Chapter 16: Still a No

"HINDI ito ang huling beses na magkikita tayo, Shinobi." sabi noong isang miyembro ng Red Swan at naglakad na sila papaalis. Mukhang natakot din sila kay Vegas. Hello, he is a member of Black Dragon... Ang top team dito sa Pilipinas.

May awra talaga ang mga top players na makaka-intimidate sa ibang Hunter, eh... Well not me, sino ba sila?

Masama kong tiningnan ang dalawa. "Tapos na ang palabas. Iwan ninyo na ako." Tumingin ulit ako sa mga cyclops na nandito at inihanda ang sword ko.

"15,000 gold, seriously?" Tanong ni Vegas habang nakapamewang na naglalakad sa harap ko. "Kaya pala sikat na sikat ka sa Peninsula server, bogus ka pala. Ginamit mo pa talaga ang Black Dragon as a reason for scamming."

"I am outsmarting them." Sagot ko at napatingin naman ako kay Rufus. "Ikaw, ano namang kailangan mo?"

Mainit talaga ang dugo ko sa Rufus na ito. Matapos ang cubicle incident na iyon ay lagi na akong nagti-triple check ng lock sa mga fitting room.

"Nandito ako para kausapin ka." He said at umupo sa malaking tipak ng bato.

"Sorry, nauna ako. Balik ka na lang sa Team mo, mag-practice kayo para hindi kayo agad nalalaglag sa mga Tournament." Sabi ni Vegas. Oh, hindi talaga mali na bina-bash nila Kuya ang Black Dragon, mayayabang nga talaga sila. They have an outstanding gameplay at aware sila doon, mayabang sila kasi may ipagyayabang sila.

"Anong sinabi mo?!" Inis na sabi ni Rufus.

Matalim silang nagtitigan na dalawa at nagtalo. Ako? Naglakad na ako papaalis. Bahala sila.

Pumatay na ako ng ilang Cyclops para matapos na ang quest ko. Next time talaga ay hindi na ako mag-o-online ng wala sila Klayden, kung saan-saang gulo lang ako napapasok. Ang sakit sa ulo ng mga Top players na ito.

Naputol ang pagpatay ko sa isang Cyclops noong sinaksak ito ni Vegas at mabilis na namatay. Tumayo si Vegas sa harap ko habang nakahalukipkip ito. "Ano na naman?" Tanong ko.

"Attitude ka?" Tanong niya.

"Epal ka?" Balik ko.

He seriously looked into my eyes at makalipas ang ilang segundo ay napatawa na ito habang umiiling. "I give up. Now I get it kung bakit ka mainit sa mata ng mga Professional Team."

"So ano ngang kailangan mo? Huwag mo na rin mabanggit-banggit ang username ko sa World chat. Hindi ako kagaya ninyo na gusto ng atensiyon." Banta ko sa kanya at itinutok sa leeg niya ang talim ng espada ko. He didn't even flinched.

"Well, I accidentally listened to some Team conversa—"

"Accidentally?" Walang aksidente sa pakikinig ng tsismis.

"Nakinig ako nang usapan ng ibang players," Vegas sighed after kong itama ang sinasabi niya. "They are planning to ambush you. Gusto nila makuha ang rare item na mayroon ka. Nasa sa 'yo na kung maniniwala ka sa akin."

Tumaas ang kanang kilay ko.

He chuckled. "Wala kaming plano na kuhanin 'yang cape sa 'yo. Hindi rin kami papatol sa budol mo. We can find all the hidden quest without your help. Ang akin lang, binalaan lang kita. But you are an interesting player, sigurado akong hindi ito ang huling pagkikita natin."

[Black Dragon] Vegas sent a friend request.
Accept
Decline

Decline. Asa siya.

"Sabi na, eh." He said and waved his hand papaalis.

Nilamon ng liwanag si Vegas at mukhang nag-teleport sa kung saang lupalop ng mundong ito.

