Chapter 179: Boss Dungeon Planning

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

This story is in slow update mode. Encouraging you to read other writers creation.

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!

GANITONG mga araw talaga nakapagsisi na nag-workout pa ako (extreme workout to be exact) dahil halos hindi ko maigalaw ang upper part ng katawan ko sa sobrang sakit. Buti na lang talaga at in-insist ni Thaddeus na boxing session lang muna kahapon kahit nagpupumilit akong mag-kick hoxing kami.

Kung hindi iyon ginawa ni Thad ay baka hindi na ako makatayo mula sa kama at tinrangkaso na ako dahil aa muscle pain.

We are having an egg and spam breakfast in Dining area. It's gonna be a busy day with some of our members dahil 'yong iba ay may appointment sa DFA para makakuha ng passport. Ang iba naman ay may interviews/photoshoot sa manila.

"Milan, paabot naman ng kanin." Sabi ni Larkin sa akin at matalim ko siyang tiningnan. "Grabeng titig naman 'yan, umagang-umaga. Huwag mong ina-almusal ang bad vibes." He chuckled.

"Alam mo, nawala nga si Liu ay ikaw naman ang pumalit. Kita mo naman na ultimo pagsubo ko ng kanin ay hirap na hirap ako sa sakit ng braso ko." Reklamo ko sa kaniya. I tried na iabot kay Larkin ang bowl ng kanin pero grabe! Ang sakit talaga. Mabuti na lang at mabait si Tristan at siya ang nag-abot ng kanin kay Larkin.

"Hindi sasakit ang katawan ko kasi nagja-jogging ako. May workout ako." Larkin imitated my voice.

"Epal mo." Reklamo ko sa kaniya.

Sa totoo lang, I didn't expected that I will have a cool friendship with Larkin, Callie, and Sandro kasi ang taas nang tingin ko sa kanila noong rookie ako sa professional league. They are like my mentors back then na tinulungan ako mag-improve sa laro ko. But now, as the time goes by ay ang gaan lang ng friendship namin. Nagagawa na namin magbiruan at maglokohan pero tinutulungan nila ako pagdating sa game.

"Guys, later around 10AM ay pag-uusapan na natin kung sino-sino ang mga members na sasama sa pag-clear ng boss dungeon. 'Yong mga wala dito sa boothcamp ay focus kayo sa activities ninyo today." Choji announced.

"Yes, Captain." We answered.

Masasabi ko talagang reliable captain si Choji dahil kagabi, nagising ako para kumuha ng tubig ay nakita ko pa siya sa dining area mag-isa. Nanonood ng game sa tablet niya tapos nagno-notes sa laptop niya tungkol sa laro ng ibang players. And that's 2AM in the morning! Grabeng dedication 'yon. He really took pride on being the Captain.

Dumating sina Coach Harris at Coach Russel sa dining area. "Kids, bilisan ninyo kumain. Hindi tayo puwedeng ma-late sa DFA maaga ang appointment ninyo." Paalala ni Coach Russel. "Huwag ninyo ring iwanan ang important documents ninyo at school ID ninyo."

"Kinakabahan ako." Sabi ni Noah. "Paano kung i-offload ako ng mga immigration officer doon? Usong-uso pa naman 'yon sa Tiktok!"

"Bobo ka." Sabat ni Callie sa kaniya. "Talagang i-o-offload ka nila. Kukuha ka pa lang ng passport sa DFA hindi ka pa lilipad ng ibang bansa."

"Ay magkaiba ba 'yon?" Noah innocently asked.

"Yup, usually three weeks ang processing ng passport." Sagot ko sa kaniya.

Sina Kiel, Oli, Noah, at Tristan ang kukuha ng passport. Samantalang si Callie at Sandro naman ay may interview sa Maynila kung kaya't iilan lang din kaming maiiwan sa boothcamp para sa boss dungeon.

Kaniya-kaniya na silang gayak para sa kanilang mga lakad samantalang ako ay nahiga sa couch upang panoorin ang interview ni Liu sa China. He was introduced already as a player of  Young Glory (China team).

"Sino 'yan, si Liu?" Tanong ni Larkin at umupo sa tabi ko upang makinood. "Grabe talaga mga camera sa ibang bansa. Mukhang ang linis-linis ni Liu tingnan diyan samantalang dugyutin lang sa Pinas 'yan."

"Grabe ka naman kay Pekeng Chinese. Chinitong-chinito nga iyan." Pero true, hindi ko alam kung anong camera ang mayroon sa China, parang laging naka-filter ang mga tao ro'n.

