Chapter 180: Underpass of Lost Hope
Twitter: #HunterOnline or mention me Reynald_20
Vites, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you.
"SIGURADO kang kaya mo?" Nodaichi (Larkin) asked habang nasa tapat kami ng malaking gate papasok sa dungeon. We are configuring our equipments bago pumasok para hindi ganoon kasakit ng mga monsters sa loob.
"Yes. Tawagan ko na lang sila ulit si Kuya Brooklyn pagkatapos nitong Boss Dungeon." Sagot ko pero sa totoo lang ay parang nawawala na rin ako sa focus dahil hati ang atensyon ko.
Madalas man kaming magbangayan ni Kuya London. He is still one of the most precious people na pinahahalagahan ko. "Shinobi," tawag sa akin ni Skullex (Choji) at doon lang ako nabalik sa huwisyo. "Tapos ka na ba kakong ayusin ang items mo? We will start the boss dungeon."
"Check ko na lang 'yong mga healing items na dadalahin ko tapos okay na." Sagot ko kay Skullex.
Nakatitig lang sa akin si Skullex ng ilang segundo na parang inuusisa ang kalagayan ko. "Are you sure you are okay? Hindi ka naman ganyan kanina noong nasa meeting tayo. Kaya mo bang lumaro?" Seryoso niyang tanong na may halong concern.
Maging ang ibang kasamahan namin ay napatingin sa akin. "K-Kaya ko. Mas mahihirapan kayo ma-clear ang dungeon kung lima lang kayo. At isa pa, pulido na 'yong plano kanina. Ayokong maging cause of conflict."
"Walang pinagkaiba 'yon sa kung lalaro ka pero preoccupied ang utak mo ng ibang bagay." Zero (Thaddeus) said habang nag-i-stretching siya sa pagpasok namin.
"Shinobi, kaya mo ba?" Skullex asked. "Once na pumasok na tayo sa dungeon ay wala nang backout-an. Remember, we can only enter once in a dungeon. If we failed, sayang ang mga item loot. Alam mo naman ang isa sa mga unspoken rule nating mga esports players hindi ba?" He asked.
Ang personal na problema ay hindi dapat dinadala sa laro at ang problema sa laro ay hindi dapat dinadala sa personal na buhay.
I tapped my cheeks at nagbuga ng malaim na buntong hininga. "Kaya ko." Tipid kong sagot.
They all smiled.
"Everyone be ready!" Skullex announced at hinawakan niya na ang gate.
Unti-unting bumukas ang malaking gate at nabalot nang puting liwanag ang buong paligid. Unti-unting nawala ang liwanag at sa isang iglap lamang ay nasa loob na kami ng kuweba. Madilim man sa paligid. We equipped our night vision glasses para makakita kami sa dilim.
Pagpasok pa lamang namin ay isang grupo na nang Ergate ang sumalubong at tumatakbo tungo sa aming direksyon. Ergate is an ant soldier here in this dungeon that using it's fist to fight. Parang makapal na shield ang mga balat nito at masasakit din ang damage na nagagawa nito sa malapitan.
Ergate
Level: 87
Aggressive
Mabilis naman humarang si Skullex upang masangga ang mga atake nito. Mabilis nagpakawala ng fireball si Ichiyonsan (Kurt) at pinatama sa mga ergate. Naglikha ito ng malakas na pagsabog na umalingawngaw sa buong paligid.
"Matutunugan ito ng ibang monsters sa area! Everyone be ready!" Skullex shouted. "Shinobi prepare your skill and enhance the defense and physical attack of everyone! Nodaichi, magpahabol ka muna sa ibang mga kalaban para lang hindi tayo madumog!"
"Ako na ang bahala pumatay sa malalapit na monsters." Tumakbo si Zero tungo sa mga kalaban. "Arcano (Leon), backup."
"Got it." Arcano immediately followed Zero.
Pumuwesto ako malapit sa kanila at nagsimulangtumugtog sa aking violin.
Rhapsody.
