Chapter 187: The Issue and Outcome

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!


PAGKAGISING ko ay naging isang malaking balita nga sa gaming community ang ginawang pag-amin sa akin ni Thaddeus. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses itong na-share at marami na ring comment na natatanggap ang video.

I kinda expected this situation, pero hindi ko in-expect na ganito siya ka-big deal na maging ang mga taong walang alam sa Esports ay nakikisawsaw. Ganito nga talaga sa social media siguro, everyone wants to be relevant for clout.

This morning, wala akong natanggap na chat mula kay Dion. I missed him but this is what we need at the moment—a space. Kailangan namin pababain ang emosyon namin bago ulit mag-usap ulit kung hindi ay mauulit lang ang nangyari kagabi na kung saan nakapagbitaw kami ng masasakit na salita which is unintenational.

Hindi pa ako bumabangon sa kama at napadako ang atensyon ko sa mga comment sa may video.

Rustom Quinones:
Tuluyan na ngang na-retri ni Thaddeus si Milan. Alak pa! Sinong matinong mga players na magla-live ng inuman session nila? Parang mga tanga, may mga minor naka-follow sa grupo ninyo!

Julie Ann De Leon:
Ayan ba ang magrerepresent sa Pilipinas? Anong ugali 'yan? Also, can you remove Milan in the group already? Nandiyan lang yata 'yang babae na 'yan para akitin lahat ng esports player! Main character syndrome 'yarn?

Jason Balcueva:
Nalayo lang sa boyfriend nagawa nang lumandi lol. Halatang gustong-gusto ang nangyari, hindi man lang pinigilan si Thaddeus.

Abigael Garcia:
OMG! My ship is sailing! My #MiDeus heart is so happyyy! Tama lang na iwanan ni Milan si Dion na nakilala lang naman dahil ka-partner siya ni Milan. He is not that good as gamer, kaya nga wala siya sa Yugto, eh!

Hindi ko kinakaya ang mga comments nila sa Social media. Alam kong libre naman maglabas ng saloobin sa Social media pero hindi ba nila naisip ang mararamdaman ng mga taong sangkot sa issue? Ganoon na lang ba ang tingin nila sa akin habambuhay sa gaming community?

I became the first female player in Esports, I became the Captain and led the team to the Championship, I became the reason why ang daming babaeng players ngayon ang nagkalakas-loob na pumasok sa mundo na dino-dominate ng mga lalaki, I also became part of the team that will represent our country.

Pero hindi nila nakita ang lahat ng iyon. Sa mata nila... isa akong malanding player na nasa-esports lang para lumandi. Period. Ganoon lang kababa ang tingin sa akin ng ibang tao.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng room ko. Pinahid ko ang luha ko at dumungaw mula sa pinto si Larkin. "Gising ka na ba? Checkout daw ng 11AM tapos balik sa boothcamp." He asked.

"Kanina pa. Kumain na kayo?" Tanong ko at umakto na parang hindi ko nabasa ang mga comments kanina sa Social media.

"Yep, umakyat lang talaga ako para dalahan ka ng lugar at ibuprofen pampatanggal ng sakit ng ulo." Sabi niya at inilapag ito sa study table. "Okay ka lang? Well, obviously ay hindi. What I meant is kaya mo pa ba?" he asked.

Malalim akong nagbuntong hininga. "Ganoon na lang talaga ang tingin sa akin ng mga tao. Kapag kumausap ako ng ibang players, malandi ako. Kapag naman may nag-confess din sa akin na wala naman akong kaalam-alam... ako pa rin ang malandi." Tumayo ako at umupo sa chair upang makain ang lugaw.

"Hindi ka malandi. Alam 'yan ng lahat. May mga lalaki lang talaga na feeling nila na paborito silang anak ng Diyos. Feeling nila ginawa ang mga babae para umikot ang mundo nila sa kanila." Umupo si Larkin sa may kama. "And sorry rin. I created a messed. Again."

"Mali naman natin lahat din. Pinressure natin si Thaddeus that moment." Sabi ko sa kaniya at sumubo noong lugaw. "Sinong gumawa nito?"

