Chapter 166: Baguio Trip

Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated.

"Hello, Milan, advance Merry Christmas." Sir Theo greeted me as we do face time dahil gusto niya lang din daw ako kumustahin. Grabe ang glow up sa mukha ngayon ni Sir Theo dahil nawala na ang eyebags sa kaniyang mata at bagong gupit na siya. Halatang nakabawi na siya sa lala nang stressed niya noong Season four tournament.

"Advance Merry Christmas, Sir. Blooming ka ngayon, Sir!" Pagbibiro ko na bahagya niyang ikinatawa. "Bakit po kayo napatawag?"

"I don't have any intention to ruin your vacation pero gusto ko lang sana magtanong kung may sagot ka na sa offer sa Yugto Pilipinas? I mean, they are still giving you up until the end of December but just wanted to ask if you have an answer already." Ramdam ko na rin naman na patungkol doon ang sasabihin ni Sir Theo.

Pumasok si Dion sa room dala ang ilang chips at kaniyang cellphone. Nakita niyang ka-facetime ko si Sir Theo kung kaya't kumawau siya rito. "Importante ba ang pinag-uusapan ninyo? Labas ba muna ako?" Tanong ni Dion.

"Okay lang, alam mo na rin naman ang tungkol sa Yugto Pilipinas." I informed him at pumunta si Dion ss balcony para picture-an ang view.

Bumalik ang atensyon ko kay Sir Theo. "Actually, Sir, hindi ko pa nao-open kanila Mom ang tungkol sa opportunity na ito. Naririnig nila ang tungkol sa Yugto Pilipinas pero hindi pa kami nakapag-uusap nila Mom nang isang upuan. I need to explain them this opportunity thoroughly and if they will grant me the permission, baka mag-go ako sa competition." Gusto ko pa rin kasi na alam nila Mom and Dad ang tungkol dito at bigyan nila ako ng basbas kung sakali.

"I fully understand," Sir Theo said while smiling. "Huwag kang mag-alala, hindi ka namin pini-pressure dito. Mas gusto ko nga 'yang pinag-iisipan mo nang mabuti ang offer kaysa makatanggap ng impulsive yes."

"Thank you, Sir, sa pag-intindi." I answered. I know Yugto Pilipinas is a big project. Sa totoo lang nga ay hindi ko pa rin gets kung bakit isa ako sa mga napili samantalang ang daming professional players na mas matagal na sa industriya. Walang natanggap na offer sina Dion o kahit sina Oli tungkol dito na ikinatataka ko rin naman dahil magaling silang players for me.

"Also, tumawag pala ako para sabihan ka na may small competition akong balak salihan para sa mga bench players natin. Will also ask for your opinion for a possible line up." Pahabol ni Sir Theo.

"That will be a great idea dahil soon ay paniguradong sila naman ang tatapak sa malalaking stages. I have their information in my google drive tungkol sa strengths and weaknesses nila. Send ko na lang po sa inyo mamaya."

"Thank you, sorry din sa abala. I know that you guys are in vacation." Sir Theo really sound sorry dahil alam niya kung gaano kami na-busy ni Dion nitong mga nakaraan kaya deserved daw namin ang ganitong bakasyon.

"Okay lang, Sir, walang kaso. Hindi naman siya naka-istorbo. 'Yong sagot ko po tungkol sa offer, I will discussed it with my parents and update you." I assured him.

"Acknowledged. Sige na, Milan. Enjoy your stay in Baguio. Uwian mo na lang akong walis tambo, mura riyan eh." Sir Theo chuckled before he ended the call.

Umupo ako panandalian sa kama at nakita ko si Dion sa balcony. He is holding a hot coffee habang payapang nakatingin sa mga pine trees at hamog ng Baguio. I took that opportunity na kuhanan siya ng litrato.

Lumabas ako at sinamahan siya sa balcony, the moment he heard the sliding door slides ay napatingin na siya sa direksyon ko. "Tapos na kayo mag-usap ni Sir Theo? Kumusta?"

"Humihingi lang siya ng tips sa kung anong line up ang gagawin niya para sa small competition na sasalihan ng ibang rookie players sa Orient Crown." I informed him at sinandal ang braso ko sa railings upang pagmasdan din ang view.

