Chapter 157: Celebration
Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20.
Sharing the story in tiktok, facebook, or any SocMed platforms is highly appreciated. Thank you!
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa naming manalo sa Season 4 tournament. I mean, that's the goal pero parang sobrang saya ng puso ko na sa pakiramdam ko ay parang hindi totoo ang mga nangyayari.
"You will have thirty minutes rest at matapos noon ay may interview kayo sa harap ng press, freshen up and make yourself presentable." Iyon ang sabi sa amin ni Sir Theo pagpasok namin sa backstage. Umupo ako sa isang bakanteng monoblocks at uminom sa tumbler.
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Dion at umupo sa tabi ko. "Para kang lutang diyan sa ekspresyon mo." He chuckled.
"Epal." I answered and rolled my eyes. Bahagyang natawa si Dion. "Ang surreal lang ng mga nangyayari. Hindi siya mag-sink in sa akin na nanalo nga tayo sa season 4 tournament. Para siyang isang malaking panaginip." Paliwanag ko sa kaniya.
"Luh, huwag mo namang pangarapin na panaginip lang 'to dahil grabe ang pagod ko sa match kanina." sabi ni Dion.. "Saka nagawa natin 'to dahil maayos ang plano na inilatag mo sa amin. Ginawa mong parang chess ang battle field kanina."
"Actually hindi ko rin alam kung paano siya biglang pumasok sa isip ko," natawa si Dion. "Legit! Parang bugso na lang din ng damdamin na kailangan may gawin ako at that moment kasi hawak ni Choji ang laro. Parang biglang sumagi lang sa isip ko na kapag nasa pinakamataas ako na lugar ng mapa ay mahihirapan silang makita ako and at the same time, I will have the full visibility sa buong map. Tapos, advantage na rin na alam ko 'yong sewage area ng Silanya Town."
"Well you effectively execute it." Dion said.
"Kasi magaling lang kayo sumunod." Sagot ko sa kaniya. "Hindi ko naman effort iyon mag-isa dahil lahat kayo ay nakipagtulungan sa plano ko."
"Pa-humble." sabi ni Dion.
"Epal mo."
"Captain, ano magandang DP?" Lumapit sa akin si Noah at ipinakita ang camera rolls niya. "Alin dito maganda?"
"Seryoso ka? Sampung picture pinamimilian mo?"
"Kaunti pa nga 'yan, eh! Dinelete kasi ni Kuya Larkin 'yong iba kasi pangit daw siya ro'n... samantalang napakalayo niya at nasa background lang naman!" Reklamo ni Noah na natawa ako. Paborito talaga nilang buwisitin itong si Noah.
I checked his phone at ako ang pumili ng picture niya. Pinakagusto ko 'yong picture na kung saan hawak niya sa kanang kamay niya 'yong trophy habang naka-peace sign. Ang genuine ng smile niya roon at ang baby tingnan. "Ito, maganda 'to."
"Sige, mabilis naman ako kausap." He answered.
As we are waiting para ma-interview ay may text akong natanggap mula kay Kuya London. Hindi ko ma-check ang messenger, IG, at Twitter ko at in-off ko muna ang notification dahil bombarded ako ng message dahil sa pagko-congratulate nila sa akin. As in tunog siya nang tunog.
Sabi ni Dion ay i-off ko na lang muna raw dahil baka mag-hang ang phone ko. Na-experience niya na raw kasi 'yon... well, ikaw ba naman magkaroon ng viral picture online na paulit-ulit nagre-resurface so learn from the veteran na lang din.
From: London ampon (I named it noong buwisit ako sa kaniya, hindi ko na pinalitan.)
Hoy huwag kang mayabang porke't champion ang team ninyo. Sumama ka raw kumain mamaya.
To: London Ampon
Balak yata mag-rent nila Coach ng place, sa Samgyupsal-an. Baka gusto ninyo doon na lang, send address ko na lang?
From: London Ampon
Tanungin ko si ssob (kuya)
From: London Ampon
Sige raw. Saka may sasabihin pala ako.
To: London Ampon
Ano na naman?
From: London Ampon
Ang pangit mo sa long hair mo. Mukha kang tubol.
