Chapter 19: Facetime

NAGISING na lamang ako na ang daming reactions ng friends ko sa My Day ko. I only have more than 400 friends on Facebook and naka-private din ang account ko so ang unusual para sa akin na makatanggap ng ganito karaming notification. Kagabi kasi au natulog na ako dahil sa pagod at hindi na ako nakapagbukas ng Social media at hindi na rin ako nakapag-open sa Hunter Online.

Rhian Magtalas: Sana all nakaka-hangout si Dion!! (Kaklase ko sa Psychology class last sem.)

Rosalinda Plameño: BF mu va un Milan? (Tita kong nasa Dubai.)

Shannah Esguerra: Hoy bakla! Ano 'yan!

Ang dami ko pang nabasa na chat at mostly sa mga guy friends ko at tinatanong nila kung si Dion talaga iyon. Siyempre, mahilig sila sa games kung kaya't aware sila sa kung sino si Dion.

Wala pang ilang minuto ay tumawag na agad si Shannah sa akin. I answered the call immediately. Grabe, parehas pa kaming may muta-muta pa at bagong gising pa lang. "Bakla ka! Ano 'yon, ha? Saan kayo galing ni Dion?!" Sigaw niya.

"Shannah, ang lakas ng boses mo. Umagang-umaga," natatawa kong komento at umupo sa kama. Ipinatong ko sa maliit na cabinet ang cellphone at isinandal sa lamp para makita pa rin ako sa video. Nag-headband muna ako ng buhok since ang gulo niya sa umaga.

"Wala akong pakialam! Mas concern ako sa kalandian ng bestfriend ko!" Sigaw niya ulit at napatawa ako. She leaned and hugged a pillow. "So, bakit nga kayo magkasama ni Dion?"

"He went to our house yesterday," I explained.

"E 'di nakita siya nila Tita?"

"Si Dad lang." She hugged her pillow tightly at kinagat-kagat pa. "Para kang tanga. Inaya niya lang ako na pumunta sa Boothcamp ng Battle Cry. Kinukuha pa rin nila ako para maging player sa team nila." I explained at bumangon na ako sa kama.

"Hindi ka man lang na-starstruck? Nakita mo si Dion! Nakasama mo si Dion!" She shouted.

Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa kitchen. Saktong nag-a-almusal sila Kuya, ipinakita kong ka-call ko si Shannah at kumaway naman silang dalawa.

"I saw all the members of Battle Cry. Siguro dahil na rin sa pagiging walang ideya sa mga players ay nakausap ko sila ng maayos at hindi ako naging awkward. They are cool." I explained.

"Alam mo, crush# 6 ko si Dion pero sige, pinapalaya ko na siya. Mapagbigay naman akong kaibigan." Parehas naubo sina Kuya London at Brooklyn, matalim silang tumitig sa akin pero inirapan ko lang sila.

"Wow, may mahabang listahan ka ng crush," natatawa kong sabi.

"Siyempre! Libre lang magka-crush kung kaya't dadamihan ko na! Number One ko pa rin talaga si Park Seojun." Maging sila Kuya ay naiiling na napangiti. Mga tsismoso. "Ay nga pala, tulungan mo ako mamaya magpalevel sa game. Nag-iipon din ako ng gold para makapagtayo ng cafe sa game."

"Mga anong oras?"

"Around 3? Basta! Mag-online ka ng mga ganyang oras. Sige na, mag-almusal ka na!" She ended the call at sila Kuya naman ang hinarap ko.

Naglagay ako ng Milo sa bowl at Koko Crunch pero nakatingin pa rin sila Kuya. "Bakit ganyan kayo makatingin?" Naglagay na ako ng mainit na tubig sa pagkain ko at hinalo ito.

Umupo ako sa tabi ni Kuya London.

"'Yong player ninyo, service ko lang." Kuya London imitated my voice na naka-My day sa facebook ko. "Pumasok lang kami sa trabaho, tapos nakarating ka na ng Boothcamp ng Battle Cry?"

"Kailan pa kayo nagkakilala ni Dion?" Seryosong tanong ni Kuya Brooklyn.

"Nagkakilala kami sa..." Napatigil ako. Hindi ko puwedeng ikuwento sa kanila 'yong awkward na first meet namin ni Dion. "Sa mall. Nakilala siya ni Shannah, nagpa-picture. Doon kami unang na-introduce sa isa't isa." Somehow, totoo naman ang kinuwento ko.

"Eh bakit nakarating kang Boothcamp nila?" Kuya Brooklyn asked.

"Pumunta siya rito kahapon, pinaalam niya ako kay Dad." I rolled my eyes at nagtinginan silang dalawa.

"Na-meet niya si Dad?" Tanong ni Kuya London. "Awit, tapang."

