Chapter 150: Before the War

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

MALAYO pa kami sa MOA arena ngunit ang dami ko nang nakikita na mga tao na tumutungo sa venue. Some are wearing a Black shirt to support Black Dragon, gray for Phantom Knights, while Yellow for Orient Crown. Mas magarbo rin ang disenyo ng buong mall dahil grand finals na ngayong araw. May mga banners na mukha naming players, may mga lobo, may light stick pa nga na para bang kpop group ang panonoorin nila.

Pinakakinilig ako noong makita ang tarpaulin naming Orient Crown na kung saan nakalagay ang mga mukha namin. Pinicture-an ko nga ito at in-IG story ko lang na may caption na 'Grandfinals day!' Wala pang ilang segundo ay inulan na ako ng good luck messages from fans.

Habang umiikot na kami para makapunta sa likod na bahagi ng arena ay napakahaba na ng pila papasok sa entrance. Mula sa silhouette ng kurtina ng bus ay nakita kong kumaway ang ibang mga tao noong makita ang sinasakyan namin. Gusto kong mag-hi back pero utos ni Sir Theo na huwag daw kaming mag-e-entertain ng mga tao sa pila. Baka raw magkaroon ng stampede dahil sa biglaang kumpulan which is naintindihan ko naman dahil ang lala talaga ng dami ng tao.

May mga media rin na nagre-report para sa mga morning news nila.

"Ganito ba talaga ka-big deal ang Grand finals?" Tanong ko sa sarili ko. I mean napanood ko naman 'yong season 3 sa TV pero ibang level 'yong hype niya sa actual.

"Ito ang pinakamalaking esports game sa Pinas ngayon. Talagang maraming pupunta." sabi ni Dion sa tabi ko.

Pumoposisyon na 'yong bus para makadaan kami sa backstage. Kahit sa backstage ay may mga nakaabang na fans.

Nagsitayuan na kami para kuhanin ang mga gamit namin. "Ilapag ninyo lang muna 'yong gamit ninyo sa assigned room sa atin tapos dumiretso na kayo sa rehearsal para sa opening." sabi ni Sir Theo. "Milan, any words for your team mates?"

"Oo nga, Captain, motivate mo naman kami!" sumbat pa ni Larkin.

"Tse!" natawa sila sa reaksiyon ko. Huminto sila sa mga ginagawa nila. "Oh my God, naghihintay talaga kayo ng speech?"

"Ay wala na akong gana maglaro, 'di ako minotivate ni Milan." Epal ni Kaizer.

"Buwisit." I sighed. "Pero gusto ko lang din magpasalamat sa inyong lahat dahil sa friendship na build up natin. I know, hindi naman ito ang huling tournament na magkakasama tayo pero masaya ako sa layo ng narating natin. We reached this far already, ano ba naman 'yong extra push sa mga sarili natin para makamit ang championship, hindi ba?" Hindi ko nga alam kung namo-motivate sila sa sinasabi ko dahil feeling ko ang sabaw ng lumalabas sa bibig ko (nahahawa na ako kay Dion na lutang sa umaga).

"Basta sa mga match na natitira ngayong araw. Ibigay na natin lahat. Proud ako sa inyo, always." They all smiled at inilatag ko ang kamay ko. "Be bold,"

Ipinatong nila ang kamay nila. "Gold!" We shouted at malakas na tumawa.

Nakangiti lang si Coach at Sir Theo sa amin. "Naaalala ko 'yong kabataan namin sa inyo."

"Gago ka, Theo, 'di naman tayo ganoon katanda." Pang-aasar ni Coach Russel.

Binuksan na 'yong bus at malakas na sigawan ng mga fans ang narinig namin. Grabe, may mga barrier at mga guards na rin ang uma-assist para ligtas kaming makapasok sa loob.