Sa interview ay may translator si Liu at sumasagot siya ng english since hindi naman siya lumaki sa China talaga and very limited lang ang alam niyang chinese words.

"How do you feel that you will probably against with your old teammates in the Philippines?" The interviewer asked Liu.

Sunod-sinod na camera ang nag-flash noong sasagot na si Liu. "Naknamputa. Guwapo ah." Natatawang sabi ni Larkin. Number one basher talaga kahit kailan.

"I actually expected it that I will up against them and maybe they are more shock with the news that I am representing China team. There's no issue with that, they are still my friends and will be just a rival in a higher level tournament." Liu answered at napatango-tango ako.

"Will you not go easy with them? Or sabotaged the Young Glory? Philippines is your home but you are representing the China." Pabirong tanong noong isang press.

"Yup it's true that I lived in the Philippines for many year but it's not a good reason to neglect the team that I am currently part of. Uhm... the China team trusted my skill so I will do my best to win the tournament." Liu answered at napangiti ako dahil ang galing na ni Liu sumagot sa mga interviews.

I clearly remembered na iniiyakan niya dati na ipasok siya sa laro noong nasa Battle Cry kami but here he is, representing one of the biggest country in the world for an international tournament. Oo magkalaban kami this time pero hindi pa rin mawawala ang pagka-proud ko sa kaniya. He really come so far at kung nasaan man si Liu ngayon ay deserved niya iyon dahil pinaghirapan niya iyon.

Choji caught our attention. "Guys, meeting tayo in 5 minutes para sa boss dungeon. We also need to be productive habang busy din sila Coach."

Pagkarating ko sa meeting room ay saktong anim na players lang kaming naririto (Ako, Thaddeus, Leon, Choji, Kurt, at Larkin).

Thad is the second one who entered. "Muscle pain?" He asked while smirking. Mukhang napansin niya na iniinda ko ang sakit ng braso ko at panay ang masahe rito.

"Ngayon lang 'to, first time. Nabigla lang ang katawan ko. Kapag naging part na siya ng routine ko ay baka talunin ko na kayong dalawa ni Leon." Depensa ko. Pero legit, ang intense niyang workout but at the same time ang sakit din dahil puro pasa ang kamao ko dahil sa tuloy-tuloy na pagsuntok.

"You are underestimating my sports pa, ah." He said and drink the mogu mogu.

Pumasok na sila Choji sa meeting room at nagsimula na ang meeting namin para sa isasagawa naming boss dungeon.

"'Yong dungeon na papasukin natin ay ang Underpass of Lost Hope. One of the new dungeons in Hunter Online that was added last patch. The level of monsters here are between 87-92 kung kaya't masasakit din ang mga damage nila." Sabi ni Choji. He connected his laptop to the projector para mas ma-visualize namin ang plano niya.

"Paano ba ang mangyayari, i-speed run ba natin para ma-beat natin ang record sa dungeon or we should take time para makuha ang lahat ng items sa dungeon?" Tanong ni Kurt.

"What is your opinion?" Choji asked. "Kung ako kasi ang tatanungin. Hindi pa advisable na i-speedrun natin ang dungeon. We are a new group kahit pa sabihin na binubuo ito ng malalakas na players. Hindi pa ganoon ka-solido ang teamwork natin kung kaya't para sa akin... beating the record will be difficult for us." Paliwanag ni Choji sa amin at napatango-tango ako.

"Pero kayo, gusto kong marinig ang opinyon ninyo. Baka may mas better plan kayong naiisip. Let us hear that out and mag-meet tayo halfway." Choji stated.

"Okay sa akin 'yong kuhanin na lang natin ang mga items sa loob. Ang task naman talaga na ibinigay sa atin nila Coach ay mag-ipon ng mga items para ma-upgrade ang mga equipment natin." Thaddeus said.

Choji nodded at tumingin siya sa direksyon ko. "Milan? Any input?" He asked.

Shocks nakaka-pressure naman dahil grabe 'yong thinking nila when it comes to gaming. Para bawal magbigay ng mema na sagot.

"I am listening to hype boy by New Jeans." Epal ni Larkin at hinampas ko ang kaniyang braso pero ang ending ay nagsisi lang ako dahil sa muscle pain ko.

"Epal ka." Reklamo ko at ininda ang sakit. They laughed and naging seryoso na ako sa pagpapaliwanag.

