Chapter 151: Orient Crown VS. Phantom Knights
Please do note that chapter 110 is missing (accidentally deleted it) and will re-do it once I have spare time.
Twitter hashtag: #HunterOnline or mention me @Reynald_20
Votes and Comments are highly appreciated pero ang magshe-share ng story ay masarap ang ulam gabi-gabi.
NAGISING ako sa mundo ng Hunter Online. Nasa loob ako ng isang makalumang bahay at sa tingin ko naman ay malayo ito sa mga kalaban. Bumangon ako at ang una kong ginawa ay sumilip sa bintana para malaman kung nasaan ang location ko.
Okay nasa isang port kami ngayon, nagtataasang containers ang nakikita ko sa paligid habang malapit sa dagat. Sa gilid ng mga container ay mga bahay na gawa sa kahoy at mga truck na nakaharang sa daan. Sa hindi kalayuan ay may isang food park na medyo malaki rin naman at sa tingin ko ay doon posibleng mangyari ang mga malalaking laban.
I immediately informed my teammates about my location.
[Orient Crown] Shinobi: I am in small houses near the containers. Lower-left of the map.
Isa-isa rin nilang chinat ang location nila and si Esquire (Elvis) at Nodaichi (Larkin) ang malapit sa location ko. I mean it's good naman kasi maayos naman namin na masu-support ni Esquire si Larki, however, siya kasia ng keyholder namin sa match na ito kung kaya medyo risky kung papalagan namin ang kung sinong Phantom Knights ang makita namin.
"Okay, the first thing to do is to observe." Nagbitaw muna ako ng malalim na buntong hininga bago lumabas sa bahay. Agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat at ang amoy ng bakal dahil sa mga container na naririto. "Kailangan kong malaman ang unang move na gagawin ng Phantom Knights."
Maingat ang aking paghakbang habang patingin-tingin sa paligid. Ang sabi ko kay Nodaichi ay huwag muna siyang aalis sa pinagtataguan niya hangga't hindi ko pa nasisiguradong walang kalaban sa buong lugar.
Nagtago ako sa likod ng isang container at sumilip. Pagkasilip ko ay may bumubulusok na palaso ang lumilipat tungo sa direksyon ko. Ramdam ko ang hangin na bigay nito and luckily ay mabilis ang flexes ko para makatago muli pabalik. "Okay, mukhang nakita na nila ako." Sabi ko at mabilis tumakbo papalayo.
Nakasunod ang dalawang members ng Phantom Knight sa akin—Sina Fortress (tank) at RedMoon (Marksman). They are chasing me kahit saang sulok man ako pumunta. Okay, they are following THAT plan.
Actually, nakuha ko ang mga ideang ito kay Genesis na dating member ng Phantom Knights. Well, before the match ay nakausap ko siya at isa sa mga sinabi niya ang tumatak sa akin. "Parang robot ang Phantom Knights, if a specific plan is effective, they might use it in the future matches." He eplained. Dahil doon ay pinanood ko ang mga laban ng Phantom Knights noong season 3 at mga matches nila ngayong season 4 at nakita ko nga ang pattern sa galaw nila.
Well obviously, iba-iba nang execution pero at the end ay same lang ang kalalabasan. That's Phantom Knight.
I immediately buff myself to increase my defense. Sooner or later ay pupunta na sa direksyon ko ang buong Phantom Knights kung kaya't kailangan kong maghanap ng lugar kung saan marami akong puwedeng pagtaguan—sa food park.
[Orient Crown] Shinobi: Everyone na nasa food park ay umalis muna aside kay Esquire. Esquire, pumunta ka sa food park, kakailanganin ko ang tulong mo.
[Orient Crown] Esquire: Captain, parehas tayong support. Wala tayong palag kapag na-corner tayo riyan.
[Orient Crown] Shinobi: I just need to confirm something.
[Orient Crown] Esquire: Amp kabado bente. Ikaw na bahala sa akin Captain.
[Orient Crown] Rufus (Dion): Mag-iingat kayo riyan. A while ago ay may nakita akong 2-3 members ng Phantom Knight sa area na iyan.
Patuloy ang ginagawa kong pag-iwas sa mga palasong lumilipad tungo sa direksyon ko. May ilang tumatama ngunit hindi ko ito inalintana.
