Chapter 147 Orient Crown VS. Daredevils IV
Please be advise that I will not do an update this January 19-22 to celebrate my birthday. My next update will be on 23 (monday).
Twitter hashtag: #HunterOnline or mention me @reynald_20
Votes and comments are highly appreciated.
PS. Mahaba talaga ang laban nila against Daredevils
MABAGAL ang ginagawa naming pag-abanse habang palingat-lingat sa paligid. Vegas is leading the way dahil siya ang pinakamakunat sa amin. Nasa mataas kami na bahagi ng bangin at noong sumilip kami ay nakita namin ang isang member ng Daredevils– si Revelusyon na siyang nag-eliminate kay Rowbinhood.
Mula sa bangin ay natatanaw na namin ang daan papasok sa siyudad. "Skorpion at Knightmare, kayo na ang bahala na lituhin ang isa pang bantay." Utos ni Vegas. Tumakbo na papaalis ang dalawa habang naiwan kaming lima rito.
Kung may mage lamang kami rito ay maaari namin siyang bigyan ng surpresang atake na may malaking damage kaso ay wala si ShadowChaser dito dahil na-trap siya sa loob ng siyudad. Mabilis akong nag-isip ng plano para kahit papaano ay matulungan si Vegas sa pag-lead.
"Nodaichi, kaya mong lumapit sa puwesto niya ng hindi napapansin?" tanong ko kay Oppa. "Papaputukan siya ni Rufus ng baril tapos bigyan mo ng surprise attack. In that, way hindi siya magkakaroon ng oras na ma-inform ang ka-team niya tungkol sa ambush." Paliwanag ko sa kaniya.
Mula sa kinatatayuan namin ay pinagmasdan ni Nodaichi ang paligid at naghanap ng posibleng blind spot para sa kalaban. "Kaya naman." He informed us.
"Gusto mo bang samahan ka pa ni Esquire? Backup lang?" I asked.
Umiling si Nodaichi. "Mas madali akong makakakilos mag-isa. Kung malagay ako sa alanganing sitwasyon ay doon ninyo na lang ako sundan." sabi niya at umalis na rin.
Nakamasid lamang kami nila Vegas sa kaniya habang si Rufus naman ay ipinosisyon na ang kaniyang baril para target-in si Revelusyon. "Huwag siya 'yong tamaan mo. 'Yong puno sa katabi niya." sabi ko kay Rufus dahil mas mabubulabog siya sa ganoong paraan at mas magpa-panic.
"Yes, Captain." Ikinasa niya ang baril.
[Orient Crown] Nodaichi: already in my position. Waiting na lang sa signal ninyo.
[Orient Crown] Vegas: Kapag may narinig kang gunshot. That's the signal. Mage lang 'yan, kaya mo na 'yan big boi ka na.
[Orient Crown] Knightmare: naol big boi.
[Orient Crown] Shinobi: Focus ka diyan.
Palingat-lingat sa paligid si Revelusyon. "Five... four..." I started the countdown at humingang malalim si Rufus. Naka-focus lang siya sa pag-asinta sa puno. He is planning to use his skill para siguradong mapuputol ang puno. "Three... two... one."
Rufus fired a raging bullet malapit sa puno ni Revelusyon. Mukhang nagulat siya sa nangyayari which is sumasang-ayon sa plano. Mabilis kaming kumilos nila Vegas pababa.
Bumagsak ang puno na iniwasan naman ni Revelusyon. Naiwasan niya man ito ay hindi niya naman naiwasan si Nodaichi na tumatakbo patungo sa kaniyang direksyon.
Nodaichi used his skills to rapidly swing his sword. Pinaputukan pa ito ni Dion ng ilang beses hanggang sa maubos ang buhay nito. Bago ma-eliminate si Revelusyon ay may inihagis siya papaangat. Napatingin kami rito.
Fireworks.
[Daredevils] Revelusyon was eliminated by [Orient Crown] Rufus!