Bumuntong hininga ako at nanguna papasok sa backstage. Since may barrier naman at guards ay kinawayan ko ang mga tao na naghintay sa amin backstage. I mean, hello, ang effort nila na pumunta ng ganito kaaga para lang makita ang mga players na lalaro. May mga nag-good luck sa amin at may mga nag-aabot ng gifts na si Sir Theo ang kumukuha.

As we entered the backstage. Grabe ang aligaga ng mga tao. May mga performers na nag-aayos ng costume at make-up. May mga lights na sine-setup sa mismong arena. One word, aligaga ang lahat.

"Padiretso na lang po sa arena for rehearsal!" A staff shouted at inilagay na namin ang mga bag namin sa room namin.

"Magdala pa ako ng tubig?" Dion asked me.

"Oo, baka matagalan 'yong practice." sagot ko sa kaniya at kinuha niya ang malaming tumbler bago kami tumungo sa mismong arena.

Pagkaapak ko pa lang sa arena ay wow. Namangha na ako sa nakita ko dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito kagarbong setup for a grand finals. Literal na nanlamig ang kamay ko sa kaba dahil sa venue. Partida, empty venue pa ito dahil wala pang audience pero sabi ni Callie ay mapupuno daw talaga itong MOA arena kapag ganitong finals.

15,000 ang capacity nitong MOA arena pupunuin ng mga fans ng Hunter Online. Partida, may mga team labas at team live stream pa na hindi naka-secure ng tickets. "Picture-an mo ako mamaya, Captain." Narinig ko pang sabi ni Noah sa akin.

Natawa si Dion. "Kay Milan ka pa talaga magpapa-picture? Nakita mo na ba 'yong photography skill niyan?"

Inirapan ko siya. As in lahat ng friends ko ay ayaw nagpapakuha ng litrato sa akin dahil madalas daw ay blurred, malabo, mas focus sa background, at 'di sanay umanggulo ng kuha. Aba! Kasalanan ko bang pangit talaga ang mga camera ng phone nila?

"Alam mo basher ka." Reklamo ko sa kaniya.

Mabilis lang ang naging rehearsal dahil positioning at lakad-lakad lang naman ang ginawa namin. Pinaka na-wow ako sa opening performance, may mga artista silang nakuha na mag-perform at dancers daw na nag-compete international.

Noong bumalik kami sa backstage ay naharang ako ng mga vlogger for their interview. "Ngayon naman ay kausapin natin ang nag-iisang queen ng Hunter Online." Pagsasalita ni Leon sa harap ng camera. I know him kasi isa siya sa mga streamers na nanonood ng live ko minsan.

"OMG, pawis ako." Tinakpan ko pa ng kamau ko 'yong mukha ko dahil sa pawis.

"Okay lang 'yan, ako na nagsasabi sa inyo guys, kahit walang make-up ay napakaganda ni Milan." sabi niya sa vlog niya. "So may few questions lang kami sa 'yo, okay lang ba?"

I checked the backstage at mukhang may short break naman. "Puwede naman, ano ba 'yong itatanong mo sa akin

"Very quick lang naman, anong masasabi mo sa mga normies na wala naman daw tayong makukuha sa paglalaro?" he asked.

"Wait on the spot. Pag-isipan ko lang," natatawa kong sabi kay Leon at nag-isip ng mga hanggang 30 seconds, siyempre, I need to choose my words.

"Hmm... hindi naman din natin sila masisisi kung ganiyan ang iniisip nila sa atin kasi hindi sila involve sa gaming community, 'di ba?" I explained and he nodded. "Those normies think na walang nangyayari sa buhay nating mga players, streamers, and fans kasi hindi nila alam ang kalakaran sa mundo natin. What I can say is normal na reaction siya pero kung gusto ninyo kaming maintindihan, you can enter our community and doon kayo maliliwanagan." Pagkausap ko sa camera.

"How about the bashers? May nangba-bash ba sa isang Queen ng Hunter Online? May message ka ba sa kanila?" Tuloy pa ni Leon.

