Chapter 164: Medussa's Lair
Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20
New book cover, ready for the final season? 🙊
Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you.
NAGLALAKAD na kami papasok sa Medussa's lair. Maraming players ang napapatingin sa amin na nagtatangka rin pumasok sa Boss Dungeon. Wow, I never imagined na sa buong paglalaro ko ng Hunter Online ay makakakuha ako ng ganitong klaseng atensyon.
All players eyes were fixed on us at pinagmamasdan ang bawat hakbang namin. Kasama ko sina Synix, Anonymouse, Rufus, LutherKing, Klayden, at Nodaichi papasok sa Boss Dungeon. "Ganito pala feeling ng sikat." Natatawang sabi ni Synix (Trace) habang naglalakad kami.
"Wala 'to, normal days sa amin. Ganito talaga kapag influencer." Pagmamayabang naman ni Anonymouse (Oli) at napailing naman ako.
"Ano bang impluwensya mo sa mga players, kagaguhan?" Ganti ni Synix sa kaniya.
Nasa tapat na kami ng malaking gate papasok sa portal ng boss dungeon. May malaking estatwa ng ahas sa magkabilang poste ng lagusan at gawa sa kaliskis ng ahas ang gate na ito. This is newly added boss dungeon na idinagdag lamang noong nagkaroon ng server maintenance ang HO. Sa gilid ng pader ay nakalagay kung sino ang record holder—which are Thaddeus and his friends probably.
"Ang goal natin dito ay ma-beat ang record nila Thaddeus. We will finished this Boss dungeon as quickly as we can." I commanded at nakinig naman sila sa sinasabi ko. "Also, double check ninyo na 'yong equipments and items ninyo bago tayo pumasok. On the first half of boss dungeon, we will use armors against physical monsters habang sa second half naman ay more on magic defense na tayo." Dugtong na paliwanag ko pa.
Mabilis naman nilang ginawa ang sinabi ko. "Okay na ako." Rufus said at sumunod naman din sina Nodaichi.
Once na pumasok na kami sa Boss Dungeon ay wala nang atrasan ito. We only have one opportunity to finish this dungeon. "Game?" I asked them.
"Kanina pa." sagot naman ni LutherKing.
I breathed in and breathed out. Hinawakan ko na ang pinto ng gate at unti-unti na itong bumukas. Humakbang na kami papasok at nabalot ng puting liwanag ang paligid. Ipinikit ko ang aking mata at sa muli kong pagmulat ay nasa loob na kami ng Boss Dungeon. Nasa loob na kami ng isang madilim na tunnel na tanging mga torch sa gilid ng pader lamang ang nagbibigay liwanag. I ready my violin para ma-support sila ng maayos.
It will be a bit hard for me dahil wala kaming tank kung kaya't dapat alerto ako sa pag-support ko.
Clearing Medussa's Lair timer will start in 3... 2... 1
Mabilis kaming tumakbo at lumingat-lingat sa paligid. Ayon sa impormasyong nakalap ko kay Ianne ay sa unang bahagi ng mapa ay puro skeleton at ogre warriors ang mga kalaban namin. They are an aggressive monsters kung kaya't kailangan maging maingat kami.
"Rufus and Klayden, i-lure ninyo 'yong mga kalaban papunta rito sa direksyon natin." Utos ko at humiwalay naman sila Rufus sa amin. "Nodaichi, Synix, and Anonymouse pa-ready ang mga skills ninyo. Especially ikaw LutherKing (Gavin) kailangan namin ang magic skills mo para mabawasan sila ng malaki." Utos ko man.
Maigi naman silang nakinig sa akin. Tumigil ako sa pagtakbo at pumagitna sa kanila. I prepared my violin to play music.
Rhapsody.
I started playing at nagkaroon ng liwanag na bumabalot sa mga kasama ko. It will boost their physical attack by 20% at bibilis din ang skill cooldown nila ng 30% which will be helpful for us.
"Position!" Isang malakas na sigaw ang narinig namin at nakita namin si Rufus na hinahabol ng mga Ogre Warriors.
Ogre Warriors
Level: 87
Aggressive
"Hold lang kayo!" Utos ko naman. "Hintayin natin si Klayden para isang bagsakan ng skills sa mga kalaban."
Maya-maya lamang ay nakita na namin si Klayden na tumatakbo at nakasunod naman sa kaniya ang mga skeleton Warriors.
Skeleton Warriors
Level 85
Aggressive
Mas mabilis namin maki-clear ang dungeon na ito kung sabay-sabay nilang gagamitan ng skills. Those monsters lured by Rufus is attacking them already. "Milan, mauubos na HP ko!" Sigaw ni LutherKing dahil siya ang pinakamalambot sa amin.