"Nagbigay siya ng signal sa lahat ng ka-team niya. Aware na sila sa location natin." Nagmamadaling tumakbo si Vegas papasok sa siyudad na bahagi ng mapa.
Nakasunod kami kay Vegas. Pagkapasok namin sa sentrong parte ng mapa ay may bumubulusok na fireball ang tumutungo sa direksyon namin. "Sa likod ko!" Vegas shouted and using his hammer, he smashed the road at may mga lupang umangat mula rito.
Pumosisyon man ako para tumugtog sa violin ko para ma-enhance ang magic defense ng lahat. "Nice follow up, Captain." Nakangising sabi ni Vegas.
Nasangga ni Vegas ang fireball at nadurog ang lupa na pinangsangga niya. May mga debris na tumama sa mga kasama namin ngunit hindi naging ganoon kalaki ang damage dahil sa ginawa kong pag-buff sa aking mga kasama.
Napahinto kami sa pagtakbo. Nawala ang makapal na usok dahil sa pagsabog. Napaangat ako ng tingin kung saan nanggaling ang pagsabog. Galing ito sa isa sa mga matataas na building sa mapa na ito. Nakaupo si Zero (Thaddeus) sa edge ng building habang nakatayo sa likod niya si Lost_Scroll at si Beezlebub.
Nakatingin kaming lima sa kanilang tatlo. Dito, sa sentrong parte ng isla na ito ay mangyayari na ang pinakamalaking laban namin against Daredevils.
[Orient Crown] Knightmare was eliminated by [Daredevils] Djinn
[Daredevils] Djinn was eliminated by [Orient Crown] Skorpion.
"Paniguradong papunta na rito ang ibang members ng Daredevils." sabi ni Vegas sa amin. "Hindi tayo puwedeng magsama-sama dahil ma-ambush lang tao."
"Ako, si Rufus, at si Vegas ang sa kanang bahagi ng siyudad at kayo na Esquire at Nodaichi ang bahala sa kaliwa." I informed them.
[Orient Crown] Shinobi: ShadowChaser, kapag feeling mo ay safe ka ng lumabas ay sumama ka kanila Nodaichi.
[Orient Crown] ShadowChaser: Noted, Captain.
[Orient Crown] Genesis: Will heal myself for the meantime. Sunod ako sa inyo.
Tumakbo na kami nila Vegas sa kanang bahagi. Lost_Scroll continue to shoot a fireball in the whole place. Mabuti na lamang ay may mga bahay at mga establisyimento na nakaharang mula sa kalsadang tinatakbuhan namin kung kaya't dito tumatama ang mga skills nito.
"Hindi talaga nila tinitipid ang skill nila." Sabi ni Rufus at iniharang ang kamay niya noong may malaking debris ng bato ang muntik tumama sa kaniya. Mabuti na lamang ay nadurog ito ni Vegas using his hammer bago pa tumama kayo Rufus.
"Ginagamit nilang advantage na sila ang unang nakapunta sa parteng ito ng mapa. Nasa mataas din na building ang tatlo kung kaya't mahihirapan tayo na maabot sila." sabi ko sa kanila. "We need to find a way para makapasok sa building na iyon at makaakyat.
"Huwag." Vegas stated habang seryosong tumitingin-tingin sa paligid. "Kung papasok tayo doon at may mga kalaban pa sa area ay mako-corner lang nila tayo. Mas maigi na pumitas muna tayo ng isa o dalawa bago tayo umakyat doon.
Mabilis kaming tumatakbo at iniiwasan ang mga malalaking bato na bumabagsak mula sa mga establisyimento na tinatamaan ng fireball. "Shinobi," hinatak ako ni Rufus noong muntik na akong tamaan ng bato.
"Thanks." I scanned the place. "11 o'clock, may dalawang members na tumatakbo. Probably a marksman and a fighter."
