Chapter 183: Gunslinger
Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20
Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!
"OKAY, final na. I will choose the gunslinger class." Sabi ko sa sarili ko matapos manood ng ilan pang gameplay ngayong araw. Pansin ko kasi na iilan lang ang gunslinger core sa Esports scene. Gunslinger is a magic-base core class na kung saan gumagamit ng gunbuster. It is a powered gun designed to fire magical rounds.
"Wow, Milan, congrats. Inabot ka lang naman ng ilang araw sa pagpili." Sabi ni Larkin habang kumakain ng kikiam na nasa bowl. "Sure ka na ba diyan? Malakas sa mana ang gunslinger kung kaya't kakailanganin mo lagi magbaon ng mana potion." Abiso niya.
"Malakas man sa mana ay masakit naman ang damage nito. At isa pa, puwede naman ako mag-build ng mga equipments na may attribute na mana regen para tipid din." Paliwanag ko kay Larkin.
Dumating si Choji na mukhang galing basketball kalaro sina Tristan kasama ang ibang lalaki na dito nakatira sa loob ng village. "Captain, nakapili na si Milan ng class." Sabi ni Larkin. Kumuha ng kikiam sina Tristan at Sandro sa kaniya. "Puta naman! Magluto kayo ng sa inyo!"
Day-by-day ay nagiging close na kami rito sa boothcamp. Unti-unti na namin nababasag ang awkward barrier ng isa't isa which is good. It just proved na habang nagi-increase ang chemistry namin inside the game ay nag-i-improve din ang chemistry namin in real life.
"Nakapagpalit ka na ng class sa second account mo?" Choji asked me habang pinupunasan ang kaniyang pawis. May nakahandang spare nerve gear para sa amin sina Coach Harris para doon namin isasagawa ang change role namin.
We can't perform the change role in our main accounts for the meantime. Isa ito sa mga advantages namin sa international tournament at ayaw namin kumalat ang information tungkol dito.
"Mamaya pa lang, Choji." I informed him.
"That's good. Pasama ka na kay Callie para maturuan ka niya. Sabi niya kasi ay tututukan ka niya sa training mo." Agad naman akong kinabahan sa sinabi ni Choji dahil strikto si Callie pagdating sa training.
Ilang beses niyang napaiyak si Noah noong nasa Orient Crown kami noong tine-train niya ito. Pero mukhang worth it naman ito, kasama si Noah ngayon sa Yugto Pilipinas and he is proving that he is one of the monster rookie ngayon sa Pilipinas. He is still a rookie pero ang layo na agad ng narating niya sa Esports scene.
"Good luck sa 'yo. Ready ka na ba umiyak kay Kuya Callie?" Banta ni Noah sa akin.
"Thank you sa support, ha!" I said.
Saturday ngayong araw kung kaya't hindi mahigpit sa training sila Coaches. They just want us to farm for upgrading stones and clear some quests para makapagpa-levelup. Although, napakahirap ng mag-levelup lalo na't matataas na ang level namin.
Dumating na si Callie sa boothcamp. Galing kasi siya sa maynila para sa photoshoot sa isang energy drink na ini-endorse niya. He is the most busy player in Yugto Pilipinas. Sa bagay, for the record, si Callie lang naman ang nag-iisang back-to-back champion ng Hunter Online tournament.
He won season 3 tournament (Black Dragon) and he won Season 4 tournament (Orient Crown). Hindi naman isang malaking joke kapag sinasabi ni Callie na siya ang pinakamalakas na player sa HO ngayon.
Kung mananalo pa kami sa Hunter Online International Tournament ay mas lalong tataas ang lipad ng kurimaw na 'yan.
"Callie, train mo na si Milan." Choji said while Callie is loosening his tie dahil naka-tux ang mokong.
"Nakapili na siya ng class?" He asked and removing his coat. "Putangina ang init ng necktie saka tuxedo. Hindi ba talaga puwedeng sando-sando na lang sa business meeting?" Reklamo niya.