"Siguro kailangan mo nang kausapin sina Tito tungkol sa Yugto Pilipinas." Dion smiled. "Nakikita ko sa mata mo na gusto mo talaga sumali doon."

Well, it's true. Pero ang hirap kasi magbitaw ng 'oo' sa imbitasyon lalo na't ang daming importante ring bagay na tatamaan. Ngayon lang ako ulit magkaka-time with my families, I want to go back to university to learn, I already achieved my goal as a player (won season four tournament). But this international competition will be a new challenge for me that will test my skill as professional player.

"Pero sana ay maaya ka pa rin nila Sir Theo sa Yugto Pilipinas. Mas komportable ako kapag nandoon ka." I explained to him.

Pinagmasdan namin ang nga taong naglalakad sa likod ng The Manor. Ang sarap lang sa mata na pagmasdan ang pami-pamilya na nag-eenjoy sa Baguio.

"Hmm... siguro ay tatanggi ako kung sakali. Wala naman ako sa first choice," Dion chuckled at humigop ng kape. "Saka sinabi ko naman sa 'yo na magiging busy ako next year. 'Yong apartment saka 'yong pagbalik ko sa pag-aaral. Gusto ko na siyang ituloy." Napatango-tango ako dahil ilang beses na rin naman nasabi sa akin ni Dion ang bagay na iyon.

"At saka, perfect opportunity ito para patunayan sa lahat na hindi lang tayo duo. Hindi lang kita ka-duo. Yugto Pilipinas will be a perfect opportunity for you na ipakita na kaya mong lumaro at tumayo sa sarili mong paa. I mean, kaya mo naman talaga. Una pa lang naman ay naniniwala na ako sa 'yo. Tinalo mo nga ako sa pvp match, eh." Sabi ni Dion.

"Mukha mo. Nagpatalo ka lang no'n."

"Baliw ba't ako magpapatalo? I am professional player and you are a casual player back then. May pride akong panghahawakan kaya 'di ako nagpatalo basta-basta." He explained in serious tone. "That moment, naramdaman ko na pang-professional scene ka. Tingnan mo ngayon, nahihigitan mo kung ano man ang na-achieve ng maraming professional players katulad ko. Ikaw, Milan, para ka sa mundong ito. Nandito ka sa pro scene para ipakita kung ano ang kayang gawin ng mga babae."

"Wow, ang big words naman no'n!" Bahagya akong natawa at mahinang tinapik ang kaniyang pisngi. "Pero thank you. I needed that words."

Dion smiled and ruffled my hair. "Kung kaya't i-discuss mo na 'yang offer sa magulang mo. Kung ano ang maging pasya mo e 'di nakasuporta lang ako sa 'yo."

Dion and I stayed in the balcony for a couple of minutes. Bandang 7 pa kasi kami ng gabi pupunta sa Night Market para mag-food trip. "Nag-chat si Kuya, gumayak na daw tayo, punta na raw tayo sa Session. Mag-jacket at mask daw tayo para raw kaunti lang ang makakilala sa atin." I informed him.

"Sino kaya 'yong nagka-jacket gamit ng Orient Crown?" He asked at mabilis na inubos ang kaniyang iniinom.

"Epal." Parehas kaming natawa. "Iyon kasi 'yong unang jacket na nadampot ko kanina."

"May spare jacket ako, gusto mo hiramin?" Tanong niya. "Medyo malaki nga lang sa 'yo pero komportable ka naman sa ganoong pormahan, eh."

"Sige. Much better kaysa sa Orient Crown jacket ko." Sagot ko kay Dion. Partner-an ko na lang lang din ng loose pants 'yong jacket na iyon para magmukhang street style ang porma.

Our conversation was interrupted when his phone rung. "May tawag lang." Sagot niya.

"Family mo?" I asked curiously.

He showed his phone.

Trina calling...

"Baka si Tito ang tumatawag. Wala raw siya kasing phone kung kaya't kay Trina niya pina-save ang number ko for an update. Sagutin ko lang." Dion answered the phone call. Hindi naman umalis si Dion sa tabi ko kung kaya't naririnig ko naman ang napag-uusapan nila kaso ay wala rin naman akong naiintindihan dahil patungkol ito sa apartment at commercial building na balak ipatayo ni Dion.

