Chapter 178: Appointed Captain
Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20
Hunter Online is in slow update mode, I encourage you to read my other completed stories or other writer stories while waiting for an update.
Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated.
HINDI man kalakihan ang gym area nila Thad dito sa boothcamp ay sapat lang ito para makapag-workout kami nila Callie. Nakaupo rin sa isang gilid sina Noah, Oli, at Kiel para manood sa amin at malibang.
Leon encouraged us to wear comfy gym clothes at mag-short daw kami (well, kasi kick boxing 'to). I just wear a nike shorts and a sports bra. I also have an Adidas hairband para hindi makasagabal ang mukha ko sa practice. Sinimulan na ni Thad ang workout niya habang si Leon naman ay tinuruan kaming tatlo nila Callie at Kurt.
"Stretching muna tayo para hindi mabigla ang muscles ninyo." Sabi ni Leon. "Milan, ikaw mag-lead."
"Bakit ako?" Reklamo ko pero naglakad ako papunta sa harap nilang tatlo. Simple lang naman ang alam kong stretching. I just do body movements from head to feet like head and shoulder stretch, quad stretch, high knees (pinaka-hate ko kasi sobrang nakakapagod), at jumping jocks.
After that, Leon gave us a minute rest at uminom ako ng tubig. "Bakit nagpapakapagod kayo sa ganyan?" Tanong ni Noah.
"Ano ka ba, matanda na sila, kailangan na nila magbanat ng buto." Sabat ni Oli.
"Bakit bida-bida ang beshy ko." Callie said at pinitik ang tainga ni Oli.
"Aray ko! Isusumbong kita kay Coach!" Reklamo ni Oli habang hinihimas ang kaniyang tainga.
"Good way of releasing stress kasi ang workout." Paliwanag ko sa kanila.
"Kakain na lang ako kaysa magganyan. Nawala na stress ko, nabusog pa ako." Sagot ni Noah. Masyado pa nga silang bagets at hindi pa sila fitness conscious, masaya pa silang naglalaro ng xbox at ng Hunter Online.
"Game na." Leon caught our attention. "Basic lang muna tayo. Sanay na kayo maglagay ng boxing bandage?"
Umiling kaming tatlo.
Si Leon ang naglagay kanila Callie at Kurt samantalang si Thaddeus ang naglagay ng boxing bandage sa kamay ko. He carefully wrapping the bandage between my fingers. "Sabihin mo kung sobrang sikip." He said.
"Sakto lang. Para saan nga pala 'to?" I asked. Sa mga hardcore workouts ko lang nakikita ang ganito, eh.
"To lessen the impact. Para hindi gaano masakit sa kamay kapag sumusuntok ka tapos para hindi gaano magpasa." He explained. He finished wrapping both my hands. "Ayan, okay na. Suntok ka nga."
Itinaas ni Thad ang kanang kamay niya to gave me cue na suntukin iyon. Bumuwelo ako at sinuntok ang kamay niya. "Kung makikipag-basag ulo ka, ikaw pa uuwing talo." He chuckled.
"Epal." I rolled my eyes. "Doon ka na nga, ituloy mo na 'yong workout mo. Kay Leon ako magpapaturo."
Nakapila kaming tatlo habang nasa harap namin si Leon para ituro ang mga basic movements for this workout. "Jab." Ipinakita niya ang posisyon. "Step ninyo lang 'yong paa ninyo then suntok ng diretso, imagine-in ninyo may kaharap kayo, sa ilong ninyo patatamain." Turo niya.
Itinuro niya sa amin ang basic workout na ginagamit sa pagsuntok like jab, cross, hook, and uppercut. Tapos tinuro niya na rin ang sipa-sipa.
Si Thad ang naka-assign na magiging ka-partner ko sa session. Sinuotan na ako ng boxing gloves ni Leon and feeling ko ang astig ko. "Sikipan ko, ah." He said. "Mas mahihirapan ka kapag maluwag 'yan."
"Game ka na?" Thad asked at may isinuot siya sa kaniyang kamay na parang box na ginagamit sa training. Dito ko patatamain ang mga suntok ko.
"Three minutes tuloy-tuloy." Sabi niya. As the clock tick on 5:05 he immediately started the session. "Jab." Sinuntok ko 'yong box na hinaharang niya.
"Jab, hook." He instructed and I immediately punch.
Sunod-sunod pang punching combination ang pinagsama-sama ni Thaddeus. Like jab,hook, uppercut. Uppercut jab cross cross.
As in! Iyon na yata ang pinakamatagal na three minutes sa tanang buhay ko na gumalaw ang buong upper part ng katawan ko.
