Chapter 165: Christmas Vacation

Twitter: #HunterOnline or mention me reynald_20

Votes, Comments, and sharing the story is highly appreciated.

MADILIM pa sa labas ay naghahanda na kami ng gamit na dadalahin sa pag-akyat ng Baguio para mga tanghali ay makarating na kami doon. Si Dion naman ay kagabi pa nandito at hindi ko alam kung anong oras sila natulog nila Kuya (o kung natulog ba sila) dahil naglaro sila ng Billiards.

Tanda ko pa 'yong sinabi ni Kuya London na puro kabaliwan 'Hoy Milan, bawal mo nang i-break si Dion! Mas kapatid na ang turing namin sa kaniya kaysa sa 'yo! Ampon!'

Minsan talaga ay iniisip ko ma ipatingin si Kuya London sa eksperto dahil feeling ko ay may ubo talaga sa utak itong kuya ko na ito.

"Iyan lang talaga ang dadalahin mo?" Tanong ni Kuya London noong makita na maliit na Adidas duffle bag lang ang dala ko. "Baka mamaya sasabihin mo na naman Oh my God kulang 'yong damit ko. Naiwan ko 'yong ganito ganyan-ganyan." He said while mimicking my tone.

"Epal ka! Hindi ako ganiyan kaarte magsalita." sagot ko sa kaniya. Tinulungan ako ni Dion buhatin ang gamit ko at pahikab-hikab pa siya dahil sa aga naming aalis. "At saka ang daming thrift shop sa Baguio kung kulangin man ako." Isa sa natutunan ko sa pagbo-boothcamp ang pagiging matipid sa damit para less hassle kapag uuwi.

Pumasok si Kuya Brooklyn sa bahay matapos niyang ma-check ang kundisyon ng kotse. "London, wala pala tayong extra toothbrush saka si Princess. Daan ka saglit sa Seven Eleven sa palengke."

Kumamot ng ulo si Kuya London. "Luh, Kuya! Umaambon oh!"

"Umaambon?" Kuya Brooklyn asked.

"Oo." Sagot ni Kuya London.

"Bili ka pa din. Bilis na motor-in mo ma, hintayin ka namin hangga't inaayos pa 'yong mga gamit." Utos muli ni Kuya Brooklyn, napatingin ako kay London at dinilaan siya. Hindi siya makakatangginkay Kuya Brooklyn, batas ng bahay 'yan, eh.

"Tangina, ito na ang simula ng Villain origin story ko." Reklamo ni Kuya London habang nagsusumbrero at kinukuha ang susi ng Nmax. He left our house habang kami naman ni Dion ay umupo sa couch habang hinihintay si Kuya Brooklyn na mag-ayos ng gamit.

Honestly speaking, si Kuya Brooklyn ang taong pinakamagandang isama sa mga travel dahil planado at plantsado niya ang lahat. All you need to do is to bring yourself at siya na ang bahala sa itinerary, sa mga gamit, at sa mga dapat bayaran.

"Anong oras kayo natulog?" Tanong ko kay Dion.

"Mga ala-una yata?" He yawned again. "Ang sakit pa nga ng mata ko baka matulog na lang ako mamaya sa biyahe, halos anim na oras din naman papunta doon."

"Kaya ni Kuya Brooklyn na apat na oras lang 'yon." Sagot ko sa kaniya. "Bakit naman kayo late natulog nila Kuya?" Dapat nga ay sasama ako tumambay sa kanila sa pagbi-billiards (manonood lang ako) pero mas pinili ko na lang matulog dahil alam kong maaga ang alis namin.

"Kulit ni London, eh. Ayaw patalo. Ang ending pinanalo na lang namin siya ng sadya para matapos lang." Natawa ako sa sinabi ni Dion. "Nasa lahi ninyo ang pagiging competitive."

"Sa true." I laughed. "Lalo si Kuya London, hindi titigil 'yon nang hindi nanalo."

Dion is watching on his phone at napadungaw ako. "Hala ka! Ba't pinapanood mo 'yan!?" Reklamo ko sa kaniya dahil nanonood siya ng interview namin ni Callie sa isang vlog ng isang TV host.

"Para may makita akong maganda sa umaga." Dion wiggled his brows. Technically, matagal na namin na-shoot ang vlog na iyon at mukhang ngayon lang nila na-upload. Basically it's just an interview about our gaming experience at since TV host ang nag-iinterview ay may pahapyaw ito sa relationship namin ni Dion.