I do get it na business purposes ang lahat and Dion contacted them solely for business. Pero iba ang nakikita ko kay Trina (or overthinker na din ako?) dahil bakit number niya pa ang kailangan ibigay kay Dion lalo na't may pass sila?

At isa pa! Architect ang Daddy niya, imposibleng walang phone number o landline number iyon. That's crucial device for the line of work na pinasok niya.

"Okay, Tito, thank you for the update. Yes po, let's discuss it personally pag-uwi ko ng 26. Okay po. Merry Christmas po." Sabi ni Dion at in-end ang tawag. "They are sending a blueprint and sample designs daw. Samahan mo ako sa pag-check no'n, ha." He wiggled his brows.

"Baliw, ikaw nagpapatayo niyan. Bakit kailangan pa ako doon?" Sagot ko at pumasok sa kuwarto dahil parehas na kaming nilamig.

Umupo siya sa kama. "Anong bakit? Dapat nandoon ka. Your insights and suggestions are important. Kasi kapag tayo na talaga katuwang kita sa pag-manage no'n."

Saglit akong napatigil sa pagkuha ng gamit at bahagyang napangiti. "Luh. Kinilig ka." Natatawang sabi ni Dion.

"Epal mo." Kinuha ko 'yong loose pants at inihagis sa kaniya. "Sige na, gumayak ka na rin. Baka magalit pa si Kuya Brooklyn, alam mo naman 'yon, ayaw na ayaw hindi nasusunod ang time na inilista niya."

"Ito na magbibihis na. Abot ko na lang sa 'yo 'yong hoodie maya-maya." Lumabas si Dion ng kuwarto ko.

Saglit nagkaroon nang katahimikan sa paligid at bumuntong hininga ako. "Okay, Milan, if you will have an opportunity later ay i-open mo na kanila Mom and Dad." sabi ko sa sarili ko bago ako pumasok ng banyo para gumayak.

***

HINDI na ako nag-effort maglagay ng makeup dahil magma-mask at hoodie rin naman ako. At isa pa, malamig at madaming tao sa night market. Buhay na buhay pa naman ang session road ng ganitong oras. I just wear a white loose pants and white top dahil papahiramin naman din ako ni Dion ng Hoodie. I also just wear my yellow crocs and my brown sling bag.

Ate Princess entered my room at ayos na ayos siya. No wonder why Kuya Brooklyn fell inlove with her, she's a woman who knows how to handle herself- very fashionista. "Push mo 'yang white top mo? Ang lamig sa Baguio." She concernly said.

"Papahiramin ni Dion ng jacket. 'Yong jacket na nadala ko is 'yong sa Orient Crown kaya magiging takaw tingin." Paliwanag ko kay Ate Princess. "Ang ganda mo, Ate."

"Final-final look mo na 'yan? Hindi ka magme-make up?" She asked kasi ysually kapag lumalabas kami it's eiether may powder or liptint man lang ako.

"Magiging takaw tingin, eh. Mag-mask na lang kami ni Dion." Sagot ko. "Katatapos lang ng Season four tournament kung kaya medyo madalas lumalabas ang mukha namin sa Social media. Baka may makakilala, mahirap pa naman kung doon tayo maiipit dahil sa tao." I explained to her.

Ate Princess brows crunched na parang nanghihinayang siya para sa akin. "Ang hirap pala maging public figure."

"Hindi naman gaano pero may mga tao kasi na nag-i-step over the boundaries. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil baka excited lang sila na makita kami. Tinanggap ko na ate Princess na as long as parte ako ng Esports ay may portion talaga ng buhay ko na mashe-share sa publiko." Paliwanag ko sa kaniya.

Pinag-usapan namin ang paghahanda nila sa nalalapit nilang kasal ni Kuya at sinabi ni Ate Princess na hanggang ngayon ay kino-conceptualize pa raw nila ito ni Kuya. Ang target date nila is ber-months next year. Ang cute lang noong idea na childhood sweetheart ni Kuya ang makatutuluyan niya.

