Chapter 169: Meeting her
Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20
Votes, Comments, and sharing the story is highly appreciated
MASASABI kong isa sa pinakamasayang Christmas Vacation namin ito kahit hindi kami nag-out of the country. Sa tagal naming hindi nagpunta sa Baguio ay ang dami naming tourist spot na ngayon lang napuntahan, at isa pa, sinamahan kami ni Ianne na maghanap ng mga cute and picture-friendly na mga cafe's and restaurant.
Kasama rin naming si Dion at Ate Princess sa bakasyong ito kung kaya't mas naging memorable. Nakababa na kami ng Baguio at tutungo na sa Nueva Ecijapara doon naman mag-spend ng New Year kasama ang pamilya ni Dion. "Dion, sigurado ka na okay lang na wala kaming dala na pagkain papunta sa inyo sa Bongabon?" tanong ni Dad.
"No need po, Tito. Naghanda rin sila Nanay sa bahay. Eh baka po mapasobra ang pagkain at masayang lang. Saka sobra-sobra na nga po itong gulay na ibibigay ninyo, ang dami po nito." Mura lang kasi ang mga gulay sa Baguio, we took advantage with that kaya dinamihan ni Mom ang bili ng mga gulay para raw hindi magastos sa New Year.
"Sa dami ng gulay na 'yan puwedeng-puwede kamo silang mag-Chop suey ng isang buwan." Sabat ni Kuya London.
Hinayaan ko lang sila mag-usap-usap habang pinagmamasdan ko ang iniregalong kuwintas sa akin ni Dion noong Pasko. He gave me a white gold necklace na may nakalagay ng username ko sa Hunter Online which is Shinobi.
Nagulat nga ako at maging sila Kuya noong may kinuhang maliit na box si Dion sa kaniyang bulsa. Kinabahan sina Kuya dahil akala nila ay magpo-propose na si Dion sa akin (OA ng mga utak). He pulled a necklace that night na isinuot niya rin sa akin.
Nakakahiya dahil hindi ako nakabili ng Christmas gift sa kaniya dahil lagi kaming magkasama kung kaya't sa New Year na lang ako babawi.
"Huy, matunaw naman 'yan kakatingin mo." Natatawang sabi ni Dion.
Napatingin ako sa kaniya. "Eh na-appreciate ko 'tong regalo mo sa akin ng sobra, eh. Ang mahal kaya ng White gold na kuwintas. At isa pa, alam kong ang laki-laki ng gastos mo this month dahil nagpapagawa ka ng Aparment tapos nilibre mo pa 'yong pamilya mo last time na umuwi ka." Paliwanag ko dahil aware ako na tight sa budget si Dion ngayon.
"Baliw, may bukod na ipon ako diyan. Noong September pa lang ay pinag-iipunan ko na 'yan." He said at ginulo ang buhok ko. "May sentimental value na ngayon 'yan lalo na kapag nag-start na ang training mo sa Yugto Pilipinas, hindi tayo magkasama no'n kaya kapag suot mo 'yan ay parang kasama mo na rin ako." He explained.
Sinabi ko na rin kay Sir Theo ang naging pasya ko sa pagsali sa Yugto Pilipinas, natuwa agad siya sa balita lalo na't isa raw ako sa mga players na gustong makuha ng commitee. Up until now ay wala akong idea sa mga players na puwede kong makasama sa nasabing team pero dahil ire-represent namin ang Pilipinas ay paniguradong hindi basta-bastang mga players ito.
"Psst." Bumaling ang tingin sa amin ni Kuya London na nasa harap na upuan. "Kung maglalandian naman kayo ay siguraduhin ninyong hindi ko kayo naririnig kasi... naiinggit ako."
"Epal mo talaga kuya kahit kailan!" reklamo ko sa kaniya at kinuhanan ng pictures ang mga nagtataasang bundok at bato habang binabaybay namin ang daan pababa ng Baguio.
"Sa tingin mo, magugustuhan nila Tita 'tong mga pagkain na 'to?" tanong ni Dion at ipinakita niya ang picture na mukhang sinend sa kaniya ng nanay niya. Mga lutong ulam ito kagaya ng Menudo, Shanghai, Pansit, Fried Chicken, at kung ano pang pagkain na parang malaking selebrasyon ang pagpunta namin doon.
"Grabe, more than enough 'yan Dion. Akala mo ay may malaking birthday na magaganap sa inyo sa dami nang pagkain. Pero sa daming nakahanda, I am pretty sure ay may magugustuhan naman sila Dad diyan. Baka nga ilayo ko pa si Dad sa mga putok batok na pagkain dahil baka mapainom na naman ng gamot ng wala sa oras." Paliwanag ko sa kaniya.
