Chapter 170: Girl from Past
Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20
Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you.
DAHIL sa pagdating nila Architect Ramos at Trina, hindi na namin natuloy ni Dion ang aming picnic date. We went to the nearest coffee shop para mapag-usapan ang plano at disenyo nang ipatatayong commercial building ni Dion.
This coffee shop have minimalist design at napupuno namg pastel color ang paligid kung kaya't ang sarap sa mata. The tables are made of oak wood at malambot ang mga upuan nila.
"Here's your order," The barista said while placing our orders in our table. Caramel Macchiato ang drink na in-order ko and also strawberry cheesecake na paghahatian naming dalawa ni Dion. "Thank you Ma'am-Sir, enjoy your stay po."
"I didn't know you have a girlfriend Dion." Sabi ni Architect Ramos habang hinahalo niya ang tea na kaniyang in-irder. "All along ay nagkakamabutihan kayo ulit ni Trina." He jokingly said na wala naman natawa.
"Dad, nakakahiya kay Milan." Suway ni Trina.
"What? You guys are always talking when we are having ocular visit or meeting." Dugtong pa ni Sir Ramos.
"Nag-uusap lang po kami tungkol sa highschool experience saka tinatanong ko kay Trina kung kumusta na 'yong ibang classmate namin." Paliwanag ni Dion. "Wala po meaning behind our conversations lalo na't may girlfriend po ako."
"Sorry Milan about my Dad," Trina said at bumaling ang tingin niya muli kay Dion. "Speaking of our classmate, malapit na ang birthday ni Josh and he is inviting you. I remembered na kalaro mo lagi 'yon saka kasama mag-cutting para pumunta sa computer shop."
"Oo nga, eh. Punta kamo ako kung sakali." Dion said at bumaling ang atensyon niya kay Architect. "Tito, ba't po pala kayo napapunta ngayon? Dapat po ay next week pa tayo magmi-meeting lalo na't holiday week po ngayon." Paliwanag ni Dion.
"Ito kasing si Trina, excited na makita ka noong nalaman niyang nakauwi ka na from your vacation. So, mwhat do you think about the design? May gusto ka bang ipabago o puwede na tayong mag-stick dito?" Tanong ni Mr. Ramos kay Dion habang tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Ayoko naman din kasing biglang sumabat especially, hindi naman ganoon kalawak ang ideya ko sa pinapatayong commercial building ni Dion.
"Ang gusto ko pa sana is parang maging samgyupsal-an 'yong rooftop nitong building, possible po kaya 'yon?" Dion asked.
"Hmm..." humigop si Architect Ramos sa tea niya. "Posible naman talaga siya kaso ang balak mo kasi ay 'yong third floor ay gagawin mong mga apartment, mabubulabog 'yong tenants mo sa ingay ng Samgyupsalan kung sakali."
"That will be a great idea, Dion. Wala pa naman gaanong korean grill sa lugr natin." Sabat ni Trina na halata namang nagpapapansin lang. "What do you think about that, Milan?"
Napatigil ako sa pag-inom at napabaling ang atensyon nilang lahat sa akin. "What do you think?"Dion mouthed at hinawakan ang kamay ko.
"Well I am no expert with this kind of conversation pero kung magiging apartment ang third and second floor. Hindi po ba mas magandang ideya kung gawing laundry area or sampayan area 'yong rooftop especially noong nakita ko 'yong design ay wala masyadong space sa hallway. Maganda rin ang tama ng araw kung sakali." Paliwanag ko sa kanila. "Puwede rin syang tambayan area kung aayusin lang din po, I bet Architect can do it since mas maalam po siya doon." Paliwanag ko sa kanila.
"Agree with her idea." Architect Ramos said. "You are smart for a gamer."
"Oh she is not just a gamer lang po, Tito. She is academic achiever din po. Hindi na rin po ako nagulat na nakapag-isip nang ganoong idea si Milan." Tumingin si Dion sa akin and he wiggled his brows.
"You two seems in a healthy relationship. Pero no offense, ha, mahirap 'yong mga ganyang nakikilala lang sa mga online games lalo na't hindi ninyo pa gaano kilala ang ugali ng isa't isa."
Why do people start saying no offense tapos magsasabi ng mga nakaka-offend na salita? Ayaw nilang aminin na gusto nilang manakit ng damdamin ng ibang tao pero gusto nila na hindi sila magmumukhang masama.
"Dad, stop it. Nakakahiya kay Milan." Sabat pa ni Trina. "I am sorry about that, minsan kasi ay walang preno si Daddy magsalita."
Mabuti na lang talaga at lumaki ako na may gabay ng mga self help books kung kaya't nahahabaan ko ang pasensya ko sa mga ganitong klaseng sitwasyon.
Kunwaring tinawanan ko na lamang sila at tahimik ko nang kinain ang cheesecake sa harap ko. Mukhang napansin ni Dion ang pagiging tahimik ko and I received a chat from him.