"Kaya mo pasukin?" tanong ni Vegas kay Rufus.
Rufus smirked. "Ba-back-up-an ninyo naman ako 'di ba?" He asked at mabilis na tumatakbo. Mahigpit ang hawak niya sa dalawang baril niya.
Pinagmasdan ko sila at pinigil ang aking pagtakbo. Humingang malalim at nagpatugtog ng violin. Honestly, I am more enjoying my role right now dahil mas nababantayan ko ang health bar ng mga kasama ko. Mas nakikita ko ang nangyayari sa paligid m, at higit sa lahat ay hindi ako nape-pressure na makakuha ng kill dahil iyon ang responsibility ko noong assassin pa ako.
Empress waltz.
There are music notes that surrounds Rufus and Vegas. It will enhance their defense, speed, and double the speed of cool down of their skills. It will last only for thirty seconds pero sana ay sapat na iyon para makakuha ng kill si Rufus.
Pinaulanan si Rufus ng mga palaso. Na mabilis niyang iniiwasan. Kung matamaan man siya ay hindi ganoon kalaki ang nagiging bawas sa kaniya dahil na rin sa buff na ginawa ko. When Templar (The fighter of other team) tried to slice Rufus using his spear, mabilis na humarang si Vegas.
"Ako ang katapat mo, boy." Nakangising sabi ni Vegas. He spin around and smash Templar using his hammer. Tumilapon papalayo si Templar at tumama ang katawan nito sa pader. Nabagsakan ito ng piraso ng bato dahil sa pagtilapon. "Rufus, focus on the mm!" Vegas shouted.
I watched Rufus on how he swiftly move papalapit sa direksyon ni DeadEye. Kitang-kita ko sa galaw ni Dion na komportable na siya sa current role niya as assassin.
Pakiramdam ko kasi ay isang factor kung bakit kami natalo against Daredevils noong nakaraan dahil iyon ang unang beses na nag-change class kami sa isang professional league. Siguro ay nangangapa pa kami at naninibago pero ngayon makalipas na ang ilang match ay komportable na kaming nakakagalaw with minimal error.
Malakas na sinipa ni DeadEye ang isang basurahan patungo sa direksyon ni Rufus, dumausdos si Rufus sa sahig para iwasan ito. He rolled and aim for Deadeye, pinatamaan niya ng ilang bala ang binti nito dahilan para mapaluhod ito.
DeadEye still try to aim Rufus pero naiwasan ito ni Rufus.
As soon as Rufus reached the location of DeadEye ay mabilis niya itong sinipa sa mukha dahilan para mapagulong ito sa sahig. Akmang babangon pa ito ngunit tinutok ni Rufus ang baril niya sa ulo nito. "Game over." Rufus said at maririnig sa buong paligid ang malakas na putok ng baril.
[Daredevils] DeadEye was eliminated by [Orient Crown] Dion!
"Nice job!" I shouted at nakipag-apir sa kanilang dalawa.
"Hindi pa tapos, kailangan nating ma-eliminate pa itong si Templar." sabi ni Vegas habang nakatingin kay Templar na unti-unting tinatanggal ang mga batong nakapatong sa kaniyang katawan.
Itinutok ni Rufus ang baril niya rito.
Napatingin ako sa anino namin at kataka-talang dumidilim ang paligid. Napatingala ako. "Vegas, shield!" I shouted.
Mabuti na lamang at mabilis nakakilos si Vegas, he smashed his hammer on the ground at may pabilog na bato ang pumrotekta sa amin mula sa malakas na pagsabog. May bumubulusok na malakinh bato ang bumabagsak tungo sa aming direksyon.
"This...is... bad." sabi ni Vegas habang hino-hold anh skill na cinast niya. Halos dalawampung segundo ang ginawa niyang pagsalag sa mga bumabagsak na bato at parte ng mga building bago ito tumigil.
