Chapter 148: Orient Crown VS. Daredevils V

My next update will be on Monday.

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

HABANG tumatakbo kami nila ay kataka-takang walang pag-atake o mga biglaang fireball ang bumubulusok sa aming direksyon. Makikita sa paligid ang epekto ng nangyayaring labanan. Sira-sirang establisyimento, wasak na mga bahay, mga apoy na likha ng mga pagsabog, at mga alikabok na hinahangin mula sa mga debris.

Nangunguna sa pagtakbo si Vegas dahil siya ang pinakamakunat sa amin. "Wew, mukhang may nilulutong plano si Zero kaya wala tayong na-e-experience na mga pag-atake ngayon, ah." Sabi niya.

Knowing Thaddeus na isa sa mga pinakamatatalinong player na nakilala ko, posible nga ang sinabi ni Vegas. Ang dapat naming gawin ay maging handa dahil baka ano mang minuto ay may biglaang umatake sa amin.

Delikado ang sitwasyon namin dahil nasa open-space kami, puwedeng-puwede nila ma-obserbahan o makita kung nasaang lokasyon kami ng mapa. "Kung may biglaang pag-atake ay tiwala naman ako sa reflexes mo, magagawa mo naman kami protektahan agad."

"Ako pa." nakangising sabi ni Vegas at lumiko kami sa kanang bahagi ng kalsada. Halos isang kilometro na lamang ang layo namin sa Cathedral. I just wish na ligtas din sila Nodaichi na makarating dito, kung ma-e-eliminate pa silang dalawa sa laro ay mas malalagay kami rito sa alanganing sitwasyon.

As I checked the role of our remaining players ay wala na kaming mage at fighter. Support ako, Tank si Callie, Core si Dion, at Assassin naman sina Larkin at Genesis. Lugi kami sa damage. Limitado lang ang mga combo na magagawa namin.

Pero tiwala ako sa kanila. I mean, sa ilang buwan kong pagiging professional player ay nakita ko kung gaano kagaling ang mga taong ito kahit noong nasa Battle Cry pa kaming dalawa ni Dion. We can win this, tiwala ako sa mga kasama ko.

"Rufus, unahin mo muna 'yong mga kalaban na madali mapipitas. Paniguradong hindi mo malalapitan si Zero at dalawang kasama niya. Mas safe kung ie-eliminate na muna natin 'yong mga damage takers." Paliwanag ko sa kaniya. "Let me analyze the whole scenario para malaman ko kung sino ang keyholder sa kan—"

"Iwas!" malakas na sigaw ni Rufus he grabbed my wrist at pilit na pinayuko. Vegas on the other side, he quickly smashed the ground para may mga batong humarang sa amin at mas maiwasan ang malaking pinsala.

Agad akong kumuha ng smoke bomb sa inventory ko at pinakalat sa area para mabalutan kami ng makapal na usok. "Takbo, takbo!" mahina kong sigaw at inalalayan ako ni Rufus na makatakbo papaalis.

Habang tumatakbo kami ay nabigla kami noong may isang assassin ang tumatakbo tungo sa direksyon ko. I am the support sa aming tatlo at ako ang pinakamadaling pitasin.

[Daredevils] Cross Thief
Level: 82
Class: Dark Assassin

Using his claw, he dashes toward my direction and about to strike his both claws. Mabuti na lamang at nagawa ni Rufus na paputukan siya ng baril dahilan para bahagya siyang mapaatras at mapatigil sa pag-atake. Nanguna si Vegas upang maprotektahan kami dalawa. Dali-dali akong kumuha sa inventory ko ng healing potion at ininom ito. Damn, iilang potion na lang ang mayroon ako.

Dahil sa ginawang pagpapaputok ng baril ni Rufus ay natunugan siguro nila Zero ang posisyon namin A raging dark orb is heading towards our direction. "Shit, hindi natin 'to maiiwasan." Reklamo ni Vegas.

He immediately created a barrier that will protect us from the explosion of the dark orb. Habang ako ay pumosisyon at binuff ko ang magic defense namin. Biglang sumabog ang dark orb at nakakabingi ang pagsabog na likha nito.

Napakalakas ng hangin na sumasampal sa amin na may mga kasamang debris at ilang mga bato. Nakikita ko rin na unti-unting nababasag ang barrier na ginawa ni Vegas. Muntik rin akong mawalan ng balanse ngunit mabuti na lamang at naalalayan ako ni Rufus.