Dmitribels:
Uy pansin kong 'di ka na komportable kausapin sina Tito. Sorry.
Tapusin ko lang ng mabilis 'yong dapat planuhin for the commercial building tapos alis na tayo.
Napatingin ako sa kaniya and he just winked at me.
Bogus:
Okay lang. 😂
Go take your time, importanteng bagay naman ang pinag-uusapan ninyo. 😄
"CR lang ako saglit." Paalam ko sa kanila at tumayo ako.
"Samahan kita?" Tanong ni Dion.
"Baliw, ayan lang 'yong CR." Turo ko sa pasilyo na hindi naman kalayuan mula sa aming puwesto. "Continue lang kayo sa pinag-uusapan ninyo."
Lumakad ako at pumasok sa womens CR. Ilang segundo lang akong nakatingin sa salamin at binasa ang mukha ko para mawala kahit papaano ang inis ko sa magtatay na ito. "Ilang beses nang sinabi ni Dion na girlfriend niya ako tapos itong mag-ama na ito ay kulang na lang ay itali si Dion kay Trina."
Halata naman din na iyon ang gustong i-point out ni Architect. Saka anong sinasabi niya na sa Game lang kami nagkakilala ni Dion, ilang buwan kaming magkasama sa iisang boothcamp at magka-team na kami ng ilang buwan. We are more than game partners.
Bumukas ang pinto ng CR at pumasok si Trina. Ngumiti ako sa kaniya at bumaling ang atensyon ko muli sa salamin. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang basang kamay ko. She opened her purse and get a powder. "I am sorry about my Dad earlier," panimula niya. "Back in highschool kasi ay gustong-gusto niya si Dion para sa akin kaya mukhang pinipilit niya pa rin."
"No, it's okay. I do get it na may past kayong dalawa ni Dion. Hindi natin matatanggal ang fact na 'yon."' Paliwanag ko sa mahinahon ding tono. "And your father is working with him for a project at may mga pagkakataon talaga na magkikita kayong dalawa."
"Thank you for understanding." She answered at matapos mag-powder ay kinuha niya naman ang lipstick sa purse niya at naglipstick. "We are highschool sweethearts back then."
"O...kay?" Sagot ko. I mean, hindi niya naman kailangan sabihin sa akin dahil naikuwento na rin naman ni Dion ang naging past nilang dalawa.
Nagtama ang mata naming dalawa sa repleksyon ng salamin.
"We are each other's first love and everyone is rooting pa nga na magkatuluyan kami, eh." Mahinang tumawa si Trina.
"Anong gusto mong palabasin, why are you telling me these things?" Diretso ko ng tanong. Napatigil si Trina sa pagli-lipstick.
A grinned show on her face. "Wala akong gustong palabasin. You are being paranoid, I just want to share my stories with Dion." Umiling si Trina at bumalik muli ang atensiyon sa pag-aayos ng sarili.
"I am not being paranoid. Hindi ka naman sasama sa Daddy mo sa kada-meeting nila ni Dion ng wala lang. Remember, you don't have any business here. Hindi ikaw ang nagde-design ng building, so anong ambag mo? Audience impact kada-meeting?" Pansin ko ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Trina.
"Wait hindi mo ako kaaway rito. I am just reconnecting with my old friend." Depensa niya.
"Ahhh, meeting with an old friend na may past kayo? Kulang na lang ay ipagduldulan ninyo sa akin ng Daddy mo na ikaw ang mas bagay kay Dion at hindi ako." Hindi na ako nakapagpigil na diretsahin si Trina dahil hindi ko rin naman natatagalan ang ugali nilang mag-ama.
Kung hindi nga lang dahil kay Dion ay baka kanina ko pa sila inalisan na dalawa.
"Bakit hindi ba? I am his first love. First love never die."Bumaling na ang tingin niya sa akin at sa wakas at natapos na ang bait-baitan niya. Sabi ko na nga ba at hindi talaga maganda ang kutob ko sa babaeng ito una pa lang, eh.
"Oh come on, never die? Trina, pang-character development lang ang naging relasyon ninyo ni Dion." I smiled to her and immediately do blank expression. "Char not char."
Lumabas na ako ng CR at bumalik sa table namin. Nakita ko pa sina Dion na "Ang tagal mo yata?"
"Ah wala, nagkasalubong kasi kami ni Trina sa CR tapos nag-usap lang saglit." Bumaling ang atensiyon ko sa drinks at cheesecake. "Go lang, mag-usap na kayo tungkol sa design. Papakabusog lang ako dito, nagutom ako bigla."
Pagbalik ni Trina ay naging mabigat na ang atmosphere sa table namin. Pansin ko rin ang inis niyang tingin sa akin na ipinagsawalang kibo ko na lang dahil wala rin naman akong pakialam. Siya na nga 'tong matapang na dikit nang dikit kay Dion kahit aware siya na may girlfriend ito, eh. Hindi na nga lang din ako nagsalita bilang respeto kay Architect Ramos.
