Chapter 193: Catastrophizing
X: #HunterOnline or mention me @Reynald_20
Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!
SUPPOSED to be ay isang malaking celebration ang ginagawa namin ngayon gabi. I mean, we are able to win against AllStar PH. Ang Season One champion ng Hunter Online, we managed to defeat the idols of all players. Pero hindi namin siya magawa.
Nakaupo lang ako sa isang bean bag habang nakatulalang pinapanood sina Larkin at Sandro na maglaro ng Dama (dahil hindi raw marunong maglaro ng Chess si Larkin). We are all worried sa kundisyon ni Choji ngayon, mabilis siyang isinugod nila Coach Harris sa ospital at hanggang ngayon ay wala pa rin sila sa boothcamp.
"Sana ay makabalik si Choji o kaya naman ay hindi siya ma-ospital ng matagal." Sabi ni Sandro at natawa siya sa reaksyon ni Larkin noong makadalawang kain siya.
"Tanginang 'yan, hindi ko nakita." Reklamo ni Larkin and do his moves. "Putlang-putla siya pagkatapos noong match, eh. Overfatigue din siguro dahil sa ginagawang mga plano at madalas na pagpupuyat. Pressure din siya na maging Captain ng Esports team na magre-represent sa Pinas, eh."
Up until now ay wala silang idea na may Chronic Nightmare Disorder si Choji. "Flight na natin sa Friday." Pagsali ko sa usapan nila. "Paano kung hindi maging okay si Choji by that day?"
Napatigil si Sandro sa kaniyang paglalaro. "Hindi ko rin alam, let us hope na gagaling si Choji. But let us also prepare ourselves with the possible outcome na hindi siya makakasama sa Singapore."
"This is a big game for Choji..." Malungkot kong sabi.
"Big game pala sa kaniya ba't hindi niya inalagaan ang katawan niya?" Biglang dumating si Callie na may hawak na canned coke at umupo sa katapat na Bean bag. "How can he manage to lead a team in international scene kung sarili niyang responsibilidad sa sarili niya ay hindi niya magawa?"
"Callie, hindi ginusto ni Choji ang nangyari." Suway ni Sandro sa kaniya.
Nagkibit-balikat si Callie at nag-focus sa pagse-cellphone. Mayabang man si Callie pero alam kong may pakialam siya kay Choji. Natatandaan ko ang sinabi niya na si Choji ang unang player na naniwala sa kakayahan niya kung kaya't gusto niya na katabi niya si Choji kapag naging world champion siya.
"Callie, nice game kanina." Puri ko sa kaniya at gusto kong ibaling sa iba ang atensyon ko.
"Hoy, kasama niya ako all the time, acknowledgment din naman sa akin, huy." Turo ni Larkin sa kaniyang sarili.
I rolled my eyes as a joke. "Oo na. Ang galing mo rin kanina, Oppa." I praised him and he flexed his biceps. Buwisit talaga.
"Paano mo nalaman ang point value ni DANominator kanina? Nanalo tayo dahil lumamang tayo bigla sa Allstar PH." Kuwestyon ko kay Callie.
Uminom si Callie ng coke at pinause ang pinapanood niyang match sa kaniyang iPad. "Actually, hindi ko alam ang point value niya. That time, we have 225 points at mayroon silang 250 points. Kung i-e-eliminate ko siya at 25 points lang ang point value niya, the game will end in tie. Kung mas mataas na points, paniguradong mananalo tayo. Wala tayong talo sa larong iyon."
Callie never fail to amaze me on how big his brain pagdating sa paglalaro. His decision-making, his actions, his plans, and his luck... grabe, deserved niya talaga ang title na strongest Hunter Online player in the Philippines.
Si Callie lang din ang nag-iisang player na champion noong Season 3 at champion din ng Season 4. He is really a gifted player. Pero siyempre hindi ko na sinabi sa kaniya ng personal ang mga bagay na iyan dahil baka pumalakpak na naman ang tainga at maramdaman ko na naman ang dalang bagyo ng mokong.
Napalingon kaming lahat noong makarinig kaming ingay mula sa pinto. Coach Russel and Coach Harris entered in the boothcamp. Napabalikwas kami at napatakbo tungo sa kanilang direksyon. "Coach, kumusta si Captain? Makakalaro pa naman siya 'di ba?"
