Chapter 162: Consider the Proposal
Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20
Votes, Comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!
NASA biyahe na kami ni Kuya London pabalik sa Bulacan pero hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Sir Theo. Hawak ko rin ang envelope na naglalaman ng offer. Yugto Pilipinas will definitely create a history sa mundo ng Esports dito sa Pilipinas, it will be the first team from the Philippines that will compete internationally.
"Lalim ng iniisip mo, ah? Ano 'yan, may salary deduction ka? TV Commercial offer?" Kuya London asked habang stucked kami sa traffic sa bandang SM North. "Tangina talaga dito, traffic-traffic na sa EDSA panay pa sira ng daan." Reklamo niya.
"I got an offer."
"Offer na? Parang gago, ayaw buuin ang sentence. Hindi ka naming pinalaking ganiyan." Pabirong sabi ni Kuya at bahagya kaming umandar.
"To play internationally." Sagot ko sa kaniya at napatingin si Kuya London sa akin habang namimilog ang kaniyang mata. Inabot ko sa kaniya ang envelope na naglalaman ng offer. "It will be the first Hunter Online International Competition."
"Puta angas! Lahat kayo sa Orient Crown?" Tanong ni Kuya at pinagmasdan ang papel. "Yugto Pilipinas. Nice name."
"Unfortunately, sabi ni Sir Theo na kahit champion daw kami sa Season 4 ay hindi raw iyon ang gusto ng Philippine committee para sa Yugto Pilipinas. They will pick players from different teams to be part of the competition. Isa ako sa napili." Paliwanag ko kay Kuya.
Tinanong ko si Sir Theo kung may iba pang members ang kinakausap pero ang sagot niya lang ay wala pa siyang maibibigay na eksaktong mga pangalan dahil under negotiation pa ang lahat. Ang sigurado lang daw niya ay gusto ako ng committee na maging part ng Yugto Pilipinas dahil sa magandang plan ko during the Season four tournament.
"Hindi ba hassle 'yon? Mag-start kayo from the scratch kasi bubuuin ninyo kung sakali ang chemistry ninyo as a team? Eh si Dion? Did he receive an offer? Palagan ninyo nang dalawa, international na 'yan oh!" Pagpupumilit ni Kuya at smooth na kaming nakaandar pagkalagpas sa ma-traffic na bahagi ng EDSA.
"Wala raw offer si Dion." Sabi ko kay Kuya London. "Ang awkward lang na siya 'yong nagdala sa akin sa pro-scene tapos ako ang nakatanggap ng offer na feeling kong dapat siya ang makatanggap."
"Ayon nga lang, pero anong sagot mo? Tinanggap mo 'yong offer?" He asked. Minsan talaga ay maayos din 'tong kausap si Kuya London kapag kailangan ng seryosong desisyon sa buhay ang pinag-uusapan, eh.
"Sabi ko, pag-iisipan ko pa. Sir Theo said that I should give my answer ng first week ng January. Para raw kung sakaling hindi ako puwede ay makahanap daw sila ng puwedeng pumalit sa akin." Paliwanag ko kay Kuya London.
"Maybe you should grab the opportunity, hindi lahat nabibigyan ng ganiyang klaseng pagkakataon. International 'yan. At isa pa pampabango rin sa CV mo 'yan kapag grumaduate ka na. Computer Science ka, if you are aiming to work in gaming industry, ang laking edge niyan." Paliwanag ni Kuya London sa akin.
"Eh paano si Dion?"
"Oh, anong mayroon kay Dion?" He asked confusely.
"Siyempre, Kuya, kung gusto ko man lumaro internationally ay gusto kong kasama si Dion. It's our goal na lumaro sa harap ng mas malaking stage." Paliwanag ko ng side ko.
"Tsk. Tsk. Pangit ng mindset mo, lods." He said while shaking his head. Nakapasok na kami sa NLEX kung kaya't chill na ang biyahe. Mga 30 minutes lang ay nasa Bulacan na kami.
"Ha?" My brows frowned and looked to my brother. "Masama bang pangarapin na dapat kasama ko si Dion kung lalaro man ako sa mas malaking stages?"
