Chapter 189: Solid as Diamond

X: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you.

PAULIT-ULIT kong pinagmamasdan ang litrato na sinend sa akin ng unknown number habang nakahiga sa kama. I mean may mga litratong hindi naman talaga magkatabi sina Dion at Trina at minsan ay nasa magkabilang dulo pa nga ng group picture. 

Pero hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi sinabi ni Dion ang tungkol dito? I do not see any reason para itago ito. Alam naman din ni Dion na malaki ang inis ko kay Trina sa pagsubok nitong lumapit sa kaniya.

"Milan, kalma." Pagkausap ko sa sarili ko. I breathed in and breathed out. "Hindi nakaka-mature ang pagja-jump in conclusion. Mag-uusap kayong dalawa ni Dion mamayang gabi, siya ang tanungin mo tungkol dito." Dugtong ko pa.

May kumatok sa pinto ko at bumungad dito si Callie. "Naks problemadong-problemado pa rin, ah." May binigay siyang maliit na box sa akin. "Cheesecake, mula sa pogi mong kaibigan (pertaining to his self). Para naman ma-good mood ka kahit papaano."

"Anong flavor?" Tanong ko.

"Strawberry siyempre." He answered.

"Argh, blueberry pa naman ang cravings ko." Pabiro kong reklamo.

"Ay thank you, ah." Sarkastiko nitong sabi sa akin. "Ako na nga nakaalala sa 'yo ay ako pa ang mali."

"Saan mo 'to binili?" Tanong ko.

"Sa Starbs. Diyan sa Hiraya. Tanginang Hiraya branch na 'yan. Overhyped, dami-daming starbucks sa Tagaytay ang haba-haba ng pila." Reklamo niya.

"Bago kasi tapos na-hype sa social media." I explained. Pero totoo, lahat ng starbucks dito sa Tagaytay ay may overlooking naman ng Taal pero ang Hiraya ang bukod tanging saksakan ng haba ng pila.

Umupo ako sa kama at kinuha ang plastic spoon para masimulan kainin ang cheesecake. Si Callie naman ay umupo sa swivel chair, if I know ay nagpapa-aircon lang 'tong kurimaw sa kuwarto ko. "Nakausap mo na si Thaddeus?" he asked.

"Yup, we patched things up. I mean, sa side ko, feeling ko naman nagkaayos na kaming dalawa. Ewan ko lang kay Thaddeus dahil binabalak niya rin umalis ng grupo." Paliwanag ko.

"Hindi aalis 'yang gagong 'yan. Under contract 'yan, pumirma 'yan sa Yugto Pilipinas. Breach of contract kapag bigla siyang umalis." Confident na sabi ni Callie.

"Malay mo naman may pambayad."

"Kahit na! Papangit ang tingin sa kaniya ng committee ng Hunter Online. Masisira reputasyon niya sa pinaplano niya. Kaya hindi aalis 'yan, magtiwala sa akin." He flexed his biceps na hindi ko naman alam kung ano ang kinalaman sa pinag-uusapan naming dalawa.

Hindi ko alam kung i-o-open up ko kay Callie ang tungkol sa mga pictures na natanggap ko o hindi. Sure din naman ako na marami ring iniisip si Callie. Lalo ngayon, kababalik lang nila sa boothcamp galing sa meeting. Paniguradong pagod din 'to.

"Callie..."

"Hmm?" He asked habang umiinom ng Caramel Macchiato niya mula sa Starbucks.

"Sa tingin mo... magagawang magloko ni Dion?" I asked. Hindi ko na sinabi ang buong 'Trina situation'. I feel like it's a problem between us.

"Ha?" Kunot-noong tanong ni Callie. "May ginawa si Gago, 'no?"

"Wala! Hypothetical lang!" Depensa ko. "Kasi gumugulo 'yong sitwasyon at natatakot ako na baka mangyari 'yon. Ang gulo lang ng isip ko lately."

"Parang hindi naman mangyayari. Alam mo, saksi ako kung paano ka matiyagang hinintay ni Dion na mahulog sa kaniya kahit kating-kati na dila no'n na umamin. Hindi siya gagawa ng bagay na ikasisira ninyo. 'Di ba nga inaaya namin siya mag-bar dati noong nasa Orient Crown tayo pero laging tumatanggi kasi baka magalit ka o mag-overthink ka." Kuwento ni Callie.

