Chapter 158: Going Home

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

GUSTUHIN ko man na sumabay kanila Mom na umuwi na ng Bulacan ay hindi ko pa puwedeng gawin dahil may mga schedule pa kami bukas for interview at ilang photoshoot. Sinabi ni Sir Theo na isiniksik niya na sa araw na iyon ang lahat ng gawain namin para makauwi na kami sa kaniya-kaniya naming probinsya.

Ang kabilin-bilinan lang ni Mom ay dapat sa Christmas ay kasama nila ako and they also invited Dion kahit alam na nilang sa amin siya magki-Christmas.

"Kulang na lang sa inyo, kasal, 'no?" Pagkausap sa amin ni Larkin habang nasa biyahe kami pabalik ng boothcamp. "Magkasama na kayo sa iisang bubong, legal na sa parents, 'yong mga pinag-aawayan ninyo pang mag-asawa na! Ako na bibili ng singsing parq sa inyo."

Binato ko siya ng isang pirasong nova na kinakain namin ni Dion. "Chika mo. Hindi pa ako puwedeng magpakasal. Madami pa akong pangarap sa buhay." Ang weird na napasok iyon sa usapan dahil kaka-19 ko lang din samantalang 21 pa lang si Dion. Saka hello estudyante pa ako!

"Magagawa mo naman iyon ng kasama si Dion, ah!" Oppa said.

"Ito, Milan," sumingit naman sa usapan si Liu na katabi ni Larkin. "Sa tingin mo, si Dion na talaga ang para sa 'yo? Same question din sa 'yo, Dion."

"Ayan na naman kayong dalawa sa interview eme-eme ninyo na 'yan." Silang dalawa din ang nanggisa sa amin ni Dion noong hindi pa kami. Nagkatinginan kaming dalawa ni Dion at bahagyang natawa.

"Tangina ninyo, huwag ninyo akong tinatawanan ng ganyan. Huling tumawa sa tanong ko itinapon ko palabas ng bus." Biro ni Liu at nag-apir silang dalawa ni Larkin. "Sagutin ninyo ang tanong ko."

"Hmm... too early to say na kami na talaga para sa isa't isa." I answered honestly dahil marami pa naman talaga ang puwedeng mangyari. "I am hoping na sana kami na pero siyempre nasa reality tayo na may mga unexpected instances 'di ba? So puwedeng kami na at baka puwedeng hindi rin." Paliwanag ko in a way na hindi siya tunog negative.

I mean, oo, gusto kong si Dion na ang end game ko on the way he treat me now. Pero 'di mo rin masasabi ang dikta ng panahon. Parang 'yong mga kaibigan mo lang noong elementary na sinabi mo kaibigan kayo forever pero hindi na kayo nagpapansinan ngayon. Time will tell.

"Ay awit, nakakahiya kapag nag-break kayo. Nakapag-bonding na pamilya ninyo." Sagot naman ni Larkin.

"That's the purpose of dating." Sagot ni Dion. "Pero siyempre, iwo-work naman naming dalawa na kami na talaga."

"Sana all. Ako tamang swipe right-swipe left lang sa bumble." Liu said at kami naman ang natawa. Ang lakas talaga ng pananalig niya sa mga dating apps.

Nakarating na kami sa boothcamp ay may iba pa sa aming nag-live kagaya ni Noah at ni Juancho dahil gusto raw nilang mag-thank you sa mga fans ng Orient Crown na sumuporta sa kanila. Grabe ang energy. Ako naman ay sobrang pagod na sa daming human interaction na nangyari sa akin maghapon tapos maaga pa ang schedule ko with Larkin and Callie bukas dahil may interview kami sa isang morning show.

***

MABILIS na lumipas ang maghapon at kung pagod ako kahapon ay mas pagod ako ngayon. Mula 7AM ay may schedule for interview, may advertisement na kailangan i-shoot, photoshoot, at may nga vlogs pa behind the camera na kailangan mag-appear. Goods naman na siniksik na ni Sir Theo ang mga schedule namin ngayong araw pero alam ninyo 'yon? Nakakaubos ng energy.

Ngayon ay nage-gets ko na ang feeling ng isang artista. Nakakapagod. Really not for me.

Pagkabalik namin sa boothcamp ay ibinagsak ko agad ang katawan ko sa bean bag sa may sala. "Buti na lang talaga at tapos na." Reklamo ko dahil 7 na nang gabi kami nakauwi. Si Larkin nga ay dumiretso na sa kuwarto nila dahil matutulog na daw siya, wala na raw siyang lakas para makipag-asaran sa amin.

Naputol ang pamamahinga ko noong makita si Liu na naglalakad palabas ng kuwarto dala ang kaniyang maleta. "Saan ka pupunta?" I asked.

