Chapter 181: The Brothers and Offer
Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20
Votes, comments, and sharing the story is highly appreciates.
"IKAW naman pala may kasalanan Kuya Brooklyn kung bakit nandito si Milan ngayon." Sa pagkakataong ito ay nabaliktad naman ang sitwasyon at si Kuya London naman ang nagsesermon kay Kuya Brooklyn.
"Sorry na nga." Sagot ni Kuya Brooklyn sa kaniya. "Nakalimutan kong sagutin si Milan na okay ka lang. May online meeting akong kailangang attend-an kanina." Dugtong niyang paliwanag.
Kinain ni Kuya London ang isang ubas na para siyang gangster. "Eh paano gagawin mo niyan, Kuya? Nandito na ngayon si Milan. Sa kuwento mo yata ay parang fifty-fifty na ako at mamamatay na sa ospital. Napauwi tuloy ng Bulacan."
"Sorry na nga 'di ba?!" Reklamo ulit ni Kuya Brooklyn.
"Sorry na nga 'di ba." Kuya London imitated Kuya Brooklyn's voice but in a mocking way.
"Kuya nagagawa mo pang magbiro ng ganyan. Puro ka galos, may cast pa 'yong paa mo. Akala mo ba joke time 'yang sitwasyon mo?" Inis kong tanong at mahina kong hinampas ang kaniyang braso. "Grabe kaya ang pag-aalala ko sa 'yo."
"Okay lang ako. Ako naman din ang may kasalanan kasi bigla akong sumulpot sa kanto kakahabol kay Forest. Ito lang si Kuya Brooklyn ang makulit na ipa-ospital ako at ipa-CT scan." He explained.
"London, hindi ka nga okay physically. Okay nang pina-CT scan ka dahil baka mamaya ay may mga internal damages ka at mangisay ka na lang mag-isa sa bahay pag-uwi." Paliwanag ni Kuya Brooklyn.
"What a joke Kuya." Biglang pinitik ni Kuya Brooklyn and tainga ni Kuya London. "Aray ko! Ang sakit no'n, ah!"
"Gumaganyan ka pa. 'Yong mga meeting mo ang isipan mo ng paraan paano mo magagawa. You can't cancel that lalo na't may pupuntang onshore team sa inyo sa Davao." Sabi ni Kuya Brooklyn kay Kuya London.
Pinanood ko lang silang magbangayan at napangiti. Naputol ang pagtatalo nila noong mapatingin sa direksyon ko. "Ba't parang naiiyak ka riyan?" Natatawang tanong ni Kuya London. "Mukha kang natatae ri—"
Hindi na natapos ni Kuya London ang kaniyang sinasabi dahil mahigpit ko silang niyakap ni Kuya Brooklyn. "I am just glad that you are both okay." Wika ko. I grew up with them and they spoil me so much in different ways.
Both of them smiled and also hugged me.
Naputol na lamang ang drama namin noong nakarinig kami noong tunog ng camera. Paglingon namin ay nakatayo sina Mom and Dad habang nakangiti. "Dapat pala lagi kang naaaksidente London para maging sweet kayong ganiyan." Buro ni Dad na may hawak na basket ng prutas.
"Dad anak mo ko, huy. Baka nakalimutan mo." We burst our laughed. I just missed them.
I had my time with my family at kinausap sila ng ilang minuto. Napag-alaman kong si Kuya London nga ang mali dahil hindi siya tumitingin sa tinatakbuhan niya noong hinahabol niya si Forest kung kaya't nabunggo siya ng kotse.
Mabuti na lamang ay kaibigan ni Dad ang nakaaksidente sa kaniya (Tito Ronnie) at shinoulder nito ang hospital fees.
Paglabas ko ng room ay nakaupo sina ate Princess, Dion, at Thaddeus sa waiting bench. "Ba't hindi kayo pumasok?" I asked.
"Family time ninyo iyon." Sagot naman ni Dion. "Atleast panatag na ang loob mo na okay si London."
Tiningnan ko si Dion. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko siya ulit ngayon. These past weeks ay tanging sa screen o sa game ko lang siya nakakausap dahil sa layo ng Tagaytay sa Nueva Ecija. "Bakit ganiyan ka makatingin?" Hinawakan ni Dion ang kaniyang mukha. "Sorry kung may dumi. Nagmadali rin kasi akong pumunta rito."
I hugged him tightly.
Grabe! Lahat yata ng tao or ka-close ko dito ay yinayakap ko sa sobeang pagka-miss. Grabeng home sick pala 'to.
