Chapter 185: Team Vacation
Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20
Vote, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you.
NAKAUPO sina Choji at Callie sa gilid ng boothcamp habang ako naman ay nakatayo at hinihintay ang explanation nila. "Anong sakit ni Choji?" Pag-ulit ko nang aking tanong. "Alam ba 'yan nila Coach? Malala bang sakit 'yan? Are you undergoing a treatment?"
"Okay lang ako, wala kang dapat ipag-alala sa akin." Sabi naman ni Choji. "And to answer your question, walang may alam sa kundisyon ko. Mga iilang ka-team ko lang ka-team sa Black Dragon. Kaya kung puwede ay pakihinaan na lang ang boses mo para hindi na marinig ng iba... please." Sagot ni Choji sa akin.
I sighed at umupo sa tabi nila. Pinagmasdan namin ang mga bituin sa kalangitan at dinama ang malamig na simoy ng hangin dito sa Tagaytay. "So ano ngang sakit mo?" I asked.
"I have Chronic Nightmare Disorder." Sagot sa akin ni Choji. "Binabangungot ako gabi-gabi. Hindi naman siya fatal condition na ikamamatay ko kung kaya't wala kayong dapat ipagkaalala."
"I-Iyon ba ang rason kung bakit tuwing madaling araw ay nakikita pa rin kita sa kitchen area para manood ng mga matches?" Tanong ko.
Choji smiled. "Oo, takot ako matulog, eh. Ayoko tuwing paggising ko ay klarong-klaro sa isipan ko 'yong mga napapaginipan ko."
Hindi ko lubos akalain na may ganitong kundisyon si Choji. I mean, for me ay nagagawa niya naman ang duties and responsibility niya as the Captain of Yugto Pilipinas. It is a reminder for myself na maging mabait sa lahat. May kaniya-kaniyang kuwento ang bawat players na lumalaro sa Esports.
"Akala ko ba ay nawala na siya noong sa Season four tournament?" Tanong ni Callie. "Bakit bumabalik ulit 'yong sakit mo?"
"Hmm... Siguro ay napa-pile up ulit 'yong stress at saka baka nakaapekto rin 'yong pagkatalo namin sa inyo noong Season four. At isa pa, hindi na ako naglalaro para sa Black Dragon ngayon, naglalaro ako para sa Pilipinas na hawak ni Lolo Dad kaya dagdag pressure din." Paliwanag sa amin ni Choji.
"Paano kung maulit ulit 'yong nangyari noon na na-ospital ka dahil sa gabi-gabi mong pagpupuyat?" Seryosong tanong ni Callie. "Ikaw na rin ang nagsabi Choji, Pilipinas ang irerepresenta natin sa pagkakataong ito. I don't want to waste our practices because of your condition."
"Callie, may sakit na 'yong tao ay 'yong laro pa rin ang iniisip mo?" Reklamo ko sa kaniya.
"May pakialam ako kay Choji. But I am a professional player too. This is a big tournament for me. Kung magiging sagabal ang kundisyon niya sa pangarap natin, he better quit as early as he can." Tumayo si Callie at pumamulsa sa jacket niyang suot.
"Huwag kang mag-alala, kaya kong lumaro. Galing na rin naman ako sa ospital at niresetahan naman na ako ng gamot. I am also having a CBT-based therapy every Saturday para ma-monitor din ang condition ko." Paliwanag ni Choji.
"Buti naman. Sa oras na maapektuhan na ng kundisyon mo ang laro mo, ako mismo ang magsasabi kanila Coach tungkol sa sakit mo. May ibang player ang puwedeng pumalit sa 'yo habang nagpapagaling ka." Sabi ni Callie sa kaniya. Seryoso man ang pagkakasabi ni Callie, alam kong may pakialam siya kay Choji. May pakialam siya sa aming lahat.
"Deal." Choji said and offered a shake hands to Callie.