"Kailangan ba sila bigyan ng message, bina-bash nga nila ako?" I jokingly said at natawa si Leon. "Chika lang, well for my bashers or the Orient Crown bashers... thank you sa inyo. Hindi ninyo alam kung gaano kami minotivate ng masasakit ninyong salita, you helped us to improve. So thank you pa rin, we will give you a good match huwag kayong mag-alala."

Pinatay na ni Leon ang camera at nagkuwentuhan kami saglit. He said that he is cheering for us at fan na fan siya ng mga stream ko. Thankful naman ako kasi ang nice din naman ni Leon.

Pagkarating ko sa backstage ay nakaupo lang sila Noah at nanonood ng live stream sa wall TV na kung saan nag-uusap-usap ang mga analyst sa ano ang posibleng mangyari sa match ngayong araw. Para siyang open forum ng mga sikat na gaming analyst (kuno) sa ano 'yong prediction nila.

"Sino sa tingin ninyo ang magtatapat sa grand finals? Kasi 'di ba maglalaban pa ang Phantom Knights at Orient Crown sa kung sino ang makakatapat ng Black Dragon? Ano 'yong possible result nitong match between Orient Crown and Phantom Knights?" Tanong ni Rustine na isa sa main host ng stream.

"Hmm... for me PhantomKnights ang mananalo. Hindi natin puwedeng maliitin ang consistency nila sa mga tournament at nakita ninyo naman, natapatan nila kahapon ang Black Dragon. Siguro na-polish na nila 'yong mga errors nila para matalo ang Orient Crown." Sabi ni Calvin.

"Sows, favoritism, kaibigan niya kasi 'yong mga players ng Phantom Knight." Sabat ni Liu na kasalukuyang nagkakape. Akala niya naman ay naririnig nila 'yong mga pinagsasabi niya.

"Ako for me, Orient Crown. Tinalo nila ang Daredevils! Daredevils iyon! They sent the Daredevils in fourth place. Feeling ko may laban ang Orient Crown." Sagot ni Sheila sa kaniya. Kaya alam ko ang mga pangalan nila ay dahil sa mga nametag na suot nila.

"Mismo! Ganiyan ang mindset!" sagot na naman ni Liu.

"Luh, namatay ka nga agad sa match, akala mo talaga tumagal siya sa laban." Sagot naman ni Larkin sa kaniya kaya bahagya kaming natawa.

"Gago kasi si Thaddeus, malay ko bang makakasalubong ko sila." sagot ni Liu.

"That is just because of the Holy Black Cape ni Milan. Kung wala iyon ay paniguradong talo ang Orient Crown sa match na iyon." Sagot ni Calvin sa kaniya.

"It's part of the gane, wala namang restriction ang tournaments na bawal gumamit ng mga special items na nakukuha sa game. Parte siya ng plano ng Orient Crown." Sagot ni Sheila sa kaniya.

"Mukhang nagkakainitan ang mga kasama natin dito, ah." Natatawang sabi ni Rustine.

As in grabe 'yong gaming analysis nila about sa players and 'yong possible strength and weaknesses namin. Noong tinanong sila kung sino ang magwawagi sa season na ito ay karamihan ng analysts ay sinagot ay Black Dragon. Hindi pa rin daw nawawala ang lupit ng mga moves ng Black Dragon. Ang ranking nga sa prediction nila ay first ang Black Dragon, Second ang Phantom Knights, at kami ang third place.

God, kapag talaga hindi nasunod 'yang predictions nila ay babalikan ko sila isa-isa.

"Nandiyan na raw mga kapatid mo.. nag-chat sa akin si London." sabi ni Dion sa akin.

"Ay wow, buti ka pa ay ina-update ni Kuya." Buwisit talaga si Kuya London.

"Ako na yata ang kapatid hindi na ikaw." sagot ni Dion sa akin. "Gusto ko na matapos 'tong araw na ito. Gusto ko na makahinga ng maluwag."