"Uuwi?" He answered unsure. "Hala kayo, potangina ninyo parang kasalanan na umalis agad ng boothcamp. Tapos na activities ko, uuwi na ako."

"Ang hilig mo umalis ng biglaan 'no?" sagot ko sa kaniya.

"Putangina ikaw ba naman may flight ng ala-una mamayang madaling araw. Pagkatagal-tagal pa sa immigration at paulit-ulit lang naman ang tanungan. Babalik na akong China, ako ay hinahanap na sa amin at doon ako dapat magpasko." Sabi ni Liu. Kahit pagod ako ay tumayo ako para yakapin siya.

"So kailan kita ulit makikita niyan? Mami-miss kita." I said to him.

"Luh, pa-fall." He answered. "Sampalin ko kayong dalawa ni Dion, ako ay sawang-sawa sa pagmumukha ninyong Angel's burger kayo." Pagbibiro niya but he hugged me tightly. "Kita tayo next year? Practice kapag may tournament. Saka magkikita naman tayo in game 'wag kayo mag-alala."

Everyone bid a good bye to Liu. "Alis ka na, Kuya Liu?" Tanong ni Noah sa kaniya.

"Oo nananawa na ako sa mukha mo." Liu said and he ruffled Noah's hair. "Ingat ka rin pauwi mo ng Ilocos. You made us proud, kaming mga kuya mo."

Nakaka-proud naman kasi talaga si Noah, from being a solo player ay nagawa niyang mag-blend in sa laro naming lahat. Also as the time goes by ay natutunan niyang respetuhin ang mga nakatatanda sa kaniya rito. Hindi siya naging spoiled beat dito sa Boothcamp na feeling ko naman ay ikatutuwa ng parents niya.

Liu waved to us one last time bago nagmamadaling umalis dahil nandoon na raw ang binook niyang Grab. "Akalain mo 'yon, sa China pala talaga nakatira ang mokong na 'yon. Akala ko singkit-singkitan lang si Gago." Biro ni Kaden at bahagya kaming natawa ni Dion.

Speaking of Dion ay naalala kong may pinapasabi si Dad sa kaniya. "Dion, sabi ni Dad bukas ay sa amin ka muna raw then by monday ka na raw umuwi sa Nueva Ecija."

"Bakit daw?" Tanong ni Dion habang naglalaro ng jetpack joyride sa cellphone niya.

"Hindi ko rin alam. Bakit, may agenda ka na ba tomorrow? Puwede ko naman sabihin kay Dad kung mayroon." I said and get my phone to message Dad.

"Wala naman akong agenda bukas. Gusto ko lang malaman kung bakit, baliw. Pero sige kamo doon muna ako then monday morning na lang ako uuwi." He explained dahil tapos na rin naman ang schedule niya ngayong araw. Although, magla-live pa siya mamaya. Nagpaalam naman na ako na hindi ako sasabay sa kaniya dahil gusto ko nga makatulog ng maaga.

"Sige, susunduin daw tayo ni Kuya London bukas." Napahikab ako ng wala sa oras at natawa si Dion. "Tinatawa mo riyan?"

"Dati ako ang madaming schedule sa ating dalawa tapos ngayon ay ikaw 'tong full-pack." He chuckled at inakbayan ako. "Sige na, matulog ka na. Baka sabihin na naman ng kuya mo ay kinakawawa ka namin dito sa boothcamp. Alam mo naman mga kuya mo..."

"OA." Ako na ang nagtuloy. Lalo si Kuya London, napaka exaggerated ng mga expressions.

Sinamahan ako ni Dion paakyat. He gave me a tight hug before going downstair para mag-live. Hindi na rin ako nagpuyat dahil ilang minutes pa lang yata ang nakalilipas pagkahiga ko ay agad-agad din akong nakatulog.

***

PAGKAGISING ko sa umaga ay ang una kong ginawa ay iayos ang gamit ko pauwi ng Bulacan. God, hindi ko in-expect na ganito karami ang dinala kong gamit sa boothcamp at kinakailangan ko pang mag-isang malaking maleta at isang duffle bag. On my defense, matagal din naman talaga akong nag-stay rito sa boothcamp.

Pilit kong pinagkakasya ang ilang mga damit ko sa maleta noong may kumatok sa pinto at tumambad sa akin si Kaden. He is wearin a black Jacket at nakamaong na pants. Tumingin ako sa kaniya. "Oh? Aalis ka na?" I asked him.

"Oo. Mauuna na ako, hinihintay rin ako ni Nicole, eh. Also, kailangan ko pang suyuin parents niya dahil nga sa mga nangyari." I am nust happy na hindi nagpakagago si Kaden para takbuhan ang responsibilidad niya. Ito siya, inaayos 'yong gusot na nagawa niya.