Noong malapit na ako sa food park ay nakasalubong ko si Esquire. Naghagis kaming dalawa ng maraming smokebomb upang mabalutan ng makapal na usok ang lugar. Hinatak ko si Esquire upang makahanap kami ng posibleng pagtaguan dito sa mapa.
Pumasok kami sa isang café at umakyat kami sa rooftop nito. Dumapa kami sa sahig at sumisilip lamang sa nangyayari sa baba. From here ay makikita mo ang kainan sa baba at ang dalawang member ng Phantom Knights na kanina pa humahabol sa akin. They are investigating and searching all over the place. "Captain, ano ba ang plano mo?" tanong sa akin ni Esquire. "Kapag na-eliminate tayong dalawa ay mabilis nilang ma-e-eliminate ang mga assassin at core members natin."
I am well-aware of that.
"Nakalimutan mo na ba ang naging pag-uusap natin noong nakaraang gabi?" I asked him patungkol sa meeting na ginawa namin bago kami magpahinga.
Nasa loob kami ng meeting room at pansin ko na ang pagod sa mukha ng mga members ng Orient Crown. Grabeng stress na rin ang idinudulot nito sa aming lahat lalo na't karamihan sa amin ay mga estudyante rin na may mga kailangan review-hin academically para hindi maiwan sa klase.
"Isang araw na lang, guys! Gising tayo!" I shouted and clapped my hands. Pinilit naman nilang imulat ang kanilang mata para makinig sa idi-discuss ko. "This will be a quick meeting lang since maaga tayo bukas."
"Scam, 'yong quick meeting din kagabi mahigit isang oras ampota." Reklamo ni Liu at inirapan ko na lang siya.
"Shhh! Makinig na kayo kay Milan," Suway ni Coach Russel sa kanila.
Mabilis silang natahimik at dinistribute ko na 'yong mga hand-outs na pinrint at ginawa ko kanina before the meeting. "Alam naman natin na Phantom Knights ang makakatapat natin bukas sa Lower bracket. Ngayon I just want to discuss kung ano 'yong mga bagay na napansin ko after kong mapanood ang mga past matches ng Phantom Knights. Thank you rin kay Genesis dahil binigyan niya ako ng idea."
Genesis nodded and yawned. "Grabe, Genesis, ang appreciative mo." Sabat ni Larkin noong makita ang reaction nito.
"Isa sa mga bagay na napansin ko habang pinanonood ang matches ng Phantom Knights ay may pattern silang ginagamit pagdating sa mga matches." I explained to them and play some videos on the screen projector.
"Pattern?" Kaizer asked. "Eh iba-iba nakakalaban nila kada-match at isa pa, iba-iba ang fighting style ng bawat team kaya imposibleng magkaroon ng pattern."
"Iyon din ang una kong naisip. However, after watching few matches ay nakita ko na 'yong subtle plan nila. Kapag feeling nila ay kaya nila ang kalaban ay ita-try nilang hawakan na mismo ang laro. I mean, they will try to dominate and be aggressive as early as they can."
May kinatikot ako sa laptop ko to play some videos. Gladly, focused sila sa pakikinig sa pinapaliwanag ko. They are taking this competition seriously. "Watch this match between Phantom Knights and No Mercy Esports last Tuesday." Ilang minuto silang tumingin sa screen. "Pagka-respawn pa lang nila sa map ay una agad ginawa ng assassins and marksmen nila ay humanap ng squishy heroes para mapitas sa early part ng competition,"
TERM: Squishy – Ibig sabihin ay mga kalaban na madaling mapatay, mababa ang defense. Karaniwang Marksmen, Support, Mage.
They are nodding at nagsusulat sa kaniya-kaniyang notebook. Nag-play naman ako ng ibang video. "This is there match last season... tingnan ninyo ang comparison. I mean, iba ang way of execution pero iisa ang pattern. Hindi siya madaling mahahalata ng ibang team."
"Wow, iba talaga kapag matalino." Sabi ni Liu sa akin.
"So ang conclusion ko, kapag feeling nila kaya nilang tapatan ang kalaban nila, they will become aggressive and initiate to eliminate squishy players first. Ito naman ang mga matches na medyo maingat sila." I played some matches on the screen na mostly ay Daredevils at Black Dragon ang kalaban. Napatango-tango sila Callie at nag-jot down sa notes nila.
Callie tapped the pen on the table. "So meaning, una pa lang ay puwede na nating malaman ang magiging plano ng Phantom Knights?" he asked.