Ang sakit sa ulo ng mga Top players. Ugh, kairita.

Okay, makakapag-quest na ako nang payapa—

"Tapos mo nang kausapin 'yong unggoy na 'yon?" Napatingin ako kay Rufus na naka-indian sit sa malaking bato.

"Hanggang dito sa game, bubuwisitin mo ako?" Tanong ko. "Gusto ko lang mag-quest, huwag ninyo na akong guluhin."

"Add me to your party." He said at tumayo. Inilabas niya ang kanyang espada na kulay itim. "Tulungan na kita sa quest mo."

Tiningnan ko siya. "May kailangan ka rin, 'no?"

"Tutulungan na kita, pambawi sa kasalanan ko last time." Hindi ako naniniwala na pambawi lang. "Mas mabilis mong matatapos ang quest na ito kapag may kasama ka."

"Hindi ko ibibigay 'yong cape ko." Una kong sinabi mo.

His brows narrowed. "Sa tingin mo ba ay lahat ng players ay interesado sa Rare item mo?"

"Okay. Wala pa rin akong tiwala sa 'yo."

I invited him to my party.

Rufus accepted your party request!

Kagaya nang sinabi ni Rufus, tinulungan niya akong pumatay ng cyclops. Lahat din ng item na nakuha namin ay ibinigay niya sa akin since hindi niya raw iyon kailangan. (Except sa mga ore dahil gagamitin niya raw 'yong pang-enhance ng armor)

After the quest ay sinamahan niya ako maglakad pabalik sa Silanya Town. Some players are looking in our direction but he doesn't mind, nakalagay sa dalawang bulsa ang kamay niya habang nakasunod sa akin. Wait, mannerism niya ba 'yon? Noong first meet din namin ay nakalagay sa bulsa ang kamay niya. Ano bang mayroon sa bulsa niya?

Hindi ko na natiis at humarap ako sa kanya at napatigil siya sa paglalakad. "So, what's the catch?" I asked.

"Hmm?"

"Hindi mo naman ako tutulungan kung wala kang sasabihin o kailangan."

"Bakit hindi ka nag-online ng mga nakaraang araw?" He asked. Oo nga pala, nasabi na sa akin nila Clyde na kaya ako hinahanap ni Rufus ay dahil gusto nila akong isali sa evaluation nila last Sunday para maging member ng Battle Cry.

"Bakit kailangan ko bang i-report sa inyo 'yon? Hindi ako sasali sa kahit anong Squad. Naglalaro ako para mabawasan ang stress ko at hindi para lalong ma-stress ako, okay?" I explained at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Shinobi, ang laki ng potential mo. Even our captain noticed you—"

"E 'di, thank you."

Pumasok kaming dalawa sa Mercenary guild at kinausap ang leader nito para matapos ang quest. Nag-level 15 ako sa pagkakataong ito at makakahabol na ako kanila Clyde. Tama si Rufus, mabilis lang namin ito natapos dahil tinulungan niya ako.

"We will give you another chance para ma-evalua—"

"Ngayon pa lang, I am turning down your offer." I smiled. "Sorry, hindi lahat ng Hunters ay gustong maging Pro players kagaya ninyo."

"Papayag ka din." He smirked.

"Mas marunong ka pa sa utak ko. My God." I rolled my eyes at nag-logout na sa game. Bahala siya doon.

MATAPOS kong maglaro ay ipinahinga ko lang ng ilang minuto ang mata ko bago maligo, after that ay natulog na rin ako dahil masakit pa rin ang katawan ko dahil sa dami ng activities na ginawa namin nila Kuya sa Ilocos.

Kinaumagahan, pagkatapos naming mag-jogging nila Kuya ay nag-marathon muna ako ng The Society sa Netflix. Hindi ko naman in-expect na magandang series pala siya and nanghihinayang ako dahil walang season 2.