"One minute break." Thad said.
"Saglit lang! Hindi ba puwede gawing three minutes?!" Reklamo ko. Iba pala talaga siya sa jogging. Dito, stretching plus three minutes session ay tagaktak na ang pawis ko.
"Mapuputol ang momentum." Thad said.
Mabilis akong uminom ng tubig at nagpatuloy kami sa session.
Grabe! After one hour workout ay ang sakit ng buong katawan ko. Partida, boxing lang ang ginawa namin ni Thad dahil kapag nag-kickboxing daw ako ay baka hindi na ako makatayo bukas.
Akala ko ay okay na kapag nagja-jogging naman regularly. Iba pala! Grabeng hardcore workout 'to? Paano nakakaya ng mga tao 'to? Paano nakakaya nina Leon at Thad 'to?
I took a warm shower at muli kaming tinipon nila Coach sa sala.
"Kumusta?!" Biglang hinampas ni Larkin ang braso ni Callie.
"Putangina mo kokotongan kita. Isang hampas mo pa, ipapasok kita sa Taal." Mabilis na reklamo ni Callie kasi legit, ang sakit sa katawan ng kickboxing. Paano pa bukas and in the next day? Baka mbaldado na ako at hindi ko na maigalaw ang upper part ng katawan ko.
"Exercise-exercise pa kasi kayong mga tukmol. Mga cloutchaser na may masabing may pangmayaman na hobby." Sabi ni Larkin.
Natahimik kami sa aming biruan noong hinatak na nila Coach ang white board papunta sa sala. "Nakapagpahinga na ba ang lahat?" Tanong ni Coach Harris.
"Yes, Coach." Sagot noong iba. Hindi ako umimik, God, wrong idea na sumali sa kalokohan nila Callie. Isa tuloy ako sa mga nagsa-suffer sa muscle pain.
"That's good to know. Regarding for your new roles. We will give you guys a week para pag-isipan ang tungkol dito. Next saturday ay tatanungin ko ulit kayo if tatanggapin ninyo ang pagbabago sa role ninyo sa laro. Maliwanag ba?" Coach Harris said.
"Yes, Coach." We answered in unison.
"For the meantime, we will do a boss dungeon in Hunter Online para makakuha kayo ng mga items na makakapagpa-upgrade ng equipments ninyo. We will also try to beat other people's record para mas ma-practice pa ang coordination ninyo sa isa't isa." Napatango-tango ako sa ine-explain ni Coach Harris.
"Eh, Coach, sinong magiging Captain ng Yugto Pilipinas?" Tanong ni Larkin at nakangising tumingin sa akin.
"Sige subukan mo," bulong ko sa kaniya. "Nagpa-practice na ako ng kickboxing, ikaw talaga una kong bibigwasan."
"Coach, oh, si Milan. May pagbabanta." He chuckled. Buwisit na Oppa.
"Actually me and Russel decided kung sino ang magiging Captain ng Yugto Pilipinas. But of course, we will be open for any suggestions and comments dahil at the end of the day, malaking responsibilidad ang maging isang Captain ng isang professional team." Sabi ni Coach Harris.
Kunwari lang akong walang imik pero sa utak ko ay pinagdadasal ko nang sana ay huwag ako.
"Bakit kabado ang beshy ko?" Pabirong tanong ni Sandro.
"Epal ninyo." Reklamo ko at natawa sila.
"We will appoint Choji as the Captain of Yugto Pilipinas. Noong pinanood namin ang practice game ninyo, Choji is good in giving command and boosting the morale of his teammates. Also naniniwala kami na kaya niyang maging strikto sa inyo kung kinakailangan." Paliwanag ni Coach Harris.
"Ay Coach, parang tumututol si Milan." Sabat ni Larkin. "Kita ko sa mata."
"Hoy hindi! Ang epal no kahit kailan."
"Wushu, kita sa mukha mo na disappointed ka." Sabat naman ni Sandro.
"Alam ninyo, mag-bestfriend nga talaga kayo. Mga epal." I rolled my eyes and the team laughed once again. Ang hilig nila akong i-joke time. Mga buwisit.
"Is there any violent reactions? We are open for suggestion." Sabi naman ni Coach Russel.
"Wala po, Coach." We answered in unison. We are all aware with Choji's leadership. Hindi siya naging Captain ng dalawang season sa Black Dragon ng wala lang. Choji is kind actually (medyo mayabang lang) pero at the same time, may intimidating factor din siya kapag seryoso kung kaya't kaya niyang dikdikin ang Yugto Pilipinas kung kinakailangan.
