Chapter 177: Change Role
Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20
Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated!
MATAPOS ang naging training namin ay isa-isa kaming pinatawag sa loob ng office nila Coach para siguro kausapin sa magiging changes sa kaniya-kaniya naming role.
They decided na private kausapin ang bawat isa sa amin para makapag-voice out din kami ng kaniya-kaniya naming opinyon tungkol sa magiging pagbabago. Good thing ito dahil hindi magkakaroon ng peer pressure sa change of role.
Dmitribels:
Kumusta ang practice ninyo? :D
Bogus:
Nakaka-pressure huhuhu
Dmitribels:
Whyyy?
Bogus:
Ganito pala 'yong feeling na best of the best players ang kasama mo sa training.
I mean, parang kumpetisyon ang nangyayari. Lahat may gustong patunayan.
Dmitribels:
Valid naman din ang nararamdaman mo.
Kung ako man nandiyan ay para ako laging nasa giyera kapag naglalaro ng Hunter Online. 😂
Bogus:
Truu
Dmitribels:
Pero first time ninyo pa lang naman mag-practice.
Kumbaga, nagbi-build pa lang din kayo ng koneksyon sa isa't isa.
Mawawala din 'yong tension na 'yan soon.
Bogus:
Sana nga.
Ikaw, how's ur day diyan sa Nueva?
Dmitribels:
Ito. Nag-try ako mag-inquire sa isang university dito sa amin.
Bogus:
Anong balita?
Dmitribels:
Next school year daw puwede naman daw ako pumasok as freshmen. May mga minor subject pa rin daw akong make-credits kahit papaano.
Bogus:
Forda teacher ka na talaga. 🥹
From Cutie player to Cutie teacher real quick.
Dmitribels:
Gagu. HAHAHAH
wala pa nga! Baka mausog.
Kailan free day mo? Labas tayo. Miss na kita kasama gumala. 🥹
Bogus:
Not sure pa, medyo strict sila coach pagdating sa training.
Saka ang layo mo. From north to south.
Dmitribels:
Walang dista-distansya sakin. 😂
Sabihin mo lang kung kailan ka free. Puntahan kita agad diyan hahaha!
Bogus:
Chika mo. Pero sigi, sabihan din kita agaaaad!
Miss ko na ang chill gala natin. 🥲
Dmitribels:
Magagawa ulit natin 'yan, soon.
Ngayon focus ka muna diyan sa practice ninyo. May tournament ka pang kailangan ipanalo.
We can date all we want kapag tapos niyang tournament.
Bogus:
Thank u for understanding 🥺
Sa totoo lang, I never imagined myself na nagiging pabebe sa karelasyon ko. Pero iba pala talaga kapag nasa sitwasyon ka na, especially kaming dalawa ni Dion. Lagi kaming magkasama ni Dion sa boothcamp o kaya naman ay napupuntahan niya ako sa Bulacan dahil hindi naman ganoon kalayo ang Nueva Ecija rito.
Pero ngayon, ilang daang kilometro ang pagitan naming dalawa. Busy siya, busy ako. We are both building our own future in different ways.
"Sandro," lumapit ako kay Father Chicken at umupo sa tabi niya. "Paano ninyo natitiis ni Ianne na ang layo ninyo sa isa't isa ngayon? Like Baguio and Tagaytay? Para kang nasa South pole at nasa North pole."
Sandro looked at me and smiled. "Nami-miss mo lang si Dion, eh. Ginamit mo pa kaming dalawa."
I rolled my eyes. "Okay, fine. Nami-miss ko siya."
"Grabe na kayong dalawa," naiiling na sabi ni Sandro at napangiti. "Pero iba na kasi ang sitwasyon natin. Ako, pangalawang pagkakataon ko na 'to kay Ianne and she's the one who pushed me to join Yugto Pilipinas. Kapag free time ko, tinatawagan ko siya. Also, inu-update ko siya kahit walang kakuwenta-kuwenta naman ang ginagawa ko. Vital kasi sa ganitong setup ang mode of communication." He explained.
Napatango-tango ako.
"Isipin ninyo na lang na sa ganitong phase ay kailangan niyang mag-grow individually." He explained.