Kumatok si Kuya London at dumungaw sa pinto. "Ganyan lang suot mo?" Kuya London said while looking at my direction. "Gusto mong ibalot ka ni Kuya Brooklyn ng kumot?"

"Eh confident ako, eh." Pagbibiro ko.

"Mukha mo, huwag kang makahira-hiram ng jacket sa akin kapag tagusan hanggang buto ang lamig sa Session road." Banta niya sa akin. Dumating din si Dion at iniabot sa akin ang pulang hoodie jacket niya na binili namin na parang two months ago lang.

"Nag-text si Brooklyn, baba na daw tayo." Ate Princess said at nakita namin sa Lobby ng The Manor sina Mom at Sila Kuya.

Sumakay kami sa sasakyan at mabuti na lang talaga at medyo maaga kaming umalis dahil medyo traffic sa session road. Buti na lang may alam si Kuya ng Paid parking sa malapit na hindi gaano kilala kung kaya't nakapuwesto agad kami. "Nagse-setup pa lang sila." Turo ni Dion sa mga nagtitinda.

"Burnham muna tayo." sago ni Kuya London at um-agree kami. Infairness, effective ang disguise namin ni Dion dahil walang nakakikilala sa amin. Marami rin kasi ngayon ang naka-hoodie and mask due to weather kung kaya't nagbe-blend in naman kami.

Isa ito sa mga kilalang Lugar sa Baguio dahil malapit lang din sa Session road. Malawak ito at napaliligiran ng nagtataasang puno, may kalsada rin na exclusive for biking at may mga nagtitinda sa gilid nito. There are also locals who do busking by playing music o kaya naman ay nakasuot ng mga costumes na mas lalong nakakapagpa-attract sa mga tourist.

We decided na maupo muna around the park. Pinanood nga lang namin sina Mom and Dad na mag-boat sa lake, eh. They are really enjoying this vacation na parang date lang nilang dalawa ito.

"Mukhang magkakaroon tayo ng bagong kapatid, ang pangalan Baguio, ah." Biro ni Kuya London. "Tawang-tawa si Mom, oh. Akala mo 23 years old na nakikipag-date."

"Alam mo, Kuya, ang hater mo. Ang lala na ng pagiging anti romantic mo." Sagot ko sa kaniya. "Sinabi ko naman sa 'yo, you have our permission to use dating apps."

"Mama mo dating apps." Balasubas na sagot ni Kuya.

Habang hinihintay sila Mom at magbukas ang night market ay nag-picture-picture muna kami ni Dion sa harap ng lake.

"Tingin nang kuha mo sa akin." Sabi ni Dion.

Inabot ko sa kaniy ang cellphone niya. "Wow, Milan, consistent sa pagiging worst photographer, ah." He chuckled.

"Hater." I rolled my eyes. "Hindi talaga maganda ang camera quality ninyo."

Hindi ko talaga matanggap na hindi maganda ang camera skills ko since the beginning. Nanonood naman ako ng tutorial sa Youtube pero kapag i-a-apply ko na ay hindi ko pa rin makuha ng tama.

Naniniwala na talaga ako na may mga piling tao si God na magaling kumuha ng mga photos— hindi ako kasali doon.

Umupo kami sa bakanteng bench na dalawa. "OMG, Nakalimutan ko i-send kay Sir Theo ang players profile natin." sabi ko.

"Puwede naman siguro bukas iyon. Hindi ka man din naman pini-pressure ni Sir Theo." sabi ni Dion sa akin. "Relax. Nandito tayo sa Baguio para mag-enjoy at kahit papaano ay maiwasan ang stress sa Hunter Online."

"Sa bagay. Pero paalala mo siya sa akin mamaya, ha. Iyon ang una kong gagawin pagbalik natin sa The Manor." I informed him.

We just watched the scenery from here. Ang busy-busy talaga ng Baguio kapag December. Ang payapa lang din ng night scene sa Baguio. "Alam mo ba ang sumpa ng Baguio?" Natatawang tanong ni Dion.

