Chapter 154: Royals Vs Dragon II

Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20

Last chapter of Season 3 on next update and will rest for a while before starting the final season :)

Slow update for the meantime. :)

NAGAWA namin makaalis sa clash kanina at kahit na-eliminate man si Knightmare sa match na ito ay nagawa naming ma-eliminate ang mage ng kalaban. Hindi na rin masamang trade lalo na't masakit ang mga damage ng mga mage sa isang tournament. Pero masasabi kong malaking kawalan pa rin si Noah sa labang ito dahil ang advance ng way of thinking ng batang iyon pagdating sa mga match.

"Reset lang, pasalamat na lang tayo na hindi tayo naubos doon." Vegas stated as we continue on running. Nagtago muna kami sa isang lumang bahay para na rin makapag-heal at panandaliang mawala ang tensyon na naramdaman namin.

"Aakyat ako sa taas para matingnan ko kung may mga kalaban na malapit sa lokasyon natin." Paalam sa amin ni Skorpion.

"Mag-iingat ka, mas mahihirapan tayo kung mapipitas ka rin agad." I informed him. Tumango si Genesis at umakyat na papaakyat. Mabigat ang paghinga naming dalawa ni Vegas sa layo nang tinakbo namin.

I checked the map at medyo malayo si Rufus sa lokasyon namin. Kailangan ay mapuntahan agad namin si Dion. Tank at support kami ni Callie kung kaya't mas magiging madali para kay Rufus na gumalaw kapag may pumoprotekta sa kaniya. Although, kasama niya ngayon si Esquire (Elvis) pero squishy lang si Esquire at madaling mapitas.

"Paniguradong uunahin nila si Rufus." Sabi ni Vegas habang nakasilip sa bintana. "Eliminating our damage-dealers will be their first priority. Kabahan na 'yang sina Skorpion, Nodaichi, Rufus, at ShadowChaser. Sila ta-target-in ng mga 'yan. Kung ako pa rin ang core, iyak sa akin 'yang Black Dragon na 'yan." Napairap ako sa ere habang bahagyang natawa si Callie. Mayabang as always.

I breathed in and breathed out para mas maayos na makapag-isip sa kung ano ang posibleng maging hakbang namin. Hindi maiwasang maging cloudy ng thoughts ko lalo na't grand finals ito, we are against the strongest team here in Hunter Online.

"Kung balak nilang unahin si Rufus. Nodaichi and Skorpion should do a move hangga't wala pa ang atensiyon sa kanilang dalawa. They can secretly eliminate squishy players from Black Dragon for the meantime. Ang kailangan lang gawin ni Esquire at Rufus ay mag-hold ng mas matagal." I informed Vegas.

"Then do it." Vegas said. "May tiwala naman ako sa plano mo. Sigurado rin naman na kaya naman ni Esquire at Rufus na tumagal sa laban." He informed me.

Kung tatanungin ako noon kung sino ang player na ayokong ka-team, hindi ako magdadalawang isip na isagot si Callie. Sobrang yabang niya mapa-game man o sa real life. But as the time goes by, it just really his personality. He really trust us.

Nabigla kaming dalawa noong nagmamadaling bumaba si Skorpion. "Papunta sila rito. They are coming from different direction."

"As they are tying to eliminate Rufus ay sinisigurado nilang hindi rin tayo makakalapit sa kanila." Inis kong sabi dahil mahirap isahan si Skullex. They are not called as the strongest team kung hindi advance ang mga battle plans nila.

Habang tumatagal kami rito ay naririnig namin na mas lumalapit ang mga dagundong at mga pagsabog. Hudyat lamang ito na malapit na sila rito.

Nag-isip ako ng alternate route pero galing sa iba't ibang direksyon ang Black Dragon. Hindi rin kami puwedeng dumaan sa mga bubong dahil kita kami at paniguradong may mga marksman na nakaabang sa amin. "Payag ka bang dito tayo ma-eliminate, Captain?" Vegas asked.

Napatingin ako sa labas ng bintana and specifically ay sa manhole. Kung ang map ng laban ay Silanya Town, dapat ay accessible din itong sewage area dahil parte ito ng bayang ito. "Hindi tayo dito mae-eliminate." Paninigurado ko sa kanila.

[Orient Crown] Shinobi: Sino ang malapit sa area namin.

I checked the map kung nasaan kami.

