Chapter 192: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH II

X: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!

MAGKASAMA kaming dalawa ni Archimerus (Noah) at pinag-iisipan ang mga susunod naming hakbang para makakuha ng puntos. Lamang ang AllStar PH sa amin ngayon ng 50 points. The game still have 20 minutes bago maubos ang timer.

Isa pang inaalala ko ay ang pagkakaroon ni Archimerus ng katumbas na 100 points. I mean he is a tank so parati siyang magpo-front sa laban pero sa oras na ma-eliminate siya sa laro ay mahihirapan na kami mahabol ang points ng kalaban ngayon.

Shachi (Choji): Before doing any risky move or doing an ambush. Inform ninyo muna ang buong team para ma-backup-an kayo ng kung sinong malapit sa location ninyo. We need to catch up sa points na lamang nila.

Ryota (Callie): Ako, plano kong pumitas. Heading R1.

Naxone (Larkin): Ako malapit ako sa area. Inform me if you are planning to attack someone para makapag-cast ako ng skill.

Ryota: Sino ka? 'Di kita kailangan.

Naxone: Tanginamo.

Napailing ako sa kawalang kakuwenta-kuwentang sinasabi ng dalawa. Knowing them, sigurado naman ako na magtutulungan 'yang dalawang 'yan. Callie and Larkin already created a great tandem since our Orient Crown days. Alam na nila ang galawan ng isa't isa.

"Dito na lang ba tayo, Captain?" Tanong sa akin ni Archimerus habang nakadukdok sa lamesa na parang bata. "Kanina ko pa gusto lumabas at makipagbakbakan. Iiwan kita dito." Reklamo niya pa.

"Kailangan lang natin mang-ambush ng kalaban," Sumilip ako sa bintana at tahimik ang parte ng mapa na ito. "Anytime ay paniguradong may madadaan dito na member ng AllStar PH. And we will grab that opportunity para ma-eliminate iyon." I said to him.

"Paano kung walang dumaan, Captain?" He asked. Kulit ng batang 'to, sinabi ko na sa kaniyang hindi na ako ang Captain ng Yugto Pilipinas. Baka ang disrespectful no'n pagdating kay Choji because he is the designated Captain of the team. "May oras lang ang match na ito. Hindi naman tayo puwedeng mag-abang lang dito ng ma-a-ambush hanggang matapos ang match? Sayang 'yong mga points na puwede nating makuha."

Archimerus has point.

Saglit akong nag-isip. "Let's stay in this area for five minutes. Kapag walang dumaan kahit isa galing sa kabilang team ay aalis na tayo. Pero sigurado akong may dadaan dito sa area na 'to." I assured him.

His brows crunched. "Paano mo nasigurado?"

"Lamang ang AllStar PH ngayon. Sigurado ako na iniiwasan din nila ang mga clash sa buong area. They are just running hanggang maubos ang oras. Kaya sigurado ako na anytime ay may mapapadaan dito." I assured to him.

Shiver (Milan): Me and Noah are planning for ambush in R3. No need for backup.

"Ako na ang bahalang umatake. Kung binalak noong kalaban na tumakas, harangan mo ang possible route na dadaanan." I said to him and Archimerus nodded.

"Sa wakas, may aksyon na." Archimerus said at pumuwesto na kaming dalawa.

Lumabas na ako ng bahay na pinagtataguan namin at pumuwesto sa isang sulok na natatakpan ng mga malalaking kahon.

[AllStar_PH] Datz is eliminated by Ryota! Their team gained 25 pts!

Standing:
Yugto Pilipinas: 75 pts.
AllStar PH: 100 pts

Naxone: Syet ka, ang tagal nating hinabol, 25 pts lang pala 'yon.

Ryota: Atleast napaliit natin 'yong gap. Sino magaling? Si Callie.

Ryota: Enemy heading to R2. Possible na pumunta diyan sa R3. Shiver and Archimerus. Pa-ready kung sakali.

Wala pang isang minuto ay may kalaban ngang tumatakbo sa area na ito. He is a tank of AllStar PH— Sentai. Bawas na rin ang buhay niya dahil mukhang tumakas lang siya mula sa clash na naganap sa pagitan nila Ryota.

Tumingin-tingin ito sa paligid at isinisiksik ko ang sarili ko sa likod ng isang kahon. The moment that he grabbed a potion in his inventory ay saktong nilabas ko ang maverick ko at mabilis na itinutok sa kaniyang direksyon.

Freezing bullet.

