Chapter 194: Withdrawal of the Dragon
X: #HunterOnline or mention me @Reynald_20
Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!
"NAKAPAG-CHANGE class na ba kayo sa mga main account ninyo?" Tanong ko sa kanila habang sabay-sabay kami nag-a-almusal sa boothcamp. Nabago kasi ang rule sa international tournament at hindi na puwede ang biglaang pagpapalit ng class habang nasa kalagitnaan ng tournament.
"Ay hindi ko pa nagagawa, Captain. Mamaya na pagkakain." sabi ni Noah sa akin. Napakalakas mag-manifest ng batang ito, kakatawag niya sa akin ng Captain ay ako na nga talaga ang magiging Captain ng Yugto Pilipinas.
Well, hindi naman din ako nagrereklamo sa pagkakataong ito, gusto ko lang din mabawasan ang burden ni Choji para mabilis siyang maka-recover. Gusto ko pa rin siya makasama na lumaro sa Singapore, ang laking effort at sakripisyo ni Choji para sa tournament na ito. Ayokong masayang iyon.
"Hindi ko alam bakit bawal na ang pag-change class ng job sa kalagitnaan ng tournament. Binabawasan ng organizer ang thrill ng Hunter Online. Iyon nga ang maganda, eh!" Dugtong pa ni Noah.
Biglang pinitik ni Callie ang tainga nito. "Aray ko! Namumuro ka na Kuya Callie, ah!" Mabilis na kinakamot ni Noah ang tainga niya para mawala ang sakit. "Araw-araw na lang mapula tainga ko sa kakapitik mo." Reklamo niya pa at napailing na lang ako.
"Kumain ka na lang diyan, bubuhatin lang naman kita sa buong tournament." Napairap ako sa ere sa yabang ni Callie. "At isa pa, this is a great move from the organizers dahil lugi nga naman sa ibang team kung biglang nag-change class sa gitna ng tournament. Parang nabalewala ang mga research na ginawa nila sa mga kalaban nila." Callie explained and I got his point.
"Sumikat din ang ganoong tactics sa mga small tournament." Paliwanag ko sa kanila dahil napansin ko 'yon sa panonood ng ilang local tournament. "I am pretty sure na kung hindi nila ipagbabawal iyon, malaki ang tiyansa na gagawin din iyon ng ibang international teams which will make the tournament messy. All we need to do is to prove them that we can execute our new roles." Napatango-tango sila bilang pag-agree sa akin.
Matapos kumain ay nagkaniya-kaniyang practice na sila habang kaming nila Leon at Callie ay nagbabalak dalawin si Choji sa ospital.
"Coach, kayo na po muna ang bahala sa kanila. Puntahan lang namin si Choji." Paalam ko kay Coach Russel.
"Wait," pumunta sa kitchen si Coach Russel at pagbalik niya ay may dala na siyang basket na puno ng prutas. "Pakibigay din ito kay Choji kung sakaling madatnan ninyo siyang gising. As much as I want to also visit him ay hindi puwede lalo na't ilang araw na lamang ay lilipad na tayo papuntang Singapore." Napatingin si Coach kanila Oli na nakahiga sa inclining chair.
"Makakasama naman si Choji sa Singapore, Coach? Makakasabay naman sa atin siya sa flight?" Tanong ni Leon. They are teammates for the longest time dahil magkasama sila sa Black Dragon.
Isa pa, Choji is not a bad person. Oo, may misconception sa Black Dragon na mayayabang sila pero mababait silang tao. It is just part of their tactics to win.
"Wala sa akin ang desisyon na iyan. Kung ako ang tatanungin ay gusto kong lahat kayo ay makasama. Pero nasa Lolo ni Choji ang desisyon kung makakasama ang apo niya. Siya ang may hawak sa Yugto Pilipinas." Paliwanag sa amin ni Coach Russel at humigpit ang hawak ko sa basket. He smiled to us and ruffled our hair. "Hangga't walang official announcement na tinatanggal si Choji sa grupo, there is still a chance na lalaro siya."
"Pero kung hindi makapasok si Choji. Puwede ba natin idagdag si Dion as our replacement for him. He is also a great tank." Suhestiyon ni Callie.
I am also considering that pero siyempre hindi ko naman din alam ang magiging desisyon ni Dion.
"Nakita ko naman din kung paano lumaro si Dion. Saksi ako sa growth ng batang iyon, pero ang tagal ninyong nag-practice na magkakasama... mahirap magpasok ng player sa mismong tournament, hindi niya makakapa ang galaw ninyo." Naintindihan ko ang paliwanag ni Coach Russel. "But still, everything will be under managements's decision. Pare-parehas lang naman din tayong bayad para gawin ang role natin. Pero kung ako ang tatanungin, wala man si Dion o si Choji... alam kong kaya ninyo. You guys already exceed my expectation the moment na natalo ninyo ang AllStar PH."
Hinatid kami ni Coach Russel papalabas ng boothcamp. "Sige na, mauna na kayo. May mga practice pa kayo mamaya."
"Akala ko makakalusot na kami, Coach, eh." Biro ni Leon.