Pinagmasdan ko ang health bar namin na unti-unting nababawasan dahil sa impact. Ilang segundo nagtagal ang pagsabog at nabasag ang barrier na ginawa ni Vegas. Tumilapon kami sa mga kalapit na kabahayan at ramdam ko ang sakit ng likod ko sa pagtama sa mga bato.

Masuwerte pa kaming nabuhay sa skill na iyon.

I checked my health bar at sigurong isang hit na lang ako ay mae-eliminate na ako sa laro.

Ramdam namin ang pagdagundong ng lapag dahil sa impact ng pangyayari. Akmang iinom na ako ng healing potion noong tumatakbo tungo sa direksyon ko si Templar. Nakatutok ang spear niya sa akin. Sinubukan kong makatayo pero nakabaon ang paa ko dahil nabagsakan ng ilang bitak ng bato.

God. This is bad.

I am about to accept my fate noong may biglang sumangga sa atake ni Templar—si Nodaichi. "Long time no see, Captain." He smirked as he looked into my direction for a couple of second pero bumalik din siya sa pakikipaglaban kay Templar.

I took that opportunity para matanggal ang mga nakadagan na bato at makaalis sa puwesto ko. Mabilis akong naghanap ng puwedeng pagtaguan at nagtago ako sa likod ng isang sirang bahay. Uminom ako ng healing potion upang mapuno ulit ang buhay ko.

Okay, that's my last healing potion. Do or die na ang sitwasyon ko ngayon.

Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at nakita ko na nakikipaglaban sina Nodaichi at Skorpion kay Cross Thief at Templar. Si Vegas at Rufus naman ay nakikipaglaban kay Leesha na fighter rin sa kabilang team.

As I watched the situation ay hindi ko maiwasang manginig dahil sa kaba. Ano mang oras ay malalaman na namin kung sino ang mananalo sa labanang ito. Unti-unting nawawala ang makapal na usok na bumabalot sa paligid.

Nakita ko si Zero na nakaupo sa malaking tipak ng bato habang nakabantay sa kaniya si Beezlebub (tank nila) at nasa likod niya si Lost_Scroll na kanilang mage (Si Lost_Scroll ang gumagawa ng mga fireball kanina pa). As soon as Zero looked into my direction, he raised his right hand to say hi na mabilis niya rin namang ibinaba.

Nakita kong pinagmamasdan ni Zero ang buong paligid. Sa puntong ito ay alam kong inaalam niya na sa amin kung sino ang keyholder. I mean, crucial na ito na parte ng kumpetisyon dahil nagkakaubusan na kami ng healing potion at nauubos na rin ang mga smoke bomb na ginagamit namin sa pagtakas.

Mabilis akong lumapit sa direksyon nila Nodaichi para tulungan sila. "Fuck being support." Itinago ko ang violin ko. Mahigpit ang hawak ko sa violin bow hanggang sa naging espada ito. Akmang kakalmutin ni Cross Thief si Skorpion ngunit mabilis kong sinangga ang kaniyang atake.

Skorpion use that opportunity at yumuko. Using his dagger ay sinaksak niya sa tagiliran si Cross Thief dahilan para mapasigaw ito at humina ang depensa niya. As soon as nakahanap ako ng opening ay mabilis ko rin siyang hiniwa sa tiyan.

"Captain, back up!" Sigaw ni Nodaichi at napatingin ako sa kaniya dahil mauubos na ang kaniyang buhay dahil sa sunod-sunod na atake na ginagawa sa kaniya ni Templar.

I scanned the area at nakita kong magpapakawala na naman ng fireball si Lost_Scroll. Inilabas ko ulit ang violin ko at sinimulan magpatugtog upang mapataas ang magic defense ng lahat. "Vegas!" sigaw ko.

Nakuha ko ang atensiyon ni Callie. He immediately run forward and smashed the ground. May mga batong humarang upang masangga ang fireball. Luckily ay mabilis ang naging pagkilos ko at pagkilos ni Callie at hindi naging ganoon kataas ang naging damage sa lahat.

Napatingin ako muli kay Nodaichi. He immediately kicked Templar dahilan para mapaatras ito. I switched again from being support to fighter para sanggahin ang gagawin niyang pagsugod kay Nodaichi.

Nodaichi used that opportunity para makainom ng healing potion. Humihingal na ang lahat dahil sa mga nangyayari.

As in nagbabatuhan na ng skill ang lahat na ginagawa ang kaniya-kaniyang best para manalo ang kaniya-kaniya naming team.