"Same! Huling kaba na natin ngayon at pagkatapos nito ay free na ulit tayo." sagot ko sa kaniya. I mean, kailan ba kami lumabas ni Dion na nag-date talaga? Hindi ko na maalala, masyado kaming focus sa mga matches, eh.

"Anong una mong gagawin after this match?" tanong ni Dion sa akin.

"Hmm..." maigi akong nag-isip. "Gusto ko lang kumain nang kumain." Mahina ko siyang hinampas sa kaniyang braso noong may naisip akong magandang idea. "Let's have a picnic tonight! Sa may playground malapit sa boothcamp. Alam mo 'yon, mini celebration na tapos na ang ang stress natin for this season."

"Malamok doon." sagot niya sa akin.

"Magdala na lang tayo katol."

Hindi ko talaga gets 'yong mga movies na nakakapag-picnic ng gabi ng walang katol! Hindi ba sila pinuputakte ng kagat ng mga lamok? Kaya importante talaga sa mga picnic dates... katol or anything pamatay lamok.

Maya-maya lamang ay may pumasok na mga makeup artist sa loob ng backstage. Sabi ni Sir Theo ay kailangan daw kami ayusan dahil posibleng lumabas itong balita na 'to kung saan-saan at para presentable kami sa grand finals.

I mean, walang problema sa akin iyon dahil gustong-gusto ko rin naman na inaayusan ako. Saka okay na 'yong may makeup artist kaysa naman nagsasariling sikap ako. Atleast dito, alam nila kung paano ako magmumukhang maayos sa screen.

Isa ako sa unang sumalang kasi nga matagal akong ayusan– you know, babae. As the hairdresser and makeup artist check my face. "Ano bang peg mo today?" They asked.

"Gusto ko 'yong natural look lang and 'yong hindi ako magmumukhang maldita because of my strong features. Saka sana matakpan 'yong mga tigyawat ko kahit sa camera lang." Sinabi ko talaga 'yong gusto kong mangyari para may idea sila. Saka 'di naman din karami ang tigyawat ko. Sadyang may mga nagsusulputan lang na pimples dahil ilang araw kulang sa tulog at stress sa pagpaplano ng mga tactics.

"Beh, wag ka na kaya mag-make-up kung gusto mo natural lang." biro  niya sa akin. "Charot lang, gets ko na 'yong style na gusto mo. How about sa hair? Kulot o lagyan natin ng extension para pak! Awra! Laban na laban!" she suggested.

"I think hair extension na." Sagot ng hair dresser. "Biglain natin sila as the only female player of this tournament. Pero ikaw, Milan, keri mo ba? Baka mas bet mo 'yong short hair."

"Hmm..." pinag-isipan ko ito saglit kasi naman... ang init sa likod kapag mahaba ang buhok tapos hawi pa nang hawi. Pero naisip ko rin, special event din 'tong tournament sa buhay ko. Saka para ma-imagine ko rin ang sarili ko kung babagay ba sa akin ang long hair. "Sige, pero huwag ninyo na lang din ipusod baka ang uncomfy kapag naglaro na kami."

Nagsimula silang ayusan ako at hindi naman daw sila nahirapan sa akin lalo na't alam ko ang gusto ko at ayaw ko kung kaya't magaan daw ako katrabaho (glad to hear na hindi ako tunog demanding). Pinakanatagalan nga lang ay sa hair extension dahil mano-mano pa siyang kinakabit. Akala ko nga ay aabutan na kami ng opening na hindi pa siya natatapos pero luckily ay madami silang nagtulong-tulong.

"Nagpapapasok na raw sa venue." sabi ni Larkin pagkapasok ng room namin. Nakaramdam na ako ng kaba dahil mula rito ay may naririnig na akong mga sigaw sa arena. Tiningnan ako ni Larkin sa salamin at nagtama ang mata namin. "Wow, ano 'to? Debut mo?" Biro niya.

"Epal ka, Oppa!" reklamo ko at tumingala ako noong inayusan ako sa mata.