I fired a bullet and make sure na tatama ito kay Sentai. Nabitawan niya ang hawak niyang potion. He was caught off guard kung kaya't hindi siya naka-gamit ng kahit anong defense skill.

The bullet hit him at nabalot ng iyelo ang sahig paakyat sa kanyang binti. The fact na tank siya at tumakas siya sa laban, maybe mataas ang point value niya.

"Archimerus!" I shouted at mabilis siyang kumikilos tungo sa direksyon ni Sentai. Hindi pa rin nawawala kay Noah ang pagiging fighter niya dahil sa liksi niyang kumilos kahit mabigat ang kaniyang armor.

Using his Jade hook. He slashed Sentai forward followed by a forward spin attack. Matapos no'n ay kinuwelyuhan niya si Sentai at ibinagsak sa lupa. Mabilis na naubos ang health bar ni Sentai at unti-unting naglaho sa game.

[AllStar PH] Sentai is eliminated by Archimerus! His points value is 75 pts!

Standing:
Yugto Pilipinas: 150 pts
AllStar PH: 100 pts

Shachi: Great job team! Lamang na tayo ngayon, umiwas na tayo sa mga clash at ubusin na lang ang oras. We still have 15 minutes, our goal is to stay alive hanggang maubos ang oras.

Archimerus: Yes, boi.

Naxone: Tanga, Captain mo 'yan.

Mabilis na kaming tumakbo ni Archimerus paalis sa lugar dahil paniguradong may backup na dadating mula sa kabilang team.

Shachi: Archimerus and Shiver avoid going to M3. Much safer if you will go to R2. Pero maging maingat pa din kayo sa mga galaw ninyo.

Shiver: Noted on that.

Mabilis ngunit maingat ang ginagawa naming pagtakbo ni Archimerus. Matataas ang gusali sa area na ito at maraming mga sira na saradong establisyimento. May mga posibleng surprise attack na maganap kung kaya't sa gilid kami dumadaan upang makapagtago kung sakali.

Lairus (Sandro): need assistance in M1. Dalawang members nila ang humahabol sa akin. All skill cooldown.

Guilt (Thaddeus): Malapit ako sa area. Fire a smoke gun so I will know your exact location.

"Mataas ang puntos ni Lairus." Sabi sa akin ni Archimerus and I checked the player list. Lairus points value is 75 points kung sakaling ma-eliminate siya ay malalamangan kami ng AllStar PH ng 25 points.

"God, maling desisyon ang smoked gun," Bulong ko sa aking sarili na narinig ni Archimerus.

Bago ko pa man sila masabihan na pangit itong desisyon ay nakapagpaputok na ng baril si Lairus. Isang pulang usok ang lumilipad sa kalangitan—it showed his location to everyone. Oo, makikita ni Guilt ang exact location niya... pero ganoon din ang kalaban.

"This is bad." Sabi ko. Akmang tatakbo ako patungo sa direksyon ni Lairus ngunit mabilis akong hinawakan ni Archimerus sa kamay.

"Captain, kapag pumunta ka doon ay baka mas maipit ka lang sa clash. Kailangan natin i-maintain ang lamang sa AllStar PH. Nakalimutan mo na ba ang command sa atin ni Shachi na umiwas na tayo sa mga clash at ubusin na lang ang oras hangga't maaari?" Concern na sabi ni Archimerus sa akin.

"Posibleng lahat ng members ng AllStar PH ay pupunta sa direksyon na 'yon ngayon at kapag naipit sa sitwasyon sina Guilt at Lairus... siguradong lalaki ang lamang sa atin ng kabilang grupo. They are both worth 75 points. 150 points in total ang makukuha sa atin ng kalaban." Paliwanag ko sa kaniya. "It will widen the gap."

Shachi: Guilt and Lairus, Get out of that area immediately.

Mukhang napansin din ni Choji na wrong move ang smoke gun.

Shiver: We will be heading in R1. We will make sure that the area is safe para iyon ang maging escape route ninyo.

Nagmamadali kaming tumakbo ni Archimerus ngunit nabigla na lamang ako noong isang palaso ang muntik nang tumama sa akin. Mabuti na lamang at nasalag ito ni Archimerus. Napatingin ako kung saan nanggaling ang palaso.

[AllStar PH] Tatchan
Level: 49

"Hindi ninyo mapupuntahan ang mga kasama ninyo. They will be dead in that area." Sabi niya habang nakatingin pababa.

