Chapter 174: Import Players

Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you.

"BAKIT ganyan mga kapatid mo Milan?" Natatawang tanong sa akin ni Callie pagkatapos mag-play ang 45 minutes video presentation ng dalawang ungas kong kapatid. "Kinulang ba kayo sa atensyon noong mga bata kayo?"

"Epal mo!" Reklamo ko sa kaniya at malkas silang nagtawanan.

Next time talaga, hindi ko na sasabihan sina Kuya London at Kuya Brooklyn kapag papunta na akong boothcamp. De bale nang mag-commute ako, huwag lang ako mapahiya tuwing first day. From Battle Cry, to Orient Crown, tapos ngayon sa Yugto Pilipinas. Walang kamatayan ang power point presentation nila.

"Fair talaga si God 'no? Mayaman nga kayo, may sapi naman mga kapatid mo." Epal pa ni Oppa kaya't mahina kong tinulak ang kaniyang braso.

Pinaypayan ko ang mukha ko dahil sa pagkakapula nito at dahil sa hiya. Iba-block ko talaga si Kuya London sa messenger buwisit siya! (Hindi si Kuya Brooklyn dahil sesermunan ako no'n kapag binlock ko siya, 'di ako mananalo doon)

"Si Coach kasi! Pinakita pa!" Naiiyak ko sa tawa na reklamo kay Sir Russel na nagpipigil din ng tawa. "Coach! Bullying ka!" Reklamo ko.

"Utos lang ng kapatid mo. Masunurin lang ako, sabi niya papayag lang daw siya na mag-boothcamp ka kapag pinanood ko 'yon sa mga kasama mo. Sinunod ko lang." Depensa ni Coach Russel. See? Sabi ko sa inyo ay walang nananalo kay Kuya Brooklyn.

"Kaya kayo hindi favorite ni Tito, eh." Pagmamayabang ni Oli.

"Close kayo?" Noah curiously asked.

"Oo. Huwag ka nang pumapel na bobo ka. Ako lang dapat ang paboritong anak-anakan." Mabilis na sagot ni Oli sa kaniya. "Milan, huwag mong ipapakita 'to kay Tito, aagawan pa ako sa trono ko."

"God! Tama na sa pamilya ko." Pinahid ko ang luha ko sa kakatawa. "Change topic."

"Okay enough na, masyado nang nahihiya si Milan." Gatong pa ni Coach Harris. God, first day na first day. Bunot ba ako today? "This monday ay magkakaroon na kayo ng presscon bilang Yugto Pilipinas. You will be introduce as the Philippine representative in upcoming HO international tournament. Mga malalaking media company at press ang dadalo rito so kindly watch your words."

"Especially sa panahon ngayon. Napaglalaruan ng press people 'yong mga sinasabi ninyo at kaya kayong pagmukhaing masama. Always pick the right word." Dugtong pa ni Coach Russel. "Ayaw naman namin na umpisa pa lang ay kaayawan na kayo ng mga tao. Ang purpose ng presscon na iyon ay makakuha ng suporta mula sa mga Pilipino. Medyo sensitive na rin ang mga kabataan ngayon so don't make any insensitive jokes."

True. Grabe na ang social awareness ng mga kabataan ngayon— which is good. Pero may ibang... napapasobra lang na talagang ginagawang snacks ang pangba-bash para maging relevant.

They just oriented us at ang pinaka in-orient ay si Kiel na isa ring baby at isang introvert. Siya amg player na laging pinagmamalaki ni Sandro na asset daw ng ALTERNATE. Totoo naman dahil since Battle Cry ay nakita ko nang lumaro si Kiel at hindi siya tatawaging child prodigy ng wala lang.

Sa kabilang banda ay in-orient din si Noah na mahiyain kapag interview. Kung anong ikinakulit kapag kagaguhan ay siyang kinatahimik kapag mga seryosong interview. Palaging nagtatago sa likod ng mga kuya niya.