Tumingin si Callie sa kamay ni Choji at tinanggap ito. "Pero gusto ko na kasama ka namin sa laban. Ikaw ang unang tao na naniwala sa akin Choji na may mararating ako sa Esports. Gusto ko na nasa tabi kita habang tinataas ko ang tropeo sa international tournament. Gusto kong makita mo na ang player na inalagaan at sinugalan mo ay magiging world champion na."
Kung may bagay man akong hinahangaan na na-observe ko sa Esports... iyon ay ang brotherhood. Lahat ng players ay tinuturing nila na parang kapatid ang isa't isa.
I remembered how Noah and Larkin fetched Genesis noong pinagbawalan itong lumaro.
Naalala ko rin 'yong ginawang pagtatanggol ni Callie kay Larkin noong binabatikos ito.
I remembered how the whole Orient Crown is worried to Callie noong na-sprain ang paa nito.
Ito siguro ang ganda sa Esports na hindi makikita ng mga normal na tao. Sa esports... makakahanap ka ng mga taong totoong may pakialam sa 'yo. Makakahanap ka ng tao kasama mong lalaban. Dito mo rin makikita ang mga taong punong-puno ng passion para lang maabot ang pangarap nila.
Tumingin sa akin si Choji. "Milan, huwag mo munang sasabihin sa iba. Kayo ang unang makakaalam nila Leon kapag hindi na maganda ang nararamdaman ko." He said.
"As long as you are capable na maglaro, hindi ako mangingialam, Captain." I smiled to him at kinamayan din ako ni Choji.
***
UMAGA, magka-facetime kaming dalawa ni Dion at mamayang alas-sais nang umaga pa naman ang jogging namin ng team. I really appreciate na gumigising talaga si Dion ng ganito kaaga para makausap ako tapos bumabalik na lang siya sa pagtulog.
I am currently applying a sunscreen habang magkausap kaming dalawa. "Nawala na rin pala 'yong post tungkol sa inyong dalawa ni Thaddeus." Dion said habang pinapanood niya lang ako gawin ang mga abubot ko. Sanaol na lang talaga ay clear skin kahit walang pinapahid sa mukha.
"Mukhang kinausap ni Thaddeus 'yong nag-post. Glad na nawala na rin 'yong ganoong klaseng picture. May mga tao talagang ang hilig magpakalat ng fake news sa social media para lang maging relevant sila at para sa clout." I explained. Nilagyan ko ang braso ko ng sunscreen at pinahid ito.
Ilang segundo na natahimik si Dion at napatingin na ako sa kaniya. "Ba't natahimik ka riyan?" tanong ko.
"Ang weird nitong itatanong ko," He paused for a second and sighed na parang hindi siya sigurado sa sasabihin niya. "Anong pinag-uusapan ninyo ni Thaddeus at that moment?"
Naglagay naman ako ng sunscreen sa mukha ko. "Hmm... Remembered noong nagkita tayo sa Bulacan? Napag-usapan namin ni Thaddeus tungkol sa siblings situation niya na hindi sila close. So I advised to him na he should do the first move." Paliwanag ko at pinahid ang sunscreen sa mukha ko.
"Kaya 'yong nasa Sky Ranch kami ay napag-usapan namin ang tungkol doon. He met his siblings last weekend. Wala lang, ang cute lang." Sagot ko sa kaniya. Hindi ko naman din kasi in-expect na magme-make sense 'yong mga pinag-a-advise ko sa kaniya.
"So... close na kayong dalawa?"
"Kinda? Hindi rin ako sure. Kailangan ko rin naman maging close ang lahat para mas maging effective ang laro namin. Pero mas madalas ko pa rin naman kausap si Larkin at Callie since mas ka-vibes ko sila." Paliwanag ko sa kaniya. "Bakit mo naitanong?"
"Wala lang. Baka kasi madalas na kayong magkau—"
May kumatok sa pinto at dumungaw sa pinto si Oli.