[Daredevils] Cross Thief was eliminated by [Orient Crown] Skorpion!

"Nice one, Batang walang energy!" malakas na sigaw ni Nodaichi. Okay, pantay na lamang kami ng Daredevils dahil parehas na kaming may tiglimang members na natitira sa battle field. Kaya pa. Kaya 'to, may tiyansa kaming manalo.

Mabilis na bumalik si Vegas para protektahan si Rufus.

Hinagis ko ang natitira kong smoke bomb upang mabalot ng makapal na usok ang paligid. Agad kong inakay si Skorpion patungo sa pinagtataguan ni Nodaichi.

"Wala na akong healing potion." Sabi ni Skorpion sa amin.

"Mayroon pa ako." Nodaichi immediately request a trade to Skorpion at binigyan ng dalawang healing potion.

"Halos mangalahati na ang buhay ni Vegas. Hindi niya na kakayanin na i-defense si Rufus kapag nagkataon." Sabi ko sa kanilang dalawa. Hindi puwedeng mawala sa isip namin na kahit tumatangke sa amin si Callie ay siya pa rin ang keyholder namin. "Kailangan gumawa na tayo ng action para malaman ang keyholder nila." Mahaba kong litana.

"But how?"

"We need to sacrifice someone na makakalapit kay Zero. In that way ay mao-obserbahan ko ang ikikilos ng mga kasama niya." Paliwanag ko. "We need to know kung si Zero ang Keyholder nila."

"Paano kung hindi?" Nodaichi asked. "Magsasayang ka lang ng isang member natin, mas maaagrabyado tayo sa sitwasyon."

Malakas na pagsabog ang aming narinig at mabilis kaming tumakbo papalayo sa aming pinagtataguan. Umupo muli kami. "If we will not take risk, mas mahihirapan tayo."

Ilang segundo na tumingin sa akin sina Nodaichi at Skorpion. Nodaichi sighed. "Ako na. Mas magaling na assassin sa akin si Skorpion, mas kaya niyang tumagal sa battle field."

"I will not let you down." Tumango ako sa kaniya.

"Tiwala ako sa 'yo, Captain." Sabi ni Nodaichi sa akin ang offered a fist bump. "Manalo o matalo, masaya ako sa ipinakita nating laro. Alam kong ibinigay natin lahat."

Nakipag-fist bump ako kay Nodaichi. "We got this." I informed him.

Mabilis na tumakbo si Nodaichi patungo sa direksyon ng mga kalaban. Ako naman ay iniwan na rin si Skorpion at umakyat sa ikalawang palapag ng sirang bahay. In this way ay mas mao-obserbahan ko ang nangyayari sa paligid.

Nagulat si Rufus at Vegas sa ginawa ni Nodaichi pero nagpatuloy pa rin sa pakikipaglaban.

Iniwasan ni Nodaichi ang mga skills ng kalaban. Diretso siyang tumatakbo sa direksyon ni Zero.

Hindi natinag si Zero at nakatingin lang sa kaniya. Lost_Scroll shoot a fireball but Nodaichi easily dodged it. Noong makarating siya sa direksyon ni Zero ay doon lang ito kumilos. A four spinning blade float behind his back.

He swing this spinning blade towards Nodaichi's direction. May isang tumama sa kaniya ngunit hindi nagpatinag si Nodaichi. Nagpadausdos siya sa mabatong daan. He immediately slashed Zero's leg. Ngumisi si Nodaichi noong magawang niyang maatake si Zero.

"Game over." Sa sinabing iyon ni Zero ay gumamit na siya ng skill. The four spinning dagger orbits around her and each fires an upward laser. It deal a huge damage to Nodaichi.

Sinundan pa ito ng skill ni Lost_Scroll dahilan para tuluyan maubos ang buhay ni Larkin sa health bar.

[Orient Crown] Nodaichi was eliminated by [Daredevils] Lost_Scroll!

Isang announcement ang dumagundong sa paligid at lahat kami ay napatigil.

Tumayo si Zero at humakbang papaalis sa kinatatayuan niya. "Nice game, Orient Crown. Oras na para tapusin ang larong ito. 'Di ba, Vegas?" Tumingin siya sa direksyon ni Vegas. "Gumagaling na ako, wala akong nakuhang reaksiyon mula sa iyo Rufus. But I saw Skorpion flinched and that just confirm na si Vegas ulit ang keyholder ng grupo ninyo."