Matapos ang short meeting ay kaniya-kaniya na silang balik sa kanilang mga ginagawa. Ako naman ay nagbasa-basa lang ako ng self-helped book dahil nag-iisip na ako ng business na puwedeng itayo.

I mean, nakaipon na man na din ako. Parang oras na rin naman para may paglaanan 'yong perang iyon, I can't be a professional player forever. Ilang taon lang ang lilipas ay paniguradong may uusbong na mga batang players na mas magaling sa amin. It's better to be ready na may backup plan.

"Nakarating na ba sa 'yo ang balita?" Tanong ni Larkin sa akin habang nakaupo ako sa may kubo sa labas ng boothcamp. Inabutan niya ako ng pancake na ginawa niya as merienda. Ang foggy ng paligid ngayon dito sa Tagaytay which is a good weather since ganitong mga January naman talaga malamig sa Pilipinas.

"Balita? Anong balita?" Kumagat ako sa pancake na ginawa ni Oppa. "Infairness, masarap. May hinalo ka?" I asked.

"Lemon Ricotta Pancake." Oppa answered. "May nakita akong lemon na extra na dala si Callie. Hiningi ko lang."

Madalas talaga na nakakalimutan ko na chef-in-the-making itong si Larkin dahil natatabunan ng kagaguhan niya 'yong talent niya. Sobrang galing sa kusina ni Larkin at ilang beses din siyang nagluluto noong nasa Orient Crown pa lang kami.

"So anong ichi-chika mo?"

"Ginawa akong tsismoso amp." Reklamo ni Oppa at umupo sa tapat ko. "Tungkol kay Liu."

"Bakit? Anong nangyari kay pekeng chinese?" Tanong ko. Kinabahan ako bigla dahil isa si Liu sa pinaka-close kong kaibigan dito sa esports. We are teammates since Battle Cry days. Silang dalawa ni Dion ang pinakamatagal kong nakasama sa paglalaro.

"Kapag tungkol kay Liu, may nangyaring masama agad? Sa bagay, may sa-malas din 'yong gagong iyon." Bahagya akong natawa sa sinabi ni Larkin. "Actually it's a good news about him. He will be playing under China team. Posibleng makalaban natin si Liu sa international tournament."

"In-expect ko na rin na lalaro si Liu as representative ng China team." I answered to him. Bago pa man din umalis si Liu pabalik ng China ay sinasabi niya nang may offer sa kaniya para lumaro sa China. Noong malaman ko ang tungkol sa magaganap na International competition ay napagkonekta ko ito at nagkaroon ng kutob na lalaro si Liu sa ibang bansa.

"Suwerte rin noong intsik na 'yon sa Chinese team. Halimaw ng Esports ang China." Sabi ni Larkin. Totoo naman, kahit saang online games ay malakas at competitive ang China sa mga competition. They are one of the teams na kinakabahan ako makatapat sa early stage ng competition kung sakali.

"At saka si Renshi, lalaro rin under Japan team." Napatigil ako sa pagkain at napangiti. Renshi will always be one of the OG babies na na-meet ko. This is a big opportunity for him and I am so proud of him. Dati pa man din ay pinu-push na siya sa Battle Cry na maging regular player sa malalaking tournament. Ngayon lang nagbunga ang mga paghihirap niya.

"Pinapakita lang nito na malakas ang mga Esports team sa Pilipinas. They are importing our local Hunter Online players para sa kanilang team. Meaning, may nakita silang laro sa Pilipinas na gusto nilang matutunan." Paliwanag ko kay Larkin.

"But that's a disadvantage from us. Posible nilang makopya o ma-predict ang magiging laro natin dahil sa import na naganap. They will have vital informations sa laro ng mga Filipino players, pero tayo? Wala tayong ideya sa kung ano ang ipapakita ng ibang team." Paliwanag ni Larkin sa akin at naintindihan ko ang punto niya.

