Chapter 153: Royals VS. Dragon I

Few more chapters...

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!

PAGKAPASOK ko sa laro ay isang pamilyar na lugar ang tumambad sa akin. Hindi lang sa akin, panigurado ay aware din ang kahit sinong players sa Map na ito ng match—ang Silanya Town. Once na mag-log in ka sa laro ay itong bayan na ito ang sasalubong sa 'yo as a newbie player of the game. Dito sa lugar na ito nagsimula ang lahat.

"Okay, hindi ako mahihirapan dahil kabisado ko ang pasikot-sikot sa lugar na ito." Wika ko sa sarili ko habang nagtago ako sa likod ng isang fruit stand. Dahil nga mag-isa ako ay kailangan ay maging maingat muna ako sa bawat galaw ko. Lalo na't Black Dragon ang katapat namin. Alam nila kung paano kami biglaang mahahawakan sa leeg.

[Orient Crown] Shinobi: I am in Public Market area near the port. Sino ang malapit dito?

[Orient Crown] Rufus: Malayo ako.

[Orient Crown] Shinobi: Okay lang, kung sino ang malapit sa area ng core ay agad ninyong puntahan si Rufus. We need to protect our damage-dealer sa early part ng competition.

Nabigla ako noong may isang palaso ang rumaragasa padaan sa mata ko. Mabilis akong napaatras at napadikit sa pader. Okay, nawala saglit ang awareness ko sa map dahil sa biglaang pagbigay ko ng command sa team.

"Eyes on me, Captain," Tumingin ako sa isang player na nagsalita na nakadungaw mula sa balcony ng isang tindahan.

[Black Dragon] Lightyear
Level: 85
Class: Nova

LightYear is one of the greatest marksman sa mundo ng Hunter Online. Ang sabi rin sa akin ni Sandro ay asintado lagi magpakawala ng palaso itong si LightYear at masakit ang damage na binibigay nito. Sinadya nitong hindi patamain ang palaso sa akin.

"Okay, this is bad." Mabilis akong tumayo at tumakbo papaalis sa public market. Tumalon pababa si LightYear at patuloy na nagpakawala ng palaso tungo sa direksyon ko.

Noong may mga palasong muntik tumama sa binti ko ay mabilis kong hinitak patumba ang isang food stall dahilan para doon bumaon ang mga ito. "Ito lang ba ang kayang ipakitang laro ng Captain ng Orient Crown?" He shouted.

Lumiko ako sa isang kanto at dire-diretsong tumakbo. Paglingon ko ay may palasong bumubulusok sa direksyon ko. I immediately jumped in the right side of the road. Nagpagulong-gulong ako ngunit mabilis ding bumangon para makatakbo.  "Akala niya yata ay maaapektuhan ako sa mga pang-ta-trashtalk niya sa akin." Mahina kong bulong sa aking sarili habang palingat-lingat sa likod upang tingnan kung nakasunod pa siya sa akin. "Paano ko siya papalagan kung support role ako at damage role siya? Bulag ba siya?"

Habang tumatakbo ako ay nabalutan ng puting usok ang buong paligid. Smoke bomb? Trap ba 'to? Hindi ako agad nakagalaw at mas naging aware ako sa paligid ko. Inilabas ko ang sword ko at naghanda sa mga biglaang pag-atake.

Nabigla ako noong may biglang humatak sa akin at nagtago kami sa likod ng mga nagkukumpulang malalaking crate. "Shhh."

Kahit makapal ang usok ay naaninag ko ang kaniyang mukha dahil sa lapit nito sa akin—si Vegas. "Thank me later." Sabi niya at pasulyap-sulyap sa gilid ng mga crate.

Ilang minuto kaming naging tahimik at mabibigat na paghinga lang ang maririnig sa paligid. "Wew. Wala na ang ungas." Sabi niya at kampanteng umupo sa sahig. "Aga-aga ay nakikipaghabulan ka agad sa Black Dragon. Kung hindi ka pa iniligtas ni Callie the great ay baka na-eliminate ka na agad."

"Yabang talaga. Manang-mana ka sa team na pinanggalingan mo." Sabi ko at maging ako ay dumungaw na. Napansin kong tahimik na ang lugar at mukhang nakalayo na si LightYear dahil akala niya rin yata ay tumakbo ako papalayo sa lugar na ito.

"Let us move in opposite direction." Sabi ni Vegas at tumakbo kami pakabila. Good thing rin na si Callie ang unang sumaklolo sa akin dahil tank siya. Hindi na magtatangka ang ibang miyembro ng Black Dragon na habulin kami dahil hindi naman nila basta-basta mapipitas si Vegas.

Dahil nga ang Silanya Town ay ang pinakaunang bayan na matutunguhan ng mga players dito sa Hunter Online ay alam namin kung saan mas ligtas na dumaan. Dumaan kami ni Vegas sa isang makipot na na eskinita patungo sa main street ng bayan.

[Orient Crown] Knightmare: Mukhang nasa panganib ako mga lodi. Street malapit sa mga gawaan ng weapon.