"Okay Milan, lahat sa gaming community ay aware na in a relationship ka with Dion. Kumusta, lalo ngayon na kumakalat na tsismis na nagkakalabuan daw kayo dahil nagiging close ka kay Thaddeus." Sir Boy Romualdez asked.

"Saan galing 'yan?" I asked while my brows crunched. "Thaddeus and I were good friends as we are both ambassador of... okay lang sabihin 'yong brand? Basta uhm phone brand siya. Then ilang beses din kaming nagka-encounter during the tournament so I can say na friends na kami ni Thaddeus. I can't tell lang if he will agree on what I stated." Natawa ako.

"Kami ni Dion, we are very okay so hindi ko alam kung saan galing 'yong tsismis. I am happy and contented with my relationship with him. He is a partner that supports me with my decisions and kasama ko siya sa ups and down ng career or buhay ko. At this moment, I am just happy that we are the champion of season 4 tournament." I answered professionally and choose my words carefully dahil baka ma-issue na naman ako ng wala sa oras.

"Naks, weh ba sa ups and down? Napaka-showbiz ng sagot ah." Komento ni Dion na nasa tabi ko.

"Ay ayaw mo ba?"

"Gusto. Totoo naman 'yong sinabi mo. Supportive ako sa 'yo at siyempre supportive ka rin naman sa akin." He answered.

Tinawag na kami ni Kuya Brooklyn at pinasakay sa sasakyan. Bale ang posisyon namin ay sa driver seat si Kuya Brooklyn katabi si ate Princess, sa likod ay ako saka si Dion, habang sa pinalikod ay si Kuya London, si Mom, at si Dad. Nag-pray muna kami bago namin baybayin ang paakyat ng Baguio.

Akala ko nga ay magiging mabilis lang ang biyahe namin pero mali pala ako, December 23 ngayon at magpapasko. Ang dami palang umaakyat sa Baguio. Minsan iniisip ko na ang hassle sa mga lokal ng Baguio na may mgs nagbabakasyon sa kanila ng ganitong panahon, ang hirap kasi ng transportation kung sakali dahil sa traffic.

Ang estimated time namin na makarating sa Hotel ay around 10am pero nakaakyat na kami sa Baguio ng 2pm. Mabuti na lang at ang daming stopover ni Kuya, pagkababa ko ng sasakyan ay sumampal sa akin ang malamig na simoy ng hangin.

All I can see are pine trees at medyo foggy din sa paligid dahil sa weather. We are all staying in The Manor. Akala ko nga ay wala ng makukuha si Kuya rito dahil sikat na pag-stay-an ito sa Baguio. Favorite kong pasyalan ang likod ng The Manor dahil kapag Christmas ay may mga shows and choir sila kaya nakaka-enjoy panoorin.

Tha Manor is a big lodge house sa loob ng Camp John Hay, walking distance lang ang mga kainan at tambayan mula rito pero hindi ko lalakarin... grabe kaya ang akyat-baba na daan sa Baguio!

"Grabe talaga pamilya ninyo," Dion said habang binababa ang mga bag at luggage sa likod ng sasakyan. "Kami kapag nagba-Baguio ay doon lang kami nag-i-stay malapit sa Session road para mura tapos kayo dito... wow." He amazingly said.

"God mas gusto ko pa nga 'yong gano'n." Sagot ko kay Dion at isinukbit sa balikat ko ang Duffle bag. "Kung kami-kami lang nila Kuya ay okay lang na mag-stay sa ganoon kaso kasama namin sina Mom and Dad. Alam mo naman, kapag matanda gusto komportable sa pinag-i-stay-an." He nodded as he agreed.

"You guys can roam around muna. Pero mamayang gabi doon tayo sa Public market sa Burnham." Bilin samin ni Kuya Brooklyn.

I checked the time and maaga-aga pa naman. "Gusto mong mag-batirol?" Tanong ko kay Dion. "Isang taxi lang from here."

"Puwede naman. London, sama kayo? Batirol?" Aya ni Dion kay Kuya.

"Sama ako—" Hindi na natapos ni Kuya London ang sinasabi niya noong hinampas ni Mom ang braso ni Kuya London. "Bakit, Mom?" Kuya asked.

"Anong sasama ka? Mamasahihin mo 'yong binti ko. Napagod ako." Sagot ni Mom sa kaniya.

"Hanggang dito ba naman Mommy?" Kumakamot sa ulo na sabi ni Kuya London.

Natawa kami ni Dion. Bumaling ang tingin kay Ate Princess. "Ikaw, Ate?" I asked.