Tumango ako. "Kapag naging aggressive sila simula pa lang, ibig sabihin noon ay sinusubukan nilang hawakan ang takbo ng laban. Kapag nakita natin iyon ay may mga possible plan din akong nakita na puwede nilang ipakita sa laban. You can check the handouts that I distributed." They flipped some pages and checked all the details.
"Hindi ko sinasabi na ganiyan-ganiyan ang maaaring maging laro ng Phantom Knights, again, it is just a pattern—different execution pa rin naman. Atleast, may idea tayo sa ano ang kung puwede nilang ipakita. You can watch some matches para mas ma-familiar kayo." I explained.
Pinagmamasdan ko ang paligid mula rito at unti-unting dumadating ang mga backup ng Phantom Knights para hanapin kaming dalawa ni Esquire. "Everything is going according to the plan." I smirked.
[Orient Crown] Shinobi: Everyone, palibutan ninyo ang food park sa mapa. Maintain your distance but make sure na hindi kayo mapapansin at hindi makakaramdam ang Phantom Knights na may idea tayo sa plano nila.
[Orient Crown] Rufus: Noted, Captain.
[Orient Crown] Maliupet (Liu): Already on my position.
"Kailangan isa sa atin ang magpahabol." Sabi ko kay Esquire. "Sino sa ating dalawa? Bato-bato pick?" suhestiyon ko sa kaniya.
"Nakakakaba pa naman magpahabol sa mga 'yan, dami niyan." Natatawang sabi ni Esquire at nag-jack en poy kami. Mahina akong natawa noong natalo ko siya dahil bato siya at papel ako. "Tanginang 'yan, ang sakit sa puso pa naman magpahabol sa mga 'yan."
"Wala talo ka, go na." sabi ko at tinulak-tulak ko palayo si Esquire. "Huwag kang mag-alala, ang kailangan mo lang naman gawin is mag-buy time hanggang sa magpunta rito ang maraming members ng Phantom Knight." Bilin ko sa kaniya.
"Paano kung mamatay ako?" he asked.
"Ma-eliminate ka man, as long as hinabol ka nila ay mahahawakan natin ang laro. Nakapalibot ang maraming members ng Orient Crown sa area. Wala na silang takas. Trust my plan." I said to him at kumuha ako ng granada upang ihagis sa kalapit na stall. "Ready?"
"Hihinga lang ako, Captain." Esquire said. Sumeryoso ang mukha niya. "Game."
I threw the bomb na naglikha ng malakas na pagsabog. Tumayo si Esquire at tumalon pababa nitong café na tinataguan namin. Be safe.
[Orient Crown] Vegas: Ano 'yong pagsabog? Need help there?
[Orient Crown] Shinobi: All good. Standby lang kayo. Sabihan ko kayo kapag kailangan ninyo nang pumasok dito.
Pinagmasdan ko si Esquire na tumakbo at iwasan ang mga palaso at bala na lumilipad sa kaniyang direksyon.
I counted all the Phantom Knight na nandito. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, wal... Jesus! Mabilis akong yumuko muli noong magtama ang mata namin ni Ichiyonsan (Kurt). Hindi ko sigurado kung nakita niya ako, muli akong dumungaw at nakatitig pa rin siya sa rooftop ng café na tinataguan ko.
May sinabi siya sa kasama niya at mabilis itong tumakbo tungo sa direksyon ko. This is bad. Mabilis akong tumayo at tumalon sa bubong ng katabing restaurant nito. "Ayon si Shinobi!" malakas na sigaw ng isang member ng Phantom Knight.
"Asa naman kayong mahahabol ninyo ako." Naghagis ako ng smoke bomb sa iba't ibang parte ng mapa. Bahala silang hulaan kung nasaan ang direksyon ko.
Walong members ng Phantom Knight ang nandito, this is enough para isagawa ang pag-ambush sa kanila. Siguro naman ay sa walong nandito ay isa sa kanila ang Keyholder, kung hindi man, paniguradong dalawa naman na rin ang matitira sa kanila. Hawak na namin ang laro, nabaligtad namin ang plano ng Phantom Knight.
[Orient Crown] Shinobi: Everyone! Pumunta na kayo sa Food park! Knightmare (Noah) and Skorpion (Genesis), stay outside.
[Orient Crown] Knightmare: Hala ka, Captain! Gusto kong sumali sa bakbakan!