"Ang gago ni Dion kapag nagloko siya. Daming nakaabang sa 'yo." He wiggled his brows. "Lalo 'yong kickboxer nating tropa." Biro niya pa.

"Alam mo, Callie, ang walang kuwenta mong mag-advise." But honestly, Callie's words made me feel na dapat mas pagkatiwalaan ko pa si Dion.

"Just trust Dion. Kung magloko man siya, atleast alam mo sa sarili mo na hindi ikaw ang mali. Kasi nagtiwala ka." Seryosong sabi ni Callie pero natawa din siya. "Tanginang 'yan, ginawa mo pa akong love-guru. Sa game lang ako nag-a-advise."

"Puwede ka nang gumawa ng radio show mo."

"Baka madaming ma-inlove. Magaling na player na nga tapos magiging radio DJ pa. Ang perfect ko naman. Dapat humble pa rin tayo siyempre, dapat may flaws pa din." I rolled my eyes with his kayabangan. Kahit kailan talaga.

Tumayo na si Callie. "Meeting ng 7PM before dinner. Pag-usapan natin 'yong napag-meeting-an namin with the HO committee."

***

MATAPOS kong kumain ng cheesecake ay pumunta naman kami sa Meeting room. This day is probably one of the most busiest day namin sa Yugto dahil sa sunod-sunod na meeting at issue. Saka busy na rin lalo na't malapit na ang mismong tournament.

"Nasaan si Thaddeus?" Tanong ni Choji habang pinagmamasdan niya kung kumpleto ang team.

"Kausap ni Sir Harris. Principal's office." Sagot ni Sandro sa kaniya. Siguro ay tungkol ito sa mga biglaang desisyon ni Thaddeus.

"Okay, we can start the discussion dahil magiging mahirap ang rules ngayon sa tournament. Tristan, since teammates kayo ni Thad dati, ikaw na lang mag-explain sa kaniya." Choji said habang binubura ang mga nakasulat sa white board at masulatan nang panibago.

"Nasukahan na nautusan pa. Double kill." Bulong ni Tristan.

Ipinagsawalang bahala ko muna ang mga issue ko at mag-focus sa discussion. As much as possible ay ayokong mahaluan ng problema ko sa laro ko sa tournament.

"Ngayon pa lang ay sinasabi ko sa inyo na magiging mahirap at kakaiba ang rules sa tournament. Isang pagkakamali lang ay puwedeng mabaliktad ang takbo ng laro at kung sino ang mananalo." Panimula ni Choji at focus kaming nakikinig sa kanya.

"Hindi siya katulad noong season 4 tournament na may keyholder sa team?" Tanong ni Sandro.

"Ayan din ang inaasahan kong i-didiscuss sa amin kanina pero hindi. It will be a different mechanics na hindi pa nangyayari sa kahit anong tournament ng Hunter Online." Paliwanag ni Choji.

"The system for the tournament will be points elimination. It's a new feature sa game na idadagdag pa lang sa next patch ng HO. Ibig sabihin lamang ay sa mismong tournament unang makikita ang bagong PvP match mode na ito." Nagsulat ako sa notebook ko para mas maintindihan ko ang rules.

"Points elimination?" Oli asked. It's all a question mark in our head.

"Isa itong bagong mode na kung saan sa laban ay ang bawat players sa magkabilang grupo ay may kaniya-kaniyang katumbas na points." Sabi ni Choji. "Kunwari, si Callie ay may katumbas na 50 points, kapag na-eliminate siya sa laro ay magiging points iyon sa kalaban. In thirty minutes match, kung sino ang team na may pinakamataas na points ay siya ang mananalo sa laban."

"Ahh may point system. Paano mangyayari? May default points kada role? Kunwari lahat ng assassin ay katumbas ay 20 points, mga core naman ay 50 points. Ganoon ba?" Tanong ni Larkin.

"It will be random. The points will be assign to you the moment na mag-start ang match. Puwedeng hindi ang core ang may pinakamataas na points value." Sagot ni Choji sa kaniya.

"So meaning, hindi mo kailangan i-eliminate ang lahat ng kalaban?" Tanong ko. "We should just eliminate those players na may mataas na value?"

