Chapter 176: Clash of Best Players
Twitter: #HunterOnline or mention me Reynald_20
Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated.
SA BUONG journey ko sa Hunter Online ay never kong in-expect na makakasama ko ang mga bigating tao sa mundo ng Esports. Hindi lang makakasama, makaka-team ko pa! Parang last year lang, I am just a girl who accidentally watched a Hunter Online live dahil lang tinatamad gumawa ng Plant holder ang groupmates ko.
Pagkamulat ko nang aking mata ay una kong pinagmasdan ay ang buong paligid. Nasa gitna kami ng kagubatan na may mga poste o sira-sirang kabahayan na parang roman empire ang dating. Mabilis akong nagtago sa likod ng isang malaking puno upang maiwasan na ma-target agad ng kalaban.
I checked the map nasa bandang upper right ako ng mapa. Ilang metro lang ang layo sa akin ng isang maliit na village. It will be risky kung papasok ako doon dahil prone sa clash ang ganoong klaseng area.
[Yugto Pilipinas] Skullex (Choji): Inform me your location. Makipagkita muna kayo sa member na malapit sa inyo para maiwasan na ma-gank kayo.
[Yugto Pilipinas] Shinobi (Milan): Upper right, sa likod ng makapal na puno malapit sa maliit na village.
Isa-isa namin sinabi ang location namin at ang pinakamalapit sa area ko ay si Knightmare (Noah).
Pasulyap-sulyap lang akong tumitingin sa paligid dahil baka makita ako ng assassin o core ng kalaban. Sa pagdungaw kong muli ay nakita ko si Knightmare na masayang tumatakbo tungo sa direksyon ko.
"Captain!" Pagtawag niya. I tried to signal him to lower his voice down pero walang pakialam ang mokong. Kumakaway pa itong tumatakbo sa direksyon ko. "Tayo na naman ang magkasama."'he bubbly said.
"Sige, Knightmare, sumigaw ka pa. Kulang na lang ay i-chat mo sa kalaban kung nasaan tayong dalawa." Suway ko sa kaniya.
"Luh, Captain, kapag sinabi ko sa kanila ang location natin e'di natalo tayo." Depensa niya.
Napatitig ako ng ilang segundo kay Knightmare at napailing. "Halika na, kailangan na natin makita agad sina Skullex bago pa tayo may makalaban sa kabilang team." Nauna akong tumakbo at sumunod sa akin si Knightmare.
"Naku, Captain, kailangan manalo tayo dahil may pustahan kaming dalawa ni Oli." Tumatakbo kami sa timog na bahagi ng mapa. Iyon kasi ang napiling lugar ni Skullex na magkita-kita dahil sulok ito at malayo sa maaaring mangyaring clash.
"Huwag mo na akong kina-captain, si Choji ang incharge sa command ngayon." I informed him. Baka kasi mamaya ay kaka-Captain ni Noah ay ma-appoint nga akong Captain ng Yugto Pilipinas. Oh God, huwag naman sana. Iniisip ko pa lang ay nade-drain na ako mentally and physically.
"Ha? Bakit sabi ni Kuya Larkin kapag nagtanong daw kung sino Captain, sabi niya willing ka raw." May nagagawa talaga ang pagiging madaldal ni Noah, nalaman ko ang plano ni Larkin.
"Huwag kang naniniwala kay Larkin. May ubo sa utak 'yon." Sabi ko sa kaniya.
Hinahawi ko ang matataas na halaman na nakaharang sa dinadaanan namin.
Pinakikiramdaman ko ang paligid kung may ingay o pagsabog ba akong maririnig. Mukhang wala pang kahit anong clash na nagaganap sa laro.
Ilang metro na lang ang layo namin sa meetup place namin noong may marinig akong mga kaluskos ng mga tuyo na dahon. "Shhh." I informed Knightmare and he immediately stopped talking.
Humigpit ang hawak niya sa kaniyang scythe.
We are still holding our position and avoid creating any noise. Pinapakinggan ko ang mga pagkaluskos sa paligid.
"Nakatago lang ba siya sa mapa?" Mahinang bulong sa akin ni Knightmare hahang palingat-lingat sa paligid.