"Bilang kaibigan ni Liu at kilala ko rin naman si Renshi. Masaya ako para sa kanila. Sino ba naman ang hindi gustong lumaro internationally 'di ba? But in player perspective, kinakabahan ako sa pagkuha sa kanila ng ibang bansa. They can share informations about our gameplay dahil nakalaban o nakakampi na nila tayo." Dugtong niyang paliwanag.

Nagulat kaming dalawa noong biglang sumulpot si Callie at kumurot sa pancake na kinakain ko. "Kahit magsama-sama pa silang lahat, durugin ko pa sila."

Napairap ako sa ere. "Si boy yabang kahit kailan."

"Talaga, ipagkalat mo pa sa buong Pilipinas na mayabang ako." He answered habang natatawa. "Ano naman kung may impormasyon sila sa atin? Iba naman ngayon dahil bagong team ang Yugto Pilipinas. Iba ang magiging team dynamics kaysa sa mga dati nating team. Maiiba rin ang laro natin kasi mag-a-adjust tayo sa playstyle ng iba." Callie has a point with his explanation.

"Totoo naman, but let us not be complacent maiiba man ang team dynamics, hindi maipagkakaila na may impormasyon ang mga na-import na players mula sa Pinas." Larkin answered.

"They only have an idea kung ano ang laro natin sa Orient Crown. They don't have a slightest idea kung ano ang magiging laro natin sa Yugto Pilipinas." Callie motivated us. Kung hindi lang saksakan ng yabang itong si Callie, iko-consider ko siya bulang mentor ko sa paglalaro ng Hunter Online.

"May impormasyon lang sila sa atin as individual players. Pero sabi nga nila, maraming paraan para iluto ang manok. Sabihin na natin na nakita lang nila tayo sa lutong adobo, hindi pa nila tayo nakikita sa lutong sinigang, tinola, chicken wings, fried." Dugtong pa ni Callie.

"Tangina gumamit pa ng luto-luto amputa." Natawa ako sa sinabi ni Larkin.

"Eh chef ka, eh. Baka mas ma-gets mo 'yong logic kapag ganoon ko in-explain. Bobo." Ganti ni Callie sa kaniya.

Actually sobrang thankful ako na nandito sina Larkin at Callie. I mean, we are the holy trinity of Orient Crown. We are analyzing the possibilities in different scenarios na kung saan nag-e-end up kami sa mas balanseng plano. I didn't lead Orient Crown alone, bina-backup-an ako lagi ng dalwang 'to.

***

LUNES na lunes ay ang dami agad naming gagawin bilang miyembro ng Yugto Pilipinas. This will be the day that they will announce the line up for the Philippine representative. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng mga tao.

I mean, I am just a rookie who happened to have a good luck by my side.

"What if ma-bash ako? Feeling ko maraming ibang professional players ang mas deserving dito kaysa a akin." Pagbe-vent out ko kay Dion habang magka-video call kami. Ilang araw pa lang kaming puro call ni Dion pero nami-miss ko na agad ang prisensya niya.

Dati kasi ay bigla-bigla na lang 'yan sumusulpot sa tapat ng bahay na may dalang pagkain. Iba ngayon, ang layo ng Nueva Ecija sa Tagaytay.

"Lagi naman may masasabi sa 'yo ang ibang tao." Dion said while he was eating.

Pinapanood niya akong mag-makeup para sa presscon mamaya. May make up artist naman na hinire para rito pero mas gusto kong ako ang nag-aayos sa sarili ko. Mas alam ko kung paano ko ipe-present ang sarili ko sa public.

"Tandaan mo lang na pinili ka para diyan. Hindi ka naman nandiyan dahil sinuwerte ka lang. Nandiyan ka kasi nakita nila ang potensyal mo. Deserved mo na i-represent ang Pilipinas sa ibang bansa." Dion explained kahit medyo nagla-lag siya sa screen. Napangiti niya naman ako. "Huwag mong pinapakinggan 'yang mga basher-basher na 'yan. Akala yata makakapasok sila sa Esports sa mga ginagawa nila."