"Hindi natin makikita ang points value nila unless we eliminated them." Sagot ni Callie sa akin. "Dito papasok ang sinabi kanina ni Captain na puwedeng mabaliktad laro. Kahit madami kang na-eliminate sa laro pero mababa lang ang mga value nito samantalang ang kalaban ay kaunti ang napatay pero mataas ang value ng mga players na napatay nila... they will still win the game." He explained.

"So we should plan it out." Choji said. "Starting this werkend ay magkakaroon tayo ng beta access sa Points elimination mode sa game para ma-practice ito. Kailangan ay makaisip tayo ng diskarte kung paano tayo masasanay agad sa bagong mode na iyon. I am open for suggestions kung may maisip kayong mga plano."

So meaning, hindi paramihan ng kill ang tournament ngayon. We need to protect those players with high points value para mapaliit ang tiyansa ng kalaban na manalo sa match. So hindi nagma-matter dito na protektahan ang core.

Ay we stayed in the meeting room ay napatigil ako sa pag-iisip noong bigla akong kalabitin ni Sandro. "You need to see this," he showed his phone at napakunot ako ng noo sa pagtataka.

It is an X post (formerly known as Twitter).

@user2649161
As Milan do cheating sa Tagaytay. Mukhang may nakikipagbalikan naman sa ex niya sa Nueva Exija.

Tapos ay may mga attach na photos sa post. It was the same photos that the unknown number sent me a while ago. Umaani na ng maraming retweets at comments ang post. Baka nga na-share na rin ito sa iba't ibang platforms, eh.

"Wew, kaya ka pala nagtanong." Callie said habang nakatingin din sa phone niya.

"Pagod na ako sa issue." Napadukdok ako sa lamesa. "Ang timing din kung kailan malapit na ang tournament."

"Nagkausap na kayo ni Dion?" Larkin asked.

"We will talk later." I answered.

"Hindi magagawa ni Dion 'yan. Isang malaking bonak 'yang user na 'yan. Tangina, kung ako man hindi ako maniniwala sa username na napakaraming number ampota." Reklamo ni Oli. "Halatang new account at 'di mapagkakatiwalaan."

"Galit ka kay Dion?" Sandro asked curiously.

"Ayokong pangunahan ng galit 'yong sitwasyon. We will have a talk later at kung ano man ang maging paliwanag niya ay iyon ang tatanggapin ko. Nasa LDR na sitwasyon kami, trust is the most important thing to make this work." I explained to Sandro. He smiled and ruffled my hair.

"Tama 'yan, kayong dalawa ang nasa relasyon at huwag kayong nakikinig sa mga nakikisawsaw." Sandro said.

***

KINAGABIHAN ay kinakabahan ako bago pa man kami mag-usap ni Dion. He is my first relationship at hindi ako sanay sa ganitong klaseng mga confrontation. Pero kung hindi ko itatanong sa kaniya ang tungkol dito, ako lang din ang mababagabag.

Tama naman si Callie, kung nagloko man si Dion ay problema niya na iyon. Ang mahalaga, I did my part na pagkatiwalaan siya.

Dmitribels Calling...

"Oh God." Bulong ko sa sarili ko. I accepted the call at bumugad sa akin ang problemadong mukha ni Dion.

"I am sorry." He said na nagpakaba sa akin.

"Bakit iyan ang bungad mo sa akin?"

"Sa gulong nangyayari ngayon sa social media. Sorry, imbes na maayos natin ang gusot. Ewan ko ba parang lumalaki nang lumalaki." He said in a call.

"Sa totoo lang ay unang nakarating sa akin ang mga pictures bago pa man din ito kumalat sa social media. My first reaction was I felt betrayed kasi sinasabi mo na sinasabi mo sa akin ang lahat pero nandoon pala si Trina sa bawat gala mo. Pero at the same time, gusto ko manggaling sa bibig mo ang totoo." Nagbuntong hininga ako. Tahimik ang buong paligid at ang ingay lang ng electricfan sa kuwarto ko ang maririnig sa paligid. "Totoo bang magkasama kayo ni Trina?"

"Kagabi, oo." He answered honestly at parang may kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko. "Pero hindi ko alam na nandoon siya! Even my friends, hindi nila alam na pupunta si Trina kagabi kasama ang mga kaibigan niya. But we didn't talk, walang kahit anong conversation ang naganap. We just took a picture together kasi sabi niya ay ise-send lang niya sa Daddy niya para mapanatag ito na safe siya kaya pumayag ako."