Noong sa Maynila kami nagbu-boothcamp ay nakakauwi pa ako sa Bulacan every weekends. Dito kasi sa Yugto Pilipinas ay ang layo ng North sa South kung kaya't makakauwi lang ako kapag may long weekends. Way daw ito nila Coach Harris para mas makapag-focus kami sa practice namin.
"Na-miss din kita." Natatawang sabi ni Dion.
Lumabas na din si Kuya Brooklyn mula sa room. Hinawakan niya si Ate Princess sa baywang. "Alis na kayo, Kuya?" Tanong ko.
"Ihahatid ko pa si Princess. Anong oras na rin." He checked his apple watch. "Ikaw din. Bumalik ka na ng boothcamp ninyo. Para hindi kayo masyadong gabihin ng uwi."
Mas matagal pa ang naging biyahe ko kaysa sa pag-stay ko rito sa Ospital. Okay lang din naman dahil may responsibilidad din naman ako sa boothcamp, we will play internationally at hindi puwedeng basta-bastang practice ang ginagawa namin. "Kakain lang kami nila Dion tapos uuwi na rin sa boothcamp."
"Okay." Bumaling ang tingin ni Kuya kay Thaddeus. "Thank you sa pagsama sa kapatid ko rito, pakiingatan na rin siya pag-uwi."
"Walang anuman po." Thaddeus answered.
Naglakad na paalis si Kuya ngunit bumalik din. "Before I leave, can you sign this?" Inabot ni Kuya Brooklyn ang isang papel at ballpen. Naiiling na lang si Ate Princess sa biglaang request ni Kuya Brooklyn.
Super fan nga pala ang dalawa kong kapatid ng Daredevils kung kaya't hindi nila palalampasin ang chance na nandito si Thaddeus. "Huwag mong bigyan ng pirma si London. Consequence ng kabobohan niya."
"O...kay?" Thaddeus said after he signed the paper.
Ate Princess rolled her eyes. "Ang mature brooklyn, ha!" Hinatak niya na si Kuya at nagpaalam na sa amin.
Naiwan kaming tatlo nila Dion at Thaddeus sa may hallway. "Are you having your dinner? Hintayin na lang kita sa kotse, Milan." Sabi ni Thaddeus.
"Bakit hindi ka pa sumabay sa amin?" Tanong ko kay Thaddeus. Parehas kaming galing sa boothcamp at hindi pa kumakain. At isa pa, gusto ko man lang ilibre si Thaddeus ng dinner bilang pasasalamat sa pagdala sa akin dito. This is something that I appreciated big time.
"Kailangan ninyo rin naman ng alone time together. I can wait in the car." Thaddeus said.
"Sumabay ka na sa amin. Nakakahiyang gutumin ang Captain ng Daredevils." Biro ni Dion at napailing na lang si Thad. In the end ay napilit namin siyang sumama sa amin.
Thad used Larkin's car habang sumakay ako sa kotse ni Dion. "Kanino mo naman hiniram 'to ngayon?" Tanong ko kay Dion habang stuck kami sa traffic sa Plaridel Crossing. Kailan ba hindi naging traffic dito?
"Sa Tito ko." Sagot ni Dion. "Kumusta ka? Naginhawaan ka na noong makita mong okay na si London?"
"Somehow nakahinga na rin ako nang maluwag. Siguro, good thing na rin na pumunta ako rito para sa peace of mind ko. Hindi rin ako makakapag-focus sa peactice nang nag-aalala kay Kuya." Kuwento ko kay Dion.
"Saka mahaba pa ang buhay ng kuya mo. Bubuwisitin ka pa niyan hanggang sa pagtanda mo." Dion chuckled.
"Mas okay na buwisitin niya ako. Huwag lang siya mawawala. Mas hindi ko kaya 'yon." Kuwento ko. "Oh my God! Siguro ay aasarin ako ni Kuya kung narinig niya ang sinabi ko na 'yon. Erase! Erase! Kadiri." Umakto akong kinilabutan.
"Huwag lang siya mawawala." Dion mimicked me at natawa.
I rolled my eyes. "Epal."
"Saan tayo kakain?" He asked. "Pakainin mo ng masarap 'yong driver mo. Ang layo pa nang lalakbayin ninyo pabalik ng Tagaytay."
"Kaya nga, eh. Sorry pala hindi ko nasabi na si Thad ang sumama sa akin. Busy kasi sila Larkin."
Kumunot ang noo ni Dion. "Ha? Bakit ka nagso-sorry? Dapat nga magpasalamat pa ako kay Thaddeus dahil nadala ka niya rito. Biruin mo, ilang weeks na din tayong hindi nagkikita." Sabi ni Dion sa akin. "Saan mo pakakainin anh bisita mo?"
