Chapter 173: New Boothcamp
Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20
Votes, comments, and sharing the story are highly appreciated. Thank you.
PINAGMASDAN ko munang makaalis ang sasakyan ni Kuya Brooklyn bago ko pinagmasdan ang buong paligid. Natural na malamig ang simoy ng hangin dito sa Tagaytay pero ang ganda rin nitong subdivision kung saan located ang boothcamp namin.
Mapuno ang paligid at maraming nag-gagandahang mga bahay. Malapit din ang Villa Pura sa main road at malls dito sa Tagaytay kung kaya't may mga gagalaan din naman after practice.
I pressed the doorbell at hinintay na may magbukas ng gate. "Sino 'to?" I heard of familiar voiced mula sa speaker sa doorbell. "Kung hindi ko 'to kumare ay huwag ka nang pumasok."
"Baliw ka, Oliveros. Pabuksan ng gate please." Pagkausap ko sa kaniya. Grabe, hindi ko in-expect na ibang mas maaga sa akin na makakarating dito. Sa bagay, ilang oras din ang biyahe mula Bulacan papunta rito sa Tagaytay kaya medyo late din ako nakarating.
Also, medyo nakakapanibago dahil mag-isa lang ako ngayon dahil madalas ay kasama ko si Dion. If kasama ko si Dion ay baka pinilit ko siyang mag-commute kaming dalawa papunta rito. Pero siyempre, magkaiba kami ng priority ngayon, I also need to learn to grow alone. Hindi 'yong nakadepende ako lagi kay Dion.
"Kumare ko! Kanina pa kita hinihintay! Nauumay na ako sa mukha nitong si Noah, nakaka-badtrip pala habang tumatagal." Bahagya akong natawa sa sinabi ni Oli. He is still a ball of sunshine na puro positive energy lang ang nire-radiate. "Lumabas na si Kuya Sandro. Wait ka lang daw saglit."
Halos isang minuto lang ang lumipas ay narinig ko na ang pagbukas ng gate. Tumambad sa akin si Sandro at tinulungan niya akong dalahin ang aking mga maleta at duffle bag. "Umalis na 'yong mga kuya mo? Hindi mo man lang pinapasok sa loob?"
"Oo, may lakad pa daw sila." I lied.
Father Chicken smirked. "Weh? Sabi sa akin nila Noah at Oli may pa-powerpoint presentation ang kapatid mo tuwing first day." Daldal talaga ng mga 'yon kahit kailan.
"Hay naku, buti na lang at hindi mo talaga nasaksihan dahil isa ka pa naman grabe sa mang-asar." Reklamo ko at natawa si Sandro sa akin. Doon pa nga lang sa paggawa ng video sa Lemon Cola ay ilang araw niyang tinukso sa akin 'yon! Ang hirap talga kapag may pinopromote kang item.
Pagpasok pa pamang namin ay malawak na field na ang sumalubong sa amin. Sa right side ay may kubo na may katabing puno ng mangga kung kaya't malilim. Sa left side naman ay malawak na bermuda grass lang para yata makapaglaro or makatambay din. Sa gitna ay isang ancestral house at gawa sa kahoy ang karamihang parte ng bahay na ito. It was a nice old vintage house na na-preserve.
Dito ko masasabi na mayaman nga sila Mister Chan. Take note, hindi nila 'to main house. Bahay-bakasyunan lang nila ito sa Tagaytay na ginawang boothcamp.
Pagkapasok ko sa loob. The whole house is giving me a tropical vibes. There's a contemporary tropical paintings in the living room at karamihan sa mga upuan ay bean bags. It's like a chill hangout place para sa magkakabarkada.
"Captain!" Tawag sa akin ni Noah at lumapit silang dalawa sa akin ni oli. Grabe hindi ko na alam ang magiging ingay ng boothcamp dahil sa energy ng dalawang ito.
"Milan ampota. Kadiri, walang callsign." Pagmamayabang ni Oli. "Kumare!" Tawag niya sa akin noong humarap siya.
"Iakyat ko na 'yong gamit mo sa itaas." sabi ni Sandro sa akin at nauna siyang pumanhik para ayusin ang gamit.