"Dapat ba lagi kayong magkasama?" He asked at doon ako napatigil. "Naalala mo noong muntik mag-break si Kuya Brooklyn at Ate Princess during the early stage of their relationship?" Dugtong niya pa.
"Oo. Because feeling ni Kuya Brooklyn ay dinedepende ni Ate Princess ang schedule niya para mag-fit sa schedule ni Kuya Brooklyn. Para lagi silang magkasama." Paliwanag ko dahil in-open sa amin iyon ni Kuya.
"Nadali mo Lods. Nagiging ganyan ka ngayon kay Dion. Dinedepende mo ang desisyon mo sa kaniya. Nababalewala ang personal growth mo kasi gusto mo siya parating kasama." He explained to me and wiggled his brows. Kuya tried to make it sound less offensive in a way na mage-gets ko ang point niya.
"Is it bad?" Concerned kong tanong.
"Not actually bad pero may mga laban na hindi naman kailangan magkasama kayo. Huwag mo siyang gawing mundo mo. Bata ka pa, hangga't kumakatok ang oportunidad ay papasukin mo lang nang papasukin." Kuya explained to me and I do really understand his point. "Pag-isipan mong mabuti 'yang offer na 'yan. Hindi para kay Dion kung hindi para sa sarili mo."
"Alam mo, Kuya, minsan may sense ding 'yong lumalabas sa bibig mo." I jokingly said.
"Hindi kasi sapat na pogi lang ako. Kailangan huwarang kapatid din ako. Pet lover din ako, may send of humor din ako, mabait din. Siguro noong naggawa ng tao si Lord nasa favorite list ako." Buwisit. Kaya mahirap pinupuri itong mga mokong na 'to dahil tumataas ang lipad ng utak, eh. "Sinabi mo na kay Dion 'yan?"
"Hindi pa. Ikaw ang unang nakaalam kasi tsismoso ka." Sagot ko sa kaniya. "Hindi ba ang insensitive kung sasabihin ko sa kaniya, he is the one who is eager to play in bigger stages."
"Bakit naman naging insensitive? Dapat naman talaga alam niya. Nasa sa kaniya na kung paano niya tatanggapin ang balita, basta as a girlfriend sinabi mo sa kaniya. You informed him." sabi pa ni Kuya. "At saka, bakit mo patatagalin? Ano ka? Nasa telenobela? Gusto mo pa yata na pag-awayan ninyo pa 'yan."
"Luh, telenobela ka diyan! Kakanood mo ng TV sa hapon 'yan."
"Eh ganoon pa balak mo, eh!" Tumawa si Kuya. "Sabihin mo na kay Dion, kung hindi siya masaya para sa 'yo, then he is ekis to me."
"Nasobrahan ka na sa meme."
***
PAGKARATING ko sa bahay ay hindi ko muna sinabi kay Dion ang balita. Not because tinatago ko pero nagpa-family bonding daw sila kung kaya't hindi ko muna siya china-chat. He needed that, a time with his family.
For the meantime, I tried to search information regarding Yugto Pilipinas pero wala pa ngang balita rito. Although, medyo may mga haka-haka na rin na magkakaroon ng International Tournament ang Hunter Online ay hindi pa ganoon katunog sa madla lalo na't wala pang official announcement.
For the meantime, I chatted Callie. If got an invitation ay mas malaki ang chance na mayroon din siya. He's the season 4 tournament MVP and the only player in Hunter Online na tatlong beses nanalo sa HO tournament ng sunod-sunod.
Milan:
Callie
Callie:
Luh. Katakot naman 'yan. Di pwedeng itanong na agad?
Pakaba pa, eh. Hahaha!
Milan:
Itatanong ko lang if may offer kang natanggap from Yugto Pilipinas?
Callie:
Mayroon. Meron ka rin?
Milan:
Oh, so you accepted the offer?
Callie:
Hindi haha!
Milan:
Haaa? Weh?
Callie:
Mayabang ako pero 'di ako sinungaling amp haha!
I got an offer to train sa US. Pinaalam ko na rin kay Sir Theo.