[Orient Crown] Nodaichi: Hoy batang pinaglihi sa hito, huwag ka ng umepal. Follow the plan, we need to execute this well.
[Orient Crown] Knightmare: Mama mo.
Ganiyan man ang sagutan ni Noah ay alam ko naman na susunod siya sa plano. Mabilis akong tumatakbo at minaximize ang bawat minuto hangga't hindi pa nawawala ang makapal na usok na bumabalot sa paligid. Ilang bala rin ang muntik tumama sa akin ngunit mabuti na lang at hindi ito tumama dahil hirap din silang masigurado ang location ko.
Tumalon ako pababa ng kalsada.
Gladly, hindi nila na-identify kung saan ako nagtago. Uminom ako ng potion para mapuno muli ang buhay ko.
[Orient Crown] Esquire was eliminated by [Phantom Knight] RedMoon!
Na-eliminate na si Elvis sa laban. Humihingal akong sumilip at ngumisi. Hindi naman masasayang ang pagka-eliminate ni Elvis dahil papunta na rito sila Dion.
Ilang segundo ang makalipas ay sunod-sunod na pagsabog na ang narinig ko sa paligid. I take that as a signal na nandito na sila Rufus. Umalis ako sa pinagtataguan ko at nakita ko na may member ng Phantom Knight ang nagtangkang atakihin si ShadowChaser (Juancho) mula sa likod.
Mabilis akong tumakbo at iniharang ang espada ko upang hindi ito tumama kay ShadowChaser. Sinipa ko ang tiyan nito papalayo and slashed it's stomache. "Nice save, Captain!" sabi ni ShadowChaser at gumamit siya ng skill upang mas mabawasan ng malaki itong si Golek.
Nagpakawala siya ng Ice hail dahilan para mahirapan makagalaw si Golek. "Rufus!" I shouted. Suddenly, Rufus appeared at pinaputukan ng baril si Golek sa ulo, dibdib, at dalawang hita. After that, he gave a final blow sa noo nito dahilan para tumumba sa sahig si Golek.
[Phantom Knights] Golek was eliminated by [Orient Crown] Rufus!
[Phantom Knights] Elsie was eliminated by [Orient Crown] Maliupet!
Napangisi ako dahil sa pagkakataong ito ay hawak namin ang laban na ito. Hinanap ko ang lokasyon ni Ichiyonsan. Mabilis kong namataan na tumatakas siya kasama ang dalawa niyang kasama na sina Fortress at Kakaro.
Sabi ko na nga ba't gagawin nila ang bagay na ito. They are willing to sacrificed few members para mailigtas ang mga mahahalagang members nila. Napanood ko na rin ang ganitong taktika nila sa nakaraang laban nila sa Black Dragon kahapon. They are just committing the same mistake twice.
Ito ang rason kung bakit hindi ko pinapasok si Knightmare at Skorpion sa area. "Ubusin ninyo ang mga kalaban na natitira rito upang hindi sila maka-backup muli!" I commanded at tumakbo. Hinatak ko sina Rufus at ShadowChaser. "Kailangan natin sundan sina Ichiyonsan."
[Orient Crown] Shinobi: Knightmare at Skorpion, tatlong members ang tumatakas mula sa area 2'o clock from my location. Kaya ninyo silang bigyan ng surprise attack?
[Orient Crown] Skorpion: Malapit kami sa area. We will need a backup, mukhang sasalubungin sila ng dalawang members nila na wala sa loob ng Food park.
[Orient Crown] Shinobi: Papunta na kami nila Rufus. Vegas, after you help Nodaichi ay sumunod ka sa amin. Kailangan namin ng tank kung sakaling maipit kami sa clash.
[Orient Crown] Vegas: Sabi ko na nga ba at hindi kayo makaka-survive ng wala ako, eh. Baka Callie 'to.
I rolled my eyes kahit hindi niya man din nakikita. "Yabang."
Nakasunod lang kami sa tatlong members ng Phantom Knights. Hindi kami puwedeng magkamali. Hindi puwedeng masira ang momentum namin. Isang mali lang ay paniguradong mababaliktad nila ang sitwasyon namin ngayon.
"ShadowChaser, paliparan mo sila ng Fireball." Utos ko.
"Cooldown, Captain, 5 seconds." He informed me.
"Once it's ready, shoot it right away."
"Copy." He said.