"Lulusot mukha ninyo sa akin. Sige na." Sabi ni Coach. Sumakay na kami ng service at dinala sa ospital kung saan naka-confine si Choji.
***
PAGKARATING namin sa ospital ay agad naman kaming nagtanong kung saang room naka-confine si Choji. Nasa isang VIP room siya sa fourth floor, may kaya naman din kasi ang pamilya ni Choji. Dahan-dahan binuksan ni Leon ang pinto para sana biglain si Choji ngunit napatigil siya noong marinig na kausap ni Choji ang mga magulang niya.
"Troy. You had done so much sa paglalaro mo ng Online games. Hindi ba ito ang tamang oras para mag-quit ka na?" Bakas ang concern sa boses ng Ina ni Choji. "Katawan mo na ang sumusuko. You guys became champion already. Isn't that enough achievement already?"
"Mom, ayokong masayang lahat nang paghihirap ko. Ngayon pa ba ako bibitaw, I am one step away from being a world champion."
"Pero anong kapalit? Buhay mo?" Her Mom asked at natahimik si Choji. "Hindi kami nangingialam sa pagiging professional player mo pero ibang usapan na ngayong na-o-ospital ka na dahil diyan. You can't play anymore. Kakausapin ko ang Lolo Dad mo, we will withdraw you in the tournament."
Ilang segundo naging tahimik ang silid. Nakatayo lang kami at hindi namin alam kung kailan kami papasok.
"Anak, you are doing online gaming for more than three years already. Isn't that enough? 'Yong mga anak ng Tito mo na kasabayan mo, they graduated already habang heto ikaw, napabayaan mo na ang pag-aaral mo dahil sa paglalaro mo. Hindi ba puwedeng ito naman ang tamang oras para umalis ka na sa professional league? I don't want to become an antagonist in your dreams pero hindi ko rin kayang makita ka na nakahiga dito sa kama na ito at nagkakasakit ka na." I kinda get it kung saan nanggagaling ang sinasabi ni Tita. On parents side, naiintindihan ko 'yon.
"Mom..." Maririnig ang pagsuko sa boses ni Choji. "Ako na ang kakausap kay Lolo Dad. I want to say it to him personally dahil malaki ang tiwala sa akin ni Lolo Dad."
"H-Hindi." Bakas ang inis sa boses ni Leon.
"Leon don't do it—" pigil ko ngunit huli na ang lahat. Malakas niyang binuksan ang pinto at napatingin ang mag-ina sa kaniya.
"Ganoon-ganoon mo na lang isusuko ang pangarap mo, Choji?!" He shouted.
Hinawakan ko ang kamay ni Leon at pilit pinapakalma. "Calm down, this is not the right time—"
"Hindi," nagpumiglas si Leon at mahina niya akong naotulak. Mabuti na lamang at nasalo ako ni Callie upang hindi mawalan ng balanse. "Ngayon mo pa ba kami iiwan Choji? Ito na, oh, parehas natin pinangarap 'tong lumaro internationally."
"Leon, alam kong kaibigan ka ni Troy pero wala kang karapatan na pagtaasan siya ng boses. He need some rest." Tita said.
"Tita, mahal ko po ang pamilya ninyo pero sobra naman po kayo na umabot sa puntong papaalisin ninyo si Choji. Hindi ninyo po nakita kung gaano kalaki ang isinakripisyo ni Choji para rito." Leon said
Akmang aawat ako ngunit pinigilan ako ni Callie. "Kailangan masabi ni Leon ang mga bagay na iyon." He said.
Nanginginig ang ibabang labi ni Leon at may luhang tumulo sa kaniyang mata. "Pangarap po namin 'to Tita. W-Wala po kayong karapatang diktahan ang kung ano ang kayang gawin at hindi dapat gawin ni Choji. Wala po kayong karapatan husgahan kung ano ang dapat tiisin at hindi dapat tiisin ni Choji. Huwag ninyong patayin 'yong passion ni Choji sa paglalaro."
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Coach Harris. "Anong nangyayari rito?!" He shouted.
"Harrison, kausapin mo 'yang mga players mo." Sabi ni Tita.
"Callie at Milan, ilabas ninyo muna si Leon." Doon kami kumilos ni Callie upang hatakin papalabas si Leon.
Umupo kami sa isang bleacher at pinagmasdan ang mga nurse at doctor na dumadaan sa hallway. "Sorry, nadamay pa kayong dalawa." Leon said habang nakatulala lang sa kawalan na nakapamulsa. "But thank you for letting me to voiced it out."
Callie chuckled. "Kailangan din marinig ni Choji ang mga bagay na iyon."
"Naiintindihan mo naman ako, Callie, hindi ba?" Tanong ni Leon at tumingin siya kay Callie.
"Hmm." Callie pressed his lips. "Dati man noong panahong gusto na natin umalis sa paglalaro ay si Choji ang tumulong sa atin. He believed on our strength as a player. Inilaban niya tayo sa management noong muntik na tayong tanggalin."
"Muntik ka nang tanggalin, Callie?" Tanong ko. I mean, hindi ako makapaniwala... si Callie ang pinakamagaling na player na nakilala ko sa mundo ng Hunter Online.