To: London Ampon
Kulang ka talaga sa pansin. 🙄
From: London Ampon
Alam ko. Send address ha. Gegegege
I immediately asked Sir Theo regarding the location sa text and tinanong ko na rin kung puwede sumama sila Shannah sa celebration. Mabuti at pumayag si Coach at hindi siya naghigpit sa budget namin.
Ilang minuto bago ang interview namin sa presscon ang nag-freshen up na kami para mukha naman kaming okay sa camera.Hindi na ako nag-heavy makeup sa pagkakataong dahil nakakahulas ang maghapong activities. "Lagyan kita foundation." sabi ko kay Dion habang hawak ang make up kit ko.
"Luh, ayan ka na naman, last time na minake up-an mo ako sa isang interview. Namumutok ang labi ko sa pula dahil sabi mo okay lang sa camera." reklamo niya. Well, fault ko naman talaga 'yong last time.
"Duh? Bawal magkaroon ng improvements? Bilis na. Ano lang 'to," I scanned his face. "Foundation, powder, liptint, saka concealer sa tigyawat mo."
"Hindi mo pa kumpletuhin? Lagyan mo na rin kayang highlighter saka mascara." Reklamo niya at napairap ako sa ere. Ang reklamador naman nitong kliyente ko. "Ayoko. Iba na lang."
"Bilis na! Ilang minutes na lang pupunta na tayo sa presscon. Payag ka kita 'yong pores mo sa camera?" I asked him.
"Oo, ganito ang tunay na mukha ng mga atleta. Bare face." Confident na sagot ni Dion.
"Mukha mo. Akala mo naman sobrang physical activity ng sports mo. Ni-takbo nga sa umaga 'di mo magawa." Kontra ko sa sinasabi niya. Ako na nga ang sumuko kay Dion na ayain siya sa morning jog dahil ayaw niya talaga.
"Grabe, wala kayong pinagbago, 'no?" Biglang sumingit si Liu sa usapan namin na kasalukuyang nasa harap at umiinom ng Starbucks na kape. "Walang kakuwenta-kuwentang bagay ay pinag-aawayan ninyo."
"Ito kasing si Dion." Reklamo ko.
"Luh, galing manisi, ah." Sagot naman niya.
Ang ending? Well, nanalo ako. Ako ang nag-ayos sa kaniya at natuwa naman ako sa resulta dahil hindi na putok na putok ang labi niya sa pula.
"Yabang, pogi, ah." Larkin said. "Parang gaganap sa vivamax."
"Tangina mo." Sagot sa kaniya ni Dion.
Kumatok ang isang staff sa pinto ng waiting area namin. "Orient Crown, standby na po tayo sa press area."
Bago kami makalabas ay hunarangan kami ni Ciach Russel sa tapat ng pinto. "Be careful with your words, bawal magmura. Huwag din kayo magsasabi ng kahit anong racist or derogatory word."
"Yes Coach." sagot ko.
"Buti na lang hindi ko alam meaning ng derogatory." Nakangiting sabi ni Noah at napailing na lang ako sa kaniya.
Naglakad kami papalabas at pumunta sa room kung saan gaganapin ang interview. Pagpasok pa lang namin sa pintuan ay kabi-kabilang flash ng camera ang tumama sa mata ko. Iba-ibang press mula sa iba't ibang media group ang um-attend dito. Well, isa naman talaga ang Hunter Online sa mga sinusubaybayang laro ngayon sa Pinas.
There is a long table from left, middle, right corner of the room dahil sa dami ng members namin. "Please welcome, the season four champion if Hunter Online." Pumalakpak ang mga tao sa silid at umupo na kami sa designated seats namin.
"Milan, any message sa mga taong pumunta ngayon?" Hanz asked me.
I grabbed the mic na nakapatong sa table. "Sana okay pa kayo," natatawa kong sabi habang nakangiti sa media. "I mean, maghapon tayong nandito sa Arena para mag-antabay sa resulta ng tournament. Kaunting tiis lang po, matatapos na din 'yong event at makakapagpahinga na po tayong lahat." Hello! Nakakapagod kaya mag-coverage ng isang event. Na-experience ko rin 'yan noong highschool ako sa presscon.