Naabutan ko pa sina Choji at Leon na sine-setup ang gaming pc nila sa practice room. They waved their hands. Pansin ko rin na wala pa ang ibang players kagaya nina Callie, Larkin, at Kurt. Kinda expected it with Callie and Larkin, parehas pa-VIP 'yon.
"Yow Milan!" Lumapit sina Choji at Leon sa akin at nakipag-appear sa akin. "Hindi mo pa ise-setup 'yong pc mo? Tulungan ka na namin." Prisinta ni Choji.
Minsan talaga ay may mga side ang ibang players na makikita mo lang kapag nakasama mo sila sa Boothcamp. Tulad nito, all along ay akala ko ay si Choji ang lider ng lahat ng mayayabang sa mundo but he has nice side din naman pala.
"Wala akong dalang pc." Pag-amin ko sa kanila.
"Ha? Paano ka magla-live stream niyan? Required tayo mag-live thrice a week." Choji said.
"I bring my laptop. Doon na lang, gaming laptop naman siya so keri naman." Tugon ko.
"Puwede mong gamitin 'tong gaming pc namin kung sakaling magla-live ka. G lang." Sabi ni Choji sa akin. "Mas maganda specs nito saka malinaw camera, kumportable ka pa kung sakali." Paliwanag niya. Goods na sana kaso ay may pahangin din talaga 'tong si Choji. Default sa Black Dragon ang pagiging mayabang, tinanggap ko na.
"Thank you. Sabi ninyo 'yan, ah'" natatawa kong tugon.
Maya-maya ay lumapit ulit sa akin sina Oli at Noah. Grabe 'yong energy nitong mga bagets na ito. Pinagmamasdan ko pa lang kung gaano sila kalikot ay pakiramdam ko ay hinihigop na nila ang energy ko. Ako ang napapagod para sa kanila.
"Ay Kumare, gumagawa ng playground namin si Thaddeus. Gusto mong makita?" Oli asked to me at napakunot ang noo ko. That's a kind gesture for Thaddeus kung ginagawan niya ng matatambayan itong mga bagets.
Parang mga bagets na tour guide ko itong si
May isang bakanteng room at naririnig ko nga si Thaddeus at Tristan na parang may ginagawa sa kuwarto na iyon. "Okay na ba 'yong taas?" Tristan asked.
"Taas lang kaunti pa then okay na." Sagot ni Thaddeus sa kaniya.
Dumungaw ako sa may pinto at natanaw ko sila na nagse-setup ng Speed bag. "May nice brother side ka naman pala." Sabi ko habang pinagmamasdan si Tristan at Thad na nahihirapan.
Thad looked into my direction and crunched his brows. "What are you talking about?" He asked.
"Ito, ginagawan mo ng tambayan ang mga bagets. May good brother side ka pala." Paliwanag ko pa.
"Bakit ko gagawan ng laruan 'yang mga 'yan?" Tanong ni Thaddeus habang hinihitak naman ngayon ang malaking gulong papunta sa isang sulok. "This is our gym area. Bawal 'yang mga 'yan dito."
Tumingin ako kay Noah at Oli.
"Makakalaro din kami diyan sa loob." Bulong nilang dalawa. Siraulo talaga.
Pumasok ako saglit sa room at talaga namang pinaghandaan nila Thaddeus at Tristan itong gym area nila dahil sa Rubber matte sa sahig. "Sapatos mo." Suway agad ni Thaddeus sa akin.
"Sungit." Reklamo ko at hinubad ang sapatos ko. Mahina kong sinuntok ang sand bag na kalalagay lang nila.
"Boxing ang way of exercising ninyo?" Tanong ko sa kanila.
"Muay thai." Sagot ni Thad sa akin. Ooh, now I get it why ang buf ng katawan niya. Sa Muay Thai kasi ay lahat ng parte ng katawan niya ay gumagalaw para mag-workout. Unlike jogging na mostly lower body part lang ang nagpa-function.
"Mas nakakapag-isip si Captain ng mga tactics sa game habang nagpapapawis." Pagmamalaki ni Tristan.
"Hindi na ako captain." Sagot ni Thad sa kaniya.