"I am just happy that you are becoming a Daddy now." I smiled to him at saglit tumigil sa pag-aayos ng gamit. "What's your plan? Are you totally quitting on Esports or papahinga ka lang?"

Kaden sat on my bed. "Sabi ni Coach ay tingnan daw muna namin kasi gusto rin nila na lumaro ako next season. Pero ang plano ko ngayon, magba-branch out ako ng isang milktea shop. Nakaupa na rin ako ng puwesto sa harap ng isang school. I just hope that it will be a good source of income."

"Milk tea and snacks will be a good combination. Puwede kang manghingi ng tips kay Oppa sa mga puwedeng i-serve. Culinary student naman 'yon." Paliwanag ko sa kaniya.

"See you next year?" He asked.

"Ang weird ng Next year, parang ang tagal kahit December naman na." Natatawa kong sabi. Nakipag-apir sa akin si Kaden bago siya lumabas ng kuwarto.

After putting all my clothes in my luggage ay sunod ko naman na ginawa ay ayusin ang kuwarto ko rito sa boothcamp. Ayoko naman na iwanan ito ng madumi. As I fix my bed ay nakatanggap na ako mg chat mula kay Kuya London.

London:
BGC na ako. Labas ka na agad, huwag ka feeling artista.

Milan:
K.

Hinatak ko na ang maleta at isinukbit ang duffle bag sa balikat ko. Kumatok ako sa kuwarto nila Dion at maging siya ay naka-ready na ang kaniyang gamit paalis. Pagkatapos niya kasing umuwi sa bahay ay didiretso na rin siyang Nueva Ecija.

"Dala mo na ba lahat?" Tanong ko sa kaniya. "Cellphone, charger, powerbank?"

"Luh, gaya-gaya ng line. Nasaan na raw si London?" Tanong niya.

"Papunta na, baka papasok na ng village." Napatingin ako kay Robi. "Sasabay ka na ba sa amin pabalik ng Bulacan?" Taga-Pulilan lang din kasi si Robi so puwede siyang sumabay sa amin.

"Kasya ba? Kung kasya naman sige para iwas gastos na rin." He said. Feeling ko naman ay si Kuya London lang ang susundo sa amin dahil busy rin si Kuya Brooklyn, naghahabol daw siya ng promotion this December kung kaya't nagpapabibo siya.

"Kasya naman siguro. Kung may kasama si Kuya, pretty sure ay si Forest lang 'yon." Pero I doubt that dahil alam ni kuya na allergic ako sa balahibo ng aso.

Maya-maya lamang ay may busina na kaming narinig mukhang nandito na si Kuya London dahil tunog abnormal ang busina, eh. Paano ba naman kasi tinatadtad niya 'yong busina, nambubulabog pa ng Kapitbahay. Nagpaalam muna ako kanila Sir Theo and he will chat me na lang daw kung may biglaan akong schedule.

Ngayon? Excited lang akong umuwi. Ang sarap lang gumising na walang training na poproblemahin maghapon. "Napakababagal, mga desundo pa ang gago." Reklamo ni Kuya London na nasa labas ng boothcamp. "Ano 'di ninyo man lang ako pagbubuksan ng gate? Wala man lang pa-tubig diyan?"

Umirap ako sa ere at kinaladkad ko ang maleta ko. "Dion, kuha mo na ngang bottled water 'tong grab driver natin." sabi ko.

"Ulol mo. Pogi ko naman Grab driver." Tinulungan ako ni kuya at inilagay niya sa likod ng sasakyan ang mga gamit ko. "Ikaw magbayad ng pang-gas, balita ko malaki raw nakubra mo diyan sa Championship."

"Chika mo, 'di pa processed 'yong tseke. By the way, sasabay sa atin si Robi pauwing Bulacan."

"Basta pang-gas." sagot nito.

"Oo na, kuya, ako na sa Gas." Umupo na ako sa shotgun seat at hinintay namin sina Dion.

"Tangina ipagdasal mong 'di traffic sa EDSA ngayong oras." sabi ni Kuya. Sumakay na sina Dion at umikot na si Kuya para makalabas ng Subdivision.

I played Paligoy-ligoy, Kio Priest version dahil ang ganda niya for chill drive.

Ngayon, isang chapter na naman ang natapos sa buhay ko at uuwi na ako. I don't know kung ano pa ang mangyayari sa journey ko as professional player but definitely, I want to aim bigger kaysa sa na-achieve ko ngayon. As long as Dion is there, I am pretty sure that I will stay in Esports scene.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top