"Makakasama naman siya sa Singapore?"
Pinaulanan na namin sila agad ng aming mga tanong. "He's condition is still under observation. Baka rin mag-stay siya ng ilang araw sa ospital. Sa ngayon, magpahinga na kayo. Masyadong maraming nangyari ngayong araw, drink your vitamins at huwag ninyong pagurin ang mga sarili ninyo." Advised sa amin ni Coach Russel.
"Yes, Coach." Isa-isa na kaming kumalas para bumalik sa kaniya-kaniya naming kuwarto.
"Milan, Callie, at Leon. Sa Meeting room muna kayo, may pag-uusapan lang tayo." Coach Harris said at nauna na siyang pumasok sa silid.
Nagkatinginan pa kami nila Leon pero mukhang alam na namin kung ano ang pag-uusapan sa loob—about Choji's condition.
"Ayon, principal's office pa nga." Biro ni Oli. Pinitik ni Callie ang kaniyang tainga. "Aray ko! Coach! Si Callie, oh! Nananakit!"
"Dumulas lang daliri ko, Coach." Ganti ni Callie at hinatak ko na siya papasok sa loob ng meeting room. Minsan talaga nagiging immature din 'tong mga 'to, eh.
Pagkapasok namin sa meeting room ay nakaupo na si Coach Harris sa kaniyang swivel chair at umupo naman kami sa couch. "Alam ninyo na pala ang kundisyon ni Choji matagal na?"
Ilang segundo kaming hindi nakasagot.
"Sumagot kayo." There's an authority with his tone.
"M-Matagal ko na po alam Coach since nasa Black Dragon pa kami," sagot ni Leon. "Sila Milan... they just recently found out."
"At walang nagtangka ni-isa sa inyo na sabihin sa amin ang tungkol kay Choji?" Seryosong tanong ni Coach Harris at napayuko ako. "Huwag ninyo akong niyuyukuan. Tumingin kayo sa akin."
"Are we not trustworthy enough para hindi sabihin ang bagay na iyon? Obligasyon namin kayong lahat ni Russel, at kapag may nangyaring masama sa bawat isa sa inyo ay sino ang haharap sa mga magulang ninyo? Kami! Tapos may ganito palang Chronic Night... Chronic..."
"Chronic Nightmare Disorder po, Coach." Tuloy ko.
"Kung ano man ang tawag diyan sa letseng 'yan!" Inis na sabi ni Coach Harris. "Bakit walang nagsabi sa amin?"
"I tried to, Coach. Pero pinigilan kami ni Choji." Sagot ni Callie. "Ang sabi niya ay kaya naman na daw niya at nagte-take na siya ng meds. Kung lumala man daw ay siya ang magsasabi sa inyo."
"Hindi niya nga sinabi! Lumala na, alam ninyo ba ang sinabi ng Doktor? Kinakailangan ni Choji ng mahaba-habang pahinga at may tiyansa na hindi siya makasama sa Singapore. There's a chance na hindi siya makalaro sa international scene dahil sa ginawa ninyong pagtatago at pagtatakip sa kaniya." Hindi kami nakaimik sa sinabi ni Coach.
"Alam ninyo na palang ganoon ang kundisyon noong tao tapos hindi ninyo pa sinabi sa amin? Parang pasan-pasan ni Choji ang lahat kaya katawan niya na ang bumigay." Napahilot ng sentido si Coach Harris. I totally get where his anger comming from, nagulat din siya sa nangyari at nakaka-stress ito para sa kanila lalo na't isang linggo na lang ay lilipad na kami papuntang Singapore.
"Sorry, Coach." Hindi namin sabay-sabay na sabi.
"Makakabalik po ba si Choji? He prepared for this tournament, hindi namin gustong masayang ang ilang buwan niyang pagsasanay para rito. He really helped all of us a lot, inayos niya ang teamwork na mayroon ang Yugto Pilipinas ngayon." Leon said.
Pangarap nila 'to. Kahit ako ay ayokong iwanan si Choji basta-basta.
"Kagaya nang sinabi ko kanina, he is still under observation sa ospital." Coach said to us. "Habang wala pa si Choji, Milan, can you be the Yugto Pilipinas Captain?"