Nagkaroon ng isang malaking bilog na liwanag sa sahig dahil sa pag-buff sa mga kakampi ko. Lahat ng mga kakamping kong pasok sa range ay nae-enhance ang defense at ang atake ng mga ito.
Hinagis ni Zero ang apat na dagger sa ere na siyang kaniyang kinokontrol. Napapagalaw niya ito gamit ang kaniyang daliri. He swing it in different direction and stabbed the Ergate soldiers. Wala ring nakakalapit kay Zero dahil mabilis na pinapatay ni Arcano ang mga nagtatangkang lumapit sa kaniya.
[Yugto Pilipinas] Skullex: Napatay na namin ang mga kalaban sa area. Nodaichi, lure the enemies in this area.
[Yugto Pilipinas] Nodaichi: Medyo marami 'tong nakasunod sa akin. Pa-ready na lang ng mga skills.
[Yugto Pilipinas] Skullex: Ichiyonsan pa-ready ng skill. Arcano, Ikutin mo na ang buong area at maghanap ng mga treasure chest.
[Yugto Pilipinas] Arcano: Noted.
"Mag-e-end ang skill effect ko in 30 seconds tapos 2 minutes cooldown." I informed them at hindi pa rin tumitigil sa pag-play ng violin for buff.
"Zero, kaya ng 30 seconds?" Tanong ni Skullex kay Zero.
"Pa-protect na lang." Zero reminded him.
Ilang segundo ang makalipas ay tumatakbo tungo sa direksyon namin si Nodaichi kasunod ang mga Ergate at Dinergate na nasa level 87-90. Dinergate is also an ant soldier here in this dungeon but it is holding a lancer as a weapin kung kaya't mas masakit ito kausa sa mga Ergate.
"Ngayon na!" Nodaichi shouted.
Ichiyonsan immediately fired another fireball towards enemies direction. "Huwag muna!" Sigaw ni Skullex ngunit late na ito dahil napakawalan na ni Ichiyonsan ang kaniyang skill. Ang resulta ay may mga Ergates at Dinergates na hindi tinamaan.
"Shit, error." Reklamo ni Zero.
Dahil sa dami nang dumadagsang mga monsters. Matapos ang buff effects ng skill ko (at cooldown pa silang lahat), I immediately switched to Fighter role para makatulong sa mga pagpuksa sa mga kalaban.
Inabot pa kami ng ilang minuto bago namin napatay ang lahat ng mga kalaban. Halos makalahati ang kaniya-kaniya naming buhay kung kaya't mabilis din kaming uminom ng healing potion after the fight. Kung hindi nga magaling magtangke si Skullex ay baka mas lalo kaming nahirapan. Mabuti na lamang at magaling siyang mag-crowd control at sumalo ng mga damages.
Humihingal kami noong natapos ang labanan. Partida, unang room pa lang ito sa dungeon at may mga kasunod pang room na may mas mataas na level at mas malalakas na monster na puwedeng ma-encounter.
"Arcano nahanap mo ba lahat ng chest?" Skullex asked.
"Yes, Captain, chineck ko naman lahat ng sulok nitong mapa. Mukhang nakita ko naman lahat ng treasure chest." He said. "I also found the door ppunta sa kaunod na room."
"Iwasan na rin natin magka-error lalo na't mas mahihirap na ang mga kasunod na mga rooms. Malayo-layo pa tayo patungo sa boss." Paliwanag ni Skullex. "Shinobi, okay na 'yong skills mo."
"Ilang seconds na cooldown na lang. Siguro kapag pumasok na tayo sa next room ay okay na." Paliwanag ko sa kaniya at tumango si Skullex.
We continued our boss raid na inabot din ng ilang minuto. Pinakanahirapan kami sa boss dahil isa itong malaking ahas na naninirahan sa kuwebang ito. Sobrang bilis kumilos at talagang tinatarget niya ang mga squishy hero sa team.
Ilang beses din nagka-error ang grupo, luckily, nakaka-recover naman kami agad at nagawa namin itong matapos. Although mahigit isang oras ang inabot namin sa pag-clear ng dungeon pero worth it naman dahil nakuha namin ang lahat ng item loot na magagamit namin sa weapon/armor enhancement.