"This question is for Milan," a press from GMA suddenly asked. "How do you feel right now as the Captain of Orient Crown na naging champion kayo. Also, your great command skill lead your team to victory. Anong masasabi mo roon?"
"Hmm..." saglit akong nag-isip. "Of course I am really happy right now na parang feeling ko hindi totoo 'yong pagkapanalo namin, ganoon level 'yong pagka-surreal niya. Also, hindi lang naman ako ang naghirap para makamit 'yong championship. Thankful din ako sa mga teammates ko na walang nagmaasim, walang gumawa ng sariling atake, it's a well-coordinated plan kung kaya't na-execute namin ng maayos."
"But how did you come up with that plan? Pinagplanuhan ninyo ba talaga siya or biglaan lang ang lahat?" Follow up question niya.
"Matalino kasi si Milan." Larkin said na nasa kabilang side ng table at natawa ang lahat.
"Chika mo. Baka maniwala sila sa 'yo." I answered to him and he chuckled. "It was an on the spot plan. Siguro advantage na maituturing na mas kabisado ko ang Silanya Town than anyone in HO kung kaya't nanalo kami. But I only think that moment na parang chess game ang labanan kanina so that it will be easier to come up with a tactic that will be effective."
"'Di ba, matalino. May chess-chess pang nalalaman." Epal naman ni Liu.
"Ano ba, ginawa ba 'tong presscon na 'to para pagkaisahan ako?" I jokingly said at natawa ang lahat sa room.
A press from Manila Bulletin naman ang turn na magtanong. "Hi, this is Jacob from Manila Bulletin. This question is for Dion na sinasabing ikaw raw ang future best core ng Hunter Online. Kumusta ang proseso nang pagpapalit ng role. Did it became a huge challenge for you?"
Iniabot ko kay Dion ang mic. "Hmm... parang ang layo ko pa sa pagiging best core kasi nitong tournament ko lang siya naipakita." Everyone teased him. Ang fun lang ng interview na ito dahil ang light ng atmosphere. "'Yong change role naman is bago pa kami pumasok sa Orient Crown ay inabisuhan na kami ni Sir Theo patungkol doon and of course it was a challenge for me. Hindi lang sa akin maging sa mga iba pang members na nagpalit ng role. Pero siguro sa akin 'yong may mabigat na pressure knowing the fact that me And Callie will switch role. Callie 'yan, eh."
"Alam ko." Sabat ni Callie at natawa kami.
I nodded dahil ramdam ko ang hirap mg adjustment na iyon. "We trained secretly. 'Yong Zero Chance na group sa HO ay kami rin 'yon." Everyone looked shock with his announcement. "Yes, may mailalagay na kayo sa mga headline ninyong revelation. Zero Chance is also Orient Crown na ginamit namin as Dummy account to train. Of course it was a plan created by the season one champions– Sir Theo and Coach Russel."
"It was hard pero maganda naman din ang kinalabasan kung kaya't worth it lahat ng pagod at hirap." sabi ni Dion.
The interview continued and fortunately, walang na-left out na member dahil lahat sila ay may baong tanong sa bawat isa sa amin. Katulad na lang kay Kaden na tinanong kung ano ang next sa kaniya dahil magiging Daddy na nga siya. Well, Kaden will take rest sa professional league and will use his money to start a business.
Tinanong din si Larkin about his family issue at pabiro niya lang itong sinagot na he is settling things privately and he doesn't want to release any information in public anymore. Which is tama naman, mas okay na ayusin ang problema na kaunti ang nakikisawsaw.
"This question is for Callie, the MVP of this season." Sabi ni Harold na isang reporter from Net25. "How does it feel na ikaw lang ang kaisa-isahang player sa Hunter Online na tatlong beses ng nagcha-champion sa Hunter Online tournament. From season 2 up to season 4 ay champion ka."
"Hmm. I do expected it already," Callie chuckled at napa-oooh ang crowd. Buti na lang sanay na ako. "As a player, I continue to thrive hard para ma-improve 'yong skill ko and I always make sure that I am at my best sa bawat laban. Winning is just a fruit of hardworks na ginawa ko." Callie explained at napatango ako dahil ever since ay magaling na player na si Callie at hindi niya pinagdadamot ang mga alam niya sa kapwa players niya.