"Temporarily po? Puwede naman—"
"For the entire tournament." Coach Harris continued at napatigil ako. Naptingin din sa akin sina Callie at Leon.
"Coach, kay Choji po 'yang posisyon na iyan. I don't want to take it away from him dahil lang wala siya rito o dahil na-ospital siya." Paliwanag ko sa kanya.
Hindi naman sa hindi ko kayang mag-lead. I have so much experience leading a team during my Orient Crown days. Ayoko naman na kuhanin 'yong posisyon na alam kong gustong-gusto ni Choji.
"That is actually management decision. Lolo niya ang nag-advise sa amin nito. We need to lessen Choji's pressure so that he can perform well para sa darating na tournament... kung makakabalik siya sa paglalaro." Coach Harris said.
"Nandito kami ni Larkin," Bulong sa akin ni Callie. "We will help you, don't worry."
"Pupunta pa rin kami ni Russel sa ospital bukas para bantayan si Choji, ikaw na ang bahala mag-report regarding sa practice, Milan." Coach Harris advised at napatango-tango naman ako. I kinda understand why they chose me dahil tama naman din sila, Choji is not in his best condition to lead the team. "Just prepare yourselves in worst case scenario na hindi makakasama si Choji palipad sa Singapore. You also may take rest, anong oras na rin."
Tumayo na kami at lumabas na ng meeting room. Before we go to our room ay nakita ko pa si Thaddeus sa may sala at nanonood ng mga matches sa ibang bansa.
Kumuha ako ng gatas sa frudge at naglagay sa isang baso. "Anong match pinapanood mo?" Tanong ko.
"Tournament sa Indonesia." Sagot sa akin ni Thaddeus.
"You also need to rest, Thad. Baka magaya ka pa kay Choji na ospital dahil sa sobrang pagpuwersa sa katawan. Our body condition is the most important right now, ilang araw na lang ay lilipad na tayo pa-Singapore." Paliwanag ko sa kaniya.
"I have the biggest error kanina sa match." Sabi ni Thaddeus sa akin. "Para akong rookie kanina na isinalang sa match dahil hindi hinog 'yong mga plano ko."
Napatigil ako. Umupo ako sa may katapat niyang bean bag. "Nagawa naman natin manalo. Having an error is unavoidable pagdating sa mga match. Ang importante ay paano tayo makaka-recover sa error." I explained.
Nahiya naman ako bigla dahil ako talaga ang nag-a-advise sa player na ilang taon nang naglalaro... Captain pa ng Daredevils!
"Ayoko lang maulit iyon." Thaddeus said. "I am just gonna watch some matches here for the meantime and reflect with my actions."
Uminom ako ng gatas. "Pero okay ka naman?" I asked.
"I am good, don't worry. Thank you for asking." Thad said at iniwanan ko na siya sa sala.
May kaniya-kaniya rin kasing way ang mga tao para i-baby ang kanilang mga sarili sa tuwing nakakagawa sila ng mga maling desisyon. It is Thaddeus method to make himself feel better and I need to respect that. Ayoko naman maging bida-bida na bato nang bato ng advise sa taong mas matagal na sa akin sa industriya.
He knew his error, he acknowledged it, and making an effort to avoid it in the future. That's enough.
Pagkaakyat ko sa kuwarto ay saglit lang ako naglinis ng katawan at ginawa ang night routine ko. After that, I wore my earpods at nag-facetime kaming dalawa ni Dion.
"Sorry late ko nasagot. How was your day? Kumusta ang training ninyo with Black Dragon? Panalo?" He asked while staring at my face.
"You wouldn't believe kung sino ang nakatapat namin kanina," his brows crunched because of confusion. "Hindi Black Dragon ang nakatapat namin kanina kung hindi ang AllStar PH!"
"Weh?" Kahit si Dion ay hindi makapaniwala at tumango-tango ako. "Ang suwerte ninyo gagi kayo! How's the experience? Makatapat pa lamang sila ay sobrang solid na, eh. Bihira na lang din sila makumpleto at hindi na rin sila nagko-compete sa mga National Tournament, eh."
Dumapa ako sa kama at pinatong sa gilid ang phone. "It was an amazing and pressuring experience for us. Kasi, hello, icon na sila para sa maraming players, 'no!"