Lumabas si Coach Russel mula sa meeting room. He scanned the area. "Milan." Tawag niya sa akin at tumayo naman ako.
Kalalabas lang din ni Larkin mula sa office.
"Anong sinabi sa 'yo?" I mouthed to him.
He just raised his middle finger and chuckled. Napairap ako sa ere. Buwisit talaga kausap kahit kailan.
Maliit lang ang office nila Coach dito sa boothcamp. There's a table na may ilang upuan. May white board sa gilid kung saan nakalagay ang mga information namin at may tv kung saan nagpe-play ang laro ng ibang international team.
"Be seated," nakangiting sabi ni Coach Harrison sa akin. "So how's your life here in boothcamp so far, Milan?" Coach Harris asked.
"Okay naman Coach. Nakakapag-adjust na rin ako sa ugali ng mga kasamahan ko rito. Medyo nakaka-miss nga lang ang pamilya ko kasi hindi ko magawang makauwi ng Bulacan tuwing weekdays." I honestly said.
Mag-commute nga from Manila to Bulacan ay hindi ako sanay. Paano pa kaya ang Tagaytay to Bulacan? Baka kung saang lupalop na ako ng Pilipinas makarating no'n.
"I know this will be a difficult situation for all of you. Kung sakaling pumunta rito sa Tagaytay ang mga magulang ninyo, we can schedule a special day off para sa makasama ninyo sila." Paninigurado naman ni Coach. Tama naman din sila, kaya nga hindi kami sa Maynila nag-boothcamp para malayo kami sa distraction at mas makapag-focus kami sa practice.
"Thank you, Coach."
"We are also happy that you are getting along with the boys. Kung sakali man na pakiramdam mo ay uncomfortable ka ay puwede kang magsabi ka sa amin." He said at ngumiti akong tumango.
Nagkumustahan pa kami ni Coach Harris at Coach Russel bago kami dumako sa tunay na pakay nitong meeting. "So we watched your match a while ago and we also watched your past performances this season." Panimula ni Coach Harris.
Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya.
"We will give you two option sa kung anong magiging role mo for the international tournament. It's either stay with your norm or take the risk." He explained. Napakunot ang noo ko sa pagtataka.
I mean if they want me to be an assassin role again, it's totally cool with me. Komportable pa rin naman ako sa ganoong klaseng galawan.
"The first one is we will retain you with the support role. Pero kailangan mo mag-change role into a full support o full tank. Oo, maganda ang support/fighter role dahil nakakapag-adjust ka sa sitwasyon pero everyone here is competitive na kaya na nilang i-fulfill ang mga kaniya-kaniya nilang role. Mas okay na nagpo-focus ang bawat isa sa isang task lang." paliwanag ni Sir Harris sa akin at napatango ako.
I mean , I get it. Isa pa binabalak ko na rin i-suggest ang bagay na iyon.
"Kaya namin nasabing okay ka sa support role ay dahil alam mo kung sinong member ang poprotektahan mo. Alam mo kung paano kayo makaka-survive sa mga deliladong sitwasyon. Kahit pa nape-pressure kayo ay nakakaisip ka pa rin ng mga epektibong plano." Paliwanag naman ni Coach Russel sa akin.
"Ano 'yong pangalawang option, Coach?" Tanong ko.
"This will be a pretty big adjustment for you," Coach Harris said. "We want you to be the core of Yugto Pilipinas."
Napatigil ako panandalian at hindi ko alam ang ire-react ko sa gulat. "The main core of Yugto Pilipinas to be exact." Dugtong pa ni Coach Russel.
Sa sandaling ito ay parang may kung anong mabigat ang pumasan sa balikat ko dahil sa pressure. "Mga Coach, never akong nag-core." I clarified to them dahil baka namali lang sila ng role na ibinibigay sa akin.
"Alam namin, Milan, malaking pagbabago ito sa laro mo at may ilang linggo ka na lang maaral ito. But with your instinct and decision kapag nasa loob ka ng Hunter Online, naniniwala kami na kaya mong madala ang buong team patungo sa kampionato," seryosong paliwanag sa akin ni Coach Harris. "This is also a suggestion from one of our players kung kaya't kinonsidera ka namin sa posisyon."