"Pass muna. Napagod si Bossing." Sabi niya at itinuro niya si Kuya na nakikipag-usap sa front desk ng hotel. "Patulugin muna natin." She answered. "Pero uwian ninyo na lang kami ng bibingka from there." Bilin niya and nag-okay sign ako.

Kinuha noong isang staff ang mga gamit namin. He said hi to me and Dion dahil nanood daw siya ng tournament. Gustuhin niya man magpa-picture ay hindi rin niya nagawa dahil protocol daw sa kanila kaya sabi na lang namin ni Dion na sa pag-checkout na lang namin.

Nagpaalam na kami ni Dion at sumakay ng taxi. Pagkarating namin sa Choco-late de Batirol ay as usual, ang daming tao. May nakakilala sa aming dalawa dahil ang jacket na dala ko ay 'yong jersey ko. Which is wrong move dahil takaw pansin siya in public.

May mga nagpa-picture sa akin at kay Dion na inabot din ng ilang minuto. At this point, tinanggap ko na talaga na may mga gamers na makakakilala sa akin sa personal, may parte talaga ng buhay ko na makakapasok ang public people. After long minutes of waiting ay in-assist na kami ng usang staff sa designated seat namin.

"May ganitong lugar pala dito." Dion said as he aesthetically took photos in the surroundings. Choco-late de batirol is like an old kubo house at open space siya na napaliliguran ng mga nagtataasang pine trees ng Baguio. Nasa taas din kami ng bundok kung kaya't presko ang hangin.

"Weh? 'Di ka pa nakapupunta dito? Sikat 'to, ah." Sabi ko sa kanya at tinanggal ko ang jacket ko. Tumingin kami sa menu ng mga puwedeng order-in.

"Ilang beses pa lang din naman ako nakapag-Baguio. Sabi ko naman sa 'yo, noong nag-professional league ako ay maraming okasyon na ang hindi ako nakakasama sa lakad ng pamilya ko, kagaya ng mga out of town." He explained at napatango-tango ako dahil naintindihan ko naman. Ang hirap kaya bumuo ng pangarap ng nasa Maynila ka! Parang araw-araw ay laging struggle.

"Atleast saktong natapos ang Season four tournament, you still have time to enjoy things with your family." Sagot ko sa kaniya. Pumili na kami sa menu nang kakainin namin.

I tried the Almond choco and beef caldereta while Dion tried Cinnamon choco and Sisig. Dito na kwmi magla-lunch para pagbalik doon ay hindi na kami um-order ulit. Nag-take out din kami ng tatlong Bibingka para kanila Kuya.

I took some photos and zinoom ko pa sa mukha Dion. Naglagay ako ng caption na 'Baguio Date'. Hindi ko inasahan na magiging ganito rin ako ka-corny kapag nasa relationship.

"Kumusta pala 'yong pinapatayo mong apartment?" Tanong ko kay Dion habang sine-serve ang pagkain sa amin.

Tinikman ni Dion ang Cinnamon. "Shit, init pa pala." Inabot ko sa kaniya ang tissue. "Napagdesisyunan namin ni Papa na gawing 3-storey commercial building. 'Yong ground ipapaupa namin sa mga nagbi-business tapos 'yong second and third floor ay apartment." Paliwanag niya sa akin.

"May puwesto naman kayo? Importante diyan na maganda ang nakuha mong lupa para mag-click 'yong mga business." Paliwanag ko kay Dion at kumain ng Beef Caldereta which is so good!

"Malapit sa school 'yong nakuha kong lupa then may mga tinatayong mga convenience store saka kainan na rin. Good spot naman siguro." He answered at kumain na din si Dion.

"Kaya ng budget?" I asked him.

"Sana. Malaki-laki din 'yong pera na nakuha ko doon sa Season four tournament." Paliwanag niya. "Saka 'yong architect na kausap ng Tatay ko eh kakilala naman namin kaya binigyan kami ng discount. Will send you the blueprint kapag napakita niya na sa amin."

"Wow, sinong architect?" I asked at pinunasan ng tissue ng labi ko dahil sa foam ng Hot choco.

"Architect Padilla. Remember Trina?" He asked as he sipped in his drink once again.

"Ex mo?"

"Ang awkward paano ba..." kumamot sa baba niya si Dion. "'Yong papa ni Trina which is si Architect Padilla ay kaibigan ni Papa. Sabi ko kumuha na lang ng ibang architect kasi nga ang awkward pero nag-insist si Papa dahil makakamura daw kami. Sumuko na ako dahil tight din budget ko tapos makulit talaga din si Papa." Paliwanag ni Dion.