"Pumunta lang kami sa Boothcamp para manood ng practice match nila. Then he introduced me to the players and the management." Paliwanag ko.

"Bakit niya naman gagawin iyon?"

"Oh, I forgot to tell you. Kinukuha ako ng Battle Cry na maging player ng Team nila." Napatigil sa pag-inom ng kape sila Kuya. "Okay lang kayo?"

"Sigurado ka ba?!" Kuya London asked. "I mean, hindi naman ganoon kalakas na team ang Battle Cry pero 'yong fact na kinukuha ka ng Professional team. That was amazing, proud brother here." Sinuntok pa ni Kuya ang kanyang dibdib.

"And what is your answer?" Iba ang reaksyon ni Kuya Brooklyn patungkol dito. He is more serious and more curious.

"I declined the offer." Sabi ko.

"Wala naman kaming balak mangialam ni London kung gusto mong maging Professional player," Kuya Brooklyn said at nakinig naman ako sa kanya. "If ever you want to become one, full support naman kami same as mom and dad. Pero mahirap 'yan panigurado."

"Oo nga, ibabalanse mo pag-aaral mo tapos training. Knowing you, ang dami mo ring gustong gawin sa buhay." Dugtong pa ni Kuya London.

"Yup, I understood mga Kuyas. That's the reason why I declined the offer. Hindi ko kaya 'yong maraming ginagawa." Nagpatuloy kami sa pagkain.

"Eh bakit kailangan mong i-my day si Dion? Hindi ka pa nakuntento, nasa IG story mo pa." Hindi pa rin talaga tapos si Kuya London. Mapaggawa ng issue, mapaggawa ng kakabuwisitan niya.

"Because that's only once in a lifetime experience! Hindi naman ako araw-araw makakasama ng isang pro player at makakapunta sa boothcamp nila. Issue ka." Reklamo ko.

"Issue daw." Nag-makeface pa si Kuya London.

Padabog kong ibinagsak ang kutsara sa lamesa. "Eh ba't ikaw?! Lahat ng naging jowa mo, pinakilala mo na kanila Mom tapos ang ending maghihiwalay din kayo?"

"Shhh. Tigil na, kumain na kayo." Suway ni Kuya Brooklyn.

Dumila pa nga si Kuya London at inirapan ko siya. Isip bata talaga kahit kailan.

Kunwari pang inis si Kuya London kay Dion eh panay ang tanong niya kung ano ang hitsura ng Boothcamp at kung magagaling daw ba talaga anh players sa Battle Cry. I explained to him na parang dormitory ang boothcamp nila and ang fun lang ng atmosphere

***

KINATANGHALIAN ay nagbabasa lang ako ng self-help books on how to handle stress. Mamaya-maya lamang ay mag-o-online na ako para tulungan si Shannah sa mga quest niya. May usapan din kami nila Clyde na pupunta na kami sa ibang town since tapos na namin ang lahat ng quest sa Silanya Town.

Naputol ang pagbabasa ko noong mag-ring ang cellphone ko. "Ang kulit naman ni Shannah-"

Dmitri Onyx Villanueva calling...

"Bakit naman 'to tatawag sa akin?" Mahina kong bulong at nag-ipit ng bookmark sa librong binabasa ko.

Ilang minuto kong tiningnan sa screen ng phone ko ang call request ni Dion bago ito mawala. "May naiwan ba ako sa Boothcamp nila?" I curiously asked myself.

Makalipas ulit ang ilang segundo ay tumawag siya ulit.

I fixed my hair at umayos nang pagkakahiga sa kama. I accepted the call request. Baka mamaya ay may naiwan nga ako sa Boothcamp na importanteng bagay.

Instead na si Dion ang makita ko sa screen. Mukha ni Oli ang nakita ko, nakalapit sa mukha niya ang camera habang nakangiti.

"Oli!" I greeted him. Alam ninyo 'yong feeling na para kang laging nakakakita ng baby kapag nakikita mo si Oli? Bunso kasi siya sa Boothcamp (He is just 15). Ang ball of sunshine pa ng radiant niya kaya nakakaaliw ang presence ni Oli.

"Kumare!" Bati sa akin ni Oli habang sine-setup niya sa table 'yong cellphone.

"Bakit nasa sa 'yo 'yong cellphone ni Dion? Wala ba siya diyan?" Tanong ko.

"Ah naliligo. Gavin!" Tinawag niya si Gavin at sumiksik sa kamera si Gavin para makita ko. "Mag-hello ka kay Kumare."

"Hello, Milan!" Gavin greeted me and I waved back.

"Bakit kayo tumawag?" Tanong ko.