"Well, according to Ianne malas daw ang Baguio. It's either nasisira daw 'yong friendship kapag barkada mo ang kasama mo or magbe-break kayo kapag jowa naman."

"Tingnan mo sila ni Sandro." Sagot niya.

"Parang hindi naman, anong connect ng Baguio sa nasisirang pagsasama? Sinisi pa sa lugar." Natayawa kong sabi sa kaniya. "At saka 'yong kanila ni Sandro, nag-break sila dahil naging busy si Father Chicken sa mga tournaments. It's not the Baguio, it's the lack of time."

"Pero ikaw, sa tingin mo. Dadating ba sa point na magkakalabuan tayong dalawa?" He asked.

"Hmm... actually hindi ko alam pero sana hindi. We are both understanding and supportive with each other. Pero siyempre, malay mo sa future ay may mga bagay tayong di pagkaintindihan. Kasi sabi sa akin ni Kuya Brooklyn ay nasa simula pa lang tayo mg relationship natin. Marami pa raw tayong pagdadaanan." Kuya Brooklyn always give me an advice when it comes to love. Well mas okay siya kaysa kay Kuya London na ang advice lang ay 'kapag ginago ka, i-break mo na. Easy' pero panay sabing huwag kong i-break si Dion.

"Tama na date!" Kuya London shouted. "Tapos na sila Mom. Dinner muna raw tayo."

Unang tumayo si Dion. He offered his hand para matulungan akong makatayo. Hinawakan ko ito at hawak kamay kaming naglakad sa Burnham.

8PM ay kumain muna kami sa Good Taste na malapit. Mabuti na lamang at maaga kami napunta dahil after namin kumain ay grabe ang pila rito. Sakto rin na naka-setup na ang mga ukay at kainan sa Night market.

"Ang daming maganda rito." Sabi ko kay Dion habang tumitingin kami sa mga thrift stall. Kumukuha lang ako ng mga damit na puwedeng masuot soon and favorite ko yatang nakuha ang bucket hat.

"Nag-uukay ka rin pala." Dion said like it's a new discovery for him. "Madalas kasi ay sa mall tayo bumibili ng mga damit kapag may mga laban o events ka."

Hawak ni Dion ang magkabilang balikat ko para maprotektahan daw ako sa mga tao. Legit! Ang daming tao sa night market. Hindi naman ako nagrereklamo dahil ganito naman talaga lagi rito pero iba ang kumpulan ng tao ngayon, December 23 kasi at matao talaga sa Baguio ng ganitong panahon.

"Bihira ang ukayan sa BGC at sa Bulacan, 'no! I do ukay naman pero hindi madalas." sagot ko sa kaniya.

Ginusto na nga agad ni Dion na bumili ng mga pampasalubong pero pinigilan ko muna siya dahil first day pa lamang namin sa Baguio.

Sunod kaming tumungo sa mga kainan. It's a big ace in Burnham na kung saan kabi-kabilang stall mg streetfoods ang makikita mo. Balak na lang namin mag-foodtrip around Burnham park.

Ianne saw my IG story, it was just a view of Session road

Ianne:
See you tomorrow!!! Saan kayo nag-stay?

Milan:
Sa The Manor. Tour us pls 🥹

Ianne:
OMG! My pleasure. Miss din kita dahil 'di naman tayo nakapag-bonding noong nanalo kayo sa tournament.

I have gift for youuu

Milan:
Excited to see youuu

Daan ka lang tomorrow morning sa The Manor or kita na lang tayo around Camp.

"Punta raw si Ianne bukas." Sabi ko kay Dion at ipinakita sa kniya ang chat ni Ianne.

Natawa si Dion at napailing. "Magkaugaling-magkaugali talaga sila." Nilabas ni Dion ang phone niya at ipinakita sa akin ang chat ni Sandro sa kanya. "Nandito rin si Sandro. Nakikipag-meet."

"Inform ko na lang din si Ianne na baka pumunta si Sandro. Ayoko naman na biglain 'yong tao. Alam mo naman, nasa process nang pagmu-move on. Baka mapurnada." I informed him.

Simpleng food trip with family lang ang ginawa namin sa Burnham. Bumili lang kami ng mga isaw, strawberry taho, sweet corn, at Takoyaki. Hindi na kami nag-heavy meal lalo na't galing naman kami sa Good Taste.