"Thank you." Sagot ko sa kaniya. I do finishing touch to my make up and show it to Dion. "How's my look? Mukha na ba akong tao sa presscon mamaya?"

"Maganda. Palagi." Dion answered habang titig na titig sa akin sa screen.

"Chika mo."

"Tinanong mo pa 'ko!" Parehas kaming natawa sa reklamo niya. "Ay siya nga pala, may lakad pala ako sa friday ng hapon. Baka 'di ako maka-reply ng mabilis no'n pero update na lang din kita."

This is one thing na gusto ko kay Dion ngayong nasa long distance relationship kaming dalawa. Lagi niya akong binibigyan ng heads-up kapag may gagawin o pupuntahan siya para raw alam ko kung hindi siya makaka-reply agad.

Isa kasi 'yon sa napapansin ko sa ibang couples (mga nababasa ko sa Facebook at Tiktok) na update lang ay hindi pa maibigay sa partner nila. I mean, hindi mo ikamamatay kung maglalaan ka ng sampung segundo para i-type sa partner mo kung nasaan ka at i-send sa kanila 'di ba?

"Oh, family lakad?" I asked curiously.

"Birthday ng isa sa kaibigan ko noong highschool. In-invite ako kasi matagal na daw nila ako 'di nakikita. Um-oo na ako." Paliwanag niya.

"Tama 'yan! Habang nandiyan ka sa Nyeva Ecija, you need to reconnect with your old friends, hangout with them. Kapag tournament season ay mahihirapan ka na naman makahanap ng time gumala niyan." Sabi ko sa kaniya. "Pero! Do not reconnect with Trina, may hidden agenda talaga 'yong ex mo na 'yon."

Natawa si Dion. "Hindi nga para hindi ka nag-o-overthink. 'Yong birthday-an kong pupuntahan ay tropa kong mga nagbubulakbol papunta sa computer shop dati. Hindi kasama si Trina." Paninigurado niya sa akin.

Our conversation was interrupted when I heard a knock on my door. "Go in!" I shouted.

Bumukas ang pinto at sumulyap si Thaddeus sa loob. He looked into my face for a couple of seconds. "What?" Tanong ko sa kaniya.

He shook his head and blinked. "Tapos ka na daw ba? We are waiting for you, lalabas na daw tayo in 10 minutes." He instructed. Napansin niya yata na may kausap ako sa phone. "Oh shit, sorry. Are you busy?" He asked sa mas mahinang tono."

Nilagay ko na sa maliit kong bag ang mga makeup na ginamit ko. "I am just talking to Dion pero tapos na din naman. Sunod ako sa inyo, ligpitin ko lang ang mga gamit ko." Sagot ko kay Thad.

"Sige, sunod ka na lang." Isinara na ni Thad ang pinto at naglakad na paalis.

Dion and I bid a goodbye at sinabi niya na ta-try niya ako tawagan mamayang gabi kapag hindi ako busy din.

***

PAGLABAS namin sa function hall kung saan gagawin ang presscon ay sunod-sunod na flash ng camera ang tumambad sa amin. Humilera kaming 12 members ng Yugto Pilipinas at pinag-pose sa iba't ibang side nitong function hall.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa ganitong klaseng meeting and I am still not really used to this. Especially ngayon, lineup ito para sa international na laban, nakakatakot ang iisipin ng ibang tao.

The emcee introduced us one by one bago kami pinaupo sa designated seats namin. Katabi ko si Choji sa right side at si Thad sa left side.

The interviewed started at nagsimula ang tanong kanila Coach kung paano nila mabuo ang Yugto Pilipinas. They just explained the reason na they want to create a team who are strategic and best players in the entire Esports scene.