Napatingin kami sa isa't isa at marurungis na ang hitsura namin dahil sa nangyayaring mga laban. Dito sa labang ito ay naramdaman ko ang pssion ng lahat na huwag malaglag agad sa kumpetisyon. Hindi lang sa amin maging sa Daredevils. We are few steps away in trophy and everyone is giving there best.
Tinanggal ni Vegas ang batong humaharang sa amin. Makapal na usok ang bumabalot sa paligid dahil sa mga alikabok ng mga nagbagsakang bato. Napaubo ako dahil sa pangyayari. "Wala na siya." sabi ni Vegas habang nakatingin sa isang direksyon.
Sinundan ko nang tingin ang direksyon na kaniyang tinitingnan. Wala na si Templar sa puwesto niya kanina. "Nagawa siyang itakas ni Zero." komento ko rin.
[Orient Crown] Esquire was eliminated by [Daredevils] Kyodan!
[Orient Crown] ShadowChaser was eliminated by [Daredevils] Kyodan!
[Daredevils] Kyodan was eliminated by [Orient Crown] Nodaichi!
Sunod-sunod na announcement ang aming narinig at mabibigat ang paghinga namin dahil sa pagod. "Kailangan muna natin maghanap ng puwedeng pagtaguan para ma-restore ang health bar natin." Sinabi ko kanila Vegas at tumakbo kami.
Naghagis rin si Vegas ng ilang smoke bomb sa iba't ibang direksyon ng mapa upang mahirapan sina Zero na mahanap kung saan direksyon kami tumungo.
Lumusot kami sa isang eskinita, gamit ang baril ni Dion ay hinampas niya ang isang salamin dahilan para mabasag ito. Tumalon papasok si Vegas at si Rufus. Inalalayan ako ni Rufus na makaakyat. Napaupo ako sa sahig at uminom ng healing potion. Unti-unting nadagdagan ang buhay ko hanggang sa mapuno muli ito.
[Orient Crown] Shinobi: Nodaichi, nasaan ka? Nakatakas ka ba?
[Orient Crown] Nodaichi: Muntik na rin akong ma-eliminate, mabuti na lamang at dumating si Skorpion. Nagtatago kami panandalian.
[Orient Crown] Shinobi: Let's meet in the cathedral in few minutes.
[Orient Crown] Nodaichi: Noted, Captain. Ingat kayo.
Saglit akong nagpahinga at humihingal na tumingin sa paligid. Grabe, lima na lang kaming natitira na buhay sa match ngayon samantalang anim pa sa grupo nila Thaddeus.
Hindi ko talaga alam ang magiging resulta ng labang ito pero kung sakali mang matalo kami... wala akong pagsisisihan dahil ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Hindi kami nagbigay ng pangit na laban.
Tumayo si Vegas at ngumiti. Saglit siyqng nag-unat-unat. "Bakit ganiyan ang mukha ninyong dalawa ni Dion?" tanong niya sa amin. Hinawakan na niya ang hammer niya. "Mananalo tayo." May diin sa sinabi niya.
"Hindi ako papayag na matalo tayo." dugtong pa niya. "Hindi si Thaddeus ang pipigil sa pangarap ko. Hindi ako pang-fourth place lang. Pinanganak ako para laging mag-champion."
Nabuhayan ako ng dugo sa sinabi ni Vegas. Noong makita ko siya na wala pang bahid nang pagsuko ay ginanahan din ako. Naalala ko bigla ang pangako naming dalawa ni Dion na magkasama kaming magcha-champion. Lumingon ako kay Rufus, I offered my hand para tulungan siyang makatayo.
"Laban pa?" I asked him.
He grabbed my hand at tumayo. "Laban pa."
Lumabas na kami mula sa aming pinagtataguan at tumakbo. Ngayong iilang players na lang ang natitira sa battle field, dito na magkakaalaman kung sino nga ba sa Orient Crown o Daredevils ang aabanse sa susunod na parte ng kumpetisyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top