Sa dami nang bumababa sa Baguio ay anong oras na rin kami nakarating sa Nueva Ecija. Pagkababa pa lamang namin ng sasakyan ay sinalubong na agad kami nina Nanay Tessie at Tatay Cesar (Dion's parents) they are more okay now kasi the last time na nakita ko sila ng personal ay noong Charity event kung saan binagyo sila Dion.
"Ang ganda-ganda mo pa rin, hija," natatawang sabi Nanay Tessie habang ako'y nagmamano. "Pumasok kayo sa loob ng bakuran may mga pagkain sa loob."
"Nag-abala pa kayo, Tita," sabi ko sa kaniya. "Ay may pinamili po kami na mga gulay saka gamit sa kusina. Nasabi po kasi ni Dion na mahilig kayong magluto. Nataon din na nasa Baguio kami kaya pinamili po namin kayo para mas makamura." I explained to them.
Pakiramdam ko ay isa akong artista na dumating sa lugar nila Dion sa dami ng mga kabataang kumukuha ng pictures sa akin. Ngayon ay gets ko na 'yong feeling ni Dion noong mga pinsan ko ang nagpapa-picture sa kaniya during our family gathering. Ang overwhelming and awkward at the same time.
Mabilis na nagkumustahan sina Dad at sina Tito. "Probinsyang-probinsya pa sa lugar namin." Natatawang sabi ni Dion while he was guiding us to an old house na bahay nila.
It's not actually an old house na sura-sira. More likely parang bahay na may old style dahil sabi ni Dion ay bahay daw iyon ng mga lola niya. They do not want to renovate it into modern house kaya mine-maintain na lang daw nila 'yong mga lumang kahoy.
"Maganda nga dito, eh. Compare sa village namin na puro kalsada at dikit-dikit na bahay ang makikita mo." I explained to him. Maliit na compund kasi ang lugar nila Dion at ayon sa kaniya ay karamihan nang nakatira rito ay kamag-anak niya. Mapuno pa rin dito at presko ang ihip ng hangin.
Naglakad kami tungo sa bahay nila Dion. Sa pabas pa lang nito ay may naka-setup ng tent na may mukha ng Kagawad nila, may long table at videoke na tumutugtog ng minus one. Sa gilid ay nandoon ang mga handa nilang pagkain.
"Hello, Shinobi!" Dalawang bata ang tumawag sa akin at kumaway ako sa kanilang dalawa. They are really happy na napansin ko sila at napatawa na lang ako.
Grabe, sa buong buhay ko ay never ko in-expect na magiging isang public figure ako lalo na't mas gusto ko noon na nasa bahay lang na nagbabasa ng mga fiction/self helped books o kaya naman ay nakikinig ng mga podcast.
And then one day, my fruends invited me to play Hunter Online at nagbago angtakbo ng buhay ko. I became part of peofessional teams tapos doon na nagbago ang takbo ng buhay ko... in a good way, I guessed?
"Milan, kumain na kayo. Hinanda namin sa inyo lahat ng 'to." Sabi ni Nanay Tessie sa akin. "Saka may tutulugan na ba kayo? Ipapahanda ko 'yong ibang kuwarto kung sakaling wala pa."
Dumating si Dion and hinawakan ako sa kamay. "Nanay nag-hotel sila sa malapit dito sa atin. Alam mo namang masikip sa bahay at hindi sila kakasya." Natatawang sabi ni Dion. "Saka, magbihis lang si Milan tapos kakain na rin kami."
Um-oo si Nanay Tessie at inalalayan ako ni Dion papasok sa kanilang bahay. "Ang sabi sa akin ni Nanay ay simpleng handaan lang ang gagawin nila. Hindi ko naman alam na pati mga kabilang bakuran ay kasama."
"Okay lang baliw," ginulo ko ang maayos na buhok ni Dion. "Ganito rin sila Mom kapag may mga kamag-anak kaming dadalaw kung kaya't sanay na ako." Sagot ko sa kaniya.
Sinamahan ako ni Dion sa kuwarto niya para makapagpalit ako ng pambahay. "Hintayin kita dito sa labas. Katok ka lang kapag may kailangan ka." He said.
Pinagmasdan ko ang kwarto ni Dion dahil ito ang unang beses kong makapasok dito. Infairness, kahit matagal siyang nawala rito sa Nueva Ecija ay maayos ang mga gamit. Kulay dark geay ang kulay ng kaniyang pader at may malaking poster ng Attack on Titan ang nakasabi sa pader. There is also an anime resins na maayos na nakalagay sa aparador. Malapit lang din sa kama niya ang streaming area niya.
Binuksan ko ang duffle bag ko at kumuha ng damit pamalit. Saglit lang akong nagbihis at lumabas din naman agad. After ko ay si Dion naman din ang nagpalit.