Lumipat ang tanong sa amin. "This is question for players na kabilang sa Orient Crown. Nasaktan ba kayo noong malaman ninyo na hindi Orient Crown ang magre-represent sa Pilipinas? You guys are the season four champion and you deserved to represent our country as a team. How did you take it?"

Nagkatinginan kami nila Callie kung sino ang sasagot at nagtawanan pa. I decided na ako na ang sumagot sa tanong.

"Malaking bagay na po para sa amin na nag-champion kami sa Season four tournament. Of course we do have questions na bakit ganon, bakit hindi Orient Crown na lang? Pero kung titingnan ninyo po kasi ang line up," itinuro ko ang mga players na kahilera ko. "You will understand na, eh. They are the best players in the entire professional scene here in the Philippines and waste of talent kung i-invalidate ang skills nila dahil hindi sila nag-champion. We are talking for an international tournament here at tama lang na mga best among the best ang mag-represent ng ating bansa."

"So you are telling that some players are not good enought to represent our country?" The reporter asked and saglit akong napatigil. Oh my god! Mali ba ang nasabi ko? Baka mamaya ay bad articles ang makita ko sa socials ko!

"Hello," Choji interrupted. "Sorry, sa pagkakaalam ko ay maraming players ang in-offer-an sa opportunity na 'to kagaya na lamang ni Genesis but had to decline the offer because of other priorities. Milan didn't mean to invalidate other players achievement. Sadyang this line up were the first to accept the offer. Saka totoo naman ang sinabi niya na magaling lahat ng nandito!" Choji said.

"Kung may pro players man na iiyak sa social media dahil hindi sila napili. Well, sino ba ang nandito ngayon?" Choji said at hindi talaga nawawala ang kayabangan sa kaniya. Dugong Black Dragon talaga.

The proceeded on interviewing other players. "Thank you for the save." Bulong ko.

"No problem. Gago lang talaga ang ibang reporters na pagmumukhain kang mayabang sa mga articles nila." Bulong niya pabalik.

Tinanong nila isa-isa ang mga players hanggang bumalik ang tanong nila sa akin. "Hi, I am from Philippine Daily Inquirer and this question is for Milan, how do you feel na wala si Dion ngayon sa line up?"

Why did I expect na mabo-brought talaga ang topic na 'to?

"Siguro ang weird for me na wala si Dion dahil nakilala nga kami sa Hunter Online bilang duo. But This is a perfect opportunity to shwcase my talent more. And he is very supportive." I answered.

"I agree with that," the reporter said and smiled. "Parang it's time for you to get out from Dion's shadow para mas mapansin ka ng ibang gamers din."

"Sorry," Callie interrupted. "Milan was never Dion's shadow, for the record."

Sunod naman na nagsalita si Larkin. "Kung nasaan man si Milan ngayon ay pinaghirapan niya iyon."

"Sorry sa mga reporters or press na nandito ngayon," Callie started again. "Why are you guys keep attacking us sa mga binabato ninyong mga tanong? For clickbait na mas maraming mag-view ng articles ninyo?" Callie said.

Natahimik panandalian ang buong function hall.

"We conducted this presscon para matulungan ninyo kaming ma-buildup ang pangalan ng Yugto Pilipinas. Pero kung binabalak ninyo lang na gamitin kami for bad articles at mas marami kayong kitain... hindi kami makakakuha ng suporta mula sa Pilipinas dahil sa gagawin ninyo. Yugto Pilipinas badly needs a support from it's countryme, a nice and good articles will not ruin your business." Seryosong sabi ni Callie.

Tama naman siya rin. Callie really cares about the esports scene here in the Philippines.

"Okay, let's have a break muna. Let's continue our interview later." Sir Harris announced.

Sana lang ay maganda ang kalabasan ng interview na ito o 'yong mapo-post na mga articles.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top