"Pero hindi mo sa akin sinabi, Dion..." may luha sa mata ko.

"Kasi magkaaway tayo kagabi. Pinapalamig natin ang sitwasyon at hindi muna natin kinausap ang isa't isa." He said at napakunot ang noo ko. "I know that's a lame reason. Rason ng mga gago. Pero Milan, hindi ko siya kinausap noong gabing iyon. Magkaaway tayo, oo, pero hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng relasyon natin."

"Eh paano mo ipapaliwanag 'yong ibang mga pictures, Dion?" Tanong ko.

"That was edited! Wala si Trina sa mga gimmick na 'yon. Kaya kong ibigay ang mga contacts ng mga kaibigan ko rito sa Nueva Ecija o lahat ng mga kasama ko sa group picture. Tanungin mo sila isa-isa kung nandoon si Trina, manghingi ka pa ng litrato. Pero wala talaga siya doon." Frustrated na paliwanag ni Dion. "Sigurado naman ako na intensyon no'ng dummy account na iyon na sirain tayo, eh. Pero magtiwala ka sa akin. Hindi ko ipagpapalit ang kung anong mayroon tayo dahil lang nalayo ka sa akin."

Tahimik lang ako.

"Ise-send ko sa 'yo lahat ng contacts ng nasa picture. Ask them para mapanatag ang loob mo. Also, try to contact Aisha since editor siya. Kahit siya ay masasabi na edited ang mga pictures puwera sa litrato kagabi." Sabi ni Dion. "Shit lang talaga si Trina. Hindi ko lang magawang komprontahin bilang respeto sa Tatay niya. Pero sobra na siya rito."

"Simplehan lang natin 'to Dion and be honest with me, okay?" He nodded. "Totoo ba 'yong mga pictures."

"That one photo na kagabi, totoo 'yon. The rest ay wala siya sa mga gala namin." Seryoso ring sagot ni Dion.

"Gusto mo pa rin ba si Trina?"

His brows crunched. "What? Heck no. Hindi kita ipagpapalit sa kahit na sino... well family first pero kung sa ibang babae. Hindi."

"Naniniwala ako at panghahawakan ko 'yong mga sinabi mo ngayon. Somehow, mas naginhawaan ang pakiramdam ko." Sagot ko kay Dion.

"Thank you for trusting me for this one. I am also changing my architect para sa commercial building na pinapagawa ko." He informed me.

"What? No. Hindi naman kailangan umabot sa ganiyang point Dion. Mapapamahal ka sa gastos." Sagot ko sa kaniya.

"Sobra na 'yong ginawa ni Trina sa atin Milan. Hindi ko na rin gusto na nakikialam siya sa relasyon natin. Madaling makahanap ng ibang architect pero mahirap kapag ikaw 'yong nawala. You are part of my dreams and future." Sabi ni Dion na nakapagpangiti sa akin.

"Chika mo. Para na kong siraulo dito na umiyak tapos ngumiti." Sagot ko sa kaniya. "I also talked to Thaddeus kanina."

"Anong napag-usapan ninyo?" Curious na tanong niya.

"I thanked him for liking me but ayon, kinlaro ko rin sa kaniya na I can't reciprocate his feelings in the same degree. We still remain friends and please don't be angry with that." Paalala ko sa kaniya na ikinatawa niya. "Sinabi ko rin kay Thaddeus na sobrang importante sa akin kung anong mayroon sa ating dalawa. Hindi ko hahayaan na mawala ang number one cheerer ko."

Natawa si Dion. "Tangina ang hirap ng LDR. Gusto kita yakapin ng mahigpit ngayon."

"Save your hugs and kisses after the tournament."

"Hug lang ang pinaalam ko pero may kiss ka pang sinama," he chuckled. "Since my consent na 'yong kiss, hindi na ako makapaghintay na matapos ang tournament ninyo."

Nakangiti lang akong nakatingin kay Dion. Thankful ako na naayos namin ang gulo namin sa hindi madramang paraan.

"Are we still solid as diamond?" Tanong ni Dion sa akin.

"Still solid as diamond." I answered to him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top