Nag-enjoy kami makikain at makipagkuwentuhan sa pamilya ni Dion. Mabilis nakasundo nila Kuya ang mga pinsan ni Dion dahil puro kagaguhan nga rin si Kuya London.
Gabi na nga noong nakapag-check in kami sa hotel dahil na rin napatagal ang kuwentuhan nila Dad at nagpapataasan ng score sa videoke. It was a fun start honestly and grabe, ngayon ko lang yata ulit na-experience ang buhay probinsya.
***
KINABUKASAN, Sinundo ako ni Dion sa hotel upang samahan siyang i-check ang progress nang ipinatatayo niyang commercial building. "Sanay ka ba niyan?" I asked Dion habang nakasandal siya sa NMAX na motor at hawak-hawak ang dalawang helmet. It is a black matte NMAX na mukhang bagong linis pa.
"Minamaliit mo ba ang driving skills ko?" Tanong ni Dion at hinagis sa akin ang isang helmet na mabilis ko naman sinalo. "Mas maganda ang motor sa dadaanan natin. Mas maa-appreciate mo ang view."
Inayos ko muna ang buhok ko bago ko isinuot ang helmet. Hindi na ako nag-makeup dahil pagpapawisan daw kami sabi ni Dion dahil medyo mainit daw sa area na pupuntahan namin.
When he saw me struggling na ikabit ang helmet ay lumapit si Dion sa akin para tulungan akong mai-lock ito. "Higpitan ko pa?" He asked.
"Oo medyo maluwag." Sagot ko at mas hinigpitan niya pa ang tali. Nag-okay sign ako noong ayos na.
Sumakay siya sa motor at ini-start ito. "Sure ka, sanay ka mag-motor, ha!" Madalas kasi ay kotse ang sinasakyan naming dalawa ni Dion at first time kong sasakay sa kaniya nang naka-motor.
"Oo," kinuha niya ang wallet niya. "Ayan oh, may lisensya na ako. Ako bahala sa 'yo."
Sumakay ako sa likod ng motor at kumapit sa may hawakan sa likod.
"Luh ba't diyan ka hahawak?" Reklamo niya. "Sa akin ka kumapit, kaya nga ako nag-motor para mayakap mo ako, eh."
"Ewan ko sa 'yo." Sabi ko at kumapit sa laylayan ng damit ni Dion.
Nagsimula na siyang magmaneho. Noong nasa highway kami ay medyo kinabahan pa ako dahil nagtataasang truck ang mga nadadaanan namin. Hindi talaga nawawala ang mga what if thoughts na paano kung matumba kami tapos may truck na dadaan... oh God, stop, brain!
Pinaramdam naman sa akon ni Dion na safe siya mag-drive, he is informing me kapag mag-o-overtake siya at kapag sinabihan kong bagalan niya ay ginagawa niya rin naman. Noong makaalis kami sa highway area ay lumiko siya sa isang daan na puro bukid lang ang matatanaw sa paligid. Bigira lang din ang mga dumadaan na sasakyan dito at karamihan ay mga motor.
Naaliw ako sa view dahil puro bukid at mga puno talaga ang makikita sa paligid at matatanaw pa ang bundok. Malamig na hangin ang sumasampal sa akin. Tama nga si Dion, mas ayos na nag-motor kami dahil mas na-appreciate ko ang view at 'yong moment.
"Bibilisan ko." Sigaw niya para marinig ko.
Mabilis na umandar ang motor at napayakap na ako kay Dion dahil sa tulin.
Nakarating kami sa may commercial building na pinapatayo niya and so far ay hinuhukay pa pang ito para sa pundasyon pero naka-ready na ang mga gamit. "Malaki naman pala 'yong lupa." Sabi ko sa kaniya. "Kaso parang ang layo nito sa highway area, may uupa kaya rito?" Tanong ko sa kaniya.
"Well, dine-develop na rin kasi ang area na ito. Nakita mo 'yon?" Turo niya sa kabilang banda na may tinatayo rin. "Cafe daw ang tinatayo doon tapos sa kabila naman ay Seven Eleven. Bale parang soon pa lang magiging matao 'to. Okay din kasi mura ko lang nabili 'yong area."
"Pero maganda 'yong lugar. Maganda 'yong view."
"Balak ko nga kung sakali ay sa rooftop noong commercial building ay Samgyupsal-an. Pero matagal pa naman, pag-iipunan ko pa." Natatawa niyang sabi.
"Boss Dion!" Tawag sa kaniya noong isang manggagawa.
Nakipag-apir si Dion dito. "Kumusta kayo? Mahigpit ba si Tatay sa pagbabantay sa inyo?" Tanong ni Dion.