"Baliw, okay lang. Sabi mo nga, ang bata ninyo pa noong naging kayo. Thank you for telling me that. Appreciated." I smiled to him. Atleast aware ako na possible makasama niya ang ex niya, sa bibig niya mismo din nanggaling ang update. "Nagkakausap naman ba kayo?" I asked.

"Tricky question ba 'yan?" Tanong ni Dion. "Pero one time sumama siya sa Daddy niya i-check 'yong lupa. Nagtanguan lang kami, no further interaction. Wala rin naman kaming sasabihin sa isa't isa."

Nagkuwento pa si Dion tungkol sa mga pamamasyal niya sa Nueva Ecija and somehow ay na-excite naman ako na pumunta doon dahil sa kuwento niya rin.

"Eh, ikaw, anong sagot mo sa offer ni Sir Theo sa 'yo? 'Yong tungkol sa Yugto Pilipinas?" Tanong niya.

"I am still taking it into consideration. Hindi pa ako makapagbitaw ng isang salita kay Sir Theo." Sagot ko kay Dion.

Sumubo siya ng sisig at nagpahid ng tissue sa kaniyang bibig. "Bakit? Sa bagay, mabigat na desisyon iyan."

"Well, tama naman kayo. I am listening sa lahat ng opinyon na naririnig ko tungkol sa Yugto Pilipinas. Tama kayo, this is a big opportunity na minsan lang dadating sa buhay ko, mahirap na ngang maging isang peofessional player pero mas mahirap maging player under national team." Sagot ko sa kaniya. "Pero kasi iniisip ko 'yong pag-aaral ko."

"Baka naman mapakiusapan mo ulit 'yong Dean ninyo na online mo lang muna ite-take 'yong lessons and papasok ka na lang kapag exam." He said.

"Puwede naman ganoon ang setup. Pero kasi... it's more on me problem. Gusto kong natututo sa loob ng university, mas naiintindihan ko 'yong lesson, mas na-absorb ko 'yong knowledge. Sana gets mo,"

"Hmmm... naiintindihan ko," pag-agree ni Dion.

"Saksi naman kayo kung gaano ako nahirapan igapang 'yong last semester ko dahil online class lang din ako. Hirap akong maintindihan 'yong lesson, wala akong napagtatanungan, 'yong step-by-step procedure sa pagso-solve ng mga math problems kinakapa ko mag-isa." Paliwanag ko sa kaniya and aware naman sila Dion doon kung ilang beses akong umiyak sa boothcamp dahil lang hindi ko naintindihan ang lesson.

"So parang gusto mo din tanggihan 'yong offer?" He asked curiously. Ito 'yong gusto ko kay Dion na nakikinig lang siya sa mga sinasabi ko ang nagbibigay lang ng mga inputs.

"No..." saglit akong napatigil sa pagkain. "Iniisip kong mag-stop kahit isang semester kung sasali ako sa Yugto Pilipinas." He looked so shock dahil alam niya kung gaano kaimportante sa akin ang pag-aaral at paglalaro.

"Ang unfair kasi sa Yugto Pilipinas kung hindi ko mabibigay ang hundred percent ng atensyon ko doon dahil international competition iyon."

"Anong sabi nila Tito?"

"I-o-open ko pa lang din sa kanila. Kaya nga sabi ko pinag-iisipan kong mabuti dahil mabugat na desisyon siya for me kung sakali." Sagot ko sa kaniya.

Hinawakan ni Dion ang kamay ko. "Kung ano man maging desisyon mo, nakasuporta ako. Naiintindihan kita at valid din naman kung tatanggi ka sa Yugto Pilipinas dahil pag-aaral mo 'yan. Mahirap kalaban ang edukasyon. Open mo rin kanila Tito kasi mahalaga ang opinyon nila pagdating diyan."

"Thank you, sana pagkatapos nitong vacation na ito ay makapagbigay na ako ng sagot kay Sir Theo." Sagot ko sa kanya.

"Tama, enjoy mo muna itong Baguio tutal nandito ka para mag-relax." Dion said.

Inubos na namin ang pagkain namin at kumuha ng litrato sa malawak na damuhan dito.

Saka ko na ulit pag-iisipan ang offer sa Yugto Pilipinas. Sa ngayon ay magre-relax muna ako kasama si Dion at ang pamilya ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top