"Suggestion?" Kunot-noo kong tanong. "Sino po ang nag-suggest?"
"Callie." Sinabi ni Sir Russel sa akin. "Dapat ay pababalikin namin as core si Callie since alam naman nating lahat ang kakayahan niya bilang core. He declined the offer dahil kung magko-core daw siya ay paniguradong madali nang mababasa ng mga makakalaban ang magiging laro natin. Callie is a core from season 2-4 kung kaya't maraming video ng gameplay niya."
"Ang sabi niya ay magagaling ang lahat ng players na ito at ito ang tamang oras para mag-experiment ng lineup na gugulatin hindi lang ang Pilipinas kung hindi ang buong mundo sa magiging laro natin." Seryosong sabi ni Coach Harris sa akin.
I mean, hindi ko alam ang ire-react ko tungkol sa bagay na ito. I mean, being core of the whole team is a huge responsibility. Ikaw ang damage-dealer, ikaw ang vital member ng buong team. Masyadong malaki ang pressure na nakapaloob sa salitang core.
At isa pa, hindi ito core ng isang grupo lang. core ka ng isang professional team na magrerepresenta sa isang malaking international tournament.
"Nagulat ka 'no?" Nakangiting tanong sa akin ni Coach Russel.
Napabuntong hininga ako at mahinang natawa. "Nakakagulat lang kasi Coach. All along ay akala ko ay mame-maintain ko 'yong role ko as a support."
"You have a full week Milan to decide dahil malaking adjustment nga iyon kung sakali para sa 'yo. That's why we gave you two option na kung saan puwede kang manatili sa comfort zone mo as a player o magte-take risk ka at susubok ng panibagong role." Coach Russel said.
"Hypothetically, tanggapin ko 'yong offer to be the core. Paano kung matalo tayo? Coach this is not a small time tournament lang. Haharap tayo sa milyon-milyong players ng Hunter Online. Hindi ba't mas okay kung magpo-focus tayo na i-enhance ang skill natin sa role na expertise na natin. I mean, ilang weeks lang ang preparation na mayroon tayo." Paliwanag ko. I want them to look at the bigger picture. That's a good plan honestly pero dahil sa time constraints na mayroon ang grupo ngayon, parang nilalagay lang namin ang grupo sa kapahamakan.
"Naiintindihan namin ang pinanggagalingan mo. We think about this one thoroughly. Siguro nga ang risky noong pag-change role na binabalak natin. Hindi lang sa 'yo dahil marami sa inyo ay malaki ang mababago sa role. Pero kung magagawa natin ito ng maayos, if we can manage to master this in few weeks. Isa tayo sa mga team na katatakutan sa international scene. Walang alam sa magiging move natin, hindi nila alam ang magiging laro natin, at wala silang information sa laro ninyo tungkol sa new role ninyo and that's a huge advantage sa early part ng tournament." Paliwanag ni Coach Russel sa akin.
"Milan, you have all the best resources to execute this well. Trust us." Sabi ni Coach Harris. "Hindi lang pangalan mo ang nakataya rito. Isusugal natin ang career nating lahat para sa planong ito."
Ilang segundo ang naging katahimikan sa silid. Tanging naririnig lang ang tunog ng orasan at buga ng malamig na aircon.
"Uhm... puwede po bang pag-isipan ko muna ang tubgkol sa bagay na iyan?" I honestly said dahil ayokong magbigay ng on the spot na sagot dahil lang natatakot o nape-pressure ako. "Let me digest everything first before I give my answer. Medyo nasa shock state pa po 'yong utak ko and I can't think straight."
"We do understand." Sabi ni Coach Harris. "Kung ano man ang maging sagot mo ay rerespetuhin namin."
Lumabas na ako ng Meeting room at ibinagsak ang katawan ko sa bean bag.
Lumapit sa akin si Sandro at inabutan ako ng isang basong tubig. "Tagal ninyong nag-usap ah. Parang ginisa ka sa loob ah." Natatawa niyang sabi.
"Thank you." Uminom ako ng malamig na tubig. "God, kung alam mo lang Father Chicken."