"Ako, siyempre. Culinary student, eh." Pagmamayabang niya habang pine-flex ang biceps niya.

"Infairness, sarap. Pero kumusta si Thaddeus? This is the first time na masangkot siya sa isang malaking issue, how does he take it?" Tanong ko.

"Sabi ni Tristan, nauna raw bumalik sa boothcamp. He watched the clip already and hindi niya alam kung paano tayo haharapin lahat. Especially, ikaw." Sagot ni Larkin sa akin.

"Kahit ako... hindi ko rin naman alam kung paano siya haharapin ngayon." Pag-amin ko. Kahit nga noong umamin si Gov Paolo sa akin dati, hindi ko naman alam din kung paano ko siya ite-take. Ilang buwan din kaming hindi nagpansinan bago namin nagawang komprontahin ang isa't isa.

"Kausapin mo lang ng normal, iparamdam mo na wala naman nagbago kahit umamin siya sa 'yo kagabi." Advised ni Larkin sa akin. "The more na iiwasan ninyo ang isa't isa. The more na magiging awkward ang sitwasyon. Iniiwasan natin 'yon dahil magkaka-team tayo, puwedeng maapektuhan ang laro natin."

"Ang dali rin kasing sabihin, Oppa. Kaso ang hirap umakto ng normal, knowing the fact that he likes me. Especially kailangan ko rin isipin ang mararamdaman ni Dion. I should create a boundary between us talaga." Sabi ko sa kaniya at napatango-tango naman si Larkin.

"Tama ka naman." Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Ang hirap naman magbigay ng advise sa inyo. Ang gulo ng sitwasyon. Pero sigurado naman ako na hindi naman hahayaan nila Coach na lumaki 'yong issue, sila na siguro ang bahala niyan kung paano ang magiging action steps without hurting anybody."

"Sana nga."

Larkin ruffled my hair. "God umagang-umaga, Larkin!" Reklamo ko sa kaniya at inayos ito.

"Grabe, hindi ko na lang inasahan na ang player na tinuruan ko noon maging Assassin ay ganito na kalaki sa mundo ng esports. Proud tropa here." Sabi niya sa akin.

"Chika mo, kung saan-saang issue nga ako nadadamay."

"Kaya nga! Maabutan mo na followers ko sa facebook. Tinatalo mo na ako sa pagiging trending." Biro niya. "Pero on a serious note, please don't hate Thaddeus,"

Napatingin ako sa kaniya. "Alam ko na alam mo na hindi intensyon ni Thaddeus na sirain ang relasyon ninyong dalawa ni Dion. He also regret the things that he said last night. Hindi niya intensyon na manira ng relasyon."

I smiled to him. "I know."

"Eh si Dion, kumusta? How does he take it?" Tanong ulit ni Larkin.

I sighed. "Ayon, pinagtalunan namin siya kagabi. Nagpapalamig lang kami bago ulit mag-usap ulit."

"Oh," Larkin nodded. "Ang hirap pala talaga pag-LDR. Pero maayos ninyo rin naman 'yan, huwag kang mag-alala." Sabi niya sa akin.

"Sana."

"Sows. Nakalimutan mo na ba na nagpalamig din kayo matapos 'yong mature na pinag-awayan ninyong inihaw na manok? Kaya magiging okay din 'yan. Give space then talk." Sabi sa akin ni Larkin.

Sa totoo lang ay nakatulong 'yong conversation naming dalawa ni Larkin para mas um-okay 'yong pakiramdam ko. I am just glad na nandito sina Callie, Larkin, at Sandro na naging pinaka-close ko sa mundo ng esports. They are really make me feel na hindi ako nag-iisa.

***

PAGBALIK namin sa Boothcamp ay agad naman umalis sina Coach Harris, Choji, at Callie para makipag-usap sa committee. Tinipon kami ni Coach Russel sa meeting room para mapag-usapan ang mga bagay na kinakaharap ng team ngayon.

"We are all aware sa issue na ibinabato sa team ngayon," Coach Russel said. "Sa ngayon, walang magre-reply sa inyo sa mga comments and kung kaya ninyong iwasan ang Twitter at Facebook. Much better."