[Orient Crown] Shinobi: Nasa Rural area kami. Sa gitna ng dalawang inn.

[Orient Crown] Maliupet: Malapit ako.

[Orient Crown] Shinobi: We need an assistance para makatakas kami. Puwede bang pigilan mo sila makapunta sa amin.

[Orient Crown] Maliupet: 'Yon lang ba? Sows, petiks. Kahit Grade 2 kayang gawin.

As soon as Liu agreed to my plan ay mabilis na akong kumilos upang makaalis dito.

"Vegas, Skorpion, maghagis kayo ng smokebomb sa mga kalapit na area." Utos ko sa kanila at mabilis naman silang kumilos. Saglit kaming napatigil noong malakas na pagsabog ang aming narinig at napakapit ako sa tukod ng upuan upang hindi mawalan ng balanse.

Sa tingin ko ay kinakalaban na sila ni Liu upang mabigyan kami ng oras.

Malapit na sila.

Hinintay namin na kumapal ang usok mula sa Smokebomb. Noong napaligiran na ang paligid ay mabilis ko silang inaya papaalis. "Saan tayo dadaan ngayon?" tanong ni Vegas sa akin.

"This should be accessible." Sabi ko at umupo sa tapat ng man hole. Tinulungan ako ni Skorpion na buksan ito at tama nga ang hinala ko, parte pa rin ng mapa ang mga ilalim na daan ng Silanya Town. This sewage is connected to all area of the town kung kaya't makakapunta na kami sa lokasyon nila Rufus.

"Hindi ninyo ako mapapababa riya—" hindi na natapos ni Vegas ang kaniyang sinasabi dahil hinatak ko na siya pababa sa Sewage are. Si Skorpion ang huling bumaba at tinakpan ang manhole.

Madilim na kapaligiran at mabahong amoy ang bumungad sa amin pagkababa namin. Maririnig din ang mga dagundong mula sa itaas at ang agos ng maruming tubig na papalabas sa bayan.

"How did you discover this way?" Vegas asked as he inspected the whole place.

"Naghanap lang ako ng pusa." I answered honestly.

"Grabe ka talaga ma-bored, 'no?" Natatawang sabi naman ni Vegas at tinakpan ang ilong dahil sa amoy.
Malalakas na dagundong ang naririnig namin mula itaas at may ilang mga debris na bumabagsak. Ang mahalaga ngayon ay natakasan namin ang posibleng trap ng Black Dragon. Grabe ang mga battle tactics ni Choji, he really made sure na siya ang nagpapaikot ng takbo ng laro.

[Orient Crown] Shinobi: Rufus, asan na 'yong location ninyo?

[Orient Crown] Rufus: Nasa harbor kami. Nagtatago kami sa isang maliit na bangka ni Esquire. Paubos na 'yong healing potion namin.

Mabilis kaming tumakbo nila Vegas patungo sa harbor.

[Orient Crown] Maliupet was eliminated by [Black Dragon] AxiSphere!

Okay, we lost another fighter in this match. Wala na kaming fighter dahil eliminated na sina Maliupet at Knightmare, lugi na kami sa close range battle.
Lumiko kami sa isang gilid at chineck ko sa map kung nasaan ang Harbor. Hindi naman ito kalayuan sa lugar kung nasaan kami kanina.

"Skullex is really smart." Bulong ko sa sarili ko noong mapansin ang isang bagay. Sinigurado niya na hindi ganoon kalaki ang distansiya nila sa isa't isa para kung sakaling may mga members silang ma-ambush ay mabilis silang makaka-backup and at the same time ay magiging rason din iyon para mahirapan kaming makapagsama-sama.

Pagkarating namin sa harbord ay iniangat ko dahan-dahan ang man hole. Nasa likod ito ng malalaking kahoy kung kaya't malayo sa mata ng Black Dragon. Lumabas ako sa manhole at dumungaw sa paligid. May dalawang members agad ako ng Black Dragon na namataan.

Pinagmasdan ko ang mga bangka sa karagatan. May malaking barko sa gitna ng harbor. I checked the small boats para mahanap sina Rufus.

[Orient Crown] Shinobi: Location?

[Orient Crown] Rufus: Third boat, right side. Malapit sa deck.

"Malapit na sa kanila 'yong dalawang member ng Black Dragon." sabi ni Skorpion.