"No. He is using invisibility skill." sabi ko kay Knightmare. "It only last for 30 seconds, any second ay magpapakita na siya sa mapa, prepare to block any attack." I commanded him.
I immediately prepared my violin to enhance our defense. Naputol ang pag-cast ng skill ko noong may isang tao ang bumubulusok pababa mismo sa kinatatayuan ko.
[Yugto Pilipinas] Arcano (Leon)
Class: Asura
Using it's Chamma (a long stick), akmang itatama niya ito sa aking ulo. Mabuti na lamang at mabilis ko itong napansin, tumalon ako papaatras para maiwasan ang atake.
"Captain!" Sigaw ni Knightmare at nabaling ang atensyon niya sa akin.
I looked to his direction. "Sa likod mo!" Sigaw ko pabalik.
Lumingon si Knightmare ngunit huli na at hindi niya nagawang masangga ang atake ni KnightRider (Sandro). It deals a damage in his health bar.
"Nice distraction." Nakangising sabi ni KnightRider kay Arcano. Bumaling ang tingin niya sa akin. "Galit-galit muna tayo ngayon." He informed me.
I immediately hide my violin and transformed the violin bow into a sword. I need to switch from support to fighter. Madedehado kami sa ganitong sitwasyon.
Mabilis na tumakbo tungo sa direksyon ko si Arcano. He continuously swing his Chamma upang hindi ko malaman kung saan direksyon magmumula ang atake niya.
Akmang tatakbo rin tungo sa direksyon ko si KnightRider ngunit mabilis siyang hinatak ni Knightmare gamit ang kaniyang Scythe papalapit sa kaniyang direksyon. Kinuwelyuhan niya si KnightRider at ibinagsak sa lupa. "Ako ang kalaban mo." sabi niya.
Okay. Tiwala naman ako kay Noah na kaya niyang tapatan si Sandro. He used to be a solo player, mas sanay siya sa environment na mag-isa siyang kumikilos kung kaya't hindi ko na siya bibigyan ng command.
Arcano whistled. "Sa'kin ang mata, Shinobi." Banta niya. He swing his weapon upwards from left at mabilis ko itong sinangga.
Ginamit ko ang buong lakas ko upang masangga ang atake niya. Yumuko ako and swing a kick to his legs. Mabilis siyang napaluhod. Akmang hihiwain ko siya ng espada but he immediately stood up and performed a somersault kick. Tumama ito sa aking baba dahilan para mapatumba ako sa sahig.
Akmang aatakihin niya muli akong muli noong biglang may makapal na usok ang bumalot sa paligid. I took that opportunity para makatayo.
Saan galing ang usok?
Nabigla ako noong may biglang humawak sa braso ko at hinatak para makatakbo. "Huwag kang lilingon sa likod." Bilin niya. "Focus lang sa pagtakas."
[Yugto Pilipinas] Zero (Thaddeus)
Class: Geass
"Paano si Knightmare?" Tanong ko sa kaniya.
"Isa lang ang kaya kong iligtas." He answered. "Mas pinili kita kasi support ka, mas kakailanganin ka sa clash." Dugtong pa ni Zero.
Ilang minuto ang ginawa naming pagtakbo hanggang makalayo sa lugar. Nagtago kami sa likod ng isang mataas at makapal na puno. Naghahabol ako nang aking paghinga at uminom ng healing potion.
[Yugto Pilipinas] KnightRider is eliminated by [Yugto Pilipinas] Knightmare!
[Yugto Pilipinas] Knightmare is eliminated by [Yugto Pilipinas] Arcano!
"Nice one, nagawa niya pang makapitas kahit dehado siya sa sitwasyon." Pagpuri ni Zero.
Tumayo si Zero. "T-Teka, saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Skullex informed me na i-meet mo siya sa isang tree house sa lower left ng mapa. Hindi na kalayuan mula rito." Paliwanag sa akin ni Zero. "As an assassin, mahihirapan ako gumalaw kapag may may player na inaalagaan. Mas effective ako sa mga solo ambush." Sabi niya ay naglakad na papaalis.