"Kawawa naman ang abunjing-bunjing naii-stress." Malokong sabi ni Larkin na bigla na lang sumulpot at kinurot ang pisngi ko.
Mabilis kong tinapik ang kaniyang kamay. "Napaka epal mo!" Reklamo ko at hinimas-himas ang pisngi ko. "Masira sana 'yang buhok mo kakakulay mo."
***
KINAHAPUNAN ay hindi ko muna pinroblema ang offer nila coach. They gave me a full a week so I can take my time slowly. Nakaupo lang ako sa sala habang nagbabasa ng libro. Hindi ko rin maistorbo si Dion dahil busy siya sa pamimili ng materyales sa ipinapatayo niyang commercial building.
"They both die at the end?" Nabigla ako noong may umupo sa katabi kong bean bag— si Thaddeus. He is drinking a pocari sweat while scrolling in his iPad.
"Nabasa mo na?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo kaso matagal na." He answered honestly. "Bookworm ka pala."
"Wow galing talaga sa 'yo. Sa ating dalawa ay ikaw ang hindi mukhang bookworm." Natatawa kong sagot sa kaniya at nailing si Thaddeus.
"But don't you find it unrealistic?" He asked.
"Alin?"
"The story. They fell inlove with each other in less than 24 hours. Feeling nila soulmate na sila. And I will not do any activities with a stranger." Thaddeus explained.
Ako na sumama kay Dion the first time we met at dinala niya sa boothcamp.
"My point ka naman. Realistically speaking, ang aga pa para sabihin inlove ka na sa taong na-meet mo lang ng 2am at nakasama mo sa maghapon." Isinara ko panandalian ang libro.
"The story is too fiction for me. I guess." He said and drink a pocari sweat again.
"Tama ka naman kaso ang point ng story ay what if malaman mo na mamamatay ka na within the day? You need to make the most out of it. Experience everything. Do risky things. Ayon ang naging case ng protagonists sa bida. They knew they will both die at the end of the day. Ang fiction man noong ma-inlove within 24 hours but atleast they will both die happy." I explained to him. "Ang nerdy pakinggan."
"No. I get it. Siguro magkaiba lang tayo ng nakuhang lesson after mabasa ang libro." He said.
"That's the purpose of a fiction book. You don't need to analyze every words from it like a scientist. If you enjoyed it, ibig sabihin nagawa ng book ang role niya. Fiction books is not a rocket science na dapat palaliman ng nakuhang lesson. Novels is art, basta na-enjoy mo basahin, end of discussion."
"Substantial ka rin pala kausap." Thaddeus said.
"Anong ibig sabihin niyan? Na walang depth sa character ko?" Protesta ko sa kaniya. "Siguro kaya hindi mo ako kinausap noong last time. Akala mo ang babaw kong tao!"
"First impression." Tipid niyang sagot.
"Ang pangit ng first impression, ha!"
"Atleast it changed now" he said. "Anong naunang magawa, papel na pera o coins?"
"Ha?" Tanong ko. "Papel na pera? Because gawa lang siya sa paper and ink?" Pagja-justify ko sa sagot ko.
"Mali. Coins ang nauna."
"Ha? Bakit?" Kunot-noo kong tanong.
"Kasi coin purse."
Ilang segundong nag-buff sa akin. Coin first.
"Napaka-corny! Next time heads-up naman diyan kung magjo-joke ka!" Natatawa kong sabi ay bahagyang natawa si Thaddeus.
Pumasok sa sala sina Callie, Leon, at Kurt.
"Thad, game na raw. Session." Aya ni Leon sa katabi ko.
"Tara na, sipang-sipa na 'ko." Sagot pa ni Callie. Ohhh, they are talking about kickboxing.
"Kuhanin ko lang gloves ko." Thaddeus said. at tumingin siya sa akin. "Sasali ka?" He asked.
Isinara ko ang librong binabasa ko at ipinatong sa center table. "Game ako."
Maybe kickboxing is a good outlet para mailabas ang stress ko at makapag-isip ng maayos kung tatanggapin ko ba ang offer nila Coach Harris at Coach Russel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top