opportunity na i-bring up ang sinabi sa akin ni Coach Harris kahapon. "Dion..."

"Hmm?" He asked while he was busy eating the Chicken Espetada.

"Alam mo naman 'yong kundisyon ni Choji, hindi ba?" Tanong ko at napatango-tango siya dahil naikukuwento ko naman iyon sa tuwing nagpe-facetime kaming dalawa. "Well there's a possibility na hindi makalaro si Choji sa Singapore kung hondi siya madi-discharge ng maaga sa ospital. Ngayon ay may offer sana sa 'yo sina Coach Harris kung gusto mo raw bang palitan si Choji para sa Yugto Pilipinas?" Tanong ko.

Saglit na napatigil si Dion sa pagkain. "Naiintindihan ko kung bakit ganiyan ang reaksyon mo. This is a big thing na kinakailangan agad nila ang sagot mo."

Kumuha si Dion ng tissue ay pinunasan ang kaniyang labi. "Ikaw ba ang nag-suggest ng idea na 'yan sa kanila?" He asked.

"Nope. Sila Callie ang nag-suggest no'n at parang naiisip na rin nila Coach ang tungkol dito lalo na't mukhang may chance na hindi makalaro si Choji. They saw how you play during the Season 4 tournament. Tapos karamihan daw ng members ng Yugto Pilipinas ay galing sa Orient Crown kung kaya't hindi ka mahihirapan sa adjustment." Paliwanag ko dahil iyon ang sinabi naman talaga sa akin ni Coach Harris.

"Hmm... if this was offer to me like months ago ay baka tinanggap ko 'yang offer na 'yan. That's a big tournament at malaking opportunity sa atin siyang mga professional players." Paliwanag ni Dion at napatango-tango ako. "But now, I genuinely decline the offer,"

"Una, ayokong masaktan ang ego ni Choji na parang papalitan ko siya ng biglaan. Pangalawa, kahit pa sabihin ninyong magiging bench player ako ay hindi ko rin naman ang play style ninyo sa Yugto Pilipinas. Kahit pa sabihin na magka-team tayo sa Orient Crown noon ay paniguradong may mga nagbago sa laro ninyo." Napapatango-tango ako dahil naiintindihan ko ang mga ipinupunto ni Dion. "Lastly at pinaka importante sa lahat ay wala akong passport pa, hindi rin ako makakalipad kasama kayo."

Napangiti ako at nagpatuloy sa pagkain. "I kinda expected your answer. Sinubukan ko lang din dahil utos ni Coach Harris." Paliwanag ko.

"In-expect mo nang aayaw ako?" He asked.

"Oo. I know you very well. May prinsipyo ka bilang isang professional player, kahit pa sabihin nating opportunity ito para sa 'yo, ayaw mo pa rin maapakan ang ego ni Choji. At saka aware ako na iba ang priority mo ngayon." Paliwanag ko sa kaniya.

"Exactly." Dion smiled. "Saka may next year pa. Hindi naman siguro ang huling pagkakataon na magkakaroon ng international tournament. Gusto ko sa pagkakataong iyon ay first choice ako bilang maging parte ng roster. Hindi lang dahil nagkasakit o bawal si ganito-ganiyan. They will see my worth as a player not now but soon." He wiggled his brows kung kaya't napatawa ako.

"Makikita ka nila as best core o best tank next year." Sabi ko sa kaniya.

"Omsim. Pasabi kanila Coach na salamat sa offer pero malugod kamo akong tumatanggi. Kailangan lang nila Coach manalig sa inyo, kayang-kaya ninyo buhatin ang Pilipinas kung hindi man makalaro si Choji." Dion gave me an assuring smile. "Lalo ngayon, Captain ng Yugto Pilipinas ang pinakamagaling at pinakamalakas na player na nakilala ko. Umiiyak nga lang sa Acads." He chuckled.

"Epal mo. Kumain ka na nga diyan. Saan pala tayo after nito?" Tanong ko at nagpatuloy kaming dalawa sa pagkain.

We spent the rest of our day by doing cafe hopping sa Vicinity ng taal lake. Ini-skip lang namin 'yong Hiraya dahil sa OA na pila ng cafe na iyon.