"Kaya nga, eh, mukhang choosy pa naman sa pagkain si Thad." I said.
Ang ending ay kumain kami sa Shakeys malapit sa palengke. I just ordered pizza and rice meal. May ilang nagpa-picture sa amin habang hinihintay namin 'yong order namin na pinagbigyan naman namin.
"Si idol pala 'to!" Sabi noong isang teen at mukhang nagbi-video, itinapat niya ang phone camera niya kay Thaddeus. Grabe talaga ang ibang kabataan, gagawin ang lahat para sa clout. Hindi man lang nagtanong ng consent if we want to be on his video.
Sa bagay. Kapag PUBLIC figure ka ay tingin ng iba ay dapat accessible ka lagi sa publiko.
"Kaway naman kayo, pang-tiktok ko lang! Mga kasama sa Tugto Pilipinas at isang hindi kasama eyyy." Itinapat niya ang camera kay Dion.
Nagulat kami sa sinabi niya. "Akin na 'yong phone mo." Thad said.
"Bakit? Pipirmahan mo, idol?" Inabot nito ang cellphone niya.
Thad immediately deleted the video that he recorded a while ago. "Ganyan ka ba umasta sa mga taong kakakilala mo lang?" Seryosong tanong ni Thaddeus. "Feeling mo cool kid ka kapag nakasakit ka ng damdamin ng ibang players."
"A-Ang sungit mo naman! Akala mo kung sinong sikat."
"Talagang sikat ako. Lumapit ka nga, eh. Mag-sorry ka kay Dion." Utos ni Thaddeus.
"W-Wala naman akong sinabing masama!"
"Magso-sorry ka o babasagin ko 'tong cellphone mo." Banta ni Thad.
"Sorry na, Dion." He said. Hinagis ni Thaddeus ang cellphone niya na agad niya naman sinalo. "Ipo-post ko 'to sa social media! Ganiyan pala ang ugali mo!"
"I-post mo, mas maraming nakapag-video sa kakantohan ng ugali mo." Ganti ni Thaddeus at umupo na ulit. "Sorry about that."
"Okay lang, hindi naman natin kontrolado ang lumalabas sa bibig ng ibang gamers. May iba talaga na may mga pagkahambog." Sabi ni Dion. "Pero salamat na rin."
We ate our food peacefully. Nagkukuwentuhan lang si Dion at si Thaddeus tungkol sa pinapagawang bahay ni Dion. Somehow interesado si Thad dahil balak niya na rin palang magpatayo ng bahay. Minsan ay nagbibigay ako ng comments pero mas focus ako sa pizza. Matapos akong i-stress-in ng kapatid kong ungas ay deserve ko ng pizza na walang pineapples na toppings.
"So Thaddeus, kumustang kagrupo si Milan?" Dion asked. Bakit biglang nabaling sa akin ang topic nila? Tapos na sila sa bahay-bahay?
Tumingin ako kay Thaddeus at natawa siya. "Ayusin mo ang sagot mo, nilibre ko kayo ng dinner." Paalala ko.
"Ayos naman siyang kagrupo. We are still in the process na nag-a-adjust pa kami sa ugali ng isa't isa pero hindi naman siya mahirap pakisamahan." Paliwanag ni Thaddeus at napatango ako.
"Hindi ka ba niya kinukulit mag-jogging?" Mahina kong tinapik ang braso ni Dion. "What? Ganyan ka sa akin tuwing umaga."
"May character development na ako, 'no!" Nakakatakot kasi manggising ng maaga sa ibang players sa Yugto Pilipinas. Baka mamaya ay mas malala pa sila magalit kay Dion.
"Pero sumasali siya sa workout namin." Thad said.
"Kickboxing?" Tanong ni Dion at tumango si Thad.
"Oo! Grabe! Ang sakit niya sa katawan gawin pero masaya. You should also try doing it, Dion. Si Thad ang magiging coach natin." I encouraged him.
"Auto pass sa mga ganyan. Ang sports ko ay Esports." Pagmamayabang niya lagi. Para namang pinagpapawisan o nabibuild ang muscle niya sa esports.
"Dion should come with us kapag nag-stream gaming lang tayo." Aya ni Thaddeus sa kaniya.
Sinasabi ko sa inyo, may kung anong magic talaga ang mga lalaki at ang dali lang silang makipagbarkada sa isa't isa. Kanina lang nagkaroon nng mahabang conversation si Dion at si Thad pero parang silang dalawa ang magkagrupo kung umasta.