"Kumare, jogging na raw. Sino 'yang kausap mo?" He asked at itinapat ko ang screen sa kaniyang direksyon. "Oy, Dion! Annyeong ina mo! Miss ka na namin!"
"Tanginamo, ang ingay mo pa rin talaga kahit umaga." Natatawang sabi ni Dion.
Hinarap ko na ulit ang screen sa aking mukha. "Dion, mag-jogging lang ulit kami. Will call you... tonight?" Hindi rin ako sigurado dahil baka mamaya ay marami kaming gawin sa practice at makatulog na naman ako ng maaga.
"Sige lang, chat me kung makakapag-facetime tayo. Wala nga pala ako ng hapon, lalabas kami ng mga kaibigan ko. Titingin ng mga gamit sa pinapatayo kong commercial building." He informed me.
"I missed you." I sweetly smiled while looking at him in the screen.
Dion weakly smiled. "Miss na rin kita. Kapag nasagad pagka-miss ko sa 'yo baka liparin ko mula dito sa Nueva Ecija papunta diyan sa Tagaytay."
I ended the call at lumabas na para mag-jogging. Pagkalabas ko ng boothcamp ay nakita ko silang nakatingin sa akin. "Anong mga tingin 'yan?" natatawa kong tanong.
"Late ka, ikaw ang mag-lead ng warmup." Sabi ni Larkin at pinapuwesto na ako sa harap. Mga buwisit talaga kahit kailan.
Nag-jogging na kami at matapos iyon ay nagsimula na ulit ang training namin sa paglalaro. Hindi na rin kami nakapag-facetime ni Dion that night dahil late siya nakauwi samantalang ako ay maaga nakatulog dahil sa sobrang drain ko sa practice.
***
ILANG araw na ang lumipas sa practice namin and somehow ay nama-master ko na rin ang bago kong role. All thanks to Callie dahil tutok din naman talaga siya magturo sa akin (hindi ko na sinasabi sa kaniya dahil baka tumaas na naman ang lipad ng mokong) at binibigyan din ako ng advise ni Kiel at Oli dahil assassin role sila.
"Game na ulit," sabi ni Leon after our three minutes breaks sa pag-kickboxing. Noong una ay nagrereklamo ako na ang sakit sa katawan ng kickboxing pero ngayon... I enjoy it. It's a great way para mag-release ng stress. Especially kapag sumusuntok at sumisipa ka. Ewan ko, feeling ko kasabay no'n ay pag-release ng bad energy sa katawan ko kung kaya't ang gaan sa feeling.
"Ako na kay Callie at Kurt." Thaddeus said.
"Ha? Ilang araw mo na silang ka-sparring. Samantalang dati ay si Milan ang ka-partner mo." Sabi ni Leon at tinulungan niya ako maisuot ang gloves ko.
"Tama 'yan, sawa na 'kong kasuntukan si Leon. Mas malakas na ako sa kaniya, eh." Pagmamayabang ni Callie. Epal talaga kahit kailan.
"Mahigpit?" Tanong ni Leon matapos niyang makabit ang gloves ko.
"Sakto lang." We positioned ourselves at sumuntok na sa kamao niya. "Iniiwasan ba ako ni Thaddeus?" tanong ko kay Leon.
Hindi talaga siya tanong para kay Leon dahil pansin kong iniiwasan naman talaga ako ni Thaddeus. Simula noong magkaroon ng rumors sa aming dalawa sa social media ay hindi niya na rin ako gaano kinakausap. I mean, hindi na kami nagkakaroon ng deep conversation na dalawa. He always replied to me in 2-5 words lang, hindi na siya nagbi-build ng conversation unlike before.
Sa jogging, hindi na kami sabay tumatakbo. Sa kickboxing man, hindi niya na ako sinasamahan sa sparring. Hindi na rin kami nagpapalitan nang opinion about sa isang novel na mga nabasa namin. Kinakausap niya na lang talaga ako kapag tungkol sa game o sa mismong laro na mismo.