It was a well spent day with Dion at kahit hindi man siya makasama papunta sa Singapore ay alam ko namang nakasuporta siya sa akin.

***

FRIDAY, ngayon ang araw paalis namin ng Pilipinas. Maaga pa lamang ay nag-eempake na kami ng kaniya-kaniya naming dadalahin dahil ilang linggo rin kami mananatili sa Singapore. Sa totoo lang ay excited din ako dahil this will be my first overseas travel na friends ko ang kasama ko. Usually kasi ay sila Mom ang kasama ko sa tuwing lumalabas ng bansa.

"Sure ka dala mo na lahat?" Tanong ni Dion habang magka-facetime kaming dalawa. Gulo-gulo pa ang kaniyang buhok na halatang napilitan lang gumising ng maaga para maabutan ako. "Cellphone? Charger? Wallet? 'Yong damit mo, Sapat naman ba sa ilang linggo mo roon?" Tanong niya.

"Good for ilang weeks din 'to. Naglagay lang ako ng extra space pa sa maleta para sa mga pasalubong." I explained to him. "Paglapag pa nga lang ay may presscon na agad kaming dapat daluhan. Sana makagala pa kami." Rant ko kay Dion.

"Magkakaroon din kayo ng free time niyan. Lalo sila Larkin kasama mo. Mahilig mga tumakas 'yan. Huwag ka nga lang sasama kapag bar ang pupuntahan ng mokong." Paalala niya sa akin.

"Naku, hindi na. May trauma-trauma na ako sa mga inumang ganyan. Baka ma-issue lang ulit." Isinarado ko na ang maleta. Nakatingin lang ako sa antok na mukha ni Dion. "Will miss you."

"Will miss you too kahit kakakita lang natin noong Wednesday." He smiled. "De bale, after tournament naman ay magkakaroon ka na ng free time. We can hangout." He assured me.

Naputol ang usapan namin noong kumatok si Oli sa pinto. "Kumare, tara na raw! Kailangan daw maaga sa airport." Aya niya.

I ended the call at naglakad na palabas. Pagkarating sa sala ay nakatipon-tipon na sila at walang mukhang mga antok kahit super aga ng call time namin.

"Hindi na ako nakatulog! Para masiguradong hindi ako mahuhuli sa flight." Yabang ni Noah.

"Mag-iinit lang naman puwet mo sa bench. Kala mo talaga makakalaro." Biro ni Larkin sa kaniya

Dumating si Coach at sumakay na kami sa mini bus namin para ihatid kami sa NAIA. Sa labas pa lamang ng airport ay may ilang miyembro ng media ang naghihintay sa amin. This is still a pretty big thing for the Philippines lalo na't hindi lang isang puchu-puchung tournament ang sinalohan namin. Isa itong international tournament na mismong head ng Hunter Online ang nag-organize.

"Pagkababa, dire-diretso lang papasok sa NAIA, okay? Para hindi tayo ma-late sa flight." Paalala sa amin ni Coach Russel.

"Yes, Coach." Sagot namin.

Bumukas ang pinto ng mini bus at sunod-sunod na flash ng camera ang tumambad sa amin.

"How's your preparationg fo this tournament?"

"Anong nararamdaman ninyo na irerepresenta ninyo ang Pilipinas para sa isa sa pinakamalaking gaming tournament sa buong mundo?"

"Bakit wala si Choji? Makakalaro ba siya para tournament?"

Sunod-sunod ang mga tanong ng press pero mas pinili kong ngitian at daanan na lamang sila (as per instruction sa amin). Mahirap na rin kasi na baka may masabi kaming hindi maganda, grabe pa naman ang cancel culture sa Pilipinas.

Hatak-hatak ko ang maleta papasok ng airport, we do several inspections bago kami nakapasoknsa mismong airport. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon dahil ngayon lang ulit ako sasabak sa isang tournament matapos ang Season 4.

"Yugto Pilipinas," tawag sa amin ni Coach Harris at pumaikot naman kami sa kaniya. "Handa na ba kayo para sa tournament na ito? Laban ito para sa bansa.

"Yugto Pilipinas!" Sigaw ni Coach Russel.

"Sulong!" We all shouted in unison.

The moment we arrive in Singapore, it will be our biggest battle sa gaming journey namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top