"Sorry, late." Humihingal na sabi ni Klayden.
Noing makarating na ang mga monsters sa target position namin ay agaran naman akong sumigaw. "Ngayon na!"
Nagpakawala ng sunod-sunod na skills ang mga kasama ko which result na mabilis naming napatay ang karamihan ng mga monsters. Ang mga natira naman ay mabilis din na eliminate ni Anonymouse dahil sa sakit ng damage ng kaniyang basic attacks.
After we cleared the first part ay mabilis kaming tumakbo. "Gumamit na kayo ng healing potion. Also, inform ninyo ako kung matagal ang cooldown ng skills ninyo." Wika ko sa kanila at mabilis naman nila itong ginawa.
Umakyat kami sa isang hagdan paakyat, makipot na pasilyo ang dinaraanan namin hanggang sa makarating kami sa isang palapag, sa palapag na ito ay may tatlong naglalakihang pinto na papasok sa iba't ibang rooms. Base sa impormasyon na nakuha ko kay Ianne ay magaganda naman ang loot items sa ibang rooms kaso gaya nang napag-usapan namin ay gusto namin na mabilis ma-clear ang dungeon na ito?
"Saang pinto?" Rufus asked.
"Left door." I informed them. "Synix ikaw ang mag-front. May mga surprise attack from Ogre Archers. Ikaw ang may pinakamataas na physical defense sa atin."
Ramdam ko ang pressure sa bawat minutong lumilipas. Hindi siya bad feeling though, it just proof na nacha-challenge pa rin ako sa paglalaro ng Hunter Online dahil may mga bago silang pakulo kada-maintenance.
At isa pa, hindi ko rin ini-expect na dadating sa point na mga professional players na ang iko-command ko! I clearly remembered na noong una kaming mag-boss dungeon ay sina Clyde lang ang kasama ko pati ang mga kaibigan nila sa ibang section. Tapos ngayon nakakasama ko sina Dion, Larkin, Sandro, at si Callie na mga bigating pangalan sa mundo ng Esports.
Wow, what a long journey indeed.
Pagkabukas pa lamang namin ng pinto ay ilang mga pana na ang bumubulusok tungo sa aming direksyon. Mabilis kaming yumuko habang si Synix ay sinangga niya ang ilan sa mga palaso gamit ang kaniyang espada, may ilang palaso na tumama sa kaniya but he is still good.
Itinago ko ang violin ko at pinalitan ng espada. "Anonymouse, Lutherking! Patayin ninyo 'yong mga monsters na nasa matataas na tower. Klayden at Nodaichi same routine, i-lure ninyo 'yong mga kalaban papalapit sa ating direksyon para mabilis natin silang mapatay!"
Naghiwa-hiwalay kami para magawa ang kaniya-kaniya naming gawain.
May malapit na Mermaid Man na monster sa aking direskyon and I sliced it's shoulder. Nakuha ko ang atensyon nito at sinubuksan niya akong atakihin gamit ang kaniya spear. Mabilis ko itong sinangga at muntik pa akong mawalan ng balanse.
Mermaid Man
Level: 88
Nodaichi: Successfully lured all monster in right area. Be there in 10 seconds.
When the Mermaid Man tried to attack me once again ay mabilis akong yumuko para iwasan ito. I spinned and sliced it's tummy with all my strength. Naglaho ito sa game hudyat na na-eliminate ko na ang kalaban. "Shinobi, likod mo!" Isang sigaw ang narinig ko galing kay Synix.
Pagkalingon ko sa likod ko ay tatlong kalaban ang sabay-sabay na sumusugod tungo sa direksyon ko. "Okay, this is bad." Since support ang role ko originally ay hindi naman ganoon kataasan ang defense ko.
Mabilis kong sinangga ang atake ng isang Mermaid Man ngunit hindi ko alam kung paano ko maiiwasan ang dalawa. Nagulat na lamang ako noong may malakas na hangin ang lumampas sa aking direksyon at pagkalingon ko sa aking tabi ay nakatayo na si Rufus. Sinipa niya ang tiyan ng isang Mermaid man dahilan para mapaatras ito at hiniwa niya ang isa naman.
"Wala sa focus." Natatawang sabi ni Rufus habang nakatingin sa akin. Bumaling ang atensyon niya sa Mermaid Man.
"Epal." Natatawa kong sagot at kinalaban ko na rin ang kaharap kong Mermaid Man.
