Chapter 172: The Team and Coaches
Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20
Like, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!
GANITONG-GANITO ang naramdaman ko noong nalaman ko kung sino ang makakasama ko sa Orient Crown noon. Mas grabe lang 'yong goosebumps ngayon kasi talagang sinala at pinili ng association ang mga players na magiging parte ng Yugto Pilipinas. They chose the best of the best players as the Philippines representative for upcoming international tournament.
I never imagined na dadating ang time na makaka-team ko itong mga halimaw pagdating sa Hunter Online.
Orient Crown- Ako, Noah, Callie, and Larkin
ALTERNATE- Sandro and Kiel
Battle Cry- Oli
Black Dragon- Choji and Leon
Daredevils- Thaddeus and Tristan
Phantom Knights- Kurt
"Kumare, aminin mo, nagulat ka na nandito ako 'no!" Sabi ni Oli sa akin. "Actually wala dapat ako dito kasi unang in-offer yata 'to kay Genesis; 'yong ka-team mong kinulang sa Milo. Tapos nagka-issue yata kaya ako ang second choice na ipasok." Kuwento ni Oli. Typical Oli, mahilig mag-overshare. Grabe! Na-miss ko siyang ka-team at gusto ko makita ng personal kung gaano kalaki ang in-improve niya as a player.
"Noah, bakit hindi nakakasali si Genesis?" Tanong ko kay Noah.
"Alam mo naman ang nanay ni Bespren. Pinagpo-focus siya sa pag-aaral niya. Sagabal sa paglalaro amp. Sabi din ni Bespren ay okay na daw 'yong nanalo tayo sa championship, bawi na lang daw siya next season kung sakali." Napatango-tango ako noong naunawaan ko ang sitwasyon.
Gets ko naman dahil pinilit lang ni Genesis makalaro last season four tournament. Tama lang din naman na bumawi siya sa parents niya this time, I respected his decision. Wala na rin naman dapat patunayan si Boy Pipe lalo na't alam na nang lahat kung gaano talaga siya kagaling as a player.
Napatingin ako kay Callie. His brows crunched noong nakita niyang nakatingin ako sa kaniya. "Napogian ka na naman sa akin."
I rolled my eyes. "Kapal mo." Sagot ko sa kaniya at napangiti si Callie. "Akala ko ba ay lalaro ka para sa US team? Baka noong nalaman nila kung gaano ka kayabang ay inayawan ka na rin nila."
"Wew, durugin ko pa sila, eh. Kaya nga nila ako ini-import kasi mahihina naman talaga sila." Walang palya talaga ang kayabangan ng taong ito. "Niloko lang kita noong sinabi kong sa US team ako maglalaro para i-surprise ka lang. Effective naman dahil noong nakita mo ako ay nagulat ka."
"Napakayabang talaga. Kaasar." Natawa si Callie sa sinabi ko.
"On a serious note, bakit ako lalaro para sa ibang bansa kung alam kong kailangan ako ng Philippine Team? Durugin ko pa 'yong mga kano na 'yon, eh." Sabi niya.
"Pero 'di ba matagal mo nang pangarap na makapasok sa US team? Nasa Black Dragon ka pa lang ay pangarap mo na 'yon." sabi ko.
"Technically, oo. Pero puwede ko naman siya isantabi muna. Hindi naman siguro mawawala 'yong offer nila lalo na't isa ako sa pinakamagagaling na players sa Hunter Online. Sa ngayon, bayan muna bago sila." Napangiti ako sa sinagot ni Callie.
Oo, mayabang si Callie (hindi naman maipagkakaila ang bagay na iyon) pero lagi siyang handang tumulong sa mga bagay-bagay. Isinasantabi niya ang sarili niyang pangarap para sa buong team. I admire him for that.
Pumasok si Coach Russel at si Coach Harrison (Coach ng Daredevils). Knowing that these two will be our coaches for Yugto Pilipinas, alam kong nasa maayos na kamay kami.
"Hello everyone, welcome to Yugto Pilipinas. I know this will be a new team for you guys at kahit kami rin naman ay nape-pressure na hawakan ang pinakatalented ma mga players sa Hunter Online. I hope we will get along for the next months." Sir Russel said at napaayos kaming lahat ng upo.