"Yup. Gunslinger." I answered at kumuha sa kikiam ni Larkin. Masama niya akong tiningnan at pinakyu.
"Not bad. Medyo komplikado kasi magic base pero masakit damage. Bihis lang ako tapos practice na tayo." He said.
"Agad-agad?" Tanong ko.
"Oo. Ilang weeks na lang naman ang mayroon tayo. Mas maaga ay mas maganda. Ready mo na 'yong extra nerve gear mo tapos papalit na tayo ng class sa 'yo."
Pumasok na si Callie sa kuwarto nila para magpalit ng damit. "Ayon, practice pa nga." Natatawang sabi sa akin ni Larkin.
"Tumatawa ka diyan. May schedule live ka, mag-ready ka na rin." Utos naman ni Choji sa kaniya.
Pumasok na ako sa storage room para kuhanin ang nerve gear na may pangalan ko. "Okay Milan, this is just a new challenge for you, kaya mo 'to."
PAGKA-ONLINE ko ay nasa Rokuto Town ang character na ito. It have a similar feature with my original avatar kung kaya't hindi rin ako nanibago.
Shiver
Level 45
Class: Nova
Madaming tao ang nandito ngayon sa Rokuto Town. First time ko makapaggala ulit dito na walang ibang players ang tumitingin sa akin or nagpapa-picture. This is giving me a new player vibe kagaya noong nagsisimula pa lamang ako maglaro ng Hunter Online.
"Grabe mag-sight seeing, ah. Feeling mo yata nasa Disney Movie ka." Biglang pag-epal nitong kasama ko which is si Callie.
Ryota
Level 47
Class: Dark Assassin
Assassin ang new role ni Callie which using a sharp claws to hit an enemy. Mabilis ang kilos ng mga dark assassins at masakit din ang damage ng mga skills. Bagay na bagay ito sa game play ni Callie, although, sabi niya ay maging siya ay nag-a-adjust pa rito.
"Magpalit ka na ng class para makapag-training na tayo." Sabi niya sa akin. He opened his map and check the whole village. "Mayroon sa upper part ng mapa, malapit sa tindahan ng mga potions."
Naglakad na kami ni Ryota patungo sa Job and Classes shop para makabili ng Change class scroll. It cost 800,000 gold kung kaya't isang beses lang namin ito puwedeng gawin. "Are you sure with the Gunslinger class?" He asked. "Wala nang atrasan kapag iyan ang pinili mo."
Ilang segundo akong nakatayo sa harap ng shop at nag-iisip. Gusto ko nga sana gayahin ang class ni Callie noong core pa siya para madali niya akong maturuan. Pero naisip ko rin na hindi malaking adjustment iyon lalo na't parang magiging si Callie ang galaw ko as a core. I want to be different, gusto ko ay magiging isang malaking palaisipan sa mga kalaban ang gagawin kong kga atake.
"Final na." Binili ko na ang change class roll at nabawas ang 800,000 gold sa inventory ko.
"Akong bahala sa 'yo." Ryota smirked.
Kinuha ko na ang scroll sa inventory ko.
Are you sure you want to use the Change class scroll? You will not be able to use all items exlusively for Nova Class again if you change class?
Yes
No
I immediately choose yes.
You succesfully removed Nova as your class! Choose the class that you want to replace.
May listahan ng mga class ang lumabas sa vision at agad kong hinanap ang Gunslinger class. It asked for a confirmation at sigurado na ako sa napili kong class.
You successfully changed your class to Gunslinger! Congratulation!
"Okay na." I informed Ryota.
"Okay, for now, bibili muna tayo ng mga items na related sa gunslinger job kagaya ng mga weapon. Importante din ang mana potion." Mabuti na lamang at malapit lang din sa area ang bilihan ng mga weapons.
After that, nagtungo kami sa isang malawak na field at pumuwesto kami sa likod ng nagtataasang bato at puno. Sabi ni Callie ay secret training ground niya raw ito especially kapag may gusto siyang i-test sa mga moves niya.