"Joke lang. Bagay sa 'yo! Mas mukha kang approachable sa look mo ngayon." sabi niya. Kahit siya ngayon ay tapos na ayusan, Larkin have a red hair color. He have this classic fade hairstyle (according to him) at may hikaw na itim na naka-magnet sa kanang tainga niya. Light lang din ang make-up niya pero ang strong na kasi ang features ni Larkin kung kaya't ang lakas ng dating. "E 'di hulog na hulog na naman 'yong boyfriend mong hilaw sa 'yo?" tanong niya.

"Hindi pa nga sila nadadaan dito, eh." Natatawa kong sagot dahil sa kabilang room sila inayusan para raw mabilis.

"Mababaliw na naman sa 'yo 'yon, pustahan." Natatawang sabi ni Larkin at umupo sa couch habang nagse-cellphone.

Matapos makabit ang lahat ng hair extension ay kinulot naman nito ang bandang dulo ng buhok ko. Ang weird makita ang sarili ko sa mahabang buhok pero ang refreshing din niya, siguro ay matutuwa si Mom na makita ako dahil ilang beses niya akong pinipilit na magpahaba ng buhok so I might consider this look in the future. (Kung mawawala ang extreme init sa Pinas).

Shannah:
Bakla!!! Nakapasok na kami! Ang daming tao! Juskolord, EXO ba makikita ko at punong-puno ang arena ngayon?!

Milan:
'Yong friend mong maganda lang makikita mo.

Shannah:
Letse ka! Pero excited na ako makita kayo lumaro huhu! Galingan mo, manalo-matalo mangongopya pa rin ako assignment sa 'yo. ✌️

Milan:
Gaga. Nandiyan sila Mom?

Shannah:
Oo 'te, malapit sa seats namin. Hulaan mo kung sino katabi?

Milan:
Sila Kuya? Or family ni Dion?

Shannah:
Malii!! E 'di 'yong dalawang paboritong anak. Si Oli at Gavin. Napakalakas sumipsip ng magkaibigan na 'to.

Milan:
Itutumba ko na talaga 'yan next time. Sila na lagi hinahanap haha!

Shannah:
Sige na! Makikipag-away pa ako sa twitter ng mg namba-bash sa inyo. Good luck! I love you! 💕

Ibinaba ko na ang phone ko dahil fifteen minutes na lang ay magsisimula na ang match. The makeup artist and the hairdresser do a final touch on my look bago nila ako pinaharap sa vanity mirror. And wow, that last time na nakita ko ang sarili ko na ganito kaayos ay 'yong nag-photoshoot kami ni Thaddeus para sa Realme na phone.

"Captain, ikaw ba 'yan?" tanong ni Noah na kakapasok lang sa room namin. "Ganda mo. Mukha kang artista."

"Chika mo." Naiiling kong sabi.

Parang lahat yata ng mga pumasok sa room ay cinompliment ang hitsura ko ngayon. Chika ng mga to! "Milan, tawag ka sa labas, interview-hin ka raw." Sabi ni Liu na kapapasok lang sa room. Kumapit pa siya sa pader na parang nawalan ng balanse. "Naks! Wala na, buo na naman araw ko. Nakita na naman kitang mukhang tao."

"Epal." reklamo ko sa kaniya na tinawanan niya lang.

Lumabas ako and PROMISE! ang weird na nasa akin ang mata ng ibang tao kahit 'yong mga nagtatrabaho backstage ay napapatingin sa akin. God, maling desisyon pala na nagpaayos ako ng ganito, ang weird sa pakiramdam.

As I headed sa interviewer, mukhang galing sa isang TV station. Ini-interview nila si Dion. Naka-standby ako behind the camera pero napatigil si Dion sa pagsasalita noong mapatingin siya sa akin. My brows crunched. "Go, tuloy mo 'yong sinasabi mo." Natatawa kong sabi sa kaniya.