I been playing in professional league for a couple of months already pero ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng pressure sa isang scrim o training match. Everybody is so competitive at alam nila kung paano sila magpa-function sa laro. Grabe, ganito pala talaga ang feeling kapag mga high profile players ang kasama mo sa laro, parang bawal magka-error.
Ilang segundo lang akong namahinga at matapos no'n ay agad ko nang pinuntahan ang tree hoyse na sinasabi ni Zero. Medyo nahirapan pa nga ako hanapin dahil tago nga siya (which is good) at may kataasan.
Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin si Skullex at Indominus (Kiel). "Akala ko ay mae-eliminate na kayong dalawa ni Noah doon sa clash ninyo." Bungad ni Skullex.
"Akala ko rin, mabuti na lang at dumating si Zero. Nagawa rin ni Knightmare na ma-eliminate si KnightRider, good trade." Sagot ko sa kaniya.
"Actually that's a trade na pabor sa atin." Ngumisi si Skullex. "Isa sa mga shotcaller nila si KnightRider, pretty sure nagbibigay siya ng command. Noong na-eliminate siya sa laro ay medyo natagilid na sila. Si Ichiyonsan (Kurt) na lang ang mayroon sila." Paliwanag niya.
"Vegas (Callie) can do shotcall." I informed him.
"Pero hindi niya forte." Sagot ni Skullex sa akin. "Dalawang season ko teammate si Callie, it's one of his weakness pagdating sa game. If he is too focus in the game, he can't monitor his teammates condition kung kaya't ayaw niyang nagsha-shotcall." Paliwanag ni Skullex sa akin.
Tahimik lang kami ni Indominus na nakikinig sa kaniya. "If we will be able to eliminate Ichiyonsan, it will drastically increase our chance to win." He explained.
Hindi kataka-taka kung bakit isa si Choji sa pinakamagagaling na tactician sa Hunter Online. Ichiyonsan is a great target dahil isa siya sa player na hindi gaano pinoprotektahan ng kabilang team.
"Kaya okay lang na na-eliminate si Knightmare, you want me to focus on being a fighter for this match. To fill the gap." Sabi ko sa kaniya.
"Mismo. Ako na ang bahala mag-alaga kay Indominus. Your job is to roam around the map and inform us the location kung sino man ang members na makikita mo." Paliwanag ni Skullex sa akin.
Tumango ako at bumaba na kami sa tree house. Humiwalay na ako kanila Skullex at mag-isang umikot sa mapa.
Pumunta ako sa gitnang bahagi ng mapa. This is a destroyed city na nababalutan na rin ng mga halamat at puno. Palingat-lingat ako sa paligid upang masiguradong hindi ako mahuhulog sa surprise attack ng kabilang team.
I am in an open space area kung kaya't easy target lang din ako ng mga kalaban. Maya-maya pa ay isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Mabilis akong tumakbo at magtago sa likod ng isang sirang poste.
Tatlong bala ang pinakawalan nito, dalawa ang tumama sa poste samantalng may isang bala ang dumaplis sa aking braso. Ramdam ko ang init ng bala at unti-unting pagpabas ng dugo mula rito.
Okay, Anonymouse (Oli) is currently around this area. More likely nandito rin si Beezlebub (Tristan) para protektahan si Anonymouse. Habang nakatago ako, ginamit ko iyong pagkakataon upang ma-inform ang kagrupo ko sa location ng kalaban.
[Yugto Pilipinas] Shinobi: Anonymouse and Beezlebub, center part of the map. Avoid going to that area.
[Yugto Pilipinas] Nodaichi: Noted.
[Yugto Pilipinas] Skullex: Good. Shinobi, mag-buy time ka lang. Zero and Nodaichi, hunt those players na wala sa center part of the map. Wala silang magiging backup.
Nabigla ako noong sumulpot si Arcano sa mapa.
"May hindi pa tayo natatapos na laban, Shinobi," nakangisi niyang sinabi at sunod-sunod ang ginawa niyang pag-atake. He swing his Staff quickly at wala akong ibang nagagawa kung hindi sanggahin ito.