Mayabang siya pero hihilahin ka rin niya paitaas kung kaya't deserved niya rin naman talaga na maging MVP ngayong season.
"Ngayong naging Champion na kayo, what's next para sa Orient Crown?" A press asked at sinabihan kami na baka last question na ito. Thank God dahil baka naiinip na sina Mom sa rented place namin to celebrate.
Isa-isa kaming tinanong at of course, marami ang nagsabi na baka uuwi muna sila sa kaniya-kaniyang probinsya nila para makapagpahinga. Si Liu lang ang naiba dahil uuwi siya sa China para magbakasyon.
"'Yong sa akin naman, same lang din kagaya ng sinabi nila Noah at nila Larkin. Uuwi rin ako sa Bulacan to spend time with my family and siyempre excited na akong bumalik sa pagpasok sa University since ilang months din akong nag-online class lang. since we are qualified in Season 5 tournament (advantage of being part of top 3) ay mahaba-haba ang magiging bakasyon namin." I explained at napatango-tango ang press.
Pagkatapos ng interview ay kinuhanan na lang kami ng litrato at natapos ito. Mabilis kaming pumunta sa designated room namin para kuhanin ang kaniya-kaniyang gamit. "Ako na ang magbibitbit. Nandito na lahat ng gamit mo?" Dion asked.
"Wait check ko," inikot ko 'yong paningin sa paligid at nakita ko ang tumbler ko na nakapatong sa table. "Buti pala, chineck ko last minute."
"Tsk tsk. Si kalimot." Naiiling na sabi ni Dion.
"Tse!" Si Dion ang nagdala ng bag habang hawak ko ang trophy. Wow, ang bigat niya, ha! Hindi katulad nung mga trophy sa school na nabibili lang sa Pandayan na magaan.
"Samgyup! Samgyup!" Iyan ang isinisigaw ng lahat habang papalabas kami. I mean, bakit hindi, we deserved Samgyupsal din naman after a long tournament.
Paglabas namin sa backstage ay hindi namin ini-expect na madaming tao pala ang nakaabang sa amin. Ilang oras nang natapos ang tournament but some people still stayed here and wait for us to congratulate us.
Mabagal ang naging pag-usad namin dahil sa dami ng tao. May mga nagpapa-sign ng merch nila na hindi ko naman din tinanggihan. That's the least thing that I can do for them to make their day after waiting for so long.
Dahil sa commotion at maging ang mga ibang tao sa MOA ay napapatingin na ay kinailangan na namin ng tulong ng mga security personnel para makapunta kami sa bus namin. "Grabe, feeling ko BTS ako that moment." ibinagsak ni Oppan ang puwetan niya sa malapit sa window seat.
"Ni-kuko ni Jimin 'di ka papasa, uy." Asar ni Liu sa kaniya.
"Wow, galing sa mukhang alikabok sa bodega." Ganti naman ni Larkin.
Noong makumpleto na kami ay pumunta na kami sa pinakamalapit na Romantic Baboy na nirentahan ni Sir Theo. Pagpasok pa lang namin ay isang confetti na agad ang sumabog para i-congratulate kami. Some of our friends are here already maging sina Kuya.
"Mom, Dad!" wika ko at yumakap sa kanila. Hindi kasi nagkaroon ng chance magkaroon ng interaction kanina sa arena dahil sa dami ng ginagawa at sobrang busy sa tournament.
"Congratulation, anak." Dad said and kissed my hair. "Sayang lang at hindi nakalaro sina Oli diyan sa tournament na 'yan."
"Daaad!" My Mom laughed. "Kaunti na lang talaga at maniniwala na akong si Oli at Gavin ang paborito mong anak."
"Biro lang. We are so proud of you." Dad said while smiling at me.
"Thank you." I hugged him tightly. Grabe! Sa sobrang tagal kong nawala sa bahay ay na-miss ko na si Mom and Dad.