TINANGGAL namin ang mga nerve gear namin. "Nice one, team!" Choji shouted and gave us all a high five.
Tumingin sa akin si Larkin. He thumbs up, "okay ka lang?" He mouthed. Sa buong game kasi ay kinalimutan ko ang kalagayan ng kapatid ko sa ospital para makapag-focus sa laro.
"Sorry, ang daming error." Kumakamot sa ulo na sabi ni Kurt.
"Sorry rin, may mga mali rin ako. Minsan mali pasok ng buff ko." I admitted kasi habang nagkaka-error kami sa laro ay bumibigat ang sitwasyon.
"Okay lang 'yan. Ang mahalaga ay natapos natin 'yong dungeon." Choji assured to us. "Iyon naman din ang purpose ng pagbo-boss dungeon natin, para mas ma-enhance ang coordination natin sa isa't isa. We are a new team, sobrang normal lang na nagkakamali tayo. Ang mahalaga ay natapos natin. Nice job pa din." Dugtong niya pa.
"Why are you preocuppied a while ago?" Kurt asked me at uminom ng tubig sa kaniyang tumbler. "May nasabi ba kami sa 'yo kanina sa meeting that made you upset?"
"Wala naman. Naospital kasi ang kapatid ko, nalaman ko lang noong bago tayo lumaro." sagot ko sa kaniya. "Pero goods naman, tama naman kayo hindi ko dapat i-associate ang personal matter sa laro. Will check an update na lang mamaya kapag umakyat ako." Paninigurado ko sa kanila.
"Gusto mo bang puntahan ang kapatid mo?" Tanong ni Choji.
"Ang layo ng Tagaytay sa Bulacan at isa pa, mapapagalitan ako nila Coach." Ayoko naman din masabihan na unprofessional dahil aalis ako bigla ng boothcamp. Sobrang strict ni Coach Harris pagdating sa practice. May one time na may binili sina Leon sa malapit na mall nang walang paalam ay pinagalitan sila ni Coach Harris.
"Huwag mong isipin ang sasabihin nila Coach. Ako na ang bahalang pagtakpan ka. At isa pa, nagawa naman na natin ang task natin ngayong araw." Choji said to me.
"Puwede kitang ihatid papunta roon." Larkin said. "Ay shit, may livestream nga pala ako. Hindi ako nag-live kahapon sabi ko pa naman kanila Coach ay ngayong araw ko gagawin. Sino bang walang gagawin na ngayong araw hmmm...."
Hindi ako kumibo dahil gusto ko rin talagang makita si Kuya London. I wanted to be sure that he is okay.
Larkin looked to Thaddeus. "Thad, 'di ba tapos ka na sa live mo?"
Thaddeus looked clueless. Bigla na lang hinagis ni Larkin ang susi ng kotse niya kay Thad na mabilis naman nitong sinalo. "The fuck?" Thad said.
"Samahan mo na si Milan pabalik ng Bulacan. Hindi ka naman na busy. Kung puwede lang ako ay ako na ang gumawa, eh." Sabi ni Larkin.
Thad looked to me. "Okay lang ba sa 'yo na ako ang sumama sa 'yo?" He asked.
"Super okay. Basta makita ko lang si Kuya." Naluha ako. "Kukuha lang akong jacket sa kuwarto. Pero thank you sa inyong lahat. Bawi na lang ako sa inyo some other days." Nagmamadali akong pumunta sa kuwarto at nagpalit ng damit.
Kinuha ni Thaddeus ang itim na civic ni Larkin sa parking lot. "Thad, ingatan mo si Milan, ha!" Bilin ni Oppa sa kaniya. "Ikaw naman Milan, huwag ka nang umiyak. Magiging okay din ang kapatid mo. You owe me one, libre mo 'kong milk tea." Larkin hugged me before we leave.
Honestly, it's nice to have Larkin here in this boothcamp dahil kahit madalas niya man ako biruin ay siya talaga ang pinaka naaasahan ko rito.
"Thank you." I mouthed Larkin.