Bumaba ako mula sa pinagtataguan ko at ngumiti rin ako sa kaniya. "Akala mo rin ba ay hindi ko malalaman na si Lost_Scroll ang keyholder sa inyo?" tanong ko naman sa kaniya.

As I observed everything a while ago. Ang unang akala ko ay si Zero ang Keyholder nila pero noong makita ko ang ekspresiyon ng mga kasama niya ay tumatagos ang mga tingin nito kay Lost_Scroll, mas binabantayan nila ang health bar ni Lost_Scroll kaysa kay Zero.

"Mas hawak namin ang laro." Bigla siyang tumakbo tungo sa direksyon ni Vegas.

Mabilis din ang ginawa naming pagkilos ni Skorpion upang protektahan si Vegas. "Heal lang ako!" sigaw ni Rufus, tumango ako sa kaniya at humakbang siya papaatras para makapagtago.

Noong akmang aatakihin ni Templar si Rufus gamit ang kaniyang spear ay mabilis ko itong sinalag. Skorpion immediately kicked his legs dahilan para mawalan siya ng balanse.

"Shit!" sigaw ni Vegas, he used his hammer to smashed the ground at may mga batong umangat para mapigilan ang paglapit ng ibang members ng Daredevils. Mabilis lang itong iniwasan ni Zero. Nakatutok na ang mga blades sa direksyon ni Vegas.

"Skorpion!" Malakas kong sigaw.

Mabilis na sumunod sa akin si Skorpion. Siya ang humarang sa atake ni Zero at malakas na sinipa ang tiyan ni Zero para mapaatras ito kahit papaano.

Hindi nakakilos si Skorpion dahil sinundan ni Lost_Scroll ng fireball ang atake ni Zero. Instead of dodging it, Skorpion sacrificed himself para hindi ito tumama kay Vegas.

[Orient Crown] Skorpion was eliminated by [Daredevils] Lost_Scroll!

Mabilis kong itinusok sa dibdib ni Templar ang espada ko bago pa man siya makabangon.

[Daredevils] Templar was eliminated by [Orient Crown] Shinobi!

"Nice game, tapos na ang labang ito." Sabi ni Zero. Nanguna ang tank nilang si Beezlebub na ibinagsak ang shield niya sa sahig. May chain na gumapang sa paanan ni Vegas dahilan para hindi siya makagalaw.

Akmang tatakbo ako tungo sa direksyon ni Vegas noong maramdaman ko ang malamig na hangin na dumaan sa aking tapat. Nauna na si Zero sa akin.

The spinning blader spin around Zero at may mga kuryenteng lumabas mula rito. Nagkaroon ng blade sa kamay ni Zero na mabilis niyang itinusok sa dibdib ni Vegas.

Tumigil ang mundo ko dahil kitang-kita ko ang pangyayari. As Vegas gets electrocuted ay kasabay nito ang unti-unting pagkaubos ng buhay niya sa kaniyang health bar. Hindi ako nakakilos dahil balewala lang din naman kung susugod pa ako dahil hawak na ni Zero ang laro.

"Good game." Sabi ni Vegas at ngumiti sa akin. I also smiled to him. We gave our everything.

No regrets.

Noong naubos ang buhay ni Vegas ay naglaho na siya sa game.

[Orient Crown] Vegas was eliminated by [Daredevils] Zero!

Isang malakas na announcement ang umalingawngaw sa paligid. Napatigil kami nila Zero dahil wala itong naging kasunod na anunsiyo. Suppose to be ay ia-announce na sa game na panalo ang Daredevils pero walang announcement na nangyari.

"Hindi pa tapos ang laban!" Pare-parehas kaming napalingon kung saan nanggaling ang isang malakas na sigaw. Bumabagsak mula sa mataas na palapag ng isang bahay si Rufus habang nakatutok ang baril niya kay Lost_Scroll.

Hindi siya nag-heal. Rufus took the opportunity a while ago na umalis sa labanan at ginamit niya iyong pagkakataong upang maikutan si Lost_Scroll dahil walang pumoprotekta ngayon dito.

Hindi si Vegas ang keyholder namin.

Si Rufus.

But how?!

Napatingin ako kay Zero na akmang mabilis na tatakbo tungo sa direksyon ni Lost Scroll. Tumayo ako and slammed his body using mine dahilan para mapagulong siya sa sahig.

Lost_scroll use another skill—Dark orb. Oh God, this is bad. Masakit ang damage ng skill na iyon.

Hindi natinag si Rufus at dire-diretso lang sa direksyon ni Lost_Scroll.