"Anak, may naghahanap sa 'yo sa labas," sabi ni Dad noong nakita niya ako sa sala.

"Baka sila Clyde lang? Dapat pinapasok ninyo na po." Sanay na sanay naman ang mga iyon na pumapasok sa bahay namin kahit hindi pinapapasok.

Hindi rin pumasok sina Mom at Dad dahil na rin sa sakit ng katawan nila. Sila Kuya London naman ay umalis na after jogging para pumasok. Kailangan na daw nilang kumayod dahil ang laki ng nagastos nila sa bakasyon na iyon.

"Hindi sila Clyde. Makakapal mukha no'ng mga kaibigan mo na 'yon, hindi na magpapaalam sa akin 'yon." Sabi ni Dad at may dalang timba para diligan ang halaman niya sa likod. Kunwaring basher lang si Dad pero ang favorite niyang kakuwentuhan si Trace sa barkada ko.

Kumunot ang noo ko at pinause ang pinapanood ko. Naglakad ako papalabas ng bahay at ang Ford Mustang na sasakyan agad ang nakakuha ng atensiyon ko. Nakahinto ito malapit sa bahay. Binuksan ko ang gate at tumingin-tingin sa paligid kung sino ang naghahanap sa akin.

The door of the car opened at napatingin ako rito.

"Paano mo nalamang dito ako nakatira?!" Tanong ko.

Paano ba naman, si Dion ang lumabas sa sasakyan! He is wearing a Fly Emirates shirt at khaki short. Nakaayos din ang buhok nito at ngumiti noong makita ako. "Ask your friend."

"Bakit naman sasabihin ng mga kaibi..." Si Shannah.

"I chatted her on facebook, nag-reply agad." Ano pa bang aasahan kay Shannah? Mambubugaw na kaibigan 'yon.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko. Bare face lang kaya ako ngayon! Ang oily ng mukha ko. "Anong ginagawa mo rito?"

"Gusto lang kitang makausap." He said straightforwardly.

"Hindi kita gustong makausap." Sagot ko. "Umalis ka na."

Buti na lang talaga at wala ang dalawang Kuya ko rito.

"Papaalisin mo lang ako ng ganoon-ganoon lang? Bumiyahe ako papunta rito, entertain mo man lang ako." Nagmalungkot na boses pa si Dion. Akala niya yata cute siyansa ginagawa niya... Well, cute nga.

"Milan, pumasok kayo rito ng kaibigan mo. Ang init diyan!" Sigaw ni Dad habang binubuksan ang gripo ng hose.

Matalim kong tiningnan si Dion.

"Puwede po ba?" Sigaw niya kay Dad.

"Milan, papasukin mo 'yang bisita mo. Ang init diyan, 'nak." Ulit ni Papa.

Bumuntong-hininga ako. "Halika na nga."

Binuksan ko ang gate at sumunod siya papasok sa bahay. "Laki sa aircon nga. Tama si Oli." Sabi ni Dion habang tumitingin sa paligid.

"Anong sabi mo?!"

"Ah, wala. Laki ng bahay ninyo." He said.

Pinaupo ko siya sa sala at pinlay 'yong series na pinapanood ko.

"Diyan ka lang. Magbibihis lang ako. Huwag tayo dito sa bahay mag-usap." I informed him at nagmamadaling umakyat papataas.

Bakit ba hindi na nagkaroon nang katahimikan ang buhay ko ngayon? Mapa-gaming o mapa-real world ay pinepeste ako ng mga professional players na ito. Ang gusto ko lang naman ay payapang makapag-binge watch ng The Society.

Dahil nga mabilisang pagbibihis lang ang ginawa ko. I just wear the outfit kung saan ako komportable. I wear a denim short and an oversize large white shirt na may Mickey Mouse na design sa gitna.

Sinuot ko na lang din ang Adilette ko instead na magsapatos para komportable. Hinayaan ko lang din bagsak ang maiksi kong buhok dahil natural na wavy naman ito. All done.