Tumingin sa akin si Archimerus. "Captain, sa likod mo!" He shouted. The moment he shouted ay mabilis naman akong yumuko upang maiwasan ang isang atake. I am almost hit by his Giant sword.

[AllStarPH] Ellion
Level 47

"Nice, dodged." Sabi ni Ellion at mabilis na kumilos ang kaniyang paa at malakas na tumama sa aking pisngi. Ramdam ko ang sakit at napagulong ako sa sahig.

"Captain!" Archimerus said akmang tatakbo siya tungo sa aking direksyon ngunit nagpakawala ulit ng mga palaso si Tatchan.

God, this is double ambush. Hawak nila sina Lairus at hawak din nila kami.

Sa pagkakataong ito ay pinapatunayan ng AllStar PH na hindi kupas ang mga taktika na mayroon sila. They are proving to us the strength of the season one champion in Hunter Online.

"Archimerus, hold mo muna! Inform ko lang teammates natin regarding sa situation natin." Sinabi ko sa kaniya at mabilis akong tumakbo tungo sa likod ni Archimerus.

"Copy, captain!" He answered while blocking both attacks from Ellion and Tatchan.

Shiver: Na-ambush din kami sa R1. Need assistance.

Shachi: On the way. Give me two minutes.

"Okay, palagan muna natin 'tong fighter nila." Sabi ko kay Archimerus. Hinawakan ko ang aking maverick and try to aim for Ellion but he easily block it using his giant sword.

"Susubukan kong atakihin siya, captain, once na makahanap ka ng perfect opportunity ay doon ka gumamit ng skill para bawasan siya." Seryosong sabi sa akin ni Archimerus at tumango ako. This is Noah's forte, ang makipaglaban ng one on one dahil galing siya sa pagiging solo player.

But the thing is, kailangan kong mabaling ang atensyon sa akin ni Tatchan. I fired three bullets in his direction and snapped my fingers. Nagkaroon malakas na pagsabog mula sa kaniyang kinatatayuan at unti-unting bumagsak ang establisyimentong kung saan siya nakapuwesto.

I already expected that he will be able to dodged it, hindi siya mahuhulog sa mga ganoong klaseng atake at nagpaulan siya nang sunod-sunod na palaso sa aking direksyon.

Nagawa kong maiwasan ang ilang mga palaso ngunit may ilan ding tumama.

Noong tuluyang bumagsak ang establisyimento ay nagkaroon na makapal na usok dahil sa mga debris. I took advantage with that fog, nagpakalat pa ako ng dalawang smoke bomb sa paligid upang mas lalong kumapal ito. In that way, hindi niya malalaman ang lokasyon ni Ellion.

Lairus is eliminated by [AllStar PH] Perxe! Their team gained 75 points!

Standing:
Yugto Pilipinas: 150 points
AllStar PH: 175 points

I breathed in and breathed out. Kalma, Milan, kaya mong matakasan ang sitwasyon na ito.

25 points is not a huge gap, mahahabol pa namin ito. Ang kaso nga lang, mag-isa na lamang si Guilt sa area na iyon at baka ma-eliminate din siya ng kabila.

Habang hirap sila makakita, I took that opportunity para balikan si Archimerus at tulungan. Mahihirapan si Tatchan na mapatama ang mga palaso niya sa kapal ng usok at alikabok. I just need to move swiftly para hindi niya malaman ang exact location ko.

Pinakinggan ko ang tunog ng mga nagtatamang weapon nila. Right side.

Ikinasa ko muli ang maverick ko at hinintay mapuno ang magic energy nito.

Shockwave.

I fired two bullets on the ground causing two burst fire come up on the ground— specifically to Ellion's direction. Hindi niya inasahan ang atakeng iyon dahilan para masira ang kaniyang depensa. Hindi sinayang ni Archimerus ang pagkakataong iyon.

He slashed forward para matamaan sa dibdib si Ellion at masipa ito sa mukha. Dahil nasira na niya ang composure ng laro ni Ellion ay alam kong kayang-kaya na ni Archimerus na tapatan ito sa one on one.

Nabigla na lamang ako noong may isang palaso ang tumama at bumaon sa aking kanang braso. A huge damage inflicted on my health bar. "Nakalimutan mo yatang nandito rin ako." Sabi ni Tatchan.

"Actually, hindi. But I want to tell to you that baligtad na ang sitwasyon natin ngayon." I smirked to him at saktong lumabas mula sa makapal na alikabok si Shachi.

