Chapter 175: Battle of the Best

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

I will attend Grand Pinoy Lit Fancon this upcoming July 1 (saturday). For more details, please visit National Book store page.

See you!

MUKHANG effective ang ginawang pagsita ni Callie sa presscon kahapon dahil puro magagandang articles ang nakuha namin mula sa iba't ibang journalist. Karamihan sa gaming community ay suportado ang line up ng Pilipinas para sa nalalapit na first HO international tournament.

@sunny_side_up:
OMG! I love the whole line up of Yugto Pilipinas! Never kong in-imagine na magkakasama sila sa iisang team. Ngayon pa lang ay nakikita ko nang maganda ang maibibigay nilang laban sa tournament! Laban Yugto Pilipinas!

@Yesbeeluv:
TANGINA KURT, CALLIE, THADDEUS IN ONE TEAM! THE ORIGINAL ACE PLAYERS OF BIG THREE!

@Ito_Denn:
OMG! Milan and Thaddeus in one team?! My MiDeus heart is so happy! Since nagkasama sila sa commercial ay naramdaman ko nang may sparks sila! Sana magkaroon sila ng moments kapag nagla-live stream sila 🥹🥹🥹 definitely gonna watch.

@Shannah_all:
Hoy @Ito_denn! May jowa 'yong tao, hindi kasi pinagsasabay ang shabu at ang neozep! Gagawin mo pang malandi ang kaibigan ko! Ako lang ang malandi sa barkada namin, hmp!

Itong si Shannah talaga ay mapagpatol sa social media especially sa mga naninira sa akin. Ang reason niya? Gaga ka! Alam kong hindi ka makakasagot sa mga tweets na 'yan dahil masisira ang pangalan mo as a player. Ako ang papatol, hindi ako pinalaki ni Marites na fake friend!

Hindi ko rin talaga alam kung bakit may ibang fans sa gaming community na ginagawang malaking showbiz ang industriyang ito. Minsan ay wala sila g pakialam sa mismonng laban, they all care about the interaction of the players that they ship (minsan delulu level na).

May mga nagshi-ship din sa amin ni Callie na tinatawanan lang namin talaga. Alam ko naman kasing pinopormahan ni Callie si Aisha saka nandidiri na agad ako sa idea. Saksakan ng yabang niyang si Callie.

Kung may mga good comments, of course mayroon din namang mga negative na tinitira ang pagiging party people ni Larkin (God tagal na no'n). Ang pagiging babaeng player ko raw sa team at paganda lang (same script pa rin sila, walang character development). Hindi ko na pinagtuunan ang negative energy na dala nila dahil mas maraming positive at maraming sumuporta sa amin.

"Tingnan mo 'tong mga hudas na 'to, kaya naman pala gumawa ng good articles, nanggigisa pa ang mga demonyo noong presscon." Reklamo ni Larkin at ibinagsak ang katawan niya sa bakanteng bean bag habang kumakain ng Piattos.

"Buti nga at magagandang articles ang sinulat nila, nasindak yata sa sinabi ni Callie." I agreed with him.

"Dapat lang!" Callie said at umupo malapit sa amin. "Halata naman kasi na pinipiga ka nila noong interview na 'yon, hinihintay ka lang nila na magkamali ng sasabihin." Sabi niya sa akin.

"Ikaw kasi ang easy target para sa kanila para putaktihin ng mga masasamang salita dahil ikaw ang nag-iisang babae." Dugtong pa ni Larkin. "Kapag na-bash ka sa Social media, huwag kang mag-alala, nandito kami."

"Ipagtatanggol ninyo ako?" I asked.

"Makiki-bash rin kami. Clout chaser kami, eh." Sagot ni Larkin at mahina kong hinampas ang kaniyang braso. "Siyempre joke lang! Ipagtatanggol ka namin, mas kilala ka namin kaysa sa mga sawsawero diyan."

Napatingin ako sa mga bagets na ngayon ay kinakausap si Kiel. Nakadapa sa carpet si Noah at Oli habang nakapangalumbaba. They are talking to Kiel nana busy mag-cellphone.