"Malay mo naman," I answered to him. "Kapag nagbotohan tayo ay ikaw ang iboboto kong Captain." Paninigurado ko sa kaniya. Actually kahit sino naman sa kanila ang maging Captain dahil tiwala ako sa galing ng mga players na nandito. Basta 'wag lang ako! God, gusto ko na lang maglaro nang mapayapa ngayon.
"Hindi ka sure." Mapang-asar na ngumiti si Thad.
"Hoy anong ibig sabihin ng ngiti na 'yan!" Reklamo ko at natawa sina Tristan at Thad. "Naku! Malaman-laman ko lang talaga na may nilulutong kagaguhan si Larkin ay sisipain ko kayong lahat!"
Naalala ko na naman ang kagaguhan ni Larkin kung bakit ako ang naging Captain ng Orient Crown. Nagsabi ng eme-emeng tanong tapos ako ang pinili, doon nag-start ang kalbaryo at pagsakit ng ulo ko.
Iniwan na namin sila nila Noah dahil nakaka-istorbo yata kami sa pagse-setup nila ng gym area nila. Pumanhik ako sa itaas at pumasok sa kuwarto ko.
The design is same sa living room, bohemian ang style niya na may cream white na pader. Maliit lang ang kama at may isang study desk at cabinet upang paglagyan ng gamit. May mga fake plants din to match the theme of the house, mabuti na lang talaga at fake plants sila dahil baka makalimutan ko din 'yang madiligan.
Sakto lang itong kuwarto na ito para sa mag-isang matutulog dito. I took picture of the room at sinend ko kay Dion.
Dion called at mabilis ko naman din na sinagot. I unzipped my suitcase para maiayos ang mga damit ko. "Wew, ready na ready ka na talaga mag-practice diyan ah." Natatawa niyang bungad. "Kumusta naman ikaw diyan so far?" Tanong niya.
"Okay lang, medyo naninibago ako dahil ang daming bagong mukha ngayon sa boothcamp tapos wala ka pa. Pero so far, so good naman. Ewan ko lang kung ganito pa rin ang maramdaman ko kapag nag-start na kami mag-practice." I mean! Ang bigatin nilang lahat! Nakaka-pressure silang kalaro at kasama sa game kung sakali.
"Kaya mo 'yan, ganiyan din sinabi mo noong bago tayo sa Orient Crown tapos binuhat mo kaminsa championship." Dion said.
"Chika mo. Si Callie ang bumuhat noon." Siyempre, kay Callie-bear ang credits no'n dahil siya naman talaga ang MVP noong season 4. "Kagigising mo lang?" Tanong ko at inayos sa ilalim ng kama ang mga rubber shoes ko. So far, I am Crocs kid na kasi ang comfy niya sa paa. "Kagigising mo lang?" Tanong ko.
"Hindi, ah. Kanina pa ako gising." Sagot ni Dion.
"Mukha ko, ayan at may tulo laway ka pa sa gilid ng labi mo." Pinahid niya naman ito. "Kadiri kaaa!" Reklamo ko sa kaniya.
"Luh! Hindi ka nagkakaroon ng tulo laway kapag gising mo?" Panumbat niya.
"Hindi." Depensa ko.
"Mukha mo." Dion answered at parehas kaming natawa. Tanggap ko rin naman na hindi morning person si Dion. Saka kanina bago ako umalis ng Bulacan ay nakipag-facetime pa siya sa akin para raw maihatid niya ako virtually. Mukhang bumalik lang siya sa pagtulog at ngayon lang ulit nagising.
"Pero ano ka naman diyan? Okay ka naman sa environment? Sa kasama, hindi ka naman ba nababastos?" He asked at dumapa sa kama at ipinatong ang isang unan sa kaniyang mukha.
"Hindi naman. They are nice to me naman. Nag-offer pa sila Choji na puwede ko magamit ang pc nila kapag magla-live ako." Napatango-tango si Dion habang nakikinig sa kuwento ko. "Pero siyempre, hindi mawawala ang pressure sa akin kasi karamihan sa kanila ay beterano na pagdating sa paglalaro. Alam ko naman na iga-guide at marami akong matututunan sa kanila pero alam mo 'yon, mahirap din kasing matanga sa kanila lalo na't season 4 champion."