Shinobi, buy time lang.
Noong nakakita ako ng opening mula sa kaniya ay mabilis ko siyang sinipa sa tiyan dahilan para mapaatras at mawalan siya ng balanse. I grabbed that opportunity to run.
Ilang metro pa lang ang layo ko kay Arcano ay may mga bala ng baril akong naramdaman na bumaon sa kaliwang binti ko. Napagulong ako sa sahig at ininda ko ang hapdi at sakit nito.
"Walang takasan, kumare." Anonymouse said at nilaro sa kamay niya ang baril.
Focus.
Mabilis akong naghagis ng smoke bomb sa paligid. Agad akong nagtago sa likod ng isang pader. Akmang iinom pa lang ako ng potion noong sunod-sunod na putok muli ng baril ang muntik tumama sa akin.
"Naririnig niya ang foot step ko." Inis kong sinabi sa sarili ko.
Gunamit ko ang kapal ng usok upang tumakbo-takbo sa paligid at lumipat-lipat nang pinagtataguan. Sa sitwasyon ngayon ay alam ko naman na mapapatay din nila ako sa game. Pero kagaya nga nang sinabi ni Skullex, I need to buy some time as much as I can dahil paniguradong kumikilos din sila.
Nawawala na ang usok at unti-unti nang lumiliwanag ang paligid.
Tatakbo sana ako sa isang kalye ngunit mabilis na humarang si Beezlebub. "Walang takasan."
Akmang tatakbo ako pabalik ngunit nakaharang naman sa kabilang direksyon si Anonymouse at Arcano.
I raised both my hand to forfeit. "Okay, suko na ako." Humihingal kong sabi.
[Yugto Pilipinas] Ichiyonsan is eliminated by [Yugto Pilipinas] Zero!
They are distracted with the announcement so I shoot my shot to attack Anonymouse. I casted a spell para mapabilis ang pagtakbo ko at humigpit ang hawak ko sa espada.
Anonymouse caught off guard with the situation at hindi niya pa naihahanda ang baril niya.
Malapit ko nang mapatama ang espada sa kaniya ngunit naramdaman kong tumama sa binti ko ang Chamma ni Arcano dahilan para mapagulong ako sa sahig.
Oli grabbed that opportunity to shoot me and eliminate me in the game.
[Yugto Pilipinas] Shinobi is eliminated by [Yugto Pilipinas] Anonymouse!
NATAPOS ang scrim namin at nanalo kami sa unang match. Ngunit sa sumunod na dalawang match ay bumawi amg grupo nila Callie dahilan para matalo nila kami.
"Nice game, team!" Malakas na sigaw ni Coach Russel habang mahinang pumapalakpak. Tinanggal namin ang mga nerve gear namin. "May pizza sa lamesa, kain lang kayo kapag nagugutom kayo." Dugtong niya pa.
Tumayo ako mula sa inclining chair para apiran ang kabilang team. "Nice game! Nice game." Nakangiti kong sabi sa kanila.
Noong nasa tapat na ako ni Leon ay bahagya siyang natatawa. "Ang epal mo!" Natatawa ko ring ganti sa kaniya. "Ako ang trip mo sa scrim na 'to, lagi kang sagabal sa moves ko!"
"Sorry na, madali ka kasi kalabanin sa short range combat." He explained.
Noong nasa tapat ako ni Callie, he flexed his muscle. "Talo ka talaga Milan kapag hindi mo ako kakampi. Sabi ko naman sa 'yo, lucky charm ako sa team. Kahit sinong makakampi ko ay surebol panalo. Buhat na buhat." He said.
"Kilabutan ka Callie, ni-hindi nga kita naramdaman sa unang laban." Reklamo ko sa kaniya.
Matapos ang ilang minutong scrim ay kumain na kami noong shakey's pizza na in-order nila Coach. Pumasok sila Coach Russel at Coach Harris para mag-meeting, they will also watch the replay of the match at matapos no'n ay kakausapin daw nila kami.
Okay lang naman sa akin na mag-adjust ng role. Huwag lang maging Captain ulit! I swear to God, hindi maganda ang may malaking responsibility sa team.