Lost_Scroll fired the skill towards Rufus direction at kitang-kita ng mata ko na tumama ito kay Rufus.

Nabalot ng makapal na usok ang buong paligid. Napahinto kami nina Zero. "Paanong nabuhay siya sa skill na iyon?" tanong ni Zero.

Lumabas mula sa makapal na usok si Rufus na suot ang Holy Black Cape. He used it's passive skill na kung saan walang bisa ang kahit anong atake sa loob ng ilang segundo. Hindi nabawasan ang buhay ni Rufus.

"Dion! Gawin mo na!" I shouted at tumayo upang magpatugtog sa violin ko. I used a skill that will enhance his Critical attack and critical rate.

Malakas niyang sinipa ang mukha ni Lost_Scroll para mapigilan ito sa paglikha ng kahit anong spell.
"Explosive shot!" Tinutok niya ito sa katawan ni Lost_Scroll and a bullet with an explosive hit to Lost_Scroll. Sinundan pa ito ng sunod-sunod na putok ng baril na sinigurado ni Rufus na hindi niya sinayang ang ISANG pagkakataon na iyon.

Humihingal kaming lahat noong makita naming unti-unting maglaho si Lost_Scroll sa laro.

[Daredevils] Lost_Scroll was eliminated by [Orient Crown] Rufus!

Humihingal akong napaupo at napatingin ako kay Zero na ibinagsak niya ang katawan niya sa sira-sirang lapag. Humihingal siyang tumingin sa akin. "Nice game."

[Orient Crown] Rufus successfully eliminated the keyholder of Daredevils! Orient Crown won the match!


PAGKATANGGAL ko ng nerve gear ko ay nakakabinging sigawan mula sa mga tao ang narinig ko. Inikot ko ang mata ko sa paligid ko ay kitang-kita ko ang tuwa sa kanilang mga mata sa magandang laban. As a player, malaking bagay na na-hype namin ng ganito ang mga nanonood sa amin. It means that we all performed well at na-satisfy silang lahat sa laban kahit ano man ang naging resulta.

"Nanalo tayo!" Malakas na sigaw ni Noah at mahigpit na yumakap sa akin. Napatingin kami kay Dion na kakatanggal lang din ng nerve gear. Maging siya ay nagulat sa reaksiyon ng mga tao.

"We won!" I shouted nagtatalon-talon kami sa tuwa at pumamilog at niyakap ang isa't isa.

Hindi ko maiwasang maiyak dahil pinagpaguran namin ito. Worth it 'yong mga naranasan namin dahil aabanse pa rin kami para sa susunod na round ng competition.

"Wow! Orient Crown just won against Daredevils!" Hanz announced. "Grabe! Kung aware lang ang mga players sa kung anong kaba ang ibinigay ninyo sa aming lahat dito sa arena. Baka nga hindi lang sa arena at maging sa mga nanonood ng livestream natin! Parang grand finals na ang pinanood naming lahat. Tuloy pa rin ang laban ng Orient Crown para maiuwi ang kampionato habang magtatapos na ang laban ng Daredevils as fourth placer of this season."

Hindi mapigil ang luha ko sa tuwa. "Bakit ka umiiyak?" natatawang sabi ni Dion at mahigpit akong niyakap.

"Ikaw din, umiiyak ka." Ganti ko sa kaniya. I mean, ang laking bagay nito. Ang laking bagay na aabanse at lalaro pa rin kami hanggang bukas.

"Sabi ko sa inyo, bubuhatin ko kayo, eh." Nakangiting sabi ni Callie at ginulo-gulo ni Larkin ang buhok niya.

Napatingin ako sa direksyon nila Thaddeus. He is comforting his team mates. Noong nagtama ang tingin namin ay nag-thumbs up lang siya na parang kino-congrats kami.

"Daredevils! Daredevils!" Isang sigaw ang unti-unting lumakas sa studio habang nakatingin sa team nila Thaddeus. Thaddeus watched the people cheering on them.

"Daredevils!" Maging kami ay nakisigaw. Pumuwesto sa gitna sina Thaddeus at nag-bow sa mga tao.

Oo, malungkot sila na natalo sila pero kita kong kahit isa sa kanila ay walang pagsisisi dahil ibinigay din nila ang lahat ng makakaya nila sa match na iyon.

Iniabot ni Hanz ang mic kay Thaddeus para magbigay ng mensahe sa mga sumuporta sa kanila.