"Let us introduce ourselves first. I am Russel, one of the players that won the Season one tournament. Currently handling Orient Crown who won the season four tournament. I will be one of your coaches here in Yugto Pilipinas." Sir Russel introduced himself.
"Coach ko 'yan!" Napakatahimik ng room tapos biglang sumigaw si Noah. God, hindi ko 'to ka-team. Nakakahiya sa ibang professional players. Kahit si Sir Russel ay pinanlakihan siya ng mata pata suwayin, eh.
"I am Harrison. Coach ng Daredevils na siyang champion noong Season two tournament. I am also the coach of All Star PH na siyang nanalo noong Season one. Ayan, sila Russel saka si Theo ang mga nahawakan kong mga players noon." Wow, hindi ko in-expect na ganito kabigatin ang Coach ng Daredevils. "Bale dalawang teams na nag-champion ang nahawakan ko. I will be your coach here in Yugto Pilipinas."
"Actually pare-parehas tayong nagulat sa nalalapit na International tournament ng Hunter Online. Kung pressure sa inyo 'to as a players ay mas pressure din ito para sa amin as Coaches because we will do our best para matulungan kayong manalo." Coach Russel stated. "Alam ko you guys are from different teams at iba-iba kayong laro na kinalakihan. We will work with that on a short period of time. Sisiguraduhin namin na sa oras na lumaro kayo sa Singapore ay handa kayo at hindi mapapahiya. Gets ba?"
"Yes, Coach." We answered in unison.
"At siyempre gusto rin namin na malaman o ngayon pa lang ay maging aware na kayo na magiging mahigpit ang training ninyo para rito sa Yugto Pilipinas. Hindi porke't kayo na siguro ang pinakamagagaling na players ng Hunter Online sa henerasyon ngayon ay magiging maluwag kami sa inyo. Hindi pang-baranggay na tournament lang ang sasalihan ninyo. You will up against the biggest team around the world. Kayo ang magiging mukha ng Pilipinas para rito."
Sumeryoso at bumigat ang atmosphere dito sa meeting room. This will be just the beginning.
"Your training will start as early as next week so make sure to pack the things that you will need for almost two months. Ang boothcamp natin ay da Tagaytay, one of the resthouse owned by Mr. Chan." Paliwanag ni Coach Russel, ngumiti si Mr. Chan sa amin.
May rest house sa Tagaytay, mayaman nga ang pamilya nila. Wala sa mukha ni Choji ang pagiging sobrang mayaman dahil parang ang approachable niya naman kausap, although, mayabang lang dahil sakit na yata talaga iyon ng mga galing sa Black Dragon.
"Tagaytay, Sir? Ang layo sa Maynila." sabi ni Larkin.
"Desisyon naming tatlo na ilayo muna talaga kayo sa Maynila to avoid distraction. We want you guys to focus on your practice for the meantime." Tagaytay, ang layo no'n sa amin kung sakali. Mahihirapan si Dion na madalaw ako sa layo ng distansya.
May inilatag si Coach Harris na folder sa harap namin. I opened the folder at naglalaman ito ng mga confidential information regarding Yugto Pilipinas pati na rin ang kontrata.
"Next week mag-i-start ang activity ninyo as member of Yugto Pilipinas, there will be a presscon, photoshoot, interviews, and preparation na magiging parte kayo. Also, next week ay dapat nasa boothcamp na ang lahat para sa practice. By the end of February ay lilipad na tayo pa-Singapore for International tournament." Paliwanag ni Sir Harris sa amin. "The moment you signed the contract, you will be officially part of Yugto Pilipinas to represent our country."
Walang pagdadalawang isip itong pinirmahan ni Noah at Oli. "Gaga kayo, hindi ninyo man lang binasa ang paman ng kontrata." Suway ko sa kanila.
"Ganoon din naman. Ang gusto lang namin ay lumaro sa Singapore. Out of the country, lezzgow." Sabi ni Noah.
Napailing na lang ako. Grabe, bata pa nga sila. Madaling maii-scam ang dalawang ito paglaki. Pirma lang nang pirma sa kontrata.
Saglit kong binasa ang kontrata at ganoon din ang iba. After reading it, I am all goods with the condition and they are willing to pay us a huge amount of money for this competition.
After a couple of minutes ay pinirmahan ko na ang kontrata. Ngumiti si Mr. Chan sa akin at iniabot ang kaniyang kamay. "Welcome sa Yugto Pilipinas."