"Nakaka-pressure 'yong practice game na iyon, ah." Natatawang sabi ni Sandro. Katabi ko kasi siyang kumakain ng pizza.
"True! Akala ko ay ako lang ang nakaramdam noong pressure." I agreed.
"Lagat kasi nang nandito ay gustong patunayan na deserved nila 'yong slot nila sa Yugto Pilipinas." Sabi naman ni Larkin. "Gusto natin lahat patunayan na magaling tayo kaya tayo nandito. Nandoon 'yong pressure kanina sa match."
"Feeling ko nga ay kinakalawang na ako." Sabi ni Sandro. "Ako ang laging isa sa mga unang napipitas sa tatlong match kanina."
"Baka naninibago ka lang," sabi ko sa kaniya. "You know, sanay ka na ikaw ang nagbibigay ng command tapos hindi mo siya nagawa kanina. Mag-a-adjust pa 'yong laro mo sa Yugto Pilipinas."
"Kaya nga. Huwag ka nang magpaka-sadboi diyan amputa. Hindi bagay sa 'yo." Natatawang sabi ni Oppa at mahinang sinuntok ni Sandro ang braso ni Larkin. "Lahat tayo ay nangangapa pa sa laro ng Yugto Pilipinas. Makakapag-adjust din tayo."
Lumapit sa amin si Callie at masama ko siyang tiningnan. Subukan niya lang talaga magyabang at magsabi ng 'Callie and friends 2.0'. Ipupukpok ko talaga sa ulo niya ang karton ng pizza. "Galit na galit agad." He laughed.
"Subukan mo lang talaga Callie." Banta ko sa kaniya.
"Sige na nga bukas na lang. Anyway, Milan, magpapaturo ako kay Leon ng kickboxing. Interesado ka? Nauumay na 'ko sa kaka-jogging nating dalawa." Sabi nito sa akin.
"Ay weh? Willing si Leon magturo? Gusto ko man!" I excitedly said.
Hinanap ng mata ko si Leon na nakikipagkuwentuhan kay Tristan, Choji, at Thaddeus.
"Leon!" Tawag ko sa kaniya.
Hinanap niya ako and raised both his brows to asked why.
"Tuturuan mo si Callie mag-kickboxing?" I asked.
"Oo, gusto niya raw matuto, eh."
"Sali ako! May extra gloves ka?"
"Si Callie saka si Kurt na kasi ang tururuan ko mamaya. Baka hindi ko kayo maturuan sabay-sabay saka kulang ako sa gloves." Medyo na-sad naman ako.
"Sige bukas na lang ako." I informed him. I mean, wala naman kaso sa akin. Gusto ko lang din ma-experience ang kickboxing. Para ibang way nang pagpapapawis naman at hindi lang puro jogging.
"Si Thad may extra gloves." Kinalabit niya si Thaddeus. "Thad, sali daw sa session natin sila Milan mamaya. Ikaw na magturo, dalawa na hawak ko."
Tumingin sa akin si Thad. "Sure ka ba?" He asked. "Masakit sa katawan 'yong kickboxing kapag first time."
"Oo, batak naman ako sa jogging." Pagmamayabang ko.
"Wew. Comparing my sports to jogging. The audacity." Naiiling na sabi ni Thaddeus at natawa ako. "Pahiramin na lang kita ng Sports strap saka boxing gloves mamaya. Hindi ko lang sure kung kasya sa 'yo 'yong gloves ko."
"Kasya 'yan! Sali ako, ha!" I excitedly said.
"Akala yata masaya." Naiiling na sabi ni Thaddeus at bumalik sa pakikipagkuwentuhan kanila Leon.
"Epal. Minamaliit ako." Bulong ko sa sarili ko.
Lumabas mula sa meeting room sina Coach Russel at may hawak siyang clipboard. Nakuha nila Coach ang atensyon naming lahat dahil napatigil kami sa kaniya-kaniya naming kuwentuhan.
"So, we will inform you the adjustment that we need to make for Yugto Pilipinas and your new role."
Sa point na ito, alam kong hindi magiging dali ang mga susunod na training namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top