I mean, okay lang naman. We are teammates and he is just building his own boundaries. Pero parang nawalan ako ng kaibigan in a snap.
"Baka umiiwas lang sa gulo." Sabi ni Leon sa pagitan ng kaniyang paghinga. "Alam mo naman. Mainit kayo sa mata ng mga tao. Isang usap ninyo lang ay baka ma-issue na naman kayo sa social media." Paliwanag niya sa akin.
"Grabe talaga ang mga tao sa social media, kayang sumira ng friendship." Reklamo ko at sunod-sunod na suntok ang pinakawalan ko. "Ang awkward lang dahil naapektuhan ang laro naming dalawa. Naiilang na ako magpatulong sa kaniya sa mga quest or kung magpapatulong ako... hindi ko na rin magawa."
"Kausapin mo na lang din?" Leon said. "Ayaw lang din ni Thad na masira ang relasyon ninyo ni Dion. He don't want to be a device na magiging rason para mag-away kayo."
Kumatok sa workout room si Coach Harris at napatigil kaming lahat. "Bakit po, Coach?" tanong ni Kurt.
"May gagawin ba kayo mamayang gabi?"
"Wala naman yata Coach?" Unsure na sagot ni Kurt.
"Ako mayroon, may live ako mamayang gabi." I answered.
"Cancel ninyo muna lahat ng live ninyo. Binigyan tayo ng budget ni Mister Chen. Naisip namin ni Russel na mag-rent ng Airbnb ngayong gabi para makapag-bonding tayo. Naghe-headcount kami ng makakasama kaya tatanong lang namin kung puwede kayo?" Coach Harris asked.
"Puwede kami, Coach!" Sagot ni Leon. "Bakasyon na bakasyon na ako. Sana may samgyup." Pagpaparinig niya kay Coach.
"Will take note of that." Coach said at napasuntok siya sa hangin sa tuwa. "Kayo, puwede rin kayo, 'no?" Coach asked at um-oo naman kaming lahat.
Hindi naman kalayuan sa boothcamp ang nirentahan ni Coach Russel na airbnb para makabalik din kami agad. Nakasuot na nga ang mga kumag ng tshirt at shorts para diretso talon na daw sila sa pool. It was a private resort na may apart na room. Ang aesthetic din ng lugar dahil kita mula rito ang view ng Taal lake.
Malamig nga lang sa paligid pero sa tagal namin nang nag-i-stay sa Tagaytay ay nasanay na rin kami sa lamig. "Okay for now, we will allow you to drink—"
Hindi pa tapos ang sinasabi ni Coach ay napatalon-talon na si Larkin sa tuwa. "Yes! Masasayaran na ulit ang lalamunan ko ng vitamins!" I rolled my eyes, walwalero talaga ng taon.
"But drink moderately. The minors, bawal kayong uminom. Sa oras na makita ko kayong uminom ay ibabalik ko agad kayo ng boothcamp at patutulugin." Banta ni Coach Russel kanila Noah.
"Coach kahit tikim lang?" Tanong ni Noah.
"Ito ang matitikman mo." Tinaas ni Coach ang kamao niya. "Manood na lang kayo ng blippi o kaya Cocomelon sa TV."
"Awit, swimming na lang kami." Hinatak ni Oli si Noah at Kiel na parang leader siya ng mga ito. Sa bagay, kapag kagaguhan ay number one naman talaga si Oliveros.
"Naku! Huwag ninyong paiinumin ng alak 'yang si Thad," sabi ni Tristan. "Grabe malasing 'yan. Ang baba pa ng alcohol tolerance!" Dugtong niya pa. Siyempre kilala niya si Thad dahil magka-team sila sa Daredevils.
Ngumisi si Larkin. "At dahil diyan, kasali sa session natin si Thaddeus. Minsan lang tayo payagan uminom kaya gusto ko gagapang lahat pabalik sa boothcamp."