Choji gladly accepted the offer. Dito na ako nakahinga nang maluwag. Sa wakas hindi na ako kakabahan araw-araw na 'what if ako ang i-appoint na Captain?' Makakatulog na ako ng matiwasay.
Bukas ay wala sila Coach at ibang mga players dahil kukuha sila ng passport nila sa FDA. Excited nga sila Noah dahil first time nilang makakalabas ng bansa.
***
AFTER the meeting ay umakyat na agad ako sa room ko. May ibang mga members na nag-livestream pa sa Hunter Online pero bukas pa ako naka-schedule. I immediately have a facetime with Dion as I do my skincare routine.
He is also in his room and just watching me to do my thing. Minsan talaga ay nakaka-inggit ang pagiging clear skin ni Dion! Totoo pala talagang may mga tao na safeguard-safeguard lang tapos hindi pa nagkakaroon ng ganoong karaming tigyawat. Samantalang ako ay kumpleto ang skincare pero may pasulpot-sulpot pa rin especially kapag nai-i-stress ako.
"Mukhang hapong-hapo ka diyan, ah. Mukha bang naging battle of the champions 'yong practice ninyo?" Tanong niya. Nakapatong sa gaming table niya ang kaniyang cellphone at nakapatong ang mukha sa kaniyang braso.
"Grabe 'yong practice na 'yon. Para akong nasa tournament match. Pero hindi iyon 'yong reason ba't pagod na pagod ako." I smiled to him and wiggled my brows.
"Ano naman? Jogging?" He asked.
"Nag-try kami nila Callie mag-kickboxing." Sabi ko sa kaniya. "Although ang sakit niya sa braso dahil sa suntok pero masaya naman siya gawin. Ang lakas makapagpapawis."
"Nagle-levelup na kayo diyan ah, dati takbo-takbo lang kayo ni Callie sa village ah." Natatawa niyang sabi.
Noong matapos akong mag-skin care ay dumapa na ako sa kama at ipinatong sa dingding ang cellphone ko. I rolled my eyes. "Sino kaya 'yong takot gumising ng maaga at mag-jogging?" Pertaining to him.
Natawa si Dion. "May sports pa rin naman ako. Esports. Healthy lifestyle pa rin 'yon." Depensa niya.
"Mukha mo." Ganti ko.
"Sino naman ang nagturo sa inyo ng kick boxing?" He asked.
"Si Leon saka si Thad. They are nice naman, especially si Thad kasi siya 'yong naging ka-sparring ko, tiniyaga niya ako." I commented, hindi ko yata mabilang sa daliri kung ilang beses tinama ni Thad ang posture ko when it comes to boxing.
"Atleast nagiging close na kayo ng mga kagrupo mo. It's a great start to build a chemistry." Komento niya.
"Somehow oo, nagiging close na nga kami." Ilang segundo kaming nagkatitigan sa screen.
"Bakit ganyan ka makatingin? Parang lumbay na lumbay ka naman." Natatawang sabi ni Dion.
"Nakaka-miss ka kasama sa boothcamp." Sagot ko. "Ang weird pa rin para sa akin na nasa esports team ako na wala ka. I mean, kachikahan ko rin naman sila Callie pero iba pa rin kapag nandito ka." Honest kong sabi.
"Nami-miss din naman kita, kung malapit nga lang ang Nueva sa Tagaytay ay baka araw-araw na kitang binisita riyan." He explained. "Saka tama din naman ang advise ng mga taong nakapaligid sa atin, we need to grow individually rin minsan. Huwag nating ginagawang mundo ang isa't isa."
Ngumiti ako dahil na-gets ko ang point niya. Ang weird lang na sa screen lang namin nakikita ang isa't isa ngayon.
"Kapag mag-o-online ka sa HO, sabihan mo ako para kahit sa game ay magkita tayo." Dugtong niya pa.
"Kumusta 'yong pinapagawa mong building?" Tanong ko.
"Tapos na 'yong ground floor. Nagsisimula na sila sa second floor. Medyo mahal na 'yong nagagastos ko pero for the long run ay makikinabang naman kami rito. Passive income na rin 'to." Sabi niya.
"Eh si Trina, pumupunta pa rin diyan?" Tanong ko.
"Lagi siyang kasama ng Daddy niya kapag nagbi-visit." Napairap ako sa ere at natawa si Dion. "Huwag kang mag-alala, hindi ko naman din kinakausap si Trina ng hindi business related. Para hindi ka napapraning diyan."
"Hindi ako napapraning." Depensa ko.