Milan:
You declined the offer? Sayang 'yon, ah!
Callie:
Ba't parang gulat na gulat ka? Durugin ko pa kayong lahat sa tournament na 'yon, eh.
Dati ko pa sinasabi sa 'yo na kinukuha ako ng US team. It was a long time dream of mine. Una pa lang ay sinabi ko na sa inyo 'yon, ah!
Milan:
So baka sa US team ka lumaro kung sakali?
Callie:
Ewan. Baka?
Hindi ko pa rin nakukuha buong details, eh.
Kung sakali man, mangyayari na magdudurugan na tayo sa tournament haha! Pero siyempre wala pa rin kayong palag sa akin.
Milan:
Yabang 🙄🙄
Hindi naman na bago na nag-iimport ang international teams mula sa Pilipinas. Kahit saang online games ngayon ay ganiyan na ang kalakaran. And if Callie will play under US team, masisigurado kong isa ang team na iyon sa dapat katakutan sa international scene, Callie's skill and dedication in Hunter Online is no joke.
Naputol ang malalim kong pag-iisip sa may sala noong pumasok si Kuya London na may dalang box ng pizza. "Ay taray, saan mo binili 'yan?" Tanong ko.
"Anong bili?" Ngumuya siya ng isang sliced. "Dala 'to ng pogi." sabi niya.
My brows crunched because of curiousity. Maya-maya lang ay dumungaw si Dion sa pinto. I didn't expect him dahil ang sabi niya sa akin ay nasa galaan siya with family. "Anong ginagawa mo rito?" I asked.
"Kumusta?" He smilingly said habang nakatukod ang kamay niya sa pinto. Dion is wearing gray polo shirt and cream white khaki shorts. "Dinadalaw ko lang si Forest."
"Huwag kang plastik. Si Milan una mong tinanong sa akin pagkarating mo." Bulalas ni Kuya London at naglakad tungong hagdan dala ang isang box ng pizza.
Lumakad ako papalapit kay Dion at hinampas ang braso niya. "Family bonding ka pang nalalaman." Reklamo ko sa kaniya at bahagya siyang natawa. In fairness, buong linggo ko siyang hindi nakita rin. "Pumunta ka sa kitchen, mag-bless ka kay Manang Tessa."
"Sina Tita?" He asked.
"May pasok." Sagot ko.
Naglakad sa kitchen si Dion kasunod ako. "Manang Tessa, puwede paggawa ng meryenda?" I asked politely.
"Sure. Gusto ninyo ba 'yong natirang ensaymada sa ref? Init ko na lang." She suggested at um-oo naman ako.
Pumunta kami ni Dion sa garfen area dahil doon may tambayan na malamig-lamig. "Wala ka man lang abiso na pupunta ka."
"E 'di hindi na surprise kung nag-abiso ako. Baliw ka ba?" He chuckled.
"Namasahe ka?"
"Hindi. Hiniram ko kotse ng Tito ko. Feeling ko dapat kumuha na akong sasakyan."
"Akala ko ba 'yong apartment mo muna?" Tanong ko at umupo sa tapat niya.
"Ayon nga muna. Saka na 'yong kotse. Pero essential na kasi siya sa panahon ngayon. Pabalik-balik din tayong Maynila, eh." Totoo naman din. If you are working already ay sobrang essential ng sasakyan dahil sobrang hassle at nakakapagod mag-commute.
Nakakapagod ang commute hindi dahil sa tao. Nakakapagod dahil sobrang broke ng transportation system na hindi naman maayos-ayos ng gobyerno. "Kumusta ang meeting mo kay Sir Theo?" He asked at saglit akong napatigil.
Naalala ko naman ang sinabi ni Kuya London na sabihin ko din kay Dion ang balita. Tama naman siys na baka maging sanhi lang ito nang pagtatalo namin kung sakali.
"I got an invitation."
"Nang?" He asked while looking kanila Forest at River na nasa kulungan. The two dogs wagged their tails na sign na excited silang makita si Dion. "TV commercial? Interview?"
Dumating si Manang Tessa at sinerve sa amin ang mga pagkain at juice. "To represent Philippines internationally." Dugtong ko pa.