"Oo. Ilang beses kaming napapagalitan." Sagot nito at natawa ito, napatingin ito sa akin. "Girlfriend ninyo, Boss? Ang ganda." Puri niya sa akin.
"Oo nga, buti na lang nagayuma ko." Sagot ni Dion. "Ay nga pala, nabili moba 'yong pinapabili ko?"
May kinuha ang lalaki na isang plastik sa loob ng gawa-gawang bahay.
"Ano 'yan?" Tanong ko kay Dion.
"Pagkain." He answered. "Alam ko 'di ka pa nagbe-breakfast kasi maaga kitang sinundo. Doon tayo sa lilim ng manggahan." Turo niya.
May kinuha siya sa motor na blanket na magiging upuan namin. "Picnic date." He said. "Kaso 'di magarbo 'tong pagkain na pinabili ko kasi sarado pa 'yong mall.
Inilabas ni Dion ang dalawang hotdog mula sa Seven Eleven at siopao. May vitamilk din na drinks at mga tsitsirya. "Hindi ka pa ready niyan?" Natatawa kong tanong. "Pero thank you, na-appreciate ko 'yong mga paganito mo." Sagot ko sa kaniya.
"Sinusulit ko lang kasi next year matagal tayong magkakahiwalay lalo na't may aasikasuhin ako dito sa Nueva Ecija tapos ikaw naman ay magpa-practice na para sa International tournament." Sabi niya habang naglalakad ng sauce sa bun ng hotdog.
"Puwede naman tayong magkita baliw. May mga free day naman siguro ako." Sabi ko sa kaniya.
Pinagmasdan namin ang gumagawa. Mabuti na lang at hindi rito ang lipad ng mga alikbok dito. Umupo ako sa blanket. "Uy may mangga." Turo ko noong makakita ng bunga.
"Gusto mo?" Dion asked. "Akyatin ko."
"Sanay ka ba?"
"Sus," tinanggal ni Dion ang sapatos at medyas niya. "Taong akyat puno ako noong bata ako. Alin ba diyan gusto mong pitasin ko?" Tanong niya.
Isa sa mga nagustuhan ko kay Dion ay wala siyang kaarte-arte sa katawan. Okay lang siyang maputikan, at madumihan. I mean sanay siya sa ganoong gawain which is I highly commend and appreciated.
"Hoy mag-ingat ka." Sabi ko kay Dion habang pinagmamasdan siyang umakyat. "Ayon oh, okay na yata 'yon? Ano ba 'tong mangga na 'to?"
"Apple Manggo yata 'to." Sagot ni Dion.
"'Yong matamis?" Tanong ko at um-oo siya.
Pumitas si Dion ng mga limang mangga bago bumaba. Pagkababa niya ay nagpakuha siya ng kutsilyo para mabalatan ang mga mangga.
Habang kumakain kami ay may sasakyang biglang pumarada katabi ang NMAX niya. "Sino 'yan? Sila Tita?" Tanong ko.
"Hindi, bibili sina Nanay ng gamit para sa New Year, hindi pupunta ngayon dito 'yon." Sagot niya.
Bumukas ang pinto ng pulang kotse na mirage at isang lalaki ang bumaba, he is wearing a maong pants and checkered polo shirt na sa tingin ko ay nasa late 40's niya. Tumayo si Dion. "Architect Ramon. Siya 'yong nagde-design nitong building." He informed me.
Maya-maya pa ay isang babae pa ang bumaba mula sa sasakyan, she is wearing a white dress na animo'y hindi maalikabok sa lugar at a-attend ng binyag. Her nakabagsak din ang mahaba at wavy niyang brown na buhok.
"Dion, nandito ka lang pala, sabi ni Tito ay umuwi ka na raw from vacation." She said while waving her hands.
Lumakad sila sa aming direksyon. Nagmano si Dion. "Kumusta po, Tito?" He asked.
"Okay lang, nakita mo ba 'yong blueprint na sinend ko sa email mo? Do you want it to discuss it?" Napabaling ang tingin niya sa akin. "Oh you have your friend here."
"Girlfriend po, Tito." Sagot ni Dion at inalalayan ako tumayo. "Milan, ito si Architect Ramos. Architect, si Milan po. Girlfriend ko."
He offered his hand for shake hands na tinanggap ko naman. Napatingin ako sa babaeng katabi ni Architect. "Oh, you are the girl gamer. I am Trina." She said. Kung maganda na siya sa mga picture niya (fine ini-stalk ko dati ang ex ni Dion) ay mas maganda pa siya sa personal. Maputi rin na halata sa kutis niya na galing sa mayamang pamilya.
"Milan." Pagpapakilala ko. Mabilis na lumipat ang tingin niya kay Dion at ngumiti.
What's her business here? Siya ba ang magpapatong-patong ng semento para maayos ang building?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top