Mabilis namin itong na-eliminate and I immediately switched my role into support once again. Nakita namin na tumatakbo na sa magkabilang direksyon sina Klayden at Nodaichi kung kaya't nagsama-sama na muli kami. "Tandaan ninyo ang routine natin. Gamitin lang ninyo ang mga skills ninyo once na nandito na ang lahat ng kalaban.
I played music once again to ehance their defenses. "LutherKing, ready na 'yong skill mo?" I asked.
He smirked. "Kanina pa." He raised his staff at may malaking bolang apoy ang unti-unting nabubuo mula rito. "Skill ready in five seconds!"
Unti-unting lumalapit na sa amin ang mga kalaban. "Synix, may petrifying stone ka?" tanong ko at mabilis niya itong kinuha sa inventory niya.
"B'bye sa inyo, mga lods." Sabi niya at hinampas niya ang petrifying stone sa sahig. Unti-unting umangat ang mga bato mula sa lupa at kumabit sa katawan ng Mermaid Man, Ogre Warriors, at Skeleton Warriors dahilan para hindi sila makagalaw.
"Tabi!" Sigaw ko at lumayo kami kay LutherKing noong cinast niya ang skill niya. Malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong paligid. Ramdam namin ang pagyanig sa buong dungeon. I created a barrier upang walang debris o alikabok na tumama sa aming mata. Pinagmasdan ko kung paano maubos ni LutherKing ang mga kalaban ng walang kahirap-hirap.
Definitely, malaki ang in-improve ng Battle Cry pagdating sa skills ang fighting styles nila. I really do believed na maganda ang naging bunga nang ginawa naming pag-alis sa grupo noon. I mean, they improved and we improved. Wala namang friendship ang nasira (Luckily) at lahat kami naman ay nasa professional league pa rin.
As soon as we are able to eliminated those monsters ay mabilis naman kaming tumakbo para umakyat sa susunod na palapag ng dungeon. I always check the time dahil 32 minutes ang record na hawak nina Thaddeus kasama ang kaniyang mga kaibigan.
"Change your armor from physical build to Magic damage build. More on magic attacks na ang makakalaban natin sa mas matataas na floor." I reminded them at matulin naman nila itong ginawa.
12 minutes na...
Ilang minuto na lang ang natitira sa amin.
***
Your team successfully cleared Medussa's lair! You may now leave the dungeon!
HUMIHINGAL kaming humiga sa sira-sirang sahig matapos namin magawang matalo si Medussa. It was a hard fight at naubos ang mga dala naming potions. "Grabeng kalaban 'yon napakalikot amp!" Reklamo ni Anonymouse dahil hirap na hirap siyang asintahin ang kalaban namin.
"Na-beat ba natin ang record?" Humihingal na tanong ni Rufus.
"Unfortunately hindi." Sagot ko sa kanya. "Mas matagal tayo ng isang minuto sa record nila Thaddeus." It just means na sila Thaddeus pa rin ang record holder sa dungeon na ito. Well, no regrets naman dahil ginawa namin ang lahat para ma-beat 'yong record at saka madami naman din kaming items na nakuha para ma-enhance ang mga armor namin kung kaya't hindi na rin masama.
"Tangina, akala ko magiging artista na naman ako." Reklamo ni Synix at bahagya kaming natawa. "Sige na, mauna na akong mag-logout sa inyo. Maglalaba pa ako. Kapag mag-boss raid kayo at kailangan ninyo nang tagabuhat, I am one call away." He wiggled his brows.
"Huwag ninyo na 'yan ayain. Malas, may balat sa pwet." reklamo ni Anonymouse sa kaniya. "Pero mauuna na rin kami ni Gavin. May practice kami, may small competition kaming sasalihan sa January para lang 'di kalawangin."
Nagba-bye na rin ako kanila Oli at maging si Clyde ay nag-logout na rin dahil gagawin niya pa raw ang thesis nila ni Eleanora. Pero kumpara sa mga unang pagkikita nila na inis na inis siya ay parang excited pa ngayon si Clyde na mag-logout para makipagkita kay Eleanora. Good for him, I am just happy that one of my bestfriend is doing things that make him happy.
Naiwan kaming tatlo nila Rufus at Nodaichi, naisipan namin tumambay sa cafe ni Hermosa (Shannah) at grabe! Sobrang sikat ng place na ito sa mga Hunter Online players dahil may mga nakapaskil siyang pictures dingding ng mga players with sign.
"Here's your food mga acckla." Si Hermosa mismo ang nag-serve ng pagkain. "Kumusta naman ang boss raid na ginawa ninyo? Success ba?"
"Unfortunately, hindi namin na-beat ang record nila Thaddeus." Sagot ko sa kaniya.