Since this is a vacation. I disconnect myself from social media muna. "Ano ba 'to Milan! Blurred lahat ng kuha mo. Japanese ba ako?!" reklamo ni Larkin matapos ko siya kuhanan ng litrato sa balcony.
"Pangit lang camera mo!" Sagot ko sa kaniya.
"Wushu! Tingnan mo naman ang mga kuha ko sa kuha mo!" He showed his phone. E'di siya na may photography skills!
"Gaga, estetik naman sa IG ang ganiyang mga blurred." Sagot ko sa kaniya.
"Minsan oo, estetik! Pero sana naman may kuha kang naka-focus sa akin." Reklamo niya at uminom ng Gin bilog na iniinom niya. Siya pa mismo talaga ang nagtimpla ng gin bilog dahil chef daw siya, masarap daw siya magtimpla.
"Guys, game na!" Sigaw ni Sandro. "Inom na." aya niya.
"Ayan ang gusto ko. Iinom ka, ah." Sabi ni Larkin at hinatak ang kamay ko. "Ako ang bahala sa 'yo. Kargo kita ngayong gabi."
"Magpapaalam lang ako sa mga kapatid ko." I informed him at saglit na pumunta sa room para i-chat ang mga kapatid ko sa GC namin.
"Basta sumunod ka, ha! Hintayin ka namin." Sabi ni Larkin sa akin.
Milan na border sa bahay:
Mga kuya! We are having staycation, magpapaalam lang ako if puwede akong uminom tonight with the team?
London na Pilay:
Sige lang, pakitagay din ako.
Brooklyn na feeling boss:
You can drink but drink responsibly. I will also chat Sandro and Larkin to watch you. Know your limits.
London na Pilay:
Wag ka nakikinig diyan. Kung libre 'yong alak, inom lang! Huwag kang tatanggi sa blessings.
Brooklyn na Feeling boss:
Inom ka kasi nang inom kaya wala kang jowa.
London na Pilay:
Kaya nga ako umiinom kasi wala akong jowa! Hmp, mapanakit ng damdamin amp.
Bumaba na ako at tumabi kay Larkin. Nasa gilid kami ng pool at may bonfire na naka-set na hindi kalayuan sa kinauupuan namin para hindi kami ginawin. Ang kasali sa session ay ako, Callie, Larkin, Sandro, Leon, Tristan, Thaddeus, at si Kurt.
Hindi puwede ang mga bagets dahil minor samantalang umiiwas naman si Choji sa alak. Nagdahilan na lang siya na masakit ang ulo niya kung kaya't hindi siya makakainom.
Pagbaba ko ay nadatnan ko si Coach Russel na sinetup ang camera malapit sa amin. "Guys, ila-live ko 'yong laro ninyo, ha! Content lang sa page natin sa Yugto Pilipinas." He informed us.
"Sige lang, Coach." Sabi ni Larkin na nilalagyan pa ng sprite ang gin. "Okay na ba ganito katamis, Sandro? Tangina! E'di sana nag-sprite na lang tayo. Wala nang lasa 'yong alak!"
"Avoid racist words or attacking any social issues para iwas bash, ha!" Coach reminded us at pumanhik sa taas dahil binabantayan niya rin sila Noah.
"Game. Simulan na ang session!" Sigaw ni Larkin at siya ang naglagay ng gin sa mga baso. We are playing a card game named These cards will get you drunk na bitbit pa talaga ni Larkin na parang alam na alam niya ang mangyayaring inuman.
"Oh game na! Bawal ang KJ, ha. Ang KJ ay isang malaking bwakanashit at magtatae ng dalawang linggo 'yong malapot. 'Yong mainit sa puwet!" Simula ni Larkin at bumunot siya ng baraha.
Challenge another person to a thumb war. Loser drinks.
Natawa kami sa baraha na nabunot ni Larkin. "Putangina egul. Ako lang di nagki-kickboxing dito." Napakamot siya sa ulo at natawa kami. "Oh sige, si Kurt na lang."