Nasa kabilang dulo si Thaddeus ng lamesa at hindi ko man lang magawang makatingin sa kaniya. I mean oo, these past days ay hindi na rin naman kami ganoon nag-uusap pero ang bigat pala sa pakiramdam na parang may kaaway ka pero hindi naman kayo magkaaway.

"Damage control lang 'tong ginagawa natin. Iniiwasan natin na may masabi pa kayong masama na hindi makabubuti sa buong team. Okay?" Coach Russel said.

"Yes coach." We answered in unison.

"Tapos... Milan, Thaddeus, and Kurt. You have an interview na naka-schedule next week 'di ba?" Oh, I totally forgot about it since hindi ko gaano nakikita 'yong schedule board namin sa sala. "Please let me know kung ika-cancel natin or gusto ninyong tumuloy. Okay?"

"Ibibigay na po namin siguro ni Choji 'yong desisyon sa dalawa." Sabi ni Kurt.

"Okay good. That interview will also help you to explain para mapabango ulit natin ang pangalan ng Yugto Pilipinas, we still need a sponsors from different company to help us. Pero kung hindi ninyo pa kaya ay okay lang, we do understand it. Basta i-headsup ninyo lang kami." Sabi ni Coach Russel at napatango-tango ako.

Tuloy-tuloy ang mga ipinaliwanag ni Coach Russel tungkol sa mga schedule at training namin. In-advise niya rin na dapat ay mas mag-training na kami using our dummy accounts so that mas masanay na kami sa kaniya-kaniya naming bagong role.

"Sa ngayon, nasa meeting pa sina Coach Harris with the committee. Pagbalik nila ay malalaman natin kung ano ang magiging rules para sa tournament. Hindi pa natin alam kung katulad lang ito noong Summer Cup na kailangan lang patayin lahat ng members para manalo o katulad noong season 4 tournament na kung saan ay may Keyholder lang na dapat patayin para manalo. So hihintayin pa natin ang balita mula sa kanila. Okay?" Coach Russel explained.

"Yes, Coach." We answered again in unison.

"One more thing before we adjourn this meeting. We will have a scrim against Daredevils this Saturday kung kaya't huwag ninyong i-basta-basta ang training ninyo." Pare-parehas kaming nabigla dahil malaking team ang Daredevils. They are the Season 2 champions to be exact.

Pero naintindihan ko rin naman kung bakit kailangan naming lumaro kasama ang ibang malalaking team. Kung hindi namin magagawang matapatan ang mga local teams dito sa Pilipinas, paano na lang ang magiging laro namin internationally.

"Yes, Coach!" Sabay-sabay naming sagot.

"Okay, that's good. Meeting adjourned. Focus na ulit tayo sa training." Coach Russel clapped his hands. Isa-isa kaming nagtayuan para simulan ang practice.

"Milan," tawag sa akin ni Coach at napatingin ako sa kaniya.

"Yes po, Coach?" I asked.

"Are you okay, kaya mo namang lumaro?" Tanong niya sa akin. "Do you need to take a rest? Kumusta ang mental health mo ngayon?"

Coach Russel is my coach since Orient Crown kung kaya't alam niya kapag nagpa-pile up na 'yong mga problema sa akin.

"Kaya pa naman Coach, wala na tayong dapat sayangin na oras dahil in next two weeks ay simula na ng tournament." I said to him.

"Okay, but if you need someone to talk to. Puwedeng-puwede kang lumapit sa akin. And hindi totoo 'yong mga sinasabi nila tungkol sa 'yo sa social media. You are an awesome woman." Nag-thumbs up sa akin si Coach Russel at napangiti ako.

Actually, that is what I need lang naman talaga, eh. As long as hindi ganoong klaseng babae (malandi) ang tingin sa akin ng mga kakilala ko. I am okay with it.

"Thank you Coach. Appreciated." Palabas na ako ng meeting room pero pansin kong nagpaiwan si Thaddeus.