"Hmm... Actually hindi ko alam ang sasabihin ko," Thaddeus chuckled but everyone cheered for him. "Sa mga sumuporta sa Daredevils, gusto kong magpasalamat sa inyo. Sa mga sponsors na nagtiwala sa amin. Lalo na sa management namin na hindi kami sinukuan."

"Fourth place." He sighed. "Malayo ito sa dating puwesto namin na second place. But it's a lesson for us to strive harder. Balang-araw, makikita ninyo ako na hawak ang trophy. Babawi kami sa season 5, hindi ito ang huling beses na makikita ninyo kami sa mga tournament!" Yumuko si Thaddeus at yumuko rin ang mga kagrupo niya.

Malakas kaming nagpalakpakan.

Pinapunta na kami sa backstage at pagkarating dito ay mas lumakas lang ang iyakan naming lahat. I mean, this is the fruit of all our hardworks. Kasama kami sa tatlong team na lang na natitira sa kumpetisyon. We are still running for being the grand champion.

"Akala ko ay talo na tayo noong na-eliminate si Callie." Pag-amin ko at um-agree sina Larkin.

"Kami man, ako tinanggap ko na talaga na fourth place tayo." Sabi ni Larkin.

"Wala kayong bilib sa akin, eh." Callie flexed his biceps. "Pero last minute na changes lang iyon. Noong nag-usap kaming dalawa ni Dion bago ang match ay naisipan kong siya ang gawing keyholder. Kaming dalawa lang ang nakakaalam kasi matalinong tao si Thaddeus. Mas kaunti ang nakakaalam, mas maiiwasan ang error. Effective naman, nanalo tayo!" Callie shouted.

Nakatingin ako kay Dion na pinahid ang luha niya. Napatingin siya sa direksyon ko at natawa. "Huwag mo akong tingnan, mukha akong tanga kapag umiiyak." Reklamo niya.

Lumapit ako sa kaniya at tumingkayad para maabot siya. Ginulo ko ang buhok niya.

"Congratulation, best core."

Dion smiled. "Malayo pa ako sa pagiging best core." Pagtanggi niya.

"Ano naman? Para sa akin ay best core ka. Ikaw ang dahilan kung bakit aabanse pa tayo sa susunod na laban." Paliwanag ko sa kaniya.

Habang nag-uusap sila ay pumunta muna ako sa CR para makausap sina mom (Since ito ang tahimik na parte ng arena). Cinongrats lang nila at sinabi sa akin na manonood sila bukas sa Grandfinals. Kahit sila kuya ay tuwang-tuwa ay proud na proud sa akin.

I am just happy that I made my parents proud. That's the goal, always make them proud.

Pagkalabas ko sa CR ay nakita ko si Thaddeus na kalalabas lang din sa CR. Nagkatinginan kaming dalawa. Mugto ang mata ni Thaddeus.

Bahagya siyang natawa para mawala ang awkward atmosphere sa pagitan naming dalawa. "Bakit ganiyan ka makatingin? Ngayon ka lang nakakita ng lalaki na galing sa iyak?"

"Nice game, Thaddeus." Nakangiti kong sabi sa kaniya. I offered my hand.

Tiningnan ito ni Thaddeus at kinamayan ako. "Congratulation. Hindi ito ang huling beses na maglalaban tayo. Babawi kami sa inyo."

Tumalikod si Thaddeus at naglakad na paalis. "Ipanalo ninyo ang tournament. Sa paraang iyon ay hindi nakakahiyang matalo sa inyo." Sabi niya. He just waved his hand at inilagay din agad sa kaniyang bulsa.

"Pa-cool si Gago." Nagulat ako noong biglang may magsalita—si Callie na nakasandal sa pader.

"He is a great player." I informed him.

"Tumango si Callie, magaling siya. Pero mas magaling pa rin naman ako. More practice pa kamo." Biro ni Callie at napairap ako sa ere.

"Pero sa totoo lang, magaling naman talagang player si Thaddeus. Noong nakaraang season, kung nakalaro lang siya noong grand finals ay baka sila na ang champion. He have more than what it takes to become a grand champion." Paliwanag ni Callie sa akin habang pinagmamasdan namin si Thad na naglalakad papalayo.

"Balang-araw, sasang-ayon din sa kaniya ang panahon. Siya namang ang magtataas ng trophy sa harap ng libo-libong tao." Sabi ni Callie sa akin.

It was a great game against Daredevils. Pero mas may kailangan pa kaming paghandaan dahil Phantom Knights at Black Dragon ang natitira pa naming kalaban sa kumpetisyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top