Nandito rin sa event ang ALTERNATE at Battle Cry na malapit naming magkaibigan. Nandito rin ang kulokoy boys at si Shannah. Unfortunately, wala si Ianne dahil busy siya sa Baguio but she sent a message to congratulate me.
We just enjoyed our meal at siyempre nag-message sina Sir Theo and Coach Russel. Super saya lang. Everytime I check my socials ay doon lang nagsi-sink in sa akin na nanalo nga kami dahil laman kami ng Facebook, news site, twitter, at maging sa Tiktok.
"Do you want to go out?" Tanong sa akin ni Dion noong mapansin niyang nakatahimik na ako. Well, tao lang din ako at nauubusan ng social battery kapag maraming ingay na sa paligid.
"Tara, pahangin, tayo." Aya ko sa kaniya. Unang tumayo si Dion. He hold my hand at nagpaalam ako kanila Dad na labas lang kami ni Dion saglit.
Umupo ako sa bakanteng wheelstop sa may parking space at uminom sa bitbit kong coke.
"Umupo ka kaya, sinisira mo 'yong view ko sa mga stars." Biro ko sa kaniya at bahagyang umusog para magka-space at makaupo siya.
Inunat ko ang paa ko at mahinang minasahe ang binti ko dahil sa maghapong lakaran. "Nag-champion na tayo." sabi ni Dion habang nakatingin siya sa kalangitan. Maririnig mula rito ang ingay sa RomBab at tanging ilaw mula sa street light ang nagbibigay liwanag sa amin. Nakaka-amaze din na walang kaulap-ulap sa kalangitan at klarong makikita ang mga bituin sa langit.
"Hmmm. Nagawa natin. Nag-champion tayo ng magkasama. Well, hindi Battle Cry ang kasama natin but still... we are still together in achieving that dream." Sagot ko sa kaniya. "So what's next para sa 'yo, Dion?"
"Puntahan ka araw-araw sa Bulacan?" he answered.
"Chika mo, 'di mo na ako mapapadaan sa pakilig mo." Naiiling kong sabi at uminom ng coke.
"Luh, kunwari ka pa. Pero ikaw ba, ano bang plano mo muna?"
"Ako. Kagaya ng sinabi ko sa presscon, gusto kong bumalik as a normal girl sa BulSu. Technically, hindi na ako makakabalik ng normal doon dahil para na akong artista sa University pero gusto ko 'yong idea na papasok ulit ako araw-araw. Saka gusto ko mag-catch up sa mga nangyayari sa buhay ng pamilya at mga kaibigan ko. For a short period of time, ilalayo ko muna ang sarili ko sa HO para makapag-break." I know, ang babaw dahil wala naman akong balak mag-travel pero iyon lang talaga ang gusto ko as of the moment.
"Ikaw ba?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Mag-enroll na kaya ulit ako?" He asked me.
"Bakit patanong? Don't ask my opinion regarding about that." Sagot ko sa kaniya. "Saka kaya mo bang pagsabayin kapag may tourna na ulit?"
"Kakayanin. Ikaw nga kinakaya mo, eh." He answered. "Kung hindi kayanin e 'di papahinga muna ako sa gaming and focus sa pag-aaral, kapag lumuwag na lang 'yong academic loads doon na lang ako babalik."
"Choice mo." Nakangiti kong sabi sa kaniya. "Saka mas maganda iyan dahil makakauwi ka sa probinsya ninyo at magagawa mo na 'yong apartment na matagal mo nang binabalak."
"Oo, hindi na 'to chika." He chuckled.
"Magnanakaw ng word." I answered.
"Atleast word lang, 'yong iba nga sa kaban ng bayan nagnanakaw, eh. Laki-laki ng tax na binabayaran natin, eh." sagot niya sa akin at natawa ako.
"Let's win the season 5 tournament next year." Sagot ko kay Dion. "Let's aim for the back-to-back championship."
"That's a great idea." Dion answered at tumayo na siya at pinagpagan ang kaniyang puwetan. "Halika na, baka sinasabi na nila Liu doon na KJ tayo."
I grabbed his hand at hinatak niya ako patayo. "Let's go."
Ngayong tapos na ang Season four tournament ay ang bakasyon na lang namin sa Baguio ang pinakaiisipin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top