"Akala namin masungit ka dati kaya hindi ka namin kinakausap after match." Sabi ni Oli kay Kiel.

"N-Nahihiya lang ako." Mahinang bulong ni Kiel.

"Naku! Huwag ka daoat mahiya sa amin! Masarap kami kasama. Si Genesis nga, kilala mo 'yon? 'Yong pipe sa Orient Crown. Napag-Wowowin namin 'yon! Easy 5k." Pagmamayabang ni Oli kay Kiel.

"Kapag kami kasama mo, lagi kang masaya tapos magkakapera ka pa!" Dugtong pa ni Noah na parang nire-recruit nila si Kiel sa barkadahan nila. "Huwag kang sumasama diyan sa mga matatanda na 'yan, boring 'yang mga 'yan."

Pumasok si Sandro at mukhang nag-basketball sila sa labas nila Choji. Mukha ngang nakahanap na silang kalaro na dito rin nakatira sa loob ng village, eh.

Bakit ba ang dali sa ibang lalaki na makagawa ng friendship? Like, nakalaro lang nila one time sa basketball ay tropa na nila. Naka-ML o Hunter Online lang nila ay tropa na nila. Nakabunggo sa daan tapos nag-sorry, tropa na nila. Like, paano sila nakakabuo ng friendship sa ganoong klaseng senaryo?

"Tinatakot ninyo ang bata ko, ah." Biro ni Sandro habang pinupunasan ang kaniyang pawis.

Tumingin si Oli kay Sandro at bumalik ang tingin niya kay Kiel. "See? Adults are boring."

Lumabas mula sa meeting room sina Coach Harris at Coach Russel. "Meeting tayo saglit." Anunsiyo ni Sir Russel at pumunta ang lahat sa sala. Umupo sa tabi ko si Oli at sa kabilang banda naman ay si Noah.

"Anong trip ninyo?" Tanong ko sa kanila.

Masama lang silang nagtinginan sa isa't isa. Frenemies talaga 'tong dalawang ito.

Sir Harris immediately started the meeting. "Since na-post na ang line upc we will start our training today sa pamamagitan ng 6v6 battle, best of 3. You will be divided into two teams and we will evaluate your individual skills." Paliwanag ni Sir Harris.

I raised my hand. "Sir, question lang po kung paano ang mangyayari? Unbalance po kasi ang team natin kung kaya't may mga team na malulugi at team na may advantage." Tanong ko.

Currently, hindi pa naaayos ang actual roles namin sa Yugto Pilipinas at base sa line up ay may dalawa kaming core (Oli, Kiel), apat na tank/support (Callie, ako, Tristan, Choji), tatlong assassin (Thaddeus, Larkin, Sandro), dalawang fighter (Leon, Noah) at isang Mage (Kurt).

"Consider this as pre-evaluation scrim para lang malaman namin kung ano 'yong mga capabilities ninyo as a player individually. In this method ay malalaman namin ang mga possible role na maging adjustment para mas maayos natin ang Yugto Pilipinas," napatango-tango ako sa paliwanag no Coach Russel. "Pagkatapos nang scrim na iyan ay pipiliin na natin kung sino ang magiging Captain ng Yugto Pilipinas."

Pagkaaabi no'n ni Coach Russel ay biglang lingon sa akin si Larkin at ngumisi. Umamba ako ng konyat sa kaniya. "Subukan mo lang talaga! Malaman-laman ko lang na may pinaplano ka Oppa, kokonyatan kita pito sunod-sunod."

"Wala pa nga akong ginagawa, eh!" Natatawang sabi ni Larkin.

Para maging fair ang pagpili ng members ay agad nang pinaghiwalay sina Oli at Kiel para sa core member (battle of the child prodigy). Pinaghiwalay na din ng team Leon at Noah since dalawa silang fighter. Sa natitirang members ay gumamit si Coach Harris ng online roulette.

Team 1: Oli, Leon, Kurt, Callie, Tristan, Sandro
Team 2: Kiel, Noah, Thaddeus, Choji, Ako, Larkin

Grabe, practice game pa lang ang gagawin namin ngayong araw pero ramdam na ramdam ko na agad ang pressure. Alam kong competitive ang mga kasama ko sa Yugto Pilipinas dahil lumalaban silang lahat sa highest level ng competition sa Hunter Onlinr dito sa Pilipinas.