Nag-thumb war sila at ang ending ay si Larkin nga ang natalo. Siya ang uminom ng gin at natawa kaming lahat. "Ikaw na Milan."
God! Sana hindi kahiya-hiyang card ang mabunot ko.
"Everyone who has never been out of the country drinks." Pagbasa ko sa nabunot ko.
"Awit. Iinom ang mga hampaslupa." Natatawang sabi ni Sandro. Uminom sina Sandro, Kurt, Thaddeus, at Tristan. Natuwa naman ako kasi hindi pa ako umiinom.
Next naman na bumunot si Callie.
Starting with you, take turns naming a dog breed. Continue until someone hesitates or repeat the word. That person drinks.
God! Kinabahan ako. Sinimulan ito ni Callie. "Poodle."
"Shitzu." -Leon
"Labrador." -Thaddeus.
Kumakabog ang dibdib ko habang isa-isa silang sumasagot. Gosh! Bakit ba kasi kasunod ko si Callie! Ako tuloy ang huli, baka maubusan ako!
"Beagle." Sagot ni Kurt.
"Askal." Sagot ni Sandro.
"Ay putangina akin 'yon, eh!" reklamo ni Larkin at natawa kami. "Wait lang!"
"Five... four..."
"Golden Retriever!" He answered. "Panis."
"Bulldog." I answered.
"Sandro." Sagot ni Callie at natawa kami.
"Gago tao ko." Natatawang sagot ni Sandro sa kaniya. "Tanginamo inom ka ngayon."
Super sakit ng tiyan ko kakatawa dahil puro kagaguhan talaga ang sinasagot nila. Or kahit 'yong simpleng pagpa-panic nila sa pagsagot ay sobrang nakakatawa na.
Si Leon na ang bumunot ng baraha.
The hairiest person drinks.
"Oh hindi ako." I said dahil pinagbasehan namin ang mga binti namin.
"Si Thad. Inom." Sabi ni Tristan
"Hindi ako mabalahibo!" Depensa ni Thad dahil ayaw niya nga rin uminom.
"Tanga. Bulbulin ka." Sagot ni Larkin. "Inom na, 'wag na maraming rason!" he shouted.
Tinunggo ko ang braso niya. "Baliw ka naka-live tayo." I informed him.
"Wala naman masama sa sinabi ko, ah! Term naman talaga 'yon sa mabalahibong tao." He said.
Nakailang ikot na rin kami ng baso at karamihan sa kanila ay namumula na dahil sa alak. Super sakit ng tiyan ko kakatawa. Isa rin sa napansin ko ang pagiging madaldal na nga ni Thad dahil sa kalasingan samantalang si Callie naman ay nagiging clingy.
Mabuti na lang talaga at madami akong cards na pangontra sa pag-inom.
"Walang panama pala 'tong mga 'to sa alcohol tolerance ko." Pagmamayabang ni Larkin habang bumubunot siya ng baraha. "Turn ko na."
Ask someone who is their crush. That person may answer truthfully or drink.
"Controversial." Natatawang sabi ni Larkin at tiningnan kami isa-isa. "Sino kaya dito 'yong mga mukhang palihim na umiibig."
Sure naman ako na hindi ako ang pipiliin ni Larkin dahil alam niya naman ang isasagot ko.
"Ikaw na lang, Thaddeus." Sabi niya.
"Ha? Ano 'yon?" Natatawang tanong ni Thad na halatang tipsy na.
"Sinong crush mo. Kapag hindi ka sumagot. Inom." Sabi niya.
"Inom na lang ak—"
"Luh walang thrill!" Suway sa kanya ni Tristan. "Sagutin mo na lang, lasing ka na, oh."
"Answer! Answer!" We chanted.
Nawala ang ngiti ni Thaddeus. "Si Milan." He answered at tumingin sa akin ng mata sa mata.
"I like you." Dugtong niya pa.
Napatigil ang lahat sa sinabi ni Thaddeus.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top