"Ang kailangan lang natin gawin ngayon ay mailigtas si Rufus at Esquire. Hindi natin kailangan patayin 'yong dalawang kalaban. Guguluhin lang natin sila para makakilos sina Rufus," I explained.

I checked the map kung saan ang possible escape route namin. "Puwede tayong dumaan sa makipot na daan malapit sa dagat. Tatawid tayo patungo sa market area ng mapa. Hindi tayo makakadaan sa mga main streets dahil paniguradong makakasalubong natin sina Skullex." Dugtong ko pa. Choji is really smart when it comes to planning. Nakakalat sila sa buong lugar but at the same time ay maliliit lang ang distansiya nila sa isa't isa.

He made sure na kapag naipit ang isa sa kanila ay mabilis silang makaka-backup. This is the power of Black Dragon.

"Okay, let's do it." Mahigpit ang hawak ni Vegas sa kaniyang giant hammer.

I ready my violin to play music to enhance their defense. I observed the whole place and come up with a plan.

[Orient Crown] Shinobi: Huwag muna kayong aalos sa pinagtataguan ninyo. Wait for my signal.

[Orient Crown] Esquire: Noted, Captain.

Sinipa papaangat ni Vegas ang isang malaking crate at hinampas ito ng kaniyang hammer. Bumubulusok na tumungo ito sa direksyon ni Candy_Boy (Marksman). It caught him off guard but Oblivion is too alert na nagawa niyang mawasak ang crate bago pa man ito tumama kay Candy_Boy. "Nandito kami." Vegas smirked as he ran towards them.

Nakasunod sa kaniya si Skorpion na naglabas ng maraming smoke bomb sa paligid. Pumuwesto ako sa lugar kung saan hindi ako madaling maaabot ng kalaban at nagpatugtog. I created a sound that will enhance their physical defenses. The buff will last 30 seconds kung kaya't may 30 seconds kami para maayos na i-execute ang plano.
Skorpion tried to reach Candy_Boy pero mabilis siyang sinuntok sa tiyan ni Oblivion. Nagsimulang umusok ang mga smoke bomb.

[Orient Crown] Shinobi: Ngayon na!

Isang bumubulusok na bala ang tumungo sa direksyon ni Candy_Boy na tumama sa kaniyang likod. Nakaupo si Rufus habang nakatutok ang baril sa kalaban. He smirked. "Kami ba ang hinahanap ninyo?" he asked at nagsimula na silang tumakbo papaalis ni Esquire sa kanilang pinagtataguan.

"Takbo na!" I shouted at sinamahan sina Vegas.

We heard a loud explosion sa hindi kalayuan. "Kaya ko 'tong pitasin, Captain!" Sigaw ni Skorpion sa akin.

"Huwag na! Okay na 'yong nailigtas sina Rufus. Stick with the plan." Sabi ko at pinangunahan ang pagtakbo. Akmang susunod sina Oblivion sa amin ngunit mabilis na ibinagsak ni Vegas ang kaniyang hammer sa sahig dahilan para magkaroon ng mataas na stone wall.

"Susunod pa kayo, ka-group kayo?" Vegas said at sumunod na sa akin.

Tama naman din si Genesis na kaya naming pitasin ang isa sa kanila o baka sila pa ngang dalawa pero paparating na ang backup nila. Mapipitas man namin sila ay mauubos naman kami nila dito sa Harbour. Kailangan namin maging disiplinado sa mga actions namin, one wrong move and we will all be wipe out here.

Patuloy kami sa pagtakbo at narating na namin ang daan papaalis. "Ayon sila!" Isang sigaw ang narinig namin mula sa itaas.

"Bilisan natin!" Sigaw ko, Dion paused for a second and tried to aim for the enemies direction. Mabilis itong nagtago at nakita namin si Skullex na pinagmamasdan kami habang umaalis. Katabi niya si LightYear. Using his big bow, he aimed it toward our direction.

"Vegas, gumawa ka ng mataas na wall." utos ko sa pagitan nang aking paghinga.

"Cool down, 7 seconds. Kakagamit ko lang kanina." He answered.

"Shit, hindi aabot." wika ko habang palingon-lingon sa likod. Nakasunod sa amin sina Oblivion at Candy_Boy habang nasa itaas na daan naman sina Skullex. Nagbitaw ng palaso si LightYear. Bumubulusok itong tumungo sa aming direksyon. "Iwas!"