"Actually I agree na huwag muna tayo mag-speedrun and all your points are valid. To add to that, speedrunning a dungeon requires a well-compose team na hindi natin magagawa ngayon kasi marami sa mga members natin ay wala sa boothcamp." Paliwanag ko sa kanila.

"Exactly." Choji said. "We will not use the new roles dahil pinag-iisipan pa rin naman natin ang adjustment na iyon. Ang mga naiwan sa boothcamp ngayon ay dalawang tank, dalawang assassin, isang fighter, at isang mage. Wala tayong core."

"I can act as core." Thaddeus said. "Assassin core is not a bad choice either."

Well mostly sa mga games ay assassin talaga ang core pero sa Hunter Online kasi ay mas core para sa amin ang marksman dahil long range ito at masakit ang damage. It deals a lot of heavy damages na siyang madalas makapitas sa mga kalaban.

"May iba pa bang gusto mag-core?" Choji asked and scanned us. "Larkin?"

"Mas gusto ko taga-lure lang ng mga monsters. Hindi ko gamay ang core position." Oppa honestly said.

By unanimous decision ay si Thad ang core namin. Thaddeus is also confident with that.

After noon ay pinag-usapan na namin ang detalye ng boss dungeon na aming gagawin. "So this dungeon was added last patch kung kaya't limited pa lang ang information patungkol dito. This is also a high level dungeon kung kaya't hindi lahat ng players ay may access na rito. Kung may alam kayong information tungkol sa Underpass of lost hope ay sabihin ninyo lang para mas makapaghanda tayo sa gagawing pagpasok." Choji explained.

"I know some of my friends entered this dungeon pero hindi nila natapos dahil sa dami at bilis ng agility ng mga monsters dito." Choji said. "This is an underground dungeon na pinamumugaran ng insect type monsters."

"Mostly giant ant monsters according to my friends." Sabi ko sa kanila. Tinry daw kasi ng kulokoy bous ang dungeon na ito and they failed dahil raw sa hirap. "Mostly physical ang mga kalaban dito kung kaya't physical defense na armors ang kailangan natin para tumagal sa dungeon."

"Mas effective din daw ang fire magic sa dungeon kung kaya't diskartehan mo na lang din Kurt dahil ikaw ang mage." Leon said.

We continued our discussion and Choji created a concrete plan where we are all meeting in halfway. Siyempre, galing kami sa iba't ibang team kung kaya't iba-iba kami ng tactics na alam at gustong gawin. But Choji handled it really well and he really listen to everyone's side.

Ngayon gets ko na kung bakit sa isang interview ng mga esport players ay si Choji ang number one na gusto nilang maging Captain. Oo, mayabang si Choji but his leadership skill is impecable. Wala siyang opinyon na ini-invalidate. Kung may isang idea na medyo tagilid, he creates way na ma-improve iyon sa paraang hindi mao-offend ang isang player.

At isa pa, nakikinig ang lahat sa kaniya which is plus factor.

After our meeting ay kinuha ko na ang nerve gear ko para maghanda sa gagawin naming boss dungeon. Bababa na sana ako noong makatanggap ako ng text mula kay Kuya Brooklyn.

From: Boss Kuya
London is in hospital. He was accidentally hit by a car noong hinahabol niya si Forest sa loob ng village.

Bigla akong kinabahan at saglit na nabato sa text na natanggap ko mula kay Kuya Brooklyn.

To: Boss Kuya
Kumusta si Kuya London? I hope he is okay. Hindi ako makaka-focus sa practice ng hindi siya okay :(

From: Boss Kuya
Kailangan i-CT scan dahil baka may internal bleeding. Will keep u updated in this one.

From: Boss Kuya
Also, do not go home out of impulse. Baka maligaw ka. I am informing u para aware ka din sa situation dito.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto at dumungaw si Larkin. "Boss dungeon na daw— wait are u crying?" He asked

Kinapa ko ang pisngi ko at may luha nga na tumutulo mula rito. "O-Okay lang ako. Bad news lang from house." Sabi ko.

"Are you not feeling well? Gusto mong sabihin ko sa kanila na hindi ka makakasama sa dungeon?" Concern na tanong ni Oppa.

"H-Hindi, kaya ko. I should also keep myself busy habang naghihintay ng update kay Kuya. Ayoko rin masira ang plano ni Choji." Sabi ko at hinawakan na ang nerve gear ko.

"Sigurado ka?" Paninigurado ni Larkin.

"Oo, I can managed." I answered to him. "Tara na sa training room."

I just hope my brother is okay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top