"Hello." Sabi nito kay Tatchan. Shachi performed a series of quick slashes using his claws. Hindi niya binigyan ng opportunity si Tatchan na makatakas o makabunot man lang ng palaso.

Mabuti na lamang at sinabihan kami ni Shachi na pupunta siya sa area na ito. I just trust his words kung kaya't nag-buytime lang ako. This is not my battle alone kung kaya't malaki ang tiwala ko sa mga kakampi ko.

Ikinasa ko ang maverick ko at itinutok rin kay Tatchan.

Chaos Beam.

Lumaki na animo'y isang malaking isang shotgun ang macerick na hawak ko. I pulled the trigger at limang magkakasabay na bala ang lumabas mula rito. Tumama ito kay Tatchan at umagos ang dugo mula rito. I watched his health bar na maubos hanggang sa unti-unti siyang maglaho sa game.

[AllStar PH] Tatchan is eliminated by Shiver! Their team gained 25 points!

Standing:
Yugto Pilipinas: 175 points
AllStar PH: 175 points

"Pantay na ang score natin. Huwag tayong magpakampante at focus lang sa game." Bilin sa akin ni Shachi.

"Yes, Captain." I answered.

"Tutulungan ko si Archimerus sa clash. You should heal yourself for the meantime. The moment we are able to eliminate Ellion ay lalamang na rin tayo." He advised at doon ko lang napansin ang health bar ko na halos maubos na rin. Nagtago ako sa likod ng isang malaking tipak ng bato at uminom ng healing potion.

Unti-unting nawawala ang mga sugat at gasgas sa aking balat habang tumataas ang buhay ko.

I checked the time and we still have five kinutes bago matapos ang match.

[AllStar PH] Ellion is eliminated by Shachi! Their team gained 50 points!

Standing:
Yugto Pilipinas: 225 points
AllStar PH: 175 points

"Nice one!" Napasuntok ako sa ere noong mapalaki namin ang gap ng score namin.

Sachi: Let's maintain this huge gap already! Wala nang magpapapatay! Five minutes before the match ends. Umiwas na lang kayo sa mga clash.

Shiver: Yes, Captain!

Matapos nila na mapatay si Ellion ay nagmamadaling lumapit sa akin si Archimerus. "Okay ka lang, Captain?" He asked at tinulungan niya akong makatayo. "Mabuti na lang at dumating si pekeng Captain kung kaya't nabaliktad natin ang laro.

"Archimerus, siya na ang original Captain ng Yugto Pilipinas." I answered to him.

"Luh. Pakialam ko diyan, para sa akin ikaw ang best among the best na Captain." Nailing na lang kaming dalawa ni Shachi.

"You should stick together upang maprotektahan ninyo ang isa't isa. Again, hindi na natin kailangan makipaglaban. Uubusin na lang natin ang oras." Sabi ni Shachi at nagmamadali nang umalis.

"Kailangan na rin natin umalis dito." Sinabi ko kay Archimerus at tumakbo na kami sa kabilang direksyon. All we need to do is to find a perfect hiding spot and burn the remaining minutes.

Four minutes remaining 'till the match is over.

Maingat ang ginagawa naming paghakbang ni Archimerus. "Captain!" Sigaw niya at nagulat na lamang ako na may bumubulusok na fireball ang lumilipad tungo sa aming direksyon.

Mabilis akong hinatak ni Archimerus papunta sa kaniyang likod at sinalak niya ang atakeng ito. Hindi ganoon kalaki ang bawas nito kay Archimerus dahil mataas ang magic defense nito.

I immediately opened my inventory at kumuha ng dalawang smoke bomb. I throw it in the places nearby at uni-unting kumapal ang usok. Ilang pagsabog pa ang naririnig namin at damang-dama namin ang pagyanig ng lupa dahil sa impact nito.

Yumuko kami at hinatak ko si Archimerus upang maiwasan ang ginagawang pag-atake ng mga kalaban. Binasag ko ang bintana ng isang maliit na establisyimento at pumasok kami sa loob. "Kayang-kaya natin i-eliminate 'yong mage nila, Captain. Mukhang mag-isa lang."

"No. We should stick with Shachi's plan." I said to him.

Guilt is eliminated by [AllStar PH] MilimNava! Their team gained 75 points!

Standing:
Yugto Pilipinas: 225 points
AllStar PH: 250 points

Parehas kaming nagulat sa announcement na umalingawngaw sa paligid. Nagawa nilang ma-eliminate si Thaddeus sa laro. This point system really turns the table around, kanina lamang ay leading na kami at sa isang iglap ay lamang na ang AllStar PH.