Nagawa kong makayuko at hinatak ko na rin payiko si Skorpion upang hindi siya matamaan. I managed to dodge the arrow, ngunit iba sa sitwasyon ni Esquire dahil nagawa siyang tamaan ni LightYear sa kaniyang binti.

Nagpagulong-gulong si Esquire. Akmang tatakbo si Rufus pabalik. "Huwag na!" Esquire shouted. "Mas lugi kung maiiwan tayo lahat. Mag-buy time na lang ako sa inyo. Umalis na kayo."

"Takbo na!" Vegas said in serious tone. "Iwanan na si Esquire. Hindi tayo puwedeng maubos lahat dito."

Iniwan na namin si Esquire at mabilis kaming tumakbo papatakas. Lumingon muli ako sa kanila at nakangisi sa amin si Skullex. Hindi ko alam kung pino-provoke niya lang kami o may mga bala pa siyang nakatago para maubos kami rito.

"Captain, sa itaas!" Skorpion shouted at napatingala ako. Isang bumubulusok na malaking umaapoy na bato ang tumutungo sa aming direksyon.

Mabilis na pumronta si Vegas at nagtago sa kaniyang likod si Skorpion. Akmang tatakbo kami ni Rufus sa kaniyang direksyon ngunit mauubusan kami ng oras dahil sa oras na makapunta kami roon ay tinamaan na kami ng meteor.

I grabbed Dion wrist and hugged him. I used the Holy Black Cape para wala kaming maging damage. Bumagsak ang isang malaking meteor at ramdam namin ang lakas ng impact nito. Dumagundong ang lapag at may mga pader na nawasak dahil dito.

[Orient Crown] Esquire was eliminated by [Black Dragon] Kamogelo!

Ramdam ko ang malakas na hangin at mga usok na nagmula rito. I checked Vegas and Skorpion health bar and luckily ay may natira sa mga buhay nila. Hindi kami naubos dito. "Back na!" Malakas na sigaw ang aming narinig at napatingin kami kay Skullex.

Unti-unting nawala ang makapal na usok at nakatayo pa rin siya sa mataas na baitang ng hagdan habang nakatitig sa amin. He is smirking. "Nagamit na ni Shinobi ang Holy Black Cape. We can proceed on our original plan. Back na!" He shouted.

I admire how discipline they are. I mean, kaya na nila kaming palagan dito pero kalkulado niya ang bawat hakbang na gagawin niya.

At isa pa, alam ni Skyllex na ilang beses na kaming niligtas ng Holy Black Cape sa mga crucial na sitwasyon. Using that now, ibig sabihin ay wala na kaming baraha na nakatago sa amin.

Naghagis si Skorpion ng smoke bomb. "Takbo na. Kailangan na natin makatakas.." We took that opportunity to escape pero mukhang pinatakas naman din talaga kami ni Skullex."

Pagkarating namin sa market area ng mapa ay nagtago kami sa likod ng isang stall na napapaligiran nang nagtataasang crates. Humihingal kami habang umiinom ng healing potion. "Fuck." Mura ni Vegas dahil maging siya ay nahihirapan na sa sitwasyon namin. "Hawak ni Skullex ang takbo ng laro. Mahihirapan tayong makakilos ngayon."

"Ang dami na rin nilang na-eliminate sa team natin." Rufus said as he sighed heavily.

I checked our surviving members— Rufus, ako, Vegas, Skorpion, LastGuardian, ShadowChaser, Nodaichi. Iilan na lang kami sa Battle Field.

Napatingala ako at nakita ko ang mataas na tore ng kampana malapit sa simbahan. I checked the map at halos nasa sentro ito ng mapa. Mula rito ay makikita ko ang buong mapa and at the same time ay hindi agad ako mapapansin ng mga kalaban.

"May pag-asa pa." Humihingal kong sabi. "Kailangan ko lang maakyat sa tuktok ng tore na iyon. Tulungan ninyo lang akong makapuslit papaakyat doon ng hindi nila napapansin."

"Anong binabalak mo?" Vegas asked.

"I am planning to win this game." I answered.

Hindi ako susuko sa labang ito. It took us a couple of months before we reached this Grand Final. Kung matalo man kami ay gusto kong ibibigay ko ang lahat. Iuuwi namin ang tropeo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top