"Gustuhin ko man sumama sa inyo. Busy rin ako sa Nueva, may mga inaasikaso ako tulad ng pagpapagawa ng commercial building at pagpaplanong pumasok ulit sa school. Pero kung may time ako, sige lang." Paliwanag ni Dion habang tinatanggal niya ang pineapples at bellpepper sa pizza slice ko dahil alam niyang hindi ko kinakain iyon.
"Artista 'yang cutie player ng Nueva Ecija na 'yan. Mahirap mag-book ng schedule diyan." Biro ko.
"Chika mo." Dion said
"Mang-aagaw ng line!" I protested.
Thaddeus just watched us habang nag-aaway kami ni Dion sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay. Bandang 7:30PM noong nag-bill out ba kami.
Ayoko pa sana umuwi kaso sabi ni Dion ay baka mahirapan daw kami sa biyahe kapag gabing-gabi na. Sa parking lot pa lamang ay nakaramdam na ako ng lungkot. Knowing that aabutin na naman ng ilang linggo (o buwan) bago ko makita sina Mom, si Dion, at sina Kuya.
"Thaddeus, ikaw na ang bahala kay Milan." Bilin ni Dion at nag-apir silang dalawa ni Thad. "Good luck sa inyo sa Yugto Pilipinas. Galingan ninyo sa practice at sa mismong tournament."
Tumingin sa akin si Dion, dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. "Dapat pala lagi kang malayo para nagiging extra clingy ka." He chuckled.
"Chika mo. Ngayon lang 'to."
"Update me kapag nakauwi na kayo." Dion said. "Huwag kang magpapagutom doon, kumain ka on time. Lagi kang makikinig kanila Coach Russel. Kapag mabigat na ang nangyayari sa inyo sa boothcamp ay okay lang umiyak, valid 'yon." Sunod-sunod na bilin ni Dion sa akin.
"Lastly, tawag ka lang kapag kailangan mo ng kausap." Sabi niya sa akin and kissed me on my forehead.
Ilang minuto yata kaming magkayakap ni Dion. Wala kaming pake kung tinitingnan kami ng ubang tao na lumalabas mula sa shakeys o kaya naman sa malapit na terminal. I just missed the comfort that he bring.
"Sige na, bumalik na kayo ng Tagaytay. Anong oras na rin." Ginulo ni Dion ang buhok ko at matalim ko siyang tiningnan na tinawanan niya lamang.
"Thank you dito, Dion." Sabi ko sa kaniya.
His brows crunched. "Thank you saan?"
"Na pumunta ka rito para i-check na ayos lang si Kuya. Na-appreciate ko 'yon. Sobra."
"Inalagaan din naman ako ng pamilya mo kapag nasa Bulacan ako. Concern din ako kay London lalo na't step daddy ako ni Forest." Sabi niya.
"Ayaw ka nga tanggapin ni Kuya London bilang stepdad ni Forest." Natawa si Dion.
Pinasakay na ako ni Dion sa kotse at ini-start na ni Thaddeus ang sasakyan. Thaddeus rolled the window para marinig namin si Dion. "Ingat kayo. Focus sa pagda-drive Thaddeus, huwag ka sana antukin."
"Ingat din." Thad said.
Hindi muna sumakay ng sasakyan si Dion at hinintay kaming makaalis.
Habang nasa biyahe kami ay na-traffic kami sa bandang Plaridel. "Thaddeus, salamat sa pagsama. Bawi na lang ako sa inyo next time."
Feeling ko kasi ay wala pa kami sa hatid-sundo level ng friendship ni Thaddeus pero heto siya, sinamahan niya ako rito sa Bulacan na tatlo o apat na oras ang biyahe.
"Walang kaso." Thaddeus said. "Pero kung talagang hindi talaga kaya ng konsensya mo ay ibili mo na lang ako ng maraming Pocari sweat." Parating iniinom iyon ni Thaddeus kapag wala kaming practice.
"Hinahanap na kaya tayo?" Tanong ko.
"Alas-sais pa lamang ay nakatatanggap na ako ng chat galing kanila Coach." Pag-amin ni Thad.
"God! Hindi mo man lang ako sinabihan."
"Eh pagagalitan na lang din naman. Sulitin mo. Ilang linggo ulit ang aabutin bago mo sila makita. Mas mahalaga ang oras kasama ang pamilya." Sabi niya habang focus sa pagda-drive.
"Kaya ikaw, make time with your siblings. Hindi pa late para maka-close sila. Kahit pa wala silang hilig sa gaming, sigurado ako na proud sila sa 'yo. Hindi lang nila ma-express because hindi kayo ganoon nag-uusap." I reminded Thaddeus.