"Okay, start tayo." Ryota said at nag-stretching. "Being core in Hunter Online required a lot of precise moves. Kailangan alerto ka sa nangyayari sa paligid mo dahil squishy player ka lang." He explained.
Ryota is asking for a match
Accept
Decline
I immediately accepted his request at nagulat na lamang ako na nasa tapat ko na si Ryota at nakatutok sa leeg ko ang talim ng kanyang claws. "Kasasabi ko lang dapat alerto ka sa paligid mo."
"Kaka-accept ko lang noong duel match! Hindi pa start!" Reklamo ko sa kaniya.
"Masasabi mo ba 'yan sa kahit sinong team sa international scene?" Seryoso niyang sabi sa akin. Bahagyang lumayo si Ryota. "Isa sa mga pinakadapat iwasan mo sa isang match kapag core ka ay ang assassins. They can sneak behind your back to eliminate you in the game. Masakit ang damage nila na kaya kang i-one hit kung mali ang equipments mo. You used to be an assassin kung kaya't dapat alam mo ang mga possibilities na ganyan."
Nagpatuloy ang training naming dalawa ni Ryota at tama nga ang sinabi ni Noah. Nakakaiyak magturo si Callie! Seryoso siya sa mga sinasabi niya at talaga naman itinuturo niya kung ano ang alam niya. Bilang bagong marksman user ay marami akong natutunan sa kaniya at may mga tips siyang bigay para maging efficient core.
DUMATING ang araw ng linggo at rest day namin. Noong umaga ay sumali ako sa session nila Thaddeus sa kickboxing at noong bandang tanghali naman ay magka-facetime kami ni Dion ng ilang minuto. I still tried to be productive kahit rest day namin kagaya nang panonood ng matches ng international team.
"Milan, sama ka?" Aya sa akin ni Sandro. "Punta kaming sky ranch. Pasyal-pasyal tapos tamang waldas lang ng pera doon kahit hindi naman mananalo ng mga teddy bear."
"Sumama ka na, Kumare! Para naman may masaya kami kasama, ang bo-boring nila, eh!" Oli said.
"Gagawin ninyo lang akong babysitter, eh." Reklamo ko. Iniisip ko pa lang na si Oli, Noah, at Kiel ang babantayan ko sa theme park ay sumasakit na ang ulo ko. "Wait, magbihis lang ako."
Kung nandito si Genesis ay baka mas lalo akong mahirapan dahil oras-oras naliligaw ang batang iyon. Nakaka-miss din si Genesis infairness, kahit wala siyang sense of direction at araw-araw siyang kinukulang sa milo.
Since malamig dito sa Tagaytay at ayoko naman maging tiis-ganda. I just wear a comfy sweatpants and an oversize red jacket na may design ng isang university sa ibang bansa. Hinayaan ko lang nakalugay ang buhok ko, kaunting foundation, tint sa pisngi at labi. Okay na ako no'n.
"Nauna ka pang magbihis kay Kuya Larkin." Reklamo ni Noah at naka-cross na ang kaniyang braso sa inip kay Larkin.
"Knowing Larkin, pumoporma pa 'yon." Natatawa kong sabi dahil pinaninindigan niya talaga ang pagiging Oppa niya.
Lumabas si Larkin ng kuwarto nila. Nakaputing T-shirt si Larkin na pinatungan ng knitted na sando. Nakaayos din ang buhok nito at nakasuot ng eye glasses that made him a boy-next-door-type of guy. "Napakatagal mo." Reklamo ni Noah.
"Ha?" Larkin asked.
"Hatdog." Sagot ni Noah.
"Hanapin mo pakialam ko sa nararamdaman mo." Ganti ni Larkin sa kaniya. Ang mature talaga at ang hilig pumatol aa bagets.
Sumakay na kami sa mini bus. Ang kasama sa gala ngayon ay ako, si Larkin, Noah, Oli, Kiel, Sandro, Kurt, Callie, at Thad. The rest ay naiwan na dahil may kaniya-kaniya silang lakad or gusto lang magpahinga sa boothcamp.