"It's a privileged po na i-represent ang Pilipinas sa ganoong kalaking konpetisyon. Please take care of us po." Sabi ko sa kaniya.
May mga diniscuss pa sila at gusto nilang i-evaluate ang mga skills and capabilities namin next week para raw malaman kung magkakaroon ng adjustment sa position and role. Hindi na siya ganoon kalaking case sa akin dahil na-experience ko na siya noong nasa Orient Crown ako.
Halos isang oras ang naging meeting bago kami pinayagan na makalabas. Saglit akong nag-stay sa lobby para contact-in ang buwisit kong kapatid. Nauna na sila Callie dahil mukhang may pupuntahan sila nila Larkin kasama sina Sandro.
Inaaya nga nila ako kaso kailangan kong makabalik agad din ng Bulacan dahil nangako ako kay Mom na sasamahan ko siya mag-grocery this week.
"Hello, Kuya, tapos na kami sa meeting. Nasaang banda ka na?" Tanong ko.
"Wait lang. VIP Ka? Presidente ka ba?" Tanong niya sa akin.
"Sabi mo nasa baba ka na!" Reklamo ko sa kaniya,
"Siyempre joke lang 'yon. Malay ko bang matatapos agad ang meeting ninyo. Nasa Cubao na ako, malapit na. Tangina, bakit ba ang daming traffic lights dito?" Reklamo ng kapatid ko. "Share location na lang ako para malaman mo kung nasaan ako."
He shared his location at pinanood ko siyang ma-stuck sa mga red lights sa Cubao.
Nakaupo ako sa isang bean bag noong nakita ko si Thaddeus na naglalakad tungo rin dito. His brows crunched as he saw me. "Bakit nandito ka pa? Akala ko umalis ka na kasama sina Callie?" He asked.
"Hinihintay ko pa 'yong sundo ko." Sagot ko sa kaniya,
"Dion?"
"No. Kuya ko, nasa Nueva Ecija si Dion ngayon." I explained to him at napatango-tango si Thaddeus. Umupo siya sa bakanteng bean bag habang umiinom ng mogu-mogu.
He is just scrolling on his feed and since inis ako sa katagalan ng kapatid ko ay kinausap ko na rin si Thaddeus. "Ikaw, bakit nandito ka pa?"
Bahagya niyang itinaas ang duffle bag na nakasukbit sa kaniyang balikat. "Gym. Hinihintay ko rin ate ko. Dadaanan ako rito." Sagot niya rin.
"Taray, healthy living naman pala."
"Napilit lang." He answered. "Ayoko rin nag-e-exercise."
"Same. Pero kailangan ko pa rin mag-jogging sa umaga kahit nakakatamad." Sagot ko sa kaniya. "Ay sorry, kinausap kita bigla. Baka mamaya you want alone time pala tapos ang daldal ko."
"Okay lang." He answered pero inilagay niya ang earphones niya sa tainga niya. Mukhang hindi okay.
Tanginga ng tunog lang ng aircon ang maririnig sa paligid at maya-maya pa ay pumasok din dito si Choji. "Bakit nandito pa kayo?" He asked.
"Waiting sa sundo. Ikaw?" Tanong ko.
"Same. Waiting matapos ang mga meeting ni Lolo dad." Sagot niya sa akin. Itinuro niya ang isang fridge. "May mga inumin doon, kuha ka lang if nauuhaw ka. Libre 'yan 'wag ka mag-alala. Mayaman 'tong headquarters." Sabi ni Choji sa akin.
Kumuha lang si Choji ng C2 sa ref. "Bu the way, Lolo Dad really requested you to be part of Yugto Pilipinas, Milan. Hindi ko nga alam na magkakilala pala kayo." Sabi ni Choji.
"Nagkakilala kami noong nanood ng match mo. I didn't know na ganitong kalaking tao pala ang Lolo mo." Sabi ko sa kaniya.
"Bihira rin kasi lumabas sa media. Kahit nga ang pagiging apo ko ay hindi rin kalat which is good, hindi ko kailangan ma-pressure sa expectation ng mga tao." Sabi ni Choji na nakatayo sa tapat naming dalawa ni Thaddeus. "I never really expected na dadating ang panahon na makaka-team ko kayo. Dati dinudurog ko lang kayo, eh."