Magtatanghali na noong matapos ang meeting nila at sumakay na sina Trina sa sasakyan nila. Naiwan kaming dalawa ni Dion at isinuot niya sa akin ang isang helmet. "Mukhang nawala ka sa mood kanina, ah? Bakit ang tahimik mo?" He asked as he locked the helmet.
"Wala lang, napagod pang siguro ako tapos ang dami ninyo pang terminologies na ginagamit na alien sa akin habang nagdi-discuss kayo kaya 'di ko rin matinindihan ang conversation." I lied.
He removed his helmet again at umupo sa upuan sa labas ng cafe na tinambayan namin. "Bakit ka pa umupo diyan? Akala ko ba ay kanila Tita tayo magla-lunch?" Tanong ko.
"Spill it." He said at itinuro niya ang upuan sa tabi niya. "Hindi ako naniniwalang wala lang. Matapos mong magpunta sa CR ay naging tahimik ka na."
"Tahimik naman talaga ako, ah."
"Ibang klaseng tahimik. May tahimik kasi ikaw na alam kong chill lang at may tahimik ka na nakakatakot 'yong prisensya mo. And in that moment, 'yong pangalawang katahimikan ang nangyari." He said at itinuro niya muli gamit ang kaniyang nguso ang bakanteng space sa bench na inuupuan niya. "Hindi ko ida-drive 'yong motor hangga't hindi ka nag-o-open up."
Napakamot ako sa ulo ko. "Ang kulit mo din talaga." Natawa lang si Dion at ang ending ay parang batang nagmamaktol akong umupo sa kaniyang tabi.
"So what's the tea?" He asked in jokingly tone.
I seriously looked to him na tinawanan niya lang naman. "Alam mo, Dion, hindi nakakatuwa. Ang pangit na nga ng experience ko doon sa conversation ma iyon tapos gaganyan ka pa."
Hindi na tumawa si Dion pero halata namang pinipigilan niyang ngumiti. "So ano ngang problema?"
"Iyong kasing magtatay na 'yan. Kulang na lang kanina ay hatakin ako palabas para magkaroon kayo ng moment ni Trina. Pinapamukha pa nila sa akin na hindi ako bagay sa 'yo tapos ipapasok sa usapan si Trina." Parang bata kong nagrereklamo kay Dion. Tinuro ko siya. "Huwag mong masabi-sabi na magkaibigan lang kayo ni Trina, obvious naman na gusto ka pa rin niya."
"But I didn't even entertain her." Sagot niya sa akin which is... totoo naman. "Ilang beses ko rin sinabi sa kanila na may girlfriend na ako. Hindi ko lang ma-interrupt si Tito dahil siya nga ang Architect noong building."
"Kaya nga. Pansin ko naman, may sapak lang talaga sa ulo 'yang mag-ama na 'yan."
"Anong gusto mong gawin ko? I-block 'yong number ni Trina? I-unfriend siya sa facebook?" Dion genuinely asked. "Sabihin mong oo, gagawin ko para lang mapanatag ka." Inilabas niya ang kaniyang cellphone.
"Hindi naman kailangan umabot sa ganoon. Ang immature ko naman kapag ganoon. At isa pa, client ka ng Dad niya."
"And?" He asked. "I am working with his dad. Hindi naman sa kaniya mismo. Kung gusto mo rin, puwede naman akong maghanap ng ibang architect. Kausapin ko na lang din si Tatay—"
"H-Hindi na." Iniling-iling ko pa ang aking kamay. "Naglabas ka na ng pera riyan. Mas mapapamahal ka lang lalo na't naka-discount kayo kay Architect Ramos."
"Eh hindi ka naman panatag. Ayoko naman na nakikipag-coordinate sa kanila na nag-o-overthink ka." He said.
Sa totoo lang ay wala akong masasabing masama kay Dion dahil ramdam ko sa kaniya na hindi naman talaga siya interesado sa ibang tao. Sinisigurado naman niya through words ang bagay na iyon. Kaso bakit hindi ma-gets 'yon ni Trina? Manhid ba siya o choice niya magpakatanga sa lalaki?
I sighed. "Huwag na gastos lang 'yan lalo na't nagtitipid ka at marami kang balak paggastusan. May tiwala naman ako sa 'yo na hindi mo papatulan si Trina." Sagot ko sa kaniya. "Tara na nga, baka hinihintay na tayo nila Tita."
"Sure ka?" Dion asked. "Okay ka na? Baka mamaya mainit ulo mo buong biyahe."
Tumayo ako. "Oo okay na ako. Nailabas ko na 'yong inis ko sa mag-amang iyon." Paliwanag ko sa kaniya."
"Basta Milan, pinaghirapan kita na makuha. Hinding-hindi ako gagawa ng kalokohan para masira ang tiwala mo. Huwag ka nang mag-overthink diyan." Sabi niya at muling isinuot sa ulo ko ang helmet.
Sumakay na kami sa motor niya at nagmaneho na si Dion pauwi sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top