***
MAG-A-ALAS DOSE na noong makabalik kami sa Boothcamp. Actually ay kinakabahan ako na mapapagalitan kami ni Thaddeus. "Huwag kang kabahan, sasabihin ko kanila Coach na kasalanan ko ang lahat at nadamay ka lang." I reminded him.
Kumunot ang noo ni Thad. "Hindi naman ako kinakabahan." Tinanggal na niya ang seatbelt at akmang lalabas na ng kotse ngunit pinigilan ko. "What?"
"Ime-mentally and emotionally ready ko lang ang sarili ko." Sabi ko sa kaniya.
"You need to face the consequences of your action." Sabi niya at lumabas na si Thaddeus ng sasakyan.
Grabe wala man lang suporta.
I breathed in and breathed out. Tinanggal ko ang seatbelt at lumabas ng sasakyan. Humabol ako kay Thaddeus na binuksan ang pinto ng boothcamp.
Pagkapasok namin ay nadatnan namin sina Oli na nanonood ng Marvel movie sa sala. "Coach ito na ang mga tumakas!" Malakas na sigaw ni Noah. Buwisit na kadaldalan ni Noah 'to, napakasipsip sa mga coaches.
"Kumare, kumusta si Tito?" Tanong ni Oli.
"Oli, si Kuya London ang na-ospital. Hindi si Dad." I reminded him.
"Alam ko. Kumusta nga si Tito?" Grabe na kay Dad lang talaga ang focus ni Oli. Talagang g na g siya bilang pekeng anak nila Daddy.
"He's doing well." I answered
"Milan, Thaddeus. Usap tayo sa office." Tawag sa amin ni Coach Harris at Coach Russel. Napabuntong hininga ako at tatanggapin kung ano man ang magiging parusa nila Coach sa amin.
"Ayon, principal's office kayo ngayon." Natatawang sabi ni Larkin. "Buti na lang talaga at hindi ako ang sumama."
Binunggo ko pa si Larkin habang naglalakad kami papunta sa office. "Coach! Si Milan oh, nananakit!" Sumbong niya.
"Coach, hindi ah! Maarte lang po talaga si Larkin." Dinilaan ko si Oppa at pumasok na kami ni Thad sa office.
"Sorry po, Coach." Inunahan ko na agad sila para hindi masyado masakit ang parusa.
"Nakarating sa amin ang balita na na-ospital ang kapatid mo Milan. Sinabi sa amin ni Choji." Coach Harris said. "Kumusta naman ang lagay niya?"
"A-Ayos lang po Coach, may mga physical injuries lang po si Kuya pero mukhang okay naman po siya." Kuwento ko.
"Milan, maiintindihan naman namin if tungkol sa pamilya ang issue ninyo. Lagi naman namin sinasabi na priority natin ang kaniya-kaniyang pamilya natin. Pero sana ay nagpaalam kayo sa amin na aalis kayo." Coach Harris said. "Kay Choji pa namin nalaman, mas maganda Milan kung sa 'yo mismo manggagaling kahit text o tawag man lang."
Napayuko ako.
"She forgot her phone, Coach." Si Thaddeus ang sumagot. "Nakalimutan ko rin ipaalam, Coach. Sorry."
"Okay na, tapos na. Next time, magpaalam, ha? Hindi naman sa tinatanggalan namin kayo ng kalayaan dito sa Yugto Pilipinas pero responsibilidad namin kayong lahat ni Russel. Kapag may nangyaring masama sa inyo ay kami naman ang mananagot kung kaya't kapag may pupuntahang emergency ay magsabi, okay?" Mas mahinahon na sabi ni Coach Harris.
"Yes, Coach, sorry po." Sabi ko.
"Okay, additional two hours sa live stream ninyo bukas as punishment." He said. "Makakalabas na kayo at magpahinga na."
Lumabas na si Thad at naiwan ako mag-isa sa loob. Napatingin sa akin sina Coach Russel at Coach Harris. "May problema ba Milan?" Tanong ni Coach Russel. "Kailangan mo ba ng financial aid sa hospital bills ninyo?"
"H-Hindi po Coach. Wala rin po kaming babayaran sa ospital." Sabi ko.
"Okay. May mga concern ka bang gustong i-raise?" Tanong ni Coach Harris.
"Wala po pero gusto ko lang po sabihin sa inyo na tinatanggap ko po ang hamon ninyo sa akin." I said.
Napakunot ang noo nila Coach sa pagtataka.
"Tinatanggap ko po ang offer ninyo. I will be the core of Yugto Pilipinas."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top