"Excuse you! Season four tournament champion here. Baka nakakalimutan mo." Natawa si Choji sa sinabi ko.
"Oo nga pala, sinuwerte kayo last season. Bawi kami sa season five." Sagot niya sa akin. "Balik na ako doon, baka hinahanap ang paboritong apo." Paalam ni Choji at umalis sa lobby.
Ilang minuto pa ang lumipas at pinanood oo ang kapatid ko share location. Noong makita ko na malapit na siya ay tumayo na rin ako. Doon ko lang ulit kinausap si Thaddeus.
Kinalabit ko siya kaniyang balikat tinanggal niya ang isa sa airpods niya. "Una na ako, nandiyan na sundo ko." I informed him.
"Ingat." Sagot niya sa akin.
"Next time parinig ulit ng mga Tito joke mo." Biro ko sa kaniya.
"Hindi ka maka-getover sa pangmalakasan kong jokes." Naiiling na sabi ni Thaddeus. "Sana ay maging mas malakas tayo dito sa Yugto Pilipinas."
"Sana." Nakangiti kong sagot. "Happy that you are one of our teammates, Thad." Dugtong ko pa. I mean, he is Thaddeus! Grabe ang utak niya pagdating sa pag-iisip ng plano at tinulungan niya rin naman ako noong nakaraang season sa mga nang-bully sa akin.
Buglang nag-ring ang cellphone ko at tumatawag na ang kapatid ko. I immediately answered it. "Ito na! Ito na! Pababa na! Ikaw nga ang tagal mo wala ka naman narinig na reklamo sa akin."
Tumingin muli ako kay Thaddeus and waved my hand. Nagmamadali naman akong lumabas ng building
***
ILANG araw ang lumipas at pumutok ang balita na magkakaroon ng International competition ang Hunter Online. Dati ay parang news lang siya na kumakalat mula sa unreliable source pero heto na ang confirmation na hinihintay ng lahat.
The gaming community was so excited in the upcoming international tournament na nag-trending pa ito sa twitter at madalas na topic sa mga gaming pages. May kaniya-kaniya na silang hula sa kung sino ang magiging parte ng International team.
May mga hula na buong Orient Crown ang ipapadala dahil deserved daw namin lalo na't nag-champion daw kami at may iba ay Black Dragon ang gustong mag-represent sa bansa since mas hasa daw sila pagdating sa paglalaro.
"Sure ka, ito 'yong rest house?" Tanong ni Kuya Brooklyn noong pumasok kami sa Villa Pura dito sa Tagaytay. "Ihahatid ka na namin papas—"
"Hindi na kuya! Diyan na lang kayo ni Kuya London sa kotse." Pagbabawal ko dahil baka may power point presentation na naman siyang nakahanda para sa mga players. Geabe ayoko na ulit mapahiya ng ganoon.
"Iche-check lang namin kung maayos ang tutuluyan mo dito." Sabi ni Kuya Brooklyn at nag-insist talga siya lumabas.
"Hindi na kuya. Maayos 'yong luhar. Nakita mo naman, may guardhouse papasok sa village and mukhang secluded naman siya kaya safe kami rito." Ulit ko. "I will be okay here, Kuyas." I assured to them.
"Wala ka na naman ulit sa bahay. You are really making your own name." Kuya Brooklyn said. "Ikaw, London, wala kang gustong sabihin kay Milan? Ilang buwan siyang mawawala."
"Anong sasabihin ko sa pangit na 'yan." Nag-iwas nang tingin si Kuya London. "Pero kung kailangan mong kausap tumawag o mag-text ka lang sa akin. Susunduin kita."
They will always be the best kuya's.
"Sure ka, hindi na kami papasok?" Isa pang tanong ni Kuya Brooklyn.
"Oo, kuya. Okay na ako." Sagot ko sa kaniya. Ilang segundo silang nakatingin sa akin at napabuntong hininga na lang siya bilang pagsuko. "If anything bad happened. Tatawag ako agad sa inyo."
"Sige. Ibibilin na lang kita kay Sandro na bantayan ka para sa amin. Wala si Dion, eh." Sabi ni Kuya Brooklyn.
Pinaandar na ni Kuya ang sasakyan paalis. Mahigpit ang hawak ko sa maleta ko at pinagmamasdan ang resthouse o boothcamp na pag-i-stay-an namin,
My journey as Yugto Pilipinas player will start here.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top