"Sa bagay, mahirap din talunin ang records ng ibang professional players. Sabi ko naman sa inyo tigil-tigilan ninyo na 'yang boss raid na 'yan. Bakit hindi ninyo ako gayahin? Ganda lang sa laro. Tamang serve lang ng foods, tamang awra lang. Ganern." Maarteng sabi ni Hermosa at wala siyang ideya na nasa likod niya si SilverKnight (Tomy).
"Tamang awra lang?" SilverKnight asked him. "What if hindi kita tulungan dito?"
Hermosa nervously smiled. "Hindi ka naman mabiro. Awra-awra lang ang lola mo pero sa 'yo pa rin uuwi. Rawr." Malakas kaming nagtawanan lahat. "Malandi ako pero loyal ako, eto naman! Tagal kitang nilandi nitong college tayo tapos ngayon pa ba ako magloloka-loka."
"Weh?" SilverKnight asked. "Dami mo ngang bet noon kung saan-saang department."
"Pero ikaw talaga pinaka-bet ko! Alam 'yan ni Milan. Gumagawa pa lang tayo ng plant holder crush na kita."
"Sige na, iwanan mo na sila Milan diyan. Madaming tao ngayon dito sa business mo tapos puro ka daldal."
Tumayo si Hermosa. "Bye bestie! Uwian mo ako ng pagkain from Baguio ha!"
Napabaling ang atensyon ko sa sinerve ni Shannah na pasta dito sa game at kumain ako kasama si Rufus at Nodaichi. "Naka-ready na ba ang gami mo para sa Baguio natin?" Tanong ko kay Dion.
"Kagabi pa, si London pa nagpaalala sa akin ksi hindi daw tayo mag-stop over."
"Chika talaga noong kapatid ko na 'yon, siya ang nag-request ng maraming stop over, eh. Pinagagayak niya lang talaga magamit mo para pag-trip-an ka." Sabi ko sa kanya.
"Hindi na rin masama, wala na akong iintindihin ngayong araw." Depensa ni Dion.
"Magba-Baguio kayo together?" Nodaichi asked while sipping in his smoothie.
Tumango kami ni Dion.
"Kasama family ninyo?" Tuloy niya pa.
"Family niya lang pero sa New Year sa amin siya." Si Dion ang sumagot.
"Tangina ninyo e'di sanaol. Legal na legal amp." Bahagya kaming natawa sa sinabi ni Nodaichi. "By the way, did you guys received an offer?"
"Offer?" Kunot-noo naming tanong ni Dion.
"Offer mamatay." Sagot niya at nawala ang ngiti namin. "Joke lang. Offer from Sir Theo na maging parte ng Yugto Pilipinas."
"Si Milan lang." Si Dion ang sumagot.
"Weh? 'Di ka na-offer-an?" Larkin asked. "Grabe namang pagpili na ginagawa sa Yugto. Ikaw, Milan, tinanggap mo na 'yong offer?"
"Hindi pa, binigyan ako ni Sir Theo hanggang katapusan nitong December para pag-isipan. Maaapektuhan kasi pag-aaral ko kapag nagkataon. I mean, that is an international stage. Hindi biro ang magiging training doon." Sagot ko sa kaniya.
"Sa bagay, pero sayang 'yong offer. Ang daming respetadong tao from gaming industry ang manonood kung sakali. It will also be a big boost in your future career. Computer Science student ka 'di ba?" He asked and I nodded. "Oh tingnan mo, dapat sa ganitong age ay nagbu-build ka na ng connection sa malalaking tao. Hindi masama ang offer na ito para sa 'yo, malay mo ay mag-intern ka pa sa New York, sa main office ng Hunter Online."
"Ang layo ng New York."
"Ano naman? Maiintindihan naman ni Dion iyon kung sakali. Hindi lang ito pipitsuging competition Milan, it will help you in the long run din." He explained.
"Tama si Larkin, i-go mo na 'yan." Dion said. "Kahit mga kuya mo ay agree din na sumali ka sa Yugto kasi alam nilang makakatulong sa 'yo 'yon. Siyempre ako man, sinusuportahan kita diyan." Dion said and wiggled his brows.
"Tangina ninyo ang lalandi ninyo." Reklamo ni Oppa.
May point naman ang mga sinabi nila pero but still ay gusto ko pa rin itong pag-isipan, kung sasali man ako sa Yugto Pilipinas ay hindi dahil sa mga taong nakapaligid sa akin at impluwensya ng mga sinasabi nila. If I will join to Yugto Pilipinas gusto kong buong buo na sarili kong desisyon iyon at kaya kong tagalan ang pressure ng nasabing competition.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top