"Malapit tayo doon." sabi ko kay Vegas dahil nasa mas mataas na bahagi lang iyon ng bayan.

"Mukhang kaya naman natin mag-back up. Kailangan lang natin masigurado na kaya natin palagan 'yong humahabol kay batang may yabang." paliwanag sa akin ni Vegas. Saglit kaming nagtago sa likod ng isang poste para maayos na makapag-communicate kay Knightmare. "Hindi rin puwedeng mapitas si Noah ng ganito kaaga."

I smiled. "E 'di umamin ka rin na magaling si Noah?"

"Ha?" He smirked and avoid my gaze. "Sinabi ko naman sa inyo, magaling kayong lahat. Pero ako ang pinakamagaling." Pagmamayabang niya. "Saka nakakahiya naman kung mae-eliminate agad si Noah, I personally train him."

"Obvious nga." sagot ko. 'Yong mga sagutan ni Noah ay papunta na sa sagutan ni Callie, eh.

[Orient Crown] Shinobi: Ilan ang humahabol sa 'yo?

[Orient Crown] Knightmare: Mage at Assassin, Captain!

[Orient Crown] Shinobi: Malapit kami sa area. Kaunting hold lang.

[Orient Crown] Knightmare: hehe, 'di ko lang sure.

"Mukha ngang kailangan ng matinding back up noong batang iyon." sabi ni Vegas at naunang tumakbo sa akin. Sumunod naman ako sa kaniya dahil malaki nga ang papel ni Knightmare sa mga laban.

I mean, Noah started in Orient Crown na hindi niya alam kung paano siya makikipagtulungan sa lahat. He feels like he can do everything along which is understandable dahil solo player siya for a long time. But as he trained with us, natututo siyang makisama sa lahat at unti-unti niyang naipasok sa Orient Crown ang fighting style niya. Isa pa, he is being guided by great players like Dion, Callie, Liu, and Larkin. He immediately have grasps kung ano ang ginagawa namin. He followed our command really well noong naging komportable na siya sa amin.

Malapit nga kami sa area ngunit mas mataas na bahagi ang street na may gawaan ng weapon. "Aabot ba kami?" I asked myself.

Mas naunang tumakbo si Vegas. He prepared his hand na parang sinasabi na gawin kong tungtungan. "Captain!" He initiated. Mabilis akong bumuwelo at tumakbo. Ginawa kong apakan ang kaniyang dalawang kamay at gumamit naman ng puwersa si Vegas upang makatalon ako ng mas mataas. "Sunod ako."

Muntik pa akong mawalan ng balanse pagkaakyat ko at saktong inabutan ko si Knightmare na sinasangga ang bawat atake na ginagawa ng assassin nila sa Black Dragon— si Oblivion.

[Black Dragon] Oblivion
Level: 87
Class: Drakar

Drakar class only use it's hand in battling pero may matatalim na arm ornament ang nakakabit sa kanang braso nito na nagbibigay ng masasakit na damages. Lagpas kalahati na ang bawas sa health bar ni Knightmare at kung hindi pa napaaga ang dating ko ay paniguradong na-eliminate na siya sa laban.

Mabilis kong inilabas ang espada ko at tinulungan siya. When Oblivion is about to smash Knighmare's face ay mabilis kong sinangga ang atake nito. Muntik pa akong mawalan ng balanse sa tindi ng impact na nagawa niya pero mabuti na lamang at nagawa ko pa rin itong pigilan.

"Captain!" Humihingal na sabi ni Noah at mabilis na lumiwanag ang kaniyang mukha noong makita niya ako.

"Huwag mong sayangin ang oras, mag-regen ka na ng buhay mo!" sabi ko sa kaniya at mabilis siyang tumakbo papalayo.

Oblivion used extra force sa kaniyang ginawang atake kung kaya't napaatras at napaupo ako sa sahig dahil sa kawalan ng balanse. He is about to follow Knightmare but I quickly used my reflexes, mahigpit ang kapit ko sa espada ko and slashed his legs dahilan para saglit siyang mapatigil sa pagtakbo.

"Ako ang kalaban mo." I smirked at mabilis na tumayo. Sana nga lang ay makaabot si Vegas bago pa man mas lumala ang sitwasyon. Panigurado naman na anumang minuto ay may backup na darating itong Black Dragon.

"Okay." sagot nito sa akin at malakas akong sinipa sa mukha dahilan para magpagulong-gulong ako sa sahig at tumama ang likod ko sa poste. Ininda ko ang sakit ngunit pinikit ko pa rin makatayo.

"Lidmir, ngayon na!" malakas na sigaw ni Oblivion at biglang lumabas ang mage nila na nagtatago sa isa sa mga gawaan ng sandata. Damn! Nawala sa isip ko ang mage nila.

"Phoenix!" Lidmir shouted. He summoned a fire phoenix that is flying towards Knightmare direction.

Saglit na napatigil si Knightmare sa pag-inim ng potion. Kahit saang anggulo ay hindi niya maiiwasan ang atakeng iyon.

Mabilis akong tumayo at inilabas ang violin ko at sinimulan magpatugtog para kahit papaano ay ma-enhance ang magic defense niya. I just hope na hindi siya mapupuruhan sa atakeng iyon.