"Oo, ilang beses akong tumatakas sa practice dahil sa sobrang pressure. I mean, they are building me as the best core that time. Umuuwi ako sa Ilocos mag-isa sa sobrang hirap pero sa tuwing umuuwi ako ay sinusundo ako ni Choji. Imagine that is a 12 hours bus ride from Manila para makarating sa Ilocos. Siya ang unang player naniwala na may maratating ako sa paglalaro. Hindi lang sa akin... lahat kami sa Black Dragon, Choji is a big part of our gaming journey." Napatango-tango ako sa paliwanag niya.
"It's like how Noah look up to you." Leon said. "Hindi lang namin Captain si Choji. Kung ano ang pundasyon namin sa paglalaro ay katuwang namin si Choji na bumuo nito."
Lumabas si Coach Harrison kasabay ang Nanay ni Choji. They talked for a couple of minutes before her Mom leave.
Coach Harris sighed at naglakad tungo sa direksyon namin. "Hindi ninyo ba ibibigay kay Choji 'yang dala ninyong prutas." He is pertaining sa bitbit naming prutas. "Gusto kayong makausap ni Choji."
"Coach, sorry." Sabi ni Leon kay Coach Harris.
"Huwag ka sa akin humingi ng tawad. I understand it. Mag-sorry ka sa Mama ni Choji." Sabi ni Coach at naglakad na kami papasok ng silid.
Nadatnan namin si Choji na nagse-cellphone. "Sorry kinailangan ninyong marinig iyon." He said at inilapag ko ang basket sa may maliit na table.
"Sorry rin, Captain." Leon said. "Pero anong desisyon mo? Aalis ka na sa paglalaro?"
"Kakausapin ko na si Lolo Dad bukas." Akmang magsasalita si Leon. "Hep! Bago kayo mag-react hayaan ninyo muna akong magpaliwanag. Tama naman si Mom, I already achieved so much in gaming. Sobra-sobra pa nga, eh. Hindi naman din ako magku-quit at baka magpahinga lang ako, nakita ninyo naman... lumalala ang kundisyon ko."
"Since we are chosen as the members of Yugto Pilipinas, I been pressuring myself everyday. Gusto ko mabantayan ang mga stats ninyo, gusto ko mapanood ang mga matches ng mga kalaban, gusto ko may bago tayong mga tactics sa laro... it's feel like I am constantly pressuring myself. Kaya ko rin siguro napabayaan ang sarili ko at bumalik ang kundisyon ko. Don't get me wrong, wala sa inyong nagpe-pressure sa akin. It just that... ganoon ko lang din kagustong manalo sa unang international tournament." Paliwanag ni Choji at tahimik lang kaming nakikinig.
"Ayon na nga, Captain... lahat tayo gustong manalo sa international tournament." Leon said.
"Pero kita mo naman," tinuro niya ang dextrose na nakatusok sa kamay niya. "Katawan ko na ang sumuko sa akin. And also, this is the first time na makita si Mom na grabe ang pag-aalala sa akin. Tama naman siya, I devoted my teenager life to gaming. It's time for me to move forward. Habambuhay ko pa rin naman dadalahin ang pagiging season three champion, walang makakaagaw sa akin no'n."
"If you will withdraw to the tournament, paano mo ipapaliwanag sa mga sumusuporta sa iyo 'yon?" Tanong ni Callie.
"Hindi ko rin alam. Bahala na." Sabi ni Choji. "Ikaw na ang bahala Milan. Kapag naging sakit sila sa ulo, sabihan mo ako at bibigyan ko sila ng malupitang sermon through call."
Ilang minuto pa kaming nag-usap-usap nila Choji. Bandang alas-tres ay nagdesisyon na rin kami umuwi dahil may training pa kami ng hapon. As much as we want to stay ay kailangan sundin namin ang mga schedule namin.
Naunang lumabas si Leon. Akmang lalabas na kaming dalawa ni Callie ngunit lumingon siya muli kay Choji.
"Choji, we do respect if you will withdraw in Yugto Pilipinas. Pero alam kong alam mo sa sarili mo na gusto mong lumaro. Don't you want to quit in gaming without any regrets and what ifs?" Tanong niya at napatigil si Choji sa pagbabalat ng orange. "Tutal naman nagpakatanga at sinuway mo na ang kundisyon ng katawan mo, don't you want to push your limit a little more? One last ride, kasama kami."
Lumabas na si Callie at naiwan kaming dalawa ni Choji.
"Tandaan mo, kung ano man ang maging desisyon mo, Choji. We respect that. Kung hindi man nila maintindihan ay ipapaintindi ko sa kanila." Biro ko at bahagyang natawa si Choji.
"Thank you, Milan." He said at kumain ng orange. "Ilang beses ka nang gumawa ng mga imposibleng bagay sa pro scene. Sana nga ay ang suwerteng dala mo ang magdala sa Pilipinas tungo sa kampionato." He smiled. "Sige na, sumama ka na kanila Callie, alam kong may mga training pa kayo."
Nagpaalam na ako kay Choji at bumalik na kami sa boothcamp para mag-training.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top