"Sige na, umalis na kayo para hindi kayo gabihin." Larkin said at sumakay na ako sa shotgun seat.
Nagsimula si Thaddeus na paandarin ang sasakyan at lumabas ng Villa Pura.
"Alam mo ba kung saang ospital na-confine ang kapatid mo? Para ma-pin ko sa waze." Thad said habang diretsong nakatingin sa daan. Mabuti na lang talaga at weekdays ngayon at hindi ganoon ka-traffic sa Tagaytay.
Kapag weekends dito? Naku, mas mahaba pa sa riles ng tren ang pila ng sasakyan sa daming nagta-Tagaytay.
"Hindi ko pala natanong kay Kuya. Wait, chat ko." Kinapa ko ang bulsa ko at napahilot ng sentido. "Naiwan ko 'yong phone ko sa kuwarto, naka-charge."
"You can use mine." Thaddeus said at inabot sa akin ang phone niya. "Logout mo na lang 'yong messenger ko."
"Sure ka?" I asked.
"May choice ba ako?" Thaddeus chuckled. "Hindi tayo makakarating doon kapag hindi mo natanong 'yong exact address."
I grabbed the opportunity and logout his messenger. "Sorry nadamay ka pa rito, hindi kasi ako marunong mag-drive." Sabi ko na nga ba dapat matuto na akong magmaneho, eh. Para kapag ganitong emergency ay kaya kong umalis mag-isa.
"Nahatak na rin naman ako ni Larkin. Saka wala naman na akong gagawin buong araw." Thaddeus said.
Pagka-login ko ng messenger ko ay sunod-sunod na chat mula kay Dion ang natanggap ko dahil naipon ito noong offline ako. Bahagyang natawa si Thaddeus. "Dami no'n, ah."
Dmitribels:
Nabalitaan ko 'yong nangyari kay London.
Are you okay?
You missed a call from Dmitribels.
You missed a call from Dmitribels.
Dmitribels:
Okay ka lang, Milan?
Alam kong 'di ka makakapunta sa Bulacan.
I will go to the hospital.
Will keep you updated regardings London condition.
Hope you are okay there.
Bogus:
Sorry late reply. I forgot my phone sa boothcamp. Naki-login lang ako.
Papunta rin me sa ospital ngayon.
Dmitribels:
Pinayagan ka?
Bogus:
Sabi ni Choji ay siya na raw ang bahala mag-explain kanila coach.
Dmitribels:
Pero ikaw, kumusta ka?
Bogus:
Kabado. :(
Dmitribels:
Magiging okay din ang lahat. Kaya 'yan ng Kuya mo.
Bogus:
Oo, mag-aaway pa kami after tournament.
Alam mo ba 'yong ospital kung nasaan si Kuya? Para ma-pin namin sa waze.
Dmitribels:
Wait, forward ko sa 'yo. Sinend sa akin ni Brooklyn.
Bogus:
Thank youuu 🥺🥺🥺
Dmitribels:
Walang anuman. If makatanggap man akong update from Brooklyn, sabihin ko sa 'yo agad.
Love you. 💕
Bogus:
Love you too. 💕
Ingat sa pag-drive. Kita tayo laterr.
Binalik ko na kay Thaddeus ang phone niya. "Thank you." Sabi ko.
"You know the address?" He asked.
"Wait ko lang reply ni Dion. Logout ko lang messenger ko tapos i-pin ko sa waze." Sagot ko sa kaniya at tumango lang si Thaddeus. After Dion sent me the location, inabot ko na kay Thad 'yong phone niya at nilagay niya na sa holder 'yong phone para makita niya 'yong map.
"Close ka sa mga kuya mo?" Thaddeus asked. Siguro para may mapag-usapan din kami lalo na't medyo matagal ang biyahe. "I remembered noong photoshoot ay pinilit ka ng Mommy mo na magpa-picture para sa mga Kuya mo."
"Naalala ko na naman," naiiling kong sabi. "God nakakahiya." Dugtong ko pa at bahagyang natawa si Thad.