"Nakaka-distract ka, eh." Sabi niya at nag-pan sa akin ang camera. Iniling ko ang kamay ko para mabalik kay Dion ang pagkuha. "Ang ganda mo by the way, ano na nga pong sinasabi ko..." he chuckled and continue to discuss.

After Dion, ako naman ang in-interview. Common questions lang regarding sa paglalaro and how Hunter Online changed our lives. May talent manager (iyon yata ang tawag) ang ibinigay sa akin ang contact details niya dahil may potential DAW ako maging artista.

God, never, paggawa na ng commercial ang pinakanakakahiyang ginawa ko sa career ko. Patida, ilang sequence lang 'yon pero ang tagal kinuhanan dahil ang dalas kong magkamali. Hindi ako puwedeng maging TV personality, baka matawa lang ako lagi habang nagde-deliver ng lines. Ang babaw pa naman ng kaligayahan ko.

After that, pinapila na kami sa backstage dahil papasok na kami sa main stage.

Ang mangyayari, may tatlong parang path papunta sa center stage at doon kami dadaan ng Phantom Knights at Black Dragon.

Black Dragon sa center dahil sila ang may secured spot sa Grand finals habang kami ng Phantom Knights sa magkabilang side. Habang nakapila ay tanaw mula rito ang daming bilang ng tao ang nanonood sa match. Grabe din 'yong sigawan, mas malakas kaysa sa mga nakaraang araw.

Tumalon-talon ako para mawala ang kaba ko. Sogurado akong magugulat sila Kuya kapag nakita ako bigla sa screen dahil sa looks ko.

Nagkaroon ng opening performance ang MNL48 (girl group daw sa bansa) at pinerform ang River. Everyone is clapping and shouting as they opened the show. Grabe, tama nga si Shannah, parang concert nga ang opening dahil ang daming artists na nag-perform.

'Yong effects din sa stage, may mga apoy at smokey effect. Mas malaki ang LED TV ngayon kaysa noong mga nakaraang araw. Ang pinaka-highlight ay ang pgpasok ng trophy na nakapuwesto sa center stage. Ngayong araw, isa sa aming tatlong teams ang mag-uuwi ng tropeo na iyon.

"Please welcome on our stage, the remaining teams of Season four tournament!" Hanz announced. Bumukas na ang pinto at nangunguna akong naglakad papasok.

Sa gitna ay pinapangunahan ni Choji na leader ng Black Dragon at sa kabilang side ay si Kurt na pinapangunahan ang Phantom Knights. The moment na nag-appear kami sa camera ay malakas na nagsigawan ang mga tao. Seryoso akong nakatingin (utos ng stage director) sa dinadaanan ko.

Nakita ko pa si Kuya London sa hindi kalayuan. "Puta ano 'yan?!" He mouthed habang kinukuhanan ako ng video.

May mga fire display na lumabas sa stage habang naglalakad kami at pumuwesto sa center stage katabi ang ibang teams. May mga nagbagsakang confetti. "Isang buong season na naman ang dumaan sa Hunter Online! Ngayon, nandito sa harap ninyong lahat ang top three strongest teams for this season– Orient Crown, Black Dragon, and Phantom Knights!"

Malakas na nagsigawan ang mga tao at may mga kaniya-kaniyang banner sila na hawak para sa sinusuportahan nilang team.

"Puputulin pa ba natin ang hype na ito? Siyempre hindi na natin ito patatagalin!" Hanz announced. "Ngayon ay sisimulan na natin ang match sa Lower bracket: Orient Crown Versus Phantom Knights!"

Pumuwesto na kami sa kaniya-kaniya naming inclining chair. Inabot ng isang staff ang mga nerve gear namin.

Pumaikot muna kaming participating players sa match. I looked into their eyes at kitang-kita ko na gusto nilang manalo ngayong araw. "Let's win this. Be bold,"

"Gold!" They answered.

Isinuot na namin ang mga nerve gear namin at nagsimula ang lban namin sa Phantom Knights.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top