"Kailan ka babalik sa Boothcamp?" Oli asked, bakit ang bilis ng internet nila sa Boothcamp? Hindi man lang siya nagla-lag sa call namin. "Dapat kasi nagpakuha ka na kay Sir Greg, eh."

"Tangina neto, pinipilit si Milan maging member." Narinig kong reklamo ni Gavin. "Tanga kapag nakuha si Milan, bangko ka na. Wala ka na sa lineup."

"Joke lang pala 'yon, Milan. Stay put ka lang kung nasaan ka. Ayokong maging substitute player." Lagi talaga nilang binu-bully si Oli since siya ang bunso sa barkada nila. "Anong ginagawa mo?" He asked curiously at lumapit na naman ang mukha niya screen na parang makikita niya ang buong room ko kapag ginawa niya.

"Nagbabasa lang," pinakita ko 'yong librong binabasa ko. "Nangungumusta ka lang kaya ka tumawag?" He nodded. "Akala ko may nakalimutan ako diyan, eh."

"'Yong contract mo naiwan mo." He said again.

"Baliw." I answered.

"Kahit hindi mo tinatanong kung anong ginawa ko, kuwento ko na rin sa 'yo. Kakatapos lang ng practice namin tapos kumain kami noong masarap na ice cream... Ano nga ulit tawag doon... Gavin! Anong tawag sa Ice cream na kinain natin kanina? (Melona!) Ayon! Melona daw. Sarap pala no'n." Feeling ko kahit daldalin ako ni Oli maghapon, okay lang.

"Gusto ko ulit tuloy kayo makita," nagmalungkot akong boses.

"Sad girl yan?" Tanong ni Oli at napatawa ako. "Mayroon na sinalihan na competition 'yong ibang members ng Battle Cry sa Malolos... Punta ka! Pupunta kami para manood."

"Kailan ba?" Tanong ko.

"Wait lang... Gavin! Kailan 'yong contest sa Malolos? (Sa Sabado! Putangina ka, lagi ka na lang walang alam!) Ayon, sa Sabado raw. Punta ka, ha! Tour mo kami." Pagpupumilit niya at nilapit niya ulit ang mukha niya sa screen.

"Try ko."

"Awit, punta ka naaa!" He cutely said.

"Magsasama ako ng friends, okay lang?" I am pretty sure that gusto rin silang makita nila Clyde.

"Sama mo pa buong angkan mo, okay lang. (Ay putangina, Oli, bakit nasa sa 'yo 'yang cellphone ko?!) Kausap ko si Kumare." Umalog 'yong phone and in a snapped ay mukha na ni Dion 'yong nasa screen.

Basa pa ang buhok nito at pinupunasan niya ng towel ang kanyang buhok. "Hey sorry. Dapat talaga hindi ko na iniiwan 'yong phone ko dito kapag nandito si Oli, eh." Nahihiya niyang sabi.

"Bakit?! Sabi mo ayaw mong tawagan si Milan kanina kasi wala naman kayong pag-uusapan? Ako, kahit wala kaming pinag-uusapan, tinawagan ko pa rin si Kumare." Natatawa ako sa pagtatalo nila lalo na dahil halat naiinis si Dion.

"Oli, inistorbo mo 'yong tao. Gago ka talaga." Hinampas ni Dion 'yong basang towel kay Oli. Narinig ko pa ang pagdaing ni Oli sa kabilang linya. Muling nag-pop sa camera 'yong mukha ni Dion habang inaayos ang kanyang buhok. "Sorry talaga." Ulit niya.

"Okay lang. Akala ko kasi may naiwan ako diyan." I answered.

"Wala naman." Kumamot sa kanyang batok si Dion. "May sinabi bang kabobohan sa 'yo si Oli?"

"Wala naman. He just invited me na manood ng game sa Sabado. Small tournament daw." I explained to him.

"Oh, tuloy pala tayo doon, Oli?" Bumaling ang tingin ni Dion kay Oli.

"Luh? Sabi mo wala kang balak sumama?" Sagot ni Oli.

"Bingi ka na." Sagot ni Dion. Bumalik ang tingin niya sa camera. "So, see you na lang sa Saturday?" He asked. "Sorry talaga sa pagtawag ni Oli."

"Okay lang. Miss ko rin kadaldalan nila ni Gavin. See you sa Saturday!" Tiningnan ko ang oras at malapit nang mag-alas tres. "Sige na, end call ko na. Mag-o-online pa ako."

"Sige. Kapag magpapatulong ko sa quest, chat mo lang kami sa game."

Nag-okay sign ako at in-end tawag. After kong makipag-usap sa Battle Cry members ay nag-online na ako sa Game para tulungan si Shannah.

------

Author: Unlike School War Online na 50% real world and 50% game world... Iba dito sa Hunter Online, 70% sa real world and 30% sa game world. ☺️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top