"Kaya pala nakairap ka nang nakairap kapag nababanggit si Trina. Pero 'di ba ngayon pipili ng Captain sa team ninyo. Hindi ba ikaw?"
"Luckily hindi ako!" Natutuwa na sabi ko sa kaniya.
"Saya mo, ah. Akala ko pa naman pagti-trip-an ka ulit ni Larkin." Naalala ko na naman 'yong pinaggagawa ni Larkin kung bakit ako naging Captain ng Orient Crown. Apparently, gustong-gusto akong binibiro ni Larkin sa dahil lang nakakatawa ang facial expressions ko. Epal talaga kahit kailan.
"Sila Coach ang pumili. Thank God. Nabunutan man ako ng tinik sa pagiging Captain ay may isa pa akong pinoproblema."
Dion brows crunched. "Ano?"
"Regarding the change role. Gusto nila Coach Harris na ako ang mag-core para sa Yugto Pilipinas." Kuwento ko kay Dion and kita ko sa screen na maging siya ay nagulat noong malaman ito. Bahagya akong natawa. "For real, ganyan din sana ang magiging expression ko kung sakali pero hindi na nakapag-react 'yong katawan ko sa gulat."
"May girlfriend pala akong future best core. Paano na lang po akong small time amateur player sa esports." He jokingly said.
"Chika sa small time. Pinagkakamalan ka nga madalas na artista sa TV kapag may nagpapa-picture sa 'yo." Sagot ko sa kaniya. "Pero seryoso, hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ko. Ang laking pagbabago noon sa laro ko. To think na may ilang linggo na lang kami para mag-practice para sa International tournament."
"Don't you think na nagte-take risk din sila Coach Russel sa inyo. In a good way naman na risk, talagang gusto nila may mai-offer na bago sa international tournament na gugulatin ang lahat." Kuwento niya.
"It's a good thing if hindi limited 'yong time. Katulad sa Orient Crown, we have a lot of mo ths to pull that off. That's why we are able to execute it perfectly. Pero ngayon kasi, may time constraint." Paliwanag ko kay Dion. Oo magandang idea siya. Pero realistically speaking, ang hirap niya for player side. Ang laking pressure no'n.
"Naniniwala sila na you can pull that off. Naniniwala rin ako sa 'yo. Na kaya mong maging core." Nakangiti pero seryosong sabi ni Dion. "They just saw your potential na nakita ko few months ago."
"Pero core position kasi ang sinasabi nila..." that's a huge responsibility.
"Pero ikaw ba? Gusto mo ba mag-stay sa pagiging tank or gusto mo mag-core?" He asked.
"Still undecided. I want to take the offer pero—"
"Then grab it." Sabi ni Dion. "Wala nang pero-pero. Alam ko naman na gusto mo ring i-push ang sarili mo beyond your capabilities. Huwag mong isipin na kulang sa oras. Panigurado aware din naman sila Coach doon and diskarte na nila kung paano ka mag-i-improve. Focus ka lang sa training."
Nakatitig lang ako kay Dion. He is being my number one fan.
"Mas maganda na mag-take risk ka 'di ba. Kaysa pagsisihan mo at the end of the tournament na hindi mo sinubukan mag-core. Kung matalo man, atleast you tried. No regrets sa part mo." Dugtong pa niya.
I paused for a couple of seconds and smiled. "You really know how to motivates me."
"Kasi alam kong gusto mo rin. Natatakot ka lang at kailangan mo nang extra tulak." Sagot niya naman.
"Bakit ang green flag mo?" Natatawa kong sabi sa kaniya.
"Baliw hindi ako green flag. Bare minimum lang 'tong ginagawa ko bilang boyfriend mo. Pero kaya ko naman maging green flag para sa 'yo." He said.
"Sample nga!" I said.
Naputol ang usapan noong makarinig ako ng katok mula sa pinto. Dumungaw sa pinto si Oli at Noah. "Ate Milan, grab delivery daw para sa 'yo."
"Ha? Galing kanino?" Tanong ko at inilapag nila sa study table ang mcdo meal. Tumingin ako kay Dion sa screen ng phone.
"Sabi sa 'yo, eh. Kaya kong mas maging green flag para sa 'yo."
Kinuha ko ang mcdo meal na in-order ni Dion at sa may resibo ay may note:
Take risk. If it work, I will be your number one cheerer. If it fail, I can be a pillow where you can cry. :)
I looked at him on the screen.
Dion smiled. "Bye. Kain ka na diyan." He said and ended the call.
This guy really know the exact words that I need to cheer me up.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top