Coach Harris gave us 15 minutes para makabuo ng plano bago kami magsimulang maglaro.

Nagtipon-tipon kaming 6 sa isang gilid ng boothcamp. "Sinong magsha-shotcall?" Choji asked.

Nagkatinginan kaming lahat. "Sinong agree na maganda si Mil—" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Larkin dahil alam ko na ang kagaguhan na sasabihin niya.

Nagtana si Choji. "Ano 'yon?" He laughed.

"Wala! Wala! Botohan tayo kung sino ang magsha-shotcall." Suhestiyon ko. "Epal 'tong Larkin na 'to, una ka sana ma-eliminate." Reklamo ko sa kaniya.

"Magka-team tayo, gago." Sagot niya.

Noong nagbotohan kami ay nanalo si Choji kung kaya naman siya ang magsha-shotcall o tatayong Captain sa laban na ito.

"So ganito, Milan support/fighter ang role mo 'di ba?" Tanong ni Choji at tumango ako. "Ayusin mo 'yong equipments mo as full fighter build. Ako na ang tatangke at susupport." He suggested at um-agree naman ako dahil kulang kami sa tao.

"Let's do by partner for now. Kiel/ Thaddeus, Milan/Larkin, Ako/Noah. Siguraduhin lang natin na maliit ang distansya natin sa isa't isa para madali nating maba-backup-an ang isa't isa." Tumango kami sa sinabi ni Choji.

"Eh sinong unang pipitasin natin?" Tanong ni Noah.

"Hmm..." saglit na nag-isip si Choji. "Definitely, hindi natin agad mapipitas si Oli dahil babantayan siya ni Callie. Kung hindi man si Callie ang bantay niya, pretty sure na magiging malapit lang si Callie sa kaniya." Paliwanag niya.

"Let's aim for Leon first. His a fighter kung kaya paniguradong walang magbabantay sa kaniya. Ang goal lang natin sa early game ay mapilayan sila tapos saka natin pitasin ang mahahalagang members nila." Dugtong pa ni Choji.

"Last 3 minutes!" Anunsyo ni Coach Russel.

"Also, be observant sa magiging galaw nila para kung sakaling matalo tayo ay may idea na tayo sa puwede nilang ipakita sa second game." Choji said and tapped our shoulder. "Let's keep our expectation low that we will have a good team work."

My brows crunched.

"Ngayon lang tayo nagkasama-sama sa iisang team. Hindi natin basa ang galaw ng isa't isa. May mga error, miscommunication na mangyayari inside the game pero tuloy lang ang laro." Choji said at kinuha na ang kaniyang nerve gear. "Durugin natin 'yang mga 'yan."

At this point, dito ko na-realize kung bakit isa si Choji sa pinakamagaling na Captain sa mundo ng Hunter Online. May angas sa words niya pero he is a realistic leader kagaya sa mga posibleng mangyari. Isa pa ay sinabihan niya na agad kami sa mga possible error na magawa namin inside the game at walang sisihan.

Kinuha ko na ang nerve gear ko at humingang malalim bago sumabak muli sa laro. Magkakaharap kami nila Callie bago kami umupo sa inclining chair. Callie wiggled his right brows. "Walang iyakan kapag natalo kayo." Pagmamayabang niya.

"Alam mo, na-realize ko, buti na lang talaga at magkakampi tayo sa team." Sabi ko sa kaniya.

"Bakit?" Kunot-noong tanong ni Callie.

"Nakaka-badtrip ka pala talaga kalaban. Sa scrim pa lang tayo maglalaban pero naiinis na agad ako sa 'yo." Natawa si Callie sa sinabi ko.

Sinuot na namin ang aming nerve gear.

"Your best of three, will start now!" Sigaw ni Sir Harris.

Humiga na kami sa kaniya-kaniya naming inclining chair at nagpakain sa mundo ng Hunter Online. Our difficult training for Yugto Pilipinas will start now.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top