"Sa bagay. So kumusta? Nagawa ninyo naman bang manalo?"
"We won naman." I said.
"Eh ba't parang hindi ka naging masaya sa resulta?" Dion chuckled as he inspected my expression.
"After the match ay may nangyari kay Choji. He is currently at the hospital." Sabi ko.
Kinuwento ko kay Dion 'yong mga nangyari at ang posibilidad na hindi makalaro si Choji sa international scene dahil na-overfatigue siya sa mga training.
"Are you scared na maging Captain ulit?" He asked. "As a person na kasama mo since Battle Cry, nakita ko ang kakayahan mo at kayang-kaya mong mag-lead ng isang professional team."
"Hindi naman ako takot at naintindihan ko naman din kung bakit gustong ipasa sa akin ng management ang responsibilidad dahil para sa kapakanan lang naman din ito ni Choji. Pero alam mo 'yon, iniisip ko rin kasi si Choji," kuwento ko.
"Hmm..." Dion slowly nodded.
"Baka kung anong isipin niya bigla dahil pinalitan siya ng management. Baka isipin niya ay incapable siya or hindi siya magaling. Imbes na makatulong sa kaniya ay makadagdag lang sa mental stress niya." I explained to him at na-gets ni Dion ang sinasabi ko. Ayoko lang ng mas malaking misunderstanding in the future.
"Alam mo, trabaho na 'yan ng management na ipaunawa sa kaniya ang naging desisyon nila. Labas ka na doon o wala ka nang kasalanan patungkol doon." Sabi ni Dion sa akin. "Kung gusto rin makabalik ni Choji sa paglalaro, he should follow the management advise kasi alam nilang makabubuti iyon sa lahat ng players." Dugtong pa ni Dion.
"Buti na lang at nandiyan ka. Somehow may napagsasabihan ako ng mga cents ko sa mga nangyayari." Niyakap ko ang unan.
"My pleasure, Boss Madam." Kunwari pang nag-bow si Dion sa camera.
"Chika mo."
"Ayan ka na naman sa chika mo." He said while mimicking my tone. "Nga pala, kailan pala flight mo niyan, anong oras?"
"Sa Friday. 11AM ang flight namin so kailangan maaga kami sa airport. Nakakatakot pa naman ang mga offload-offload issue sa immigration." Paliwanag ko sa kaniya dahil iyon ang madalas kong laman ng news at sa social media. "Bakit?"
"Punta ko diyan sa Tagaytay, mga Wednesday? Free ka ba no'n? Or kahit magkita na lang tayo pagkatapos ng practice mo. Walang kaso sa akin." Sabi niya.
"Agad-agad?!" I asked at natawa si Dion. "Well, ipapaalam ko na lang kanila Coach na dadalaw ka. Pero paano 'yong mga inaasikaso mo diyan sa Nueva Ecija?"
"Ano ba naman 'yong isang araw na pahinga 'di ba? Hindi rin ako makakasama sa Singapore kung kaya't baka magkita na tayo after international tournament kung kaya't sulitin na natin kahit papaano 'di ba?" He asked at napangiti naman ako. I suddenly looked forward to Wednesday.
"What do you want to do ba this Wed?" Tanong ko sa kaniya. "Gusto mo bang pumunta sa mga tourist spot dito sa Tagaytay? Or gusto mong dalhin kita sa mga secret places na lowkey hindi pa pinupuntahan ng mga turista?" Tanong ko sa kaniya. Kakasama ko kasi kanila Larkin at Callie ay ang dami kong restaurant and coffee shop na napuntahan dito sa Tagaytay na hidden gems sa mga typical turista. The two of them loves to discover new places din, eh.
"Let's do the usual." He said while smiling at unti-unti rin akong napangiti. Gusto ko rin ang idea na iyon.
Ang usual kasi namin ginagawa ni Dion ay mag-roadtrip lang sa buong area at kung saan namin maisipan kumain o kung ano ang makita naming restaurant kapag gutom na kami ay doon na kami kakain. Spontaneous ride.
"I liked the idea." Sagot ko sa kaniya.
With that, gusto kong mag-enjoy kahit papaano bago magsimula ang laban namin internationally.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top