Tumingin si Archimerus sa akin. "Stay put pa rin ba tayo rito?" He asked after the announcement.

Two minutes remaining.

"Gawin na natin ang plano mo." Sabi ko sa kanya at nagmamadali kaming lumabas sa pinagtataguan namin. Inikot ko ang paningin ko kung saan nanggaling ang pagsabog kanina.

It was from an 8th floor building few blocks from our direction. "I am pretty sure na hindi pa siya nakakalayo. Block the possible exits at ako ang mag-isang papasok sa itaas upang i-check ang mga kuwarto."

"Copy, Captain." Sagot ni Archimerus sa akin at nagmamadali akong umakyat sa ikalawang palapag. I opened and checked each room para masigurado kong nandito ang mage nila sa building pa na ito.

One minute remaining.

Tumatagaktak na ang pawis ko at nagmamadaling umakyat sa ikatlong palapag.

Shachi: Nice game team, we did our best.

Shiver: kaya pa 'to.

Hindi ako tumitigil sa paghahalughog sa buong lugar. We still can win. 25 points lang ang gap ng kalaban sa amin. Sa oras na mapatay ko ang mage nila ay mababago ko pa ang takbo ng laro.

"Kaya pa 'to." Umakyat ako sa ikaapat na palapag at binuksan ulit isa-isa ang mga kuwarto.

Thirty seconds remaining.

Humihingal akong napatingala sa kisame. Ang takbo ko kanina ay naging lakad na lamang. "Wow, hindi pa rin pala enough ang teamwork namin para mahigitan ang season one champion." I said to myself. I know this is just a practice game with the original champions pero ang sakit pa rin sa ego na ginawa namin ang best namin as a team but it wasn't enough.

Fifteen seconds remaining.

Umupo na lamang ako sa isang baitang ng hagdan. "Good game." I smiled to myself.

Ten seconds remaining.

[AllStar PH] DANominator is eliminated by Ryota! Their team gained 50 points!

Standing:
Yugto Pilipinas: 275 points
AllStar PH: 250 points

Nabigla ako sa huling announcement na umalingawngaw sa buong paligid. Napakapit ako ng mahigpit sa hagdan. What did just Callie did? Nagawa niyang ipanalo ang laban na ito?!

Three...

Two...

One.

Match is over! Yugto Pilipinas just won against AllStar PH!

PAGKATANGGAL ko ng nerve gear ko ay malakas na nagsisigawan ang mga ka-team ko sa nangyaring pagkapanalo namin. Ako? Nakaupo pa rin ako sa inclining chair at hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa namin manalo sa atitirang ilang segundo ng laban.

"Good game." Nabalik ako sa aking huwisyo noong nakatayo na sa tapat ko si Sir Theo at inaalok ako ng shake hands.

"Nanalo kami, Sir." Sagot ko at hindi ko mapilan na maluha. We just won against the original champions of the game.

"Well, Callie made a mircale for the team... again." Sabi ni Sir Theo sa akin at napatingin ako kay Callie. Our teammates are hugging him tightly at ginugulo ang buhok nito.

"Pakyu kayo, ang bigat ninyo lahat kahit kailan." Callie said sa pagitan ng kaniyang pagtawa.

"Mukhang ready na kayo para sa international tournament. Flight na lang ang kulang." Sabi naman ni Coach Russel sa amin.

Lumapit ako kay Callie. "Ang galing ng ginawa mo, Callie, last minute ay naipanalo mo ang match kanina." Pagpuri ko. Wala akong pakialam kung yabangan niya ako ngayon dahil deserved din naman niya ng papuri ngayon.

"Baka Callie 'to! Una pa lang naman ay alam kong mananalo na tayo." Callie said to me and my brows crunched. "Kalagitnaan pa lang ng game ay bihag na namin ni Larkin si Danominator. Hindi lang namin siya agad pinatay para makampante ang AllStar PH na panalo na sila. Meaning, panalo talaga tayo kanina pa. Hindi tayo last minute nanalo." Yabang ni Callie sa akin.

I am just amazed on his capability as a gamer.

Choji clapped his hands at naptingin kaming lahat sa kaniya. Pawis na pawis si Choji siguro marahil ay sa pagiging intense ng laban.

"Congrats team. You all did a great... job." Nagulat kami noong unti-unting bumagsak sa sahig si Choji at nawalan ng malay.

"Captain!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top