"Rufus, ready mo 'yong skills mo. Make sure na matatamaan mo sila. Unahin mo 'si Kakaro. Assassin siya, madali mo lang mapipitas iyan." I informed him.
"Yes, Captain." Rufus smirked and stopped running, itinutok niya ang baril sa kalaban at naghihintay na lang kami sa skill ni ShadowChaser.
Napaangat ako nang tingin at nasa mataas na sanga sina Knightmare at Skorpion na ilang metro na lamang ang layo sa amin. Nag-okay sign sa akin si Knightmare noong makita niyang nakatingin ako.
"Ngayon na!" I shouted, bumuwelo si ShadowChaser at nagpakawala ng malaking fireball.
They expected that attack. Huminto sa pagtakbo si Fortress at iniharang ang shield niya upang hindi makalikha ng malaking pagsabog ang fireball. Nagpatuloy sa pagtakbo sina Ichiyonsan at Kakaro.
Since nawala ang atensiyon ng tank nila ay nagkaroon sila ng opening. We should not waste that opportunity. "Rufus!" I commanded. I also play in my violin to enhance his attacks.
"Yes, Captain." Rufus smirked and fire a raging bullet towards Kakaro's direction. May balang tumama sa binti nito at napagulong-gulong ito sa kakahuyan.
"Ako na ang bahala!" Pababa mula sa mataas na puno si Skorpion. He attacked Kakaro na sinundan naman ng scythe attack ni Knightmare.
[Phantom Knight] Kakaro was eliminated by [Orient Crown] Knightmare!
Kita ko ang inis sa mukha ni Ichiyonsan. "Hindi pa tapos ang laban!" He shouted habang nakabantay sa kaniya si Fortress.
Naglakad ako papalapit sa kaniyang direksyon at napahakbang siya papaatras. "Ow, mukhang ikaw ang keyholder sa team ninyo." Nakangisi kong sabi sa kaniya.
"Shinobi!" Dumating pa sa Battlefield sina Nodaichi at Vegas. Napapalibutan na namin sila.
"Nice game, Phantom Knights." We all attacked at once to eliminate them.
"ISANG napagandang laro ang ipinakita ng Orient Crown sa match na ito! They just secured their spot in Grand finals! Ang mga Royals ang makakatapat ng mga dragon sa huling bahagi ng tournament na ito!" Hanz announced.
I removed my nerve gear. Pinagmasdan ko ang dami ng tao na sumusuporta sa amin, nawalan ng lakas ang tuhod ko at napaupo sa sahig habang umiiyak. We made it! Nakapasok kami sa Grand finals.
"Nagawa namin. Nagawa namin." Paulit-ulit kong sinasabi at nakita ko pa sina Oli, Sandro, at mga kaibigan kong players na sumisigaw sa tuwa dahil sa narating namin.
Napatingin ako kanila Mom at Dad. I waved my hand. "Nagawa ko." I said habang pinupunasan ang luha ko.
"Milan!" Tumatakbong lumapit sa akin si Dion habang may luha sa kaniyang mata. Hinawakan niya ang aking kamay at tinulungan akong makatayo. "Natalo natin ang Phantom Knights!" We are both crying at nakakabingi ang sigawan ng mga tao rito sa arena.
Mahigpit akong niyakap ni Dion.
Isang hakbang na lang kami tungo sa inaasam naming tropeo.
"Captain!" Noah shouted at yumakap din sa aming dalawa ni Dion. All the Orient Crown members gathered around at mahigpit namin niyakap ang isa't isa.
Finally! 'Yong pinagpaguran namin ng ilang buwan ay heto ngayon... nagbubunga ng magandang resulta.
"Nice job, guys!" I shouted habang natatawa. "God! Nag-make up ako tapos iiyak pala ako ng malala."
"Abangan natin mamayang hapon ang magiging tapatan ng Orient Crown at Black Dragon sa huling parte ng ating kumpetisyon! Sino nga ba sa dalawang grupo ang hihirangin na season 4 champion? Ang monster Rookie na Orient Crown o ang Champions from Season three?" Hanz hyped the people at nagkaniya-kaniyang sigaw ang mga tao sa arena sa team na sinusuportahan nila.
Nag-bow kami sa mga nanonood at napatingin ako sa Black Dragon na nakaupo sa bandang harapan. They are all seriously looking to us.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Choji.
This will be the final battle in this tournament. Royals against the Dragons.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top