Dahil weekends, ano pa bang aasahan sa Tagaytay? Traffic. Ang ilang minutong biyahe lang dapat namin papuntang Sky Ranch ay naging oras dahil sa traffic. "Ngayong lokal ako sa Tagaytay. Nakaka-badtrip pala talaga ang mga turista, cause of traffic amputa." Reklamo ni Larkin. "Noah, picture-an mo ako."
"Alila mo ba ako!" Reklamo ni Noah pero kinuha pa rin niya ang iphone ni Larkin.
Nagbayad lang kami ng entrance at pumasok na sa loob. Isa talaga 'tong Sky ranch sa paboritong puntahan dito sa Tagaytay. It's an open space themed park tapos hindi rin ganoon kamahalan ang bayad. Mula rito ay may magandang view na makikita ang Tagaytay at kung susuwertehin ay makikita mo rin ang mismong Taal Volcano. Sayang nga lang at medyo foggy sa lugar ngayon.
May mangilan-ngilan nagpapa-picture na inanyayahan naman namin. Magkausap kami ni Thaddeus habang naglalakad. "Namangha ka na sa mga suntok ko, 'no!" Pagmamayabang ko sa kaniya.
Nailing si Thad. "Kapag makikipagbasag ulo ka, ikaw pa rin ang talo."
"Epal mo, wala man lang support sa student mo sa kickboxing." Sabi ko sa kaniya.
We are watching Noah and Oli na magtalo habang nilalaro 'yong itatayo 'yong bote using a stick and a ring.
"I followed your advise." Sabi niya pero diretso siyang nakatingin kanila Noah.
"Advised?" I asked. Nagpayo ba ako sa kaniya? Grabe hindi ko na matandaan dahil sa daming nangyayari these past days.
"Na I should make time with my siblings. I invited them to have a early dinner next Sunday sa BGC." He said.
"Talaga?" I excitingly asked dahil naalala ko na. "Anong sagot nila?"
"They all agreed. It's my first time daw to ask them out." He said. Tumingin sa akin si Thad. "Thank you for you advise."
"Glad that I am able to push you with that. Sabi ko sa 'yo, eh! Hinihintay ka lang nila." Nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Tangina mo kasi, patalo ka." Nagrereklamong sabi ni Oli kay Noah.
"Sabi ng walang ambag kung hindi sigaw. Buti pa si Kiel, nagbibigay ng advise. Kami na lang tropapips." Ganti ni Noah.
"Luh! Ayaw sa 'yong makipagkaibigan ni Kiel. Mukha kang dambuhalang kulangot na naglalakad." Ganti naman ni Oli sa kaniya. "Saka hindi kita sinisigawan! Ang tawag doon cheer, mino-motivate kita. Bobo."
"Ano na naman pinagtatalunan ninyo?" Natatawa kong tanong sa kanila. Sanay na ako sa bangayan nitong si Oli at Noah, pero magkasundo naman lagi 'yan.
"Ito kasi." Turo nila sa isa't isa.
"Magpahinga muna kayo. Mag-foodtrip muna kayo." Sabi ko sa kanila.
Kumain muna kami ng hotdog in a bun tapos pinagmasdan lamang namin ang paligid. Nakita ko pa si Larkin na naglalaro noong sasabit sa pole for two minutes at kapag naka-two minutes ka ay may prize na malaking asong stuff toy.
"Tingnan mo si Kuya Larkin." Natatawang sabi ni Noah at pulang-pula na agad si Larkin at 22 seconds pa lang siya nakasabit. "Yabang-yabang niya sa akin na petiks lang 'yon."
"Hindi ka pa nasanay kay Larkin. Parehas sila ni Callie na puro yabang." I said. Bumaling ang tingin ko kay Thad. "Try mo."
"Alin?" Tinuro ko 'yong nilalambitinan ni Larkin. Saktong nataya naman si Oppa. "Why would I waste my energy there."