"Basta kapag kailangan mo nang pahinga ay tawagan mo lang ako. O kaya naman kapag rest day mo puntahan kita diyan sa Tagaytay." Sabi niya sa akin.
"Weh? Kaya mo?" Tanong ko sa kaniya kasi ang layo nang magiging biyahe niya kung sakali.
"Ako pa, minamaliit mo driving skills ko. Nadala nga kita sa Tagaytay dati tapos naiuwi ng Bulacan, eh." Napangiti ako dahil iyon 'yong araw na sinagot ko si Dion. His birthday.
"Chika mo. Anong agenda mo today?" Tanong ko kay Dion.
Ayon kinuwento ni Dion na iche-check niya raw 'yong pinapagawa niyang apartment tapos baka mamili na sila ng mga gamit para roon. He became busy these past few days which is good naman dahil nagkakaroon siya ng maraming time with his family. Ilang taon din siya sa Maynila dahil sa pagiging professional player at ngayon lang din siya nakauwi ng matagal-tagal.
Our conversation was interrupted noong marinig ko ang katok mula sa pinto. The door slowly opened at dumungaw si Father Chicken. "Nandito na lahat ng players. Kakausapin daw tayo sa sala saglit." Anunsyo niya. Tinapat ko ang camera kay Sandro. "Sino 'yan? Si Dion? Hoy! Ako na bahala kay Milan muna rito. Ingat ka diyan dre!"
Nag-b'bye na kaming dalawa at nagpalit lang akong pambahay saka bumaba patungo sa sala. Tumabi ako kay Oli sa bean bag. "Good to see na okay kayong lahat. Kumusta ang biyahe ninyo?" Tanong ni Coach Harris.
"Okay lang po."
"Ang layo po."
"Naligaw po ako."
Iba-iba ang naging sagot ng lahat at natawa ako kay Larkin dahil sa pagkakaligaw niya. Kaya pala na-late mg dating ang loko.
"Sa ngayon. Ayusin ninyo na muna ang mga gamit ninyo. Mamayang gabi ay orientation ninyo na sa kung paano ang mangyayari at kung may pagbabago ba sa role ninyo sa Hunter Online. Feel at home. We will have our cook here in boothcamp at driver pero baka bukas pa sila dumating kung kaya't kapag nagutom kayo ay magpa-deliver na lang muna kayo." Payo ni Coach Russel namin.
"Coach ko 'yan." Pagmamayabang na naman ni Noah kay Oli.
"Oo na! Inaagaw ko ba? saksak mo pa sa ngala-ngala mo." Buwisit na sagot sa kaniya ni Oli. Natawa ako kasi katabi ko lang sila kung kaya't dinig ko ang walang kuwenta nilang bangayan.
Ngayong nandito na kami sa boothcamp ay dito lang totally nag-sinkin sa akin na hindi na ako Orient Crown kung hindi parte na ako ng Yugto Pilipinas. Bagong boothcamp, bagong kasama, bagong pagsubok, at tournament na sasalihan. Everything is new.
"Bago ninyo gawin ang mga bagay na gagawin ninyo. May ipanonood muna ako sa inyo." Coach Russel said at sinetup na nila ang projector at ang white screen. Kumunot ang noo ko dahil baka manonood kami ng laro ng ibang teams sa ibang bansa.
Seryosong nakatingin ang lahat. Maya-maya pa ay namilog ang mata ko noong makita ang pagmumukha ng dalawang kapatid kong bugok.
"Alam namin na itataboy mo kami Milan, kung kaya't ni-record na namin ang aming sarili para wala kang kawala na bwakanashit ka." Natawa silang lahat sa sinabi ni Kuya London habang ako ay napayuko at napatakip ng mukha. God. Ampon 'yang dalawang 'yan, hindi ko kapatid 'yan.
"Dahil mawawalay ang kapatid naming si Milan sa amin may ilan kaming rules na gusto namin ninyong sundin..." nagsimula magpaliwanag si Kuya Brooklyn sa screen.
God. Tradition na talaga nila na ipahiya ako tuwing first day.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top