"Pero oo, close ako sa mga Kuya ko. Ang pangit man ng term pero lumaki ako sa bahay na ako 'yong prinsesa. Kuya Brooklyn is strict pero si Kuya London naman ang mahilig mang-spoiled kaya balanse lang din." Natawa ako noong maalala ko ang mga kalokohan namin. "Saka tatlo lang din kaming magkakapatid. At the end of the day, sila talaga ang magiging kakampi ko sa buhay."
"Eh ikaw, close ka sa mga kapatid mo?" Tanong ko kay Thaddeus.
"Pili lang." He answered. "Walo kaming magkakapatid and panglima ako sa matatanda. Malaki na 'yong age gap namin ng younger siblings ko tapos wala rin ako madalas sa bahay kaya hindi kami nagkakaroon ng chance to bond." Thaddeus explained.
"Ohhh, pero mukhang close ka naman sa ate mo, ah. 'Yong sumundo sa 'yo last time sa office."
"Yup, she's the eldest. Siya 'yong glue naming magkakapatid. She wants us to be connected kahit papaano." Thaddeus glanced me in the rear view. "I mean, don't get me wrong na sira ang pamilya namin. Hindi lang lahat katulad ng sa inyo."
"But you don't want to be close with them?"
"Mahirap. Busy schedule." Sagot ni Thaddeus. "Saka wala naman din kaming pag-uusapan, hindi naman sila mahilig sa Online Games."
Naintindihan ko naman dahil ilang taon na si Thaddeus sa esports, captain pa siyang Daredevils dati.
"They also want to be close with you. Nahihiya lang din sila, siguro dahil busy ka." Sagot ko sa kaniya at tumingin sa view sa labas noong nasa skyway na kami. "They will also love having a time with you. Minsan kailangan mo lang din mag-initiate to make things work."
Hindi sumagot si Thaddeus. He just play a random music in his car dahilan para makatulog ako.
***
PAGKAGISING ko ay nasa parking lot na kami ng La Consolacion University General Hospital. "We are here." Thaddeus said at tinanggal ang seat belt niya. Madilim na ang paligid at mukhang anong oras na rin kami nakarating.
Nagising ang diwa ko at dali-daling lumabas ng sasakyan. Sumunod sa akin si Thaddeus papasok. Pagkarating ko pa lang sa desk. "Saan po naka-room si London De Santos?"
The assigned nurse immediately checked her files. "Room 403 po. Sa fourth floor." Sagot niya.
Dali-dali akong umakyat. May mga kabataang nakakilala sa amin ni Thaddues na mukhang bisita rin sa ospital pero hindi ko muna sila pinansin. Clouded ang utak ko ng sitwasyon ng kapatid ko.
Pagkarating ko sa fourth floor ay nakita ko si Dion at Ate Princess na nakaupo sa isang bench. "Milan," tumayo si Dion. Dali-dali akong tumakbo tungo sa kaniyang direksyon at mahigpit siyang niyakap.
"Kumusta si Kuya?" Tanong ko sa kaniya.
"Ayon, pinapagalitan ni Brooklyn sa loob." Si Ate Princess ang sumagot.
"Sinong kasama mo? Si Larkin? Si Callie?" Dion asked at saktong nakarating na rito sa taas si Thaddeus.
Dion looked to Thad. Thaddeus just waggle his brows once as hello.
"Pasok muna ako sa loob." I informed them at iniwan sila sa hallway ng ospital.
Pagkapasok ko sa loob ay dinig na dinig ko ang malakas na sermon ni Kuya Brooklyn. "London, paano ang magiging work mo? You have a trip in Davao with important client this week, paano mangyayari roon?!"
Nakita ko agad ang sitwasyon ni Kuya London, naka-cast ang paa niya na nakasabit habang may benda sa kaniya ulo. May mga galos din siya sa braso at naiyak ako noong makita siya. "Kuyaaa!" I shouted at parang bata na tumakbo sa direksyon niya.
Parehas nagulat ang dalawa kong kapatid.
"Luh? Anong ginagawa niyan dito?" Kuya London asked.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top