Tumama kay Knightmare ang malaking phoenix at nakabibinging pagsabog ang maririnig sa buong paligid. Malakas na hangin ang sumampal sa akin at napapikit din ako dahil sa mga debris na lumilipad at mga alikabok na muntik pumasok sa mata ko. Ramdam ko ang pagyanig ng sahig dahil sa pangyayari.

"Please, stay alive, Noah." Mahina kong bulong sa aking sarili at hinintay na hanginin ang makapal na alikabok sa paligid. The fact na walang announcement na nagaganap, it just means na hindi na-eliminate si Knightmare sa laban.

We still have a chance.

Unti-unting nawala ang makapal na usok sa paligid. Una kong nakita si Oblivion na hawak sa leeg si Knightmare. Pilit kumakawala si Knightmare ngunit masyadong mahigpit at nakaangat na siya sa lupa dahil sa ginagawa ni Oblivion. I am monitoring Noah's health bar na paunti-unting nauubos.

"Aminin ninyo ng umabot lang kayo hanggang grand finals dahil sa suwerte ngunit wala naman talaga kayong palag sa amin." Oblivion said.

"Mama mo... suwerte." Pambabara ni Knightmare kahit hirap siya makahinga. Mas humigpit ang kapit ni Oblivion sa kaniyang leeg dahilan para mapasigaw si Knightmare sa sakin. Sinong pikon sa amin ngayon?

[Orient Crown] Skorpion: Itaas, 11'o clock.

Pasimple akong tumingala at nakita ko si Skorpion sa itaas ng isang bubong na pasimpleng naglalakad tungo sa direksyon ni Lidmir. I breathed in and breathed out, bumalik ang tingin ko kay Knightmare. Mahigpit na ikinapit ni Knightmare ang kaniyang dalawang binti sa katawan ni Oblivion upang hindi ito makakilos ng maayos.

"Bespren, ngayon na!" Malakas na sigaw ni Knightmare, Lidmir looked surprise noong makita niya na bumabagsak tungo sa kaniyang diresyon si Skorpion.

I played a music to enhance his attack.

Napatingin ako sa direksyon ni Knightmare. Hinawakan ni Oblivion ang ulo ni Knightmare, hindi bumibitiw nang pagkakakapit si Noah sa kaniya.

"Death Sign!" Malakas na sigaw ni Oblivion at lumaki ang kamay nito. Ibinagsak niya ang katawan ni Knightmare sa mabatong sahig. It caused a huge damage and dark quake around him.

[Orient Crown] Knightmare was eliminated by [Black Dragon] Oblivion!

Akmang ba-back-up-an ni Oblivion si Lidmir ngunit mabilis akong tumakbo patungo sa kaniyang direksyon upang siya'y harangan. Hindi na makakakilos si Lidmir dahil nakalapit na sa kaniya si Skorpion, mahihirapan na siya makipaglaban sa short-range battle.

"Asa kang makalapit ka." I smirked and tried to slashed his arms but he was able to dodge it. Nakatalon siya paatras.

"Anong kaya gawin ng isang support na gaya mo?" He asked at akmang susuntukin ako ngunit mabilis akong yumuko. Dahil nga nagkaroon ng opening, mabilis kong siniko ang kaniyang tiyan at napaubo siya sa sakit.

"Marami." Nakangisi kong sabi. "Baka nakalimutan mo na bago ako naging support ay assassin ang role ko. I have quick reflexes that will outsmart a pea-brain like you."

Napatingin ako kay Skorpion and he slashed Lidmir at naubos na ang buhay sa health bar nito.

[Black Dragon] Lidmir was eliminated by [Orient Crown] Skorpion!

Nabigla ako noong nabalot ng makapal na usok ang paligid at nawala na sa paningin ko si Oblivion.

[Orient Crown] Vegas: Paparating na ang backup nila, umalis na agad kayo sa area. Will wait sa chapel area.

Tatakbo na sana ako noong mapansin kong si Skorpion ay susunod kay Oblivion. Mabilis kong hinatak ang kaniyang damit upang pigilan siya sa pagtakbo. Hindi ito ang tamang oras para maging aggressive, mas malalagay lang kami sa alanganing sitwasyon kung o-opensa kami.

"Okay na, huwag mo nang sundan." sabi ko kay Skorpion at tumakbo na kami papaalis sa lugar. "Good trade na 'yon. Nagawa nilang ma-eliminate si Knightmare at na-eliminate natin ang mage nila. Okay na 'yon."

Patuloy na kaming tumakbo. Ilang minuto na kami sa labanang ito ngunit bakit pakiramdam ko ay ngayon pa pang nagsisimula ang lahat.

Alam kong hindi pa iyon ang buong potensyal ng Black Dragon. Kinakapa pa nila ang mga galaw namin bago sila gumawa ng malalaking atake. We should be extra careful at maging disiplinado sa mga galaw namin.

One wrong move ay makakahanap na ng butas sa amin ang Black Dragon. We need to make sure that we can bring home the trophy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top