Dion paused for a second at malawak na nguti ang puminta sa kaniyang labi. "Damn. Tayong Orient Crown? Naka-receive ng offer? Akala ko ay tsismis lang 'yong international competition na iyon. Nice, buti sa akin mo unang sinabi ang tungkol diyan."
"Hindi siya tsismis pero hindi buong Orient Crown ang lalaro para sa Yugto Pilipinas." Dion frowned as a sign of confusion. "Ako lang. The Commitee is asking me to be part of Yugto Pilipinas."
"Oh." Iyon ang sagot ni Dion but he immediately smile again na sa tingin ko naman ay hindi niya rin dinibdib ang tungkol doon. "Goods na balita 'yon para sa 'yo. Mabuti nga at kinukuha ka nila kasi isa ka sa mga players na matalino talaga pagdating sa paglalaro. You will have a huge contribution para sa team."
"Pinag-iisipan ko pa 'yong offer." I answered. "Actually hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin siya kanina sa 'yo kasi... baka offensive ang maging dating sa 'yo." Totoo naman dahil baka magmukhang nagyayabang ako and insensitive. Mas unang nakapasok sa akin si Dion sa Professional league, eh.
"Baliw." Kumain si Dion ng ensaymada. "You deserved it. Proud ako sa 'yo."
"Kahit hindi na tayo magkasama sa team?"
"Oo naman, proud pa rin ako sa 'yo. Hindi naman parating magkasama tayo kapag lalaro. Saka sinabi ko naman sa 'yo na focus ako sa pamilya ko sa pagkakataong ito, gusto kong maging hands-on sa apartment na ipatatayo ko. Gusto kong bumalik sa pag-aaral. Gusto ko munang mag-stay for the meantime. Kahit hindi ako nakatanggap ng offer ay ayos lang sakin, I can stick with my plan."
"Thank you for understanding." I smiled to him.
Nakaka-amaze makita ang growth ng relationship namin. Mula sa pagbabangayan, hanggang sa pagiging mag-bestfriend, at eto ngayon, being the most understanding boyfriend.
"Hindi man ako maging parte ng Yugto Pilipinas ay may season 5 pa naman din. Puwede naman tayong bumawi roon." sabi ni Dion sa akin. "So, tatanggapin mo ba ang offer sa 'yo?"
"Sir Theo gave me the whole december to consider the offer. At saka international iyon, marami akong bagay na kailangan i-consider. Tatamaan ang pag-aaral ko, alam mo naman na gusto kong bumalik sa University para maayos na makapag-aral." Paliwanag ko sa kaniya.
"Hmm. Oo nga pala." Dion nodded. "Pero pag-isipan mong mabuti. Sa Esports, ang hirap nang maging professional player tapos mas suntok sa buwan pa ma-offer-an ng ganiyang opportunity. Kayo ang unang mga players ng Hunter Online na magrerepresenta sa international scene. Pero nasa sa 'yo pa rin naman 'yan dahil baka mas gusto mong mag-focus sa pag-aaral mo," Dion explained at napatango ako.
"Sa oras kasi na tanggapin mo 'yan ay mas mahihirapan kang pagsabayin ang pag-aaral at paglalaro mo." He reminded me.
"God sumasakit ang ulo ko," Uminom ako ng juice at bahagyang natawa si Dion. "Binigyan naman ako ni Sir Theo ng isang buwan para pag-isipan. I will consider the opportunity pero siyempre titingnan ko pa kung kaya ko balansehin."
"Siya nga pala, may information nang binigay si Ianne tungkol sa isang boss dungeon," sabi ni Dion sa akin. "Puwede na natin pasukin kung sakali. Sabi ni Ianne ay maganda raw ang bagsakan ng items kung kaya't i-consider natin."
"Buti na lang nandiyan si Ianne." sabi ko kay Dion.
Pinag-usapan na lang namin ni Dion ang patungkol sa pag-raid namin ng boss dungeon. Also, I am looking forward with our Christmas vacation. Siguro ay baka maibigay ko kay Sir Theo ang sagot ko bago matapos ang taon na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top