"Hindi ka pa lalabas?" Tanong ko sa kaniya. I am following Larkin's advise na huwag gawing mas awkward ang awkward situation.

"I need to discuss something with Coach." He answered without gazing at my direction.

Napatango-tango ako at naglakad na palabas ng meeting room.

Umupo ako sa harap ng center table at nilabas ang notebook ko. Actually I am researching about the equipments na puwedeng bilihin as Gunslinger.

Advise din sa akin ni Callie is to focus on the magic damage and enhanced my critical rate and damage para raw mas masakit ang bawat skills. Sabi niya rin na gawin ko ring sub-attribute ang physical defense dahil kailangan medyo makunat ako kapag clash or kailangan ay hindi ako mawa-one hit ng kalaban.

Bogus:
Nakabalik na kami sa boothcamp. Done with meetings. Currently mag-start ng practice kung kaya iwan ko sa room 'yong phone.

I still chat Dion para i-update siya sa ginagawa ko ngayon. Gusto kong baguhin 'yong bagay na napansin ni Dion sa akin. Tama naman siya, hindi ikasasayang ng maghapon ko ang ilang segundong pagta-type ng update sa kaniya.

Akmang ibabalik ko na sa room ang cellphone ko noong mapansin na typing siya.

Dmitribels:
Hey, sorry tungkol kagabi. Nadala lang ako ng selos ko.

Puwede ba tayong mag-usap tonight? Facetime?

Bogus:
Akala ko aabutin ka pa ng ilang araw bago mag-replyyyy. Sorry rin sa mga nasabi ko. Dala lang din ng alak. God! Will not drink again.

Pero available naman ako tonight :)

Dmitribels:
Ayon. Let us fix this. Hindi ko pala siya kaya patagalin ng ilang araw haha!

Talk to you after your practice. :)

Bogus:
Okay, will chat u when will I be available.

Matapos noon ay inilagay ko na sa kuwarto ang phone ko at bumalik sa center table sa sala para pag-aralan ang mga equipments.

Kausap ko ngayon sina Kiel at Oli dahil may experience sila sa pagiging core, they can give an advise sa kung anong equipments ang puwede kong gamitin sa game. "How about Emperor Guardian Equipment set? Is it nice?"

"Balance lang siya, Kumare." Oli tapped his pen on the table. "Saktong dagdag defense both physical and magic."

"Uhm..." Kiel said na parang hindi pa siya sure sa sasabihin niya.

"Huwag ka mahiya kay Kumare! Ganyan dapat ang tinotropa mo, mga anak mayaman para hayahay ang buhay." Pagmo-motivate ni Oli sa kaniya at napailing na lang ako.

"Kung playing safe siguro, okay 'yong armors niyan. Pero sa tournament kasi ate Milan. We usually used two sets of armors. Kung masakit ang magic damage ng kalaban, we will use an armor na mataas ang magic defense. Ganoon din sa Physical defense." Advise ni Kiel sa akin. "Kaya hindi namin kino-consider ang well balance na mga armor sets kapag tournament."

Napatango-tango ako sa paliwanag ni Kiel. Nag-consult pa ako ng iba't ibang armors sa kanila and good thing naman na maayos ang feedback kong nakukuha sa kanilang dalawa.

Nabigla kami noong biglang umupo si Noah sa gitna nila Kiel at Oli. "Ano ba Noah! Nakita mong may pinag-uusapan kami dito tapos sisingit kang ganyan. Epal ka ba? Wala kang mama?" Inis na sabi ni Oli sa kaniya.

"May mama ako, nasa Ilocos. Tanga." Ganti ni Noah sa kaniya at napailing na lang ako. "May narinig kasi ako galing sa meeting room."

"Ano 'yon?" tanong ni Oli sa kaniya.

"Aksidente ko lang naman narinig, hindi ko sinasadya. Baka mamaya sabihin ninyo na tsismoso ako." Noah said. God! Manang-mana kay Liu. Pinalaki talaga siya ni Liu bilang tsismoso.

"Alam namin na tsismoso ka. So ano nga?"

"Si Kuya Thaddeus. He is planning to withdraw as Yugto Pilipinas player."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top