Pagkababa ko ay napatingin sa akin si Dion. Ilang segundo rin siyang nakatingin sa akin bago bumalik ang tingin niya sa TV.

"Tara na." Aya ko sa kanya. "Sa Mustang mo na lang ako magsusuklay ng buhok. 'Wag ka nang maarte."

"Hindi sa akin 'yong Mustang, sa boss namin." Nahihiya niyang sabi.

Nagpaalam ako kanila Mom na lalabas muna ako at um-oo naman sila basta huwag lang daw ako magpapagabi.

Lumabas kami ni Dion at sumakay sa sasakyan ng Boss niya. "Alam mo, hindi ka na dapat nagpunta rito. Firmed ako sa sagot ko." Tiningnan ko ang repleksyon ko sa camera ng cellphone ko habang nagsusuklay.

He started the engine at lumabas na kami sa village.

"Can we talk about that later?" He asked.

Napatigil ako sa pagsusuklay at napatingin sa kanya. "Bakit pa natin patatagalin, iyon naman ang ipinunta mo rito? A no is a no."

"Umitim ka yata." Sabi niya pero focus siya sa pagmamaneho. Buti na lang smooth lang 'to mag-drive. Subukan niyang bumarurot, bababa ako rito at mamamasahe pauwi.

"Nagbakasyon kami." Sagot ko. "That's the reason why I am not online for a couple of days." Kuwento ko. Binuksan ko ang pouch ko at kinuha ang lip tint. "Dito na ako magme-makeup, ha."

"Kaya mo mag-makeup habang nagda-drive? I mean, puwede kong igilid muna ang sasakyan." He said.

"I have two brothers na madaling-madali sa buhay. Kaya ko." I waved my hand at sinabing  magpatuloy lang siya sa pagda-drive

Kay Kuya London na nahasa ang pagme-makeup ko sa sasakyan dahil ang bagal-bagal ko raw maligo at kumilos kung kaya doon na ako nagme-makeup.

"Wow, that's a talent." Naiiling niyang sabi.

"I know." I smirked. "Saan nga pala tayo kakain?" I pressed my lips para umayos 'yong lipstick ko.

"Wala ka ng toyo? Ang ayos mo na kausap, eh." Sabi niya at huminto noong nag-red stoplight.

"Because kahit ano pang pamimilit mo sa akin today, my answer will stay the same. No." I said and smiled. "Ang tahimik. Magpapatugtog ako, may bluetooth ba 'tong Mustang-Mustang mo? Sorry first time kong makasakay sa ganito."

"Awit. Ayaw na ayaw mo talaga, ha." Sabi niya at siya ang nag-connect sa bluetooth ng phone ko.

"Ayoko talaga. Kumain na lang tayo tapos uwi na rin agad para hindi naman masayang ang pagpunta mo rito." Sabi ko. "May alam ka na bang pupuntahan? I can suggest naman since I am more familiar in this area. Puwedeng sa Malolos madaming kainan doon. Although, traffic."

"Sabi naman ng Dad mo kahit gabi ka umuwi, 'di ba, Shinobi?" Tanong niya.

Nag-cringe ako. "Milan na lang. Ang awkward kapag tinatawag ako sa username ko." Paliwanag ko sa kanya. "Siguro before 6 dapat nasa bahay na ako. 'Yong wala pa sila Kuya."

"Anong oras na ba?" Tanong niya.

I checked my phone. "Magla-lunch pa lang."

"Dalhin kita sa Boothcamp." Nakangisi niyang sabi at napalingon ako sa kanya

"Huy ang layo no'n!" Reklamo ko.

"I am the one who's driving," he said at saglit na tumingin sa akin. "Before 6 makakauwi ka na sa inyo." Paninigurado niya.

Napasandal ako sa upuan. Ang sasakit sa ulo ng mga Pro players.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top