"Sungit. Challenge lang naman! Para makakuha na ng stuff toy 'tong mga bagets." Sabi ko sa kaniya. "Saka ito na ang tamang oras para ipakita mo kung gaano kalakas ang upper portion ng katawan mo. Tingnan natin kung effective ang Kickboxing." Natatawa kong sabi.
"Sige na, try mo na!" Oli said.
"Oo nga. For clout lang ba 'yang muscle mo?" Gatong pa ni Noah.
"Please?" Sabi naman ni Kiel.
"Hindi ka dapat nagpi-please," suway ni Oliver sa kaniya. "Tayong maaangas, hindi tayo nagpi-please. Malakas tayo." Pagtaka nito. Grabe! Sinisimulan niya na talaga ang pangdidemonyo sa pure na ugali ni Kiel.
Matapos namin kumain ay tinry na ni Thad iyong palaro na iyon. Dumami ang tao na nanonood sa kaniya. He is Thaddeus! One of the most famous player in Hunter Online. Sumabit na si Thad at nag-umpisa na ang timer.
"Go Thad!" Sigaw namin to cheer him pero focus lang siya.
"Thaddeus! Thaddeus! Thaddeus!" Malakas na cheer ni Oli.
"Thaddeus! Tanginamo! Thaddeus! Tanginamo!" Malakas naman na cheer ni Noah.
Natawa kami sa kagaguhan ng batang ito. "Gago ka, iba na 'yon!" Suway ni Oliveros sa kaniya.
"Ay iba na ba 'yon?" Natatawang sagot ni Noah and he cheered Thad.
Well, hindi naman nasayang ang workout na ginagawa ni Thad dahil easy niya lang natapos ang two minutes. He won the giant dog plushie at ibinigay kay Kiel dahil si Kiel lang daw ang nag-please sa tatlo. Laki tuloy ng galit ni Noah at Oli sa kaniya.
Hinayaan ko na silang magsakay-sakay sa rides habang kami ni Callie ay bumalik na ng boothcamp. Hindi na kaya ng energy ko na makipagsabayan sa kanila. Mabuti na lamang at may dalang sariling korse si Callie.
"Kumusta ang practice mo?" Tanong niya habang focus sa pagmamaneho.
"Epal mo. Magtutuos na naman tayo bukas." Reklamo ko kay Callie na ikinatawa niya.
"Hindi mo talaga masasabayan sa paglalaro si Callie the great. Hindi pa isinisilang—"
"Ang makakatalo sa 'yo." Ako na ang nagdugtong dahil kabisado ko na ang nonsense speech niya.
"Alam mo naman pala, eh." Natatawang sabi ni Callie. "Gusto mong dumaan ng starbs? Bago bumalik sa boothcamp?" He asked.
"Ayoko ng caffeine ngayon. Gusto ko nang payapang tulog."
"Puwes ako gusto ko. Wala kang magagawa, kotse ko 'to." Proklama niya.
"Buwisit." Sagot ko kay Callie.
Habang biyahe kami pa-Starbucks ay na-stuck kami sa traffic. Napadungaw ako sa bintana kumunot ang noo ko noong may makita akong pamilyar na tao sa labas ng ospital.
"Si Choji at Leon ba 'yon?" Tanong ko. Sumakay sila sa sasakyan which is confirmed na kotse ni Choji. "Sila nga."
Dumungaw din si Callie. "Baka naman may kinuha lang sa loob."
"Ano naman kukuhanin nila diyan?" Tanong ko.
"Baka kaldero." Natatawang sabi ni Callie. Buwisit talaga kahit kailan. "Malay mo may appointment checkup lang. As long as nagagawa naman nila ang duty nila as members of Yugto Pilipinas ay labas na tayo sa personal nilang buhay."
Sa bagay.
Itong buwisit na Callie, sa dami-dami ng Starbucks sa Tagaytay ay talaga namang pinili niya pa 'yong pinakamalayo sa boothcamp para raw bonding. Kairita. Nauna pa tuloy makabalik sina Larkin sa amin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top