"Bili lang akong inumin." Sabi ko sa kanila.

"Pasabay." Kuya London said.

Tumayo ako at bumalik sa mga food stand. Naghanap lang ako ng nagtitinda ng blue ice tea o lemonade.

"Ang daming tao." Pagmo-monologue ko. Tapos bawat stall pa na makita ko ay ang hahaba ng pila. God, Baguio, ang ganda mo pero madalas talaga ay OA ang turista sa lugar na ito.

I am walking and checking all the stalls at hindi ko na napansin na may nabunggo ako. "Sorry." I immediately said habang pinupulot ang wallet ko at mga baryang nahulog sa kaniyang kamay.

He didn't answer. As soon as pinulot ko na ang huling limang piso ay tumayo na ulit ako para iabot sa kanya. I looked at his face. He is wearing a black hoodie and a reading glasses. "Thad?" I asked.

His brows crunched na parang kinikilala niya pa ako. "Milan?" Unsure na sabi niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Wow, what a small world. Pero naisip ko rin naman na ano ba ang pambansang bakasyunan kapag December? Baguio.

"I am with my highschool barkada. Ikaw, sinong kasama mo?" He asked at gumilid kami dahil nakahambalang kami sa daanan ng tao.

"Family. Bibili lang ako ng inumin kaso ang daming tao."

"Sakto, malapit na sa tindahan 'yong kaibigan ko." Tinuto niya ang isang lalaki. "Marc!" He shouted. "Pasabay ng drinks."

"Baliw nakakahiya, pila na lang ako."

"Hassle lang." He answered.

"Ay kikitain namin sina Sandro bukas, gusto mong sumama? Players bonding?" I asked Thaddeus. Tutal ay nasa Baguio na rin siya, might as well ay invite ko na rin siya.

"Last day na namin sa Baguio, eh." He said and fixed his eyeglasses. "Bababa na kami bukas ng madaling araw."

"Sayang. See you na kang sa mga tournament?" I asked.

"See you."

Lumapit sa amin si Marc at iniabot sa akin ang dalawang lemonade. Nauna nang umalis sila Thaddeus habang ako ay bumalik kanila Kuya.

"Tagal mo." Reklamo ni Kuya London. "Kung nabibilaukan ako, kanina pa ako patay sa tagal mo bumili."

"Epal mo. Sana ikaw pumila doon." Sagot ko sa kaniya.

Humigop ako ng lemonade at iniabot ito kay Dion para makainom din siya. "Nakita ko si Thaddeus kanina. Nagkagulatan pa kaming dalawa." Natatawa kong kuwento kay Dion.

"'Di mo in-invite?" Dion asked.

"He's with his friends. Nakakahiya. 'Di naman nga players din kasama niya. In-invite ko nga siya bukas kaso bababa na raw sila mamayang madaling araw." Kuwento ko dahil super quick encounter lang naman iyon with Thaddeus.

Natawa pa nga ako dahil kaniya-kaniya talaga kaming disguise para hindi makilala sa public.

"Sina Mom?" I asked.

"Ayon, nagde-date ang mga feeling highschool." Sabi ni Kuya London at kumain ng Takoyaki. "Tanginang Takoyaki 'to, hindi na masarap kapag hindi mainit."

Pinicture-an ko sina Mom kasi ang cute nila. "Milan," Kuya Brooklyn said at napatingin ako sa kaniya. "Don't you want to grab this opportunity para makausap sila Mom tungkol sa Yugto Pilipinas?"

"Okay lang kaya? Baka bigyan ko lang sila nang iisipin. Nasa bakasyon pa naman tayo." Sagot ko.

Hinila ako ni Kuya London patayo. "Sige na, kausapin mo na sila. Ganoon din, dadating din naman talaga ang oras na idi-discuss mo rin 'yan sa kanila butaw. Para wala ka nang iniisip."

Tumingin ako sa kanila at nag-thumbs up sa akin si Dion.

Naglakad ako tungo kanila Mom. Okay, bahala na kung ano ang maging desisyon nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top